Icy Princess

By btgkoorin

146K 7.1K 514

Upang mapanatili ang magandang samahan sa pagitan ng dalawang angkan sa bayan ng Wisteria, ang angkan na tuma... More

Simula❄
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 29

3.5K 171 10
By btgkoorin

Huling kabanata para sa point of view ni Yejin sa storyang ito. Ang susunod at huling kabanata ay purong point of view ni Prinsipe Terrence. Maraming salamat po!

YEJIN 'NAMERO' FROST

"Y-yejin?"

Ngumiti ako at hindi maiwasang hindi maluha nang dambahin ako ng yakap ni Lia. Nabitawan ko ang dalawang anak at yumakap pabalik kay Lia.

"Akala ko, wala ka na talaga. Alam ko ang nangyari sa iyo. Simula nang malaman ko na rito na nakatira sina tita ay palagi akong narito para umasa na isang araw ay bumalik ka. Namiss kita! Akala ko hindi na tayo magkikita. Bigla ka na lang nawala na parang bula. Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka nagsabi? Kung hindi pa ako nangulit kay Tita hindi ko pa malalaman na ganun ang nangyari." Umiiyak siya kaya nararamdaman ko ang basa sa likod ko. Tinapik ko ang likod niya. Naging emosyonal rin.

"Namiss din kita, Lia." Sambit ko. Humiwalay siya ng yakap at pinagmasdan ako.

"Bakit ang ganda mo pa rin, mali mas lalo kang gumanda!" Natawa naman ako maging siya. Mukha tuloy siyang baliw na umiiyak habang tumatawa.

"Yejin! B-buhay ka." Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zanlex habang may kargang batang babae. Palagay ko ay tatlong taon ito. Bumalik ang tingin ko kay Lia.

"Anak naming dalawa." Naluluha nitong pag-amin sa akin. Hindi ko naman mapigilang hindi ngumiti at bumaling kay Zanlex na gulat pa rin sa pagkakita sa akin. Hindi pa rin makapaniwala na nasa harap nila ako.

"Yejin, anak." Nilingon ko si ina na lumuluhang lumapit sa akin. Sa likod niya sina ama, Yessa at Yurika na umiiyak rin. Ngumiti ako sa kanila. Niyakap ako ni ina.

"Salamat at buhay ka."

"Pinilit ko ina. Para sa mga anak ko. Para sa apo mo." Humiwalay siya ng yakap at nabaling sa dalawang bata na nasa magkabilang gilid ko at nakahawak sa damit ko.

"Yejin, sila na ba?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Lia na ikinatango ako at yumuko upang pumantay sa dalawa.

Inalis ko ang balabal nilang dalawa at mababakasan ang seryoso nitong tingin sa akin pero alam kong nadadala sila sa emsoyon na meron sa salang ito. Pinunasan ni Tyzen ang luha sa pisnge ko at ganun rin si Kashyl. Ngumiti ako sa kanila.

Tumayo ako at binalingan si ina na umiiyak pa rin. Nilagay ko sa harap ko ang dalawang anak.

"Ina, si Tyzen at Kashyl. Kambal na anak namin nila Terrence at Kaden."

Niyakap silang dalawa ni ina, sumunod si ama. Nagumiti rin ako nang yakapin din sila ni Yessa at Yurika. Nararamdaman ko ang pagbabago sa kanila.

Hindi rin nakitalo si Lia at niyakap ang dalawa. Hinalikan niya ito sa mga pisnge at natawa kami nang umangat ang kilay ng dalawang bata sa ginawa niya.

"Yejin, mana sa inyong tatlo ang ugali ng dalawa huhuhu. Kamukhang-kamukha talaga. Yejin, nung magkasama tayo hindi halatang patay na patay ka sa magpinsan pero ngayon may patunay na."

"Patay na patay na siya sa dalawa bago pa maging sila hahaha." Sambit ni Zanlex.

Namula ako sa hiya nang magtawanan sila.

