Save the Best for the Least

De PrincessThirteen00

5.2K 512 251

After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to hi... Mais

A
Save the Best for the Least
Chapter 1: Almost
Chapter 2: Aftermath
Chapter 3: Amnesia
Chapter 4: Always
Chapter 5: Arch
Chapter 6: Attention
Chapter 7: Acknowledge
Chapter 8: Afford
Chapter 9: Adore
Chapter 10: Argue
Chapter 11: Addicting**
Chapter 12: Abandon

Prologue

582 54 38
De PrincessThirteen00

***

MATAAS na ang sikat ng araw at abala ang lahat sa pag-aayos ng bahay. Sa katunayan, isang linggo na nilang inaayos ang bahay para sa baysanan. Everything was ready—from the tableware to the utensils, even the chairs were all decorated prettily.

May masiglang musika na tumutugtog sa labas ng mansiyon. Bawat isa sa trabahador ay may nakatokang tungkulin upang masigurado na perpekto ang lahat.

Nagmamadali na rin ang mga abay at mga taga-ayos nila para sa kasal. They were all rushing to their cars to get everything and everyone ready. Ilang sandali na lang at gaganapin na ang kasal ng bayan.

Every name in the city knew about the marriage between the del Rosario and de Torres family. And to think the wedding would be held on Valentine's Day was magical!

Huminga nang malalim si Calyx habang nakadungaw sa veranda. Kitang-kita niya kung gaano kaabala ang lahat mula sa kaniyang kinatatayuan. May nagpapatong ng mga pinggan at baso sa bawat mesa, mayroon ding tinatapos na ang paglalagay ng mga bulaklak sa bawat mesa. May entablado rin para sa kanila at katapat nito ang mesa ng mga magulang. Sa kabila naman ang sa mga ninong at ninang, at may lamesa rin na para sa mga abay.

Sa sobrang busy ng lahat para sa kaniyang kasal, madali siyang nakapuslit pabalik sa sariling kuwarto.

Nakatitig lang ang kaniyang singkit na tsokolateng mga mata sa paligid at ginulo ang kulay tsokolateng buhok. Dinama niya ang init ng araw sa kaniyang maputing balat—dahilan kung bakit napagkakamalan siyang hindi taga-bukid.

At sa kaniyang panonood ng kaguluhan sa baba, napansin niya ang pamilyar na sasakyan na pabalik sa mansiyon. Nagmamadaling bumaba roon ang kaniyang mga magulang at alam niyang siya ang pakay ng mga ito.

Bihis na bihis ang kaniyang mga magulang. Si Venus, ang kaniyang ina, ay nagpatahi ng magarbong gown para sa kasal ng unico hijo. Si Ben, ang kaniyang ama, ay nakasuot ng Amerikanang kulay itim at may necktie na aquamarine—ang motif sa kasal.

At mula sa kaniyang kinatatayuan, pansin niya ang pagkabalisa at pagmamadali ng dalawa. Mabuti na lamang at hindi siya kita ng mga ito sa kaniyang kinatatayuan.

Nakarinig siya ng papalapit na mga yabag at pagkatakot at boses mula sa labas ng kaniyang silid.

"Cal! Calyx, anak!"

"Calyx, nandito ka ba?"

Lumingon siya nang biglang magbukas ang pinto. Naghahabol ng hangin ang kaniyang ina at ama nang pumasok sa kaniyang silid-tulugan.

"Anak, bakit nandito ka pa?"

"Alam mo ba kung ano'ng oras na?" tanong ni Ben.

Ngumiti siya at muling bumaling sa bukid.

"Calyx! Nasa simbahan na sina Anaise! Ano pa'ng ginagawa mo rito?" usal ng ina at nagmamadaling nilapitan ang nag-iisang anak. "Hoy, Calyx! Ikaw ang dapat nauna r'on pero nandito ka pa!"

"Ma, alam kong nasa simbahan na sila," walang gana niyang saad.

Dahil kapitbahay lamang niya ang kaniyang mapapangasawa, alam niyang nakaalis na ito. Nakita niya si Anaise nang sumakay sa bridal car mula sa kaniyang silid.

Anaise was his childhood friend, turned lover a month ago, and he slept with her weeks ago on his birthday. Sa halip na maisantabi at kalimutan ang nangyari, imposible dahil nahuli sila ng mga magulang ni Anaise sa kuwarto ng dalaga.

Sa halip na magpanggap na wala lang iyon, pinangakuan agad ni Calyx ang kaibigan ng kasal dahil bukod sa kapuwa anak sila ng kilalang pamilya sa bayan, malakas ang kutob niyang magbubunga ang gabing iyon kahit na wala silang maalalang dalawa. Hindi niya alam kung bakit, pero gan'on ang nararamdaman niya.

