Waves of Life

Por ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... Más

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 19

959 33 28
Por ren_esteron

Venus

"Oh my god! Venus, Simon! Ano ba'ng nangyari?" si Tita Riza.

Naunang dumalo si Sandro sa amin at nakasunod naman sa kanya ang mga magulang.

Tuluyang napawi ang ngiti ko. Inilahad ni Sandro ang kamay sa akin na agad kong kinuha. Mabilis niya akong itinaas mula sa pool. Iritado siya. Lalong- lalo na nang lumandas ang titig niya sa katawan  ko. Doon ko lang napagtanto na bakat ang panloob ko dahil puting tshirt ang suot.

"Nandoon ang jacket ko.." si Simon na iniangat ang sarili dahil hindi man lang tinulungan ni Sandro. Dumiretso siya sa kinauupuang sun lounger kanina at kinuha ang jacket na nakapatong doon. Bumalik siya at inilahad sa akin.

Kukunin ko na sana iyon pero kaagad na nahawakan ni Sandro ang braso ko.

"Hindi na kailangan.." malamig na usal ni Sandro.

Kumunot ang noo ko. Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Diretso ang maririing titig ni Sandro kay Simon,  Simon just casually cocked his head. Tila inaasar pa dahil iritado ang kapatid.

"Ano ba ang nangyari?" si Tito Dom na lumapit na rin.

Tinitigan siya ni Simon pero hindi sinagot ang tanong niya.

"Nahulog po kami sa pool nang hindi sinasadya." ako na ang sumagot.

"Let's go.." hinila ni Sandro ang braso ko.

Nanatili si Tita at Tito doon kasama ni Simon. Lumingon ako sa kanila at nakitang may sinasabi si Tita kay simon na tila tamad makinig, ibinaon niya ang mga daliri sa sariling buhok at itinagilid ang ulo.

Simon is like the blacksheep of the family. Kanina sa dinner, hindi rin siya sumabay. Mukhang hindi pa sila magkasundo ni Sandro. Ano ba talaga ang problema?

Tahimik ako habang hinihila ni Sandro paakyat sa hagdan, sa kanyang kwarto. It was a spacious bedroom with blue colored walls. Very masculine. Isang tingin ay mahihinuha agad na lalaki ang may- ari ng kwarto na ito.

May isa pang pintuan na sa tingin ko'y walk- in closet at CR. Naiwan akong nakatayo malapit sa kama at pumasok naman sa loob ng closet si Sandro. Tahimik kong ipinaglandas ang mga mata sa paligid. The huge bed was covered in white sheets. May nakalatag ring red carpet sa sahig.

Lumabas si Sandro at may mga dala na siyang damit. Una niyang inilahad sa akin ang puting towel.

"Is it okay if you wear my shirt?"

I nodded. Kinuha mula sa kanya ang inilalahad na puting tshirt. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong wala akong undergarments! Damn! Hindi naman pweding manghiram ako sa kanya, 'dba?

"Wag na lang kaya akong magbihis?" I suggested.

Umiling kaagad si Sandro. "Hindi pwedi, baka magkasakit ka. Sige na, kahit yung damit lang ang palitan mo. Ihahatid na kita kaagad."

For a moment I find it awkward, ilang minuto akong nanatili sa loob ng CR at tinititigan ang sarili sa malaking salamin. Ang laki ng t-shirt sa akin. Hanggang ibabaw na ng tuhod ko ang haba.

"Venus.." marahang katok mula kay Sandro.

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan. Kaagad na naglandas ang titig ni Sandro sa akin.

"Wow.." bulalas niya na tila gustong matawa.

Hinampas ko kaagad siya sa braso. Alam ko namang nakakatawa! Mukha akong isang rapper!

"Ipinabigay ni Mama. Pumili ka daw ng susuotin mo." inilahad niya ang hawak- hawak na puting paper bag.

Muli akong pumasok sa banyo at halos malaglag ang panga nang makitang isang set ng panty iyon. Binili ba ni Tita 'to ngayon lang at saktong sakto sa size ko?

