The Game Changer ~COMPLETE~

By IsulatModatCom

364K 4.6K 144

Zane Mikel Ayala is the most sought-after bachelor today. He's handsome, on top of his career, he is famous a... More

Prologue
The Game Changer Chapter 1
The Game Changer Chapter 2
The Game Changer Chapter 3
The Game Changer Chapter 5
The Game Changer Chapter 6
The Game Changer Chapter 7
The Game Changer Chapter 8
The Game Changer Chapter 9
The Game Changer Chapter 10
The Game Changer Chapter 11
The Game Changer Chapter 12
The Game Changer Chapter 13
The Game Changer Chapter 14
The Game Changer Chapter 15
The Game Changer Chapter 16
The Game Changer Chapter 17
The Game Changer Chapter 18
The Game Changer Chapter 19
The Game Changer Chapter 20
The Game Changer Chapter 21
The Game Changer Chapter 22
The Game Changer Chapter 23
The Game Changer Chapter 24
The Game Changer Chapter 25
The Game Changer Chapter 26
The Game Changer Chapter 27
The Game Changer Chapter 28
The Game Changer Chapter 29
The Game Changer Chapter 30 - FINAL Chapter
Author's NOTE

The Game Changer Chapter 4

13.5K 175 4
By IsulatModatCom

(contuation of chapter 3)

===========================================================

Nagpatuloy na ako sa pagkain ng aking agahan raw tapos ay naligo na.

Pupunta pa ako sa mekaniko para ihatid ang kotse ni Chelsea.

Oo!! Alam ko na sabi ko kagabi sa lunes ko na lang ibabalik ang kotse niya pero..

Ano kasi..

Hindi yata makatao na sa lunes ko pa ibalik kung pwede ko naman ibalik ngayon. Diba? At gusto ko rin siyang makita.. i mean makita para malandi ko at maikama para tapos na. Yun lang.

Sinamahan ko ang mekaniko na naghatid ng kotse ni Chelsea kasi nga naman hindi rin niya alam ang address.

Okay, sa totooo lang, pwede ko naman ibigay ang address pero sinamahan ko pa rin, baka lang mawala. 

(PALUSOT!!)

Bumaba ako ng kotse nung nasa tapat na ako ng red na gate na pinagbabaan ko kay Chelsea kagabi.

May nakita akong mga naglilinis at yung iba nagsasampay ng mga nilabhan nila. Mga babae karamihan.

"Ahem.. excuse me.." Nilingon nila ako tapos ay yung iba ay napatanga, iba napanganga. May isang babae na nabitawan nito ang isasampay na damit.

NORMAL reaction nila yan, may iba pa nga hinihimatay.

Tiningnan ko silang lahat and then i smiled.

"Kilala nyo ba si Chelsea...?" tanong ko sa kanila kahit na hindi ako sigurado kung naintindihan nila kasi tulala eh.

Ganyan ang epekto ko sa lahat ng babae.

"Grabe..!! Si Zane Mikel Ayala yan diba???" tanong nung isa na dilat na dilat ang mata at parang hindi makapaniwala. 

"Oo.. the most sought-after bachelor today.. nagbebenta ng car and car parts at isa ring model... Former UAAP Most Valuable Player at kumpleto, intact at parang phinotoshop ang mga pandesal sa tiyan." rinig kong sabi nung isa na TAMA nga naman.

"May construction firm ang pamilya nila at ang kapatid niyang si Edmund Renz Ayala na nag uumapaw ang kagwapuhan ay nag mamay-ari ng mga airlines sa pilipinas and abroad na naging asawa ng bratinelang si Lucy Marie Uy na ubod ng ganda at owner rin ng mga chains of 5 star hotels sa buong pilipinas at sa ibang bansa." sabi nung isa na titig na titig saken.

"Younger Sister niya ang socialite at super model na si Zenith Lei Ayala na parang genetically program na maging sexy."

"Anak siya ng tinaguriang Brad Pitt and Angelina Jolie ng Pilipinas na mga business magnate at ubod ng yaman."

Wow.  

These girls know a lot about me and my family.  

Ganun pala ako kasikat?? Hindi ko yata alam yun ah. 

^_____^

"Siya rin ang pinakasikat na playboy sa buong pilipinas na forever single dahil hindi nakakatagal sa isang babae..."  

