Golden Hour #1: Her Cries Bet...

By onlynabi

548 200 50

When life gets tough, it's normal to feel alone and lonely. It's normal to be selfish. To be self-centered an... More

Disclaimer
Her Cries Between Our Walls
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 1

53 21 2
By onlynabi

Chapter 1

Kumalabog ang dibdib ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Para akong masusuka na mahihimatay. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang kaba. This is not new to me. Hindi na bago 'to para sa akin pero heto pa rin ako, nanginginig, halos maiyak sa sobrang kaba. Naiiyak sa pakiramdam na halos kasama ko na mula nang magka-isip ako pero parang bago pa rin nang bago para sa'kin.

"Luean! Buksan mo ang pinto! Lumabas ka riyan, Luean! Umuwi na tayo!"

Nagmamadaling tinungo ko ang banyo. My knees are trembling. Hindi ko na kinaya kaya napaupo ako sa tiles ng banyo. Using my trembling hands, I tightly covered my ears. Hindi ko na marinig ang sigaw niya pero nandoon pa rin ang malakas na kalampag sa pinto. It might break in no time.

Ayaw kong umuwi.. ayaw ko sa kanila.. ayaw ko sa kaniya.. ayaw ko, hindi ko kaya.

"Dito lang ako.." mahinang usal ko.

Ramdam ko ang panginginig maski ng labi ko, pero buo ang boses ko. Kinuyom ko ang dalawang palad ko at huminga nang malalim. Tumayo ako at dahan dahang lumabas sa banyo.

I went straight where my cabinet is. Maingat kong inilabas ang mga damit at gamit ko. Ni isang ingay, kahit na maliit na ingay ay hindi ko ginawa.

"Lue? Luean.."

Isang maliit na tinig ang nagpatalon sa akin mula sa ginagawa. Lumapit ako sa bintana at mula sa kurtina, gumawa ako ng maliit na awang at doon sumilip.

Nakahinga ako nang malalim nang makitang si Ate Mandy ang tumawag, pamangkin ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko dito sa loob ng resort.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Ate, pasensya na sa abala. Baka nakarating sa'yo yung nangyari.. ngayon ngayon lang.." mabagal na ani ko habang maingat na isinasara ang pintuan.

Pati ang mga kurtina't bintana ay dinoble check ko rin. Baka kasi mamaya nagtatago lang pala siya sa labas.

Bumaling ako kay Ate. I saw her looking at me with pity on her eyes. Umiling ako sa kaniya at magiliw siyang nginitian. I hate it when people look at me like that. But in her case, I can't just hate her. She's like a real ate to me.

"Ayos lang," she said, smiling while caressing my back.

Nahihiya man ay umiwas ako sa kaniya. It feels uncomfortable when someone's comforting me. Parang anytime, sasabog yung emosyon ko. I hate it. I'm used to being alone. I'm used to comforting myself alone.

She sighed. "Pinaalis ko. Sinabi kong hindi ka na tumutuloy dito, matagal na."

Napangiti ako sa kawalan. Tinignan ko ang sabog kong mga damit sa kama. Hindi pa rin safe.

"Thank you, ate. At.. pasensya ka na talaga, alam kong sobrang abala na 'tong ginagawa kong pananatili rito."

Pero sa ngayon kelangan kong kapalan muna ang mukha ko.

"Tsk, ayos lang nga ano ka ba naman. At saka hindi naman sobrang abala 'yon sa'kin. Isa pa, pinagta-trabaho-han mo naman ang pananatili rito," nakangiti pa ring tugon niya, ang tono'y pilit na nagpapa-intindi sa akin at umuunawa.

What she said is true. My stay here are being paid by me. Sa mga libreng araw at bakasyon ko ay nagta-trabaho ako dito sa resort. Ang may ari ng resort ay kapatid ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko kaya naman madali akong na-irekomenda ni Ate Mandy. Malaki ang resort kaya minsan din ay iniikot ko ang lahat ng pwedeng trabaho rito nang sa ganoon ay maging maalam ako.

