MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA...

By Fatty_Vanilla

11K 669 66

REVISING Date started: January 06, 2022 Date ended: December 31, 2022 More

MY HUSBAND IS A GANGSTER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33

CHAPTER 2

410 27 4
By Fatty_Vanilla

Magaan ang pakiramdam ko pagka-gising kinaumagahan. Dahil na rin siguro sa pagod, nakatulog kaagad ako kahapon.

Kaya rin siguro maganda ang gising ko ngayon dahil sobrang haba ng tulog ko.

I did my usual morning routine: took shower, and dry my hair. I didn't put any make-up on, because I am confidently beautiful without it.

I was going down the stairs when I saw my mother.

My forehead creased as she approach me. "Hi, good morning. We were waiting for you, kanina pa."

"Goodmorning too." kunot-noong sabi ko habang binabasa siya.

This was so unsual. She didn't used to do this before, so it's surprising that she suddenly started acting like this. I was shock...

"You're Daddy's waiting at the dining area."

"Why?" I asked, confused.

"So we can have breakfast together, of course."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero nahimigan ko ang pagiging sarkastiko niya roon.

Can you blame me? She wasn't like this before.. Then she would acted like this? Like she used to do it back then?

What a good pretender she is.

Pinigilan kong mapangisi sa sagot niya at mahinahong nag salita. "Sa susunod ho wag niyo na lang ako hintayin. At sa school na 'ko mag-aalmusal, male-late na ho kasi ako."

Nilagpasan ko na siya pagkatapos no'n at dumeretsyo sa labas kung saan naghihintay na si Kuya Eric.

"Tara na po, Ma'am?"

Tumango ako at sumakay na sa loob. I didn't look back at where she is. Dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko't masira lahat ng plano ko.

Dahil sa sobrang pagkalutang ay hindi ko namalayang kanina pa pala kami nandito sa harapan ng RA, kung hindi ko pa naramdaman ang pag yugyog ni Kuya sa balikat ko ay hindi pa ako mababalik sa ulirat.

Gosh, my mind was preoccupied again. Kapag talaga naumpisahan ko ng mag-isip ng kung ano-ano, magtu-tuloy tuloy na ito. Like non-stop.

Lakad takbo ang ginawa ko upang marating kaagad ang napakalaking gate ng Riffle Academy. Hindi pa naman ako late at hindi ako nagmamadali, but just looking at the distance where I was earlier, I feel like I will run out of time if I don't do that.

Ang laki ba naman kasi.

Malapit na 'kong makapasok ng marinig ko ang pangalan ko.

Mabilis akong nag palinga linga, hinahanap kung sino at nasaan ang tumawag sa 'kin. At mabilis kong nakita si Kathryn na nakangiting kumakaway sa 'kin.

Napangiti ako.

Para siyang batang nawawala, dahil habang tumatakbo siya ay kumakaway at isinisigaw niya ang pangalan ko.

"Gudmurneng!" galak niyang bati at niyakap ako.

Mabilis akong napatingin sa pinanggalingan niya at nakita ko siyang bumaba sa sasakyan matapos nito itong iparada ng maayos.

He was wearing outside dress again. I sighed because of that.

I looked away when he turned his head on our direction. I know that his eyes were darted directly at us.. at me... Para na naman ako nitong hinihigop gamit ang asul nitong mga mata but I chose to ignore him.

"Aga mo, ah?" pansin ko bago humiwalay sa yakap niya.

"Sabi mo kasi maaga ka rin papasok, eh. Kaya inagahan ko na rin, sayang ang oras na masasayang kung hindi tayo mag b-bonding!"

"Anong bonding naman ang gagawin natin?" tanong ko habang sinasabayaan siya sa paglalakad.

"Kumain kana ba? Kain tayo," aniya at kumapit sa braso ko. "Treat ko na, ako naman nag-aya, eh."

Natawa ako sa huli niyang sinabi. "Ayos lang naman sa 'kin mag KKB—" nginisihan ko siya.

"Hindi, ako na bahala—"

"—kaniya-kaniyang baby," malakas akong tumawa ng padabog nitong inalis ang pagkakakapit niya sa braso ko.

Nakanguso pa ito habang salubong ang mga kilay na tumingin sa akin.

"Wak na pala!" ismid nito bago nag patuloy sa paglalakad, "wak na! Wak na!"

"Joke lang! Eto naman hindi mabiro!" tumatawa ko siyang inakbayan.

"Hindi maganda 'yung joke mo! Lalo na sa mga single!" masama ang loob nitong sabi.

"Oo na, alam ko namang single ka. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa sa 'kin," pang-aasar ko pa.

"Gianna!" naiinis nitong sambit sa pangalan ko na siyang kinatawa ko na naman.

Ang sarap niyang asarin dahil pumupula ang mukha nitong parang siopao dahil sa mataba nitong pisngi. Gusto ko tuloy siyang kagitin.

"Oh, joke lang—"

"Hala..." gulat nitong bulalas na siyang nakapagpatigil sa akin sa pagsasalita.

