Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 33

810 42 12
By ren_esteron

Venus

Ibinaba ko ang salamin sa side ko at agad akong binungad ng sariwang ihip ng hangin. I smiled when a certain memory creeps on my mind.

They say home is where the heart is. Saan man ako magtungo, ilang taon man akong mawala, yung puso ko ay mananatili sa lugar na ito. My hometown.

Simon invited me for dinner the other day. Isinama ko nalang si Zoe dahil sinabi niya sa akin na wala siyang gagawin buong araw at mamamatay daw siya sa boredom kapag nanatili sa bahay ng kuya Vjhall niya.

Laglag ang panga ni Zoe nang marating namin ang mansiyon ni Simon na malapit sa dagat. Mula rito ay makikita ang kulay asul na dagat na napapalamutian ng rock formations. Ang windmills na nasa tuktok ng mga burol mula sa malayo ay kitang kita pa rin dito.

"Ang ganda naman dito, Ven." bulalas ni Zoe at isinubsob ang paa sa pinong buhangin.

Natatawang napailing ako. "Tabacalera was rich in both beaches and sugarcane plantation. Iyon nga lang ay halos pagmamay-ari ng mga mayayamang pamilya sa lugar. Imbis na gawing beach resort para sa public ay ginagawang pribado."

"Oh. So, mayaman si Simon? Ay." napatutop siya sa bibig na tila may naalala. "Marcos nga pala siya."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Zoe nang makitang pababa ng portico si Simon upang salubungin kami.

"Hi." aniya na binigyan ako ng halik sa pisngi nang makalapit.

I smiled at him. Zoe coughed.

"By the way, this is my friend --"

"Hi! I'm Zoe.." hindi na ako pinatapos ni Zoe sa pagsasalita dahil siya na mismo ang nagpakilala sa sarili at inilahad ang kamay kay Simon na nakangiti naman nitong tinanggap. "You have a nice place."

"Thanks." kinagat ni Simon ang labi at tumingin sa akin. "Let's go?"

Tumango ako at malilikot ang mga matang iginala ang tingin sa paligid. Si Zoe naman ay sobrang ingay. Nauuna si Simon sa aming dalawa kaya panay ang bulong niya sa akin na hindi ko na pinag-uukulan pa ng pansin.

"Ven." tawag ni Simon sa akin. Tumigil siya sa paglalakad upang makasabay ako. "I'm sorry, hindi ko alam na dadating sila."

Kumunot ang noo ko. "Sila?"

Bago pa man nasagot ni Simon ang katanungan ko ay napatigil na ako nang makita ang dalawang taong pababa ng hagdan. Nagtatawanan sila na parehong napatigil nang makita kami.

Laglag ang pangang pinasadahan ako ng tingin ni Governor Matthew. Si Michael sa kanyang tabi ay seryoso ang ekspresyon at nakahalukipkip na sumandal sa railings. Nasa kalagitnaan sila ng hagdan nang tumigil.

"I invited her here." Si Simon na dumausdos ang kamay sa aking baywang.

Sumunod ang titig ni Gov doon.

"Nasa loob sina.. Sandro." Gov was a bit hesitant when he says Sandro's name.

Hindi ko siya masisisi. Siya ang pinaka may alam sa kung anong mayroon kami ni Sandro noon. I even heard from Sandro that Gov. knows from the very beginning that he likes me.

"Hindi ba kayo papasok?" Malamig na usal ni Michael.

Simon turned to me to ask for permission. I slowly nodded.

Hindi ko naman kailangang mag-inarte pa. Ano ang gagawin ko? Uuwi na lang dahil lang narito si Sandro?

Pero pinagsisihan ko lang yata ang ginawang pasya nang makapasok kami sa isang kwarto sa second floor ay naabutan sina Sandro, Dianna, at Borgy doon. Sandro and Borgy are busy playing billiards while Dianna is sitting comfortably on the single couch. Nanonood sa dalawa.

Sabay pa silang nag- angat ng tingin nang makita kaming pumasok.

"Oh.." si Borgy na sumulyap sa katabi. "Hi Venus and friend.."

Zoe greeted back while I just smiled at them. Sa mahabang settee na nasa sulok ng silid kami pinaupo ni Simon. Pinapagitnaan ni Simon at Zoe ay tahimik kong pinagmasdan si Sandro na halos hindi tumingin sa akin. Nagpatuloy silang dalawa ni Borgy sa paglalaro. He is wearing a gray ralph lauren polo shirt and a denim jeans.