Hindi ko rin kasi masasabi kung hanggang kelan ako tutuloy dito kaya mabuti ng marami akong alam na trabaho.

"Ate, kasi ano, e.. hindi na safe kung magtatagal pa 'ko rito.." nag-aalangan man ay nasabi ko pa rin.

Nagbaba ako ng tingin nang makitang kumunot ang noo niya.

"Hindi ka rin naman mapapahamak dito sa loob ng resort. Kung gusto mo ay ipapa-ban ko ang pangalan n'on para hindi na makapasok dito. At 'wag kang mag-alala. Pinaayos ko na yung bakanteng kwarto sa itaas at plano ko talagang ilipat ka doon nang malamang nandito ang lalaking 'yon."

I am still hesistant but my worries lessened a bit. At least, I feel safe with the people I trust around me.

Bago sumapit ang tanghalian, wala akong nagawa kung hindi ang lumipat sa itaas na kwarto. Nahiya pa ako nang malamang iyon na lang pala ang kwartong bakante sa palapag na iyon at ang lahat ay ukupado na at may nag reserba na. Pero sa kaalaman na binabayaran ko rin naman 'yon ay hindi na rin ako nagpapilit at tumuloy na lang.

Nang saktong alas dose ay umakyat si Ate Mandy na may dalang pagkain. Sabay na raw kaming kumain. Laki pasalamat ko rin dahil kung mag-isa lang ako ay malilimutan ko ang pagkain at paniguradong magbababad lang sa pagligo.

"Ano kaya mo bang mag-trabaho ngayong araw?" tanong ni Ate Mandy habang kumakain kami.

Nagtataka ako tumingin sa kaniya. "Oo, ate. Bakit naman hindi?"

"Wala naman, naniniguro lang.."

Halatang gusto niyang banggitin ang nangyari kanina pero pinigilan ang sarili. Ngumiti ako.. thank you.

"Mauuna na 'ko, ah. Papasok ka na rin ba?"

Tumango ako. "Hmm, salamat sa pagkain."

"Teka, sa apartment ka ba naka-assign?"

"Oo, ate. Tsaka sa second floor ng villa, narinig ko kasing kulang daw sila r'on," nakangising ani ko.

Alam kong gusto niyang singhalan ako nang sumimangot siya pero dahil mukhang okay naman sa'kin ay wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang. Maya maya lang ay umalis na rin siya.

Sa paglilinis pa lang ng mga kwarto sa apartment ay nakakapagod na, ano pa kali sa mga villa na doble ang laki. Totoong nagpalista talaga ako sa mga maglilinis ng villa.

This is what I usually do. Kapag may bumabagabag sa'kin, itinutuon ko ang atensyon ko sa trabaho. Sometimes I over-worked myself just to escape this crazy feeling of anxiety. Pero may times na kahit sobrang nanlalata na sa pagod ang katawan ko, hindi pa rin umuubra ang topak ko.

Naligo at nagbihis ako ng uniform para sa mga assigned caretakers ng apartment. Isang maong brown shorts na mid-length 'yon at white sando top na tucked in sa shorts at saka pinatungan ng manipis na polo'ng pang beach at hinayaang nakabukas ang lahat ng butones. Sila mismo ang nag-style para raw preskong tignan at hindi naman kabastos bastos tignan lalo kung maayos ang nagdadala ng damit at ang mata ng makakapansin.

Hindi rin mawawala ang maliit na nameplate na tanging pangalan lang namin ang nakalagay at walang apelyido. Mine has just simply "Lue" on it.

Inuna kong linisan ang katabing kwarto ng tinutuluyan ko. And to my surprise, it's the biggest room in the whole apartment building with one common bathroom and four rooms. Let's just not talk how big the living area is.

Dahil nga malaki ang kwarto, dalawa kaming nagtulong. Ako ang nagpalit ng bedsheets at pillow cases sa bawat kwarto at nilinis ang dapat linisin including the bathrooms in each room. While my co-worker cleaned the space outside those rooms.

