He's My Badass Guy | BADASS D...

By riyazyn

3.8K 255 4

[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #1 Zares Keiv "Ares" Fillion Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa... More

AUTHOR'S NOTE
WORK OF FICTION
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25: Last Chapter
Epilogue

Chapter 4

118 8 0
By riyazyn

Chapter 4

Zares' Point of View

Nandito ako ngayon sa mall dahil sinasamahan ko si mommy magshopping.

At ginawa lang niya akong taga-bitbit ng mga pinamili niya.

Habang naghihintay ako sa labas ng boutique ng mga shoes at sandals nang may mamukhaan akong isang taong nagmamadaling lumabas ng mall at may dala itong brief case.

Ang bagong kanang kamay ni Fuentes!

Buti naman tapos na si mommy. "Mom, I just saw my target and I need to follow him." Sabi ko agad kay mommy nang makalabas ng mall.

"Go! Magtataxi nalang ako."

"Hindi pwede, delikado! Natext ko na si Nally para sumundo sayo. I gotta go!"

"Be careful!" Sigaw niya nang makalayo ako.

Pinaharurot ko ng mabilis ang kotse ko. Buti nalang mabagal siya magpatakbo. Hindi ako gaanong lumapit at patuloy lang siyang sinundan.

Nang makadaan kami sa hindi matao ay saka ko siya in-overtake-an kaya napahinto ang kotse niya.

Lumabas naman ako at nilapitan siya. Kinuha ko rin ang baril ko. "S-Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" Bakas sa mukha niya ang takot pero hindi ako nagpatinag. Great pretender, I can see that!

Naalala ko naman yung sinabi ni sir Raymond sakin.

"Mag-iingat ka sa kanang kamay ni Fuentes, matinik yun! Hindi halata sa mukha pero magaling yun. Kaya nga siya ang ginawang kanang kamay ni fuentes."

Nilapitan ko siya at hinablot sa palabas. "A-Ano ngang kailangan mo?

"Wag ka nang magmaang-maangan pa! Nasaan ang boss mo?" Sigaw ko sa kanya.

"A-Anong bossㅡsinong boss?" Pagmaang-maangan parin niya.

"Hah! Bwisit ka! Sasabihin mo ba sakin o pasasabugin ko ang bungo mo?" Tinutok ko ang baril sa sentido niya. "NA.SAAN.SI.FUENTES?" Gigil kong sigaw.

Nakita ko namang ngumisi siya. "At bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi ako tanga para gawin yun!" Aniya.

"At bakit hindi? Huling tanong, nasaan ang boss mong si Fuentㅡ" Nagulat ako ng bigla niyang sikuhin ang tyan ko gamit ang matulis na bagay kaya nakawala siya sakin.

Ngumisi siya at humalakhak. "Tss. Such a weak. Yan lang ba ang kaya mo?" Mayabang niyang turan na mas lalong nakapag-init ng ulo ko.

Sinugod ko naman siya. Umamba siyang sumipa pero umilag ako at hinawakan ang paa niyang nasa ere sabay hila nito kaya napaupo siya.

Ako naman ang ngumisi. Bago pa siya makabangon ay sinugod ko na siya at sinuntok sa mukha. Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng may humampas sa ulo ko.

Sa'n naman niya napulot ang kahoy na'to?

Sinuntok ko ulit siya pero naramdaman kong may humampas na naman sa ulo ko kaya napaliyad ako at napahiga.

Shit! Ang sakit, putangina!

Naramdaman ko nalang na siya na naman ang pumatong sakin at pinagsusuntok. "Nagkamali ka ng kinalaban! Kung sino ka mang hayop ka, kung gusto mo pang mabuhay, wag ka ng makialam!" Sigaw niya sakin.

Napatawa naman ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. "Kayo ang nagkamali ng binangga!" Napaigik ako ng hampasin niya ulit ako ng kahoy.

Hindi ko alam kung ilang ulit niya akong hinampas basta namalayan ko nalang, naglakad na siya papunta sa kotse niya.