Kanina pa siya hindi tumitingin sa akin at ni hindi bumati nang dumating kami. Siguro ay natatakot na baka magselos ang asawa niya.

Kung iisipin, mas mabuti ngang ganito na lang ang sitwasyon. Mas mapapadali ang paglimot ko kung mas ipapamukha niya sa akin na wala na talagang pag-asa para sa aming dalawa.

"I'm really sorry, Ven." hinawakan ni Simon ang binti ko. Agad naman niyang inalis ang kamay nang binalingan ko na siya, tila kinuha lang ang aking atensiyon. "Kakarating lang din nila nang dumating kayo. Halos magkasunod lang. Wala na akong oras para sabihin sayong narito sila."

Ngumiti ako. "It's okay, Si. Ayos na naman ako."

"I know you're not. Ang tahimik mo."

"Okay lang ako. Pagod lang dahil naligo kami kaninang umaga ni Zoe sa dagat."

"Oh.. Pagkatapos nating mag dinner ay una kitang ihahatid bago si Zoe nang makapagpahinga ka kaagad. Rest the whole day tomorrow. Pupunta ako sa inyo kapag natapos ko ang mga gawain sa vineyard"

Tumango ako. "Okay. Salamat, Si."

Kanina ay ipinasundo niya kami sa driver niya. Hindi siya makakasundo dahil may importante pang gagawin. Pero nangako naman siya na ihahatid kami pauwi.

"Anything for you.." he whispered.

Hindi na makahagilap pa ng sasabihin ay ipinako ko ulit ang tingin sa unahan. Naabutan ko pang nakatingin si Gov. sa amin na agad ding umiwas ng makita ko. Sandro's leaning on the pool table. Sa tingin ko'y tapos na silang maglaro dahil imbis na tako ay bottle ng beer ang nasa harapan niya ngayon. Si Gov. ay lumapit na sa kanilang dalawa habang si Michael ay naupo malapit kay Dianna.

Nakita kong mariing napapikit si Sandro nang lumagok sa beer. Tila may malalim na iniisip.

I sighed. He looks even more matured now. His hair was pushed back revealing his strong features. The dark eyes always seems so ruthless everytime it looks at me. And the way his adams apple move when he swallowed hard could make every girls go crazy.

Tumayo si Dianna at lumapit kay Sandro. Kinuha niya ang cue stick na nasa tabi ni Sandro at binalingan ako. "Venus!" she called and smiled at me. "Gusto mo dalawa tayo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Lalong- lalo na't nagmulat ng mga mata si Sandro at agad kaming nagkatitigan. His eyes were dark and cold. Alam kong palaging ganyan ang mga titig niya. Pero ngayon pakiramdam ko may iba. There's something behind those eyes and I can't sort it out.

"Hindi ako marunong.." agad kong pagtatanggi.

I never played billiards. Kahit na palagi kong pinapanuod si Kuya at ang mga kaibigan niya na naglalaro sa bahay dati, iba pa rin kapag nagawa mo na. Pakiramdam ko ay mapapahiya lang ako.

Dianna smiled. "Ako rin. It's been a while since I last played billiards. Katuwaan lang habang hinihintay natin ang pagkain. Sige na!"

"Aba. Mukhang hinahamon ka Venus, 'a. Patulan mo nga.." bulong ni Zoe sa akin.

Mahinang siniko ko siya upang tumahimik. Patulan at ano? Ipahiya ang sarili ko? At mukhang napasubo yata ako dahil sa paulit- ulit na pamimilit ni Gov, Zoe, at Dianna sa akin ay wala akong nagawa maliban sa pumayag. Tumayo ako at kinuha ang iniabot ni Dianna na tako sa akin. Si Sandro ay umupo sa tabi ni Gov na malapit sa kinauupuan namin kanina.

"Ako na ang mauna, ha." ani Dianna habang abala na sa pag- aayos sa pool table.

Tumango ako, umupo sa upuang nasa harapan lang ng table, at pinanuod siyang eksperto sa ginagawa. I don't believe her when she said that it's been a while since she played billiard though. Alam kong may plano siya, may gustong patunayan.

