A Silence In The Chaos

By AnastasiaCaly

2.2K 225 81

Ysabelle Jane Castillo, despite having speech anxiety and panic disorder, finished a degree in education. She... More

Author's Note
Simula
Silence 1: Parcel
Silence 2: Apartment Owner
Silence 3: Cat
Silence 4: His Services
Silence 5: Thank You
Silence 6: Nothing More
Silence 7: We're Not Friends
Silence 8: Reflect
Silence 9: Binibini
Silence 10: Mayor
Silence 11: Alleged
Silence 12: Nowhere
Silence 13: Label
Silence 14: Beautiful On You
Silence 15: Victim
Silence 16: Goodbye Forever
Silence 17: Get over
Silence 18: Aasa
Silence 19: Run To Him
Silence 20: Peace
Silence 21: Patawad
Silence 23:Your Partner
Wakas

Silence 22: Justice

65 11 0
By AnastasiaCaly

Silence Twenty Two

Humila ng silya si tita Claire at ipinwesto yon, isang metro ng layo mula sa sofa sa salas. She dragged Andoy and made him sit there. Nagpaunahan naman si Florence, Nicholas at tita Claire na umupo sa medyo mahabang sofa. Kasya ang apat na tao roon.

Nagkatinginan kami ni Noah dahil isa na lang ang bakanteng pwesto dahil okupado na ng tatlo ang sofa.

"I'll stand," alok niya sa akin sa bakanteng upuan.

Ngumiwi si tita Claire at hinila ang kamay ni Noah upang paupuin.

"Nagkahiyaan pa kayong dalawa! Umupo ka na lang anak at kandungin mo na lang ang nobya mo. Mapapatagal lang ito at magpapasa pasahan lang kayo kung sino ang uupo."

Dahil si tita Claire mismo ang nagpaupo kay Noah ay hindi niya na sinubukang tumayo pa dahil wala nang magagawa. He looked at me apologetically. Ayos lang naman sa akin at boyfriend ko naman siya.

At isa pa'y gusto ko na rin mapadali ito upang makausap ko na si Andoy.

Dahan dahan akong umupo sa hita ni Noah. Pinagdikit niya ang kanyang mga tuhod upang mas ma maupuan ako. He pulled me closer to him. Umupo siya nang tuwid upang makita pa rin si Andoy habang kinakausap.

"M-mukhang hindi niya kami seseryosohin kung ganito ang posisyon namin," I voiced out my conern to tita Claire.

Agad na natunugan ni Andoy na siya ang tinutukoy ko.

"A-ah ayos lang! Sasagutin ko pa rin ang mga tanong niyo k-kahit na ganyan ang inyong ayos," napakamot siya sa kanyang ulo

"Interesado ka Nicholas ah! Akala ko magkukulong ka na sa kwarto. Chismoso ka rin pala," sinubukan ni Florence na hinaan ang boses ngunit narinig pa rin namin.

Piningot ni tita Claire ang kanyang tenga.

"Magseryoso na kayong dalawa at importante itong pag uusapan," malamig na sambit ni tita.

Nawalan ako ng emosyon nang pagtuunan ko na ng pansin si Andoy. Nasa harap ko ang isa sa mga nanakit sa akin noon. Isa sa mga alaala ng madilim na nakaraan.

"Bakit ka humihingi ng tawad?" I flatly spoke. "Pampalinis konsensya? Buti kayo pwedeng humanap ng pampalubag loob. Buti kayo pwedeng makalaya't maging payapa. Ako? Sa ating lahat, ako lang ang mag iisang bibitbit ng alaalang iyon habangbuhay."

Tumungo si Andoy at hindi nakasagot. Naramdaman ko ang inis at galit na unti unting namumuo sa sistema ko.

"Bakit hindi ka makasagot?" kalmado ang aking boses ngunit naggigiit ang ngipin ko upang pigilan ang sarili.

Noah squeezed my hand. Walang kahit sinong nanghihimasok dahil alam ng lahat na kailangan ko ito. Gusto kong ako mismo ang makapagtanong.

I exhaled heavily.

"Bakit?" ulit ko ngunit mas madiin.

Pinaglaruan lamang niya ang kanyang kamay. Nanginginig ang labi niya at nagpapaunahan nang tumulo ang kanyang luha. Mas nagliyab ang sistema ko.

Marahas akong pumiglas kay Noah at tumayo.

"Ano?! Wag kang umiyak diyan at nagtatanong pa ako!" sumabog na ako sa galit.

