Legend of Divine God [Vol 10:...

By GinoongOso

414K 85.5K 8.9K

Ngayong tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn sa mundo ng alchemy, oras na para maisakatuparan niya ang kan... More

Legend of Divine God [Vol 10: Celestial Wrath]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chapter LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
NOTE

Chapter XII

5.6K 1.2K 128
By GinoongOso

Chapter XII: Oath of Allegiance (Part 1)

Nakapikit ang mga mata ni Munting Black habang payapa siyang nakadapo sa tipak ng bato kung saan madalas siyang nagpapahinga. Kaaalis niya lang sa lugar kung saan pinanonood nila ang nangyayari sa labas ng Myriad World Mirror. Iniwan niyang mag-isa roon si Migassa na nagtataka na halatang nananabik dahil may ideya na ito na bubuksan na muli ni Finn ang Myriad World Mirror upang ipasok ang mga miyembro ng New Order, at ang mga magiging miyembro pa lamang.

Makaraan ang ilang saglit, habang nakapikit, napasimangot si Munting Black nang maramdaman niya ang pagdating ni Migassa sa lugar na kanyang pinagpapahingahan. Iminulat niya ang kanyang mga mata, at taimtim itong pinagmasdan habang kasalukuyan itong nakatingin at nakangiti sa kanya.

“Nakakapanibago ka talaga, Munting Black. Nagiging mabait ka na ba para hayaan si Finn sa kanyang mga gustong gawin? May implikasyon sa ating lahat ang binabalak niya, at nakapagtatakang hindi mo siya pinipigilan ngayon,” makahulugang sambit ni Migassa habang nagpapalutang-lutang sa palibot ng tipak ng bato kung saan nagpapahinga si Munting Black.

“Hmph! Maaari niyang gawin ang gusto niyang gawin. Hindi ko na siya pipigilan kung gusto niya talagang mapahamak. Kung nais niyang dalhin kaagad dito ang mga miyembro ng kanyang binuong grupo nang wala pa siyang kasiguraduhan sa kanilang katapatan, wala akong pakialam. Ilang beses ko na siyang pinangaralan, at sinabihan tungkol sa bagay na iyan,” pasinghal na tugon ni Munting Black.

“Talaga ba, Munting Black?” Mapaglarong tanong ni Migassa. “Marahil ikaw ang Divine Beast King noon, at isa ka sa dating labing dalawang emperador ng divine realm, pero marahil malinaw na sa 'yo na sa kasalukuyang personalidad ni Finn, hindi mo na siya kayang kontrolin. Hindi na siya makikinig sa iyo dahil gagawin niya na ang sa tingin niya ay mas makabubuti para sa kanya, at sa kanyang mga kasama.”

“Wala siyang pakialam kahit anong klase ng pagkatao mayroon ka pa, gagawin niya ang gusto niya lalo na ngayong ang nangingibabaw sa kanya ay galit at pagkamuhi dahil sa nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay,” ani pa ni Migassa na para bang purong katotohanan ang kanyang sinasabi.

Naging matalim ang tingin ni Munting Black kay Migassa. Suminghal siya at malamig na nagwika, “Hindi ko ibababa ang sarili ko sa kanya. Ano kung hindi niya sundin at pakinggan ang aking mga paalala? Magagawa ko pa rin ang gusto ko at maipagpapatuloy ko pa rin ang aking hangarin. Hangga't hindi niya sinasadyang ipaalam sa mga kalaban ang tungkol sa kanyang mga kayamanan, hindi ako makikialam.” Bumaling siya sa ibang direksyon, naging taimtik muli ang kanyang mga mata bago siya magwika, “Sa oras na manumbalik ang aking kabuoang lakas, hindi ko na kakailanganin pang manatili rito. Makababalik na ako sa divine realm, at mapamumunuan ko na muli ang Divine Beast Clan.”