Mas lalo lang akong nagsisi nang unang tira ni Dianna ay may nai- shoot kaagad siya. Nakita kong sumulyap siya sa akin at tumaas ang sulok ng kanyang labi. She touch the tip of the cue stick before leaning again on the table.

"Woah.." si Borgy na hindi naitago ang paghanga.

Nai- shoot ni Dianna ang bola na inasinta. Kuryoso, ibinaling ko ang tingin kay Sandro at hindi man lang niya magawang itago ang amusement sa kanyang mga mata. His thighs were spread apart as his elbows rested on his knees. Pinaglalaruan niya ang ibabang labi gamit ang daliri.

Dianna missed the third shot. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at agad na sumulyap sa direksiyon nina Sandro. Tila hindi inaasahan na hindi iyon papasok. Nang bumalik sa akin ay ngumiti siyang muli.

"See?" kibit balikat niya. "Ikaw na.." Tumayo siya sa gilid ng table upang bigyan ako ng espasyo.

Bumuntong hininga ako at tumayo na. Hindi alam ang gagawin ay ginaya ko ang posisyon kanina ni Dianna. I bend forward and lean into the shot. My head over the cue stick, like sighting down a rifle. I exhaled a breath before hitting the cue ball. Subalit imbis na ang inasinta kong bola ang pumasok, kulay puti ang nai- shoot.

Dianna giggled beside me.

"Ay bobo!" bulalas ni Zoe na napatayo sa kinauupuan.

Malakas na napaubo si Gov at kita ko ang paggalaw ni Sandro sa kinauupuan, his lips curved while trying to suppressed a smile. Si Michael at Borgy ay nagbulungan.

Napasimangot ako. Walang salitang ibinalik ang tako sa gilid ng table at halos patakbong tinungo ang direksiyon nina Simon at Zoe.

Nakapatong ang isang paa sa tuhod at ang siko sa gilid ng sofa ay tahimik na pinaglalaruan ni Simon ang labi habang nakatitig sa akin. Pero alam kong nagpipigil lang siya dahil nang makaupo ako sa kanyang tabi at mas lalong sumimangot ay napahagalpak na siya ng tawa.

"Simon!" angil ko. Isinubsob ang mukha sa kanyang braso.

Nakakahiya! Gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon at huwag nang harapin ang mga kasama! Bakit kasi iyon pa ang naishoot sa dami ng kulay?

Simon chuckled. Hinawakan niya ako sa batok upang bumulong. "Okay lang, Ven. Atleast shoot.."

I groaned in frustration and he laughed even more.

Mga alas syete ay pumasok ang isang katulong ni Simon para sabihing handa na ang dinner. Wala akong ibang ginawa sa loob ng ilang oras na pananatili namin sa game room maliban sa isiksik ang sarili ko kay Simon. Nagkunyari akong tulog dahil talagang nahihiya sa mga kasamahan.

Tang-ina talaga. Wala akong binatbat kay Dianna!

Tahimik ako nang mag dinner na kami at monopolado naman ni Borgy, Gov, Dianna, at Michael ang usapan. Minsan ay nakikisali rin si Simon pero mas madalas ay ako ang inaatupag niya na tila bata.

"Why don't you ask Archer about it?" si Michael na bahagyang tumaas ang boses. "I know nothing about Vincent's decisions. At kung may alam man ako ay hindi ko pa rin sasabihin.."

Nagtaas ng kilay si Ate Dianna habang pinaglalaruan ang steak na nasa harapan niya gamit ang fork. "Parang hindi ko na kilala si Vincent. Sobrang nag-iba siya."

"That's the problem with people. They change when they're in love. Muntik na silang magpang- abot noon sa Backyard dahil nagselos itong si Vincent kay Archer."

"What do you expect? Archer was a jerk! Hindi marunong makiramdam sa mga bagay- bagay sa paligid niya.."

Tahimik kong isinubo ang pagkain. I really don't know them anymore. Ni wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila.

Pero si Dianna, halata na matagal nang kilala ang magkakapatid at magpipinsan. Mukhang alam niya lahat nang nangyayari sa mga buhay nila. Siguro ay napag-uusapan nilang dalawa ni Sandro iyan gabi-gabi? Magkatabi silang dalawa sa kama at ginagawa niyang unan ang braso ni Sandro. Then they would talk about life and their plans.

