Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 27

774 37 20
By ren_esteron

Venus

"Calli is your date for tonight?" tanong ko kay Sandro.

We stayed here on the railings. Nagpatuloy ang party sa loob at hindi ko na gustong bumalik pa doon.

Hindi pa man nasasagot ni Sandro ang tanong ko ay nakarinig kaagad ako ng impit na sigaw mula sa kalayuan. Kunot noong napabaling ako sa paligid at nakitang wala namang tao.

"Sandro, narinig mo ba iyon?" I asked.

"Hm?" he silently said. Nang tiningala ko siya ay abala ang kanyang tingin sa damit ko. Nakasandal pa rin ako sa railings habang ang isang kamay ni Sandro ay nasa baywang ko at ang isa ay nakatukod sa bakal na railings.

Wala siyang narinig! Nakiramdam ako sa paligid at nang hindi na muling narinig pa ang ingay na iyon ay inakala kong hallucination lang.

"Ayaw mo ba sa damit ko?" Ipinokus ko na lamang ang atensiyon kay Sandro.

"You're really pretty with it."

"It doesn't answer my question."

Bumuntong hininga siya. Hinaplos ang baywang ko. "Gusto."

"You seems not to be okay with it kanina."

"Kung komportable ka sa suot mo ay walang problema sa akin. Kaya ko namang magpigil."

Kumunot ang noo ko. "Magpigil?"

"na manapak. Kanina, bawat lalaking tumitingin sa iyo ay gusto kong sapakin. Pero nagpigil ako."

Humalakhak ako. Bahagyang tinulak ang dibdib niya.

Sandro isn't possesive as my first impression towards him. Ni hindi niya ako pinagbabawalan sa kung anong susuotin, palagi niyang tinatanong kung komportable ba ako sa suot, and if I said yes, hindi niya na ito pinapansin pa.

Napapansin ko na ayaw niyang sinasakal ako. This is one of the perks for having a boyfriend that was a lot older than you. He's more matured.

"I'm going to give you something. Wait for me here." aniya at tumalikod upang pumasok sa loob.

Naiwan akong mag-isa sa labas. Naririnig mula dito ang marahang haplos ng mga alon sa dalampasigan. Naglakad ako at tinungo ang batong hagdan na kanina ay tinatanaw ko lang. Agad akong sinalubong ng sariwang hangin.

Hindi ko maisip kung anong nararamdaman ng mga mayayaman na magkaroon ng malaking bahay sa harap ng dagat. Pangarap ko ito mula pa man noon. Naiisip ko nga minsan na kapag naging isang guro na ako ay iyon ang uunahin ko. Ang magpatayo ng beach house.

Alam kong medyo imposible pero sabi ng Mama ko, "Kahit na gaano kahirap, lahat may karapatang mangarap." Iyon ang dahilan kung bakit araw-araw akong nagpupursigi. And I'm now near the finish line. Kay bilis ng mga araw.

"Tulong.."

Napatigil ako sa paghakbang pababa nang marinig ang mga daing at ungol na iyon. Kaagad na nagsitindigan ang mga buhok sa batok ko dahil sa sobrang kaba. I thought of running away but my feet won't let me do it.

"Tulong." naulit pa iyon.

Halos sumabog ang puso ko nang makita na sa ilalim, sa dulo ng mga baitang ng hagdan ay may babaeng nakahiga roon! She's wearing a green gown. That's all I could see. Dahil maliban sa medyo madilim sa parteng 'to ay nakahiga pa siya sa buhanginan.

"A-are you okay?" I stammered.

Nanginginig ang tuhod ko habang unti-unting bumababa. Pakiramdam ko bawat hakbang ng mga paa ko pababa ay ang pagkatigil ng aking puso.

Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan sa buhanginan? Hindi kaya multo?

Halos mawalan ako ng ulirat sa sobrang kaba nang maisip na baka iyon nga. Gusto kong tumakbo na lang palayo at kalimutan ang nangyari pero hindi ko magawa. There's something inside me that tells I should help.

Hindi ko na muling narinig pa ang boses ng babae. Buong akala ko'y wala na siyang malay pero mula sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagtaas ng kamay niya na tila humihingi ng tulong.

Naging alerto kaagad ako. This is not a joke! I think she is really in pain right now.

Bumilis ang mga hakbang ko at halos tumakbo ako patungo sa kanya. Nang makarating ay kaagad akong nag squat upang daluhan siya. Ni hindi ko naisip na masyadong delikado ang ginawa ko. Buong akala ko'y nahulog lang siya.

"Miss, nahulog ka ba?" I tried helping her. Sinubukan kong patayuin siya pero maliban sa mahinang ungol ay wala na siyang naitugon sa akin.

"Miss." I slightly shake her shoulders. "Tutulungan kitang tumayo."

No response.

Nasapo ko ang noo at napatingala. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid sa kabang nararamdaman ko ngayon. I just hope the girl is not yet dead! Sana man lang ay sumagot siya upang malaman ko kung ano ang nangyari sa kanya.

