Falling for Miss President

By phantasiaaaaa

4.2K 211 313

❝Hindi naman porket naka-glasses ay matalino na!❞ - Alora Camren. Isa si Alora sa mga taong napagkakamalang... More

Falling for Miss President
2.
3.
4.
5.
6.
NOT AN UPDATE
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.

1.

699 17 4
By phantasiaaaaa

First Encounter

Inayos ko ang suot-suot kong salamin at tumingin sa paligid. Nangunot ang noo ko nang makitang iisang direksyon lang patungo ang mga kasabayan kong students na late din.

Oo, thursday naman na kaya okay lang ma-late. Ano kayang meron? May ceremony ba? Alam ko bukas pa ang flag retreat kasi friday.

"Uy, Alora Mae! Late ka din! Sabi ko na nga ba eh."

Nilingon ko yung tumawag sa'kin. "Na late kasi ako ng gising. 'Di naman ako kagaya mong nagpapa-late talaga" saad ko nang nasa harapan ko na siya.

"Tara na sa room!" Balewalang sabi ni Diya.

"Diya Mae, kita mo bang iisang direksyon lang pinupuntahan ng mga tao?" Alanganing tanong ko sa kaniya.

Wala kasi siyang pake sa paligid niya. Si Diya ang pinakamakulit sa'min at siya din ang sobrang matigas ang ulo. Alam kong madaming naiinis sa kaniya dahil mukha daw siyang mayabang dahil siga nga siya kung kumilos.

Ako, si Alora. Ang pinaka-cute sa'ming magkakaibigan. Grade 12 student na kami at STEM ang kinuha. 17 years old na kami, turning 18 next year malamang.

"Kaartehan lang nila 'yan. Thursday magpapa-ceremony?" Sarcastic na aniya.

Sa university kasi naming 'to ay may ceremony pa din pero buti na lang ay every monday lang ang flag raising ceremony and friday naman ang flag retreat. Hindi ko alam kung ba't naiisip pa 'to ng school eh matatanda naman na kami? Pwede naman siguro gawin nalang sa mga preschool and elementary to junior high school.

"Tara, sundan na lang natin sila" aya ko sa kaniya at hinila na siya.

Nakisabay lang kami sa mga kapwa naming late at napadpad kami sa Auditorium. Eh? Anong gagawin namin d'yan? May event ba?

"Elementary ba tayo para pumila pa?" Tanong ni Diya dahil may pila nga bago ka makapasok sa auditorium.

Sumilip ako sa unahan kung ano ang ginagawa at nakahilera ang mga student council ng senior high school sa gilid at chini-check ang mga uniforms and bags ng mga students.

"Tara, dun tayo sa dulo."

Hinila naman ako ni Diya Mae papunta sa likod ng pila kaya kami na ang pinakahuling papasok.

"Diya Mae, late na tayo tapos dito ka pa pu-puwesto." Saad ko at sumilip ulit.

Medyo mahaba ang pila dahil nga nasa likod kami. Nang unti-unting mag forward ang pila ay halos kalahati na lang bago kami makapasok.

"Anjali Mae! Chanelle Mae!" Sigaw ni Diya.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin at sabay naman naming kinawayan sila Anjali at Chanelle na kaibigan namin at part ng student council.

Natahimik ako nang makitang tumaas ang isang kilay ni Chanelle habang nakatingin sa'min ni Diya. Sabay pa sila ni Anjali na naglakad papunta sa pwesto namin ni Diya.

"Ang aga-aga galit na naman 'yang mukha mo, Chanelle Mae!" Pang aalaska ni Diya nang makarating yung dalawa sa'min.

"Ayusin niyo yung mga uniform niyo" sabi ni Anjali.

"Anong mali sa uniform namin, bes?" Tanong ko at sinipat ang suot ko.

"Proper way of wearing a necktie." Sagot ni Chanelle. Halatang bad mood 'to dahil ang sungit.

Pinakamasungit sa'min si Chanelle kaya once na taasan kami niyan ng isang kilay ay parang maamong tupa kaming tatahimik, nakaka-trauma pag nakita mo 'yang magalit, siya din ang ate sa group namin.

Si Anjali naman ang nanay sa group, masungit din siya pero minsan lang at lalo na pag wala sa mood, pinaka-maalaga sa'min at ang taong ayaw na ayaw naming ginagalit dahil sasabog talaga siya.

