SERIE ALFA DOMINANTE 2: NICOL...

By kaillaxxii

9.7K 550 6

SERIE ALFA DOMINANTE 2: Nicollo Palmieri "The Male Stripper" Sa isip ni Nicollo, kailanman ay hindi naging pa... More

Disclaimer
NOTICE
THE MALE STRIPPER: NICOLLO PALMEIRI
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 - R18
Chapter 47 - R18
Chapter 48 - R18
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78 - R18
Chapter 79 - R18
Chapter 80 - R18
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
The New Beginning
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132

Chapter 50

63 3 0
By kaillaxxii

"Dahan-dahan lang," nag-aalalang wika ni Mei habang tinutulungan si Nicollo na makababa sa tricycle pagkarating nila sa tapat ng ospital. Akbay-akbay sa kaniyang balikat habang nakapulupot naman sa bewang ni Mei ang kamay ni Nicollo ay paabot na ibinigay ni Mei ang bayad nilang dalawa.

Pagkatapos nilang kumain ay naligo kaagad ang dalawa bago nagbihis. Inalalayan ni Mei si Nicollo na makalabas ng apartment at makababa ng hagdan hanggang sa nagpatawag na lang si Mei ng tricycle mula sa kanto para hindi na sila mahirapan pa lalo na si Nicollo kung lalakarin pa nila ang hanggang kanto bago tuluyan na makasakay. Pagkabayad ng pera sa tricycle driver matapos silang ihatid sa pinakamalapit na ospital ay akbay-akbay at dahan-dahan na naglakad papasok sa loob ang dalawa. Nang makita naman sila ng isang security guard ay kumuha ito ng isang wheel chair mula sa loob at doon isinakay si Nicollo.

Hindi alam ni Mei ang una niyang gagawin habang tulak-tulak ang wheel chair ni Nicollo at kung saan sila dapat pumunta kung kaya naman pinukaw nito ang pansin ng isang papadaan na nurse upang magtanong.

"Nurse, excuse me. Saan dito iyong puwede ko ipa-check up ang kasama ko? May bali kasi ang binti niya," magalang na wika ni Mei sa Nurse bago itinuro si Nicollo na nakaupo sa wheel chair.

"May appointment po ba sila o walk in lang?" pagtatanong ng Nurse at umiling naman si Mei.

"W-Wala kaming appointment. B-Biglaan kasi ang nangyari," tugon ni Mei at napatango-tango naman ang kausap nito.

"Sige po. Dito na lang po sa left side at sasamahan ko po kayo sa available namin na Doktor."

"Thank you," nakangiting wika ni Mei bago naunang naglakad ang Nurse at sinundan nila ito hanggang sa nakarating sila sa tapat ng isang pinto.

"Dr. Mariano," pagbasa ni Mei sa pangalan na nakaukit sa isang parang gold placard na nakasabit sa pinto.

"Sige na po Ma'am and Sir, pasok na po," wika ng Nurse at siya na ang nagbukas ng pinto. Nagpasalamat naman ang dalawa nina Mei at Nicollo bago tulak-tulak ang wheel chair na pumasok silang dalawa.

Sa gilid ng loob ng kuwarto, sa may likod na bahagi ng lamesa ay doon nakita ni Mei ang sinasabing Doktor na Dr. Mariano. Ngumiti muna si Mei rito bago nagtuloy-tuloy nang paglapit sa Doktor.

"G-Good morning po," nahihiyang bati ni Mei nang nakalapit na sila sa harapan ng lamesa ng Doktor.

"Maupo ka, Miss," nakangiting wika ng isang may edad na Doktor sabay turo ng upuan na nasa harapan ng kaniyang table. Nagpasalamat naman si Mei bago naupo habang nasa tabi pa rin niya si Nicollo na nakaupo sa wheel chair.

"Uhm, Doktor, gusto ko po sana ipatingin itong binti ng kasama ko. Hinataw raw po kasi ng baseball bat at dalawang beses po iyon. Nag-aalala po kami na baka may kung anong masama na nangyari sa buto niya," pagku-kuwento ni Mei at napatango-tango naman ang Doktor bago tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.

"Baseball bat ba kamo?" wika nito habang nilalapitan si Nicollo bago lumuhod para suriin ang injured na binti nito. "Kailan pa nangyari ito?" pagtatanong ng Doktor at nagkatinginan muna sandali sina Nicollo at Mei bago tumugon.

"Kaninang madaling araw," tugon ni Nicollo at napatango-tango naman ang Doktor.

"Bakit hindi kaagad kayo dumaretso rito matapos nang nangyari at hinayaan niyo pa na dumaan ang ilang mga oras?"