"Parang hindi pa naman nagagalaw 'tong kwarto, ah. May naka check-in na ba rito?" Tanong ng kasama ko nang makalabas ako mula sa ikatlong kwarto.

"Mamaya pa raw po yata. Reservation pa lang," ani ko.

Malayo ang loob ko sa pamilya ko mag mula nang magka-isip na ako pero kahit na hindi sanay gumalang, I still forced myself to do so. Respecting others is one of the most common thing I can do to survive living a life alone. Kahit hindi ko na maka-close, basta't may pakikisama at respeto.

Dahil sanay na ang katawan ko sa mabilisang pag-kilos, medyo maaga kaming natapos sa apartment kumpara sa inaasahan kong oras dahil sembreak nga at maraming turista pag bakasyon. Alas sinco nang lumipat ako sa villa. May mga kasama pa rin akong higit na mas matanda keysa sa'kin pero dahil hindi ko gaanong kakilala ay nanahimik na lang ako. Besides, I'm good at being silent.

I thought they're at least hardworking since they're already of age but I was wrong. Na-badtrip ako dahil pa-chill chill lang sila at tamang ayos lang sa mga kwarto. Hindi sila mabusisi sa paglilinis. Tuloy kahit sila'y nakaupo at nagpapahinga saglit, ako ay todo kilos pa rin dahil may nakikita pa 'kong hindi ayos sa kwarto.

"Aba, hija! Baka naman maaga kang rayuma-hin d'yan sa sobrang kasipagan. Hindi naman tataas ang sweldo natin kahit anong sipag mo d'yan!"

Sabi ng sa tingin ko'y pinakabata sa kanila. Others laughed with her. Sumulyap ako sa gawi nila at nameke nalang ng ngiti para hindi mag-mukhang bastos sa paningin nila.

Mas magkaka-rayuma ata ako kung panay lang ako upo at hindi kumikilos. At hindi ako nagmamasipag lang para umasang tataas ang sweldo namin. I am doing this because this is my job and I am being paid here. Para na rin sa magandang reviews ng mga turista. Basically, I am doing this for myself and for the image of the resort. Dahil paniguradong matira matino kung mag tanggalan man dito. Hindi matira matibay.

Dahil badtrip pa rin ako ay nag prisinta akong maglinis mag-isa sa isang villa na hindi gaanong kalakihan. Eto ata ang pinaka-maliit. Pabor naman sa kanila at wala na ring nasabi pa.

I thought I could peacefully work alone with just myself around. Or so I thought.

The door was locked so I assumed there were still people inside. I was right when the door creaked open and a woman with a not-so-kind aura appeared. I could tell by her expression.

I gave her a small smile. "Room service," marahang usal ko at tuluyang nawala ang pinilit kong ngiti nang mapang-husgang bumaba ang tingin niya sa bitbit ko.

"Right. Come in."

Halatang masama ang loob niya kaya palihim akong bumuntong hininga. Agad din akong natigilan dahil sa babae.

"Just don't gossip around here," maarteng sabi niya, impaktang impakta ang datingan.

I can't say sure on that because I own my mind and ears.

"Of course, miss. Hindi naman po pangangalap ng chismis ang trabaho ko rito," nakatalikod siya kaya malaya akong ngumisi nang sarkastiko.

"Chismis? Oh, well. Usual language of squatters nga naman."

Nginitian ko lang siya bago magpaalam na una kong lilinisan ang kitchen at bathroom.

I already wished that. I wished I was born in a family of squatters. Kahit na magulo, mukha namang masaya. And I might get used to the unfateful happenings in my life if I came from squatters.

It can't come true. Because in this lifetime, I can only be born once, not twice. But funny how I can't be born twice even though I already died once and still dying thrice.

"You look young. Why do you work here?"
The woman asked. Napansin ko ngang sinundan niya 'ko pero hindi ko na lang kinuwestyon. May mga kagaya niya talaga.

"Sembreak, miss," walang gana kong sagot.