Hinapit ni Noah ang aking bewang.

"Baby," bulong niya sa akin ngunit hindi ko pinansin.

"Akala ko ba'y sasagutin mo ang mga tanong ko? Sumagot ka!" bulyaw ko kay sa lalaking nakaupo sa silya, punong puno ng pagsisisi ang mata.

Wala akong pakialam kung nagsisisi siya sa kanyang ginawa. Kahit pa anong lalim ng pagsisisi niya ay hindi pa rin makatarungan ang ginawa niya. Hindi yon aksidente. Boluntaryo niyang ginawa yon para lang mapasweldo ng amo niya. Naging ignorante siya. He would do everything even at the expense of his morals! Hindi manlang siya naawa sa batang ako.

"T*ng*na mo! T*ng*na niyong lahat! Mga wala kayong puso! Alam niyong mali pero nanood lang kayo! Basta ba hindi kayo ang naaapektuhan ay ayos lang sa inyo!"

Andoy sobbed as I threw the words at him.

"Wag ka sabing umiyak!" lumunok ako kahit na pakiramdam ko'y nagbabara na ang lalamunan ko.

"Pasensya na," pumiyok siya habang pinagdidikit ang kanyang palad.

"Tumingin ka rito," nanginginig ang buong katawan ko.

Kahit na hirap na hirap siya ay sapilitan siyang nag angat ng tingin. Halos gusto niya nang pumikit dahil walang mukhang kayang iharap sa akin.

"Ayan. Ganyan dapat. Mahiya ka. Nakakahiya ka!"

He used his right arm to wipe his tears.

"May anak ka ba, Andoy?" tila kulog ang aking boses. "Meron ba?"

Tumango siya.

"Paano kung sa kanya nangyari yon ? Hindi ka ba mababaliw? Hindi ka ba mawawala sa ulirat, kakaisip kung nasaan siya?"

Mas humigpit ang yakap ni Noah sa aking bewang. Nasa likuran ko pa rin siya. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa gilid ng aking leeg.

"Hindi lang pamilya ko ang naghihintay sa akin sa labas ng basement na yon. Ang kinabukasan ko, hinihintay din ako. Ang buhay ko, naghihintay din sa akin sa labas," hikbi ko.

Pinakalma ni Andoy ang kanyang sarili bago nagsalita.

"N-napilitan lang ho ako noon. Mawawalan ho kami ng trabaho kapag hindi namin sinunod si sir. Malaki ang utang ko at naging kritikal ang pagbubuntis ng asawa ko," aniya.

Maraming ibang paraan. Ngunit pinili niya kung saan siya madaling makakaangat.

"Alam ko po na... h-hindi niyo rin m-matatanggap ang rason na iyon. P-pero hindi nila gagawing priority ang asawa ko kapag wala kaming naiipambayad. Mamamatay siya," his voice was almost inaudible towards the last words.

Hindi ako tumugon.

"Simula nang ipasok kami sa trabahong iyon, ang maging bantay ninyo sa basement, wala po akong ibang naramdaman kundi ang makonsensya. Maniwala ho kayo sa akin. Sinubukan ko kayong itakas sa abot ng makakaya ko."

Halos matawa ako sa naririnig ko.

"Sa inyong lahat, si Noah lang ang gumawa ng paraan para iligtas ako. Mahiya kayo sa mas bata sa inyo. Mas alam pa niya kung ano ang tama!"

"May binayaran si sir Noah noong gabi bago niya kayo itinakas," ani Andoy.

Naramdaman ko ang mas pakikinig ni Noah sa mga susunod na sasabihin niya.

"Inaatasan ako palagi nila sir na sundan ka kung saan ka man pupunta. Hindi ko nireport sa kanya na plano mong maaksidente ang sasakyan nila para lang makabili ng oras upang itakas si ma'am Ysabelle."

Namilog ang mata ko.

He risked his parents' lives just to save me. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o pagagalitan dahil doon.

Nilingon ko si Noah, humahanap ako ng senyales ng pagkaguilty ngunit wala akong natagpuan.

"Hindi ko intensyon ang patayin sila. Binangga lamang ang kotse nila. Inutusan ko lang ang tao na mag iskandalo sa gitna ng daan upang mapunta sila sa presinto."

My jaw dropped. Tita Claire looked unaffected. Panigurado ay alam niya na ang pangyayaring ito bilang malapit naman silang dalawa ni Noah.