"D-Doktor, masama na po ba ang naging epekto n'on sa kaniya?"" nag-aalalang tanong ni Mei at nilingon naman siya ng Doktor.

"Base sa pagsusuri ko, dahil sa tindi nang pagtama ng baseball bat sa binti ng boyfriend mo, ang hindi pagkakaroon nang mabilis na aksyon kagaya ng paglalagay ng paunang lunas ay naka-triggered sa binti nito dahilan para mamaga ang binti niya. Tignan mo ito," wika ng Doktor sabay turo sa binti ni Nicollo kung saan bakas nga ang pamamaga nito ngunit masyadong gulat si Mei para makinig dahil sa pag-aakala ng Doktor na magkasintahan sila ni Nicollo. "Itong bahagi na ito ang paniguradong napuruhan dahil sa tindi nang pamamaga. Sa aking palagay rin ay na-puwersa nang matindi ang binti niya. Ano ba ang ginawa n'yo at naging malala ng ganito ang binti? Pinatakbo mo ba siya, Miss?" pagtatanong ng Doktor at kaagad naman na namula ang mga pisngi ni Mei nang maalala nito na hindi pagtakbo ang ginawa nila at iba.

Hindi naman naiwasan ni Nicollo na mapahagikhik dahilan para nalilitong tinignan siya ng Doktor, hanggang sa ang paghagikhik nito ay nauwi na talaga sa malakas na pagtawa.

"Huwag kayo mag-alala, Doktor. Hindi niya ako pinatakbo dahil mas nag-enjoy kami sa ginawa namin," makahulugan na tugon ni Nicollo habang nakangiti at sandaling nagulat pa ang Doktor nang makuha niya ang sinasabi ng binata.

"O-Oh! Iyon pala ng ginawa ninyo," wika ng Doktor at halos hilingin na lang ni Mei na lamunin na sana siya ng lupa dahil sa kaniyang naririnig dahilan para siya ay makaramdam ng sobrang hiya. "Pero Miss, sana ipinagpaliban ninyo na lang muna ang aktibidad na iyon para hindi mamaga ng ganito ang binti niya," sabay lakad ng Doktor pabalik sa kaniyang upuan.

"S-Sorry po, Doktor," nahihiyang tugon ni Mei habang nakangising pinapanood lang siya ni Nicollo.

"Anyway, may mga gamot akong ire-reseta sa kaniya para kahit naman papaano ay maibsan ang sakit at ang pamamaga. Kasmaa n'on ay kailangan mo rin lapatan ng yelo. Para naman malaman kung may nabali bang buto sa kaniya, kailangan natin siya isa-ilalim sa x-ray, kapag napatunayan o nakita na may broken bones siya, kailangan natin lagyan ng orthopedic cast para hindi magalaw ang binti niyang injured," pagpapaliwanag ng Doktor at tumango-tango naman si Mei. "Sa ngayon, ang itatanong ko lang ay kung gusto niya gumamit ng wheel chair o saklay dahil kakailangin niya iyon kaysa naman ang puwersahin pa lalo ang binti niya."

"Neither. Ayoko—"

"Opo, Doktor. Gagamit po siya ng saklay," mabilis na tugon ni Mei bago tinignan nang makahulugan si Nicollo bago pa nito matapos ang kaniyang sasabihin.

"Then, that's great! May for sale kaming mga equipments diyan sa may labas, sa kanan. Puwede kayo r'on pumunta after nitong check-up session niyo. Pero, kung gusto ninyo naman, puwedeng ngayon na natin isagawa ang x-ray para may result na kaagad after 3-5 days." Muli ay sandaling nakatinginan sina Mei at Nicollo bago muling lingunin ni Mei ang Doktor.

"M-Magkano po kaya ang aabutin n'on, Doktor kasama na po itong check-up ninyo mismo sa binti niya at sa mga gamot na kailangan?" pagtatanong ni Mei.

"Kung isasama na rin natin sa total amount ang mabibili ninyong saklay, siguro ay nasa 10-13 thousand lahat."

"T-Thirteen thousand?" gulat at nanghihina na tanong ni Mei dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha nang ganoon kalaki na halaga sa araw na iyon mismo.

Tahimik naman sa kaniyang inuupuan na wheel chair si Nicollo habang pinapanood ang reaksyon ni Mei nang marinig nito ang kanilang babayaran.

"P-Paano po kung ipagpaliban namin ang X-ray ngayon?"

"Well, kailangan ninyo—"

"Ngayon na natin isagawa ang X-Ray, Doktor," pagpapatigil ni Nicollo sa usapan at halos nakanganga naman na harapin ni Mei si Nicollo.

