A Painful Dream (Chaos Series...

By Nicsinix

6.9K 122 25

Chaos Series #1 Status: Completed Posted: December 12, 2021 - February 03, 2022 A dream that will make a way... More

Disclaimer
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE- THE LAST DREAM

CHAPTER 19

85 2 0
By Nicsinix


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil nakaramdam nanaman ako ng bahagyang pag kirot ng ulo ko kaya napahawak ako doon bago tuluyang iminulat ang mga mata at tumingin sa paligid.

Napakunot ang noo ko. Nasaan ako? Purong puti lang iyong nakikita ko sa paligid. Plain na puti maski sa kisame.

Anong nangyari?

Pilit kong inalala ang nangyari saakin kahapon pero habang inaalala ko ay mas lalo kong nararamdaman ang pag kirot sa ulo ko kaya bahagya akong napapikit upang patigilin ang pag sakit no'n.

Ano ba talaga ang nangyayari? Nasaan ako?

"Ah!" bahagya akong napasigaw ng maramdaman kong mas lalong kumirot ang ulo ko. Shit! Para itong pinipiga ng dahan-dahan.

"Fuck! What happened!?" Narinig kong bumukas ang pintuan at maya-maya lang ay naramdaman kong may humawak sa isang braso ko kaya iminulat ko ang mga mata ko at halos maiyak na ng bumungad saakin ang nag aalalang muka ni Rei habang naka alalay saakin.

"Rei..." mangiyak-ngiyak na tawag ko dito dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman sa puso ko kaya agad ako nitong niyakap at hinimas ang likod para pakalmahin ako.

"Shush... I'm already here, Alora. Don't be scared, baby... I'm here now..." pag aalo nito saakin at bahagya pang hinalikan ang tuktok ng ulo ko kaya napakapit ako ng mahigpit sa mga braso nito.

"Rei... N-natatakot ako..." tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa nag babadya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga iyon sakanya kaya kumalas sya sa pag kakayakap saakin at bahagyang iniluhod ang isang hita upang mag pantay ang mga muka namin at ikinulong nito ang muka ko gamit ang mga palad nya at pinunasan ang mga takas na luhang nasa pisngi ko na.

"Shush... baby, don't be scared... Nandito lang ako... Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo... I won't never leave you, Alora." Pag papatahan pa nito habang mabilis na pinupunasan ang mga luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. "Stop crying, baby..." Patuloy parin ito sa pag pupunas sa pisngi ko habang ang mga mata ay nangungumbinsi ang mga titig no'n saakin kaya unti-unti akong tumango at agad s'yang niyakap ng napakahigpit na parang doon ako kumukuha ng tapang para maging malakas ako sa ano mang haharapin kong pag subok pag labas dito.

Huminto na ako sa pag iyak pero nanatili lang na na gano'n ang posisyon namin ni Rei, nanatili lang akong nakayakap sakanya ng mahigpit habang pareho kaming tahimik at walang imik. Walang nag sasalita maski isa saamin na tila ba pinapakiramdaman ang isa't-isa.

"Rei..." Ako na ang bumasag sa katahimikan na namumutawi sa pagitan namin kaya bahagya itong kumalas sa pag kakayakap ko at iniharap ako sakanya.

"Yes, baby? You need anything?" malambing ang tono nito pero mababakas parin sa mga mata nya ang pag aalala saakin habang nakatitig sa mga mata ko kaya tinitignan ko rin ito, at hindi nag tagal ay ang kaninang takot na bumabalot sa dibdib ko ay unti-unting nawala dahil nakaramdam na ako ng kaligtasan at kapayapaan sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang mga mata nya. Feeling ko ay safe na safe ako tuwing nandito si Rei sa tabi ko.

Bahagya akong ngumiti at umiling. "W-wala naman... Itatanong ko lang sana kung a-anong nangyare k-kahapon..." pahina na ng pahina ang boses ko sabay iginala ang mga mata ko sa paligid at doon ko lang napag tanto na nasa hospital pala ako dahil sa purong puti na bumabalot doon.

"Kie said that you suddenly passed out at the coffee shop, so that's why he brought you here," pag papaliwanag nya, kaya agad akong napalingon ulit sakanya na nanlalaki ang mga mata.

"H-he... he brought me here?" pag kukumpirma ko sa sinabi nya kaya napatango ito saakin.

Napalunok ako. Si... Si Kie! Oo! Shit! Naalala ko na!

Napatingin ako sakanya at sunod-sunod na napalunok kaya kita ko ang pag kunot sa noo nito dahil sa ginawa ko na para bang kinakabahan.

"Hey, what's wrong? You look like you saw a ghost," puna saakin ni Rei, at mas lalong nadagdagan ang kunot sa noo nya ng mapansin n'yang sunod-sunod akong napalunok dahil nararamdaman ko na ang panlalamig ng mga palad ko. "Alora, what's wrong?" hinawakan ni Rei, ang dalawa kong kamay na nasa ibabaw ng mga hita ko, kaya kitang-kita ko kung paano mas lalong kumunot ang noo nito ng maramdaman ang pagpapawis ng mga palad ko kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.