"Maayos naman ah."

"Anong maayos?"

"Okay na 'yan. Ang arte niyo naman!" Ani Diya.

"Learn how to follow the rules."

Sabat ng tao sa likod namin. Narinig ko namang napasinghap yung tao sa unahan nang lingunin nila ang pwesto namin. Tinignan ko ang kaibigan ko at nakitang nakanganga si Diya at Anjali, si Chanelle ay  as usual nakataas na naman ang isang kilay.

Sino ba 'yon?

Lumingon ako at halos mapanganga na din ako dahil sa sobrang ganda ng babaeng nasa likuran ko. Madami sila pero siya ang nangunguna dahil mukhang siya ang leader. Mukha siyang may lahi dahil sa ganda ng mukha niya, matangkad din siya kaya nanliliit ako. Sobrang aura ng mukha niya, sinisigaw ang karangyaan sa buhay at ang pagiging strikto.

Pero sino ba kasi siya?

Natutulala ako sa ganda niya. Ito yung mukhang hindi mo pagsasawaang tignan dahil sa sobrang ganda. Nakarinig naman ako ng mga humahangos na paa papunta sa pwesto namin.

"Mi-miss... President" utal na sabi nung babae na dumating. Boses pa lang nito alam ko na kung sino siya, yung president ng student council namin.

"What are you still waiting for? Fix your necktie." Maawtoridad na saad nito habang nakatingin sa'min ni Diya.

Anong Miss President? Sino ba 'to?

Mukha nakabalik na sa wisyo si Diya Mae dahil tumikhim siya at tinignan din pabalik yung Miss President kuno. "Maayos naman ah?" Sagot ni Diya.

Kita kong siniko siya ni Anjali at sinamaan naman ng tingin ni Chanelle.

"Really?" Saad naman nitong babae.

"Uhm...Uh, Miss President and the rest of the Head Student Councils I'm sorry for seeing this, I promise that this will not going to happen again and... We'll take care of them" halata sa boses niya na natataranta siya.

"Wow... Ano bang problema sa necktie namin?" Sinabi ko na si Diya ang pinakamakulit sa'min at siga kung kumilos!

"Ayusin niyo kasi ang necktie niyo, hindi naman dapat bara barang suot 'yan. You are not allowed to just ribbon it the way you do, you should necktie, necktie as in kagaya sa mga lalake." Ani Anjali sa'min at halata sa boses niya na naiinis na siya sa'min.

Lumapit si Chanelle kay Diya at sapilitang inayos yung necktie at ganon din sa'kin. Sinamaan pa niya kami ng tingin bago bumalik sa pwesto niya kanina.

"Bakit kayo naka-ribbon naman?"

Gusto kong bumuntong hininga ng malakas dahil sa walang sawang pagre-reklamo ni Diya. Ang siga niya talaga kahit kailangan! Walang pinipili 'tong babaeng 'to.

"Because they are part of the council. Are you even belong to us?" Singit nung babaeng maganda sa likod ko kaso masungit.

"Ang arte! Susko, discrimination."

Diya! Pwede bang tumigil kana! Hindi ka ba natatakot sa aura ng mga nakapalibot sa'tin? Parang kakainin na tayo ng buhay!

Gusto kong isigaw sa mukha ni Diya 'yan kaso hindi ako makakilos. Tinignan ko naman yung tao sa gilid nitong babaeng dragon at halos malaglag ulit ang panga ko sa ganda nila.

Grabe talaga. May favoritism ba si Lord? Kasi sobrang pinagpala sila sa ganda ng mga mukha nila! 

"It's not discrimination. We do this for identification. You don't know that because you're not listening to the program that happened days ago." Ang tapang naman nito.

Kung makakasagupa 'to sa debate for sure uuwi na agad yung mga makakalaban niya.

Nung monday ba ang sinasabi niyang program? Kasi last subject na sana namin nun nang mag tawag sa gymnasium na may program daw, at sinong students ang nakikinig sa ganun? Malamang yung mga journalist lang.

"How can you say that I didn't listen?"

"Based on your appearance and the way you act." Hah! Tinaasan pa niya ng kilay si Diya at tinignan mula paa hanggang ulo.

"Okay, let's all moved on. Now, please punta na kayo sa unahan and check their bags, kanina pa naghihintay yung mga tao doon." Singit nung babaeng nasa gilid ni Miss President daw.