Napangiwi ako.

Napakunot ang noo ko dun sa huling kumento na yun kung kaya hinanap ko ang may-ari ng boses at nakita ko ang isang ubod ng seksi at HOT na babae na nakatayo sa may pintuan ng isang apartment doon.

She smirked at me pero hindi ko na inabala ang sarili ko sa smirk na yun dahil abalang abala ako sa pagmememorize ng mukha niya ngayon.

She is still very HOT kahit na may bitbit siyang dustpan at walis tambo at medyo magulo ang buhok niya, nakatali ito pero may iilang hibla na kumawala kaya nagmukha siyang super HOT model.

DArn it!! 

I groaned internally dahil umiinit na ang pakiramdam ko.  

Ang sama ng reaksyon ng katawan ko, dapat ko na talagang maakit ang babaeng to para matapos nato, hindi ko na to gusto.  

Sobrang gusto ko siyang maikama, na kahit isang tingin pa lang sa kanya at kahit medyo negative ang sinasabi niya nag iinit pa rin ang katawan ko sa kanya.

"Hoy Ayala! Anong tinatayo tayo mo diyan?" natatawang sigaw nito saken.

Langya! Sinigawan ako?? ang hot tol!! Grabe!!

"Pwede akong pumasok?" tanong ko pero sa totoo lang naglalakad na ako papasok sa gate nila.

"Nagpaalam ka pa eh pumapasok ka na.." sabi nito na nakatayo pa rin dun.

"Hi Zane.." sabi nung babae pagdaan ko sa tapat nito.

"Hello beautiful..." kinindatan ko siya.

"AAAAAAAAAAAAAh!!!" yun lang ang sagot nito.

Nung nasa tapat na ako ng apartment ni Chelsea ay tiningnan niya ako na parang sobrang disgusted. Bakit ganun siya makatingin? PArang ayaw siya sa existence ko.  

Hey Chelsea, I am a Food for your eyes , wag kang ganyan.

"Narealize mo na ba na sobrang gwapo ko pala at dapat ay binigay mo ang number mo saken kagabi nung hiningi ko..?"

"Hahahaha.. ganun yung naisip ko kanina, ekaskto! ganung ganun pero nung sinabi mo yan ngayon nagbago na ang isip ko.. tama nga na hindi ko binigay." natatawang sabi nito.

 (._. )

Ayan Zane!!! Magsalita ka pa!! Sige pa!

"Pwedeng magpretend ka na lang na hindi mo narinig yung sinabi ko?"

"Im not so good in pretending Mr. Ayala.." sabi nito.

"Ouch.. minus pogi points yun.." napangiwing sabi ko.

"Bakit? may pogi points ka bang naipon?"

"Wala ba?"

"Ambisyoso..." sabi nito tapos ay tumawa.

"Salamat sa paghatid sa kotse ko a.. magkano?" sabi nito.

"Libre na lang at.. teka..Seryoso ka? hindi moko papapasukin?" hirit ko.

"Hindi! kasi, kagabi... may balak kang kidnapin ako.. sinong matinong tao ang magpapapasok ng kidnapper sa bahay niya...?"

"Ahmm.. hindi na ako kidnapper ngayon tsaka kagabi naman inuwi kita ng buo ah.. walang biglang likong nangyari.. Good boy. Harmless.." sabi ko na nagpatawa naman dito.

"Hmm.. mag iisip lang ako ah..." nag iisip na sabi nito.

Kakaiba talaga tong babaeng to, isang Zane Mikel Ayala, ayaw niyang papasukin sa bahay niya??  

No hormones!!  

No lust!!  

Nothing at all.

Therefore I conclude: She's not a girl!

At nag dadalawang isip pa siya ngayon ah?

"Gusto mo ba maglatag na ako ng picnic cloth dito habang nag iisip ka diyan? tapos magkape na ako? how bout that? good idea right?"

She chuckled at the thought.

"Dahil hinatid moko kagabi at hinatid mo ang kotse ko ngayon tapos libre pa ang pagpapaayos.. at isa pa, mukhang manganganib ang buhay mo kung magtatagal ka pa diyan sa labas..so,sige.. pasok ka.. napakawalang modo ko naman kung hindi kita papapasukin."