"Umuwi ka na sa lungga niyo! Susugod pero wala namang binatbat! Kung sino man yang amo mo, tss.. mahina yan! Kaya kung ako sayo... hindi nalang ako makikialam!" Sabi niya bago pinaharurot ang kotse niya paalis.

Inis akong bumangon. Tss! I'm so stupid! Useless! Ang sakit pa ng katawan ko, peste!

Matinik nga siya, inaasahan ko na yun. Pero hindi ko alam na sobrang tinik pala.

Tsk. Kung tutuusin, kaya ko naman yun.. sadyang nakahawak lang siya ng kahoyduwag pala yun eh!

Napailing ako sa naisip ko at tinungo ang kotse. Pinaharurot ko to papuntang UH.

Daren's Point of View

Hindi ko na nilalapitan si Kaede dahil ayokong madamay siya. Pero palihim ko siyang tinitingnan kung ayos lang na siya o kung may nambully sa kanya.

Binalaan ko na rin ang mga estudyante na wag nilang subukang bullyhin si Kaede dahil ako talaga ang makakalaban nila.

Ewan ko, parang gusto ko lang siyang protektahan. Siguro nung nalaman kung walang gustong maging kaibigan siya at mag-isa nalang siya sa buhay. Pero bilib ako sa katapangan niya dahil sa tagal ng panahon na mag-isa siya, nakaya niyang bumangon at ngayon graduating pa.

Napangiti ako sa isiping yun.

Sinusundan ko nga pala ngayon yung lalaking pumuslit sa UH.

Hindi ko alam kung sa'n siya pupunta. Namalayan ko nalang na nandito na kami sa kagubatan.

Nagulat nga ako eh. Hindi ko alam na kagubatan pala tong dulo ng university na'to.

Nagtago ako ng makita kong lumapit siya sa dalawang lalaki. "Maaasahan talaga kita, Mark!" Sabi ni Paolo sa estudyante niyang pinsan na nagngangalang Mark.

"Syempre naman, kuya!" Mayabang na sagot nung Mark.

"Hahaha! Eto na ang bayad ko sayo." At may binigay siya kay Mark na isang puti na nakabalot sa maliit na cellophane.

Droga! Gago ka Paolo! Pati pinsan mong bata pa.. tinuturuan mo ng mag-adik!

Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng picture.

Hindi ko kilala ang isang kasama ni Paolo. Siguro tauhan din ni Fuentes.

Bumalik ako sa university at dun hinintay si Mark. Nang makita ko siya ay agad ko siyang hinila. "S-Sino ka?" Takot niyang tanong.

"Sumama ka sakin kung ayaw mong masaktan!" Sabi ko at isinakay siya sa kotse.

****

"Saan nagtatago ngayon si Paolo at ang amo niya?" Tanong ni sir Raymond kay Mark.

"H-Hindi ko po alam ang sinasabi niyo!" Sigaw niya at umiling-iling pa ng maraming beses.

Bumuntong-hininga si sir Raymond at may tinipa sa laptop bago ito iniharap kay Mark.

"Ikaw to diba?" Turo niya sa video nung nakuhanan ng CCTV, nung nagnakaw ng ebidensya laban kay Paolo.

"H-Hindi ako yan! Paano niyo nasabing ako eh balot na balot na ang katawan!" Peesteng bata to! Ayaw pa sabihin ang totoo.

Kinuha ko ang cellphone ko at itinapat sa mukha niya. "Ngayon, tingnan natin kung makakatanggi ka pa ba!" At nakita naming namutla siya pagkakita sa picture na kinuha ko kanina.

"P-Paanongㅡ"

"Wala kaming balak saktan ka. Ang amin lang ay malaman kung san nagtatago ang pinsan mong adik at ang amo niya." Sabi ko.

Yumuko naman siya. "S-Sa bakanteng lote nagtatago si kuya Paolo, pero yung amo niya.. h-hindi ko po talaga alam.. pramis po!" At tinaas pa niya ang kamay niya.

Sinenyasan ako ni sir Raymond na kunin ang pakete ng droga sa bulsa nito at ginawa ko naman.

