Boyfriend Corp.

By iamKitin

35.2M 768K 254K

Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loo... More

Boyfriend Corp
Chapter 1 : We Mean ALL
Chapter 2 : Gatorade
Chapter 3 : Weird Day
Chapter 4 : Boyfriend
Chapter 5 : Contract
Chapter 6 : First Date
Chapter 7 : P.E.
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Special Chapter #1
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
The Last Chapter
Special Chapter 2
FAQ
BOYFRIEND CORP BOOK!
BFC Part 2

Chapter 23

593K 12.9K 6.2K
By iamKitin

Chapter 23

"Ay ang swerte!"

"Isa pa! Isa pa! Isa pa!"

"Bunot ulit! Gusto din namin!"

What I did? Heck I care face and shrugged.

Kung akala niyong naapektuhan ako, A-S-A. Ewan ko ba pero nakaramdam kasi ako ng di maganda. Di naman ganito ang pakiramdam ko kanina. Ang hyper ko pa nga di ba? Tsk! Tapos parang ang bigat ng balikat ko, ng katawan ko. At uh-oh, kumukulo ang tiyan ko!

"Sht." Pakiramdam ko alam ko na kung bakit.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Nakita kong pabalik na rin si Gatorade at kita sa mukha niya na naguguluhan siya kung bakit ako tumayo. Pero imbes na kausapin siya, dahil ewan ko ba pero nawalan ako ng gana, naglakad na ako papuntang CR.

"Oh'rayt! Relax mga teen hormones! HINGA! HOOO!"

Rinig ko ang tawanan nila bago ako makapasok sa CR. Napahawak ako sa ulo ko. Ah! Nahihilo ako. Hinanap ko ang phone ko at agad na dinial ang number ni bebs. Matapos ng limang ring, ang narinig ko lang ay isang mahabang busy line tone. 

Tsk. May klase pa ata.

Dinial ko ulit pero this time, lagi na niyang pinapatay! Nakakainis! Alam naman niya na pagtumatawag ako, ibig sabihin importante 'yun. Naman e! Sinubukan ko ulit ng dalawang beses pero ayaw niya talaga. Wag na nga! Lalo akong nahihilo!

Napatayo ako ng ayos nung may kumatok sa kabilang side ng pintuan ng CR.

"Alexa, okay ka lang ba?"

Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Gatorade. Nakaramdam ako ng konting relief dahil siya yun. Sinundan niya ako.

"Oo..Okay lang ako."

"Sure ka? Baka kasi…" Alam kong alam niya kung anong pedeng mangyare sakin. Ahh! Patay ka sakin, Francis! Bakit mo hinayaan na painumin ako ni Gatorade ng Stress-out pill!

"Yup. I'm fine." I tried my best na masabi yun ng ayos. Feeling ko kasi pipiyok ako anytime.

"Alexa.."

"I'm fine!"

Oh! Napalakas ang boses ko.

"Sht! Alexa, hindi ka okay! Papasok ako!" Tsk. Nahalata na niya! Tumakbo ako kaagad palapit sa pintuan ng CR at tinulak 'yun nung bubuksan niya.

"Ano ba Gatorade! Ladies room 'to!"

"I don't care. Let me in!"

Tumalikod ako at ginamit ang likod ko para itulak ang pintuan. Naman! Ang lakas ng lalaking 'to! Di ba niya alam na nahihirapan ako sa ginagawa niya? Pasalamat nalang talaga at malayo 'tong CR sa hall. Agaw eksena 'to. Nako Gatorade, isa ka talagang scene stealer!

"Alexa! Open this now!"

"No! Jeez. Can you just calm down? I'm fvking okay!"

"Hindi ako titigil dito hangga't di mo 'to binubuksan." Tsk! Pagod na ako. Ang lakas niya at nakakawindang kasi napipigilan ko ang tulak niya. Wow. Epekto din kaya to nung pill? Err. I'm getting dizzy! "Alexa! Kung hindi yan side effect ng pill, bakit ka nagkaganyan?"

"Am I not allowed to go here?"

"Ang weird lang kasi. Buksan mo na 'to!"

"Ayoko nga! Weird ka dyan. Wag mo na ngang itulak!"

"I want to see if you're really okay. Ang gara lang kasi bigla kang umalis nung—"

"Oh shut up!" Bigla kong tinakpan ang dalawang tenga ko at naramdaman ko na naman 'yung mabigat na pakiramdam. Ano bang nangyayare sa katawan ko? At dahil dun nawalan ako ng balanse at naitulak na talaga ni Gatorade ang pintuan at yun—talsik ako. Tsk!