"Hay sa wakas.. may konsensya ka naman pala.. akala ko talaga.. maglalatag ako ng picnic cloth sa labas." sabi ko at pumasok na sa loob ng apartment niya.

Nilibot ko ang paningin sa loob.

It's a nice room. May sofa na kulay green which is really not so common sa mga babae dahil sa pagkakaalam kong mga paboritong kulay ng mga kababaihan ay pink, red at yellow green. Majority sa mga babae. Sa pagkakaalam ko lang naman.

"A real James Patterson fanatic.." sabi ko sabay turo sa isang divider na may nakahilerang mga libro.. Women's Murder Club by James Patterson at iba pang libro na puro si James Patterson ang nagsulat, may iba pang libro nandun na alam kong crime scene investigation rin or action thriller ang genre. Alam ko dahil, im a fan too.

"Hahaha.. yeah.. hindi pwedeng i.misplace yang mga yan at tingnan mo.. may cover pa.." pagmamayabang nito na may dala pa ring walis at dustpan.

"Hmm.. magaling mag alaga..." pasaring ko sa kanya.

"Ng LIBRO..." sabi nito. I smiled at that answer. Lage talagang nakaready ang Wall niyang pangshield. Hirap makalusot.

"Ahmm.. Kape? Juice? o gatas??" offer nito.

Tiningnan ko siya at tila nag isip pa ako kunyari.

"Walang martini dito o any alcoholic drinks.. yung tatlo lang ang nasa menu ko.."

Sayang. Hindi kaba kasali sa menu?

"Wala na talagang iba?? hindi ka ba kasali sa pagpipilian ko?" Ops. Big bad mouth.

"Aaah..!! Hindi ka na nga kidnapper... Kasi nag evolve ka into a..rapist.. Rapist ka na!! Sabihin mo lang Ayala ah kung kelangan ko na ulit tumawag ng pulis.." sabi nito at hinanap ang cellphone.

"Hahaha... juice please..." sagot ko sa kanya tapos ay pumunta na ito sa kusina.

"Hindi ba mawawala ang value nitong mga libro kung hahawakan ko?" sigaw ko.

"Dahil ikaw si Zane Mikel Ayala.. mukhang madadagdagan ang value niyan.. sige.. hawakan mo lang, yakapin mo pa kung gusto mo.. " sigaw nito mula sa kusina.

How bout you Chelsea?

pwede rin ba kitang hawakan? Yakapin? Halikan?  

Tss.

Tiningnan tingnan ko ang mga librong nakadisplay... hanggang 9th Judgement lang ang women's murder club collection niya? nakapakunot ang noo ko dun dahil sa pagkakaalam ko may 10 na yata, tiningnan ko rin ang mga picture frames, may mga pictures silang dalawa ni Steph na sobrang sasaya ng mga mukha nila.

I can't believe na best bud siya ng pinsan ko pero hindi ko siya kilala. Siguro, tinatago siya ni Steph saken. Humanda talaga yung babaeng yun.

Tiningnan ko ang ibang pictures niya. 

She's beautiful kahit sa picture, pero mas maganda siya sa personal.

"Ano na? Nirape mo ba yung mga books ko?" pabirong sabi nito at naglapag ng tray na may dalawang plato na may slice ng cake at 2 baso ng juice.

"Oo.. nirape ko na.. malamang triple na ang value niyan.. mas mahal na yan sa original copy ng Pride and Prejudice." sabi ko.

"Yes!! mayaman na ako.." sabi pa nito na nagpahalakhak saken.

This girl's got some funny bone in her. Naamuse ako sa kanya.

"Makikikain na rin ako kasabay mo ah.. nagutom ako eh.." paalam nito saken at nauna pang sumubo kesa saken.

"Sure.. feel at home.." pabirong sabi ko nagpasmile naman dito.

Her smile is amazing, nakakawala ng sama ng loob or kung anumang pangit sa mundo.  

Ano sabi ko? Ang korni nun ah.

Tumigil na ako sa kakaisip at sumubo ng cake.

O_O

"Woah!! This is sooo GOOD!! Damn it!! San mo to nabili????!!" sabi ko dahil seryoso.... sobrang sarap ng cake nato.

Tumingin siya saken at gumalaw ang kilay nito na parang nagsasabing 'Seryoso?'.