Gaya ng sabi nito ay nagsi-balikan na sila ng ayos. Pero halos 'di ako huminga nang tignan din ako ng Miss President na 'to, ang tagal ng tingin niya! Hindi na ata tingin kundi titig.

"Uhh..." Iyon na lang ang nasabi ko at nag iwas ng tingin sabay ayos ng salamin ko.

Sabay-sabay naman silang naglakad papunta sa harapan. Kahit sa paglalakad lang sumisigaw ang power nila. Parang mga nag mo-model habang naglalakad.

Nang kami na ang nasa unahan ay chineck na agad ang mga bags namin.

"Walang drugs d'yan" biglang sabi ni Diya.

Bumuntong hininga ako sa sobrang kulit niya. Kung ano talagang maisipan niya ay gagawin niya or 'di kaya ay sasabihin niya.

"We're just checking if may mga matutulis na gunting or bagay" sagot naman nung president ng student council namin, yung mabait ah hindi yung masungit na sumasagor kanina.

"Ah, siya may matulis siyang gunting. Nagbabalak siyang manaksak ng classmate namin." Turo niya sa'kin kaya nanlaki ang mata ko at pinalo siya sa braso.

Umiling iling naman ako habang tinitignan ang lahat ng student council na nandito at nakatitig din sa'kin! Kahit kailangan bwisit 'tong si Diya.

"Wala! 'Wag kayong maniwala d'yan" saad ko habang umiiling.

Bigla nalang tumawa ng malakas si Diya habang nakaturo sa'kin. "Bes, ang epic ng mukha mo! HAHAHA para kang ikukulong!" Aniya at tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa pa din siya ng tawa. Dama ko din ang tingin sa'kin ng mga student councils dito.

"Tangina mo, Diya Mae! Nakakapikon ka." Inis kong sabi at kinuha ko na yung bag ko bago sila iwanan at pumasok ng auditorium.

"Watch your words." Rinig ko pang sabi nung Miss President daw keme.  "Umayos ka nga, Recaforte!" Rinig ko ding inis na sabi ni Anjali pero hindi ko na pinansin.

"Hoy, bes! Joke lang naman ito naman hindi mabiro!" Rinig ko ding sigaw ni Diya na halatang hinahabol ako. "Sorry na! Promise 'di na kita aasarin pag umaga!" Dagdag niya nang makasabay ako at ilingkis ang kamay sa braso ko.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil naiinis pa din ako. May sapak talaga siya sa ulo 'no? Hindi naman ako mapipikon kung hindi nakaka-intimidate yung taong nakapalibot sa'min. Yung feeling ko kaya nun habang nakatingin sila sa'kin ay parang sisistensyahan yung buhay ko.

Loko naman kasing Diya 'to, wala sa lugar yung mga trip sa buhay! Kinabahan ako dun kasi may dala akong gunting, medyo matulis siya at buti hindi na-confiscate at hindi din naman ako mananaksak ng kaklase 'no.

Hinanap ko na lang ang mga kaklase din namin at pumunta sa hilerang upuan nila.

"Busangot ka, babe?" Bungad ni Sofie nang makaupo kami sa tabi niya.

"Inasar ko eh hehehe" sagot ni Diya. "Na badtrip kasi ako dun sa mga student councils."

"Kaya ako ininis mo?" Asar na tanong ko sa kaniya kulang na lang kagatin ko siya sa pisngi sa sobrang inis ko.

"Kasi naman ikaw lang kaya kong asarin dun, kita mo namang halos katayin na tayo ng buhay"

"Nag susungit kasi sila kaya ayusin niyo na dapat yung mga uniform niyo, parang 'di mga babae!" Sermon ni Sofie.

"Wow ha, porket maayos ka manamit ganiyan ka na, 'di ka naman naliligo!" Diya.

Natawa ako sa sinabi niya. Loko-loko talagang babae kahit kailan.

"Hoy! Mamaya may makarinig sa'yo!" Pinanlakihan pa ng mata ni Sofie.

"Oh, 'di ba."

Natigil lang sila sa ginagawa nila nang may mag salita sa stage, kung anu-ano ang sinasabi at dahil normal na studyante lang kami at hindi ako nakinig.

Maya-maya ay may binanggit na pangalan at isa-isa namang umakyat sa stage yung— what the hell! Yung mga babaeng magaganda!