Sa halip na maging paksa ng mga tsismis at gulo sa bayan, uunahan na nila ang balita. It wasn't just the del Rosario's who would be on the scandal, but the de Torres' as well.

At sa darating na eleksiyon na magkasangga ang dalawang pamilya, ang eskandalo ang huli sa kanilang isipin na mangyayari. Hindi dapat masira ang pangalan ng parehong kampo kahit anong mangyari.

Sa pagkakaalam ng marami ay nasa simbahan na rin siya pero bumalik siya matapos ang ilang minuto nang  paglisan. Marahil ay sampung minuto na rin magmula nang walang tigil sa pagtunog ang kaniyang telepono.

"Ano'ng sabi mo?"

"Alam ko, Ma," pag-uulit niya.

"Alam mo pala, pero bakit nandito ka pa?" iritable na usal ng ginang.

"Venus, iwan mo muna kami ng anak mo," usal ni Ben sa butihing asawa.

"Ben . . . " Naiilang na tawag ni Venus sa asawa.

"Please . . . "

Ilang beses na pinilit ni Venus na kakausapin niya ang anak ngunit sa huli ay pumayag ito. "Bilisan n'yo. Tayo na lang ang wala r'on," ani Venus at kinuha ang smartphone mula sa bulsa at lumabas ng silid. Mukhang tatawagan ang mga nasa simbahan upang ipaliwanag ang nangyayari.

"Kung sino pa ang groom, siya pa ang wala sa simbahan!" dagdag ng ginang  ago tuluyang nilisan ang silid.

Tumabi si Ben sa anak at pareho nilang tinatanaw ang malawak na bukirin kahit na maingay sa ibabang palapag.

"Ano'ng bumabagabag sa 'yo?" usal ni Ben.

Tumingin si Calyx sa ama bago muling lumingon sa parang. Niluwagan niya ang damit nang tanggalin ang bowtie na itim.

"How did you know that Mama was the right one, Pa? Sigurado na ba kayo agad noong kinasal kayo?" tanong ni Calyx habang nakatitig sa malayo.

"Alam ko lang noong niyaya ko siyang magpakasal. Ilang taon din naman kaming nag-date bago ko siya niyaya. Bakit mo naitanog? Nagdadalawang isip ka ba?"

"H-hindi ko sigurado, Pa."

"Hindi ka sigurado? Edi nagdadalawang isip ka nga," aniya at naiiling na napangisi.

"Baka nga, Pa, pero tama ba ang gagawin ko?"

"Anak, ikaw ang lubos na nakaaalam niyan. Pero kung ako ang tatanungin, oo. It's a good decision to marry Anaise . . . kahit na wala pa kayong twenty-four, magkakilala naman kayo simula pagkabata. Mabait na bata m naman si Anaise. I think you two are a perfect match."

"And you liked her over Alessa, too?" pagtukoy ni Calyx sa kaniyang dating kasintahan.

Napangiti si Ben. "Sa totoo lang, oo. Siguro dahil anak na rin ang turing ko kay Anaise kaya kahit bago pa lang ang relasyon n'yo ni Anaise, walang problema sa 'kin na maikasal kayo."

"Pero natatakot ako, Pa. Baka hindi maging masaya si Anaise sa akin dahil bago pa lang ang relasyon namin."

"Ha? Hindi naman bago ang relasyon ninyo. Mas tama sigurong sabihin na hinigitan ang pagiging magkaibigan ninyo."

"Pa, naman . . . "

"Bakit? May nararamdaman ka pa ba para kay Alessa?"

"W-wala, Pa," nauutal niyang sagot.

Para sa kaniya, wala na siyang nararamdaman para sa dating nobya. Pero . . . wala na nga ba?

Nilingon siya ni Ben na nakataas ang isang kilay bago huminga nang malalim. "Kung wala, halika na. Baka hanapin tayo nina balae. Naroon din daw sina Gov." Tinapik ni Ben ang balikat ni Calyx at tumalikod upang kuhanin ang suit ng anak. "Hindi maganda na nauna pa ang bride mo sa 'yo r'on."

Mapaklang ngumiti si Calyx at tumayo nang maayos. Muli niyang sinilip ang parang at saka nilingon ang veranda na nasa kaliwa. It was Anaise's bedroom — the same room they were caught sleeping at together. Nakataas ang kurtina sa pinto ng veranda ngunit walang tao. It was obvious. Anaise was waiting for him at the Church.