"Kung ibang tauhan ang nagbantay sa'yo noong gabing 'yon, sir Noah. Malalaman kaagad ng iyong mga magulang ang ginawa ninyo. Hanggang ngayon ay wala akong sinasabi sa kanila. Dahil 'yon lang ang tanging magagawa ko. At ngayon ay ayaw ko na ring manahimik. Kay ikinwento ko ang mga pangyayari sa basement na iyon at kung ano ang motibo ni mayor."

This time, tita Claire stood and joined the conversation.

"Handa ka bang maging witness kung kakasuhan si mayor vasquez?"

Hindi agad nag register sa utak ko ang sinabi ni tita. Ngunit nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin ay nagsalubong ang kilay ko.

"K-kakasuhan po?"

Tita Claire nodded.

"My ex husband, ang ama ni Florence, ay isang lawyer. Kung ang mga magulang mo ay mananatiling duwag, pwes ako hindi. This is for your peace, Ysabelle."

Then she looked at Noah.

"At para rin sa'yo, anak. Para mawala na ang guilt na ilang taon mong binitbit."

Andoy nodded.

"Wala kayong maibigay na ebidensya noon, pero handa na akong maging isa sa ebidensya. Kung kalaunan ay ipapakulong niyo rin ako ay tatanggapin ko. Basta makamit lang ang hustisya."

Noah spoke.

"Anong ebidensya ang magagamit natin? Hindi pwedeng maging witness lang. Babliktarin ka nila. Sasabihing may galit ka lang sa kanila kaya naggagawa gawa ka ng kwento," Noah crossed his arms as he interrogated Andoy.

"Mayroon akong mga litato ni ma'am na ipinapadala ni mayor sa mga magulang ni ma'am Ysabelle para balaan sila. Na kung hindi aatras sa pagkandidato si Philip ay mapapahamak si Ysabelle. Sulat kamay mismo ni mayor ang nakasulat sa likod ng mga litrato. Mas mapapatibay yon kung magsasalita ang mga magulang ni ma'am Ysabelle. Dahil sila mismo ay may mga kopya rin ng litrato."

Mukhang sumasang ayon si tita Claire sa sinasabi ni Andoy.

"Hindi rin naipaliwanag ang biglaang withdrawal ni Philip ng candidacy noon. May reputasyon siya sa pagiging aktibo sa pulitika. Laging may tinatakbuhang posisyon. Kaya ang biglag pag atras niya ay naging misteryo sa publiko."

"Mayroon din pong non disclosure agreement na pinapirmahan sa amin si sir," dugtong pa ni Andoy.

Mas tumuwid ang postura ni Noah.

"Kung may mga ganito ka nang ebidensya noon pa man. Bakit ngayon ka lang lumapit?" natutunugan ko ang galit at panghihinayang sa boses ni Noah.

"Nasa paligid lang sila, sir Noah. Hindi ko alam kung baka nga nasundan nila ako hanggang dito. Lahat ng nagresign sa kanya na nakasaksi sa nangyari kay ma'am Ysabelle ay pinababantayan pa rin niya hanggang ngayon," he sounded terrified.

Nagsimula siyang humagulgol muli.

"Kahit sa paglabas ko ng bahay na ito, hindi ako sigurado kung sa susunod na oras o segundo ay buhay pa ba ako. Kaya humihingi na ako ng tawad... k-kung sakali mang may mangyayari sa akin."

Noah shook his head. He gripped Andoy's shoulders firmly.

"Kung tunay kang nagsisisi, hindi ka pwedeng mamatay. Ikaw ang may hawak ng ebidensya at ikaw ang tetestigo para kay Ysabelle," Noah tensed, gritting his teeth.

My heart thumped at the thought of Andoy dying. Malapit nang mabigyang hustisya ang nangyari sa akin ngunit mauudlot kung may mangyari man sa kanya.

"N-Noah," I trembled.

Agad akong binalingn ni Noah at niyakap.

"Hey, nothing's gonna happen," he put his hand on my cheek. "I'll make sure of that."

Paano?

Isang mabigat na buntong hininga ang lumabas mula sa kanya. Kinuha niya ang kanyang phone at inilagay ito sa kanyang tenga.

"Jim," bati niya.

The co-owner of Southville!

"Remember that someday I was telling you?" si Noah.

Pinanood ko lamang siya habang kausap si sir Jim.

"Maniningil na ako ngayon," Noah said as if declaring a war.