Kunot-noo ko siyang tiningnan, sinusuri kung may nangyari ba sakaniya o ano. Pero mukhang ayos lang naman siya, nakakunot nga lang ang noo nito habang nakatingin sa kung saan.

Kaya kunot-noo kong sinundan ang tinitingnan nito, ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mamataan ang isang lalaking walang awang pinagsisipa sa tiyan ang lalaking nakahiga na sa sahig.

Kaya naman pala gano'n nalang ang reaksyon nito.

Napabuntong-hininga ako ng mamataan na naman siya.. sila... Sila na naman, but this time, hindi na sila sa quadrangle, malapit sa gymnasium naman sila ngayon.

Wala talaga silang pinipiling lugar, 'no?

Dinig na dinig ko ang pagmamakaawa ng lalaki na tigilan na ang ginagawa sakaniya ngunit tila wala siyang naririnig dahil patuloy pa rin ito sa ginagawa niya.

Hanggang kailan siya magiging ganito? Anong mapapala niya sa pananakit ng kapwa niyang studyante? Did this satisfy him?

Nang hindi na makatiis na marinig ang pagmamakaawa ng biktima niya ay patakbo na 'kong lumapit sa kinaroroonan nila.

Malapit lang naman sila sa 'min, dahil nasa labas lang kami ng cafeteria. Papasok na sana kanina kung hindi lang namin sila nakita.

Narinig ko pa ang pag tawag sa 'kin ni Kathryn ngunit hindi ko na pinansin pa.

Nakipagsiksikan ako sa mga nagkukumpulan na namang mga studyante.

Ang dami nila pero wala man lang silang ginagawa? Paano nila natitiis na panoorin lang ang kasamaan ng lalaking 'yon? Paano nila 'yon nasisikmura?

Ang sama ng tingin sa 'kin nung iba ng makasiksik na ako. Sino ba namang hindi? Halos tumilapon sila dahil sa ginawa ko, makasiksik lang.

Nakatilikod ito sa 'kin at nakaharap naman ako sa malapad niyang likod. Nanlaki ang mga mata ko ng umasta na naman siyang mananakit.

"Sige, wag kang tumigil!" may kalakasang sabi ko habang walang emosyong nakatingin sakaniya.

Napataas ang kilay ko ng mapansing tumigil ito sa akmang pag sikmura sa lalaki.

Sarkastiko akong natawa. "Oh? Bakit tumigil ka ngayon? Kaninang pinapatigil ka niya hindi ka tumitigil, ngayong hindi ka pinapatigil, 'tsaka ka titigil? Baliktad pala utak mo, e'!"

Pansin kong natigilan siya ng lumingon sa akin. Mukhang hindi niya pinapahalata pero nahalata ko pa rin.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang tuluyang lumapit sa p'westo nila, tinulungan kong tumayo ang lalaki sa pamamagitan ng paglalahad ng kamay.

Aabutin niya na sana 'yon ng mag salita ang nasa likuran ko. Parang mas lalo tuloy itong natakot kaya mabilis niyang inilayo sa kamay ko ang kamay niya.

"Touch her hand and I will fvcking cut that fvcking hand of yours."

Mariin akong napapikit bago humarap sakaniya.

Ano ba kasing problema niya? At kung meron man, tama bang ibuntong niya sa iba ang galit niya? Tama ba 'tong ginagawa niya?

"Ano ba'ng problema mo?" kunot-noo kong tanong habang nakapamaywang. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob, pero laking pasasalamat ko pa rin dahil nagawa ko siyang harapin ngayon. "Wala ka ba talagang awa?"

Pansin ko ang saglit na pagtaas ng kilay nito. As in saglit na saglit lang. Nakapamulsa itong tumuwid ng tayo at humakbang ng isang beses palapit sa akin.

Hindi ako nag patinag.

"Oh," bulalas ko. Parang may narealize na isang bagay. "Wrong question pala, sorry. My bad." I chuckled.

"Hindi ka nga pala marunong maawa." natawa ako pagkatapos, "sa itsura mong 'yan.." hinawakan ko ang baba niya.

I carefully examined his entire face. From his thick eyebrows, pointed nose, blue eyes, to his thin lips. Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin at nahaplos ko ang kaniyang pang-ibabang labi.

Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya hindi siya kaagad naka-iwas at parang yelo na nanigas sa kinatatayuan.

Nakarinig ako ng pagsinghap mula sa mga studyante na kanina pa nakikichismis ngunit hindi ko na binigyang pansin pa.

"Halata namang wala kang awa.." binaba ko na ang kamay ko dahil baka hindi ako makapagpigil. Baka bigla ko siyang mahila at salubungin ng halik.

Ilang minuto kaming nagkatitigan, walang kahit na sino man ang nag tangkang agawin ang atensyon namin.

Pilit kong ikinakalma ang puso kong sing bilis ng kuneho kung pumintig. This is not normal.

Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Pansin kong pilit niya itong itinatago.

Ilang sandali lang ay yumuko siya at nilapit ang mukha sa mukha ko. Halos mag dikit na nga ang mga labi namin sa sobrang lapit.

