The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

243K 10.4K 1.5K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment

Chapter 6 - Gift Giving Spree

5.4K 283 21
By AnjSmykynyze



Antok na napahikab si Evo habang sumandal sa kanyang swivel chair. He has never courted a woman before, at kahit kailan hindi niya kailangang mag-effort para lang makuha ang atensyon ng isang babae. Pero ang sabi ni Tamara, kailangan niyang gumawa ng grand gesture para mas maging epektibo ang pagpapanggap nila.

Nagpasya siyang hindi na lang magtanong kay Chad dahil noong huling humingi siya ng payo sa personal assistant niya, hindi naging tama ang ginawa niya.

Dahil sabi ni Tamara, K-dramas have the formula of a perfect rich man-poor woman love story, minabuti niyang manood ng mga K-drama. But all he sees are arrogant leading men bullying their poor leading ladies.

"Ba't naging romantic 'yun?" tanong ni Evo sa sarili, "Aist! Nag-aaksaya lang ako ng panahon. I'll just do what she said yesterday," saad niya saka tumayo.

Tulad nang nangyari kahapon, sumakay siya sa elevator pababa sa palapag kung saan nag-oopisina si Tamara. Just like yesterday, everyone is stunned to see him. Agad niyang nakita si Tamara na may ginagawa sa harap ng computer.

Natahimik ang lahat habang hinihintay kung ano ang gagawin ni Evo, pero walang pakialam si Evo sa mga matang nag-aabang sa kanya.

"Hi," ma-awtoridad na pagbati ni Evo kay Tamara.

Tumingala si Tamara sa kanya at awkward na sumagot, "H-hi?"

"Kumusta?" malimit na tanong ni Evo.

"O-okay lang. Medyo maraming ginagawa pero nakakayanan naman," sinubukan ni Tamara na maging komportable ang kanilang pag-uusap.

Tumango lang si Evo saka tumingin kay Miss Edmilao na para bang nagsasabing, "come to my office," at pagkatapos ay umalis na hindi nagpaalam.

"Ano 'yun?" tanong ni Jessa na nagtataka kung bakit biglang nagpunta sa kanilang opisina ang CEO ng kumpanya para mangumusta at pagkatapos ay umalis lang bigla.

"Ang tanong, bakit ka kinumusta?" nakahalukipkip na sabat ni Shane saka dinagdag na, "may nagawa ka na naman bang mali para kamustahin ka ng boss natin?"

Tulad nang nangyari kahapon, mag-isa na namang sumakay si Evo sa elevator habang hinintay ni Miss Edmilao na bumakas ang kabilang elevator upang makasunod siya agad.

________________________

"S-sir, tinatapos ko pa ang guidelines para sa mga trainees," agad na saad ni Miss Edmilao na inakalang 'yan ang dahilan kung bakit siya pinatawag ni Evo.

"Bawasan mo ang trabaho ni Tamara," walang pakundangang saad ni Evo.

"S-sir?" napatanong si Miss Edmilao na halatang nagtataka kung bakit ito ang inutos ng amo.

"I am not good at this, pero gusto kong malaman mo na pinupormahan ko si Tamara. So I want you to give her a special treatment," saad ni Evo.

Sandaling napanganga si Miss Edmilao dahil hindi niya inasahan ang nasambit ni Evo. Nang makabawi, agad itong nagsalita, "kung gusto mong ligawan si Tamara, sa tingin ko hindi sagot ang pagbibigay ng special treatment sa kanya."

"What do you suggest then?" tanong ni Evo.

"Dapat may suspense," excited na saad ni Miss Edmilao saka nagpatuloy, "'yung tipong hindi siya makatulog sa kakaisip."

"What do you mean?" bumangon si Evo mula sa pagkahilig sa swivel chair saka pinagsaklop ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Magpadala ka ng bulaklak na may sweet notes tapos huwag mong ilagay na galing sa'yo," suhestiyon ni Miss Edmilao.

"Hindi malalaman ng mga ka-opisina niya na galing sa akin?" kunot noong tanong ni Evo.

"Yes," tumangong sagot ni Miss Edmilao.

"How can that be a good idea?" tanong ni Evo.

"Gawin mong regular ang pagpapadala ng regalo tulad ng bulaklak, chocolates, cake, cookies at ibang cute na bagay. Tiyak na pag-uusapan 'yan ng buong floor. Lahat makikisali sa pagtuklas kung sino ang secret admirer ni Tamara," excited na nagpahayag si Miss Edmilao ng kanyang suhestiyon, "at kapag invested na ang lahat para sa pagkikilala kung sino ang secret admirer ni Tamara, show up ang bring some flowers then ask her for a date."

"That works?" tanong ni Evo.

Mas interesado siya sa parteng magiging invested ang mga tao sa pagkikilala kung sino ang admirer ni Tamara. This way, mas magiging maugong ang balita tungkol sa kanila at ibig sabihin 'nun, mas magiging makatotohanan kung magpopropose niya.