"Ikaw rin naman, Lia. Kay Zanlex nagmana halos ng katangian ng anak nyo." Ganti ko. Kahit babae ang anak nila ay hawig na hawig ni Zanlex. Tumaas ang kilay ko sa kanya nang may naalala.

"Alam kong pabor naman sayo kasi diba sabi mo gusto mo ng magandang la---"

Mabilis siyang tumayo at tinakpan ang bibig ko. Namumula na siya na ikinatawa ko. Nakakunot ang noo ni Zanlex na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

"Ano iyon, Liazyl?" Tanong ni Zanlex. Mabilis namang umiling iling si Lia. Inalis ko ang kamay niya at tinawanan siya.

"Magandang lahi daw Zanlex." Sabat ko at tumawa. Umangat ang kilay nito at may sumilay na ngisi. Sinamaan ako ng tingin ni Lia pero tinawanan ko lamang siya.

"Masaya ako para sa inyong dalawa." May sinseridad na pahayag ko. Nang mapansin na nakatingin sa akin ang anak nila ay ngumiti ako rito at napansin ko ang pagpula ng kanyang mga pisngi.

"Namamangha siya sayo, Yejin haha. Zaliah ang pangalan niya." Ngumiti ako sa sinabi ni  Lia.

Hindi ko akalain na ganito kasaya sa pakiramdam ang makita silang muli.

"Yejin, anong balak mo ngayon? Sa mga bata? Bakit napabalik kayo? Hindi nasabi ni Ylenna nakaraan." Seryosong ani ni ina. Nawala ang ngiti ko at naging seryoso rin.

"Maupo muna tayo." Tumango ako sa dagdag nito.

Nang makaupo ay nasa kandungan ko si Kashyl at si Tyzen naman ay sa tagiliran ko at nakasandal ang ulo sa may bandang kili-kili habang naka-akap ang kaliwa kong kamay sa bewang niya. Ang kanan kong kamay ay nakaakap naman at sa tiyan ni Kashyl.

Sa harapan namin umupo si ina.

"Biglaan ang pag-alis namin ina---"

"May nakahanap ba sa inyo? Mga tauhan ng Mahal na Reyna? Nalaman nilang buhay ka pa?"

"Hindi po ina. Biglaan ang pagbalik namin dahil sa gusto nilang makita ang kanilang mga ama." Seryosong pahayag ko. Natigilan naman ito.

"Natural lang na hanapin nila dahil kailangan din nila ng kalinga ng isang ama. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba dahil nasa tamang oras kayo dumating."

Napakunot-noo ako.

"Matutuloy na bukas ang kasal nilang dalawa sa Daevons, Yejin." Nalaglag ang panga ko. Naramdaman ko ang paglingon sa akin ng mga anak ko.

"Simula nang malaman ng dalawa ang nangyari ay hinanap ka nila, namin. Ngunit pinatunayan na patay ka na gamit ang isang bangkay. Pero malakas ang kutob namin na hindi ikaw iyon. Hindi kami naniniwala na patay ka na. Ang paghahanap namin ay tinutulan ng Mahal na Reyna hanggang sa bantay-sarado ang mga galaw namin. Hindi tumigil ang dalawa sa pagbabakasakali na mahanap ka sa tuwing makakahanap sila ng paraan para makalabas. Ilang araw ay bumalik silang bigo." Napatingin ako kay Zanlex.

"Nalaman ng Mahal na Reyna ang ginawa nilang pagtakas at pinayagan silang lumabas at kapag umuwi silang bigo ay matutuloy na ang kasal nila sa Daevons."

Nandilim ang paningin ko. Mas lalong lumalim ang galit ko sa Mahal na Reyna. Hindi pa rin nagbabago ang masama nitong ugali.

"Nakabalik na ba sila?" Seryoso kong tanong. Sabay na umiling si Lia at Zanlex.

Nilingon ko ang mga anak na kinukuha ang atensyon ko sa pamamagitan ng paghawak sa pisnge ko upang iharap sa kanila.