Just a few minutes later, several guards stood outside the apartment. Lahat sila'y nakasuot ng itim. Sa palagay ko ay mga uniporme nila.

"Mr Vasquez," bati ng lalaking nakashades.

Nakipagkamay si Noah sa kanya.

"Ysabelle, these are trained body guards. They will ensure Andoy's safety until the lawsuit is over," ani Noah.

Tinanguan ko ang lalaki upang iacknowledge siya.

"W-wala akong ideya na may mga ganito si sir," mangha pa rin ako sa dami ng taong nakikita ko. Isang dosena yata sila sa harapan ko.

Ngumisi ang lalaking nakashades.

"I'm actually his son, miss," pakilala niya.

Sinipat siya ni Noah sa di ko malamang dahilan.

Ilang taon na ba si sir Jim? Fifty? Sixty? I can't even make sense of how Noah and sir Jim were friends in the first place. Paano kaya sila naging partners sa Southville?

"There would be no need for that." I'm sure that the voice did not come from either of us.

I blinked, not expecting to see him here.

"Papa," tawag ni Noah sa papalapit na si mayor Vasquez. Ayon nga lang ay hindi siya nag iisa. Nakagapos ang kanyang kamay habang ang mga pulis ay nasa likuran niya.

"Sumusuko na ako," anunsyo ni mayor.

Reluctant, I did not move nor react. Blangko lamang ang aking ekspresyon.

"My men have already done the work for you. They went behind my back," the mayor remained spiteful despite his surrender. "Internet people are crazy. Your mama almost got shot by a hater demanding justice for your girl. She's been receiving death threats but you didn't know. Because you hated us too much to care."

Noah's expression remained stoic.

"You deserve my hate," ani Noah.

His father nodded in acceptance. Ngunit ako ay nagdududa pa rin. He's not the type to easily back down from a fight. The mayor is greedy.

"I do not buy your acts. They are probably your men," turo ni Noah sa mga pulis. "It has always been like that. Authorities have been on your side."

Nakatutok pa rin ang baril ng mga body guard namin pati ang baril ng mga pulis sa tabi ni mayor.

Mayor Vasquez chuckled.

"That's how heartless I seem to you, huh? But I'll take that. It's valid. Ngunit tulad ng sabi ko. Wala na sa akin ang mga tauhan ko. Ilang taon na siguro silang nakokonsensya. Naghintay lang sila na isa sa kanila ang maunang umamin. The men have been lousy with their work. Madali lang namang tapusin si Andoy. Ngunit ilang araw na ay hindi pa rin nila nagagawa. They were letting him go on purpose."

Nasa likuran pa rin ako ni Noah. He's shielding me from his father's sight.

"I may be heartless, but I have one when it comes to your mom. Hindi ko ipapahamak ang buhay niya. Lalo na ngayon at walang pumoprotekta sa kanya."

"Tapos na ang oras mo, mayor Vasquez!" hinila ng mga pulis si mayor.

"Wait," pigil ni Noah.

Sinunod siya ng mga pulis. Binitawan ni Noah ang kamay ko at nagdire diretso sa harapan ng kanyang ama.

"Before you rot in jail. I've been wanting to do this." Noah punched his father. Inilayo ng mga pulis si Noah sa kanyang ama habang ang isa nama'y tinutulungan si mayor na tumayo.

Mayor Vasquez held the side of his lips. Ngumiwi ito sa sakit.

I ran to Noah and held his hand before he could do anything more.

"I'd like to say one more thing," anang kanyang ama.

Nagtama ang mata namin ni mayor Vasquez.

"I'm sorry, for all the things I've done. And for the damage it has caused," he said.

I blew out a harsh exhale. My face hardened.

"How I wish I was a God. Forgiving even of the unforgivable," ngumiti ako nang mapait. "Pero hindi ako Diyos. Kaya hinding hindi ko ibibigay ang pagpapatawad ko."

Maging si Andoy ay sumuko sa awtoridad. Boluntaryo niyang pagbabayaran ang kasalanan. Kinagabihan ay sila ang laman ng headlines sa balita.

"Noong nag apply po ako kay mayor akala ko ay normal na trabaho ng isang body guard ang gagawin ko. Wala naman sa ugali ko ang dumakip. Pero wala nang ibang tatanggap sa akin na trabaho kaya kahit halos kainin na ako ng konsensya, tinuloy ko pa rin ang mga utos niya."

