Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

3.7M 105K 36.3K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 7

105K 2.9K 345
By elyjindria

"S-Senyorito... saan po tayo pupunta?" 

Hindi sinagot ng senyorito ang tanong ko at tumuloy lang sa pagmamaneho. Napalunok na lang ako nang mapatingin sa labi n'ya... Muli kong naalala ang kanina lang na halikan namin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya nang mag-init ang magkabilang pisngi ko saka pasimpleng napahawak sa labi ko. 

Hindi na lang ako nagsalita nang tumigil ang kotse sa tapat ng bangko. Bumaba si Senyorito Zamir ng kotse at iniwan ako sa loob. Hinabol ko na lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. Natatanaw ko naman siya mula sa glass wall. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang mapansin na nasa kan'ya halos ang atensyon ng mga kababaihan sa loob. Napakamot na lang ako sa braso ko at napaiwas ng tingin. 

Kung tutuusin ay magandang lalaki si Senyorito Zamir at talagang gwapo. Siguradong marami ang magagandang babae ang nagkaka-interes sa kan'ya at handang makipagtalik sa kan'ya ng walang hinihiling na kapalit... Bakit handa pa siyang magbayad para lang makatalik ang tulad ko? 

Napapitlag ako nang maya-maya pa ay pumasok na sa loob ng kotse si senyorito. Agad akong napatingin sa kan'ya at sa hawak n'yang sobre. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kan'ya. Hindi naman siya nagsalita at ipinatong na lang sa hita ko ang sobre saka muling pinaharurot ang sasakyan. 

"Ituro mo sa akin kung saan kayo nakatira," tipid na sabi n'ya habang seryosong nakatingin sa daan. 

"B-Bakit po, senyorito?"

"You requested me to give the money I'm gonna pay you to your parents, didn't you?" Napakunot pa ang noo n'ya. 

Napalunok na lang ako at hinawakan ang sobre. Magkano kaya ito? Bakit parang ang kapal naman yata? Wala akong lakas ng loob silipin ang pera sa loob dahil baka manghina pa ako... Hindi ko pa naranasan makahawak nang ganito kalaking pera. 

"S-Salamat po, senyorito," sinabi ko na lang saka napahawak nang mahigpit sa sobre. 

"You don't have to thank me for that," tipid na sabi na lang n'ya. 

Sabagay... Hindi naman n'ya ginawa ang lahat ng 'to nang libre. Binibigyan lang namin ng pabor ang isa't isa. 

Natahimik na lang ulit ako at itinuro sa kan'ya ang tinitirhan namin. Nang makarating na kami sa looban sa amin, napatungo na lang ako dahil napapatingin sa amin ang mga kapit-bahay. Agaw pansin ang magara n'yang kotse rito sa lugar namin lalo pa't hindi naman kami palaging nakakakita ng kotse. Sana lang ay hindi gawan ng kalokohan ng mga tambay ang kotse n'ya. 

Hindi naman kumikibo si senyorito at seryoso lang sa pagmamaneho. Napalunok na lang ako kasabay ng pag-akyat ng kakaibang kaba sa dibdib ko nang nasa tapat na kami ng bahay namin. Kinuha sa akin ni Senyorito Zamir ang sobre saka agad na bumaba ng kotse. Hindi na lang ako nagsalita at bumaba na lang din ng kotse saka agad na sumunod sa kan'ya. 

Sinenyasan n'ya ako na maunang pumasok. Tumango na lang ako at binuksan ang pinto sa bahay. Naabutan ko sina Nanay at nakain ng tanghalian. Natigilan naman sila sa pagkain at napatingin sa direksyon ko. Si Nanay, Tatay, at Kuya Leo lang ang nasa bahay ngayon. Malamang nasa palengke si Ate Elena at si Ella naman ay nasa school.

"N-Nay, may bisita po tayo," sabi ko na lang saka binigyan ng daan si Senyorito Zamir. 