“Babawiin ko ang lahat ng dating sa akin,” aniya pa at muli siyang tumingin kay Migassa.

Nang marinig ni Migassa ang mga sinabi ni Munting Black, naging seryoso ang kanyang ekspresyon at napakagat siya sa kanyang ibabang labi.

“Ang aking ama ang kasalukuyang Divine Beast King... ibig mo bang sabihin ay balak mong agawin sa kanya ang trono?” Tanong ni Migassa. “Aabutin ng mahabang panahon bago ka tuluyang gumaling, at kahit gumaling ka pa, hindi mo maibabalik ang kabuoang lakas mo noong ikaw pa ang Divine Beast King.”

“Hmph! Wala akong pakialam kung aabutin pa ng mahabang panahon para gumaling ako ng lubusan, subalit alam mo na minsan ko nang pinamunuan ang Divine Beast Clan, at hindi ako mahihirapan na bawiin ang minsan ay naging sa akin,” muling tugon ni Munting Black. “Isa pa, maraming alternatibong paraan para gumaling ako ng lubusan. Makakahanap din ako ng solusyon sa aking problema kaya hindi mo kailangang mag-alala.”

Sandaling katahimikan ang namagitan sa dalawa, subalit hindi nagtagal ay napangiti si Migassa, at sumipol-sipol siya habang mapaglarong lumilipad sa himpapawid.

“Magtatagal pa rin iyon ng mahabang panahon. Hindi ako nag-aalala para kay ama dahil isa siya sa kasalukuyang labing dalawang emperador, isa pa, kung talagang nais mong tuluyang gumaling mayroon namang madaling paraan,” nakangiting sambit ni Migassa. “Marahil may paraan ang dating alchemy god para pagalingin nang lubusan ang tinamo mong pinsala, subalit iyon ay kung handa kang hingiin ang tulong niya.”

Nagdilim ang ekspresyon ni Munting Black. Binigyan niya ng nakamamatay na tingin si Migassa at mariing tumugon, “Hinding-hindi ko kailanman hihingiin ang tulong niya. Ako ang hahanap ng solusyon sa sarili kong problema, at hindi ko hihingiin ang tulong ng iba--lalong-lalo na ang tulong ng taong iyon.”

Malapad na ngumiti si Migassa at tinawanan niya si Munting Black. Inaasahan niya na ang tugon na ito mula sa munting nilalang, at hindi na siya nagulat nang muli niyang maramdaman ang matinding galit nito dahil sa kanyang pagbanggit kay Firuzeh.

Samantala, sa labas ng Myriad World Mirror...

Bumaba sina Finn sa isang liblib na kagubatan. Naghanap siya ng malawak na espasyo upang magkasya silang lahat. Hinarap niya ang mga miyembro ng New Order na kasalukuyan pa lang na bumaba mula sa itaas. Itinuon niya rin ang kanyang tingin sa mga nagnanais na sumali sa kanilang grupo.

Nakapagdesisyon na siya. Buo na ang loob niya na papasukin ang lahat ng mga ito sa Myriad World Mirror. Ipapaalam niya sa mga ito ang isa sa kanyang pinakatatagong sikreto, at gagawin niya iyon upang mas madali siyang makakilos at makapaglakbay.

Mayroon siyang plano para sa mga miyembro at magiging miyembro ng New Order. Gusto niyang ihanda ang mga ito sa pakikipagsapalaran sa mas mataas na mundo, at iyon ang kanyang ipaliliwanag sa mga ito pagkatapos nilang manumpa ng katapatan sa grupo at sa kanya.

Pagkatapos makababa ng lahat ng mga miyembro, nagkalat sila at pumalibot kay Finn. Mayroong nakatayo sa mga sanga ng puno, mayroong nagkukumpulan, at mayroon din namang mga nakatayo lamang habang ang buong atensyon nila ay na kay Finn.