Napalunok ako. Shit, ibig sabihin si Kie, iyong sumalo saakin kaya naramdaman kong sa mga bisig ako bumagsak imbis na sa sahig? Si Kie rin ba ang nag dala saakin dito no'ng nahimatay ako matapos akong tumitig sa mga mata nya?

Naramdaman kong mas lalong nag pawis ang mga palad ko at alam kong maski si Rei, ay naramdaman din iyon kaya bahagya n'yang pinisil iyon kaya napalingon ako sakanya, at wala sa sariling sunod-sunod na napalunok.

Ang naalala ko ay may narinig akong itinawag nya saakin bago ako mahimatay pero hindi ko iyon masyadong narinig kahit na pa sigaw iyon.

Ano iyong itinawag nya saakin?

Bigla nanaman akong nakaramdam ng kaba kaya napaiwas ulit ako sa mga mata ni Rei na titig na titig na ngayon sa mga mata ko habang pinag mamasdan ang bawat kilos ko.

Sigurado ako sa narinig kong itinawag nya saakin! Hindi iyon ang pangalan ko dahil tinawag ako ni Kie sa ibang pangalan pero bakit hindi malinaw saakin kung ano iyon? Kahit na rinig na rinig ko naman ang pag tawag nya saakin bago ako mahimatay?

Biglang pumasok sa isipan ko ang buong pangalan na sinabi nya saakin bago ako mahimatay kaya naramdaman ko na mas double ang panlalamig sa mga palad ko at pagpapawis doon.

Hindi kaya---Sya ang tinutukoy ni Hailey? Sya ba ang kwinekwento nito?

Si Kieran ba ang tinutukoy n'yang panganay na anak ng mga Villa Fuente?

Napalunok ako. "Rei..." wala sa sariling pag bigkas ko sa pangalan ng lalaking nasa tabi ko kaya naramdaman ko nanamang pinisil nito ang dalawang palad ko na hawak-hawak nya.

"What's wrong, Alora?" napapikit muna ako bago matapang na tumingin ulit sakanya at bumungad saakin ang mas double na pag aalala muka nito habang ang mga mata ay parang nag tatanong kung anong nangyayari saakin kaya kumuha muna ako ng malalim na pag hinga bago pinakalma ang sarili ko.

Oo, tama. Kailangan kong harapin ang takot na bumabalot saakin dahil walang mangyayari at hindi masasagot ang mga katanungan na nasa isip ko kung lagi ko itong kinakatakutan.

Kailangan kong harapin ang takot ko kung gusto kong makakuha ng kasagutan sa bawat tanong na namumuo sa isipan ko.

Napabuntong hininga ako. "Rei, si Kie ba ay isang Villa Fuente?" napalunok ako dahil doon. Gusto kong kumpirmahin kung totoo nga na Villa Fuente, si Kie kahit na malinaw naman saakin at narinig ng dalawa kong tenga ang sinabi nitong buong pangalan saakin.

Kumunot ang noo nya. "Yes, He's a Villa Fuente, why?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Shit, totoo nga na isang Villa Fuente si Kie! at hindi ako nag iilusyon no'ng gabing sinabi nya saakin ang buong pangalan nya!

Sya nga! Sya nga iyong tinutukoy ni Hailey na panganay na anak ng mga Villa Fuente, na walang tigil sa pag hahanap sa nawawala n'yang kapatid! Ang akala ko no'n ay nag kataon lang na pareho sila ng sitwasyon ng mga Villa Fuente, kaya hindi ko iyon pinansin no'ng una!

Napalunok ako. "D-Does his full name is K-Kieran Flynn V-Villa Fuente?" Utal-utal ko nang tanong kay Rei dahil halos hindi na ako makapag salita dahil sa bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kabang bumabalot nanaman doon.

Tumango ito kahit na nandoon parin ang kunot sa mga noo nito, at pag tatanong sa mga mata. "Yes, why do you suddenly ask about Kie? Tell me, baby. May ginawa ba iyong gagong iyon sa'yo?" biglang sumeryoso ang muka nito at nakita ko ang pag iigting ng panga nya kaya mabilis ako umiling dahil sa nakikita kong reaction sa muka nya na anytime ay magagawang patayin si Kie sa oras na sinabi kong may ginawa itong masama saakin.

"Rei! Hindi! Wala s'yang ginawang masama saakin!" natataranta na ako habang walang humpay ang pag iling.

Nakita kong unti-unting kumalma ang muka nito at maya-maya ay napabuntong hininga na lang. "Good. I thought that bastard did something to you... I'll definitely kill him If he did something to you." May pag babanta sa boses nito kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod ulit na napailing at napalunok.

"Hindi naman kasi 'yon!" Mabilis na pag tanggi ko dito habang kabado na hindi dahil kung sino man si Kie, kundi dahil sa sinasabi nya!