"Mama, tingin namin nakita na namin sila papa."

"Ha?"

"Kasi diba mama, nung umalis kami ni Tyzen para pumunta sa gubat may nakasalubong kaming dalawang lalaki. Tapos mama, magkapareho yung buhok ko sa isa tapos si Tyzen din dun sa isa." Nanlaki ang mga mata ko.

"N-nag-usap kayo?"

"Hindi po. Hindi nila kami nakita at umalis rin sila kaagad. Nung kinabukasan lang din po namin mama napagtanto na baka sila ang mga papa namin."

"Kaya ba nagsabi kayo sa akin na gusto nyo silang makita para makumpirma?"

"Opo, mama." Magkasabay nilang sagot. Napatingin ako kay ina, kay Ate Ylenna, kay Lia at Zanlex.

"Nagkita na ang mag-aama nang walang kamalay-malay. Pagkakataon nga naman." Natatawang pahayag ni Zanlex.

"Sa layo ng kinaroroonan natin, nakaabot pala sila dun kakahanap." Napayuko ako at nagtubig ang mga mata. Tiningnan sa mga mata ang mga anak.

"Pupunta tayo sa Palasyo." May pinalidad na pahayag ko. Hindi pweding ipagpabukas ito dahil bukas na ang kasal nila.

"Pero Yejin, mahirap makalapit sa Palasyo. Mahigpit sila."

"Isasama mo ba sila, Yejin?" Bumaling ako kay ina. Tinutukoy niya ang dalawang bata.

"Mama, sama kami."

"Kahit anong mangyari lagi niyong tandaan ang bilin at mga itinuro ko sa inyo. Maliwanag?" Sambit ko sa seryosong mga anak ko.

"Opo, mama."

"M-marunong na silang gumamit ng kapangyarihan?" Namamanghang tanong ni Lia na ikinatango ko.

"Nakakabigla dahil sa maaga pero may lahi sila ng unang prinsipe na mula sa magkaibang angkan at ng dating pinakamakapangyarihang pamilya, ang Frost." Ngumiti ang mga anak ko at niyakap ako.

"Handa na kayong dalawa na bawiin natin ang mga ama niyo?" Tanong ko at ngumisi sa kanila.

"Opo, mama!"

"Wala sanang madugong labang magaganap. Mukha kayong mag-iina na may kakatayin." Sabay kaming natawa sa sinabi ni Lia. Bumaling ako kay Zanlex.

"Nasaan ang ibang Elitian? Si Zainah?"

"Ang sabi nila pupunta sila sa Palasyo para mag-abang sa dalawa." Tumango ako. Inalalayan si Kashyl na makababa at si Tyzen saka tumayo.

"Ina, aalis na muna kami."

"Mag-iingat kayo, Yejin. Ang mga bata."

"Opo, ina. Hindi ko sila papabayaan. Ate Ylenna, manatili ka na lang muna dito at samahan sila ina. Kahit anong mangyari, ipapangako ko pong babalik kami rito ng ligtas."

Ngumiti ako sa kanila. Binalik ang balabal ng dalang anak at ang sa akin.

"Yejin, iiwan muna namin si Zaliah kina ina at ama." Tumango ako kay Zanlex.

"Dumaan muna tayo doon."

Naging alerto at maingat kami sa pag-alis ng bahay hanggang sa makarating kaming hindi napapansin sa bahay nila Zanlex. Hapon na ngayon at naabutan namin sila sa sala na nag-uusap. Napatayo ang mga ito at nagulat kina Zanlex at Lia. Dumako ang tingin nito nang mag-alis kami ng mga anak ko ng balabal at nalalaglag ang mga panga.

"Ina, ama. Kayo po muna ang bahala kay Zaliah." Iniabot ni Zanlex ang tahimik na si Zaliah kay tita. Ang mata nito ay bumalik ulit sa akin.

"Yejin, buhay ka? M-mga anak mo?" Tumango ako at ngumiti.