"N-Nicollo?" hindi makapaniwalang wika ni Mei habang nakatingin sa binata ngunit hindi siya pinansin nito.

"Kung mas maaga, mas maganda nga para malaman natin kaagad," wika ng Doktor at nagpatawag ng isang Nurse mula sa intercom.

Habang hinihintay ang Nurse na ipinatawag ni Doctor Mariano ay kanina pa sinesenyasan ni Mei si Nicollo. Alam ni Nicollo na inaalala ni Mei ang gastos kung kaya't ganito ito ngayon at naiintindihan naman niya ang dalaga. Nang dumating na ang Nurse na ipinatawag ng Doktor ay inutusan nito ang Nurse na dalhin si Nicollo sa kabilang room para sa X-Ray. Sinabihan din ni Doctor Mariano si Mei na puwedeng maghintay na lang siya saloob ng room dahil sandali lang naman iyon at pumayag naman ang dalaga.

Nang nakaalis na ang tatlo, si Nicollo, ang Nurse at ang Doktor ay stressed na napayuko na lang si Mei sa kaniyang upuan at hinawakan ng kaniyang dalawang mga kamay ang ulo nito, iniisip na saan siya ngayon kukuha ng pera pambayad.

Makalipas ng hindi bababa sa limang minuto ay muling bumalik sa loob ng room ang tatlo. Sinabi ni Doctor Mariano na tapos na ang pag e-X-Ray kay Nicollo at nagpaalam na rin ang Nurse. Nang silang tatlo na lang ulit ang natira ay ipinaliwanag ng Doktor kay Mei na 3-5 araw nila kailangan maghintay para sa resulta dahil sa dami ng mga X-Rays mula sa ibang mga nakapilang pasyente. Tumango naman si Mei dahil naiintindihan niya iyon dahil alam nito na ito ang pinakamalapit at pinakamura na ospital kung kaya't hindi nakapagtataka kung dito ang takbuhan ng halos lahat ng may sakit.

"Inilista ko na rito ang mga gamot na kailangan niya inumin, tatlong beses sa isang araw. Puwede ninyo bilhin ang mga ito sa Cashier section mismo dahil mayroon naman doon."

"T-Thank you po, Doktor," wika ni Mi habang inaabot ang reseta ng Doktor para kay Nicollo. "Bali, okay na po at magbabayad na lang po kami?"

"Yes," sagot ng Doktor. "And huwag ninyo kalimutan na bumalik para sa X-Ray result. Doon natin malalaman kung kailangan ba ng boyfriend mo ng Orthopedic Cast o hindi."

"S-Sige po, Doktor. Salamat po," pagpapasalamat ni Mei bago tumayo at hinawakan ang tulakan ng wheel chair ni Nicollo bago nagpaalam.

Nang nakalabas na ang dalawa mula sa room ni Doctor Mariano, mahigpit na hawak-hawak ni Mei ang reseta habang itinutulak ang wheel chair ni Mei para hanapin ang Cashier Section.

"Nagsisi ka ba na nagpunta tayo rito?"

"H-Huh?" gulat na tanong ni Mei dahil sa sinabi ni Nicollo. Nagtatakang nakatingin si Mei kay Nicollo habang tulak-tulak niya ang wheel chair ngunit hindi siya nililingon ng binata. "A-Ano ba ang sinasabi mo? Syempre, hindi. Mahalaga na maipatingin natin iyan. Tignan mo nga at noong hindi natin ipinatingin iyan kaagad ay malala na pala talaga ang nangyari. What more kung talagang pinatagal pa natin ito?"

"Meng, wala tayong pera," wika ni Nicollo at doon naman sandaling natigilan si Mei.

"H-Hindi problema iyon. Ako ang bahala. Makikiusap muna ako kay Boss at kung kulang ay manghihiram din muna ako kina Katarina."

"Okay lang sa'yo iyon?" pagtatanong ni Nicollo. "I mean, ang manghiram ng pera?"

"Bakit naman hindi?" tugon ni Mei at hindi na muling nagsalita pa si Nicollo. Nanatiling nakangiti lamang kahit hindi iyon nakikita ng dalaga.

Matapos ng mahabang paghahanap, sa wakas ay nakita na rin ni Mei ang Cashier. Pumila ito sa ibang mga tao na nakapila r'on at noong siya na ay nakangiti nitong ibinigay ang reseta sa isang Nurse na siyang nasa Cashier section, base sa uniform nito.

"Ito na po ba lahat, Ma'am?" pagtatanong ng Cashier.

"Yes po. Iyan po ang ibinigay ni Doctor Mariano," wika ni Mei at tumango naman ang Nurse.

