Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

3.7M 106K 36.3K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 6

98.6K 2.9K 693
By elyjindria

Napalunok na lamang ako at nakipaglabanan ng titig sa senyorito. Muli akong napabuga ng hangin at pilit na sinabi sa sarili ko na kailangan ko 'tong gawin... Si Senyorito Zamir na lang ang natitira kong pag-asa. 

Napayakap ako sa sarili ko dahil malamig sa silid ni Senyorito Zamir. Napalunok na lang ako at mabibigat ang hakbang na naglakad papalapit kay senyorito. Nanatili naman siyang matiim na nakatitig sa akin habang pinapanood akong maglakad papalapit sa kan'ya. Nang nasa tapat n'ya na ako ay hindi ko na ulit alam ang gagawin. Sinabi n'ya na umupo ako sa kandungan n'ya ngunit wala naman akong lakas ng loob gawin iyon. 

Napasinghap na lang ako nang basta na lang hinablot ni Senyorito Zamir ang palapulsuhan ko saka hinila ako paupo sa kandungan n'ya. Mas lalo akong napayakap sa sarili ko dahil mas lalo yatang nanlamig ang katawan ko nang magdampi ang mga balat namin... Lalong nakakailang ngayong nakalapat ang hubad kong pwetan sa mga hita n'ya. 

"Now... let's talk about it," bulong ni Senyorito Zamir sa tainga ko saka marahang hinaplos ang braso ko. 

Napalunok ako saka tumango. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Parang kanina lang ay tila marami akong gustong sabihin sa kan'ya... tila naubos lahat ng 'yon ngayong nasa harapan ko na siya. 

"Name your price, Elaine," bulong ni senyorito sa malalim at tila paos na boses. 

Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mainit at malambot n'yang labi na marahang lumapat sa balikat ko. Napalunok ako at napatingin sa kan'ya. Bumaba ang kamay n'ya sa baywang ko saka marahang humaplos doon... Hindi ko inaasahan na magiging magaan at marahan siya sa paghawak at paghalik sa akin. 

"A-Ahm..." Napakurap ako habang nag-iisip ng presyo... Bakit hindi ko muna pinag-isipan ang tungkol doon?

"Hmm, tell me." Napunta ang labi n'ya sa leeg ko at iyon naman ang pinaulanan n'ya nang maliliit na halik. "How much should I pay you every time we'll have sex? Hmm, don't be shy," anas n'ya pa. Bumaba ang isang kamay n'ya sa hita ko saka humaplos doon. 

Napapapitlag ako sa bawat haplos at halik n'ya dahil iyon ang unang beses na may humawak sa akin nang ganoon... pero hindi ko alam kung bakit tila hindi yata takot ang dahilan nang malakas na kabog ng dibdib ko... Bakit parang iba ang nararamdaman ko sa bawat haplos at halik n'ya? 

"E-Every time? M-Mauulit po?" tanong ko saka muling tumingin sa kan'ya. 

Napangisi si senyorito saka mas hinapit ang baywang ko palapit sa kan'ya. Napasinghap na lang ako nang magdikit ang katawan naming dalawa at lumapat ang hubad kong dibdib sa kan'ya. Nakita kong umigting ang panga n'ya dahil doon. 

"Of course, Elaine... Mauulit... hangga't gusto ko," anas n'ya pa saka mas pinagdikit ang katawan namin. 

Napalunok ako at napatitig sa mga mata n'ya. Ganoon din naman siya, nakikipaglabanan siya ng mainit na titig sa akin. Ako na lang mismo ang napaiwas ng tingin nang hindi ko kayanin ang intensidad ng titig n'ya sa akin. 

"M-Magkano po ba dapat, senyorito?" nauutal na tanong ko. 

Marahang napahalakhak ang senyorito sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko saka nagtatakang napatingin sa kan'ya. Ang sarap sa pandinig ng tawa n'yang iyon pero hindi ko magawang matuwa dahil pakiramdam ko ay inaasar n'ya ako sa tawang 'yon. 

"Don't ask me that... I don't really know how much I should pay you for it. This is the first time I will pay someone to have sex with me," anas n'ya saka muling tumitig sa mga mata ko. 

Napalunok na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko... Kung ganoon ay pareho kaming walang ideya sa ganito.

"Okay, how about this..." Inilapit n'ya ang labi sa tainga ko saka bumulong. "A hundred and fifty thousand per night... but that seems a little low though."

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya. "150k?!" Hindi ko mapigilang mapataas ng boses dahil sa gulat. 

Napakunot ang noo ni Senyorito Zamir. "Bakit? Mababa ba?" Bahagya n'yang itinagilid ang ulo. "I told you to name your price... Two hundred thousand, three hundred thousand, whatever you want... You can set it higher if it's not enough for you," tila wala lang na sabi n'ya. 