Bukod kina Eon at Poll, ang pinakamalapit kay Finn ngayon ay ang mga gustong sumali sa New Order. Nakahanay sila na para bang handa na sa susunod na instruksyon ng binata.

“Handa na akong marinig ang mga patakaran ng New Order. Puwede mo ng ibigay sa akin ang kailangan kong pirmahan upang makapagsimula na ako sa aking panunumpa ng katapatan sa iyo at sa grupo,” paglalahad ni Faktan bago siya muling malapad na ngumiti.

Bumaling si Finn kay Faktan at sinabing, “Hindi mo kailangang magmadali. Hindi pa ito ang lugar na tinutukoy ko. Mapupunta rin tayo sa prosesong hinihintay mo, pero sa ngayon, pakinggan n'yo munang lahat ang aking sasabihin.”

Nagtaka ang halos lahat sa pahayag ni Finn. Tanging sina Eon, Poll, at Firuzeh lamang ang nanatiling kalmado. Hindi maisip ng karamihan kung ano ang ibig sabihin ng binata na hindi pa ito ang lugar na kanilang panunumpaan. Dinala sila rito ng binata, at dito na sila huminto kaya hindi nila maunawaan kung bakit hindi pa rin ito ang liblib na kagubatang ito ang kanilang magiging destinasyon.

“Halos lahat sa inyo ay nakita na ang mundo ng alchemy, at ngayon nais kong ipaalam sa inyo na dadalhin ko kayo sa kahalintulad na mundo noon upang doon natin isagawa ang proseso ng pagtanggap ko sa inyo bilang miyembro ng New Order. Pag-aari ko ang mundong iyon, mayroon din kayong makikilalang ibang mga adventurer sa loob ng mundong iyon.”

“Sa loob ng mundong iyon kayo manunumpa ng katapatan sa grupo at sa akin, at sa pagpasok n'yo sa mundong iyon, nanunumpa rin kayo na hindi ninyo sasabihin sa iba ang inyong mga makikita. Bahagi iyon ng patakaran ng New Order na inyong lalagdaan gamit ang inyong dugo, naiintindihan n'yo ba ako?” Tanong ni Finn habang nakatingin kina Faktan.

Bumakas ang pagkabigla at pagkalito sa ekspresyon ng mga nakarinig sa sinabi ni Finn. Nagulat sila sa rebelasyon ng binata, at hindi nila lubos na maunawaan ang tungkol sa mundong pag-aari nito.

Sa kabilang banda, hindi na pinagtuunan pa ng pansin ni Finn ang iba't ibang reaksyon ng mga naroroon. Sinimulan niya ng pakiramdaman ang Myriad World Mirror na nasa kanyang katawan. Agad itong tumugon sa kanyang pagkontrol, at dahan-dahan na humiwalay sa kanya ang animo'y ordinaryong salamin.

Lumutang ito sa kanyang harapan na ikinagulat ng mga naroroon. Napaawang ang bibig ng karamihan habang pinakikiramdaman ang salamin na kinokontrol ni Finn.

Hindi nila masabi kung anong klase ng kayamanan ito. Wala silang ideya na isa itong divine artifact dahil kahit minsan ay hindi pa sila nakakakita ng isang aktwal na divine artifact. Kulang pa sila sa karanasan at kaalaman, at ang tanging alam lang nila ay isang pambihirang kayamanan ang animo'y ordinaryong salamin na ito dahil kakaiba ang inilalabas nitong aura.

Pinalapad ni Finn ang Myriad World Mirror. Bukas na ang lagusan kaya bumaling siya kina Eon at Poll.

“Mauna na kayong dalawa, Eon, Munting Poll,” utos ni Finn sa dalawang binatilyo.

Tumango si Poll kay Finn. Ibinaling niya ang tingin niya kina Paul, Firuzeh, Klaws, at sa grupo ni Roger. Tinanguhan niya muna ang mga ito bago siya tuluyang bumaling sa lagusan ng Myriad World Mirror. Huminga muna siya ng malalim, ngumiti at nagsimula ng humakbang papasok sa loob ng lagusan.