He raised a brow. "Dapat lang. Walang pwedeng gumalaw sayo, Alora. Kahit pa mismo si Kie, handa akong pumatay kapag nalaman kong nasaktan ka." May diin sa bawat salitang binibitawan nya habang nakatingin na saakin ng deretso at mas sumeryoso ang mga mata kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Kumalma ka nga, Rei!" pag papakalma ko dito at agad nag palinga-linga sa paligid ng maalala ko ang dapat sana na itatanong ko pa dito kanina, at tumingin ulit sakanya. "Nasaan pala si Kie?"

His eyes darkened. "Why did you asking me about where the hell that bastard is?" Pag karinig ko no'n ay bigla ko s'yang sinamaan ng tingin pero hindi ito nag patinag at sinamaan din ako ng tingin.

"Zacharious Rei!" I warned him, pero hindi ito nag patinag dahil mas sumama ang tingin nya saakin.

"What?"

Mas lalong sumama ang tingin ko sakanya. "Isa, Rei! Malamang sayo ko tatanungin kung nasaan si Kie, dahil bukod sa ikaw ang kaibigan ay ikaw din ang kasama nito! Alangan naman na ako, e tulog nga ako kanina, diba?" Singhal ko dito pero nanatili lang ang tingin n'yang masama saakin kaya siningkitan ko na sya ng mga mata. Ano ba 'tong lalaking 'to? Bakit bigla itong nag kakaganito porket itinanong ko lang kung nasaan si Kie?

"Really, Alora? Really?" Hindi makapaniwalang sagot nito kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Nasaan na kasi si Kie, Rei? Sabihin mo na kasi!" Para na akong bata ngayon na pinipilit ang magulang para lang bilihan ako ng candy na paborito ko, at bahagya pang niyugyog ang braso nya kaya mas lalong sumama ang titig nya saakin kaya napalunok na ako. Nakakatakot na 'yung aura nya. Nagalit na ata.

"What if I will not tell you where that bastard is? What will you gonna do?"

Tinaasan ko sya ng kilay. "Hinahamon mo ba ako sa maari kong gawin sayo kung hindi mo sasabihin kung nasaan ang punyetang kaibigan mo?" Naiirita na ako! Bakit ba kasi ayaw n'yang sabihin? Bakit ba bigla s'yang nag ka ganito dahil lang sa hinahanap ko si Kie?

He smirked at my reaction. "If that's what you think...then, yes, Alora." matapang na sagot nito at bahagyang nilapit ang muka saakin kaya lumayo ako ng bahagya at tinaasan sya ng kilay.

"Ah, ayaw mong sabihin? Sige, manigas ka d'yan at talagang hinding hindi ka na makakaulit saakin!" sagot ko dito at mabilis na humiga sa hospital bed at tinalikuran sya sa sobrang inis. Nakakainis 'tong lalaking 'to. Para nag tatanong lang, e ayaw pang sabihin kung nasaan si Kie!

Narinig kong tinawag ako nito pero hindi ko sya pinansin o maski man lang humarap sakanya. Bahala sya d'yan! Manigas sya!

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto kaya dali-dali akong napabangon mula sa pag kakahiga ko at agad nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang bagong dating.

"Kie!" agad kong tawag dito dahilan upang marinig ko ang pag 'tsk' ni Rei sa gilid ko kaya binalingan ko ito at sinamaan ng tingin pero hindi sya nag patinag at sinamaan din ako ng tingin.

I heard Kie chuckled a bit. "Hey, hey. What's going on with you two? Did you two fighting?" Pag karinig namin no'n ay sabay kaming napalingon ni Rei sakanya.

"WALA!" Halos sabay naming sagot ni Rei dito kaya sinamaan ko sya ng tingin pero umirap lang ito saakin dahilan para marinig ko na ang malakas na pag tawa ni Kie.

"Oh, wrong timing ata pag pasok ko. May Lq ang dalawang lovebirds," alam kong nakangisi na si Kie habang sinasabi iyon kaya imbis na kabahan ako dahil alam ko na kung sino talaga sya, ay agad ko itong binalingan at napasimangot.

"Eto kasing si Rei, nag tatanong ako kung nasaan ka pero ayaw n'yang sabihin saakin kung saan ka nag punta!" Parang batang nag susumbong na ako ngayon kay Kie kaya narinig ko nanaman ang pag buntong hininga ni Rei dahilan para balingan sya ng tingin ni Kie bago nanaman natawa.

"Hey you, bastard. Chill. Give her a punishment later, para naman kahit papaano ay makabawi ka," bahagya pang umalog ang balikat nito dahil sa pag tawa habang nakatingin parin kay Rei kaya napatingin na rin ako sakanya kaya bumungad ang mga titig nitong seryong-seryoso na ngayon habang nakatitig saakin at hindi alintana ang presensya ni Kie sa harap namin kaya napalunok ako.

"B-bakit?" kabadong tanong ko dito dahil nakikita ko nanaman iyong pag igting ng panga nya habang seryosong-seryoso ang mga titig nito saakin!

"Get ready for your punishment later, Alora. Hindi ko palalagpasin ito," may pag babanta sa mga tinig nya kaya wala sa sariling napalunok ako dahil sa kaba.

Narinig kong mas lalong natawa si Kie, pero hindi ko iyon pinansin dahil ang buong attention ko ay na kay Rei lang habang seryoso parin ang titig nito sa mga mata ko.