Hanggang tuhod ko naman iyong shirt ni Sandro kaya hindi na ako nailang na walang suot- suot na shorts. It looks more better than wearing my jeans kanina. Pagkatapos ligpitin ang mga damit ko at inilagay sa isang plastic bag ay lumabas na ako.

Nakaupo si Sandro sa dulo ng kama niya habang nagtitipa sa kanyang cellphone nang lumabas ako. Ipinatong ko sa malapit na lamesa ang paper bag at plastic bago lumapit sa kanya.

"May pupuntahan ka pala bukas.." wika ko na abala sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pinasadahan ng palad ang buhok habang pinaglalandas ang titig niya sa damit ko. Gumalaw ang panga niya nang tumigil ang tingin sa mga binti ko.

"Hindi ba masyadong maiksi ang damit mo?"

"Damit mo toh d'ba?"

"And you're not wearing any shorts?"

Kaagad akong namula sa tanong niya. Kailangan ba na pati iyan ay itatanong niya? Hindi naman kita ang underwear ko dahil makapal ang damit.

"Komportable naman ako, Sands."

"Come here.." tinapik niya ang space sa tabi niya.

Itinigil ko ang ginagawang pagpapatuyo sa buhok at tumabi sa kanya. Kaagad niyang kinuha mula sa akin ang towel nang makaupo ako sa tabi niya. I flinched when he started rubbing the towel on my hair, ginaya ang ginagawa ko kanina.

"I'm going to Leyte tomorrow. I'm gonna be busy but I'll message you when I can"

Tumango ako. Hinayaan siya sa ginagawa. He is very gentle in drying my hair.

Sandro has this charisma na matapang and strong on the outside. He always shows dominance and strength. Pero kapag nagmahal siya, ipaparamdam niya sayo na ikaw ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Hindi siya 'yong tipo ng tao na puro salita. His actions shows what he truly felt.

Kaya siguro madali para sa akin ang mahulog sa mga matatamis niyang salita.

"Sandro.." I called him after a long defeaning silence between us.

"Hm?"

"Hindi ba kayo magkasundo ni Simon?"

Itinigil niya ang ginagawang pagpapatuyo sa buhok ko. Ang towel ay itinabi sa gilid bago ako niyakap patalikod.

"We're fine. Hindi lang gaanong malapit sa isa't-isa."

"Magkapatid kayo pero hindi malapit sa isa't-isa?" That's weird.

"Iniisip niya na isa akong kompetisyon sa lahat ng bagay. I'm far too preoccupied with his issues kaya hindi ko pinapansin. He's just being childish."

"Then try talking to him to sort out his issues with you. Ang magkapatid dapat nagkakampihan at hindi nagbabangayan"

Wala siyang naisagot sa akin. Mas lalo lang niya akong hinapit palapit sa kanya. Ang isang kamay niya ay kinuha ang palad kong nakapatong sa sariling hita. I tilted my head a bit when he crouched down to put his chin on my shoulder.

"Sige na, Sand. Try talking to Simon."

He sighed heavily. "Can we stop talking about him?"

Kinagat ko ang labi. Hinayaan siyang pinaglalaruan na naman ang mga daliri ko. He really likes to play with my finger huh? Especially my ring finger. Napansin ko noong isang linggo pa niya ito pinaglalaruan.

Mukhang ayaw niya talaga na pag-usapan si Simon. I know its their personal issues and I don't want to interfere anymore. Pero ayoko lang na patuloy na ganyan ang tratuhan nila sa isa't- isa.

Ni hindi nga naka save sa phone niya ang numero ng kapatid!

"Maikli talaga ang damit mo.." aniya.

Umirap ako. Ang damit ko na naman ang nakita!

"Hindi nga, sands."

"Kita ko na ang hita mo.."

"Ikaw lang naman 'yan. Kasi yung tingin mo kanina pa hindi natatanggal sa hita ko! Tingin ka ng tingin!"