"Oh! Yeah i know.. im a loser. IKAW?? ikaw ang nagbake nito??" bigla kong naalala.

"Hindi ba kapani paniwala na kaya kong mag produce ng ganyang cake..? tsaka... masarap talaga?? hindi ka nag iinarte lang??"

"Sorry Pinky ah.. pero, i honestly forgot about the pastry chef side about you.. ganun kasarap ang cake nato." at binanatan ko ulit.  

Tumawa lang ito.

"Ang arte mo.. sabihin mo lang kung kulang pa..marami pa akong stock sa ref." sabi nito at sumubo na rin.

Marami pa kaming napag usapan at tila hindi ko napansin na mag iisang oras na pala kaming nag uusap at nagtatawanan sa mga medyo walang kwentang bagay. I usually get bored pag nakikipag usap sa mga babae dahil ang nasa utak ko ay mga quick thrill lang naman at alam nyo na. Isa akong lalaki, walang lugar saken ang chismisan na yan, action ang gusto ko.

Tumunog ang cellphone nito.  

Tiningnan muna niya kung sino ang tumatawag at tila nashock pa bago nagsalita.  

Sumenyas ito na pupunta lang sa kusina.

Sino kaya yung tumawag?  

Boyfriend niya kaya? Hmm.. baka nga.. kasi pumunta sa kusina eh.

"Whaaaaat?????" rinig kong sabi nito.

"O-okay.. Ahmmm.. wag mo munang papasukin.. okay?? Lalabas ako." at nagtatakbo palabas ng kusina.

"Ahm Zane..ano..may tao kasi na nasa labas.. ahmmm.. wag kang lumabas ha... tapos kung marinig mo na papasok kami... magtago ka.. kahit saan.. Okay lang??"

"H-Ha? bakit?? "

"Basta!! basta!! Wag ka na magtanong.. okay??"

Tok! Tok! tok!

O_O --> mukha niya. 

^_^ --> mukha ko. Enjoy ako sa natatarantang mukha niya eh.

"Patay!!" mahinang sabi nito at hinila ako.

"Anong nangyayari?? sino yan??" takang tanong ko rin.

Pinatayo niya ako tinulak papasok sa isang silid na malamang ay kwarto niya.  

Pagpasok namin sa kwarto niya. 

Wow!

Siguro alibi niya lang to para makapasok kami sa kwarto. Hahaha.  

Grabe ka Chelsea ah. Ganyan ka pala. I like it. ^_^

"Dito ka lang... wag na huwag kang mag ingay..mamaya ko na ipapaliwanag sayo.. okay?" sabi nito sabay labas.

Anong meron? Sinong dumating? At bakit kelangan akong itago?? 

Biglang bumukas ang pinto.

"Pakihawak na lang rin." sabi ni Chelsea sabay bigay nung dalawang baso at platitong pinaglagyan ng kinain namin kanina.

Walang kusina?

Tumingin ako sa paligid, ang linis naman ng kwarto ni Chelsea, wala man lang underwear na nakakalat.  

Pervert.

"Bat ang tagal mo??" rinig kong may nagsalita sa may pintuan yata.

"Wala lang.. bakit ba??? bakit nandito ka??" rinig kong sagot ni Chelsea. That was HOt.

Baliw na ako dahil kahit nagsusungit si Chelsea ay nagiging hot siya.

"Hey sister... wala ka man lang bang planong papasukin ako? o baka naman nahihiya ka sa lungga mo??" kapatid ni Chelsea?

Hmm..i wonder kung kasing hot rin siya ni Chelsea. Siguro, pwede nang siya na ang ilabas ko, parang si Chelsea na rin yun diba??

I've got the weirdest ideas.

"Bakit ka ba kasi pumunta dito at pano mo nalaman na dito ako nakatira??"

Woah. Nagtatago ba si chelsea?? ano siya? Kriminal? Kaya ba mailap siya?

Nonsense Zane! Dapat hindi nagbabar yan kung nagtatago.

"Sa tingin mo ba pupunta ako dito para lang makita ang pagmumukha mo? of course not.. Pinahanap ka ng daddy mo at gustong hingin ang number mo.. ikaw naman kasi.. maglalayas layas ka pero hindi naman masyadong malayo.. sana nilayuan muna..like Pluto." maarteng sabi nung babaeng bisita ni Chelsea.