Wala gaanong linisin sa banyo kaya ang kusina naman ang pinagka-abalahan ko. Hindi ko nga lang inasahan na consistent ang babaeng 'to. Room service ang trabaho ko rito pero kung umasta siya ay parang siya ang boss at ako'y nakasalang sa final interview.

"I know that it's sembreak, yes, kaya nga we're here for a vacation, e. How about you? Aren't you a student? Why do you work?"

Estudyante ako pero bakasyon nga 'di ba kaya malamang nakakapag-trabaho ako. Kaya ko rin naman pagsabayin ang pag-aaral at pagtra-trabaho.

I wanted to be rude but I just can't.

"I'm a student but I'm two weeks free. Kaya.." huminga ako nang malalim. Parang nakakapagod mag-salita. "Excuse me, miss.." pakalat kalat ka, daig mo pa mga dumi sa nililinisan ko.

"Okay, so.. why do you work nga? I mean, why do you have to work?" mabagal at napakaarte niyang tanong.

Good thing I'm almost finish in the kitchen. Next is the only room since the living room is neat already. Then I'll be off early here.

Napipikon na 'ko sa babaeng 'to. "Dahil siguro trip ko lang, miss," sarkastikong ani ko.

"What!"

"I work here because I need money."

"If you need it badly, why don't you go for easy money?" humahalakhak na aniya. Baliw.

"I don't do easy jobs.."

Nanahimik naman siya kaya kinuha ko ang pagkakataon para tumungo sa kwarto. Sumenyas ako sa kaniya.

"Wait up! Oh my gosh!"

Ano na naman ba.. What the hell? Before she could even stop me from opening the door, I already opened it.

A man who's almost naked filled my vision. Bahagya akong umatras para bigyan ng daan ang babae. Pumasok ito at agad na sinarado ang pinto. I was left dumbfounded. Iiling iling akong tumungo sa kusina at nagpahinga sandali habang naghihintay.

"You can now go in. Leave the door open, I'll look after you," sabi nung babae nang makalabas siya, I just nodded.

Bago makapasok ay nauna munang lumabas ang lalaki. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. My brows met. I hate it when someone does that to me. It feels insulting and plainly rude. I am sure this one's the type of changing girls from time to time. Aura mo pa lang..

"Oh, hi! Can't believe someone like you works here."

The moment he smiled, it confirmed my thought 'bout him. Pilit akong ngumiti at tumango sa kaniya bago pumasok sa kwarto.

"Stop it, Val! You're so.. ugh!"

Pumikit ako at huminga nang malalim. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ng lalaki kaya ganon na lang din ang ungot ng babae sa kaniya.

Mabilis ang pagkilos ko habang naglilinis. I was agitated to leave this villa. Nakakailang ang pagtitig ng lalaki, hindi ba siya makaramdam na masama na ang tingin sa kaniya ng babae? Kung ako nga nararamdaman ko, e. Nakakailang pero mas lamang ang inis ko. Hindi naman lang magpakitang tao.

Laking pasasalamat ko ng tahimik ang mga huling paglilinis ko. Tahimik akong umalis sa villa nila nang walang sinasabi ang lalaki. Pero hindi rin natigil ang pagmamasid niya sa'kin. And as expected, mas dumoble yata ang pagiging maldita nung babae.

"The next days, I want another helper to clean our villa, not you. I don't wanna see you here. Sana yung susunod na taga-linis, matanda, not like you. You are disturbing the guests."

Hindi ko siya sinagot. Sa utak ko'y para akong baliw na tumatawa.

Hmm, ano bang tawag sa mga ganoong galawan at salitaan? Insecure or just jealous? Sabagay, insecurity are always accompanied by jealousy.

Pagkatapos ng trabaho, dumiretso naman ako sa open cafe and resto kung saan si Ate Mandy ang manager. Nadatnan ko siyang nagse-serve kaya kinawayan ko siya at tinuro ang malapit na bench na madalas kong pag-tambayan pag naghihintay sa kaniya. Tinanguan niya ako at sinenyasan na maghintay.

