Wildness of the Calm Seas (CS...

By anchoraigee

376 19 1

Cruise Ship Management More

CSM 1
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21

5

20 0 0
By anchoraigee

Ewan ko kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Sa panahon ngayon, hindi madaling paniwalaan ang mga sinasabi ng tao. Sinong magagandahan sa akin kung ganito ang itsura ko?

I stared at the mirror, completely judging myself because I cannot see anything that looks beautiful. Maski isa, wala kaya nagtataka ako kung anong ikinaganda ko sa paningin niya.

"Bakit ba lumabas kayo?" I am pertaining to my tiny pimples. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya nagsilabasan sila ngayon. And that's because of how Four dominated my mind!

Dahil sa kakaisip sa kanya pati sa sinabi niya, halos gumulong-gulong na ako sa kama kagabi pero hindi ako nakatulog ng maayos. I deserve a sleep but he's not letting me. Kaya heto na ang kinalabasan.

May pasok pa ako at ang mas masaklap, may quiz pa. Nasa bh ako at halos hindi ko na iwan ang salamin para lang i-remind ang sarili na nagkakamali si Four sa pag-describe sa akin.

Nagiging bulag siya. O baka niloloko niya lang din ako.

Sinong magagandahan sa babaeng may tigyawat? As far as I know, the majority number of people don't like that. Hindi ko nilalahat pero mostly lang sa kanila.

Inis kong pinaypayan ang sarili saka ni-lock ang pinto. Dumagdag iyong ingay kagabi kaya hindi rin ako nakatulog. Hindi ko alam kung kailan ako makakaranas ng tahimik na gabi at hindi ko rin alam kung kailan titigil ang ingay.

Kumuha ako ng quiz na halos walang hirap dahil nakapag-review ng kaunti. I familiarized some terms so it's not that hard for me to answer it. Sa kalagitnaan lang no'n ay tumunog ang phone ko.

It's a text message from Four.

Tapos na ba class niyo? Gala tayo, libre ko.

I replied to him immediately. Sinabihan kong hindi pa kahit na tapos naman na ako sa quiz namin. Ready na nga akong lumabas kung gusto kong bumili kaso nanatili lang akong nakaupo, nakatitig lang sa phone hanggang sa makita ang reply niya.

Sinungaling naman. Kanina pa ako nakaupo sa bench at kitang-kita kita rito. Naghihintay ka pa sa reply ko HAHAHA. Ikaw ha?😜

Kumunot ang noo ko, saglit na binitawan ang phone saka dumiretso ang tingin sa benches na naroon sa labas.

Hindi nga siya nagsisinungaling. Naroon ito, nakaupo at malaya akong pinagmamasdan sa malayuan. Kumaway ito nang sandaling tumingin na nga ako sa kanya. Abot langit ang ngiti at parang gusto na kaagad akong lapitan kahit na ang layo-layo ko.

Napasinghap ako nang malamang kanina pa ito nakatingin sa akin. He's looking at me the whole time. Wala akong ideya na naroon siya kung hindi siya nagsabi sa akin.

Does this mean that he's already staring at me since we started the quiz? Ewan, nagugulo utak ko sa kanya!

Nag-vibrate ulit ang phone ko. Natulala na ako sa kanya at hindi ko na namamalayang sa kanya na nilaan ang buo kong atensyon. It's just my phone that distracted me from staring at him.

Titig na titig, ah? Crush mo na ako?

Napasinghap ako lalo. Bumalik ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nagbabalak na ngang lapitan siya.

I grabbed my phone and then my bag. Madalian akong lumabas sa room, parang inisang hakbang lang ang distansya ng bench mula sa room.

Tumuwid ito sa pagkakaupo saka ngumisi sa akin. Naalala ko tuloy na may mga bagong tubo akong tigyawat kaya tumalikod ako ng madalian, naglakad ulit saka hindi na siya pinansin.

I turned my back from him and started pacing. Ngayon, hindi na ako dumiretso sa room kundi sa kung saan na.

Wala akong maihaharap na mukha sa kanya. Nakalimutan kong punasan ang mukha o 'di kaya ay humarap man lang sa salamin!

I stopped walking. Tuwid ang pagkakatayo ko saka ako huminga ng malalim na parang ang layo ng nilakad ko kahit na hindi naman. I wiped the sweat on my forehead and began thinking something.

Bakit ako conscious? Teka, bakit nga ba ako naco-conscious? Kay Four? Bakit kay Four?

Bago pa ako makipagtalo sa sarili ay hinigit na niya ang braso ko. Doon lang ako tumigil sa pag-iisip ng malalim saka inilihis ang tingin nang diretso ang mga mata niyang tumitig na sa akin.