Humalakhak siya at bahagyang lumayo sa akin. Buong akala ko'y bibitawan niya ako pero umatras lang siya ng kaunti at ibinaon ang mukha niya sa batok ko. Ilang mura ang kaagad niyang pinakawalan.

"I can't stop staring.." he chuckled again.

"Tapos mag rereklamo ka na maikli ang damit ko? Eh ikaw naman ang nagbigay nito." apura ko.

"Ferdinand Alexander Marcos! Naiwan mo ang wallet mo kanina sa-- Uh oh."

Bumukas ang pintuan at kaagad itong iniluwa si Governor Matthew na malaki ang ngisi. Nang makita kaming dalawa ni Sandro ay napalitan ng pagkagulat ang ekspresyon.

Patingalang umirap ako. Here we go again. Mukhang hindi talaga marunong kumatok itong si Governor Matthew. Kung ganito ang palagi niyang ginagawa ay baka makakatikim siya ng sapak sa mga pinsan niya.

Marahas na napabuntong hininga si Sandro habang lumalayo sa akin. Mariing kinagat ang labi at tumungo sa mini fridge niyang nasa dulo ng kwarto. Kumuha siya ng tubig mula dito at lumagok bago hinarap ulit si Gov.

Nanatili akong nakaupo sa kama at hinila pababa ang tshirt na bahagyang tumaas kanina.

"Tang-ina mo, Gov. Sana hindi ka nalang isinilang." ani Sandro.

Napakamot sa batok si Gov. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya."

Itinukod ni Sandro ang dalawang kamay sa lamesa at nagyuko ng ulo. Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya at pagbuga ng hangin na tila kinakalma ang sarili.

Is there something wrong with him?

"Ikaw Sandro ha.." si Michael na sumulpot mula sa likuran ni Gov. "Bakit naman damit mo ang suot ni Venus?"

Namilog ang mga mata ko. Napagtanto na baka kung ano ang iniisip nila.

Iwinasiwas ko ang palad sa ere. "Hindi. Nabasa ako kanina sa pool kaya nanghiram lang ako ng damit ni Sandro."

"Sabi niyo eh.." ani Gov. na tila hindi naniniwala.

Pumarito ang magkapatid dahil makikitulog daw sa bahay nina Sandro. Nagalit kasi ang Mama Imee nila dahil nabasag daw ni Borgy ang TV sa sala. Nakatakas silang dalawa bago pa magalit ang Mama nila habang si Borgy naman ay naiwan doon na sinalo lahat ng palatak ng ina.

Sumama si Gov. sa paghatid sa akin sa bahay. Hindi ito gusto ni Sandro pero nagpupumilit si Gov. kaya sa huli ay pumayag na lang siya.

"Kung mapait ang lovelife mo, dapat 'di ka nandadamay ng ibang tao." si Sandro habang binubuksan ako ng pintuan nang makarating sa bahay.

Hinatid niya ako sa papunta sa loob dahil hanggang dito lang ang kayang madaanan ng mga kotse. Natatawa na talaga ako kay Gov. at hindi ko alam kung anong trip niya sa pagsunod sa amin kanina pa.

Wala bang lovelife 'to o ano?

"I'll call you tomorrow. Hindi ko alam kung makakauwi kami agad ni Paps. Kung hindi ay doon na kami sa Manila magpapalipas ng gabi." ani Sandro.

Tumango ako. "Sige, mag-iingat ka doon and behave."

He chuckled and pulled me by my waist. Hinagkan niya ang ulo ko bago marahang binuksan ang pintuan ng bahay. "Behave naman po ako lagi. Sige na, pasok ka na."

"Papasok ako mamaya kapag nakaalis ka na." sagot ko.

"No. Pumasok ka na muna, Ven. Mas mapapanatag ako kapag nakita kitang pumasok."

"Nasa tapat lang ako ng pintuan ng bahay. Sige na, sands. Medyo malayo- layo pa ang kotse niyo."

"No.." pagmamatigas niya. "Go inside first."

