Waves of Life

Per ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... Més

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 21

765 37 23
Per ren_esteron

Venus

"Hindi pa rin ba sumasagot?" tanong sa akin ni Samantha.

Umiling ako at inilapag ang cellphone sa katabing lamesa. Inihilamos ko ang palad sa mukha dahil sa sobrang pagkairita.

Mula kahapon ay hindi pa rin ako kino contact o tinetext ni Sandro. Nakakapanibago na ganun siya kaya hindi ko maiwasang mag-alala na baka may kung ano nang nangyari sa kanya. Nahihiya naman akong magtanong sa parents niya at baka sabihin na ang OA ko.

Kay simon kaya?

Ipinilig ko ang ulo. Baka masupladuhan lang ako nun.

"Nag-aalala na talaga ako, Sam. Baka kung napano na siya.."

"I'll call Tita Riza.." ani Sam na tumayo at lumabas ng bahay.

Naiwan si Miko sa sofa na mariing tinitigan ako. Napailing siya habang kinukuha ang bottle ng softdrinks sa harapan.

"Sabi ko sa'yo eh, huwag ka basta bastang magtitiwala dun."

Patingalang umikot ang mga mata ko. Ito na naman tayo sa walang katapusang apura niya tungkol kay Sandro.

"See?" aniya nang makita ang reaction ko. "Ang tigas tigas ng ulo mo. Hindi ka masabihan. Dapat una pa lang naging bukas ka na sa posibilidad na Marcos iyang pinili mong boyfriend, mataas ang katayuan sa buhay. Maaaring magloko."

"Kayo din naman ni Sam ah?" I fired back.

"Magkaiba 'yon, Ven. Sam and I knew each other since we were kids. Alam mo kung paano kami naghintay ng tamang oras para sabihin ang nararamdaman sa isa't-isa.. Sa Marcos na 'yan, ni hindi ka kilala, ilang araw pa lang kayong nagkasama minahal ka na kaagad."

Itinikom ko ang bibig. Naiinis ako kay Miko. Naiinis ako sa sarili ko. Dahil unti- unti na akong tinatablan ng mga salita niya.

Ayokong maniwala sa kanila kasi hindi naman sila ang nasa posisyon ko! Hindi naman sila ang nakasama ni Sandro. Bulag na kung bulag pero wala akong ibang paniniwalaan kundi si Sandro lang!

"Ven.." Sam said quietly. Laglag ang mga balikat niyang pumasok ulit sa loob ng bahay. "Nakauwi na daw si Sandro kagabi. Ang sabi ni Tita nasa bahay siya at.." she trailed off.

"at?"

"No.." Sam hurriedly went into me. "Wag nalang nating pag-usapan. Gusto mo bang mamasyal?"

Umiling ako at muling dinampot ang cellphone. Wala akong ganang mamasyal. Mananatili na lang ako dito sa bahay at maghihintay ng text ni Sandro.

"Dito lang ako.."

"Ven.." banayad na sinabi ni Sam, malungkot akong tinitigan. "Hindi mo kailangang mamroblema buong araw dito. Isa pa, nawalan ka ng trabaho! Hindi ikaw yung tipo ng taong sumusuko kaagad, imbis na magmukmok dito, bakit 'di ka maghanap ng bagong trabaho?"

"Gusto ko munang magpahinga, Sam. Deserve ko rin naman ang pahinga, hindi ba? Sa susunod na mga linggo, hahanap kaagad ako ng trabaho kung yun ang gusto niyo!" tumaas ang boses ko dahil sa sobrang pagka-irita.

Nagkatinginan si Sam at Miko. Tumayo si Miko at hinawakan si Sam sa braso na tila pinapakalma.

"Ibang-iba ka na ngayon, ah?" paismid na humalukipkip si Sam. "Hindi mo na pinapakinggan ang sinasabi namin sa'yo. Wala namang kaso sa akin kahit hindi ka magtrabaho, Ven. Tutulungan kita, magkaibigan tayo at alam mo kung gaano ko kagusto na tulungan ka sa lahat."

"Pero nakakasama ng loob na pinaikot mo ang mundo mo kay Sandro. Naagrabyadu ka, kamuntikan nang makulong at hindi ako ang una mong naisip na tawagan. Kung hindi ako pumunta sa resto, hindi ko pa malalaman na 'yon ang nangyari.."