"Akin yan!" Sigaw niya bigla.

"Tss. Ang sama-sama ng pinsan mo, sumasama ka parin? Tignan mo nga, tinuruan ka pang maging adik!" Inis na sabi ko at tinago ang isang pakete. Mamaya ko nalang yun ipasa sa mga pulis. "Ba't ka nga ba sumasama dun?"

"May sakit si mama, nangako siyang tutulungan niya ako at eto ang kapalit." Napabuntong-hininga kami sa sagot niya.

Tsk. Anong klaseng pinsan siya? Nang-uuto!

Ikinulong muna namin si Mark sa isang silid. Hindi malabong hindi malaman ng Paolo na yun na hawak namin ang pinsan niya at sinabihan kami kung sa'n sila nagtatago.

Baka pag makita niya si Mark ay siya pa mismo ang papatay nito.

Kaede's Point of View

"Hah! Akala mo talaga tantanan ka namin? Pwes, nagkakamali ka!" Sabi ni Tina at tumatawa pa talaga sila. Kasama niya rin si Marie, yung worker sa canteen.

"Tss. Akala mo talaga gustong-gusto ka ni Daren? Hahahaha! Wag kang assuming, bitch!" Maarteng sabi ni Marie. "Nasa'n na ngayon? Di ba iniwan ka rin? Hahahaha!" At nagtawanan sila.

Binuhusan lang naman nila akong juice at spaghetti sa ulo ko. Nasanay na ako sa ganito kaya araw-araw akong nagdadala ng extra na maisuot sa tuwing mangyayari na naman to.

Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit hindi sila napapagod sa ginagawa nila. Kung bakit hindi parin nila ako tinantanan.

"A-Ano ba talagang gusto niyo? Wala naman akong ginawa sa inyo ah!" Sigaw ko.

"Aba! Sumasagot-sagot ka na!"

"Aahhhhh! A-Araaayyy!!" Hinila lang naman ni Tina nag buhok ko at kinaladkad.

"Anong gusto namin? Ang gusto namin ay ang mawala ka na sa paningin namin, ang mawala ka na sa eskwelahang to at ang mawala ka na sa mundo!" Gigil niyang sigaw at hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok.

"Bwahahahhahaha!"

Ang sakit! Parang matatanggal yata ang anit ko sa kakahila niya.

Hindi ko napigilang mapaiyak. "T-Tama na, please! H-Hindi ko na kaya, Tina. P-Parang awa mo na." Pakiusap ko.

"Mawala ka muna sa mundo bago kita titigilanㅡ"

"Why don't you get out of this fvcking world instead?" Anang boses sa harapan namin. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

Zares' Point of View

Nandito ako sa loob ng university dahil dun sa nabanggit ni Daren na kagubatan ang dulo nito at dun niya nakita sina Paolo kahapon. Kaya balak naming puntahan ngayon.

Habang naglalakad ako patungong hallway ay may narinig akong nagtatawanan at nagsisigawan sa may canteen.

Nandun siguro ang mokong na yun!

Kaya lumihis ako ng daan at tinungo ang canteen. Habang papalapit ako ay nagunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng hila-hila sa buhok ng isang babae kasama ang mga grupo nito.

Nakita ko ring may mga spaghetti ito sa buhok at basa pa ang uniform.

"T-Tama na, please! H-Hindi ko na kaya, Tina. P-Parang awa mo na." pakiusap nung babaeng hila-hila sa buhok.

Bigla naman akong nakaramdam ng galit. "Mawala ka muna sa mundo bago kita titigilanㅡ"

Kaya hindi ko na siya pinatapos at nagsalita ako. "Why don't you get out of this fvcking world instead?"

Kaya lahat sila napalingon sakin pero hindi lumingon yung babaeng binubully nila. Saka rin dumating si Daren.


*
A/N: :)

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
254K 13K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
221K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
42.9K 1.4K 56
Pano pag isang babae ang mag hahanap ng trabaho? pano kapag ito pla ang makakapag bago ng buhay nya? pano pag ang simpleng pamumuhay nya ay mag bago...