The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

280K 11.3K 1.7K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment
Chapter 42: Office Politics
Chapter 43: Schemes and Suspicion
CHAPTER 44: Secrets and Consequences
Chapter 45: Unwarranted Suspicions

Chapter 2: Wrong Turn

8.2K 317 9
By AnjSmykynyze

Balisang nakatingin si Tamara sa counter ng elevator habang naghihintay na bumukas ito.

"Ba't ka nininerbyos?" tanong ni Reem, isa sa mga empleyado ng kompanya.

"Ngayon kami magprepresent ng project proposal," sagot niya na hindi nilingon ang kausap.

"Naku, ba't ka ninerbyos eh magaling ka naman sa mga ganyan. Alam kong kakayanin mo 'yan," saad ni Reem.

"Hindi ako natatakot magpresent, ang problema ko ay malapit na akong ma-late," sagot ni Tamara.

"Naku patay! Ayaw na ayaw pa naman ni Miss Edmilao na may ma-late sa mga presentations," komento ni Reem.

"Exactly! Siguradong masasabunutan ako ni Medusa nito," sambit ni Tamara.

Natawa si Reem sa tawag ni Tamara kay Miss Edmilao pero hindi niya maiwasang magtanong, "Bakit naman kasi sa lahat ng departamento dito sa kompanya, diyan ka pa nag-on-the-job-training sa departamento ni Medusa? Bakit hindi ka nagpa-assign sa departamento ng daddy mo?"

"Si daddy mismo ang ayaw na sa departamento niya ako ma-assign," sagot ni Tamara.

"Bakit naman?" tumingin sa kanya ang kausap.

"Kasi feeling niya, bibigyan lang ako ng special treatment ng mga tauhan niya," paliwanag niya.

"Sabagay pero kilala ang daddy mo dito sa kompanya, kahit saan ka ma-assign, magkakaroon ka pa rin ng special treatment," sagot ni Reem.

Bumukas na ang elevator kaya sumagot si Tamara habang sabay silang pumasok sa elevator, "Not with Medusa. Feeling ko nga, kahit anak ng may-ari ng kompanya, hindi niya bibigyan ng special treatment."

"Sabagay, walang pinipili si Medusa," pagsang-ayun ni Reem.

"You bet! Saka tingin niya pa nga lang, nakakatakot na," Tamara blurted saka nagpatuloy, "kaya nga Medusa ang tawag sa kanya dahil nakakatakot ang tingin niya at kapag tinititigan ka niya, para kang nababato sa kinaroroonan mo."

"And she never filters her words. Kung gusto ka niyang pagalitan, papagalitan ka niya kahit sa harap ng maraming tao," dagdag ni Reem.

"At 'yan ang dahilan kung bakit nagmamadali ako," saad ni Tamara.

"Wala akong ibang masabi kundi, Good luck," ngumiti si Reem saka bumukas ang elevator hudyat na narating na nila ang palapag ng kanilang opisina.

Walang inaksayang oras si Tamara. Mabilis siyang naglakad at tinungo ang conference room kung saan siya dapat magprepresent ng kanyang project proposal.

Lalo siyang kinabahan nang madilim na ang loob ng conference room at tanging ilaw mula sa projector na lamang ang nagbibigay liwanag sa ilang bahagi ng silid.

Siya ang unang natalagang magpresent kaya hindi na niya hinintay na tawagin siya ni Miss Edmilao. Agad niyang tinungo ang gitna ng conference room, binigay sa taong nasa gilid ang kanyang laptop na inaasahan niyang tumulong sa kanya sa pagset-up sa kanyang laptop upang maikabit ito sa projector saka nagsimulang magsalita, "Technology has made our lives better over the years," panimula ni Tamara, "but the constant evolution of new trends has made consumers to waive buying expensive gadgets believing that these gadgets will reduce its price once a new design is out."

"TAMARA!" biglang pumasok sa conference room si Miss Edmilao saka sinabing, "ba't nandito ka?"