I sighed wearily. Hinilot ko ang sentido at itinukod ang siko sa katabing lamesa. Sumasakit ang ulo ko. Nag-aalala ako kay Sandro at dadagdag pa si Samantha at Miko.

Hindi ko na alam kung paano kontrolin o diktahan ang sarili!

"Kilala ko na si Sandro bago pa man kayo magkamabutihan. He's a heartbreaker, Ven. Lahat ng nagtatapat sa kanya, binabalewala niya na tila hindi mahalaga sa kanya ang damdamin ng mga ito. I thought he's gonna change when he met you. Pero hindi at pinagsisihan kong hinayaan ko siyang mapalapit sa'yo. Ngayon, kung ayaw mong makinig sa akin, bahala ka."

Padarag na lumabas si Samantha na agad namang sinundan ni Miko. Wala akong ibang nagawa maliban sa sundan sila ng tingin. Maybe they just need time to sort everything out.

Aakalain nilang hindi seryoso sa akin si Sandro dahil hindi naman nila alam ang nangyayari sa amin. They never know how he treated me.

I tried texting him again, hindi ko alam kung pang ilang tawag at texts ko na sa kanya ito ngayong araw. But the hell I care! Kung kailangang tadtarin ko siya ng messages para lang replayan ako, gagawin ko.

To Sandro:

Nakauwi ka na daw? Pupunta ka ba dito sa bahay o gusto mong bisitahin kita sa inyo?

To Sandro:

Replayan mo'ko, please?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang hindi pa rin siya nagrereply sa akin. Pinigilan ko'ng maiyak habang nagtitipa ng bagong mensahe para sa kanya.

Ayokong mag overthink dahil sasaktan ko lang ang sarili ko para sa wala.

To sandro:

Sandro, please?

Isinubsob ko ang mukha sa braso kong nakapatong sa lamesa. Kung hindi talaga siya magrereply sa akin hanggang mamayang hapon, pupuntahan ko na siya sa bahay nila.

Minutes after I sent the last message, tumunog ang cellphone ko. Agad akong umahon sa pagkakasubsob at halos tumalon ang puso nang makita ang pangalan ni Sandro.

"Sandro!" I hissed after pressing the answer button.

Sinalubong ako ng katahimikan sa kabilang linya. Kung hindi ko narinig ang malalim na buntong hininga ni Sandro pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay aakalain kong wala akong kausap.

"Ven.." his voice was low and cold.

Pagkarinig ng boses niya, kaagad na nakadama ng kasiyahan ang puso. My heart misses him so much.

"Ano ang nangyari? Hindi mo na 'ko kinakausap. Busy ka ba?"

He heaved a sigh again. Tila mahirap sa kanya na kausapin ako ngayon. "Ven, I'm just working on something."

"Something? Sandro hindi ba pweding mag reply ka man lang sa akin? Pinapatay mo ako sa pag-aalalang baka may masama nang nangyari sayo. Hindi naman aabutan ng minuto ang pagtitipa ng mensahe, ah?"

"I'm really sorry. I'm just busy."

"Naiintindihan naman kita. Do you want me to visit you?"

"No.." agap niya. Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagtatanggi. "Ako ang pupunta sayo kapag maayos na ang lahat. I just want you to focus on your studies and job."

Natahimik ako. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam na nawalan na ako ng trabaho. Hindi sinabi ni Simon sa kanya. Kungsabagay, si Si kasi man of a few words. Nagsasalita lang kapag importante. Eh sa tingin siguro nun hindi naman ako mahalaga para pag-aksayahan ng laway.

"Just trust me, Ven." Sandro said gently. "The least that I will do is to hurt you. Kailangan ko lang muna ng panahon sa ngayon."

"May sasabihin ako sayo.." namaos ang boses ko.

Hindi ko pinansin ang kung anumang sinasabi niya.

"What is it?"

"I lost my job and--"

"Sandro? What are you doing?"

Naiwan sa ere ang pagsasalita ko nang marinig ang malambing na boses na iyon mula sa isang babae. Hindi ako maaaring magkamali! Babae talaga ang narinig ko.

Kumunot ang noo ko. "Sino yun?"

"Ven, sige na. I'll just call you back."