"Bali po, kasama na rin ito iyong expenses ng check-up kagaya ng sa X-Ray. Bukod po sa mga nakalista rito na gamot at kakailanganin na saklay," pagpapaliwanag ng Nurse at tumango naman si Mei. "Sige po, Ma'am. Sandali lang po at kukuhanin ko ang mga gamot," paalam ng Nurse bago tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo para kumuha ng mga resetang gamot.

Habang naghihintay si Mei at Nicollo sa Nurse ay hindi nag-imikan ang dalawa. Nang muling dumating na ang Nurse para ibalot at kompyutin ang mga gamot ay ano'ng laking gulat na lang ni Mei dahil hindi nito inaakala na gan'on pala karami ang gamot na nakalista sa reseta.

"Ma'am ito na po lahat ng gamot at iyong saklay naman po ay nandiyan sa may gilid. Pakisuyo na lang po at pumili na po kayo ng kulay," wika ni Nurse at napalingon naman si Mei sa kaniyang kanan kung saan iyon ang itinuro ng Nurse.

"S-Sige po," wika ni Mei bago lumapit doon sa may gilid at tinignan ang mga nakahilerang saklay. "Nicollo, alin rito ang gusto mo?" pagtatanong ni Mei.

"Kahit alin. Magkakapareho pa rin naman ang mga iyan kahit magkakaiba ng mga kulay," supladong tugon ni Nicollo at bagkus na makipagtalo ay kinuha na lang ni Mei ang nasa may pinaka-bukana bago muling naglakad pabalik sa harap ng Nurse at ipinakita ang saklay.

"Iyan na po ang napili ninyo, Ma'am?" pagtatanong ng Nurse at tumango naman si Mei. "Sige po, sandali lang at ito-total ko na po," wika ng Nurse bago kumuha ng caculator, lapis at papel para ilista ang lahat ng presyo at kompyutin.

Titig na titig sa kaniyang pinapanood si Mei kung paano tignan isa-isa ng Nurse ang mga presyo ng kanilang kailangan bilhin bago ilista sa papel at sabay pindot sa calculator. Kinakabahan man sa maaaring maging total ng kanilang binili ay nanatiling nakatingin lamang si Mei hanggang sa natapos.

"Ma'am, 13,483 pesos po lahat," wika ng Nurse na narinig din ni Nicollo at halos mahimatay naman si Mei sa narinig.

"Uhm, nagpo-promissory note—"

"Ito ang bayad namin, Miss. Sa tingin ko naman ay tumatanggap kayo ng credit card?" pagsingit ni Nicollo sa usapan ng Nurse at ni Mei habang nakalahad ang kaniyang kamay kung saan nandoon ang isang credit card.

"N-Nicollo, saan galing ang credit card—"

"Yes po, Sir. Tumatanggap po kami," nakangiting wika ng Nurse sabay abot ng credit card na hawak ni Nicollo at nakanganga naman na pinanood ni Mei kung paano I-swipe ng Nurse ang credit card na iyon. "All paid na po, Sir. Pa-sign na lang po ako rito," wika ng Nurse sabay abot ng isang pirasong papel at ballpen kay Nicollo.

Tulalang pinanood ni Mei kung paano pirmahan ni Nicollo ang maliit na papel na iyon bago muling ibinalik sa Nurse. Hindi naman sa minamaliit ni Mei si Nicollo pero ang akala talaga ng dalaga ay wala silang pera pareho kung kaya't nagtataka ito kung saan o paano nakapag-abot ng credit card ang binata.

"All done na po. Ito na po ang mga gamot, Ma'am," pagpukaw ng pansin ng Nurse kay Mei at taranta naman na nagpasalamat si Mei bago kinuha ang mga gamot at binitbit ang saklay.

"Gagamitin ko na ang saklay," kalmadong wika ni Nicollo sabay agaw kay Mei ng saklay at dahan-dahan na tumayo mula sa pagkakaupo nito sa wheel chair. Tumayo si Nicollo habang may saklay na sumosoprta sa kaniya at gumuhit naman ang pagka-inis sa kaniyang ekspresyon. "Damn, hindi ako sanay!" naiinis na bulong ni Nicollo sa kaniyang sarili habang nakayuko at tinitignan ang kaniyang kanang paa na bahagyang nakataas. "Meng, tara na. Umuwi na tayo," paanyaya ni Nicollo sabay lingon sa kaniyang likuran kung saan nandoon ang nakatunganga na si Mei dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa kaniyang utak ang lahat nang nangyari.

"Sir, may bagong notification po. Ginamit na po ng Young Master ang credit card niya."

"Alamin kung saan niya ginamit ang pera at i-report kaagad sa akin."

Continue Reading

You'll Also Like

863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...