Napakurap ako habang tila hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa kan'ya... Hindi iyon ang presyong inaasahan ko. Sa totoo lang ay plano kong sabihin na ten thousand ay pwede na dahil malaki na iyon para sa akin. Hindi ko rin naman kasi alam kung magkano ba dapat ang ipabayad ko sa kan'ya... pero hindi ko inaasahan na gano'ng kalaking halaga ang nasa isip n'ya. 

"S-Senyorito... H-Hindi ka ba nanghihinayang na bayaran ako nang ganoong kalaki?" nauutal na tanong ko, tila hindi pa rin ako makapaniwala. 

Napangisi si Senyorito saka pinasadahan ng kamay n'ya ang baywang ko pababa sa hita ko. Bumaba ang tingin n'ya sa dibdib ko saka napakagat sa ibabang labi n'ya. "Hindi ako manghihinayang," naibulong n'ya saka muling tumingin sa mukha ko. 

Pakiramdam ko ay pulang pula na ngayon ang mukha ko. Hindi pa rin ako komportable na nakahubad sa harapan n'ya at nakaupo pa sa kandungan n'ya ngunit pilit kong itinatapon ang hiya sa isip ko... Kapag nakita n'ya akong kinakabahan o nahihiya, baka magbago pa ang isip n'ya... Kailangang kailangan ko ng pera. 

Natigilan ako nang basta na lang hinubad ni Senyorito Zamir ang suot n'yang t-shirt. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko... Magsisimula na ba agad kami?

Napakurap na lang ako nang sa akin n'ya isinuot 'yon. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya dahil nilalamig na rin naman ako dahi sa aircon. Napalunok na lang ako at nagtatakang napatingin kay senyorito pagkatapos. 

"N-Nagbago na po ba ang isip n'yo, senyorito?" tanong ko, pilit na itinatago ang pagkadismaya sa boses ko. 

"Of course not... But let's not do it tonight. You seem tired... Matulog ka muna," sabi n'ya saka basta na lang akong binuhat at marahang inihagis sa kama. 

Napakurap na lang ako nang hablutin n'ya ang kumot saka itinakip 'yon sa katawan ko. Tumayo na siya at pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig saka inihagis 'yon sa couch. Napakapit ako nang mahigpit sa kumot habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya. 

"S-Senyorito, paano po kung may makakita sa akin kapag lumabas ako ng silid mo?" nauutal na tanong ko. 

Ayokong pagpiyestahan ng tsismis dito sa hacienda. Buong buhay ko ay tahimik lang akong nagtatrabaho rito. Mababait naman ang mga kasama ko pero alam kong isa ako sa pag-uusapan nila kapag nalaman nila ang ganitong ugnayan ko kay Senyorito Zamir. 

Umupo si Senyorito Zamir sa couch at sumandal sa backrest. Ipinatong n'ya ang braso sa itaas ng backrest saka pumikit. Hindi pa rin siya nagsusuot ng damit pang-itaas... Hindi ba siya nilalamig?

"Ako ang bahala," tipid na sagot n'ya. 

Napakurap na lang ako habang nakatitig sa kan'ya. Sa couch n'ya ba balak matulog?

"S-Senyorito... p-pwede naman po na umuwi muna ako. Para makapagpahinga ka na rito sa kama," sabi ko na lang saka inangat ang kumot hanggang sa ilong ko... Naaamoy ko ang natural na amoy at pabango ni senyorito na tila kumapit ang amoy ro'n. 

Idinilat ni Senyorito Zamir ang mga mata saka matiim na tumitig sa akin. "Stop talking and just sleep," masungit na sinabi nito saka muling pumikit. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Sa totoo lang ay bumibigat na talaga ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok. Hindi nakatulong ang malambot n'yang kama dahil mas lalo lang akong inantok dahil doon. Gusto ko sanang bumangon at umuwi na lang muna, gusto ko pa sanang isipin ang magiging problema ko sa oras na may makakita sa akin na nandito sa silid n'ya pero wala na akong lakas para doon... Inaantok na talaga ako. 

NAGISING AKO na wala na si Senyorito Zamir sa silid. Nakakapagtaka rin na nakasuot na ako ng damit paggising ko. Marahil ay sinuotan ako ng damit ng senyorito. Hindi ko maiwasang mahiya kahit pa sa mga susunod na araw ay makikita n'ya rin naman nang buo ang katawan ko... Hindi n'ya lang makikita, mahahawakan, mahahalikan, at maa-angkin n'ya rin. 

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Napabuga ako ng hangin at kinakabahang nagtungo sa pinto. Sabi ni senyorito kagabi, siya ang bahala. Pero wala na siya paggising ko... Ano na ang gagawin ko n'yan?