"Ano ang ginagawa niyo sa bata?" sambit ng interviewer.

"S-sinasaktan po. Kapag mag iingay ay papaluin namin ng kahoy o kaya naman ay sasampalin. Lalo na po kung mag iingay habang may bisita si mayor."

Nagbara ang lalamunan ko. It's like reliving the past all over again.

I snuggled more to Noah, looking for a support. Naririto kami sa kanyang apartment. Binabantayan pa rin ng mga body guards ni sir Jim ang building para kung sakaling may media na makatunon sa amin ay makontrol sila.

Kahit na nahuli na sila at maipapakulong. Kahit sila na mismo ang sumuko. Parang pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nakokontento. Wala pa ring kapayapaan sa puso ko at isipan ko. And I'm afraid that it will keep haunting me forever.

Pinakikinggan pa rin namin ang mga balita sa tv.

"You are safe now," he has been whispering words of assurance for minutes. He kissed my forehead.

"Dati kaming magkaibigan ni mayor Vasquez."

My eyes flew to the television when I heard a familiar voice. It was papa. He's being interviewed.

"Pareho kaming aktibo sa politika. Maayos naman ang pagkakaibigan namin. Nagpapalitan kami palagi ng opinyon. It's not until I decided to run for mayor that it all went wrong. Dahil hawak ko rin ang puso ng taumbayan. Nais niya akong kunin na vice mayor. But I wanted to be a mayor, so I declined him. Gusto niyang umatras ako sa pagkandidato. Ang farm namin ay sinira niya. At hindi ko rin inasahan noon na kaya niyang dumakip ng inosenteng bata para lang sa isang posisyon."

Kinuhanan din ng video ang pagpapakulong kay mayor Vasquez. Mama was making a scene.

"Walanghiya ka! Mabulok ka! Mabulok ka! Ang anak ko!" sinapak sapak ni mama ang dibdib ni mayor Vasquez.

Noah turned the television off.

"We've seen enough. Let's get some sleep," he scooped me up.

Ngumuso ako.

"Hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang lahat," komento ko habang nakapaikot ang braso sa kanyang leeg.

He hummed.

"Parang..." humikab ako at ihinilig ang ulo sa kanyang dibdib. "Parang ang bilis. Parang hindi totoo."

"It's been a long time. Hindi mabilis 'yon," Noah said.

Tumango ako dahil totoo naman. I didn't expect that one confession from Andoy would make everyone follow the lead. Kung ganoon ay matagal na silang nagsisisi. Pero hindi ko pa rin sila mapatawad. Masama raw ang hindii nagpapatawad. Paano naman kung hindi talaga kapata patawad ang ginawa? Magagalit ba sa akin ang Diyos kung hirap akong magpatawad?

Noah lay me down on his bed. I'm seeing his room for the first time. Everything's neat and in its proper places. Siguro'y kung padadaanin ko ang kamay ko'y wala manlang madadalang kahit katiting na alikabok. His walls are gray.

Humiga siya sa'king tabi.

"From here on, I'll protect you,"he vowed.

Umiling ako.

"You've always been doing that. No need for the promises."

"I didn't. I just saved you but I wasn't able to protect you from the damage."

"But-"

"But with this promise," tukoy niya sa kasalukuyan, sa ngayon. "It means no harm shall ever touch you again."

I gave him sad eyes.

He may appear strong and independent. But there was always longing in his eyes. Now that I think about it. Noah never felt his parents in his life. Noah never depended on anyone. And now everything is messed up in his family. They've got bad reputation. He never felt like he was in a home.

And Noah is my home. And I want to be his home too.

"What's with the sad eyes?" he looked bothered. "Anything you want to tell me?"

I nodded. He shifted and became attentive.

"Let me hear it," aniya.

I licked my lips.

"I'll be your family from now on," bulong ko.

Kumunot ang kanyang noo ngunit alam kong naaapektuhan siya. He's just trying to conceal it.

"You'll never be on your own. Because we'll be each other's family and each other's homes."

Sumilay na ang kanyang ngiti.

"You keep surprising me, you know that?" he gave me a peck on the lips. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 221 38
STATUS: COMPLETED "Philophobia is a condition where a person fears of falling in love or getting attached to someone" *_*_*_*_*_* Story Started: 02/2...
5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
149K 3.1K 40
Serina Liamzon had two versions: the "good-girl" Serina who is desperate to earn her mother's affection, and the "temptress" Zenna whom everyone reve...