Noong baguhan pa lang ako sa trabaho dito ay hindi pa ako sanay na hintayin siyang matapos. But as time passes by, we became closer. She's really like a total sister to me. Unlike the real one. If I were asked what's my most unforgettable feeling I spent here, it's the feeling of being loved and taken care of. That feeling I can't feel on my family and one of the reasons why I run away and hiding from them.

"Hmm, masyado ka 'atang napagod ngayong araw at hindi mo man lang naramdaman ang pag-upo ko, ah?"

"Ate.." I forced a smile when I saw the worry in the way she looks at me. "Sakto lang, ate. Nag-iisip lang talaga 'ko pero masyadong magandang pagmasdan ang dagat kaya natulala ako," natawa nalang ako dahil nagdire-diretso ang bibig ko at hindi na namalayan ang sinasabi.

Hindi ko nga yata talaga namalayan na nakatulala lang ako sa kalmadong dagat. After I got being emotional and think about things.. Ugaling ugali ko na 'to e. Mag-iisip ng kung ano ano tapos ang ending, matutulala lang. Kadalasan advantage na rin sa'kin dahil napipigilan ang pag-iisip ko ng hindi magagandang bagay at pangyayari.

"Kumusta trabaho? May nangyari bang kakaiba?" She asked after a moment of silence.

I nonchalantly smiled, still amaze by the sight of calm waves.

"Wala naman bukod sa guest sa isang villa. Masyadong.. maarte, muntik ng maubos ang pasensya ko."

"Talaga? Ngayon ka lang nag-kwento sa akin ng mga ganyang pangyayari sa trabaho mo."

Gulat akong tumingin sa kanya ngunit tumango lang siya nang naka-ngiti.

"Maybe because that was really my first time encountering a guest like her," nailang naman ako nang maalala ko ang kasama nitong lalaki. I shook my head to get that thought off my mind.

I spent more hours with Ate Mandy since we've planned to eat dinner together at her place. After that, umuwi na rin ako sa bagong space na tinutuluyan ko.

Habang nag-aayos ng mga damit ay dinig ko ang bakas ng ingay sa kabilang kwarto. Dumating na siguro 'yung mga nagpa-reserve ng kwartong 'yon. Because I hate noises, I quickly went to the bathroom and took a warm bath. One thing I hate about this apartment, it has thin walls that most of the talks from others can be heard.

I wore my below the knee white dress with long sleeves. It was made from soft fabric so I find it very comfortable every time I sleep. Hinayaan kong nakaladlad ang mahaba kong buhok para matuyo dahil wala naman akong blower. In the way I live right now, I can't afford to buy a blower. It's not even necessary.

Umupo ako sa harap ng salamin habang nagpapahid ng cream sa mukha. Ater that, I combed my hair using my fingers. Kinuha ko ang kalahati ng buhok ko at nilagay iyon sa kanang balikat ko. I was about to get up when my phone lit up.

After a few months of being away from home, my family stopped contacting me. If they do, it was seldom. Maybe they realized na wala akong balak na sagutin sino man sa kanila. And receiving a message from one of them, it felt strange but if I were to remember what happened earlier, I guess it's to be expected.

Lana:
You do realize that you're selfish, right? If not, when will you? If you want to suffer, then just suffer alone, hindi yung pati kami ng kapatid ko nadadamay sa pagre-rebelde mo! Stop your nonsense already. Our patience has been long cut off. You are nothing but a selfish brat.

Right. I admit that I am selfish. I left home to save myself from becoming insane. If I didn't do that, I'd probably be a mad woman now who knows nothing but to rebel. If excluding myself from them means rebeling, then be it. I know myself better than anyone. If I know a thing that could harm me, I'll leave to protect myself. I am very selfish for a reason.

Bumaba ako at naupo sa tabing dagat. Para akong sinasakal sa kwarto ko at alam kong hindi makakabuti sa pag-iisip ko 'yon. Ang ganitong klaseng hangin at tanawin ang kailangan ko. They're like a cure to my illness and a back-up when I am being attacked.

Memories came flashing on my mind like a bomb waiting to explode. I let it be while looking blankly at the sea.