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Akmang sisilip ako nang kaunti ngunit napapitlag na lang ako sa gulat nang bumukas iyon. Natatarantang napaatras ako at muntik pang mapahiyaw sa gulat. Napakurap na lang ako nang si Senyorito Zamir ang bumungad sa akin, may hawak pa siyang dalawang plato. Simpleng itim na t-shirt at pants lang ang suot n'ya. 

"S-Senyorito... g-ginulat n'yo po ako," nasabi ko na lang saka napasapo sa dibdib ko dahil sa kaba. 

Hindi sumagot si Senyorito Zamir at basta na lang pumasok. Sinara n'ya ang pinto gamit ang paa n'ya saka ipinatong sa malapit na mesa ang dalawang plato. May laman 'yong toast, itlog, bacon, at pancake. Mayroon ding pitsel at dalawang baso roon na ngayon ko lang napansin. 

"Let's eat first, we'll talk about our agreement properly," sabi n'ya saka umupo. 

Tumango na lang ako at umupo na lang din. Nahihiya pa akong kuhanin ang kutsilyo't tinidor pero baka mainis lang siya at isipin na masyado akong nag-iinarte kaya kumain na lang din ako. Sa totoo lang ay nagugutom na rin naman ako.

Tahimik lang kaming kumain. Marami akong gustong itanong at sabihin sa kan'ya ngunit sinarili ko na lang ang mga 'yon. Hihintayin ko na lang siya na maunang magsalita. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko matapos uminom ng tubig. Inubos ko ang pagkain sa plato ko dahil ayaw na ayaw ko na nagsasayang ng pagkain. Napatingin na lang ako kay senyorito nang pumasok ito sa banyo pagkatapos. Hindi n'ya isinara ang pinto kaya nakita ko na nagse-sepilyo siya ng ngipin... Gusto ko sanang magtungo sa maid's quarter para makapag-sepilyo rin kaso hindi ako basta makalabas. 

Maya-maya pa ay tumingin sa akin ang senyorito nang matapos siya saka sinenyasan ako na lumapit. 

Napakurap na lang ako at tumayo saka lumapit sa kan'ya. Inabutan n'ya ako ng isa pang toothbrush. "This is my extra toothbrush. I haven't used that yet," sabi na lang n'ya. 

Napatango na lang ako at kinuha iyon saka nilagyan ng toothpaste. Napatingin ako kay senyorito mula sa salamin dahil hindi pa rin siya naalis sa likuran ko at nakatitig lang din sa akin mula sa salamin. 

Hindi na lang ako nagsalita pa at nagsimula ng magsepilyo. Natigilan lang ako at napakislot nang maramdaman na marahang humawak si Senyorito Zamir sa baywang ko saka idinikit ang katawan sa likod ko. Napakurap na lang ako saka muling itinuloy ang pagsesepilyo. Marahan n'yang hinawi ang buhok ko para alisin ang pagkakaharang nito sa leeg at batok ko. Maya maya pa ay idinikit n'ya ang labi sa balikat ko paakyat sa leeg ko at dinadampian nang magagaan na halik iyon. 

Nang matapos akong magsepilyo. Humarap ako kay senyorito ngunit nanatili akong nakatungo. Hindi ako makatingin nang ayos sa kan'ya dahil paniguradong makikita n'ya ang namumula kong mukha. 

Inunahan ko siyang lumabas ng banyo dahil naiilang ako. Agad naman siyang sumunod sa akin palabas. Tumingin ako kay senyorito saka napahawak sa braso ko... "S-Senyorito, paano po ako makakaalis?" 

"Lalabas na tayo... Don't say anything. Just walk normally with me," sabi na lang n'ya saka lumabas na ng silid. 

Tumango na lang ako at sumunod sa kan'ya. Mukhang maaga pa kaya walang gaanong tao sa mansyon. Ngunit  natigilan kami nang makasalubong ang mayordoma. 

"Senyorito, magandang umaga." Natigilan siya nang mapatingin sa akin na nasa likuran ng senyorito. "Elaine? Ang aga mo yatang pumasok."

"I have a job for her to do today. Hindi muna siya papasok ngayong araw," malamig na sinabi ng senyorito. 

"Ganoon ba? Sige po, senyorito." Tumingin sa akin ang mayordoma. "Ayusin mo ang trabaho, Elaine," tila nanenermong sabi nito. 

Tipid na ngumiti na lang ako at tumango. 

Tahimik na sumunod na lang ako kay Senyorito Zamir hanggang sa makalabas kami ng mansyon. Nagtungo kami sa itim na kotseng nakaparada. Pinagbuksan n'ya ako bago siya sumakay sa driver's seat. Nanatili akong tahimik sa tabi n'ya habang tinitingnan ang mga nadadaanan namin. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatingin kay senyorito na tahimik lang na nagmamaneho at nakatingin sa daan... Gustong gusto ko ng sabihin sa kan'ya ang kagabi ko pa gustong sabihin.