"Mga anak ko po kay Terrence at Kaden." Nanlaki ang mga mata nito at pinagmasdan ang mga seryosong anak ko.

"Magbigay galang kayo, Tyzen at Kashyl." Yumuko ang mga ito kina tita.

"Ina, pupunta kami ng Palasyo ngayon para samahan sila Yejin."

"Ha? Sige! Ako na ang bahala kay Zaliah muna. Mag-iingat kayo."

"Opo, ina. Aalis na po kami."

Mabilis ang kilos namin. Nakaalalay ang dalawa sa akin dahil sa hawak ko ang dalawang anak. Malayo pa lang ay kitang kita na namin ang mahigpit na bantay sa bukana ng tulay. Tumago kami sa mga puno para hindi makita ng mga ito.

"Zanlex, Lia mauna kayo sa loob ng Palasyo. Humanap kayo ng pwesto na makikita namin kayo dito at siguraduhin nyong walang nakakita sa inyo. Susunod kami gamit ang kapangyarihan ko."

Tumango ang mga ito at umalis. Pinagmasdan ko silang umakto na parang normal lang at matapos silang tanungin ng mga bantay ay tumuloy na sila.

"Mama, ang ganda po ng Palasyo."

"Diyan po nakatira sila ama, diba mama."

"Oo, Kashyl, Tyzen."

"Mama sila tita Lia po ata iyong kumaway." Sinundan ko ang tinuro ni Tyzen at nakita nga si Lia na nasa tagong parte ng ikalawang palapag ng Palasyo.

"Halika na, Kashyl, Tyzen."

"Opo, mama."

Nagpalabas ako ng snowflakes  na dinagdagan ni Kashyl ng kapangyarihan upang makaabot kami sa layo ni Lia at lumusot kami rito. Natawa pa kami nang nagulat si Lia dahil sa lumabas kami sa tabi niya.

"Nasa bulwagan sila. Pagdating namin nag-uusap roon ang mga Daevons at ang Mahal na Reyna tungkol sa preparasyon para bukas. Nasa gilid naman malapit sa hagdan sina Zainah. Si Zanlex naman ay nagbabantay sa dadaanan natin. Walang mga tagapagsilbi dito sa ikalawang palapag dahil sa abala sila sa bulwagan. At ang dalawa, wala pa rin pero inaasahang darating sila ngayon."

Tumango ako. Mabilis kaming nakapasok sa ikalawang palapag. Malapit ito sa nakatagong hagdan pababa ng unang palapag. Sa ibaba ay nakita namin si Zanlex at sinenyasan kaming magmadali.

Nang makababa ay pumasok kami sa isang silid na madilim at nahaharangan lamang ng makapal na kurtina. Bago pa kami makarating kanina ay binalutan ko ng kapangyarihan ang dalawa at maging ako upang hindi mahalata ang presensya namin.

Sumilip ako sa kurtina at mula rito ay kitang kita ko ang masasayang mukha ng Mahal na Reyna, ang magulang ng Daevons at ang mga ito. Nandoon rin ang ina ni Kaden pero tahimik lang ito. Sumasabay minsan pero madalas tahimik. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong taliwas siya sa gusto ng Mahal na Reyna ngunit wala siyang magawa kung hindi ang sumunod rito.

"Zanlex, Lia, ipaalam nyo kina Zainah na nandito ako."

"Sige." Gumilid ako at pinadaan silang dalawa. Muli akong sumilip at nakita silang kaswal na lumakad palapit kina Zainah. Nakaabang ito sa kanilang dalawa. Napansin ko ang pagtanong nito sa kanila. Hindi ko ito marinig dahil malayo kami sa kanila.

May sinabi si Lia na ikinalaki ng mga mata nila at napalingon sa gawi ko. Akmang lalakad na sila ng pigilan sila nila Zanlex.

