Waves of Life

Av ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... Mer

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 29

837 35 41
Av ren_esteron

Venus

"I hope you're done with the soul searching thing."

Nilingon ko ang kapatid na may mga mapaglarong ngiti sa labi. He's not really done with this, huh? Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nasa Iloilo ako ngayon.

But considering Kuya Rigo's power and connections, alam kong matutunton niya ako saan mang lugar magtungo. Ang pagkikita naming dalawa sa isang hotel sa Singapore dati ay alam kong hindi isang coincidence lang.

"You left me no choice, Kuya."

Bumuntong hininga siya. Maingat na ibinaba ang tasang hinahawakan sa lamesang crystal. "Why don't you go home and help me with the business, Ven? Hindi iyong nagliliwaliw ka sa kung saan."

Umirap ako at itinuon ang atensiyon sa pagkaing nasa harapan. "Alam mo naman na wala akong alam diyan. Plano ko rin naman na kukuha na ng LET next year. Kaunting pagtitiyaga na lang sa akin, kuya."

"I don't mind babysitting you. I don't mind if you remained jobless. Ang sa akin lang, umuwi ka ng Tabacalera. Hindi ba at nangako ka sa akin na uuwi ka na kapag tapos na ang resthouse?"

"Oo nga kuya pero--"

"I know there's something holding you from coming back." Humalukipkip siya at mataman akong tinitigan. "I'm your brother, you tell me so I can do something about it."

I shifted on my seat. My lips parted a bit dahil sa pag- dadalawang isip kung sasabihin ba sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit mula pa man noon ay ayaw ko pang bumalik sa Tabacalera.

Three years ago, I have been accused of something I didn't do. My bestfriend died and a lot of people turned their back at me. Aaminin ko na noong una ay natakot ako, nalungkot. Dinala ako ni kuya Rigo sa France upang itakas mula sa kanilang lahat.

Isang buwan bago tuluyang nalinis ang pangalan ko dahil sa tulong ni Simon at kuya. The real culprit is the daughter of the Lopez Family. Iyong nagpakilala na witness siya at kaagad akong itinuro.

Hindi ako tuluyang naging masaya kahit na nalinis ko na ang pangalan ko. Mas nanaig pa siguro sa akin ang sama ng loob para sa mga taong hindi ako pinaniwalaan.

"O baka hanggang ngayon ay ayaw mo pa ring makita si Sandro?" dagdag pa ni Kuya. "Hindi pa ba tapos ang habulan niyong dalawa na halos ikutin niyo nang pareho ang buong mundo?"

Sa sinabi niyang iyon ay napaangat ako ng tingin sa kanya. He is watching me closely.

I left the country without saying goodbye to Sandro. Tinapos ko ang ugnayan naming dalawa pagkatapos kong malaman na tumutulong siya sa imbestigasyon para makakalap ng ebidensiya na ako talaga ang pumatay kay Samantha.

I stopped expecting anything from him because I just keep getting dissapointed. Nag deactivate ako sa lahat ng social media accounts ko at nag change ng number. Pero hindi ko alam kung paano niya kami natunton ni Kuya Rig.

During my three months in France with Kuya, I saw Sandro standing outside our house. He tried talking to me pero umiwas ako. Gusto ko ng bagong buhay nang wala ang mga taong nagdulot ng sakit sa aking puso noon.

Mahal niya lang ako kapag convenient sa kanya! Ayoko nang magpapauto!

Hinayaan ako ni Kuya Rigo na pumuntang Thailand para doon mamalagi sa kaibigan niya makalipas ang ilang buwan nang pagkikita namin ni Sandro. Pero hindi ko alam kung papaano niya ring nalaman na nandoon ako.

I've been in Canada and Korea and he was also there! Naging ganun ang cycle naming dalawa. Kapag naiinis na ako sa walang katapusang pangungulit niya ay lilipat ako ng bansa at susunod naman agad siya.

"It's been years, kuya. Baka may girlfriend na 'yong tao." agap ko.

Hindi umabot ng isang taon ang paghahabol ni Sandro dahil agad siyang tumigil. May parte sa akin na nanghihinayang at na dissapoint na naman sa kanya pero isinawalang bahala ko. Aayusin ko ang sarili ko nang wala nang maihusga sa akin ang mga tao.

Kapag nakikita nilang wala kang laban, sasamantalahin nila ang kahinaan mo.

"Kungsabagay, taon na rin ang lumipas. Imposibleng hindi magbabago ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa."

Something inside me ache a little. Pero hindi kagaya ng dati ay mas matapang na ako, hindi kagaya ng dati ay kaya ko nang kontrolin ang sariling emosyon.

I need to cut ties with Sandro because love was too blind for us, I was too blind for love that time. Marami kaming nasasaktan.