Sunod-sunod akong napalunok dahil sa uri ng pag titig nya at talagang umiigting na ang panga nya!

"R-Rei..."

"I will make sure that you will beg on me, later." Nanlalaki ang mga mata ko ng sabihin nya iyon saakin. Alam ko kung anong tinutukoy nya!

I heard Kie chuckled again. "Man, Calm down! Don't be hard to Alora," agad akong napatingin dito at sinamaan na sya ng tingin kaya agad itong napatigil sa pag tawa at nag patay malisya na lang.

"Shut the fuck up, you bastard!" Halos mapatalon na ako sa gulat ng marinig ko ang halos pasigaw na tinig na iyon ni Rei kaya agad itinaas ni Kie, ang dalawa n'yang mga kamay na parang sumusuko na sa mga pulis.

"Chill, man! I was just teasing her." Napalingon ito saakin at kumindat pa kaya nilakihan ko s'ya ng mga mata. Shit! Nakakatakot na nga si Rei, eh! Tapos kikindat-kindat pa sya d'yan!

"What the hell do you think you're doing, Kieran!?" Napaiktad ako sa kinauupuan ko ng sumigaw na si Rei na nasa tabi ko at akmang hahakbang na para puntahan si Kie na malapit sa pintuan kaya agad kong hinawakan ang braso ni Rei, at agad ng napatayo para humarang sa dadaanan nya.

Wala akong pake kung medyo nahilo ako sa biglaang pag tayo ko dahil kung hindi ko gagawin iyon ay baka mag sabong na itong dalawang baliw na lalaki sa harapan ko!

Napatigil naman si Rei ng makita ako na nakaharang na sa harapan nya at napalunok ako ng makita ang galit sa mga mata nya habang nag iigting ang mga panga nito.

"Let me kill, him. Alora! Get out of my way. Let me kill that fucking bastard!" Binalingan nya ng tingin si Kie, at kitang-kita ko kung paano nadagdagan ang galit na nasa mga mata nito ng marinig kong tumawa lang si Kie, at hindi iniinda ang galit nito.

Napalunok ako. "Ano ba, Rei? Bakit ka ba nag kakaganyan? Porket hinahanap ko lang si Kie, ay bigla ka nang nag ka ganyan?"

Narinig kong mas lumakas ang tawa ni Kie kaya binalingan ko ulit sya ng tingin na agad naman nitong kinahinto sa pag tawa at nag kibit balikat na lang sabay sumandal sa hamba ng pintuan at humalukipkip.

Tumingin ulit ako kay Rei. "Ano? Gusto n'yo mag patayan? Sige, mag patayan kayo!" inis na inis na ako sa dalawang 'to! Parehong sakit sa ulo!

Akmang tatalikod na ako kay Rei ng bigla nitong hawakan ang braso ko kaya napatigil ako at tinignan sya ng masama pero bumuntong hininga lang ito at unti-unting bumalik sa dati ang expression ng muka nito.

"I-I'm sorry..." Mahina lang iyon pero sakto na para marinig ko.

Bumuntong hininga ako. "Bakit ka ba kasi nag kakaganyan?" kunot noong tanong ko na dito pero tumingin lang sya ng deretso sa mga mata ko.

He sighed. "I was... I was just---" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng biglang nag salita si Kie.

"He's jealous, Alora. Nag seselos saatin," narinig kong tumawa nanaman ng malakas si Kie kaya parehong nabaling ang tingin namin ni Rei sakanya pero tuloy lang sya sa pag tawa at pag iling kaya nakita kong sumama nanaman ang tingin ni Rei sakanya.

"Shut up, Kieran!" He hissed.

Kie just smirked at him before he turned his gazed at me. "I told you, Alora. Believe me, nag seselos iyan kaya ganyan 'yan," tumawa nanaman sya na parang inaasar pa lalo si Rei kaya binalingan ko ng tingin si Rei pero tahimik lang ito habang nakatitig saakin at hindi umiimik.

"Rei..."

"I'm sorry," mabilis na sagot nito at binalingan ng tingin si Kie kaya kitang-kita ko kung paano nanaman nandilim ang mga mata, at gumalaw ang panga nito. "You, bastard." Tawag nya kay Kie, kaya napatigil ito sa pag tawa.

"What? I'm not here for you, man. I'm here for Alora," ramdam na ramdam ko ang pag ngisi ni Kie habang sinasabi iyon kay Rei na halatang iniinis pa ang isa kaya mas lalong sumama ang tingin ni Rei, at kulang na lang na mag tangis ang mga bagang nito dahil kay Kie.

"Fuck you!" bumaling saakin si Rei ng tingin. "Huwag na huwag mong kakausapin 'yang lalaking iyan, Alora," may pag babanta na sa mga mata nito kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

"Rei naman!" reklamo ko dito dahilan upang ako naman ang saamaan nya ng tingin kaya napasimangot na lang ako at hindi na kumibo.