Bahagyang ngumiti si Senyorito Zamir. Pasimple n'yang pinasadahan ng tingin ang simple naming bahay ngunit hindi naman siya nagsalita at naglakad na lang palapit kina Nanay... "Magandang tanghali po," magalang na bati n'ya na nagpagulat sa akin. 

"S-Senyorito Zamir? Ikaw na ba 'yan?" Agad na napatayo sina Nanay. 

Natigilan ako at napatingin kay Senyorito Zamir. Napansin ko ang tila pagbabago ng reaksyon n'ya na tila ba namukhaan n'ya si Nanay. Bahagyang napaawang ang labi n'ya... Hindi ko mabasa ang iniisip n'ya ngayon. 

"N-Nay Lora, kumusta po kayo?" tanong ng senyorito. 

Natigilan ako nang banggitin n'ya ang pangalan ni Nanay... Naaalala n'ya si Nanay?

"Nako, ang laki laki mo na! Hindi ko akalain na magagawa akong dalawin ng paborito kong alaga noon sa hacienda," nakangiting sabi ni Nanay saka pinilit na tumingkayad para mahaplos ang buhok ng senyorito. 

Kitang kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ni Senyorito Zamir. Ngumiti rin siya kay Nanay... at iba ang ngiting 'yon sa palagi n'yang ipinapakita... tila ba totoo siyang nakangiti kay Nanay ngayon. 

Napatingin si Senyorito kay Tatay. "Tay Lorenzo, kumusta po kayo?" tanong pa ni senyorito kay Tatay. 

Kilala n'ya rin si Tatay? Alam ko na naging magsasaka si Tatay sa lupain nila noon ngunit hindi ko alam na pati si Tatay ay kilala ng senyorito.

Napangiti si Tatay saka tinapik ang balikat ng senyorito. "Ayos naman, senyorito... Masaya ako na dinalaw mo kami rito at naaalala mo pa kami."

"Bakit ko naman po kayo makakalimutan? Malaki po ang utang na loob ko sa inyong dalawa... Buti na lang po at nakilala ko si Elaine at nalaman ko ang tungkol sa inyo at sa kalagayan n'yo ngayon." Kinuha ni Senyorito ang sobre saka inilahad ito sa kamay ni Nanay. "Sana po h'wag n'yong masamain at tanggapin n'yo ang tulong na ito."

Sinilip nina Nanay ang laman ng sobre at kitang kita ang gulat sa mga mata nila nang makita ang laman no'n. Agad namang napailing sina Nanay at muling ibinalik kay Senyorito Zamir ang sobre. 

"S-Senyorito, hindi namin matatanggap ang ganito kalaking pera. Sapat na sa amin ang binisita mo kami ngayon," napapailing na sabi ni Nanay saka pilit na ibinibalik sa senyorito ang pera. 

"Nay Lora, tanggapin n'yo na po ito. Nabalitaan ko galing kay Elaine na dinala kayo sa ospital. Gamitin n'yo po ang pera na 'to pampagamot at pambayad sa mga utang n'yo. H'wag po kayong mag-alala dahil hinding hindi ko po kayo sisingilin para diyan. Sana po tanggapin n'yo ang tulong na 'to... Kabayaran man lang sa lahat ng nagawa n'yo para sa 'kin noon."

Napabuntonghininga sina Nanay at nagkatinginan. Tila hindi nagdadalawang isip kung tatanggapin ang pera o hindi. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka humawak sa kamay ni Nanay. 

"Tanggapin n'yo na po, 'Nay... Nagmamagandang-loob lang naman po ang senyorito, saka wala na rin po tayong ibang pagpipilian," pangungumbinsi ko kay Nanay. 

Wala ng nagawa pa si Nanay kundi ang tanggapin ang pera mula kay Senyorito kahit pa halatang hindi sila komportableng tumanggap ng ganoong kalaking pera... Pagkatapos no'n ay pinakain na rin nila ng tanghalian ang senyorito saka nakipagkwentuhan pa rito. Tahimik na nakikinig at pinanonood ko na lang sila at kung minsan ay napapangiti ako dahil napapansin ko na totoo ang pakikitungo ng senyorito sa mga magulang ko. Tila ba walang pagpapanggap sa mga kilos nito. 