"Miss." I tried holding her on her stomach upang maitayo na siya. Pero napatigil ako nang maramdamang tila may kakaiba. May nahawakan akong tila isang handle na nakatusok sa kanyang tiyan.

Could that be?

N-no. Nanginig ang buong kalamnan ko habang unti-unting kinukuha ang cellphone ko mula sa bag na dala. Nanginginig ang mga kamay ko at nahulog pa mula dito ang cellphone nang sinubukan kong i open ang flashlight.

I cursed loudly. Pinulot ang cellphone na mabuti lang ay sa buhangin nahulog. I opened the flashlight and turned it to the girl. Halos mawalan ako ng malay nang tumambad kaagad sa akin ang itsura ng babae na naliligo na sa sariling dugo. Mabilis akong bumagsak sa buhanginan at napaatras. Nangilid ang mga luha ko sa magkahalong takot at kaba.

A knife was buried on her stomach. It was the thing that I held earlier!

"Oh my god!" someone screamed above the stairs.

My heart stopped beating for a while. Binuksan ko ang bibig upang sumigaw pero walang lumabas na mga salita. Tanging panginginig lamang ng katawan at malakas na kabog ng aking dibdib ang tangi kong naramdaman.

I wanted to run but I couldn't. At naiinis ako dahil tila nawalan ako ng kontrol sa sarili.

"She did it! She killed her!"

What?

Sa kabila ng pangingilid ng mga luha ko ay nagawa kong mag-angat ng tingin sa mga taong nasa itaas. Tila nilalang na walang halaga nila akong tinitigan. May mga naglabas ng flashlights mula sa kani- kanilang cellphone at itinutok sa direksiyon ko. Halos masilaw ako kaya kaagad kong inilagay ang palad sa aking noo.

People look at me like I am a digusting piece of shit when I am just trying to help!

"I saw her. She was holding the knife when I saw her!" the girl panicked and cried while someone is holding her.

Kumabog ang dibdib ko. Tila nabingi ako at salita niya lamang ang paulit- ulit na naglalaro sa aking tainga.

Maraming tao ang bumaba upang tumulong. Nanatili akong nakatulala habang naririnig ang mga kasinungalingan ng babaeng nakakita! Bawat kasinungalingan niya ay ang hiyaw mula sa mga taong naroon. Hiyaw bilang pagkutya sa buong pagkatao ko.

"Samantha!"

Tila tumigil ang mundo ko nang makita ang Mommy ni Sam na pababa mula sa mga baitang ng hagdan. She is crying helplessly.

Umawang ang labi ko. Hindi makapaniwalang tinitigan ang babaeng ngayon ay dinadaluhan na ng mga medics. Halos gumuho ang lahat lahat sa akin nang kasabay ng pagtagilid ng ulo niya na nagsasabing tuluyan na siyang nawalan ng malay ay ang pagharap ng mukha niya sa akin.

Samantha! It was my bestfriend!

"Sam!" I screamed. Kaagad akong bumunghalit ng iyak habang pinapanuod siyang nirerescue at nilalagay sa stretcher. Wala na akong pakialam ano man ang sabihin ng ibang tao sa akin ngayon. I just wanted to find out if she's fine or not!

Kung alam ko lang kanina ay mabilis sana ako sa pagdalo sa kanya!

"Sam.." I cried like it was the end of my life. Sinubukan kong kumapit sa stretcher at sundan siya pero malakas at buong higpit na nahawakan ng Mommy niya ang braso ko.

"Lumayo ka sa anak ko! Mamamatay tao ka!" buong lakas niyang binitawan ang braso ko dahilan ng pagkakalagapak ko sa buhangin.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong pupunain. Ang mapanghusga bang mga tao o ang kalagayan ng kaibigan ko.

Ang bilis ng mga pangyayari. Pinauwi ang mga bisita at naiwan ang iilang mga pamilya at malapit na kamag-anak. Dinala ako sa loob na tila wala sa sarili habang kaharap ng mga police na halos hindi ko na malaman kung ilan dahil sa mga nanlalabo kong mata.

"We trusted you, Venus! Akala namin santa ka, 'yon naman pala nasa loob ang kulo! Ang kapal ng mukha mo para gawin ito kay Sam!"

I remained silent while crying helplessly. Narinig ko ang tunog ng pag- alis ng ambulansiya pero halos hindi ko na ma pokus ang atensiyon doon. Ang pamilya ni Sam, ang mga kaibigan niya, at ang mga Noblejas ay nasa harapan ko ngayon. All of them are furious.

"Wala po akong kinalaman sa nangyari. I just saw her." kinagat ko ang ibabang labi habang tuloy- tuloy sa pag- agos ang mga luha. I wanted to explain myself so bad! Kahit na walang maniniwala sa akin, kahit na ako ang itinuturo ng babae, basta masabi ko lang ang side ko ay ayos na sa akin. "lying on the sand. Pero wala--"

"Sinungaling!" Calli's eyes bored into me. Tumakbo siya patungo sa akin at kaagad na hinaklit ang buhok ko. I screamed in pain. Sinubukan kong hawiin ang braso niya pero masyado siyang nadadala sa galit na halos hindi ko kayanin ang lakas niya. "Napakamanggagamit mo talaga! Pagkatapos mong gamitin si Sam para sa pansarili mong ambisyon ay ito ang igaganti mo sa kanya? Wala kang pinagkaiba sa Mama mong panira ng pamilya!"