It happened so quickly that is almost simultaneous with the moment that the lights in the conference room turned on, saka tumambad sa kanyang harapan ang miyembro ng board committee kung saan nandoon din sa meeting ang kanyang mismong ama.

"Ah-eh," hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang maling nagawa ngunit sabay na humingi ng paumanhin si Miss Edmilao at ang kanyang ama.

"How's your pregnancy?" saad ng lalaki sa gitna ng conference table dahilan upang sabay na mapahinto sina Miss Edmilao at Mr. Jacinto sa paghingi ng tawad.

"Huh?" gulat na sambit ni Tamara.

"Sinong buntis?" napalingon si Mr. Jacinto sa kanyang anak.

"Buntis ka?" tanong naman ni Miss Edmilao kay Tamara.

"S-sorry," nais sanang humingi ng paumanhin si Tamara sa Board members dahil nagkamali siya ng pasok sa silid ngunit iba ang pagkaintindi ng kanyang ama nang sinabi niya 'yun.

"Sino ang ama?" tumaas ang boses ni Mr. Jacinto.

"Ama?" nagugulohang napatingin si Tamara kay Mr. Jacinto.

"Pasensya na po," sumabat si Miss Edmilao at hinarap ang mga panauhing nakapalibot sa conference table, "On-the-job trainee po siya rito."

"Anak ko siya," agad namang saad ni Mr. Jacinto saka sinabing, "kung mamarapatin niyo, nais ko sanang makausap muna ang aking anak."

"This meeting is cancelled," natahimik ang lahat nang magsalita ang lalaking nasa gitna saka nagpatuloy, "Pagkatapos niyong mag-usap, I would like to personally speak to your daughter."

Tumayo ang lalaki saka naglakad palabas ng silid.

"Masusunod, Mr. McTavish," saad ni Miss Edmilao nang lagpasan siya ng lalaki.

________________________

"Alamin mo ang lahat tungkol sa anak ni Mr. Jacinto at sigurohin mong hindi siya makakalabas ng building," utos ni Evo sa assistant niya nang makalabas sila sa conference room.

"Bakit ka interesado sa kanya?" tanong ng kanyang assistant saka nagpatuloy, "balak mo bang isama siya sa listahan ng mga babae mo dito sa Pilipinas?"

Huminto sa paglakad si Evo saka hinarap si Chad, ang kanyang assistant.

"She just happened to be the woman I was looking for kaya ako nagpunta dito sa Pilipinas," saad ni Evo kay Chad.

"Bakit? Anong atraso niya sa'yo?" tanong ni Chad.

"She happened to be the reason why my bride left me on our wedding day," sagot ni Evo.

Napahinto sa paglakad si Chad habang pinanood ang pagtungo ni Evo sa sariling opisina nito. Kilala niya si Evo mula bata. Chad's father was Evo's personal driver. Hindi iba ang turing sa kanila ng mga McTavish at tuwing nagbabakasyon si Evo sa Pilipinas, si Chad madalas ang nakakasama nito habang pumapasyal.

Pamilya ni Evo ang nagpaaral sa kanya at nang grumaduate siya sa kolehiyo, agad siyang naging empleyado sa kompanya. Evo was a happy-go-lucky guy before he met his longtime girlfriend na si Shawn. Pagkatapos maudlot ang unang kasal nila ni Shawn dahil sa pagka-aksidente ni Shawn, nagbago si Evo. Naging seryoso siya kay Shawn kaya inakala ng lahat na mauuwi talaga sila sa kasalan. Laking gulat na lang nila nang marinig na hindi ulit natuloy ang kasal dahil naglayas si Shawn.

__________________________

"Kaninong anak 'yang dinadala mo?" galit na saad ni Mr. Jacinto kay Tamara.

"A-anong anak?" nagugulohang tanong ni Tamara, "hindi ako buntis!"

"Bakit sinabi ni Mr. McTavish na buntis ka?" tanong ni Mr. Jacinto.