"Oh, chill man! Wala akong gagawin kay Alora. Okay? Ayoko pang mamatay dahil maraming babae ang mag luluksa, at iiyak ka pag namatay ako," rinig ko pang sabi ni Kie, kaya napalingon agad ako sakanya at nandidiring tinignan ito dahilan upang matawa ulit sya. "Why are you looking at me like that, Alora? Totoo lang iyong sinabi kong maraming babae ang mag luluksa ka pag pinatay ako nitong ni Zacharious, dahil sa sobrang selos sa gwapong katulad ko." Binalingan nya ulit ng tingin si Rei, at ngumisi kaya naramdaman ko nanaman ang sama ng titig ni Rei sakanya.

"Shut the fuck up, Kieran! Hindi kita kinakausap." Pambabara ni Rei dito dahilan para tumawa nanaman si Kie, at iiling-iling na lang sakanya.

"Hey, man. Let me talk to, Alora, first." Napatingin na ito saakin sabay ngumiti dahilan upang mapalunok ako at wala sa sariling binalingan si Rei ng tingin na ngayon ay seryosong-seryoso na ang muka pero kita sa mga mata nito ang pag tutol sa gusto ni Kie, at bahagya pa itong umiling.

Nginitian ko sya. "Sige na, okay lang ako, Rei, payagan mo na si Kie na makausap ako. Promise, mabilis lang 'to," ngumiti na ako sakanya ng tuluyan habang nakikiusap ang mga mga na nakatitig ng deretso sa mga mata nya kaya saglit itong natigilan at kahit na kita parin sa mga mata nya ang pag tutol ay wala na itong nagawa kundi tumango.

"Fine. But please, Alora. Promise me that you'll be okay, alright?" sagot nito kaya mas lalong lumawak ang ngiti na nasa mga labi ko at mabilis na tumango bago sya niyakap.

"Opo, promise!" sagot ko dito at bahagya pang tumingkayad para bumulong sakanya. "I'll accept your punishment, later," nginisian ko sya sabay kumindat pa sakanya kaya kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito bago tuluyang ngumisi saakin.

"I'm looking forward to it. Be ready, baby..." ngisi nito habang nakatingin saakin kaya napahagikgik ako at yumakap ulit sakanya.

"Sige na, mag uusap lang kami," sabi ko pa dito bago kumalas sa pag kakayakap sakanya kaya kita ko kung paano nawala ang ngisi nya ng napalingon ito sa gawi ni Kie, at napalitan iyon ng masamang titig.

"Take care of her, I'll gonna kill you if something bad happen again to her, Kieran." pag babanta nito kaya nilingon ko si Kie pero ngumisi lang ito at bahagya ng tumango bago umayos na nang tayo.

"Ayoko pang umiyak ang babae ko dahil lang pinatay mo ako, Zacharious," may kakaibang ngisi na nasa mga labi nito habang sinasabi iyon kay Rei kaya narinig kong napabuntong hininga na lang si Rei.

"Fine. I will wait outside, take care of my Alora." Ramdam na ramdam ko ang pag baling ng titig saakin ni Rei kaya napalingon ulit ako sakanya at nginitian sya.

"Don't worry, I'll be fine," paninigurado ko pa dito pero tumitig lang ito saakin para makasiguro bago tumango at agad akong hinila, at halikan sa noo kaya mas lalo akong napangiti.

"I love you..." he whispered.

"Mahal din kita, Rei..." bulong ko din dito kaya nakita ko nanaman ang pag silay ng ngisi sa mga labi nya at kinindatan pa ako na kinatawa ko naman ng bahagya bago ulit ito bumaling ulit kay Kie at bahagyang tumango.

Tumalikod na ito saakin at nag lakad papunta sa gawi ni Kie kaya sinundan ko naman sya ng tingin at nakita kong pasimple nitong sinuntok ang sikmura ni Kie na kinatawa naman ng isa bago nito tapikin ang balikat ni Rei at may ibinulong sakanya kaya narinig ko nanamang minura ito ni Rei bago tuluyang lumabas.

Napakunot ang noo ko. Ano bang pinag gagawa ng dalawang ito? Ganito ba silang dalawa? Matapos halos mag patayan tapos makikita ko na ganito na ang kinikilos nila sa isa't-isa?

Mag kaibigan nga sila... Parehong baliw.

"Alora..." Agad akong napabaling ng tingin ulit kay Kie ng marinig kong tawagin nya ang pangalan ko kaya napalunok nanaman ako.

"Bakit?" takang tanong ko at nag lakad papunta sa gilid ng hospital bed upang maupo doon bago ulit nilingon si Kie. "Anong gusto mong pag usap?" tanong ko pa dito at pilit na kinakalma ang sarili dahil unti-unti ko nanamang nararamdaman ang kabang bumabalot sa dibdib ko.

Ang sabi ko ay haharapin ko na ang takot ko kung gusto kong makakuha ng kasagutan sa mga tanong na nasa isip ko, pero bakit ngayon ay tila naduduwag nanaman ako ngayong nandito na si Kie sa harap ko?

Narinig kong napabuntong hininga si Kie bago nag lakad palapit saakin at umupo sa sofa sa harap ko kaya matapang ko itong tinitigan.