Matutulog silang dalawa na kayakap ang isa't-isa.

"Are you done?" ani Simon nang makitang ibinaba ko na ang kubyertos.

Tumango ako at akmang aabutin ang pitsel nang maunahan niya ako. Nagsalin siya ng juice sa baso at agad na ibinigay sa akin.

Natigil ang mga kasama namin sa pag- uusap dahil sa ginawa ni Simon. Narinig ko ang tikhim ni Gov. na nasa harapan namin at kahit kating- kati ako na lingunin sila ay hindi ko ginawa. Nanatili akong nakayuko habang iniinom ang juice.

"Tapos ka na rin?" si Dianna ang nagtanong.

Pagkalapag ko sa baso sa lamesa ay nag- angat na ako ng tingin. Uminom si Sandro sa kanyang juice bago iniatras ang upuan niya.

"Sands--" tawag ni Dianna.

Subalit hindi siya pinansin ni Sandro na agad tumalikod sa aming lahat. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin habang papalabas ng dining area. Is he really done?

Ibinagsak ni Dianna ang table napkin sa lamesa at nilingon ako. Nakita ko kaagad ang galit sa mga mata niya na hindi ko matukoy kung ano ang dahilan.

Tumayo si Gov. para sundan si Sandro at nagpatuloy naman ang mga kasama namin sa pagkain. The dinner ended well though. Kahit na hindi na bumalik pa si Sandro at iritado si Gov. nang muli kaming harapin at sinabing siya na ang maghahatid kay Dianna pauwi.

Iniwan ba ni Sandro ang asawa?

Nauna akong hinatid ni Simon sa bahay bago si Zoe. I took a brisk shower and did some routine before I fell asleep.

Mga alas diyes ng umaga na ako nagising. Nag- almusal kaagad ako at pagkatapos ay inabala ang sarili sa pag-aayos ng kwarto ko at ng mga gamit. Mga alas dos ng hapon nang mapagpasyahan kong pumunta ng Mall para magliwaliw.

Mag-isa ako at nagpasama sa driver na kaka hire lang ni Kuya. Simula nang mangyari ang muntikan ko nang pagkabangga ay hindi na ako muli pang sumubok na mag drive. Isang kotse pa lang ang nasisira ko at ayoko nang dagdagan.

Mabuti na lang at nabilhan kaagad ako ni Kuya ng cellphone.

Pumasok ako sa watsons para bumili ng mga kakailanganin ko. Pagkatapos ay sa Miniso at sa supermarket. Binilisan ko ang pamimili dahil ayoko namang maghintay ng matagal ang driver sa labas.

"Manong pasensiya na kayo at baka naghintay kayo ng matagal.." wika ko nang makapasok sa likuran ng kotse. Ipinatong ko kaagad sa bakanteng pwesto sa tabi ko ang mga plastic bags.

Hindi naman talaga ako mahilig sa pamimili. Pero kulang talaga ang mga gamit ko lalong- lalo na't kakalipat ko lang sa bahay ni Kuya.

Nakalimutan kong may dinner nga pala kami mamaya kasama si Papa.

Pinaandar ng driver ang makina ng sasakyan nang hindi man lang ako sinasagot. Ngumuso ako at sumandal sa bintana. Ang suplado ng bagong driver ni Kuya.

Nang makalabas kami ng parking lot ng mall ay doon ko lang napagtanto na makulimlim ang kalangitan. Mukhang uulan pa. Ang mga tao na sumasakay ng jeep ay nagmamadali na rin.

Bumuntong hininga ako. Mabuti na lang at mabilis akong natapos.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang bumagsak ang malakas na ulan. Natilihan ako. Lalong- lalo na't mararahas ang pagpatak ng ulan sa bubong ng kotse. Tumingin ako sa labas at ngayon lang napagtanto na ang daang tinatahak namin ay hindi papunta sa bahay ni Kuya.

Malakas na kumabog ang puso ko. Unti- unting inilipat ang tingin sa harapan. Nang magkasalubong ang tingin namin ng driver na kanina pa pala ako tinititigan gamit ang rear view mirror ay halos mapatalon ako sa kinauupuan.

Continue Reading

You'll Also Like

661K 40.4K 104
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1M 55K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
2.2M 116K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
681K 33.7K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...