"At bakit naman? Para wala nang asungot sa buhay mo?? hindi na nga ako nagpaparamdam sa inyo tapos ganyan ka pang umarte??" - chelsea.

Ano bang pinagaawayan nila?

"Ang pangit nitong apartment mo Chelsea..simula't sapul, wala ka talagang taste."

"Oo nga..alam ko yun.. na wala talaga akong taste.. sa lahat ng bagay." sagot naman ni Chelsea.

I second the motion!! Tama! Walang taste si Chelsea dahil hindi man lang ako napansin at ayaw makipaglampungan saken.

"Ops.. you're wrong.. hindi sa lahat ng bagay.. may taste ka rin naman kahit papano.. remember Mark? sa lahat ng ginawa mo... siya ang pinakatama.." she let out a flirty laugh.

"O.. bakit di ka nakasagot diyan Chelsea? are you still affected? ahh.. isa rin pala siya sa pinunta ko dito.. im warning you chelsea.. don't even try to or even think about flirting with Mark.. or else.. gagawin ko ulit ang ginawa ko sayo dati!"

Anong ginawa niya? At sino yung Mark na yun? Gwapo ba yun? Hindi sikat, so, malamang hindi. Ako nga ang most sought-after diba? ibig sabihin mas gwapo ako dun.

"Huh! Ano ba akala mo saken? Basurera? Namumulot ng basura para irecycle..? hindi naman ako tulad mo Bridget.. hindi ako namumulot ng leftovers." maanghang na sabi ni Chelsea.

"Hahaha.. Wow Chelsea.. hindi ka pa rin nagbabago.. palaban ka pa rin.. wala namang nararating yang pagiging palaban mo.. Ni wala nga yang nagawa nung inagaw ko sayo ang pinakamamahal mo..oh.. i love to rewind those times. Hahaha."

Oh! I think Mark is the EX. The Stupid Ex. Akalain mong may nag dump kay Chelsea? Tangang lalaki nun pre.. Kung ako sa kanya.. hindi ko pakakawalan si CHelsea.

HEY!! Hindi pakakawalan? ano yun? SAkal? No way!! Binabawi ko na.  

Good job Mark. Way to go Man! Mukhang magkakasundo tayo.

"Palaban talaga ako, totoong tao ako eh Hindi kasi ako tulad mong plastic.. hindi ko kaya yun.. so, pwede bang umalis ka na lang kung tapos ka nang manira ng araw ng ibang tao??!!"

Ah.. Totoong tao siya. So, that means..she's not pretending to be not interested in me right?? wow! that is the BAD BAD news today.  

Uuwi ka na namang luhaan Zane.  

Condolence Man!

"Your number bitch.." sabi nung Bridget ba yun? Parang hindi ko na siya gusto.

"Number 3, slut.. count one to three using your fingers and point the 3rd finger to yourself.. that's my number!! get the hell out of my apartment now!! or kakaladkarin kita palabas ng apartment ko na nakahawak ako sa magandang buhok mo."

She is really HOT when she's talking back. I think dapat Chili ang pangalan niya.

"I need your freaking number!!"

"Hinding hindi ko ibibigay sayo.. i will contact dad.. i still have his number.. kaya ALIS." matigas na sabi ni Chelsea.

Atleast hindi lang pala saken hindi binibigay ni Chelsea ang number niya, pati rin sa KAPATID niya.

At kelan pa ako naging chismoso???  

Kalalaking tao chismoso?? Nababading na yata ako.

Narinig kong padabog na umalis yung isang babae at malakas na sinara ang pinto, hindi ako sigurado kung si Chelsea o yung bisita ang nagsara ng pinto. Ilang sandali pa ay pumasok si Chelsea sa kwarto na parang binagsakan ng hollow blocks ang mukha pero HOT pa rin siya.

Hehe.

Lumapit siya saken at kinuha ang dala kong platito at baso. Hindi siya nagsalita at dumiretso lang sa kusina.

"I'm sorry about that Zane.." biglang sabi nito pagkalagay ng mga pinagkainan namin sa sink.

Tiningnan ko siya.

God. Umiyak ba siya?? Teary eyed kasi.

