He's My Badass Guy | BADASS D...

By riyazyn

3.8K 255 4

[COMPLETED & UNDER REVISION] Badass #1 Zares Keiv "Ares" Fillion Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa... More

AUTHOR'S NOTE
WORK OF FICTION
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25: Last Chapter
Epilogue

Chapter 3

134 8 0
By riyazyn

Chapter 3


Zares' Point of View

"Mga hayop! Mga gago! Bitawan niyo ako!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sakin ng apat na malalaking tao.

"Ahhh! Z-Zares..." Nanghina ako nang makita ko ang itsura ni Ailee.

Lumuhod Ako. "Please... I-I'm begging you, let her go. Kill me instead!" Tiningnan lang ako ni Jake at nginisihan.

"D-Don't say that.. aacckkkk!" May lumabas na dugo sa bibig niya dulot ng malakas na sampal ni Jake sa kanya.

L-Lord please, wag niyo naman pong kunin sakin ang babaeng mahal ko. N-Nagmamakaawa po ako sa inyo!

Unti-unti kong naramdaman ang panghihina sa katawan ko. At tuluyang napapikit nang hubaran nila si Ailee sa harapan ko.

"N-Noooo! Please, w-wag!" Sigaw niya at tawanan lang ang naririnig ko.

"Hahahha! Ngayon, tignan mo ang babae mo kung pa'no ko siya titikman. Bwahahahhaha!"

Inangat nila ang ulo ko at nakita ang kademonyohang ginawa nila. Tumulo nalang ang luha ko at pumikit ulit dahil sa wala akong magawa.

Kumuyom ang kamao ko. Mga demonyo! Siguraduhin niyo lang na pati ako ay patayin niyo dahil pag binuhay niyo ako, sinusumpa kong magsisisi kayo sa ginawa niyo!

Napatigil ang paghinga ko ng marinig ang putok ng baril. "Oh, Zares, tingnan mo naman tong minamahal mo sa huling pagkakataon." Napamulat ako.

Mas lalo akong nanghina pagkakita kay Ailee na wala ng malay at umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo.

"Mga hayop kayooooo! Anong ginawa niyo sa kanyaaa! Mga baboy! Mga demonyo!! Siguraduhin niyo talagang mapapatay niyo ako dahil pag ako nakalabas dito, iisahin ko kayo at hindi ko kayo titigilan hangga't hindi ko kayo nauubos lahat!" Napaluha ako dahil sa galit.

A-Ailee, patawarin mo ako. H-Hindi kita naprotektahan. Wala along n-nagawa. I'm fvcking useless! AAHHH!

Tinawanan lang nila ako. "Wag kang mag-alala dahil hindi mangyayari yan. Isusunod na kasi kita." Napapikita ako ng itutok niya sakin ang baril.

*BAAANNNGGGGGGGG*

Napasinghap ako at unti-unti kong binuksan ang mga mata ko dahil wala naman akong naramdaman nabaril ako.

Nagulat ako dahil natumba si Jake habang sapo ang paa niya. Bakas sa mukha niya ang sakit.

"Boss, boss! May dumating! Marami sila at may mga pulis din!"

"Ano? Sige, buhatin niyo si Jake at sisibat na tayo." Anang tinig na kailanman hindi ko malilimutan. Pero hindi ko nakita ang mukha niya.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil bumibigat na ang talukap ng mata ko at nawalan ng malay.



"Zares! Zares! Wake up!" May narinig akong boses at niyugyog pa ako. "Oh god, you're sweating!"

Napabangon naman ako. "M-Mom?" Sabi ko at bigla nalang akong niyakap ni mommy.

Hindi ko rin napigilan ang luha kong nagsisiunahan sa pagpatak. "Ssshhhh! I'm here, okay? I'm just here, son." Hinagod niya ang likuran ko. "Napapanaginipan mo na naman ba yun?" Tumango lang ako. Narinig kong bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, anak. Walang matulong si mommy para mawala ang bangungot na yan."

"Mom, sapat na sakin na nandito kayo at hindi ako iniiwan." Hinawakan ko ang kamay niya. "I miss her, mom. I miss Ailee so much." Sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

"I know, I know. We all miss her, anak." Mom comforted me I feel better. "Makakamit rin natin ang hustisya para kay Ailee."

"Nasisiguro kong magbabayad sila sa ginawa nila."