"Sandro, hindi mo sinasagot ang tanong ko. Sino--"

"Ven." he cut me off. "I'll call you back, okay? Sige na."

Sandro ended the call before I could even utter a word. Kaagad na gumuhit ang sakit sa puso ko. Gustong- gusto kong bumunghalit ng iyak sa sobrang sama ng loob.

Ganun lang yun? Masyado bang mahalaga ang pinagkakaabalahan niya para lang babaan ako ng tawag? At sino ang babaeng yun? I thought he's busy?

Nangilid ang mga luha sa mata ko. Sa inis, sa galit, at sa sobrang pag-aalala! Ayokong pag-isipan siya ng masama pero bakit parang pinapatunayan ata niya sa akin na tama ang sinasabi ni Sam?

Ang lamig ng trato niya sa akin. Dalawang araw lang kaming hindi nagkikita, ganun na agad? Ayos pa naman kami bago siya umalis, ah? He even said to update me whenever he can!

Tumingala ako, mariing ipinikit ang mga mata kasabay ng sunod- sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Nakakainis lang iyong pakiramdam na ang sama sama ng loob mo pero wala kang ibang magagawa maliban sa umiyak. Hindi ko alam kung mapapanatag ang loob ko gayong nalaman kong nasa maayos na sitwasyon lang si Sandro.

Natulog akong masama ang loob kay Sandro. Nagising mga alas kwatro ng hapon dahil sa marahang katok mula sa aking pintuan.

Napabalikwas kaagad ako ng bangon. Inisip na si Sandro ang kumakatok. Sino pa ba, eh siya lang naman ang madalas na bumibisita sa akin dito?

Isinuklay ko ang mga daliri sa aking buhok habang papalabas ng kwarto. I didn't even have the decency to check myself. To think na kagagaling ko lang sa pag-iyak kanina.

Napangiti ako habang binubuksan ang pintuan. "San--" nabitin sa ere ang kung anumang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang Nanay ni Miko.

Nawala ang ngiti ko.

"Venus, iha." aniya. Tumikhim ako at inayos ang sarili. Kinapa ang mukha sa posibleng dumi. Mas lalo lang akong naasiwas na baka mahalatang umiyak ako kanina nang bumaling ako sa likuran niya ay nakita si Tito Dom doon. Nakatayo. Hindi kalayuan ay naroon ang mga kapitbahay na nakiiusyuso at ang dalawang bodyguard na parehong naka unipormeng puti.

"Magandang umaga, po." mahina kong usal.

"Magandang umaga, Venus." bati pabalik ni Tito. "Pwedi ba tayong mag-usap?"

Pinagtakhan ko kaagad kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Sobrang mahalaga ba ito para puntahan niya ako sa bahay?

Pumasok kaagad sa isipan ko si Sandro. Hindi kaya niloloko niya ako? O baka hindi talaga ako gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Baka arrange marriage sila ng babaeng iyon?

Ito na ba ang sinasabing bibigyan ako ng sampung milyon layuan lang ang anak nila?

I shrugged the thoughts away. Mukhang imposible naman iyon. Parang pelikula!

Umalis ang Mama ni Miko at pinapasok ko naman si Tito sa bahay ko. Malikot ang mga mata niya habang papasok kami sa loob, kahit hanggang pinaupo ko siya sa mahabang sofa ay pinaglalandas niya ang tingin sa bawat bahagi ng bahay na tila may hinahanap.

Nahihiya tuloy ako. Yung bahay ko, mas malaki pa ang kusina nila!

"Gusto niyo po ng maiinom?" tanong ko na gustong tawanan ang sarili.

Ano namang maiaalok ko sa kanya rito?

"Coffee would be fine."

Tumango ako at dumiretso sa kusina. Mabuti na lang at mahilig din ako sa kape. Ito ang tanging mayroon ako sa bahay. Pagkatapos makapag timpla ng kape ay tahimik ko itong inilapag sa harapan ni Tito Dom. Umupo rin ako sa rattan chair na kaharap ng kinauupuan niya.

"Ano po ang pag-uusapan natin?" I asked.

"I'm sorry, hija. I've been thinking about it all night. Hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko.."

Kaagad na bumangon ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Hinanda ko ang sarili sa posibleng sasabihin ni Tito.

May babae ba si Sandro at hindi na pweding maging kami? O hindi kaya'y ikakasal na siya sa iba?