"Sige po, Nay Lora, Tay Lorenzo... Kailangan na po naming bumalik ni Elaine sa hacienda... Kung may kailangan po kayo, h'wag kayong mag-atubili na tawagan ako sa number na 'to. Hindi po ako mag-aalinlangang tumulong sa inyo sa abot ng makakaya ko." Inabutan ni Senyorito Zamir ng calling card si Nanay. 

"Nako, sobra sobra na itong naitulong mo sa amin senyorito... Maraming salamat," sabi naman ni Tatay. 

Matapos nilang mag-usap, nauna ng lumabas si senyorito. Marami pa silang napag-usapan at bilin sa bawat isa. 

"Mukhang mali naman pala ang tsismis na narinig natin mula sa senyorito... Napakabait na bata pa rin n'ya hanggang ngayon," sabi ni Tatay na tila ba nakonsensya dahil nagawa n'ya ring maniwala noon sa tsismis tungkol sa senyorito. 

Napangiti na lang ako at nagpaalam na sa kanila saka lumabas. Naabutan ko si Senyorito Zamir na nakasakay na sa kotse n'ya. Agad na akong nagtungo ro'n at sumakay kotse. Natigilan ako nang mapansin na wala na ang ngiti sa labi n'ya noong kaharap n'ya sina Nanay. Hindi na lang ako nagsalita nang paandarin na n'ya ang sasakyan paalis sa lugar namin. 

"You should have told me that they're your parents."

Natigilan ako nang biglang magsalita ang senyorito. Bahagya pang nakakunot ang noo n'ya habang diretso sa daan ang tingin. 

"Paumanhin po, hindi ko alam na kilala mo ang mga magulang ko," sabi ko na lang saka bahagyang napatungo. 

Narinig kong napabuntonghininga si Senyorito Zamir. "Kung alam ko lang, higit pa ang dinala ko," bulong pa n'ya. 

Natigilan ako. "H-Hindi ko po inaasahan na makilala n'yo pa ang mga magulang ko."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa sarili kong mga magulang... Naalala n'ya ang mga magulang ko ngunit ako... hindi. 

"How could I forget them? They saved me a lot of times from my own mother..." Mapait siyang napangiti. "Hindi sila natakot na ipagtanggol ako kahit na amo nila si Eleanor," bulong pa n'ya. 

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang sinabi n'ya... Hindi ko inaasahan na magsasabi siya sa akin ng personal na pangyayari sa buhay n'ya... Kung ganoon ay sinasaktan at inaabuso nga siya noon ni Senyora Eleanor... Kaya ba ganoon na lang ang galit n'ya sa senyora?

Halatang natigilan si Senyorito Zamir nang mapagtantong may nasabi siya sa aking personal. Napatikhim siya at napakunot na lang ang noo saka hindi na lang nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing bahagyang namula ang tainga n'ya.

Nahihiya ba siya?

Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong mainis pa siya kapag pinuna ko iyon. Nanatili na lang akong tahimik habang pilit na nagpipigil ng ngiti. 

Natigilan ako nang mapansin na tumigil na ang kotse n'ya sa mall. Hindi na lang ako nagsalita nang bumaba siya at pumasok sa loob ng mall. Hinabol ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. 

Maya-maya ay bumalik din agad siya na may dalang paperbag. Hindi na lang ako nagsalita nang makasakay na siya sa kotse. Napakurap ako nang bahagya n'yang ibinato sa akin ang paperbag. Natatarantang sinalo ko naman iyon saka nagtatakang napatingin sa kan'ya. 

"A-Ano po ito, senyorito?" Pasimple kong sinilip ang laman ng paperbag. 

"Phone," tipid na sagot n'ya na nagpasinghap sa akin. 