"Ipagpaumanhin mo po ang aking pag-singit, Mahal na Reyna ngunit dumating na po sina Prinsipe Terrence at Kaden." Anunsyo ng isang guwardya at agad itong umalis.

Malapit kami sa may pinakapinto ng Palasyo kaya't makikita ko mula rito ang dalawa. Bumalik ang tingin ko sa Mahal na Reyna nang magsimula itong lumakad pasalubong sa pagdating ng dalawa. Sumama ang tingin ko sa dalawang tuwang-tuwa sa balita.

Magsaya lang kayo. Sagarin nyo na dahil di na iyan aabot ng bukas.

"Maligayang pagbabalik, Terrence, Kaden!" Malakas na bati ng Mahal na Reyna. Dumako ang tingin ko sa dalawa. Malamig at seryoso ang mga ito. Mas lalong gumwapo at gumanda ang mga katawan.

"Mama, sila nga iyon." Mahina ngunit punong-puno ng galak ang boses ni Kashyl. Natigilan ako ng umiyak ito ng mahina at ganun din si Tyzen. Tahimik ko naman silang inaalo pero nagulat ako nang bumitaw sila sa akin at mabilis na lumabas ng kurtina saka tumakbo.

"Papa!" Sigaw nilang dalawa. Hindi ako nakakilos nang yumakap ito sa hita ng kanilang mga ama.

Tumayo ako at lumabas.

"Ako ba, Mahal na Reyna, hindi mo babatiin ng maligaya sa aking pagbabalik?" Kuha ko sa atensyon nila at ngumisi. Nawala ako sa kinatatayuan at nasa pagitan na ako nila, sa unahan ng mag-aama at kaharap ang Mahal na Reyna.

Nanlalaki ang mga mata nito. At bago pa makakilos ang dalawang Daevons ay napigilan sila ng snowflakes kong nagpalabas ng tubig upang gawing panangga sa atake nila. Napanganga naman ang mga ito.

Lumapit sa pwesto sina Lia kasama sina Zainah. Binalingan ko sila saglit at muling ibinalik ang tingin sa mga taong nasa harap ko. Ang mga taong nagkasala sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Madiin na tanong ng Mahal na Reyna sa nangangalit na boses.

"Kulang ang pagtutulungan nyo para mapatay ako. Hindi lang naman ako mag-isa ang bumalik rito. Kasama ko ang mga anak namin ni Terrence at Kaden." Nalaglag ang mga panga nila at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Papa!" Napalingon kami sa magkasabay na sigaw ng dalawa sa harap ng kanilang mga ama. Nakataas ang dalawang kamay na gustong magpabuhat.

Kahit nagulat ang dalawa ay binuhat nila ito at hindi maalis ang tingin. Napansin ko ang pagluha nilang dalawa bago yakapin ang mga ito. Nagsimula namang umiyak ang dalawang bata.

"May apo na ako?" Napabaling ako sa ina ni Kaden na ang tingin ay sa mga ito at naluluha. Mabilis itong tumungo kina Kaden at kinuha sa Kashyl at siya ang bumuhat.

"Kamukhang kamukha mo siya Kaden nung bata ka!" Natutuwang ani ng ina niya habang may luha sa mga mata. Hindi ko naman maiwasang hindi ngumiti.

"Hindi maaari ito! Hindi ako papayag!" Galit na malakas na pahayag ng Mahal na Reyna. Naalarma ako nang mapansing nagpalabas ito ng kapangyarihan. Ramdam ko rin ano mang oras ay susunod ang dalawang Daevons. Masama rin ang tingin sa aking ng kanilang ina.

"Tumigil ka na sa kahibangan mo, Ate! Tama na ang pagkontrol sa buhay ng dalawa. May mga anak na sila! May apo na tayo!"

Napagtanto ko na gusto niya ako para kay Kaden, na masaya siya na may anak na si Kaden mula sa akin. Akala ko dati ay tutol siya sa relasyon namin nila Kaden ngunit hindi pala.

"Manahimik ka, Klyea!"