Maliwanag ang dagat pero parang may kulang. Tumingala ako sa bilog na buwan. I don't know why the moon tonight reflected what I am feeling. It looks alive but feels dead. Ganoon ang buwan ngayong gabi para sa'kin. Dahil ganoon din ako ngayon.

I blink numerous times when my eyes heated beacuse of the thought came across my mind.

I so badly want to live. Badly the I turn myself into a selfish woman. Hindi ako baliw, pero maka-sarili ako. Parang tanga. Ang hibang pakinggan dahil kahit na anong pagkumbinsi ko sa sarili ko na hindi ako baliw at sadyang maka-sarili lang, hindi iyon tumatalab at pakiramdam ko ang pagiging selfish ang dahilan kung bakit sa tingin ko nagmu-mukha akong baliw.

I am selfish and maybe, a pretentious bitch?

I was and still hurt, the reason why I'm like this. I can no longer feel the pain whenever someone questions my personality, my worth.. or even my existence. What can only brings me pain right now is that.. I am on the edge of doubting myself. I feel like I am so near at questioning myself when right from the start, I know exactly what I'm doing and my reasons.

I forced myself to stop being so emotional when I felt a presence behind me. I was shocked when a man sat beside me. Not so near but my reflex let me moved a bit away from him.

Hindi ko akalaing kakausapin niya 'ko. Who is he? Why is he feeling close?

"Wala naman akong sakit," sabi niya, tumatawa.

Ayoko sa mga taong feeling close. Sabagay, lahat naman yata ng taong hindi ko kilala ay hindi ko gusto. Wala akong tiwala sa kanila. Ewan. Baka nga sa lahat ng taong nakakakilala sa'kin, si Ate Mandy lang ang pinagkakatiwalaan ko. Hindi lang nga ako sigurado.

"Wala rin naman akong sinabing maupo ka sa tabi ko."

If you trust no one, quickly shut the door for them. That's one of the basics.

Inisip ko na lang na mag isa lang ako rito at hindi naman ako nabigo. Isa pa, masyado akong nadadala sa maliliit na alon sa dagat. Pati ang buwan ay hindi nakakatulong sa emosyon ko.

"Are you a local here?"

Dalawang beses niyang pag-uulit sa tanong. Hindi tunog makulit pero dahil gusto kong mag isa lang ngayon ay naiirita ako.

"Ako ba kinakausap mo?" Matabang na ani ko.

"Oo, may nakikita ka pa bang ibang tao rito bukod sa'tin?"

"I don't talk to a nobody."

He just laughed. "Okay. My name's Rad. Sana bukas hindi na ako nobody sa'yo."

Why should I..

"Have a good night, miss.." Aniya bago tahimik na umalis.

Napabuntong hininga ako. I wanna be alone.. I can be alone until the day I die.

I had never felt any guilt whenever I'm pushing someone away. I never really want to pushed them. It's just that.. my sensitivity are always acting up whenever they try to be kind to me. Pushing people away is my defense mechanism from being hurt. I am always paranoid they would just hurt me after being kind.

And a lot has happened today and I am so emotional right now. I am a bit guilty because I was rude to that guy.

I feel like he was consoling me through his presence and I didn't like it. Not even now that I feel worst than earlier.

My heavy feelings became more heavier. It feels like a massive burden I can't get off with.. because it seems to love my existence.

Continue Reading

You'll Also Like

204 2 2
The leaving. It was hard, tragic , painful, yet it had to be done, I needed to save my life. I didn't want to start again, this would be the story of...
196K 7.6K 86
"please give me divorce, please I have enough pain through this marriage please I beg you...give me divorce."I pleaded him whilst crying. "I WILL NEV...
72K 2.5K 35
I met a girl six years back. She was everything I thought I never wanted. But how incredibly wrong was I? But one day she left. Just like that. For a...
Mirror By Lenour

Teen Fiction

207 21 8
On the brink of self-destruction, Leila struggles to battle against herself with little to no time before she's devoured by her conniving mind. In an...