"Ahmm.... sorry rin.."

Kumunot ang noo nito.

"Bakit nagsosorry ka?"

"Inubos ko kasi yung cake sa plato mo.. may natira pa kasi kaya yun.. nakakagutom dun sa loob eh.."

She smiled.

"Baliw ka talaga... gusto mong mag bring home? meron pako diyan sa ref.."

Woah! Bibigyan niya ako ng cake na niluto niya personally?? that's really awesome.

"Wow! Talaga??"

"Yep.. " She then turned to the ref para kunin ang cake. Maraming laman yung ref niya, mabango pa pero mas mabango siya.

Habang nagsaslice ay nakita kong nanginginig ang kamay nito. 

Hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi naman first time na mahawakan ko ang kamay niya pero bakit masarap pa ring hawakan?? Kahit nanginginig.

"Chelsea.." hindi ko alam ang sasabihin kaya pangalan niya na lang.. ganda ng effects ah.

"Narinig mo ang pinag usapan namin kanina diba?"

"A bit.." kibit balikat na sabi ko.  

Hawak ko pa rin ang kamay niya.

"She's the bitch you were talking about right?" sabi ko.

Tumango ito.

"And the guy who loves bitches is MARK..?"

"Yep.." mahinang sabi nito.

"Well... way to go girlfriend.. you were really HOT when you talked back and i love the 3rd finger line.. that was EPIC!!" sabi ko at tumawa ito.

"Alam mo kung hindi ko lang alam na playboy ka.. iisipin kong bading ka.."

"At bakit naman aber??" pabaklang sabi ko.

I AM extremly doomed!!

Tumawa ulit siya.

"Kasi.. napakaChismoso mo..! Grabe.. yun na yung 'a bit' mo? mukhang buong conversation yata ang narinig mo eh." sabi nito at nagpunas ng mata niya.

I think... i don't like it when she cries. Ahmm.. i don't like what im feeling right now. Parang biglang gusto kong pagsabihan yung babaeng yun na wag na siyang bumalik kung ganito lang din ang mangyayari.

"Wag mokong sisihin.. ang lalakas ng boses nyo and correction pinky, buong conversation at pati ang pagsara ng pinto ang narinig ko.. at as far as i can remember, she let out a sigh before she went out..and finish slicing the cake please... baka makalimutan mo." paalala ko sa kanya at tumawa ulit siya tapos ay nagslice...ngayon, hindi na nanginginig ang kamay niya.

It felt good pag nagsasmile siya. She's beautiful. Pakibilang nyo na lang kung ilang beses akong nagsabi na maganda siya.

Matapos akong bigyan ng cake ay nagdesisyon na akong umalis.

Hinatid ako ni Chelsea sa labas ng gate.

"Salamat sa paghatid saken ah.. kung hindi dahil sayo.. baka hindi ako nakarating sa kotse ko.." sabi ko pagdating na namin sa labas kung san nakapark ang kotse ko.

"Ha? bakit naman? Pati paglabas ng gate kelangan ng mapa?"

"Hindi naman.. kasi.. ibang makatingin yung mga kapitbahay mo... baka narape na ako kung hindi moko sinamahan palabas."

"Uwaaaaa... ang hangin..!! ang yabang!"

"Hindi ako nagmamayabang... tingnan mo." turo ko sa kanya at nilingon nito ang mga nasa likuran niya kung saan nakasilip sa pinto at bintana ang mga kapitbahay niya.

Tumawa ito.

"Oo nga... so, humayo ka na magandang nilalang at baka hindi makapagpigil ang mga kapitbahay ko at iuwi ka nila sa mga apartments nila.."

"Okay.. tatandaan ko lang ang mga mukha nila, pandagdag ko sa mahabang listahan ng mga taong hihindian ko pag nag offer saken ng food.."

"Baliw ka!! ang yabang mo talaga.. Oa naman kung may gagayuma sayo noh.."

"Just to be sure.. hindi yan imposibleng mangyari ah.. sa gwapo ko ba namang to.. pati nga ako minsan, gusto ko na rin gayumahin ang sarili ko."

Natawa si Chelsea dun.  

"Ang yabang mo Ayala.. wag mong kalimutan na pinainom kita ng juice kanina at pinakain ng cake.. may bring home ka pa.. sige ka."