"Hindi ko alam," nagkibit balikat si Tamara saka nagpatuloy, "baka mistaken identity lang."

"Oo nga, Mr. Jacinto. Baka ibang babae ang tinukoy ni Mr. McTavish tapos inakala niyang si Tamara 'yun," sabat ni Miss Edmilao saka hinarap si Tamara, "pero ang totoong nagkamali ay ikaw talaga. Bakit ka doon pumasok? Buti na lang nakita kitang pumasok sa silid kaya nagmadali akong sundan ka."

"P-pero doon kasi tayo nag-insayo noong isang araw," pangatwiran ni Tamara.

"Tamara, sa kabilang silid tayo nag-insayo. Sa mismong tapat ng conference room," saad ni Miss Edmilao.

"Pero naalala ko kasi, kumanan tayo nang marating natin ang palapag na 'to," saad ni Tamara.

"No! Turn right kung nanggaling ka sa opisina natin. Pero kung galing ka sa elevator, turn left!" saad ni Miss Edmilao saka hinilot ang kanyang sentido, "sana lumingon ka muna sa kabilang silid para makita mo kami na naghihintay sa'yo doon."

Natahimik si Tamara. She has a bad sense of direction. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya pinayagan ng kanyang ama na magkaroon ng sariling sasakyan. She has the tendency to always turn right wherever she goes.

"Sasamahan kita kay Mr. McTavish," saad ni Miss Edmilao.

"Huwag na, ako ang kanyang ama, ako na ang bahalang sumama sa kanya upang humingi ng paumanhin kay Mr. McTavish," sabat ni Mr. Jacinto.

"Hindi pwede," pagtutol ni Miss Edmilao, "responsibilidad ko si Tamara dito sa kompanya. Anuman ang mali niya, ako ang mananagot."

"Kaya kong harapin si Mr. McTavish," sabat ni Tamara.

"No!"

"Hindi pwede!"

Sabay na nagsalita sina Miss Edmilao at Mr. Jacinto, pero si Miss Edmilao ang nagpatuloy sa pagsalita, "kung Medusa ang tawag niyo sa akin, Hitler ang tawag ng lahat dito kay Mr. McTavish."

Nagulat si Tamara sa narinig niya. Hindi niya akalaing alam ni Miss Edmilao na siya ang tinutukoy ng mga on-the-job trainees na Medusa.

"Alam kong Medusa ang tawag niyo sa akin pero okay lang 'yan sa akin dahil ibig sabihin 'nun, epektibo ako bilang trainer niyo," paliwanag ni Miss Edmilao.

"Paano ka nagiging epektibo kung kinatatakutan ka?" hindi sinasadyang naitanong ni Tamara kay Miss Edmilao.

"Working in a great company like this requires perseverance and discipline. Kailangan kong ilagay kayo under pressure while there is still room for you to make mistakes. Dahil kapag totoong nagtatrabaho na kayo, any mistake you do has a corresponding consequence," sagot ni Miss Edmilao.

"And that is exactly the reason why I requested that you will be under her supervision," sabat ni Mr. Jacinto, "dahil sigurado akong marami kang matutunan."

"So, clear na?" pabalik-balik na tumingin si Miss Edmilao kina Tamara at Mr. Jacinto, "ako ang sasama kay Tamara kay Mr. McTavish, at ako ang hihingi sa kanya ng paumanhin."

_________________________

Muling tinignan ni Evo ang Facebook profile ni Tamara. Mahigit isang buwan na mula noong biglang nawala si Shawn. It was the second time that their wedding didn't push through kaya sobrang nadismaya ang kanyang ama. His father had been asking him to settle down dahil ito ang isa sa naging batayan sa kakayahan niyang mamahala sa kanilang negosyo.