Nagulat ako ro'n pero hindi ako gumalaw, wala akong ginawa at lalong hindi ako umatras.

Hinayaan ko siyang dampian ng daliri niya ang labi ko, katulad ng ginawa ko sakaniya kanina habang nanatili sa mata ko ang kaniyang paningin. Maya maya lang din, unti-unting bumaba ang mga titig niya sa 'king labi.

Napalunok ako.

Iniwas ko ang ulo ko ng mas lalo niyang ilapit ang mukha niya. Dinig ko ang pag buntong hininga niya. Mukhang nadismaya siya sa ginawa kong pag-iwas.

Naramdaman ko ang paghinga niya sa tainga ko.

"'Wag kang mangialam dito.." bulong niya.

Pinilit ko ang sariling h'wag maapektuhan sakaniya. Pinanatili ko ang anggulo ng mukha ko sa gilid.

"Ha?" pagbibingi-bingian ko.

"Don't meddle in this, love.'"

"Hatdog." nakangisi kong sabi at mahinang tinapik ang pisngi niya.

Kita ko ang pagtiim ng bagang niya nang inirapan ko siya.

Binalingan ko ng tingin ang lalaking binugbog niya, nakatayo na ito ngayon habang nakangiwi at hinahaplos ang kaliwa niyang mata.

Napabuntong-hininga ako 'saka muling tiningnan si Van.

"Subukan mong mang bugbog ulit," nagbabanta kong sabi habang tinititigan siya sa mata.

Mas lumapit pa ako sakaniya at sinadya kong dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Napalunok siya dahil sa ginawa ko at bumigat ang paghinga.

"Hinding hindi na ako magpapakita ulit," mahina, mariin, at nagbabanta kong sabi habang deretsyong nakatingin sa mga mata niya. Mahina lang ang pagkakasabi ko no'n, 'yung kaming dalawa lang ang makakarinig.

Ilang beses ulit siyang napalunok dahil sa sinabi ko.

Whether he says it or not, I know that he was longing for me. I saw it in his eyes earlier when he held me.

"Bye.." nang-aakit ko siyang kinindatan bago tinalikuran.




"MARAMING SALAMAT, ha? Kung hindi kapa dumating, baka mas malala pa rito ang inabot ko."

Hindi ko siya sinagot at mas pinagtuonan ng pansin ang mata niya. Halos hindi niya na 'to maimulat.

Napabuntong-hininga ako.

Grabe ang mga natamo niya. Putok ang gilid ng labi, may pasa sa braso, at hindi na nito maimulat ang mata. Hindi na nga rin ito makita.

"Ano ba kasing nangyari at humantong sa gano'n?"

Okay, feeling close ako. But I don't think he would be hurt if he didn't do anything, right?

Hindi ko pinapanigan si Van, pero parang hindi naman siya mambubugbog ng walang dahilan, 'di ba?

Umupo ako sa hospital bed na kaharapan ng kaniya habang hinihintay siyang sumagot.

"Narinig niya kasi ang usapan namin ng kaibigan ko, nabalitaan kasi namin na may sinaktan na naman siya kahapon." ngumiwi siya. "He couldn't accept what we say about him. Kaya eto ako ngayon, puro pasa. Hindi ko lang alam kung saan nila dinala ang kaibigan ko."

Tahimik lang naman ako habang nakikinig sakaniya. Pero I got curious sa sinabi niya kanina.

"Ano bang pinag-uusapan niyo kanina?"

"Na nagsimula lang naman siyang manakit ng kapwa naming studyante simula nung iwan siya ng babaeng mahal niya. Hindi niya matanggap, hindi pa rin yata siya nakaka-move on."

Natigilan ako.

"Nasaan ang kaibigan mo?"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan siya dinala ng dalawa niyang kasama kanina."

That's why they were incomplete earlier. May iba palang pinagkakaabalahan ang iba.

Suddenly, I felt like punching Van. I also wanted to beat him up. Seriously? Mananakit siya dahil sa napakababaw na dahilan?

Muli akong bumuntong-hininga habang inaayos na ang mga gamit na ginamit ko kanina.

Wala na si Brianne, nag paalam kaagad ito kanina matapos kong lagyan ng band aid ang mata niya dahil may pasok pa raw siya.

Hinayaan ko nalang din dahil sino ba naman ako para pigilan siya sa gusto niya? Biktima lang naman siya ni Van.

Humanda talaga siya sa 'kin.

- fatty _ vanilla 🌷

Continue Reading

You'll Also Like

27.3K 332 42
Never fall in LOVE with a LIE (Middle Child X Bunso) "Some lies are beautiful, some truths are painful" - Author Ria Ivoryne Cermosa is a soft heart...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.4K 51 40
WARNING!! WARNING!! Maraming mali sa Storyang to!! Kaya kung gusto mo padin basahin go ahead!! Pero binalaan kita ah! Tamad mag EDIT ang Author o s...
21.5K 3K 54
What will happen if a not so perfect student like me will encounter something that destiny will provide? Can this change situations? Life? Or Love? ...