Pagkatapos pumasok ni Poll, sumunod din agad si Eon nang hindi tumitingin sa mga naroroon. Dere-deretso lang siya sa pagpasok, at mababakas ang pananabik sa kanyang labi dahil malapit niya na muling makita ang kanyang gurong si Munting Black.

Nang makapasok na sina Eon at Poll, bumaling si Finn kina Faktan. Taimtim niyang tiningnan ang mga ito at marahang nagwika, “Maaari na kayong pumasok. Pagkatapos ninyong makapasok, huwag kayong aalis sa inyong kinaroroonan. Magtipon-tipon muna kayo, at hintayin ninyo ang pagpasok ko.”

Hindi agad humakbang ang mga naroroon matapos siyang magsalita. Napansin niya ang pag-aalinlangan sa mata ng iba--lalong-lalo na sa mga mata nina Rako, Hara, Drotey at sa magkakapatid na demonyo.

Ganoon man, makaraan lang ang ilang segundong katahimikan, bahagyang tumawa si Faktan. Nginitian niya si Finn at nagsimula na siyang humakbang.

“Hindi talaga ako nagkamali sa aking desisyon. Hindi na ako makapaghintay pa na makita ang lugar na iyong pag-aari, Finn Doria,” sabi ni Faktan bago siya tuluyang pumasok sa loob ng lagusan.

Nang makita nina Rako at Hara ang walang pag-aalinlangang pagpasok ni Faktan sa lagusan, nagkatinginan sila at hindi na nag-atubili pa. Humakbang na rin silang dalawa at pumasok na sa lagusan ng Myriad World Mirror. Sumunod sa kanila ang magkakapatid na demonyo na halatang nag-aalinlangan pa, at hindi kalaunan, sunod-sunod na ang naging pagpasok ng mga naroroon sa lagusan.

Humanay sila at naging mabilis lang ang proseso ng pagpasok. Inabot lamang ng ilang minuto upang makapasok ang kulang-kulang na tatlong daan sa loob ng Myriad World Mirror.

Ang tanging naiwan na lamang ay si Firuzeh kasama si Finn. Humakbang na rin si Firuzeh papasok sa lagusan, pero bago siya tuluyang pumasok, kinausap niya muna ang binata.

“Hindi ko akalaing ipapasok mo agad sila sa iyong mundo. Dapat mong malaman ang mga implikasyon ng ginawa mo. Malalagay sa peligro ang iyong buhay kapag nalaman ng iba ang tungkol sa tinataglay mong divine artifact,“ seryosong sabi Firuzeh. “Gayunman, mukhang wala naman silang ideya na ang mundong kanilang papasukin ay isang divine artifact. Pasumpain mo na lamang ang bawat isa sa kanila upang hindi ka magkaroon ng malaking problema sa hinaharap.”

“Matagal ko na itong napag-isipan. Hinding-hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ko kaya hindi mo kailangang mag-alala ng sobra,” malumanay na sabi ni Finn.

Ngumiti si Firuzeh at tumango. “Mabuti kung gayon. Pagkapasok ko sa loob nito, marahil matatagalan pa bago ako muling lumabas. Magtatago muna ako sa iyong mundo para hindi ako matunton ng mga taga divine realm.”

Tumango si Finn bilang tugon. Hindi na pinatagal pa ni Firuzeh ang usapan. Umabante na siya at tuluyang pumasok sa loob ng Myriad World Mirror. Agad na sumunod sa kanya si Finn, at nang makapasok siyang muli sa loob ng Myriad World Mirror, nasaksihan niya ang magkakaibang ekspresyon sa mukha ng mga miyembro at magiging miyembro ng New Order.