"P-Phone? B-Bakit mo ako binilhan ng phone?" tanong ko, hindi makapaniwala. 

"Of course, I need to call you whenever I need someone to fuck," dire-diretsong sabi n'ya. 

Napatungo na lang ako saka tumango. Hindi na lang ako nagsalita at kinuha ang kahon sa loob ng paperbag... Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang presyo roon. 

"T-Thirty thousand?!" hindi ko mapigilang magtaas ng boses. 

Napatingin sa akin si Senyorito Zamir saka pinaandar ang kotse. 

"I don't know what to buy. I just bought whatever the fuck I saw first," sabi na lang n'ya. 

Hindi na lang ako umimik at napakagat sa ibabang labi ko. Pinigilan ko ang sarili na mapakamot sa batok ko dahil hindi ko rin naman alam kung paano gumamit ng ganitong cellphone. Touch screen pa yata iyon. De pindot lang ang kaya kong gamitin. Paniguradong hindi ko rin ito gaanong magagamit. 

Tahimik kami buong biyahe. Maya-maya pa ay tumigil kami sa tapat ng mataas na gusali. Agad na bumaba ng kotse si senyorito saka sinenyasan din ako na bumaba. Hindi na lang ako nagsalita at dinala ang paperbag saka lumabas ng kotse. Sumunod na lang ako sa kan'ya nang pumasok kami sa gusali. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatungo habang nakasunod kay Senyorito Zamir. Halos lahat ng tao rito sa loob ay nakasuot ng maganda at maayos na damit. Bahagya pa akong lumalayo kay Senyorito dahil ayokong mapahiya siya na kasama ako. Halata namang tigilan siya nang mapansing nahuhuli ako sa paglalakad. Tila nairita siya at hinawakan ang palapulsuhan ko saka hinila ako palapit sa kan'ya. 

Napalunok na lang ako at nagpatianod sa kan'ya nang sumakay kami sa elevator. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumingin kay Senyorito na nakahawak pa rin sa kamay ko. 

"N-Nasaan po tayo, senyorito?" 

"At my condo," tipid na sagot n'ya. 

Napalunok na lang ako nang mapagtanto ko kung bakit kami nandito. Umakyat muli ang kaba sa dibdib ko. Halata namang naramdaman ni senyorito ang biglang panginginig ng kamay ko kaya napatingin siya sa akin. 

"If you're not yet ready, just say it," sabi na lang n'ya. 

Umiling ako saka napakagat sa ibabang labi ko... "H-Handa na po ako, senyorito. Nakabayad na po kayo sa akin kaya kailangan ko na pong maging handa," sabi ko na lang.

Hindi na nagsalita pa si senyorito. Bumaba na lang kami ng elevator nang bumukas iyon. Tahimik na nagpatianod na lang ako kay senyorito hanggang sa makarating kami sa isang silid. Napalunok ako at nilibot ng tingin ang malaking silid nang makapasok kami. Halos kumpleto ang gamit sa loob at malaki rin ang kama. Sa karkula ko ay higit na mas malaki ito kaysa sa silid n'ya sa hacienda. 

"Gusto mo bang ikaw na ang mauna mag-shower?" tanong ni Senyorito Zamir saka hinubad ang shirt n'ya. 

"I-Ikaw po muna," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. 

Tumango na lang siya at kumuha ng damit sa closet saka nagtungo sa banyo. Tahimik na umupo na lang ako sa couch saka napahawak nang mahigpit sa paperbag... Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko... Wala na talagang atrasan sa mga oras na 'to. Kailangan ko ng gawin 'to lalo pa't nakapagbayad na siya sa akin. 

Matagal din bago natapos maligo ang senyorito. Napalunok na lang ako nang maamoy ang mabangong amoy na nanggagaling kay Senyorito Zamir. Nakatapis lang siya ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan n'ya. Kitang kita ko ngayon ang matipunong katawan n'ya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya saka napakapit nang mahigpit sa paperbag. 