Buti nalang napatuon ako dun sa pintuan ng isang cubicle. Mas lalo akong nahilo.

"Alexa! Hindi ka nga okay!"

"Ahh! Bakit ka pumasok?"

"Eh nagaalala ako!" Huh? Nag-alala siya? "Teka, nakainom ka ba?"

"Ha?"

"Ang pula mo!"

Napahawak ako sa pisngi ko. Ang init. Naglakad ako palapit sa harap ng salamin at nakita kung gano kapula ang mukha ko. Wow. Namumula ako.. 

"Alexa?"

"Hm?" Tumingin ako sa kanya..

"Wag kang ngumiti ng ganyan." Bigla niyang iniwas ang tingin niya sakin. Ngumiti? Ano bang pinagsasabi niya? "Tara na. Umuwi na tayo."

"Bakit? Di pa tapos ang-"

"Basta!"

"Ohhh. Okay."

Ang gaan ng ulo ko at ng buong katawan ko. Yung pakiramdam na lumilipad? Heaven lang.

*

[Francis Madrigal's POV]

"Gab, ilan 'to?" napalingon naman sakin si Gab. Kumunot muna ang noo niya bago niya tinuro ang mga daliri ko..

"One, four, seven, ten, five. Five!"

Iniharap ko ang kamay ko sa mukha ko. Five! Five nga pero bakit ganun siya magbilang?

"Tama po ba?" Tumango ako sa kanya.. "See? Favorite ko ang Math! Pareho namin 'yung favorite ni Papa."

"Talaga? Ayoko sa math e. Pero mahilig ako sa pera!"

"Mukha nga." nagpout siya at tinulak ang ilong ko gamit ang index finger niya. Nagsalita ulit siya habang umiiling, "Mukhang pera. Tsk. Tsk. Tsk. "

Napatigil ako sa ginawa niya.

"Gab, anong nararamdaman mo?" Nakailang kurap muna siya bago tumingin sakin tapos sa taas.

"Rainbow~"

Oh Lord. Patay.

Naramdaman ko ang black aura na nanggagaling sa likod ko. Sht. Patay na ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at ayan na nga ba e! Gatorade's glare. Ka-ching! Ka-ching! Nakakatakot! Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi na 'Ano na? Wala ka pa bang gagawin dyan?!'

Nakakatakot talaga siya pagnagagalit!

"Ahehehe." Spell awkward! Kinulbit ko si Gab at lumingon naman siya. "Gab, ilang taon ka na?"

"Ha?" Tumungo siya at tinitigan ang palad niya. Binend niya isa isa ang daliri niya habang mahinang nagbibilang. "17!" sabi niya habang pinapakita sakin ang walong daliri.

Taena. High nga ang babaeng 'to. Lakas sumipa nung pill!

"Tsk!" Hooo! Nagpaparamdam na ang nasa likod ko!

Pinanuod ko lang si Gab habang ginagalaw galaw ang mga paa niya. Para siyang limang taon na sumanib sa 17 years old na katawan. Wow. Ganito pala ang nagagawa ng sabog? Di ko akalain! Interesting!

"Aray!" Napahawak ako sa braso ko nung bigla akong pinalo ni Gatorade.

  

"Alam ko iniisip mo. Ayusin mo 'yan bago ka mamangha sa pagkasabog niyan! Tsk!"

"Eh! Di ko naman kasalanan e! Hindi naman ako ang nagpainom sa kanya nun!"

"Sino ba nagbigay sakin nung pill?"

"A—Ako?"

"Oh, kasalanan ko?"

"Hindi." Sabi ko habang napakamot ako sa batok ko. Sabi ko nga! Sinamaan lang ako ng tingin ni Gatorade. Psh. Ano bang gagawin ko? Sino bang pedeng makatulong sakin? Wala naman akong kakilala maliban nalang sa kinunan ko nito.

Pero teka…

"A-ha!" Kinuha ko 'yung phone ko at tinawagan siya.

["Beautiful Cheska speaking. At ba't mo na naman ako inaabala Francisco?"]

"Tulungan mo ko!"

["Ganyan ka naman e. Tumatawag lang pag may kelangan!"] 

"Cheska naman e."

["Whatever. So ano nga? Precious ang oras ko. Ano ba! Naguupdate pa ko!"] Oo na. Ikaw na ang busy sa lab ng BFC! Psh. Siya na!

"Kasi 'yung pill.. May naging high! Sabog!"

["Walanjo ka Francis! Pinakelman mo na naman ang lab ko!"] Wah! Kaya ayokong sabihin sa kanya e! Alam kong magagalit siya e! ["Alam mo namang wala pang nagagawang effective na gamot ang BFC. Tigas talaga ng ulo mo!"]