He's smiling! Nakangiti ito sa akin! I wonder if that's because he saw me or was it because of the scenario before I went here. Parehong hindi ko alam.

"Oh? Bakit?" There's that chuckle again. "Tinatakasan mo naman ako. Niyaya lang naman kitang gumala. Wala kasi si Dos ngayon kaya ikaw isasama ko. Pwede ba?"

Ramdam niya. Ramdam niyang iniiwas ko ang tingin sa kanya dahil pati kamay ko ay dahan-dahang inaalis na sa kanya. Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan! Nahihiya tuloy ako.

"Ano, may klase pa kami mamaya. Hindi siguro ako makakasama sa'yo muna," tugon ko habang pilit na iniiwas pa rin ang tingin.

Totoong may klase pa kami pero mamayang 1 pm pa iyon. Mahaba-haba pa ang oras ko, sadyang ayaw ko lang talaga munang sumama sa kanya.

Because I am conscious! Hintayin ko na lang sigurong gumaling itong mga tumubo sa mukha ko. I am too shy to be with him on this state.

Humawak ito ulit sa kamay ko. Napaigtad ako roon pero tanging ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. The smile that can melt someone without even doing something. Parang nanginig yata ang mga binti ko nang nasilayan iyon.

"C'mon. Treat ko. Babalik din agad tayo kapag 1 pm na."

"Four, ikaw na lang muna."

"Oh? Bakit? Ayaw mo na sa akin?" Ngumisi ito lalo na para akong iniinis. Hindi naaalis ang kanyang paghawak sa kamay ko dahil gustong-gusto niyang mapilit talaga ako.

Nailang lang ako lalo nang titigan na niya sa mukha. I pinched my nose to distract him. Kung tumitig ito sa akin, parang alam na nga niya na may mali sa akin. Kalaunan ay hinila na siya paalis doon saka lumabas na ng school, nagbabago ang isip ko.

"Teka lang. Excited naman masyado! Nagbago ba isip mo?" Sinabayan niya ako sa paglakad. Tumango na lang ako dahil wala naman akong magawa.

Okay, napilitan ako at isa pa, kapag tumitig siya roon sa akin ng matagalan, mas lalo kong kukwestyunin ang existence ko. So, it's better to go somewhere to end the discussion.

"Uy, Alaine. Hindi tayo magco-commute." Malapit na kami sa stop light nang sabihin niya iyon. Pareho kaming huminto.

Ang mga mata ko ay napadako roon sa bandang stop light, pansin ang ibang mga estudyanteng nagmamadaling sumakay sa siksikan na jeep. They flock in one area, rushing to have a place inside the jeep.

"Eh, saan ba?" Reality hit me.

Ang tanga ko sa part na 'to ngayon dahil ni minsan, hindi man lang pumasok sa isip kong may kotse  siya. I was too preoccupied with his stares earlier! Nakalimutan ko nang may sasakyan nga pala siya. 

He smirked at me and confidently guided me going back to school. At habang naglalakad ay hawak niya ako sa pulsuhan habang sa likuran niya ako.

Wala siyang sinabi kahit isa. Walang reklamo at talagang hinintay niyang makalabas na kami ng school bago niya sabihing hindi magco-commute!

Malay ko bang gagamitin niya kotse niya?

Ni hindi man lang pumasok sa isip ko na may sasakyan nga pala siya!

Hindi kalaunan ay sumakay na nga kami sa kotse niya. Dahil masyadong okupado ang utak ko, siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt sa akin na ikinagulat ko pa.

Ang mas malala, masyadong nalalapit ang mukha niya sa akin. So I distanced my face from him because it feels awkward.

Tapos pati iyon ay napansin niya pa.

"Easy lang. Hindi kita hahalikan. Depende na lang sa'yo kung gusto mo." Then he started driving his car somewhere.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano aakto gayong magkasama kami. I mean, syempre, conscious ako sa mukha ko ngayon. Tapos baka sa isip niya, ganito na nga itsura ko, hindi ko pa maayos-ayos.

Why I need to suffer from this?

Pinapadalhan naman ako ni tita ng skin care products kaso bumabalik at bumabalik pa rin talaga. I think it's in my blood.

We both landed to SM. Pagkarating sa loob ay tahimik lang akong nakasunod sa kanya. He notices me not having any conversation with him so he pulled me closer to him which made me flinch a bit.

"Tahimik naman. You have problem ba? Or am I the problem? Kasi kanina ka pa hindi masyadong dumadaldal kaya nag-wonder lang talaga ako," tanong niya sa akin.