Napanganga ako dahil nalaman kong naging exchange students sila sa branch ng university sa US last year at ngayon lang nakabalik. Kaya pala hindi ko sila kilala dahil last year lang kami napadpad sa university na 'to, nung nag grade 11 kami.

"Bongga naman pala ng mga amazonang 'yan." Komento ni Diya Mae.

Nakatingin lang ako sa stage kung nasaan sila ngayon. Itsura pa lang halatang maawtoridad na.

Pero agaw pansin yung tatlong nasa unahan. Nang ipakilala sila ay doon ko lang nalaman ang pangalan nung babaeng sumasagot kay Diya kanina.

Si Geovana Allegra ang President ng Head of all Student Councils. Itsura pa lang niya halatang sobrang strikta at sungit. Ang ganda niya din sobra!

Sunod sa kaniya, si Arcane Allegra ang Vice President ng Head of all Student Councils. Nakakakilabot kung tumingin dahil sobrang walang emosyon. Ang tahimik din niya at halatang masungit at mabilis mairita.

Tabi niya si Xirano Allegra ang Secretary. Siya yung kaninang nagsabi na mag moved on na daw, mukha siyang madaldal pero nandoon talaga sa tindig ang pagiging masungit.

The rest ay pinakilala na pero sa kanilang tatlo lang ang binigyan ko ng pansin. Sila kasi ang sobrang nangingibabaw para sa'kin, biruin mo 'yon tatlong Allegra nasa pinakamataas na posisyon.

Para silang mga reyna ng school ah. Sila din talaga ang literal na nangingibabaw dahil sa tangkad nila, may lahi talaga siguro sila. Si Arcane ang pinakamatangkad sa kanila, para sa'kin ito din ang lamang sa ganda dahil kahit walang emosyon ay pantay pa din sa ganda nung dalawa. Sunod si Geovana, pangalawa sa matangkad at huli si Xirano sa tangkad, pero matangkad pa din. Silang dalawa din ang magka-pantay ng ganda.

Tinitignan ko lang sila nang biglang mahagip ng mata ko si Geovana na bigla ding napatingin sa'kin.

Sa'kin ba or duling lang ako?

"Bes, namumukhaan ata tayo ng mga 'yan" bulong ko kay Diya kasi nakatingin pa din sa'kin or sa'min si Geovana.

"Oo nga, nakatingin sila sa'tin"

"Ha?!"

Anong nakatingin na sila sa'min?

Napatingin ako ulit sa stage at nakitang lahat nga sila ay nakatingin sa pwesto namin ni Diya! Shet baka parusahan kami ng mga 'to sa nagawa naming eksena kanina?

"Kasalanan mo talaga 'to, Diya Mae!" May diing bulong ko sa kaniya.

-----

Natapos ang ganap sa auditorium at nandito na kami sa classroom. Second subject na namin at nakakainis dahil Statistics siya. Hindi ko alam kung sinong matinong tao ang ilalagay ang math sa mga unang subjects.

"Paano tayo nito?" Biglang tanong ni Diya.

May pa quiz pa kasing nalalaman si Ma'am ang hirap kaya ng subject niya. Tsaka grabe naman 'yon siya ang naging first subject namin today dahil nga may ganap sa auditorium, fresh pa utak namin sa umaga tapos mag papa-quiz siya.

"Nand'yan naman si Sofie Mae" sagot ko sa kaniya.

Matalino kasi ang mga kaibigan ko lalo na pagdating sa mga major subject namin kaya 'di nakakapagtakang laging nasa ranking. Kami ni Diya parehong mahina sa Statistics hindi ko alam kung ba't ayaw maintindihan ng utak ko ang math.

Kinalabit ni Diya Mae si Sofie na busy sa pakikinig sa harap. "Hoy! Sofie Mae, pakopya kami" parang bata na naiiyak si Diya.

"Bakit kasi 'di kayo nakinig?" Tanong naman niya.

"Bebs, alam mo namang kahit anong kinig namin walang pumapasok sa utak namin" saad ko.

Sasagot pa sana si Sofie nang biglang magsalita yung teacher namin sa Statistics. Tapos na ata siyang mag discuss dahil may hawak-hawak na siyang papel, para ata sa quiz.

"Okay, i'll give you five or ten minutes to review for our quiz for today." Aniya at tumingin sa relong suot niya. "You can start now."

"Sofie Mae..." Sabay naming sabi ni Diya habang nakatingin sa kaniya.