"Sorry na po!"

["Tsk. Ano pa nga bang magagawa ko?"]  Yan pati si Cheska galit na din sakin. Huhu ["Patulugin niyo 'yan. Pagudin niyo kung kelangan. Basta patulugin niyo. Painumin niyo muna ng tubig."]

"Okay.."

["Ge bye. Galit ako sa'yo. Tandaan mo 'yan!"]

"Cheska!"

*totoot*

"Oh no~ She’s mad!"

"Buti nga."

Nangasar pa e!Tsk! Isusumbong ako nun kay madam! Oh shet. Ang sakit sa puso! Nakakainis naman kasi. Ba't ba ako naligaw sa lab nung isang araw? Argh!

Kung tinatanong niyo kung sino si Cheska, isa siya sa pinakamatagal ng nagtatrabaho sa BFC. Halos kasabayan ko siya. Dati manager lang din siya, kaso nagkaroon ng maraming developments ang BFC at mas naging involve na siya sa BFC lab. Siya ang gumagawa ng potion for this and that.  At oo, napakatalino niya! Kaya nga masungit e. Ayaw maistorbo.

And yeah, isa siya sa mga piling "babaeng" workers ng BFC.

"Oh ano daw gagawin?"

"Sabunutan daw. Iuntog sa pader ng limang beses at magiging okay na siya after 3 days." Mas lumala ang sama ng tingin sakin ni Gatorade. "Joke lang! Painumin daw ng tubig! Patulugin natin kung ayaw matulog, pagudin!"

Nag-cross arms ako at sumandal sa sofa. Friday afternoon and I'm here, stuck with this couple. Bluehead na di ako nirerepesto at cute na babaeng high. What a day. Wala naman akong magawa kasi nga kasalanan ko ‘to. Hay! 

Tumayo si Gatorade sa sofa at pumunta sa harapan ni Gab. Nagtitigan 'yung dalawa for 5 seconds na parang ganun sila magusap. Naaks. Parang robot lang. Didit. Didit. Didit.

"Ang gwapo mo!" sabi ni Gab habang pinipisil ang pisngi ni Gatorade.

Naitulak ko naman si Gatorade at pumunta sa harap ni Gab. Tinuro ko ang mukha ko, " Ako Gab, Gwapo din ba?"

She tilted her head to the right, thinking. Pero imbes na sagutin ang tanong ko, lumapit siya kay Gatorade at pinisil ang pisngi niyo. "Gwapo. Gwapo."

Nakita ko naman nag-smirk si Gatorade. "Bias!"

"Sus!"

"Sus ka dyan! Kinikilig ka lang e!"

"Gagu. Di ako kinikilig!"

"Asa, nakangiting aso ka e!" Hindi ako sinabihang gwapo ni Gab! Nakakapagtampo!

"Tsk!" hinawakan na ni Gatorade ang kamay ni Gab. "Tara, tulog na tayo?"

"Ha?" pansin kong medyo mapula ang mata ni Gab tapos medyo pugto. Lalong sumigkit ang mata niya. "Don't wanna!"

"Dali na. Pagod na ikaw. Tara, tabihan kita baby."

"Nope!" hinigit ni Gab ang kamay niya at nagsimulang pumunta sa kusina. Oh boy. This will be harder than I thought. Parang kaming magpapatulog ng isang matigas na ulong toddler. "Play cook!"

Things are getting better. Right! Please take note of the sarcasm.

*

"Pretty Lance."

Tiningnan ko ang mukha ni Gatorade.  Hahahahah! Kinagat ko ang labi ko at.. At.. "Hahahahah! Sht! Sht! Hahahah!"

Napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang sakit, "Bagay pare!"

"Sasamain ka sakin." Oops. Haha! Eh kasi naman ang benta ng mukha ni Gatorade. Pero nagtaka ako nung niyabangan niya ako ng ngiti,"Tumingin ka nga din muna sa salamin bago mo ko tawanan."

Napatigil ako kakatawa. Oh. Ako nga din pala. Patay na. Tumayo ako sa sahig at kinuha 'yung salamin sa tabi ni Gab. Ngumiti naman siya sakin. "You're pretty too, Francis."

Kinuha ko 'yung salamin at tinutok sa mukha ko.

Aba!

"Ang ganda kong babae!"

"Pwede ba!" tanggi ni Gatorade.

"Seryoso, Gab! Ang galing mong mag-make up!!" Lumaki naman ang ngiti ni Gab. Hindi naman niya ginawang coloring book ang mukha namin. Actually, she did our makeup well. Nagmukha kaming babae ni Gatorade.