I sighed heavily and then started tucking my hair. Iyong sakto lang para makita niya iyong kinaaayawan ko talaga. And then I started pointing my finger to my face, facing him now as if I am not having any problems.

"I have pimples. I don't fit to your standard and I am being uncomfortable. Okay na ba?" pagbalik ko ng tanong. Nagdesisyon akong pakinggan ng mabuti ang sasabihin niya.

Hindi naman siguro ako mamamatay.

Pinagkrus nito ang braso saka nagdikit ang mga kilay. Dumako sa kung saang parte ng mukha ko ang mga mata niya, umiikot at alam kong kitang-kita na niya ang tinutukoy ko. He pinches his lower lip after and began biting it like I do really like seeing it from him now.

Isang mahabang hininga ang pinakawalan ko saka nilihis ang mata dahil alam ko kung ano nang sasabihin niya.

Syempre, iyong totoo.

"Saan banda?"

"Huh?"

"Sus, ito naman. Saan banda ang sinasabi mo? Wala akong nakikita." And I managed to bring back to him my stares.

Mas lalong kumunot ang noo ko saka napanganga ng kaunti.

Hindi siya nakangiti at mas lalong hindi nanloloko ang mukha niya. Seryoso lang ito saka parang isang karangalan pang tumitingin pa sa akin ngayon.

I hate that stare. I hate that it somehow reminds me of how he sees me close to a blessing from above. Pinapaalala na may katotohanan iyong sinabi niya sa akin.

This is too much.

"Ewan ko sa'yo. Kakain na muna ako. Saan mo ba gusto?"

Hinayaan ko na lang iyon. As if namang may mababago kung pupunain ko pa. It won't change my life or anything so better not give it an attention.

"McDo ka kakain?" he finally asks as I lined myself. Tumango ako habang diretsong nakatingin sa cashier. "Sige. Dito na rin ako. Gusto ko milktea rito, eh."

"Talaga? Kahit lasang doorknob?" Hindi ako nagbibiro. Talagang ganoon lang ang pag-describe ng ibang estudyante sa milktea nila. It became a trending before which is too far from what they expect for.

"Syempre! Anong order mo? Ako na magbabayad since sabi ko, treat ko naman." I shook my head and about to say my order to the cashier when he interrupted me.

Pinalayo ko siya ng kaunti sa akin dahil talagang inunahan niya ako. Hindi siya nagtanong sa oorderin ko kaya hindi ako nakapalag kaagad nang humugot ito ng pera sa bulsa saka ibinayad ng tuluyan sa cashier.

Wait. Ako ang nahihiya sa kanya! Gusto kong maging mabuting tao kahit papaano pero iyong nangunguna talaga siya kahit na sinabi niyang libre niya?

Nakakahiya iyon para sa akin.

"Bakit binayaran mo?"

I swear. Nakabusangot ako ng malala nang makaupo na kaming dalawa. And worst, he just shrugged his shoulder like I am not confronting him here.

"Seryoso, Four. Bakit binayaran mo?"

"Wala lang. Feel ko kasi, favorite mo ang McDo tapos deserve mo ng matinding libre. And by the way, may freedom ako, okay? So, kung gusto kong ilibre ka, ililibre kita," sagot niya saka sumandal sa kinauupuan.

Oo nga pala. Nakalimutan kong si Four ito. Hindi ko na kailangang magsalita dahil ipaglalaban niya talaga ang paglibre sa akin.

At least, he knows that my favorite is McDo. Hindi ko na kailangang i-inform iyon sa kanya. And he's not obliged to always bring me and pay for all the food I will order here.

Kasalukuyan kaming naghihintay ng pagkain. Iyong ulo ko ay nakatingin doon sa counter, naghihintay na tawagin ang number namin nang maramdaman ko ang daliri nitong dumampi sa baba ko.

I was shock at first but then he immediately let my face to face him with my eyes that is about to go out of their sockets.

He's being gentle. His expression screams the opposite to what I am expecting.

Gusto ko na kaagad ilayo ang mukha sa kanya pero hindi ko magawa. It seems I am paralyzed in an instant.

"You don't need to overthink about your looks. You don't need to hide them because that's normal to human beings. Embrace it and don't ever call it as your imperfection. You're pretty, by the way." He followed it with a wink and stood up, getting our orders. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 283K 105
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
177K 13.8K 35
Her marriage was fixed which was an arranged marriage but she moved to London to pursue her career and dreams and after that, she would marry. But in...
461K 26.1K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
253K 14.9K 16
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...