"Sige ganito, alam niyo namang nag ro-roaming 'yan si Ma'am pag ganitong may sasagutan." Sabay naman kaming tumango ni Diya sa kaniya. "May five to ten minutes naman so tuturuan ko kayo, you need to memorize the equations para madali lang."

Gaya ng sabi ni Sofie, tinuro niya muna sa'min ang mga equations and we need to memorize it, nang matapos ay sunod niyang tinuro ang diniscuss ni Ma'am kanina.

"Huh? Pa'no nakuha yung ano?" Tanong naman ni Diya.

"Ganto..." Tinuro ulit si Sofie ng dahan-dahan para maintindihan namin hanggang sa matapos yung oras.

"Okay, times up! Get one and pass." Sabi ni Ma'am at nag distribute ng answer sheet. "You can answer it for thirty minutes only." Ani Ma'am at nang tumango siya ay nag start na kaming mag sagot.

Natapos ang klase namin sa umaga kaya lunch break na ngayon. Lumabas na kami ng room tatlo at nagtungo sa canteen.

"Teka, paano pala yung dalawa?" Tanong ni Sofie habang pababa kami ng hagdan.

Ayaw namin mag elevator dahil madaming tao na mas ginugusto 'yon kesa mag hagdan. Samu't saring amoy na sa loob ng elevator.

"Chinat ko na, sabi ni Anjali Mae mauna na lang daw tayo, sunod daw sila" ani Diya.

Nang makarating sa canteen ay halos mawalan ako ng gana dahil ang daming tao at ang haba pa ng pila. Kulong kulo na tiyan mo 'di ka pa din nakaka-order.

"Mamaya na lang tayo order, masyadong maraming tao. Hintayin na lang natin sila sa may bench" sambit ni Sofie at lumabas ulit ng canteen.

Dahil follow the leader ay sumunod kami ni Diya sa kaniya. Naupo kami sa bench at naglibot lang ng tingin. Halos thirty minutes na kaming nakaupo pero pakiramdam namin ay marami pang tao sa canteen kaya nag stay ulit kami.

"Tangina bebs nagugutom na ako" Diya.

Siya kasi ang pinakamabilis magutom sa'min, kain 'yan ng kain kaya walang natitirang pera sa kaniya at 'di siya makapag-ipon.

"Tara, doon na nga lang tayo sa building ng college." Badtrip na sabi ni Sofie.

"Oo nga 'no, dapat kanina mo pa sinabi 'yan! Nag aksaya lang tayo ng thirty minutes dito!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Eh sa ngayon ko lang naisip!"

Sabay-sabay kaming pumunta sa malapit na cafeteria sa college. Halos mapairap ako nang harangin kami ng isang student council.

Student Council na naman!

"Sorry pero senior high school kayo 'di ba? Doon kayo sa canteen niyo." Aniya.

"Ikaw din naman senior ah? Bakit ka nandito?" Diya.

"Uhm, please kakain lang kami. Masyado kasing madaming tao dun and we can't order food until now, we're starving." Pakiusap ni Sofie.

"Hays, sige na nga. Akin na I.D niyo and dito din kayo dadaan pabalik para makuha niyo 'to." Tumango na lang kami sa kaniya at nginitian siya.

Nang mabigay namin sa kaniya yung I.D namin ay pinadaan na niya kami. Finally! Makakakain na din!

"Wow, Sofie Mae best actress ka talaga! Masyado kang magaling magpa-awa!" Saad ni Diya.

"Well," napakahangin talaga ni Sofie.

Nang makarating sa cafeteria ng college ay agad kaming pumasok. Parang kinikilig ako kasi makakakain na ako sa wakas.

"Ano oorderin niyo?" Nakangiting tanong ni Sofie nang makapasok kami.

Himala ang tahimik, ngiting tagumpay kami ni Diya dahil gustong gusto naming kumakain sa tahimik na lugar.

"Libre mo ba?" Sabay naming tanong sa kaniya.

"Ang kapal niyo! Mayaman naman kayo 'di ba?" Sofie.

"Anong mayaman? Bebs, ako mahirap sa inyong tatlo kaya ako na lang ilibre mo 'wag na 'yan si Alora Mae kasi mayaman naman 'yan" haba ng sinabi ni Diya hays.

"Oh my! Chanelle Mae! Anjali Mae!" Tili ni Sofie kaya napapikit kami.