"And no matter what happens, we're just here if you need us. Bear that in your mind, always." Nginitian ko si mommy. "By the way, you're Tito texted you. Sorry binasa ko."

Si sir Raymond ay tiyuhin ko dahil kapatid siya ni daddy pero tinatawag ko siyang sir pag nasa trabaho.

Bumuntong-hininga ako saka bumangon at naglinis ng katawan. Tanghali na pala.

Nagpaalam lang ako sa kanila at umalis patungong UH.


Kaede's Point of View

Kasalukuyan akong naglalakad patungong field dahil balak ko dun magtambay.

Napalingon ako ng may sumipol sa likuran ko. "Hey beautiful!"

"Daren!" napangiti ako ng tumabi siya sakin.

"Bakit andito ka?" Tanong niya.

"Wala pa kasi akong klase eh. Ikaw?"

"Same here! Labas tayo." Hindi na ako nakatanggi dahil hinila na niya ako.

"A-Ano... baka maaliw tayo at di makabalik."

"Wag kang mag-alala, mag-aalarm ako. Anong oras ulit ang klase mo?" Aniya at kinuha ang phone niya.

"Alas 3."

"Hmmm. May 2 hours pa tayo. Let's go!"

Naglakad-lakad kami habang nagkukwentuhan. Ang saya niyang kasama, pramis!

Dinala niya ako sa mall, window shopping lang kami pareho. Dinala niya rin ako sa Jollibee dahil nagugutom daw siya kaya nilibre niya rin ako.

Naglaro rin kami ng klase-klaseng laro. Sobrang saya ko. First time ko naranasan to kasama ang isang kaibigan.

Ngayon naglalakad na kami sa kalsada habang kumakain ng chichirya. Tumunog na kasi ang alarm ni Daren, 30 minutes before ang naka-set.

Napahinto si Daren kaya huminto din ako. Nakatingin lang siya sa unahan.

"Psh! Akala ko ba... trabaho?" Sabi ng isang lalaki sa unahan namin.

"Bro, happy happy din pag may time! Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord." Natatawang sagot ni Daren.

Tiningnan ko naman yung lalaki at nagulat ako ng makilala siya.

Siya yung nagligtas sakin nung isang gabi.

Nailang naman ako sa titig niya dahil tiningnan niya ako ng mataman. "Oh right, she's Kaede, a new friend of mine. Kaede, he's um... his name is Keiv, kaibigan ko rin." Hindi ko magawang batiin si Keiv dahil sa uri ng titig niya. "Naalala mo ba siya bro? Siya yung hi-nostage nung lintek na Linton na yun." Ani Daren at tinuro-turo pa ako. "And she's studying kung sa'n ako nag-aaral kaya naging magkaibigan kami."

"Psh!" Ani keiv at nilampasan lang kami.

"Hahahha! Ganun talaga yun, pero mabait naman yun." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Nang makapasok na kami sa university, hinarap ko siya ng may ngiti sa labi.

"Daren, salamat. Salamat kasi.. pinaramdam mo kung paano maging masaya kapag may kaibigan. Sapat na sa akin na ikaw lang ang kaibigan ko. Sobrang saya ko na." Sabi ko.

"I'm glad you enjoyed our friendly date, haha! Don't worry, kahit gawin natin araw-araw, ayos lang. Sabihin mo lang sakin." Na-excite naman ako sa sinabi niya pero agad ding nawala dahil syempre graduating na ako at kailangan kong mas pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko.

"Hahaha! Parehas tayong graduating kaya aral muna tayo hehe!" Hindi na ako nagulat ng guluhin na naman niya ang buhok ko. Nasanay na ako eh hehe.

"Haha! Sige, Sige. Pero pag gusto mo, sabihin mo lang sakin." Ngumiti niyang turan.

Tumango ako at nagpaalam na kami sa isa't isa. Kaya nakangiti na naman akong nagtungo sa building namin.

Zares' Point of View

Nandito ako ngayon sa gate ng university kung saan nag-aaral kuno si Daren.

"Ang tagal naman!" Reklamo ko nang hindi pa lumalabas si Daren.

Inutusan kasi ako ni sir Raymond na puntahan dito si Daren. Dahil nalaman kasi niyang may na-close na si Daren dito at babae pa!

"Bro, hey!" Napalingon ako sa gawi niya.

"Tsk. Bat ang tagal mo?"