Kinikilig pa rin si Miss Edmilao habang palabas na siya sa opisina pero bago niya mapihit ang door knob ay may sinabi si Evo, "don't talk about this to anyone."

"Makakaasa ka po, sir," agad na hinarap ni Miss Edmilao si Evo, "your secret is safe with me. Saka, huwag kang mag-alala. I will be your eyes and ears sa opisina."

Nakangiting humilig si Evo sa kanyang swivel chair. He imagined Tamara's reaction and how people will talk about it. Pinindot niya ang intercom para makausap ang kanyang sekretarya, "sabihin mo kay Chad na pinapapunta ko siya dito. I need him to do some things."

_______________________

Abala pa rin si Tamara sa kanyang ginagawa pero hindi pa rin niya maiwasang mapangiti dahil kahit papano, nakita niyang nag-effort si Evo. Nakailang pages na siya sa kanyang ini-encode na report nang biglang may dumating na delivery boy.

"Flower delivery po for Miss Tamara Jacinto," saad ng delivery boy.

"Hoy Tamara! May nagpadala ng bulaklak sa'yo," natutuwang saad ni Jessa.

"Para sa akin?" kunot noong napatingin si Tamara sa delivery boy.

"Ikaw si Miss Tamara Jacinto?" tanong ng delivery boy.

"Ako nga," sagot ni Tamara.

"Pakipirma na lang po dito," saad ng delivery boy.

Pinirmahan ni Tamara ang receipt form saka tinanggap ang bulaklak. Agad namang nagkumpulan ang mga katrabaho ni Tamara upang alamin kung kanino galing ang bulaklak.

"These beautiful flowers are not even 10% of the beauty you have," nakasaad na mensahe at nakalagay na, "from anonymous."

Napakunot ang noo ni Tamara dahil wala siyang maisip na taong magbibigay sa kanya ng bulaklak. Hindi pa nga siya nakabawi sa pagkakagulat, may dumating na namang isang delivery boy.

"Miss Tamara Jacinto?" tanong ng delivery boy.

"Wow! Tamara, isang malaking box ng Ferrero Rocher!" excited na napasigaw si Jessa.

Tinanggap ni Tamara ang regalo habang nagkomento naman si Reem, "siguro galing sa iisang tao lang 'yan."

"Ang tanong, sino naman ang lalaking nag-aaksaya ng pera para kay Tamara?" komento ni Shane.

"Naku, inggit ka lang," saad ni Jessa.

Magsasalita sana si Tamara pero biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Galing kay Evo ang mensahe kaya lihim niya itong binasa, "galing sa akin ang mga regalo."

"Ba't kailangan anonymous?" reply niya sa mensahe ni Evo.

"Para daw maging curious ang mga kasamahan mo diyan. That way, it'll be easy for them to spread rumor," sagot ni Evo.

Napangiti si Tamara. Sa katunayan, first time niyang makatanggap ng regalo galing sa manliligaw dahil sa henerasyon niya ngayon, hindi na uso ang pagbibigay regalo maliban lang kung may okasyon o kung valentine's day.

_____________________

Natuwa si Evo dahil sa ibinalita ni Miss Edmilao sa kanya. Nagpadala pa ito ng litrato ng mga empleyadong nakapalibot kay Tamara dahil gusto nilang malaman kung kanino galing ang mga regalong pinadala niya.

"Pero sir, sinasagad mo si Tamara," mensahe ni Miss Edmilao, "ang sabi ko, sunod-sunod ang pagpapadala pero hindi ko sinabing gagawin mo ito sa iisang araw."

"Why would I wait for a week or so kung kaya ko namang gawin ang lahat sa iisang araw?" sagot ni Evo kay Miss Edmilao.

"Baka kasi ma-overwhelm si Tamara," sagot ni Miss Edmilao.

Wala siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ni Tamara. Tamara knew that everything was just for the fake engagement. Ang mahalaga sa kanya, nakuha niya ang atensyon ng mga empleyado. Kapag mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Tamara, mas magiging kapani-paniwala ang proposal niya kay Tamara.

"Sir?" kumatok si Chad sa kanyang pinto.

"Pasok," utos niya.

"Naibigay na ang huling regalo kay Tamara," saad ni Chad saka nagpatuloy, "nakapag-order na rin ako ng pananghalian ninyo dito sa opisina. Ipapatawag ko na ba si Tamara?"

"No," tumayo si Evo saka sinabing, "ako ang susundo sa kanya."

Hindi inasahan ni Chad ang sinabi ni Evo pero batid niyang seryoso ito kaya hinayaan niya ito.

Kinuha ni Evo ang long-stemmed rose na pinabili niya kay Chad saka tinungo ang elevator. Tulad nang inaasahan niya, lahat napahinto nang bumukas ang elevator at bumungad sa lahat ang kanyang presensya na may dalang isang pirasong rose.

Sinundan siya ng tingin habang nilandas niya ang daan patungo sa kinaroroonan ni Tamara. Lahat hindi makapaniwala sa nakita. Bilog ang mga mata nilang nagbulong-bulongan, maliban lang kay Tamara na halatang inasahan ang kanyang gagawin.