"Tama na, Kalyxa!" Dumagundong sa buong bulwagan ang malamig at seryong boses ng Mahal na Hari. Kakababa lang nito sa hagdan at sa likod nito ang ama ni Kaden.

Natahimik ang buong bulwagan. Nang makalapit ang Mahal na Hari ay agad akong yumuko bilang paggalang. Ramdam na ramdam ko ang awtoridad sa boses at awra nito na ang magsalita lang rito ay matuturing na kapangahasan. Hindi ko ramdam ito o tamang sabihin na nawalan ako ng respeto sa Mahal na Reyna dahil sa ginawa nito.

"Lolo?" Naagaw ng atensyon nito ang kababa lang na si Tyzen maging si Kashyl. Gumamit si Kashyl ng snowflakes na namana sa akin at napunta sila sa harap ng kanilang mga lolo at yumakap rito.

Napansin ko ang paglambot sa ekspresyon ng Mahal na Hari kay Tyzen na nakatingala sa kanya. Binuhat niya ito at yumakap ito sa kanya. Natuon rin ang tingin ko kay Kashyl na nagpabuhat rin.

Bago ako pa lumingon naramdamn ko ang dalawa sa likod ko. Si Terrence at Kaden.

"Huwag mo nang ipilit ang gusto mo, Kalyxa. Ayokong mas lalong lumayo ang loob sa iyo ng anak natin at ng apo natin dahil sa ginawa mo sa babaeng Frost, at ngayon ay itali sila sa hindi nila gusto." Seryosong pahayag nito. Ramdam ko na tanggap nito ako para sa kanyang anak. Tanggap nito ang apo. Masaya na ako sa katotohanang iyon. Hindi lang siya maging ang ama rin ni Kaden na sumasang-ayon sa pahayag ng Mahal na Hari.

"Humingi ka ng tawad at pagbayaran mo ang mga kasalanan mo. Tumatanda na tayo. Ang mga bagay na matagal na ay hindi na dapat pang binabalik. Dapat mong tanggapin na nagkasala ka. May kasalanan rin ako na hayaan at pagbigyan ka sa gusto mo pero tama na. Hindi ko hahayaang dumating sa oras na masaktan mo maging ang mga apo rin natin. Ang dapat gawin natin ngayon ay bigyang gabay ang mga anak natin para sa hinaharap."

Napayuko ang Mahal na Reyna. Umiiyak ito.

"Binabalaan ko kayo, Daevons. Kapag napahamak ang mga apo ko dahil sa inyo, ako mismo ang tatapos sa pamilya nyo."

Kahit hindi ako ang tinutukoy ng Mahal na Hari ay nanlamig at nakaramdam ako ng takot. Kapag binali ito ng mga Daevons ay siguradong hindi magdadalawang isip ito na tutuparin ang binitawang salita.

Masamang tingin ang binigay ng mga Daevons sa amin at walang pasintabing umalis.

Hindi ko naman maiwasang hindi pansinin ang pagkakahawig ng maglolo. Ang komportable ni Tyzen sa bisig ng Mahal na Hari. Si Kashyl ay ganun rin sa kanyang lolo.

"Yejin..."

Napaharap ako sa dalawa at sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap. Sa kanan si Kaden at sa kaliwa si Terrence. Naramdaman ko ang pagbasa ng likod na bahagi ng balikat ko dahil sa lumuluha ang mga ito.

"A-akala namin w-wala ka na. A-akala namin tuluyan mo na kaming iniwan."

"Miss na miss ka na namin, Yejin."

Napaluha ako at napangiti. Namiss ko ang yakap nila. Ang presensya nila. Namiss ko nang sobra silang dalawa.

"Miss na miss ko na rin kayo, Terrence, Kaden!" Sambit ko.

*****
Malapit nang matapos. Sana ay nagustuhan nyo ang takbo ng kwento.♡

-btgkoorin-

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
134K 5.3K 40
Bigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos...
64.5K 3.3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
874K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...