Napakatinis ng boses niya pag tumitili masyadong masakit sa tenga!

Tinignan naman namin ang pwesto nung dalawa at halos mamutla ako nang makitang nakatingin ang kasama nila sa'min.

"B-bes..." Alanganing sambit ni Diya. "T-tara, b-balik tayo..." Diya added and hold my wrist, ganun din ang ginawa niya kay Sofie.

Nanghihilain na niya kami ay siya namang pagpiksi ni Sofie, "What are you doing, Diya? I'm already starving. Let's eat na!"

"B-bes, 'wag na lang dito." Bulong ni Diya.

"Why? Hoy! Diya Mae, we're already here kaya let's eat na and Anjali Mae and Chanelle Mae are here too!" Gusto kong bigwasan si Sofie dahil ang lakas ng boses niya at ang arte niya pa magsalita.

"Bebs, nasa pinas ka tigilan mo kaka-english mo." Diya.

"What are you doing here?" Tanong naman ni Anjali sabay tayo sa table nila at lumapit sa'min.

"Kakain malamang!" Kahit kailan talaga si Diya!

"College lang ang pwede dito, and where's your I.D's?"

"Ang KJ mo naman, Anjali Mae! Malamang madaming tao dun sa canteen natin kaya dito kami. Kinuha naman nung isang student council yung mga I.D namin kaya nakapasok kami dito." Diya.

"Please, Anjali Mae. For once, stop being so strict! Gutom na kami kanina pa, we're waiting nga doon sa canteen and hindi maubos yung tao thirty fucking minutes na kaming naghihintay and still we can't even order!" Dahil sa best actress sa pagpapaawa si Sofie Mae ay wala ng nagawa si Anjali kundi hayaan kaming mag order.

Bumalik si Anjali sa table nila kasama ang head if student council. Iiwasan ko sanang tumingin sa kanila kasi I know na nakatingin sila sa'min kaso... Nami-miss ko si Chanelle Mae, ilap siya sa'min these past few days.

Ngumiti ako kay Chanelle sabay kaway sa kaniya at ang bruhang pinaglihi sa sama ng loob ay tumango lang sa'kin! Ugh napakasama ng ugali!

Iiwas ko na sana ang tingin ko nang mahagip ko si Geovana! Nakatingin din siya sa'kin— I mean sa'min hanggang sa makarating kami sa counter.

"Anong sa'yo?" Tanong sa'kin ni Diya kaya naalis ang tingin ko kay Geovana.

"Ahm..." I don't know what to say! Tumingin ako sa menu nila pero wala akong mabanggit.

Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko, ba't naman kasi titingin sa'kin si Geovana? Ang kabog ng dibdib ko! Siguro dahil sa kaba? Oo... Siguro dahil sa kaba!

"Sige, bes. Kaya mo 'yan"

"I-ikaw na lang mag order sa'kin" saad ko kay Diya.

"Libre mo ba ako?" Tanong niya. Wala sa sariling tumango ako.

Pakiramdam ko sinilaban yung mukha ko kasi ang init niya! Dama ko ang init ng mukha ko.

"Nangyari sa'yo? May sakit ka ba?" Kunot noong tanong ni Sofie at sinipat yung leeg at noo ko. "Wala ka namang sakit, bakit ka namumula?" She added.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ako namumula? Why?

"A-ah, ano! Kasi mainit, you know it's really kinda hot here since tanghali na" ngumiti ako sa kaniya para mas lalong maniwala sa'kin.

"Okay" buti na lang mabilis maniwala 'tong si Sofie, uto-uto kasi siya kaya ganun.

Nang makuha namin yung order ay pumunta kami sa table namin. "Hi, guys!" Bati ni Sofie sa kanila.

"Tangina talaga ni Sofie Mae 'no?" Bulong sa'kin ni Diya kasi naman bakit sa lahat ng table na mapipili ni Sofie, yung tabi pa ng table ng mga dragonang babaeng 'yon.

"Minsan naiinis din ako sa pagiging friendly niyan, napapahamak tayo" bulong ko din.

"Ang bagal niyo namang dalawa, upo na!" Inirapan ko si Sofie dahil chillax lang siyang nakaupo sa tabi nung table nila. "Hey, can we borrow Chanelle and Anjali for a moment? Hehe" walang hiyang Sofie! Kinausap pa yung mga 'yon.