"Hi Tamara," panimula niya, "I hope you liked the gifts I sent you. Now I am here to ask if we can have lunch together, like a date?" confident na saad ni Evo.

"Pasensya na," hindi niya inasahan ang sagot ni Tamara, "I have plans this lunch, saka hindi ko ginalaw ang mga pinadala mong regalo. You can take them all back."

"What?" bulong ni Jessa pero narinig ito ni Evo, "Tamara, CEO ang tinanggihan mo ng date."

Hindi pinansin ni Tamara ang sinabi ni Jessa saka direchong tumingin kay Evo at sinabing, "I need to go. Ipakuha mo na lang sa personal assistant mo ang mga pinadala mong regalo."

Nilagpasan ni Tamara si Evo habang hindi naman makagalaw sa gulat si Evo. Nagulat din ang lahat ng tao sa paligid. May mga taong lihim na kinunan ng litrato si Evo. Napabalik na lang si Evo sa wisyo nang magvibrate ang kanyang cellphone. Hinugot niya ang cellphone at binasa ang mensaheng pinadala ni Tamara, "I'll see you in your office."

Galit niyang binagsak ang rosas na dala saka nagmadaling bumalik sa kanyang opisina.

___________________

"What was that all about?!" bulyaw ni Evo kay Tamara nang marating niya ang opisina.

"Relaks," kalamadong saad ni Tamara.

"Relax? Pinahiya mo ako sa harap ng mga empleyado ko. You think that's okay?" galit na saad ni Evo.

"For the sake of pretending? Yes that's okay," sagot ni Tamara.

"Paano naging okay ang –" hindi natuloy ang dapat sanang sasabihin ni Evo dahil tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya ito at nakitang tumawag ang kanyang ama.

"Son," saad ng kanyang ama nang tanggapin niya ang tawag.

"Dad, what is it?" saad ni Evo saka tinapunan ng masamang tingin si Tamara.

"I heard what happened," panimula ng kanyang ama, "is this the girl you are talking about? Is she the future bride you've told me about?"

Mariing ipinikit ni Evo ang kanyang mga mata saka sinabing, "yes."

"Well, I like her," nagulat si Evo sa narinig niya mula sa kanyang ama.

"You liked that she said no to my invitation for a date?" tanong ni Evo.

"Yes, I like that she gave you a hard time," natatawang saad ng ama ni Evo, "you've been hopping from on pvssy to another, that's why I know none of them will really become your bride. This one is different. She'll have you abstain s3x so you can appreciate her more than her pvssy."

Hindi alam ni Evo kung ano ang punto ng kanyang ama but the thought that his father believed na seryoso siya kay Tamara tells him that everything is going well. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Tamara but he liked where they are going.

"Dad mo ang tumawag?" tanong ni Tamara nang ibaba ni Evo ang tawag.

"He likes you," pagkumpirma ni Evo.

"See? May dahilan ang pagtanggi ko sa date na alok mo," nakangiting saad ni Tamara.

"I can't understand. How did you know that this works?" tanong ni Evo.

"K-drama," ngiting tagumpay ang iginawad ni Tamara saka nagpatuloy, "kung agad kong tinanggap ang alok mo kanina, iisipin ng lahat na yaman mo lang ang habol ko."

"So you said no para isipin nila na hindi ka interesado sa yaman ko?" saad ni Evo.

"Exactly! So when I become your bride, hindi nila iisipin na gold-digger ako," saad ni Tamara.

"So what do you suggest we'd do next?" tanong ni Evo.

"Pupunta ako sa cafeteria at doon ako kakain ng lunch," saad ni Tamara.

"Doon ka kakain ng lunch?" nagulat na saad ni Evo, "pero nagpa-order ako ng pagkain para sa atin."

"Ibigay mo kay Chad at sa sekretarya mo ang inorder mong lunch," suhestiyon ni Tamara.

"And what will I eat?" tanong ni Evo.

"You see, mas nakakakilig kung persistent ang CEO sa kanyang panliligaw kahit na busted siya sa unang subok," saad ni Tamara.

"You want me to buy you new set of gifts again?" tanong ni Evo.

"Of course not," saad ni Tamara, "parang trial ang error din naman ang panliligaw. If one strategy won't work, then you try another."

"Which is?" tanong ni Evo.

"Mauuna ako sa cafeteria," saad ni Tamara, "tapos sumunod ka at kumain kasama ako. Be all around me. 'Yung tipong wala na akong magawa dahil kahit saan ako magpunta, nandoon ka."

"I think Miss Edmilao's suggestion is better," saad ni Evo, "women love it when I shower them with gifts."

"Hindi lahat," simpleng saad ni Tamara saka umalis ng opisina.

Nakapamaywang si Evo habang napaisip. Tamara just challenged everything he knows about relationships, for that, nagtataka siya kung anong klaseng babae si Tamara.

Continue Reading

You'll Also Like

264K 3K 21
Teenage Blessie always had a feeling that Seb de Chavez had feelings for her until one day she becomes convinced that the opposite is true. Is all as...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.