"About last night. Sorry if I scared you. I didn't mean to do that, Alora... I... I was drunk that time... I'm really sorry..." Bahagya itong napayuko kaya pinag masdan ko muna sya sa gano'ng sitwasyon bago bumuntong hininga.

Naramdaman kong unti-unti ng napanatag ang puso ko at nawala ang takot na nararamdaman ko sakanya sa nakikita ko ngayon dahil alam kong sya na iyong Kie na nakilala ko at hindi na sya katulad no'ng Isang gabi na parang iba ang dating nya saakin. Na parang may ibang awra itong dala at parang may ibang kahulugan ang mga titig at pag ngisi nya saakin dahilan upang matakot ako sakanya no'n, tapos sinabayan nya pa ng mga gano'ng tanong na parang may gustong ipahiwatig kaya natakot talaga ako sakanya no'ng Isang gabi.

"Okay lang, Kie. Alam ko naman na hindi mo mo intension na takutin ako, at saka kasalanan ko rin naman dahil nag padala ako sa takot dahil sa presensya mo," matawa-tawa na ako ngayon dahil sa naalala ko kung gaano ako siklaban ng takot dahil lang sa pag dating nya no'n.

Nag angat ito ng tingin saakin. "I'm sorry..." Sunod-sunod itong humingi ng tawad kaya napangiti na ako bago tumayo mula sa kinakaupuan ko at doon umupo sa tabi nya at hinarap sya.

"Okay lang, Kie. I understand. Don't worry," paninigurado ko dito pero napatitig lang ito saakin bago bumuntong hininga.

"No, babawi ako sayo. Just tell me what you want, Alora... babawi ako sayo," pamimilit pa nito kaya natawa na lang ako bago umiling-iling sakanya.

"You don't need to do that, Kie. Pero kung gusto mo talaga, sige," sagot ko dito at ngumiti sakanya ng pag katamis-tamis dahil sa biglang ideyang pumasok sa isipan ko. Alam kong magugustuhan nya itong sasabihin ko sakanya.

Nakita ko ang pag kislap ng mga mata nya no'ng sabihin ko iyon kaya natawa nanaman ako ng bahagya. "What is it, Alora? Tell me, I'll do everything for you, para makabawi ako sayo,"

Mas lalong lumawak ang ngiti na nasa mga labi ko habang nakikita na nabuhayan ang mga mata nito habang hinihintay ang sasabihin ko kaya napailing-iling na lang ako sakanya.

"Kie, you don't need to do everything for me. 'Yung mahanap mo lang iyong kapatid mong nawawala ay okay na saakin para makabawi ka,"

Habang nakatitig kasi ako sakanya kanina ay na realize ko kung gaano kalungkot ang buhay nya dahil nawala ang kaisa-isa n'yang babaeng kapatid na tinuturing nitong prinsesa kaya kahit na may pag kabaliw kung minsan si Kie, ay hindi parin matatago ang katotohanang binabalot ito ng kalungkutan.

His life was in the darkness for so many years.

Binabalot na sya ng kadiliman simula ng mawala ang unang babaeng pinaka importante sakanya.

Iyong kapatid n'yang tinuturing n'yang prinsesa nya.

Habang nakatitig ako sakanya ay na naisip  kong sobrang selfish ko na pala dahil ginusto kong huwag n'yang mahanap ang kapatid nya dahil sa takot ko na baka ka pag nahanap nya na ang kapatid nya ay agawin nito saakin si Rei.

Si Rei na kaisa-isang taong meron na lang ako ngayon dahil tinalikuran na ako ng tatay ko...

Kitang-kita ko naman kung paano sya natigilan sa sinabi ko. "Alora..." halos hindi na sya maka pag salita dahil sa gulat na nasa mga mata nya habang hindi makapaniwalang nakatitig saakin kaya napangiti ulit ako sakanya at tumango.

"Oo, Kie. I want you to find your sister... Iyon lang ang gusto kong gawin mo kung gusto mo talagang makabawi saakin,"

His eyes was now in teary eyes before he nodded his head. "C-can I hug you, now?" tanong nito kaya hindi na ako nag dalawang isip at mabilis na tumango sakanya kaya naramdaman ko ang mabilis nitong pagyakap saakin ng mahigpit na parang ayaw na akong pakawalan kaya napangiti na ako bago sya niyakap pabalik.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang mainis sa lalaking ito, at hindi ko alam kung bakit sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko sakanya mula pa no'ng simula pa lang na mag kita kami.

Naramdaman ko ang pag alog ng mga balikat nito at narinig ko ang mahinang pag hikbi nito kaya nanlaki ang mga mata ko. Anong meron? Umiiyak ba sya?

"Kie..." pag tawag ko dito kaya naramdaman kong mas lalong humigpit ang pag kakayakap nito saakin bago tumigil sa pag hikbi, at narinig kong may ibinulong ito sa sarili nya pero hindi malinaw saakin kung ano iyon kaya napakalas ako ng yakap sakanya at nag tatakang tumingin dito. "May sinasabi ka ba?"

Agad itong umiling at nag angat ng tingin saakin bago ngumiti na ikinagulat ko naman dahil nakita ko ang mga mata nito na namumula na parang kagagaling lang sa pag iyak! Umiyak nga sya kanina!