Natitibo na ako sa sarili ko!

Mukhang mas naiinis si Gatorade. Natuwa kasi ako sa ginawa samin ni Gab e. I bet, pagod na rin 'tong si Gato. Kanina pa kasi kaming naglalaro. Lutu-lutuan, dress-up, bahay-bahayan, jackstone, Twister, hide and seek at ito, make up. Hindi ata marunong mapagod si Gab. Plus, nangangati na ang mukha ko.

Tumayo si Gab sa harap ko at lumipat siya sa harap ni Gato.

"Hey. Don't frown, baby." Pinisil pisil na naman ang pisngi nito. "You're very pretty."

At ting! Instant na napangiti si Gatorade. *Ehem! Ehem!*

"Tara na matulog?"

She yawned and nodded, "Okay."

Tumayo na kaming lahat at hinawakan ni Gatorade ang kamay ni Gab. Pumasok silang dalawa dun sa kwarto at ako? Inayos ang pinagkalatan namin. What a mess.

After an hour, dumating na sina Marcus at Dominique. Pinagtawanan pa ako ng dalawa, di ko pa nabubura ang make up! Pero okay lang, ang ganda ko kasi. Tinulungan na din nila akong maglinis ng kalat nung naikwento ko sa kanila ang nangyare kay Gab. Buti di nagalit, di katulad ni Gatorade. Laging highblood!

Kaya di gumagwapo tulad ko e!

Tinext ko si Cheska at nagsorry. Mahirap na. Isumbong ako kay Madam! Boss ko 'yun. Baka bawasan pa ang sweldo ko pag nagalit ng tuluyan 'yun.

*

[Dominique Veena Delos Santos' POV]

Tumunog na naman ang phone ko for the nth time. Ang kulit naman ni bebs e. Tawag na tawag! Pinatay ko na ulit 'yung pangpitong tawag sakin ni bebs. Ayoko kasing malaman niyang andito ako. Eh! Bawal kasi pati ako dito pero kasi si Marcus!

At kung nasan ako? Nasa acquaintance party ng CBA.

Nagtilian na naman 'yung mga babae nung lumabas si Marcus ng stage. Ang gwapo niya! Kamukha niya talaga si Kim Jaejoong or also known as Hero pag performer siya.Nakaplain black V-neck shirt at medyo faded na pants siya. May silver rosary necklace din siya. Simple lang pero ang lakas ng dating!

"Go Marcus!"

Ohmydee! Napasigaw ako! Tinakpan ko ang bibig ko at wooo! Buti nalang walang nakahalata sakin dito sa may gilid. Sana di nila ako makita! Isiniksik ko ang katawan ko sa gilid na para bang may maitatago pa ko. Hehe. Lumabas na din si Alex at bongga! Ang gwapo din ng lolo niyo! Ang lakas ng apeal mga teh!

Saktong lumabas ng stage ang first contestant na babae para sa casual attire nung nakita kong akay-akay ni Gatorade si Gab palabas ng hall. Aba! Pinigilan ko ang sarili kong pumunta sa kanila. Gusto ko pang manuod ng pageant!

Pero ang weird.. Bakit sila aalis ng kalagitnaan ng program? Ohwell...

"Here are the New Faces of CBA in their casual attires!" Instant na pumaling ang mukha ko sa stage. I can see silver dust every where when I saw Marcus smiling. Oh my dee! Ang gwapo ni Love!

*

I secretly made my way to ladies room. Ang hirap naman magtago lalo na kung kakilala ka ng mga classmates ni Bebs! Of course magtataka sila kung pano ako nakapasok dito eh sa CAFA ako! Jusko. Ayoko pang umalis dito lalo na kung kasali sa TOP 5 si Marcus!

(A/N: CBA = College of Business Administration ; CAFA = College of Architecture and Fine Arts )

Anyway, so ito na nga. I need to pee. Ang lamig lamig naman kasi dun sa hall. Tumingin ako sa paligid ko bago pumasok ng CR. The coast is clear! Hehe. Pumasok ako nung biglang, "What are you doing here?"

Yikes! Feeling ko umurong si urine ko.  Oh my dee! I’m so busted! Lumingon ako sa likod ko at nawala ang takot at kaba ko nung nakita ko siya.

"Like you care." Inirapan ko siya. Pink Nerdy! Papasok na sana ako sa CR nung bigla siyang lumapit at hinigit ako sa kamay. "Hey!"

"You're not allowed here."

"Says who?"