"I want you to undergo DNA testing with me.."

Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Tila wala akong ibang naramdaman at naririnig maliban sa mga katagang binibitawan ni Tito Dom.

Matagal bago ako nakabawi. Kung ilang beses akong nakanganga at nakatulala sa harapan ni Tito ay ni hindi ko matandaan!

"A-ano po bang pinagsasabi niyo?" I laugh but without a humor in it.

Hinintay kong bawiin ni Tito ang sinabi niya pero hindi niya ginawa. Hindi ito ang inaasahan ko! Mas mabuting marinig ang iniisip ko kanina kaysa sa walang katuturang bagay na ito.

DNA testing? Para naman sa ano? Joke time ba 'to?

"You could be my daughter, Venus."

"Tito, imposible po iyon. Twenty one pa lang po ako. Bago pa man ako ipinanganak ay nagkakilala na kayo ni Tita Riza. May anak na kayo!"

No matter how I think about it, imposible talaga! Mas bata ako kumpara sa tatlo niyang anak.

Tito swallowed a lump on his throat. Sumimsim siya sa kanyang kape bago nagsalita. "I had an affair with Perla."

Napatutop ako sa sariling bibig. Tumingala si Tito at kita ko ang pagkislap ng luha sa kanyang mga mata. "Mahirap kalimutan ang Mama mo. Nagkapamilya ako pero hindi tuluyang naging masaya. Hinanap ko siya para tuluyang palayain ang sarili ko mula sa matinding pagmamahal sa kanya pero hindi ganun ang nangyari."

"We started seeing each other secretly. We had an affair. Mali ang lahat, I know I'm in a committed relationship with someone but Perla.." Tito trailed off. Pumatak ang butil ng luha sa kaliwang pisngi niya. "will forever be the woman I loved. At mas mahirap suwayin ang puso kaysa gawin ang tama."

"H-hindi po iyan totoo.." nanginig ang boses ko. Ni hindi ko makilala ang sariling boses dahil sa poot at sakit na namumuo sa dibdib ko ngayon.

"I'm sorry that I have to dragged you and Sandro into this mess. Pero hindi ako patutulugin ng konsensiya ko hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Please, Venus."

Umiling ako, ang mga luha ay walang tigil sa pag-agos sa aking pisngi.

"Hindi po maaaring kapatid ko si Sandro at hindi gagawin ni Mama ang sinasabi ninyo. Ang sinabi niya sa akin ay nararapat na walang sinasaktang tao ang pagmamahal." nanghihina kong sinabi.

Marahas kong pinunasan ang mga luha subalit panibagong luha na naman ang lumandas sa aking pisngi. Paulit- ulit kong ginawa iyon pero ganoon pa rin ang nangyayari.

Damn! Damn it! Damn these lies!

"I'm sorry. Ako ang may kasalanan. Tinulak niya ako palayo pero nagpumilit ako. Sinubukan naming lumayo, sinubukan kong iwan ang pamilya ko. Pero pumasok sa isipan ko ang mga anak ko, hindi ko sila magagawang iwan."

"Itinigil namin ni Perla ang pagkikitang iyon pero hindi ko alam na nagbunga ang ilang buwan naming pagsasama.. I'm sorry.." Tito cried in vain. "Dahil sa kagaguhan ko, pati mga anak ko ngayon nadadamay."

My shoulders rocked because of my sobs. Isinubsob ko ang mukha sa aking palad, walang pakialam marinig man ng mga kapitbahay ang malakas kong hagulhol. The pain was just getting unbearable. Sa araw na ito, ilang beses na nawasak ang puso ko. At mga Marcos ang dahilan ng lahat ng iyon!

Continua llegint

You'll Also Like

2.2M 116K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
8K 70 14
IGNORE THIS THOUGH BECAUSE I DONT KNOW HOW TO EXPLAIN IT 😭 JUST READ CAUSE ITS GOOD . I really just be coming to this when I'm bored tho so lemme kn...
Under the same sky Per Tineee

Literatura romàntica

9.5K 204 33
In the ocean of need, Jean was helpless. She was drowning, already losing her hope to survive. Little did she know, a beacon of light named Wayne eme...
31.4K 1.2K 12
No matter how many times you tell yourself you can change him. You can't. There is nothing left in this world, that can help Jim Moriarty.