Lumapit sa akin ang senyorito saka inabutan ako ng robe. "Don't wear anything aside from that robe after you take a shower," sabi  n'ya saka bahagyang ngumisi sa akin. 

Tumango na lang ako at tumayo na saka dali-daling nagtungo ng banyo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila may nagkakarera doon. Huminga ako nang malalim at sinimulan ng hubarin ang damit ko para maligo. Ito ang unang beses na naligo ako sa ganito kagandang banyo... Sinamantala ko na lang ang pagkakataon at nilinis nang maigi ang bawat parte ng katawan ko. 

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nanatili sa banyo bago ako tuluyang natapos maligo. Pinatuyo ko na lang ang sarili ko saka binalot ang sarili ko gamit ang robe bago ako tuluyang lumabas ng banyo. 

Napalunok ako nang maabutan ko si Senyorito Zamir na nakaupo sa kama. Tanging pajama lang ang suot nito habang nainom ng alak. Napakapit na lang ako nang mahigpit sa laylayan ng maikling bath robe na suot ko nang mapatingin siya sa direksyon ko. Agad n'ya akong sinenyasan na lumapit sa kan'ya. 

Kahit nag-aalangan, tumango na lang ako at mabibigat ang hakbang na naglakad palapit sa kan'ya. Napasinghap na lang ako nang hablutin n'ya ang palapulsuhan ko at agad akong pinaupo sa kandungan n'ya. 

Napalunok akong muli habang hindi makatingin nang ayos sa kan'ya. Hinawakan n'ya ang panga ko saka pinaharap ako sa kan'ya... Wala naman akong nagawa at napatingin na lang sa mga mata n'ya. 

Ang isang kamay n'ya ay napadpad sa hita ko saka marahang hinaplos 'yon. Napakapit na lang ako sa balikat n'ya dahil tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa ginawa n'yang 'yon... Ang init at gaspang ng kamay n'ya sa balat ko ay tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. 

Humigpit ang kapit ko sa balikat n'ya nang dampian n'ya ng halik ang balikat ko. Naramdaman ko ang isang kamay n'ya sa buhol ng robe, marahang inaalis ang pagkakabuhol no'n. Napatitig akong muli sa mga mata n'ya nang hindi sinasadya... ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi ko na maalis ang tingin ko sa kan'ya. 

Umakyat ang kamay n'ya sa balakang ko. Tuluyan na n'yang naipasok ang kamay sa suot kong robe. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko... "S-Senyorito..." daing ko.

Umigting ang panga n'ya saka napahawak sa pisngi ko. Napasinghap na lang ako nang basta n'ya sinunggaban ng halik ang labi ko... Mapag-angkin ang halik n'yang 'yon... tila ba inaangkin n'ya ako nang buong buo sa pamamagitan ng halik n'yang 'yon.

Pumikit na lang ako at tinugon ang halik n'ya kahit nanginginig ang mga labi kong walang karanasan sa ganito. Tila hindi naman alintana ni senyorito iyon at patuloy lang ang pangahas na halik n'ya sa labi ko. Saglit siyang tumigil saka hinaplos ang ibabang labi ko gamit ang hinlalaki n'ya bago nagsalita... 

"Damn, Maria Elaine... I never wanted someone as much as I want you... I want you so damn much."

Continue Reading

You'll Also Like

194K 11.6K 37
(Finished) Thalia Andreasson isn't born with a silver spoon. In order to fit in during college, she pretended to be this rich popular girl persona an...
3.4M 75.7K 59
Wretchedness Series #1 (Completed) She's a wife, and being married to him was the biggest mistake she made in her life. Date Started: December 23, 20...
1.5M 36.1K 41
Savannah Lewinsky just finished college with her boyfriend and her best friend. As a celebration, they decided to go on a retreat in a small town in...
8K 190 4
Sylestia wanted nothing but a good future. Sick and tired of her poor provincial life, Syl left her hometown without bidding goodbye to anyone-pati n...