"Hahaha! Nagkatuwaan pa kasi kami ni Kaede eh." Natatawa pa siya.

"Tss." Hinila ko siya at naglakad kami.

"Bakit ka nga pala nandito? You know, suntok sa buwan ang sunduin mo ako." Tumawa siya nang tingnan ko siya ng masama.

"Pinapunta ako ni sir Raymond dito."

"Ows? Bakit?"

Bumuntong-hininga ako. "It's because of what you're doing inside the university! Pinapunta ka dito para magtrabaho, hindi para maglandi!" Hindi ko alam pero naiinis ako.

"Hahahaha! Grabe ka naman kung makapagsalita ng 'hindi para maglandi'!" At ginaya pa niya Ang pagkakasabi ko nun. "Don't worry, nakita ko na siya. Isa siyang 2nd year college student. Ang kurso niya ay Business Management."

Napatango-tango naman ako. "Mabuti naman. Akala namin nanlalandi ka na sa loob!"

"Pero aaminin ko, medyo interesado ako kay kaede hehe." Napatingin naman ako sa kanya.

Medyo? Tss.

"Daren, not now! Alam mong madadamay siya pag tinuloy mo pa yan. You should stay away from her. Kakaumpisa pa nga lang natin, mandadamay ka na. A-Ayokong maranasan mo ang n-naranasan ko n-noon." Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong nanubig ang mata ko pero napigilan ko naman yun.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "I know..." usal niya. "It's just that... there's a weird feeling inside me saying that... I should make her happy. Wala siyang kaibigan ni isa, bro. At hindi ko alam pero sa ilang araw na nakilala at nakasama ko siya, parang ayokong nakikita siyang malungkot. Weird but that's the truth." Nakikita ko sa mga mata niya ang sinseredad at pagkatotoo.

Bumuntong-hininga narin ako. "Just... just be careful." Maglalakad na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Maybe, maybe I should stay away from her kung gusto ko talaga siyang maging masaya at ligtas." Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Tara sa UH."

Walang imikan kami sa kotse ko hanggang sa makarating kami sa UH.

Kaede's Point of View

I

lang araw na ang lumipas at hindi ko narin nakikita si Daren. Ewan ko kung bakit. Siguro, siguro na-realize niya na dapat hindi niya ako nilalapitan.

Mag-isa na naman ako. Meron nga pala kami ngayong group presentation pero dahil walang may gusto sakin... nag-individual nalang ako. Buti nalang pumayag si ma'am.

Kaya, pumunta muna akong library pagkatapos sa computer room.

Zares' Point of View

"

Hindi pa ba nakakalaya ang daddy mo, Daren?" Tanong ni sir Raymond kay Daren.

"H-Hindi pa po. Wala pa pong nagawa ang mga tauhan niya para patunayang inosente siya." Malungkot na sagot ni Daren.

"Wag kang mag-alala dahil gagawin natin ang lahat para makuha lahat ng ebidensya at makalaya ang daddy mo." Ngiting turan ni sir Raymond.

"Salamat po, sir Raymond."

Nakakulong kasi ang daddy ni Daren sa ibang bansa dahil isinisi sa kanya ang pagkamatay ng kanang kamay ni Fuentes.

Lahat kasi ng DNA tests at finger o foot prints ay tugma sa kanya. Matinik nga sila.

"Sige na, magpahinga na kayo. Bukas, Ares, bukas mo na puntahan ang bahay na sinasabi ko sayo." Tumango lang ako bilang tugon at umalis narin kami sa UH.



*
A/N: By the way, ang pangalan po ni Kaede Ixia ay Kaede Isha ang pagkakabigkas. And one more thing, napanood niyo naman siguro ang Fabricated City, katulad po dun ang pagkuha ng DNA tests and finger or foot prints ng di natin namamalayan. Enjoy & happy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

132K 257 17
Wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report One more thing you clicked on it girlypop this a SMUT book there's g...
163K 1.9K 25
COMPLETE 💕 A loner Full of secrets, Trying to live like a Normal person MEET A Trouble maker who is A King and already known by everyone.. What wi...
76.6K 1.6K 51
story of king Zion Stanford 💞 This is the BOOK TWO
5.6K 159 40
Aleg'na Martinez, a high school student, finds herself captivated by her science professor, Luxury Monticello. Determined, she boldly declares her in...