Pinanliitan ko siya ng mata. Humalukipkip ako para ipakita sa kanyang hindi rin ako magpapatinag. "Mauna kang umalis tsaka ako papasok."

"Venus.. Pasok na."

"No--"

"Tangina!" pareho kaming napabaling nang dahil sa malutong na mura mula kay Gov. "Ang corny niyo!"

Kinagat ko ang labi, si Sandro ay napahalakhak at marahan akong itinulak papasok sa loob ng bahay. Muntik ko nang makalimutan na kasama nga naman pala namin si Gov.

Pumasok na lang din ako at kumaway sa kanila bago isinarado ang pintuan.

"Corny mo, Sandro!" rinig kong sigaw ni Gov.

"Wait till you fall inlove asshole!" ang halakhak mula kay Sandro.

"I already did, dude.."

--

"Taray, tag- isa sila ng private plane." ani Gracia habang papasok kami sa locker room. "Ayoko nang isipin kung gaano kayaman ang mga Marcos."

"That's for safety purposes, Grace."

"Kungsabagay, kapag ganyan ang katayuan mo sa buhay, hindi malayong palagi kang malalagay sa panganib."

Napatigil ako sa pagbubutones ng uniform nang makitang bahagyang nakabukas ang locker ko. Dahil kami lang naman ang mga narito ay hindi ako naglalagay ng padlock sa locker. Pero sinisigurado ko ito na naisasarado ko.

Isinawalang bahala ko iyon at inisip na baka nakalimutan ko lang isara noong Sabado. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging makakalimutin na ako.

"Parang ayaw ko nang mag open ng tiktok, Ven. Sa tuwing nakikita ko ang mga fans ni Sandro na tila mga detective ay gusto kong matawa. Kahit sino na lang pinaghihinalaang girlfriend niya, kahit si Sam!"

Napatawa ako. I have also seen one tiktok video about Sandro and Sam. Tila gusto kong tawanan. Alam kong close sila, pero si Sam ay tila kapatid na ni Sandro. Hindi ba nila iyon makita?

Pagkatapos magbihis ay tumalikod na ako. Nagulat pa ako nang sa pagbaling ay mukha kaagad ni Jessa ang tumambad sa akin. Nakahalukipkip siya at malaki ang ngisi. Tila masaya sa araw na ito.

She looked at me and smirked. Gusto ko siyang taasan ng kilay pero pinigilan ang sarili.

Ano ang problema niya? Nakakairita lang.

"Narito pala ang asawa ni Boss. Nakita mo ba?"

Umiling ako sa tanong ni Gracia.

"Ang arte, sobrang suplada. Parang ambisyosa, di naman kagandahan." dagdag pa niya.

Siniko ko kaagad siya at iniikot ang tingin sa paligid. Baka may makarinig. Napahinga ako ng maluwag nang makitang abala pa rin ang lahat sa kanya- kanyang trabaho.

Naging abala kami nang gabing yaon dahil sa dami ng mga customer. Ni hindi ko na nabantayan ang oras at nakalimutang  kanina pa nga pala hindi nag rereply si Sandro sa texts ko. Huling update niya sa akin ay kaninang alas sais ng umaga para sabihing paalis na sila.

He seems so busy. Ayoko namang abalahin.

Naglilinis na kami ng mga lamesa dahil kakasarado lang nang makarinig ng malakas na tili mula sa loob ng office ni Boss. I craned my neck to see what's happening. Si Gracia ay tumatakbo na papunta sa akin.

"Ano ang--"

"Pinapatawag tayong lahat sa loob, Ven." hinila niya ang braso ko hindi pa man ako nakakatapos sa pagsasalita.

Nagpatianod ako sa hila ni Gracia at halos mabingi nang sinalubong kaagad kami ng malakas na tili ng babae. Ang asawa ni Boss na dalawang beses ko pa lang nakikitang dumalaw dito sa resto.