Calli even tried commiting suicide before. Gusto yatang sumunod kay Sam. Kung sinabi niyang ayaw niya nang mabuhay, edi sana ay siya na lang ang nagpasaksak.

"Right." I smiled.

Ang nangyari sa amin ni Sandro, I never regret any of that. In fact, I am genuinely happy that he made me realize a lot of things. Na kailangan ko munang mahalin ang sarili bago mahalin ng husto ang ibang tao.

Ganun talaga ang alon ng buhay, kahit gaano mo kagustong makasama ang isang tao, kung patuloy siyang hinahatak ng alon palayo sa iyo ay wala kang magagawa.

Hindi naman kasi lahat ng tao kasama ang mahal nila mag grow as a person. Sa sitwasyon ko, mag-isa kong inayos ang sarili.

"Miss Villaruel"

I stopped eating. Tiningala ko ang babaeng waiter na tuliro ngayon sa aking harapan dala- dala ang isang tray. Kumunot ang noo ko. Hindi alam kung ano ang unang pupunain, kung ang kabado ba niyang ekspresyon habang sumusulyap sa kapatid kong tila walang paki- alam o ang fresh milk bang laman ng kanyang tray ngayon. Hindi na ako nag order pa ulit, ah?

Sa nanginginig na kamay ay inilapag niya ang gatas sa lamesa. "S- someone ordered this for you, ma'am. Inumin niyo raw at hindi 'yang kape."

My eyes narrowed at the guy who is sitting alone on the far corner. His blue eyes was on me while taking a sip on his coffee. Itinaas niya ang isang kamay na agad kong inirapan.

I told him to stop pestering me when my brother is around! Damn, Sky! I'm gonna kill you.

"Sino?" Si Kuya Rigo na nakakunot na ang noo ngayon habang nakatitig sa waitress.

Ibinaling ko na rin ang atensiyon sa waitress na nasa harapan. Kahit alam ko na kung sino ang nagbigay ay hinintay ko pa rin ang magiging sagot niya. But instead of answering, she froze.

Napataas ang kilay ko. Pinanuod siyang nagmamadali.

"H- hindi po pweding sabihin s- sir." Mabilis siyang pumihit nang hindi sinasalubong ang mga titig ni Kuya.

Who is she? She likes my brother? Naiiling na lang ako nang maisip na posibleng ganun nga. Pero sobrang kaba naman ata 'yong naramdaman niya. Sobrang obvious. Sumulyap ako kay Kuya sa posibleng reaksiyon. He was just silently sipping his coffee while his eyes roamed around the area.

"I'm sure this is from my friend." wika ko.

Kinuha ko ang gatas at gaya nang sinabi ni Sky ay iyon nga ang ininom.

"May boyfriend ka bang hindi sinasabi sa akin?" pinanliitan ako ng mata ni Kuya Rigo.

"Alam mo namang wala akong boyfriend. I just met him here.."

He nodded. "You better not be. Naghihintay si Simon."

I sighed wearily.

Six months ago, me and Simon met in Manila. That was the first time that I saw him after everything that happened. Nagpasalamat ako sa kanya sa lahat ng ginawa niya at isa siya sa mga taong naniwala sa akin noong nahusgahan ako.

We became friends. But the last two months was very unexpected. He confessed to me! Ni hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. I just remember telling him that I am not yet ready for a relationship. Then he told me he'll wait.

Familiar, right? Magkapatid nga naman.

Pagkatapos naming mag breakfast ni Kuya ay bumalik siya sa suite niya dahil may trabaho pa daw na gagawin. Bumalik rin ako sa sariling suite para magbihis ng pangligo. This is my last day here in Iloilo si I'd better enjoy.

Suot ang isang black bikini at white see through cardigan na abot hanggang hita ang haba ay dumiretso na ako sa pool area. Hawak- hawak ko ang cellphone na ginagamit kong pang selfie at sa pag picture sa mga magagandang spot na nakikita ko. Nang magsawa na sa ginagawa ay iniwan ko sa sun lounger na kanina ko pa inuupuan ang cellphone, naghubad ng cardigan at dumiretso na sa pool.

Kumapit ako sa magkabilang railings upang makababa na subalit napatigil nang mula sa likuran ay may yumakap sa mga binti ko.

"Tati.."

Kumunot ang noo ko, binalingan ang batang nasa aking likuran. I think he is three or four years old? Maputi at namumula ang kanyang pisngi. Medyo kulot ang brown na buhok.

"Xander, she's not your tita reign." maganda at matangkad na babae ang agad na lumapit. Nag squat siya sa harapan ng bata at kinuha ang pagkakapit nito sa binti ko. "She's inside the hotel. Come on, hinihintay niya na tayo doon."