"Kie. Anong nangyari sayo?" kunot na kunot na ang noo ko habang pinag mamasdan parin ang mata n'yang namumula na ngayon na halatang umiyak!

Napailing naman sya. "Nothing, don't mind me." Mas lalong lumawak ang ngiti na nasa mga labi nya. "Thank you, Alora..." he murmured.

Unti-unti na akong napangiti dito bago tumango. "Continue finding your sister, Kie. Kahit iyon lang, okay na ako,"

Nakatitig na ito sa mga mata ko habang hindi na mawala ang ngiti na nasa mga labi nito. "I think, I already found her,"

Hindi ko man maintindihan ang gusto n'yang iparating saakin habang nakatitig parin sa mga mata ko, pero pinanatili ko parin ang ngiti na nasa mga labi ko habang pinag mamasdan ang muka nya.

I wish na mahanap mo na ang kapatid mo, Kie. Kahit na alam kong may posibilidad na mawala saakin si Rei ka pag dumating na ang araw na iyon.

Ang araw na mahanap mo na ang kapatid mo.

Nginitian ko ulit sya at akmang mag sasalita na pero inunahan na ako nito. "I need to talk to Zacharious, too." Sabi nito at tumingin sa wrist watch nya bago ulit bumaling saakin.

Tinanguan ko naman sya. "Sige, puntahan mo na si Rei sa labas. Okay na ako dito," sagot ko pa at tumayo na kaya tumayo na rin sya.

"Are you sure that you're okay now?" paniniguradong tanong nito habang titig na titig parin saakin na parang pinag mamasdan kung okay lang ba talaga ako kaya nginitian ko ulit sya at tumango-tango.

"Oo naman, 'no! Sige na puntahan mo na si Rei baka mas lalo ka pang mapatay no'n," Pag bibiro ko sakanya na agad nya namang kinatawa at bahagya pang ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

He chuckled. "Silly, kiddo."

Humalukipkip ako. "Sinong kiddo? Hindi na nga ako bata, Kie! Kiddo ka ng kiddo d'yan, eh!" reklamo ko sakanya kaya natawa nanaman sya at iiling-iling na lang saakin kaya napasimangot ako.

Hindi naman na kasi ako bata para tawagin n'yang kiddo!

"You're still young, Alora," pang-aasar pa nito kaya nag pameywang na ako sa harapan nya at mas sinamaan sya ng tingin pero umiling lang ito saakin habang matawa-tawa pa rin.

"Umalis ka na nga, Kie! Baka ano pa ang magawa ko sayo," pag tataboy ko dito na mas lalong sumama ang tingin sakanya.

He chuckled again. "Yeah, eto na," tumigil na ito sa pag tawa bago ulit guluhin ang buhok ko at ngumiti saakin. "Take care of yourself, Alora. Thank you...'Till we met again," ngumiti ulit ito saakin bago tumalikod, at akmang mag lalakad na sana palabas ng tawagin ko ulit ito.

"Kie!" agad itong napalingon saakin habang nakangiti parin.

"Yes? Do you need anything?"

Mabilis akong umiling. "Wala naman. Gusto ko lang tanungin kung mag kikita pa ba tayo?" Kasi sa sinabi nya parang hindi na kami mag kikita, eh.

He smiled at me. "Of course, Alora. But I have to go for now because I have something important to take care of, but it doesn't mean na hindi na tayo mag kikita," biglang sumilay ang ngisi sa mga labi nito. "Ngayon pa ba ako lalayo sayo na ngayon na nahanap na kita?"

Pag kasabi nya no'n ay lumabas na sya sa kwarto kung nasaan ako kaya naiwan akong tulala habang nakatitig sa pinto kung saan sya lumabas.

Napakurap ako. Anong ibig n'yang sabihin sa 'ngayon pa bang nahanap nya na ako?' Bakit pakiramdam ko may gusto s'yang ipahiwatig nanaman saakin no'ng sinabi nya ang mga salitang iyon?

Napalunok ako, at napaupo sa hospital bed bago ulit lumingon sa pintuang pinag labasan nya kanina. Bakit ganito? Bakit habang tumatagal parang hindi ko na malaman kung anong tumatakbo sa utak ni Kie? Bakit habang tumatagal parang may mga kahulugan na ang pinag sasabi nito pag dating saakin?

Bakit simula ng gabing iyon ay parang naging weird si Kie? Iyong mga salitang sinasabi nya saakin ay parang may gustong ipahiwatig na hindi ko alam kung ano.

Ayoko na lang isipin dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa mga pinag sasabi ng lalaking iyon saakin!

Gano'n ba talaga pag baliw? Hindi ko makuha ang gusto n'yang iparating sa mga salitang binibitawan nya.