His father was the head of the McTavish Holdings, ang kompanyang nagmamay-ari ng iba't ibang negosyo sa buong mundo. He wanted to retire at ipasa ang kanyang posisyon kay Evo. But people don't trust Evo. Evo is known to date famous women and he would spend lavishly on expensive wedding proposals which he would take back a few days after.

With Evo, sex was good, money is easy, and people treat you like a princess. Ito ang mawawala sa'yo kapag hiniwalayan ka ng isang Evo McTavish. Kaya halos mabaliw ang mga babaeng hiniwalayan ni Evo. Ilan sa kanila ay nasira ang buhay dahil hindi nila matanggap ang pagtatapos ng kanilang relasyon kay Evo. This makes the share holders question his capability to handle the business. Para sa kanila, if Evo cannot handle his personal life, how can he handle the numerous companies that are part of the McTavish Holdings?

He was a jerk who is only after sex before he met Shawn Samuels. Pero nagbago siya nang maging sila ni Shawn. He want to prove to his father, and to himself, that he can manage his personal life; thus can manage his father's businesses. It was Shawn who helped him set his goals and focus on what he wanted. He was so sure of her until he met his old friend during his stag party.

*flashback*

"Are you sure?' tanong ni James, ang kanyang kaibigan.

"Sure of what?" balik tanong ni Evo sa kaibigan.

"Are you sure that you are going to tie a knot? I mean, you are considered one of the eligible bachelors of London. Many women –"

"Shawn is the best thing that ever happened to me," putol niya sa dapat sanang sasabihin ni James.

"Okay," nagkibit balikat si James, "I just thought that maybe you'll miss playing games with women."

"I already had my fair share of the dating game. I could not think of anything in my future but being beside my wife," agad na sagot ni Evo.

He may be quiet but it does not mean he does not play. Marami kasing mga babaeng nais maging bahagi ng kanyang buhay. Aside from his looks and his riches, Evo is gifted with a body that every woman would worship. Women threw themselves on him and to boost his ego, he won't deny their offers. But that was before he met Shawn.

"That's cringy man," komento ni James sa sinabi ni Evo, "but don't worry. I have something for you."

"No man," umiling si Evo, "no more games. I want to come clean in front of my wife."

"Come on!" saad ni James, "this is your stag party! Every girl in town knew that men do crazy stuffs when they are in this kind of party. Besides, let's consider this as your farewell party from being a bachelor," pagpapatuloy ni James saka inabot kay Evo ang isang tabletas na kulay blue.

"I do not need drugs, bro," saad ni Evo.

"I heard that this drug is so cool," saad ni James, "they called it a happy pill while others say it is a magic pill. You must try it now or you'll never get a chance to taste its wonderful effects."

Mapilit si James kaya hinda na tumutol si Evo. He'd taken party drugs before and was able to handle it kaya hindi niya inisip na magiging masama ito sa kanya. He was wrong.

Wala siyang maalala sa mga nangyari sa gabing 'yun. Gumising na lamang siya at nalamang na-aksidente si Shawn. His secretary told him everything that happened that night. Dahil sa nainum na druga, nakipag-s3x siya sa stripper sa harap ng mga panauhin ng stag party. He was out of his mind kaya kahit ayaw ng stripper, wala itong nagawa. He was still having s3x with the stripper when Shawn gate crashed his stag party. Nakita lahat ni Shawn kaya nagmadali itong umalis. He did not go after Shawn, nalaman na lang nila na nasangkot ito sa aksidente.

"I came as soon as I learned about the accident," saad ni Evo sa ama ni Shawn nang marating niya ang ospital

"I thought she'll be having her own shower party last night? Why is she seen in the vicinity of your hotel?" tanong ni Dr. Samuels kay Evo.

Sasagot sana siya pero sumabat ang kaibigan ni Shawn, "Dahil may nais siyang ibalita kay Evo."

Lahat sila ay nakatuon ang pansin sa kaibigan ni Evo pero bumagsak ang mundo sa kanya nang marinig ang rebelasyon ng kaibigan ni Shawn, " She wanted to tell you that she is pregnant."