Bumuntonghinga siya at saka lumabas ng silid. Kinuha niya ang suit mula sa ama at tinagpo ang ina sa harap ng mansiyon kung saan maraming abala na nag-aayos.

Namumula pa rin sa inis si Venus dahil sa nangyari. Dapat maayos na ang lahat, dapat perpekto na, pero naroroon pa rin ang kaniyang unico hijo sa mansiyon na parang walang planong dumalo sa sariling kasal.

"Siguraduhin mong dederetso ka na ng simbahan, Cal! Sinasabi ko sa 'yo!" pahiyaw na utos ni Venus sa unico hijo na may pagbabanta.

"Oo, Ma. Pangako." Mapait siyang ngumiti sa ina.

Matalim siyang tiningnan ng kaniyang ama at saka sumakay sa sasakyan. Hinintay niyang umalis ang mga magulang bago siya sumakay sa sariling sasakyan. Alam niyang maraming mga mata pa rin ang nakamasid sa kaniya at hindi niya masisisi ang mga ito.

It was a grand wedding day, and he was the groom . . . but he wasn't at the Church yet.

Sa araw ng mga puso, magbubuklod ang dalawang pamilya. At kahit hindi sabihin ng kanilang mga magulang, alam ni Calyx na pabor sa mga ito ang kasal nila ni Anaise.

Calyx started the engine, took a deep breath and started driving off. Kita niya pa rin ang sasakyan ng mga magulang sa 'di kalayuan. Pakiramdam niya ay inutusan ng kaniyang ama ang drayber na bagalan ang pagmamaneho upang mabantayan siya hanggang sa simbahan.

Inabot ni Calyx ang kaniyang phone at may mga tawag at mensahe mula kay Anaise. Nag-aalala na ang kaniyang mapapangasawa dahil limang minuto na lamang at magsisimula na ang kanilang kasal.

Yet, here he was, casually driving. Walang pagmamadali sa kaniyang sistema. Hindi iniisip na late na siya sa sariling kasal. Hindi iniisip ang sasabihin ng mga bisita, mga kamag-anak o kahit ni Anaise.

Tumawag ang kaniyang mga magulang ngunit hindi pa rin niya iyon sinagot. Huminto lamang sila nang makarating sa simbahan. Unang pumasok ang sasakyan ng kaniyang mga magulang at nagmamadali silang bumaba lalo na dahil sinalubong sila ng mga magulang ni Anaise.

Lalong nanlamig ang buong katawan ni Calyx nang makita ang bridal car ni Anaise. Nakatigil iyon sa harap ng simbahan. Parang naging tuod siya sa kinauupuan. Damang-dama niya ang pagkalabog ng dibdib at parang nauubusan ng hangin sa baga

Nakita niyang kumaway si Venus at Ben sa kaniyang direksiyon upang magmadali na. Lumingon siya sa taas ng hagdan at nakapila na ang mga kasama sa kasal—ang kanilang mga ninong at ninang, maging mga abay. Everyone was in a dash of white and aquamarine.

Sa halip na patayin ang makina, pinaandar niya iyon upang tumapat sa bridal car. Nakayuko si Anaise ngunit sa pagtapat ng kanilang sasakyan, awtomatiko itong napatingala at napangiti sa kaniyang direksiyon. She sighed with relief.

"Calyx . . . " He saw her lips move, calling his name.

Napakaganda ni Anaise. Sobra. Para itong isang prinsesa sa mga fairy tales. Parang isang anghel na bumaba sa kalangitan. Mula sa makinis at porselana niyang kutis, hanggang sa mapupulang labi, at mahabang buhok, ubod nang ganda ng dalaga.

His best friend, who had never had a boyfriend in this lifetime, was so beautiful that he knew she was fragile. Extremely.

He had always been her protector, but marrying her would change everything.

And he couldn't live with himself knowing that he was going to break her . . . that he was going to ruin her into something neither wanted. He couldn't bear the thought that he would be the cause of an unknown future. Her smile, and even the sparkle in her eyes, would disappear because of him.

Binaba ni Calyx ang bintana at ginawa rin iyon ni Anaise. Nakangiti siya sa kababata. Nagniningning ang mga mata ni Anaise na parang may mga diyamante.

"Calyx, ano'ng ginagawa mo r'yan? Hindi ba dapat—"

"Anaise . . . " Napahinto si Anaise nang seyoso siyang tawagin ni Calyx.

"B-bakit?"

"I . . . I'm sorry," aniya at nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan paalis ng simbahan.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE © 2022

Continue lendo

Você também vai gostar

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...