"S-Senyorito."

"Hmm?" tanong n'ya. 

"M-May hihilingin po sana ako sa 'yo," bulong ko saka napatungo. 

"Spill it."

Napalunok ako at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. "S-Senyorito, pwede po ba na 'yung ibabayad n'yo sa akin sa unang gabi ay ikaw mismo ang magbigay sa mga magulang ko?" bulong ko, halos walang boses na lumabas do'n. 

Napakunot ang noo n'ya. "Why don't you just give them money yourself?" tanong pa n'ya. 

"M-Magtataka sila kung saan ako nakakuha ng ganoong kalaking pera. Ayokong malaman nila ang trabaho ko sa 'yo dahil siguradong magagalit sila... W-Wala na lang talaga akong ibang pagpipilian dahil kailangan magamot ni Nanay at kailangan magpatuloy sa pag-aaral ang kapatid ko. M-Marami rin kaming utang na sinisingil na kami ngayon... S-Sabihin mo na lang na tulong mo iyon sa kanila. Isa si nanay sa katulong na nag-alaga sa 'yo noon kaya hindi sila gaanong magtataka kung bibigyan mo sila ng pera bilang tulong," paliwanag ko. 

Saglit na natahimik ang senyorito. Nanatili akong nakatitig sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon at kung papayag ba siya. 

"Okay, I'll do that," tipid na sinabi  n'ya. 

Agad akong napangiti dahil sa tuwa... Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na papayag siya ro'n. 

"S-Salamat po, senyorito!" tuwang tuwa na saad ko saka napahawak sa kamay n'ya na nasa kambyo ng kotse. 

Halatang natigilan siya sa ginawa ko. Maski ako ay natigilan din. Agad kong inalis ang pagkakahawak sa kamay n'ya saka napaiwas ng tingin. Gusto kong sawayin ang sarili ko dahil sa kapangahasan kong 'yon. 

Natigilan ako nang mapansing itinigil ni senyorito ang kotse at ipinarada sa gilid ng kalsada. Nagtatakang napatingin ako sa kan'ya na seryoso pa rin ang mukha na nakatingin sa daan. Umakyat ang kaba sa dibdib ko sa pag-aalalang baka nagalit siya sa ginawa kong paghawak sa kan'ya. 

"S-Senyorito?" 

Napapitlag ako nang humarap siya sa akin. Ngunit ang mas nagpagitlag sa akin ay ang pag-angat ng kamay n'ya patungong batok ko saka hinapit iyon palapit sa kan'ya. Napasinghap na lang ako nang basta n'ya siniil nang mapag-angking halik ang labi ko. Agad akong napahawak sa dibdib n'ya ngunit mas hinila n'ya lang ako palapit saka ekspertong ginalaw ang labi n'ya sa labi ko... na wala pang nakahalik kahit sino. 

"Hmm..." impit na daing ko. 

Nalalasahan ko ang toothpaste na ginamit n'ya pati na rin ang sigarilyo mula sa labi n'ya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na 'to, nanghihina rin ang bawat parte ng katawan ko at tila naubos ang lahat ng lakas doon. Napakapit na lang ako sa balikat ng senyorito at hindi na siya itinulak. Tila kusang gumalaw ang mga talukap ko at pumikit. Sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko, may kakaiba akong nararamdaman sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Nakakakiliti ang pakiramdam na 'yon at hindi pamilyar sa akin na tila ba ngayong ko lang 'yon naramdaman. 

Marahang kinagat at sinisipsip ni Senyorito Zamir ang ibabang labi ko. Hindi ko magawang sabayan ang labi n'ya, hindi ko alam ang gagawin ngunit tila hindi naman alintana ni senyorito iyon. Hinihingal ako nang marahan na n'yang inilayo ang labi sa akin. Nanatili akong nakapikit nang bumaba ang halik n'ya sa panga ko, pababa sa leeg. Dinadampian n'ya nang magagaan na halik ang mga 'yon bago muling umakyat ang labi n'ya sa labi ko. Magaan na dinampian n'ya ng halik ang labi ko bago pinasadahan iyon ng mainit n'yang dila. Impit na napadaing na lang ako at mas napakapit nang mahigpit sa balikat n'ya. Pagkatapos no'n ay isinubsob n'ya ang mukha sa leeg ko... Tila hinihingal din siya kagaya ko. 

"You're mine, Elaine... all mine."


Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
156K 4.6K 42
EMPIRE SERIES 1 Lucia Sullen- nag iisang anak na babae ni Baron Miguel sa Ambrosetti Empire, mabait, mapagmahal na anak at higit sa lahat ay kilala s...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1M 5.1K 7
Raiah Chavez will do everything to get into Kelton Medical Center, while Dr. Silvester Kavinski is willing to do whatever it takes just to keep her a...