"Sure," sagot naman ni... Omg! Ni Xirano! Sobrang ganda talaga niya sa personal! Bahagya pa siyang ngumiti.

Bumibilis na naman tibok ng puso ko... Ano ba 'to? Kinakabahan ako sa presence nila? Wala na kaming nagawa ni Diya kaya umupo na kami sa table na napili ni Sofie, tumayo na din sila Chanelle sa table nila at lumipat sa'min.

"Hey, Chanelle Mae. You have problem ba? Seems like you're so aloof to us these few days" ani Sofie.

"Wala naman" simpleng sambit ni Chanelle.

"Sus, bes! Kung galit ka sa'min sabihin mo! Hindi yung lalayo ka bigla d'yan!" Diya.

I know that Diya and Chanelle are friends since they were young. Normal lang naman na ganito si Chanelle, there are times na nga even si Anjali ganun sa'min kaya nakasanayan na namin. Pero iba lang talaga mag drama si Diya, that's why.

"Hindi ako galit, ba't naman ako magagalit?" Taas isang kilay na tanong ni Chanelle Mae. "Unless... May ginawa kang ikagagalit ko" she added.

"Hoy! Wala akong ginagawang masama 'no!" Maang naman ni Diya.

"Eh, kung may problema ka nandito naman kami, what are friends for? Ikaw, Chanelle Mae ha!" Saad ko.

"Baliw! Tigilan niyo nga kakatawag sa'kin ng Chanelle Mae!" Inis na turan niya.

"Kaya nga, puro kayo Mae kahit wala namang Mae sa pangalan natin." Ani Anjali.

"Alam niyo naman kung ba't kami hindi nakakasama sa inyo 'di ba? Busy kami, hindi sa nilalayuan namin kayo." Dagdag pa ng Nanay namin sa group.

"Oo nga, alam naman naming busy kayo" ani Diya.

"Alam niyo naman pala kaya 'wag ka na mag inarte d'yan." Chanelle.

"Grabe! Chanelle Mae! Nakakahurt! Parang hindi tayo naging mag kaibigan ng ilang taon ah!" Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Diya.

"Simula bata alam ko na bah— Aray! Infairness ang sarap!" Natawa kaming lahat kasi pinasakan ng tinapay ni Chanelle yung bunganga ni Diya oara matahimik.

"Tigilan mo kaya kakalaklak 'no? Parang mega phone 'yang bunganga mo." Saad ko naman.

"Recaforte, how many times do I have to tell you that stop adding Mae to my name?" Inis na sabi ni Chanelle.

Natawa naman ako kasi ayaw na ayaw niya na dinadagdagan ng kung anu-ano ang pangalan niya. Trip trip lang talaga namin mag dagdag ng Mae sa pangalan ng isa't isa.

"Ayaw mo? Okay, edi Chanelle Marie na lang!" Ngiting tagumpay si Diya. "Bongga 'di ba? Chanelle Marie, Anjali Marie, Alora Marie, Sofie Marie!" At tumawa siya ng pagkalakas-lakas.

"Diya Marie, alam mo may oplan kami" sabi ni Sofie.

"Ano naman?"

"Oplan dalhin si Diya Marie sa mental" saad ko.

Sunod-sunod naman ang tawa ng mga kaibigan ko. Rinig ko din ang ibang nagtawanan sa katabing table. Hindi naman malakas boses ko sadyang magkatabi lang table namin kaya rinig din nila pinagsasabi namin.

Tumingin ako sa table nila para sana tignan kung sino yung mga tumawa kaso... Kaso unang bumungad sa'kin si Geovana na nakatingin sa'kin! Iniwas ko ang tingin sa kaniya at kay Arcane naman nalipag ang tingin ko, gaya niya nakatingin din ito sa'kin. Si Xirano naman ay nasa tabi ni Arcane.

Hindi naman ako namamalikmata 'no? Nakita kong ngumiti si Xirano tapos yung dalawa naman ay bahagyang ngumisi habang yung mga tao sa paligid ay tumatawa pa din.

Shet! Naaliw sila sa sinabi ko? Weh? Tinignan ko si Diya na ang sama ng tingin sa'kin kaya wala sa sariling ngumiti ako at binalewala ang kabog ng dibdib ko.

"Napakasama ng ugali niyo talaga!" Sabi ni Diya at umirap.

"HAHAHAHAHA tama na nga" sabay na tawa at sabi ng tatlo.