"My diamond emerald ring is missing!" aniya sa maarte at mayabang na tono. "I left my bag kanina sa loob ng office ni Hulyo. And when I went back the ring is already missing. I'm pretty sure na isa sa inyo ang nagnakaw nun! To think na it costs millions of pesos, lahat kayo magkakainteres doon!"

Kaagad kong kinapa ang dibdib sa posibleng nararamdaman. I don't feel guilty or what. Kasi alam kong wala akong ninakaw o kinuha. Pero may kaunting kaba akong nararamdaman na hindi ko alam kung bakit.

"Kung sino man ang kumuha sa inyo ay mas mabuting umamin na."

Itinikom ko ang bibig. Namayani ang katahimikan sa loob. Ni isa ay walang nangahas na magsalita.

"Search all the lockers!" utos ni Madam sa dalawang security na kasama niya.

Kahit si Boss ay tila takot sa kanya at walang ginagawang pagtutol. Maraming staff ang kaagad na nakitaan ng disgusto sa mukha pero walang nagawa maliban sa sundin ang utos niya.

"Ikaw.."

I took a step forward to my locker when It's finally my turn. Binuksan ko ang locker habang nakatingin ang mga kasamahan, si Boss, si Madam at ang dalawang security guard sa likuran ko. I catch a glimpse of hatred on Jessa's face before I opened my locker.

Nanlaki ang mata ko nang sa pagbukas ng locker ay kaagad na tumambad sa akin ang kumikinang na bagay. Kumalabog ng husto ang dibdib ko, nanginig ang buong kalamnan ko, hindi maintindihan at hindi mahinuha kung ano ang nangyayari.

Sa sobrang taranta ay naisarado kong muli ang locker.

"Buksan mo na. You're wasting my time!" ang boses ni Madam.

Napasinghap ako. Gusto kong humagulhol ng iyak sa sobrang pagkakataranta. Ni hindi ako makapag-isip ng maayos sa kung anong gagawin. Basta ang alam ko lang nasa loob ng locker ko ang singsing! At hindi ko alam kung paano napunta yun doon!

Paulit- ulit na umiling ako. Nagsimulang mangilid ang mga luha ko.Nilunok ko ang bara sa lalamunan "Hindi ako ang kumuha.."

"Tabi.."

Lumapit ang mga guards upang buksan ang locker ko. Wala akong ibang nagawa maliban sa mariing pagpikit ng mga mata.

Nakarinig ako ng bulung bulungan sa paligid bago ang malakas na boses ni Maam. "Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo!"

Hiyang hiya ako sa sarili ko. Kung pweding lamunin na lang ako ng lupa ngayon ay mas nanaisin ko. Hindi ko kailanman naranasan na mapahiya ng ganito. Lalong- lalo na't wala akong ginawang mali.

"Pagkatapos ka naming bigyan ng trabaho ay ito ang gagawin mo? Ilusyunado ka, Gaga!" Pakiramdam ko ay namanhid ang pisngi ko nang bigla akong nakatanggap ng sampal. Hindi ko iyon inaasahan kaya napaatras ako dahil sa lakas ng pwersa dahilan kung bakit napamulat ako.

"Wala akong kinuha." Nabasag ang boses ko.

Kumawala ang mga luha sa di kumukurap kong mata.  Sa sampal, sa mga tinging ipinupukol nila sa akin o sa singsing na nasa loob ng locker ko ay hindi ko mawari ang dahilan.

Nang mahagip ng mga mata ko si Jessa na nakangisi sa gilid ay kaagad na nandilim ang paningin ko. I immediately run into her. Hinila ang buhok niya.

"Ikaw ang naglagay ng singsing na 'yan sa locker ko, Jessa! Umamin ka!" wala akong paki-alam kung tila nagwawala man ako ngayon dito sa loob. Isa lang ang sigurado ako, wala akong kasalanan! At hindi ako makakapayag na isipin ng lahat na magnanakaw ako!