Ilang minuto pa akong nag hintay habang nakaupo parin sa kamang ito bago ko marinig na bumukas ang pintuan kaya agad akong napalingon doon at halos mag tatalon na sa tuwa ng makitang iniluwa no'n si Rei kaya agad akong napatayo at akmang lalapitan na sana sya ng mapatigil ako dahil kasunod n'yang pumasok doon  ay si Kie, at agad itong ngumiti ng makita ako kaya napakunot ang noo ko, at nag tatakang tumingin kay Rei pero seryoso lang itong nakatitig na saakin ngayon na parang pinag mamasdan ang bawat ikinikilos ko dahilan upang mas lalong kumunot ang noo ko.

Bakit ganito makatitig saakin si Rei? 'Yung mga titig nya kasi saakin ay parang kinikilatis ang katauhan ko.

Napalunok ako. "R-Rei, bakit?" bigla akong kinabahan dahil sa uri ng pag titig nya saakin.

Bumuntong hininga ito bago umiling. "Nothing," tipid na sagot nito, at pag katapos ay bumaling sya ng tingin kay Kie kaya mas lalo akong naguluhan sa nakikita ko ngayon na parang nag uusap sila gamit ang mga mata bago ulit ito bumuntong hininga. "I'll take her to my condo," sagot pa nito bago ulit binaling ang tingin saakin kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Anong nangyayari? Nag usap lang itong dalawa pero bakit naging weird na pareho ang kinikilos nila?

Nahawa na ba si Rei sa kabaliwan ni Kie?

Narinig kong tumawa si Kie. "Chill! It's just my hunch, man." Napatingin na ako kay Kie na nag tatanong ang mga mata ng marinig iyon kaya napatingin din sya saakin at nag kibit balikat lang ito.

Anong nangyayari sa dalawang ito? May sekreto ba sila na hindi ko alam?

"I don't care if it's just your hunch or something." Madiin ang pag kakasabi ni Rei no'n kaya napalingon ulit ako sakanya na may kunot parin sa noo pero hindi nag bago ang expression ni Rei dahil nanatiling seryoso ito habang titig na titig saakin kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Anong meron?" wala sa sariling tanong ko dito at binalingan ulit si Kie para mag hanap ng kasagutan pero umiling lang ito bago nanaman natawa.

"Don't mind him, Alora. Just ready yourself because for sure, he'll punish you hard." Tawa pa nito, at iiling-iling na bumaling ulit kay Rei. "Hey, bastard. I told you, it's just my hunch! Don't be hard to Alora. She need a rest. Maawa ka naman sana,"

"Fuck you," I heard Rei hissed. "Get out." Madiing sagot pa nito kaya mas lalong tumawa si Kie bago iiling-iling na tumango.

"Okay, okay." Tumingin na ito saakin at ngumiti. "Bye, Alora! See you again. Mag iingat ka kay Zacharious," tumawa nanaman sya bago bumaling ulit ng tingin kay Rei at ngumisi.

Kahit na naguguluhan ay tumango na lang ako. "Ingat ka, Kie,"

Bumaling ulit ito saakin at ngumiti. "I will. Take care of yourself too, okay?" bilin pa saakin nito kaya agad akong napatango at ngumiti sakanya kahit na ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Rei saakin kaya binalingan ko ulit sya ng tingin at tama nga ako.

Nakatitig parin sya saakin na parang binabasa ang pag katao ko.

Kumunot ang noo ko. "Rei?" winagaywag ko ang kamay ko sa harapan nya dahil para na itong estatwa na hindi na gumagalaw o maski man lang kumukurap dahil talagang titig na titig ito saakin dahilan upang marinig ko nanamang tumawa si Kie pero hindi ko iyon pinansin. "Rei?" pag uulit kong tawag dito kaya para naman itong natauhan dahil agad na itong kumurap.

"Yeah? I'm sorry. What is it again, baby?" agad nitong tanong saakin kaya napangiti na ako dahil bumalik na sya sa dati.

Narinig kong napatawa ulit si Kie kaya sabay kaming napalingon ni Rei sakanya, at kita ko nanaman kung paano biglang napalitan ang expression ni Rei sa muka nito at tumitig ng masama kay Kie.

"Get out!" Pag tataboy ni Rei dito kaya mas lalong natawa si Kie bago iiling-iling na tumango at sumulyap pa saakin at kumindat bago tuluyang lumabas sa pintuan.

Saglit pa akong na pa titig doon at nang masigurong tuluyan ng umalis si Kie ay napalingon ulit ako kay Rei na ngayon ay nakatitig na pala saakin.

"Let's go?" tanong nito saakin na parang walang nangyari kaya napatango na ako.

"Oo, Tara na." Pag aaya ko dito kaya napangisi na sya.

"Be ready to your punishment, baby..." ngising-ngisi na ito saakin kaya natawa na lang ako bago nauna nang mag lakad sakanya palabas ng kwartong iyon.

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga iyong lalaking iyon! Puro pag paparusa ang alam!

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 135 43
[Completed & Revised] What will happen if a simple, cheerful, and ill-tempered woman and a famous and overachieving man live in the same house? She l...
1.2M 21.3K 53
BETRAYAL SERIES #1 COMPLETED Clementine Indra Acker is a simple girl that only wish a good life but what if Zyair Keanu Huxley ruined everything in h...
299K 4.9K 64
Genre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wif...
1M 27.1K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...