He can't get over the thought that Shawn lost their child because of what happened. Wala siya sa matinong pag-iisip 'nung gabing 'yun, at dahil 'yun sa nainum niyang gamot. He can't forgive himself if Shawn will not survive the accident. Humingi siya ng pangalawang pagkakataon at nangako siya na kapag mabuhay si Shawn, he will be faithful.

*end of flashback*

Shawn survived the accident kaya ginawa niya ang lahat upang bumawi kay Shawn. Alam niyang may nagbago sa kanila, s3x became obligatory and Shawn seemed not ready for marriage. Ilang taon siyang naghintay hanggang sa pumayag si Shawn na magpakasal sa kanya. His father was very excited and the whole country is looking forward for this wedding of the year. Pero hindi natuloy. Biglang nawala si Shawn.

Wala siyang maisip na dahilan kung bakit bigla na lang nawala si Shawn kundi ang isang komento sa kanyang post.

It was Tamara's comment which ruined everything that he'd worked on.

"Hu Ahm Ai" was her facebook name, pero alam niyang hindi ito ang totoong pangalan ng babae. He checked her account and looked closely at her pictures.

Maganda at seksi, the kind of girl he'd take to his bed if given a chance. But he hasn't met the woman. It was clear based on her latest photos that she is a party-goer at batid niyang napagtrippan lang siya ng babae. He checked her photos and found out that she is in the Philippines.

He came to the Philippines to look for her pero hindi niya inakalang kusa itong lalapit sa kanya.

Now that he found her, he will make sure that she'll pay for the trouble she caused. Tamara did not only cause him his bride, siya din ang dahilan kung bakit nadedelay ang pagretiro ng kanyang ama upang maibigay sa kanya ang pamumuno sa McTavish Holdings.

"Mr. McTavish?" narinig niya ang boses ni Miss Edmilao, "nandito na po si Tamara."

"Good, now you may leave," saad ni Evo.

"S-sir, kasalanan ko po ang nangyari," saad ni Miss Edmilao.

"Leave!"

Parehong napagitla sina Miss Edmilao at Tamara pero muling sinubukan ni Miss Edmilao na magsalita.

"Miss Edmilao, would you like to leave my office or the company for good?" bara ni Evo sa dapat sanang sasabihin ni Miss Edmilao.

"The office po sir," agad na sagot ni Miss Edmilao saka nagmadaling lumabas ng opisina.

Kinakabahang nakatayo si Tamara habang humilig si Evo sa kanyang swivel chair saka tinignan si Tamara mula ulo hanggang paa.

Tahimik ang paligid kaya hindi maiwasan ni Tamara na marinig ang sariling kabog ng kanyang dibdib. She can't imagine how a super angelic face could stare this cold to her. Gusto niyang magsalita ngunit tila hinihila ang kanyang dila.

"You are very sexy for a pregnant woman," narinig niyang saad ni Evo.

His voice was cold – sexy hot but cold. How can a man be both hot and cold?

"H-hindi po ako buntis, s-sir," saad niya sa mala-anghel na nilalang.

"Really?" tumayo si Evo mula sa kanyang swivel chair saka ipinatong ang mga kamay sa mesa sabay sabing, "because the last time I check, sinabi mong binuntis kita at dapat kitang panagutan."

Bilog ang mga matang tumingala si Tamara upang tumingin sa gwapong lalaking nasa kanyang harap.

'Sh1t! How can I forget his face?' sa isip ni Tamara habang puno ng takot ang kanyang nararamdaman nang pilyong ngumiti si Evo sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 2K 32
FRIENDS WITH BENEFITS. normal pakinggan..... tanggap ng lahat pero do ENEMIES WITH BENEFITS could also exist?
699K 37.6K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
77.4K 914 5
Madalas laman ng ilang international concert tours si Vina Lynn. Taon-taon ay iyon ang isa sa pinag-iipunan niya. Pero bukod doon ay ultimate fan gir...