"May gayuma ba yun?? Dagdagan mo nga ang cake nato tsaka bring home na rin kaya ako ng juice mo? Good idea right?"

"Hahahaha.. grabe nato.!! Teka.. nagpakunsulta ka na ba? Ano sabi nang doktor?"

Pinalungkot ko mukha ko at umiling pa.

"Oo eh.. kaya nga ako nandito kasi sabi ng doctor malala na daw ang sakit ko.Dalawa na lang daw ang option...either ICU or..."

you see me." kumindat pa ako.

Ang lakas ng tawa niya at pinalo pa ako sa braso.  

Woah! That touch, kahit ganun lang yun.

Wag mokong hinahampas Chelsea.. natiturn on ako!!

Tumingin siya saken at sumeryoso ang mukha.

"Ayan ka na naman sa mga hirit mo. wag mo nga akong pagtripan playboy... alis na."

Ayan! Tinaboy na naman ako. Ano ba problema nitong babaeng to?? Parang laging nakabantay siya, pag parang bumababa ang shield niya at nagkakapag asa ako bigla niyang binabalik. Is she afraid or something?

"Oo na.. ganyan na pala ang bagong treatment sa mga pogi ngayon.. tinataboy na." pumasok na ako sa kotse ko pero narinig ko pang nagsalita ito.

"Ang dami kong baon na malamig na hangin ngayon.." sabi nito at naglakad na. I smiled after hearing those words.

Tiningnan ko siyang naglakad papasok ng gate. She's got nice curves in the right places plus nice ass. Witwew! Ang liit ng bewang niya. Nakapajama siya ngayon pero sexy pa rin siyang tingnan dahil hindi naman masyadong loose yung pajama at shirt na suot niya. Tama lang sa katawan niya.

Kelan ko kaya makikita ang magagandang legs niya? Sa panaginip ko, magaganda at makikinis ang legs niya..ganun kaya talaga? Ganun nga siguro at pati na rin ang amoy..exclude the LANCE part. That was horrible.

Dire diretso itong pumasok sa gate at hindi man lang ako nilingon. Iba talaga siya.  

Binuksan ko ang bintana bago pinaandar ang kotse ko at bumusina para sa last goodbye ko.

Parang nag slow motion ang paligid nung lumingon siya (DAMN!) at nagsmile tapos imbes na mag wave ay..

"Shoo!! shoo!! Alis na Ayala!!" sigaw nito na tumatawa.

Napatawa na rin ako kahit medyo may pagka walang modo yung ginawa niya. Hot pa rin siya.

Kahit medyo walang development, i feel..

Happy? yun ba yun??

Tiningnan ko ang maliit na food storage na pinadala nito saken na nilagyan ng cake. I smiled at the thought. Siya lang ang hindi ko kaanu ano ang nagbigay saken ng cake bilang bring home.

Pangatlong araw nato.. pinakamatagal.. sa lahat ng babae ko. And to think na hanggang hawak lang ako sa kamay at hindi ko matatawag na babae ko siya. Tss. Tatlong araw at sobrang dami ko ng nakita at nalaman sa kanya pero parang kulang pa. Parang gusto ko pang mas maraming malaman tungkol sa kanya.

Can you believe that??

Tsss.

This is actually creeping me out dahil sa kagustuhan kong makuha siya, mas nakikilala ko siya at mas nagugustuhan ko ang ugali niya.

Ang sarap niyang kausap, ang sarap niyang kasama. Hindi ko nga napapansin ang ibang bagay pag kausap ko siya. Nadidistract lang ako sa lips niya o kaya sa kamay niya tuwing inaayos niya ang buhok niyang kumakawala sa pagkakatali but aside from that, wala na. Kahit nga siguro lumindol, hindi ako madidistract.

Bakit ba kasi ang ganda niya? 

>_<''

Natatakot tuloy ako na baka kasi.. pag lumaon ay higit pa ang gustuhin ko sa kanya at baka pag nakuha ko na siya ay gustuhin ko pa ng mas higit pa.. Ano ba yun? binaliktad ko lang ah pero ganun pa rin ang thought? Shithead.

Continue Reading

You'll Also Like

619K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
31.4K 682 30
Some were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really we...
330K 5.7K 44
I always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad...
111K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.