Nanatili akong nakatitig sa kanila habang ang isang kamay ay nakakapit pa rin sa railings. Hinawakan ng babae ang bata sa kamay at tumayo. Nang magkasalubong ang tingin naming dalawa ay napatigil siya.

Umawang ang kanyang labi na agad niya namang itinikom matapos ang ilang sandali. "Wow." she said in an amused tone. "Hindi ko masisisi si Xander kung bakit ka niya napagkamalang si Reign. Medyo magkamukha nga naman talaga kayo. Pasensya ka na miss, ha."

Tumango ako at ngumiti, pilit na binalewala ang kanyang sinabi. "It's okay. Nag-aalala lang ako kanina at baka mahulog siya sa pool."

Kapag nangyari iyon ay hindi ko siya maililigtas. Hindi pa ako magaling sa paglangoy. Mas marunong na ako kaysa sa dati pero hindi kagalingan.

"Ang ganda mo. Ang ganda ng mga mata mo." wala sa sariling wika ng babae.

I gave her a shy smile. Pasimpleng pinasadahan siya ng tingin. Maganda siya. Malaki ang pwet at hinaharap. Mga bagay na wala ako. Napangiwi kaagad ako sa isiping iyon.

"Papa!" the child shouted. Bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa Mama niya at tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin sa pag-aalalang baka madapa siya.

Subalit nang matingala ko ang lalaki na kaagad nagsquat at inilahad ang dalawang kamay upang salubungin ang bata ay halos mapako ako sa kinatatayuan. Kinandong niya ang bata na kaagad kumapit sa kanyang leeg bago lumapit sa amin.

"Alex." the girl smiled at him. "Kanina pa kita hinahanap. Maaga kang lumabas ng suite natin."

Napakurap-kurap ako. Humigpit ang hawak sa railings. Suite natin.  They've been together in the same suite?

Is this his wife and child? I almost choked a sob when I realized something.

Sandro's real name is Ferdinand Alexander. The girl called the boy as Xander earlier. Anak nga talaga niya!

Nakangiti si Sandro habang papalapit sa babae. Nakapokus ang tingin dito na tila ito lang ang babaeng nakikita ng dalawang mata niya. Ni hindi niya napansin ang mga titig ko sa kanya.

"I met with a client early this morning. Masarap ang tulog niyong dalawa kaya hindi na--" nahinto siya sa pagsasalita nang pag-angat ng mata ay matitigan ako.

Tuluyang nawala ang kanyang ngiti at pinagsalubong ang mga kilay. Ni hindi siya nag-abalang itago ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

Halos pangapusan naman ako ng hininga. Kung hindi siguro ako nakakapit sa railings ng pool ay nakakasiguro akong kanina pa 'ko nabuwal.

He is the same Sandro I've met before. The combed hair, the perfectly groomed eyebrow and those deep and dark eyes. He looks matured now. Even rough and crude.

He is wearing a black polo that was rolled up to his elbow and a black slacks. He looks so formal. Tila siya out of place sa lugar na ito.

"Oh, Hi Venus." aniya na siyang unang nakabawi. His voice was cold and harsh.

He shamelessly swept his eyes on my body. His lips twisted a bit when his gaze landed on my face again. Halos manliit ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin na tila ako hubo't hubad.

Saglit akong pumikit at huminga ng malalim upang maikalma ang sarili. Gusto kong lamunin na lang ng lupa ngayon at itago ang sarili. Bakit sa ganitong pagkakataon pa kami kailangang magkita? Kung saan isang manipis na two piece swimsuit lang ang suot ko!

"Hi.." sinikap kong huwag ipahalata ang garalgal sa aking tinig.

Pagkatapos ng ilang taon ay ngayon ko nalang siya muling nakita. Hindi ko inaasahan na sa pagbabalik ko'y may asawa't anak na siya. Ang bilis naman ata? Noong mga panahong hinahabol niya ako sa ibang bansa ay buntis na ba ang asawa niya?

Ipinilig ko ang ulo. Ayoko nang isipin pa ang tungkol sa mga bagay na iyan. I am here to fix my life. Hindi ko pinutol ang ugnayan sa kanya dati para lang pagsisihan ito.

"Magkakilala kayo?" ang tanong ng babae.

Tumaas ang sulok ng labi ni Sandro para sa isang ngiti. Ngiti na tila napilitan lamang siya. "She's an old friend." aniya at muli akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

Fortsett å les

You'll Also Like

253K 6.2K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
9.5K 204 33
In the ocean of need, Jean was helpless. She was drowning, already losing her hope to survive. Little did she know, a beacon of light named Wayne eme...
8K 70 14
IGNORE THIS THOUGH BECAUSE I DONT KNOW HOW TO EXPLAIN IT 😭 JUST READ CAUSE ITS GOOD . I really just be coming to this when I'm bored tho so lemme kn...
683K 33.7K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...