"Calli, that's enough.." si Governor Matthew na kaagad siyang hinawakan sa magkabilang braso mula sa likuran upang mailayo sa akin. Napadaing ako nang isang malakas na hila sa aking buhok ang ginawa niya bago tuluyang nailayo ni Gov sa akin. Malabakal na kamay ang pumulupot sa baywang ko mula sa likuran at hinapit ako palapit sa kanya.

"Hindi kailangang magkasakitan dito! Hintayin natin ang imbestigasyon bago pagbintangan ang isang tao."

Simon pulled my head on his chest. Ang isang kamay ay banayad na nakahawak sa aking baywang.

"Diyan siya magaling! Ang magpanggap na mabait siya! Kita mo naman, pinaniwala niya kaming lahat.." It was Jamie's voice.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at mas lalong isinubsob ang mukha sa dibdib ni Simon. Gusto kong pigilin ang mga luha pero nang marinig ang sinabi ng isang taong minsang naging mabait sa akin at ang sakit sa aking anit ay mas lalo lang akong napahagulhol.

Bakit ganito? I just wanted to help. Pero bakit palagi akong napagbibintangan sa isang kasalanang kailanman ay hindi ko ginawa? Madali ba para sa kanila na paniwalaang makakaya kong gawin ang ganung bagay? Dahil kung si Samantha ang nasa sitwasyon ko at napagbintangan siya ay hindi ako maniniwala hangga't hindi kusang lumalabas sa bibig niya na iyon nga ang ginawa niya!

"Simon is right. We'll wait for the investigation. 'Pag napatunayan na may kasalanan si Venus dito, she has to face justice. Afterall, it will be a fair process. She's innocent until proven otherwise." si Michael.

My heart is slowly shattered into pieces. Isa- isang naglaro sa isipan ko ang mga taong naging parte ng buhay ko. Ang mga taong itinuring kong mahalaga sa akin.

One lie and they drifted away from me.

"I'm taking her home for now."

Kahit hindi tumingin ay kilala ko ang boses na iyon. Kaya naman nang inakay ako ni sir Rig palabas ng lugar na iyon ay hindi na ako nagatubili pa.

Sandro wasn't there. Naroon ang pamilya niya pero wala siya. Ang sabi niya sa akin ay may kukunin lang siya pero hindi na bumalik.

Kaagad na gumuhit ang sakit sa puso ko. Gusto kong muling humagulhol dahil sa matinding sama ng loob, sa matinding takot. Natatakot akong makulong. Natatakot akong masira ang mga pangarap ko dahil lang sa isang maling akala at higit sa lahat natatakot ako sa maaaring mangyari kay Sam. Maliban sa siya lang ang makakapagsabi ng totoo ay siya lang din ang kaibigang mayroon ako na kahit kailan ay hindi ako hinusgahan.

How I wanted to hug her right now.

Tumingala ako at ilang beses na pumikit para pigilan ang mga luha ko sa pagpatak. Halos hindi na ako makahinga at nanlalabo ang paningin ko.

"I'm sorry." si sir Rig na hinila ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "I should have known. Sana ay hindi kita iniwan doon."

Sumandal ako sa kanyang dibdib habang nangingilid na naman ang mga luha. Ang mga kamay ko na may bakas pa ng mga dugo ay bahagyang nanginginig. Ang mga kamay kong humawak sa hawakan ng kutsilyo kanina.

"Wala akong ginawa.." I shook my head fiercely. Muling umagos ang mga luha ko at halos mawalan na ako ng boses sa walang tigil na pag-iyak.

I am hurting so bad. At wala si Sandro na siyang kanina ko pa hinihintay! Kahit nakarating na kami sa loob ng kotse ni sir Rig ay hindi siya nagpakita man lamang.

Nakita ko ang pagyukom ng isang kamay ni sir Rig at ang mararahas niyang buntong hininga. Like he was controlling his emotion.

"Don't worry. You're safe with me. Nobody's gonna hurt you." hinagod niya ang likod ko. "I'm just here. Papa and I will be here for you. We won't let them touch or be near you. "

What?

"Sir Rig?" I cluelessly asked.

"You are my sister, Venus." he sighed deeply. "It is my responsibility to protect you."

Continue Reading

You'll Also Like

99.6K 1.4K 11
*THIS IS DISCONTINUED* I'll never be working on this again and it will never be updated I had things I would have done but I do not want to do this a...
683K 33.8K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...
31.4K 1.2K 12
No matter how many times you tell yourself you can change him. You can't. There is nothing left in this world, that can help Jim Moriarty.
51.8K 1.9K 22
Fionna the Human, a 18 year female teenage girl, who's best friends, or to consider her as her own sister, Cake the Cat. The two of them grew up toge...