Tumigil na sa kakatawa si Anjali at si Sofie pero itong si Chanelle hindi pa din.

"Wow, Chanelle Mae tuwang tuwa?" Napipikon na sabi ni Diya kaya lalong tumawa si Chanelle.

Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniyang tumatawa, ang ganda talaga ng kaibigan ko kahit stress na sa buhay.

"Ang pangit mo" natatawang sabi niya kay Diya.

"Wews porket maganda siya" ani Diya and this time ay si Chanelle naman ang natigil sa pagtawa at si Diya ang tuwang tuwa. "Ayaw talagang sinasabihan ng maganda, sus!"

"Nga pala, balita ko may quiz kanina sa Stat?" Change topic ni Anjali dahilan para tumigil sa pagtawa si Diya tapos ang tumawa naman si Sofie.

"Nice question, Anjali!" Ngiting sabi ni Sofie.

"Kamusta naman quiz niyong tatlo?" Tanong ni Chanelle.

"Ayon... Hehehehe" ngiti kong sabi. Naman! Sa lahat ng bagay iyan pa itatanong.

"Alam mo, nagmo-move on nga kami ni Alora Mae d'yan eh. Malamang sa malamang sa'ming tatlo si Sofie Mae lang ang nakapasa." Si Diya.

"Bakit naman? If I know tinuruan kayo ni Sofie" Si Chanelle.

"Ayon nga eh, tinuruan niya kami bago nag quiz kaya nagets namin kasi andali. Tapos pag dating sa quiz ang hirap ng mga tanong!" Saad ko.

Gusto ko ngang maiyak kanina kasi ang hirap ng quiz, anlayo sa diniscuss ni Ma'am badtrp!

"True! Ayan na ang sakit nila. Ang dali dali ng tinuturo pag pag nagpasagot ang hirap!" Gatong ni Diya.

"Pag aralan niyo ng mabuti yung mga tanong and starts practicing para mahasa kayo" suhestiyon ni Anjali.

Natapos ang lunch break at ang klase namin ngayong araw kaya sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng campus.

"You sure, ayaw niyong magpahatid?" Tanong ko sa kanila.

"Ano ka ba, huwag na!" Sabi ni Anjali.

"Eh, hapon na. Mga anong oras kayo makakauwi?" I asked.

"Hatid na namin kayo, rush hour na and traffic." Ani Sofie.

"Malalaki na kami, 'wag niyo na kaming alalahanin" Ani Diya.

"Sure kayo?" Sabay na tanong namin ni Sofie.

"Hundred percent sure!" Sabay nilang sabi sa'min.

"Okay..." Labag sa loob kong saad. Gusto ko talaga silang ihatid sa mga bahay nila kasi anong oras na din at mahirap na mag commute.

"Mag cchat kami kapag nakauwi na kami" sabi ni Chanelle at niyakap kaming dalawa ni Sofie.

"Mag chat kayo ah, take care!" Sabi ko at kiniss silang tatlo sa cheeks.

"Ingat! Call niyo agad kami in case ah?" Paalala ni Sofie before she kissed the three on the cheeks.

"Naghihintay na mga driver niyo oh, sige na, go na" nakangiting sabi ni Anjali.

Kumaway kami sa kanila ni Sofie at pumunta sa mga sundo namin. Before Sofie and I part our ways ay nag kiss muna kami sa cheeks and isa't isa before we separated ways. Pumasok na ako sa kotse namin at binati yung driver.

Pagdating sa bahay ay agad kong binati ang mga tao. "Manang, i'll go upstairs na po to change my clothes" saad ko sa mayordoma ng bahay.

"Sige, tatawagin na lang din kita kapag kakain na" nginitian ko na lang siya at umakyat na sa taas.

Pagdating sa kwarto ko ay binaba ko agad ang bag and went to my dressing room to change my clothes. I just wear a comfy pambahay and I lay down in my bed.

I was just looking at the ceiling when I remember that three Allegra. My heart starts beating so fast again. What's wrong with me? I suddenly remember how Xirano smiles and how Arcane and Geovana curve their lips into a smirk.

Ugh! Why do I even thinking about them? Ah! Siguro kasi ngayon ko lang sila nakita and they are really beyond gorgeous.

Continue Reading

You'll Also Like

38.9K 1.7K 23
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
3.5K 184 41
"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya da...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
147K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...