Mayroong hindi makapaniwala habang inililibot nila ang kanilang paningin sa malawak na espasyo na kanilang kinaroroonan. Nasa isang malawak na kapatagan sila ngayon, at sinadya ni Finn na dalhin sila rito upang ito ang maging lugar na kanilang pagpupulungan.

Hindi niya muna balak na ipakita ang mga kayamanang nasa loob ng Myriad World Mirror. Kailangan niya munang masigurado ang katapatan ng mga miyembro ng New Order sa pamamagitan ng paglagda sa kasunduan bago niya ipakita ang iba niya pang sikreto.

Namamangha ang bawat isa sa kanila sa yaman at taas ng kalidad ng enerhiya sa loob ng mundo ni Finn--maging si Firuzeh ay napapatango na lamang at napapatulala habang inililibot ang kanyang tingin sa paligid.

Tungkol kina Finn, Eon, at Poll na sanay na sa loob ng Myriad World Mirror, naramdaman nila ang pagbabago sa kalidad ng enerhiya rito. Higit na mas yumaman ito kaysa rati, at iyon ang ipinagtataka nilang tatlo ngunit wala sa kanila ang nagboses ng tungkol sa bagay na ito.

Isa itong malaki at magandang balita para kay Finn. Bigla na lamang tumaas ang kalidad ng enerhiya ng Myriad World Mirror sa hindi niya malamang dahilan. Bukod pa roon, nararamdaman niya na ang ugnayan niya sa mundong ito ay mas tumibay pa. Madali niya nang nakokontrol ang mundong ito, at hindi magtatagal, inaasahan niyang makokontrol niya na ang isang daang porsyento ng kakayahan ng Myriad World Mirror.

Samantala, nakaramdam ng pananabik ang mga miyembro ng Bloody Puppeteers dahil sa kanilang natuklasan tungkol sa kanilang panginoon. Hindi nila akalaing may ganitong klase ng kayamanan ang kanilang kinikilalang panginoon. Mas lalo pa silang humanga, at mas lalo pang tumaas ang tingin nila kay Finn dahil sa panibagong kaalaman na kanilang nalaman.

Ang mundong ito ay perpektong lugar para magnilay-nilay, at magsanay dahil bukod sa mataas na kalidad ng enerhiya, ang mundong ito ay malawak. Kung kalidad ng enerhiya ang pag-uusapan, higit na mas kamangha-mangha ito kaysa sa mundo ng alchemy. Napansin din nina Hara, Rako at ng magkakapatid na demonyo na nakararamdam sila ng mabilis na paggaling.

Kagagaling lang nila sa tensyonadong labanan. Inayos nila ang kanilang alitan sa pamamagitan ng paglalaban kaya nagtamo sila ng mga pinsala sa kanilang katawan, ganoon man, dahil sa kakaibang kapangyarihan ng mundo ni Finn, ang kanilang paggaling ay mas lalong napapabilis kahit hindi sila gumagamit ng kayamanan.

Isinarado na ni Finn ang lagusan ng Myriad World Mirror. Kinontrol niya pabalik sa kanyang katawan ang salamin, at pagkatapos, inilibot niya ang kanyang paningin sa mga naroroon.

Umangat siya sa ere, at nagsimula siyang magsalita upang makuha ang atensyon ng lahat.

“Maligayang pagdating sa aking Myriad World Mirror. Ito ang aking mundo, at isa ito sa aking sikreto na mapakikinabangan ko upang abutin ang rurok ng mundo ng mga adventurer,” panimula niya. “Ito ang magiging pangunahing teritoryo ng New Order. Dito ko bubuoin at palalakasin ang mga adventurer na aking tatanggapin bilang miyembro ng binuo kong grupo. Sa oras na maging aktwal na miyembro na kayo ng New Order, malaya kayong makapagsanay rito kailan n'yo man gustuhin. Magbibigay rin ako sa inyo ng mga kayamanan para tustusan ang inyong pangangailangan para sa inyong pagsasanay at pagpapataas ng antas at ranggo. At bilang kapalit, susundin ninyo ang mga gusto kong mangyari. Tutuparin ninyo ang hangarin ng grupong ito, at susundin ninyo ang kasunduan sa pagitan natin.”