"Ano ba, Venus! Kung magnanakaw ka, 'wag mo kong idamay." she tried grabbing my hand. Muli kong hinaklit ang mga buhok niya bago ako hinila ng mga guards palayo sa kanya.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. The next thing I knew, I was sent to the police station. Sumunod si Gracia at iyak naman ako ng iyak habang kausap ang isa sa mga police. They keep on insisting na aminin ang kasalanan ko. Pero hindi ko talaga ginawa! Wala akong aaminin!

"Wala tayong magagawa kung hindi ka magsasalita." aning Police. "Matutulog ka dito sa loob ng selda."

"Sir hindi naman po pwedi 'yan! Wala pa namang ebidensiya na siya ang kumuha."

"The ring inside her locker is already an evidence, Miss. Ngayon, ang kailangan ng kaibigan mo ay pang piyansa o matutulog siya sa loob. Walang balak ang may ari ng singsing na palabasin siya.."

Naitikom ni Gracia ang bibig. Mas lalo akong napahagulhol. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko at hinayaan ko iyong dumaloy sa aking pisngi. Pumikit ako at mas lalong gumuhit ang sakit sa aking puso.

Nakakainis! Bakit ganito? Porke't mayaman ba ay maaari na nila akong husgahan ng ganito kabilis? At si boss! Ni hindi niya man lang ako magawang ipagtanggol!

I've been loyal to him! I've been honest! Alam niya ang pagkatao ko.

"Venus.." hinagod ni Gracia ang likod ko. "Kailangan nating tawagan si Sandro.."

Tumango ako at inilahad ang cellphone ko kay Gracia. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha kaya hindi ko kayang gumamit ng cellphone ngayon.

"Hindi sumasagot.."

Bumagsak ang mga balikat ko. Ilang beses na tinawagan ni Gracia si Sandro pero hindi pa rin sumasagot. Malamang natutulog na 'yon at gabi na!

Siya ang nauna kong naisip kanina na hingan ng tulong at ngayong tila imposibleng matulungan niya ako ay tila nawalan na ako ng pag-asa.

"Dito na lang siguro ako matutulog.." gumagaralgal kong wika.

A great sob escaped me and I covered my face with shaking hands. Banayad na hinahagod ni Gracia ang likod ko para pakalmahin lang ako. Pero hindi ko magawang kumalma.

Ang sakit sakit ng puso ko! Mawawalan ako ng trabaho, makukulong ako, paano na ako ngayon?

"Gagawan natin ng paraan 'yan, Ven. Tatawagin natin yung kaibigan mo. Si Samantha.."

Paulit ulit na napailing ako. "Wag na. Maiistorbo ko pa siya. Problema ko 'to kaya dapat ako ang mag-ayos."

Hindi ko alam kung ilang minuto akong iyak ng iyak sa harapan ng mga police. Sa huli'y tinanggap ko na. Na wala akong takas at kailangan kong harapin ang problema.

Hinawakan ako ng mga police sa magkabilang braso at iginiya patungo sa loob, sa selda na kanina ay tinatanaw ko lang. Nanuyo na ang mga luha sa pisngi ko pero gusto pang kumawala ulit ng mga panibagong luha.

Nakakainis sa pakiramdam na gusto mong maging matapang pero alam mo sa sarili mo na wala kang laban. Kahit ilang beses ko mang sabihin na matapang ako, wala eh, nadadapa pa rin ako.

"Sandali.." I stopped when I heard the familiar low baritone voice.

Seguir leyendo

También te gustarán

315K 7K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
8K 70 14
IGNORE THIS THOUGH BECAUSE I DONT KNOW HOW TO EXPLAIN IT 😭 JUST READ CAUSE ITS GOOD . I really just be coming to this when I'm bored tho so lemme kn...
51.8K 1.9K 22
Fionna the Human, a 18 year female teenage girl, who's best friends, or to consider her as her own sister, Cake the Cat. The two of them grew up toge...
10.7K 385 36
"I guess you're the luckiest girl" "No you're wrong i am the luckiest fan girl ever" You,how do you addres yourself as a fan? Are you lucky cause you...