“Bubuo tayo ng malakas na puwersa na hindi lamang titingalain sa mga middle realm at upper realm--kung hindi sa buong mundo ng mga adventurer,” pagsasalaysay ni Finn.

Nakinig ang lahat sa mga sinasabi ni Finn. Marami ang makikitaan ng determinasyon, at pananabik. Marami ang hindi na makapaghintay na matupad ang gustong mangyari ni Finn. Bawat isa sa kanila ay nakikitaan ng magandang hinaharap ang grupong New Order, at kahit na hindi man nila alam kung kailan nila matutupad ang hangarin ni Finn na maging malakas na puwersa ang New Order, nasisiyahan pa rin sila at naniniwala na darating sa puntong iyon ang New Order basta walang mangyayaring insidente.

“Bukod sa pag-abot sa rurok ng mundo ng mga adventurer, dapat ninyong malaman na ang pangunahing layunin ng grupong ito kaya ko ito binuo ay para labanan ang isang uri ng kasumpa-sumpang nilalang na hindi dapat umiiral sa mundo natin--ang mga diyablo,” taimtim na ekspresyong sambit ni Finn.

Naging seryoso ang ekspresyon ng mga taga pakinig habang mayroong naguguluhan. Si Firuzeh ay naging taimtim din ang ekspresyon nang mabanggit ni Finn ang tungkol sa mga diyablo.

“Lingid sa inyong kaalaman, sila ang pinakamalaking banta sa mundo nating mga adventurer. Minsan na nilang sinubukan na sakupin ang mundo natin upang gawing sarili nilang mundo, pero hindi sila nagtagumpay dahil mayroong alyansang nabuo ang pumigil sa kanila.”

“Gano'n man, hindi pa sila lubusang naitataboy. Walang nakakaalam kung kailan muli sila lilitaw upang manggulo, at bilang isang adventurer na nakasaksi na ng iba't ibang uri ng karahasan at kasamaan, ayokong umabot sa puntong magkaroon muli ng malawakang digmaan na magiging resulta ng maraming kamatayan.”

“Hindi ko hangad na maging bayani, ang gusto ko lang ay kapayapaan para sa mundo ng mga adventurer dahil ayokong mawala ang mga malalapit sa akin. Gusto kong maging malakas para maprotektahan ko ang mga natitira kong mahal sa buhay, at ang pag-iral ng mga diyablo ay malaking banta dahil sa kanilang likas na mapangwasak na kapangyarihan,” mahabang pagsasalaysay ni Finn. Inilibot niyang muli ang kanyang paningin para pagmasdan ang reaksyon ng mga ito, at pagkatapos, muli siyang nagwika, “Ang layunin ng New Order ay mapanganib at walang kasiguraduhang pagtatagumpay dahil ang paglaban at pagtugis sa mga diyablo ay hindi magiging madali. Alam kong pinahahalagahan ninyo ang inyong buhay nang higit pa sa lahat kaya bibigyan ko kayo ngayon ng pagkakataon na pumili, at sagutin ang tanong ko.”

“Gusto n'yo pa rin bang mapabilang sa New Order..? O nais n'yong umatras at kalimutan ang lahat ng sinabi ko at inyong nakita sa mundong ito. Mamili kayo,” ani Finn habang pinagmamasdan ang reaksyon at ekspresyon ng kanyang mga taga pakinig.

--

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 760 38
"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan bin...
109K 11.4K 102
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
703K 48.9K 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
104K 4.3K 137
Rafael Alumno, an average guy who was sent to another world along with his classmates, where he recieved an overpowered ability. Originally wanted to...