"Says me! Officer ako ng CBA at—"

"And? I don't give a damn sister. And would you mind? I need to pee. Baka makalimutan ko at sa tapat mo ako mag-CR since magkamukha naman kayo nung toilet bowl." Nakita ko ang panlalaki ng mata niya through that thick frame. I smirked.Yada! Yada! Akala niyo si bebs lang ang marunong magtaray ha!

"You!! You—"

"Just go, will ya?" I flipped my hair at pumasok sa CR. I locked it dahil baka makapasok siya at may gawin pang di maganda sakin. And hellyeah Dominique, goodluck at baka may kasalubong ka na pagkalabas mo sa pintuan mamaya.

Curse that pink nerd! Mamaya mapaalis ako dito. Q and A pa naman! Last na 'yun e!

I did my thing at lumabas na agad ng cubicle. Tumingin muna ako sa CR at nagayos. Naka-formal din naman ako kaya di halata na outcast ako. Wag lang talagang magbubuking sakin! Pero wala akong tiwala dun sa nerd na mahilig sa pink na 'yun. Feel ko isusumbong niya ako at ipapatapon ang beauty ko palabas ng hall. Naman e.

Paikot ikot ako sa tapat ng CR. Lalabas ba ako o hayaan nalang na kainin ng CR na 'to?

"Now, let's proceed to the last portion of this event. The Q and A. Candidates?" Ohmydee! Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Walang ano-ano ay binuksan ko ang pintuan...nang nakapikit. 

Huh? Isa isa kong binuksan ang mata ko at nakitang walang tao. Hala! Walang tao! Ibig sabihin! Ibig sabihin? Yay! Tumakbo na agad ako pabalik dun sa dati kong pwesto at nanuod ng Q and A. At ano pa bang ieexpect ko sa boyfriend ko? Edi, winner ang sagot! Ayun pa!

Maganda rin ang naging sagot ni Alex. Oo! Kasali din siya sa TOP 5.

Para akong shungang kinikilig dito sa gilid. Pinagtitinginan na nga ako ng waiter e! Haha! Pabayaan niyo na kasi ako. Kinikilig ako. Ang galing galing kasi ng boyfriend ko! Ehhhh! Napatigil ako sa pagkakakilig nung biglang dumaan si Nerd sa harap ko at inirapan ako.

"Aba!" Susugudin ko sana siya pero pinili kong wag kasi may kasama siyang ibang BSBA. Jusko. I don't belong here! Ayos sana kung andito si Bebs di ba? Psh! Papalagpasin nalang.

Besides, di naman niya ako sinumbong eh.

*

Pinanuod lang namin si Gatorade na naghihilamos sa tapat ng lababo. Ang ganda ni Gatorade! Akalain mo 'yun ang galing magmake up ng bebs ko? Lah! Dapat pala sa kanya ako nagpapamake up e!

"Iba na ang titingnan mo. Aww." napaling naman ang mukha ko kay Marcus. Nakalalumbaba siya sa lamesa habang naka-pout. Oh, I can silver dusts again.

"Naks! Selos si Love! Naman e. Kaya ko bang paltan ang isang New Faces of CBA 20xx? No way! Hinding hindi no!" Ngumiti ako ng bonggang bongga habang pinipisil ang pisngi ni Love. Humarap naman siya sakin at nagpacute sa harap ko.

Ang sarap niyang titigan!

"Oh sige na. Siya ng panalo." Nag-belat lang si Marcus kay Gatorade saka humarap sakin. "Sino sino bang nanalo?"

"Basta ang alam ko, taga accountancy yung winner at 1st runner up sa female. Tas Business Ad sa 2nd runner up. Di ko na tanda yung 3rd at 4th." sabi ko kay Gatorade.

"Tapos 1st runner up si Alex, 2nd si Geoff, 3rd si Mike tas di ko na kilala 'yung 4th." Dagdag naman ni Love. Ang galing ni Alex. Kung sabagay, sila naman kasi talaga ni love ang pansinin nung pageant.

Tumango tango lang si Gatorade saka umupo sa tapat namin sa dining. Binatukan niya si Ancis sa tabi niya. Tutok na tutok kasi sa paglalaro ng Zombie Tsunami sa iPad ko. Tss. Di ko nga mahiram e. Tuwang tuwa sa paglalaro.

"Wala ka bang balak maghilamos?" Tanong ni Gatorade sa kanya. Parang wala lang sa kanya 'yung batok kanina. Tumingin siya kay Gatorade saka umiling at bumalik sa iPad.

"Ang ganda ganda ko kaya!"

"Nakakarumi ka."

"Just leave us, me and this iPad, alone! Ble!" At yun di na ulit makausap si Ancis.

"Teka nga, okay na ba si bebs?" Bigla kong naalala si Gab. Kawawa naman ng best friend ko. Kung anong pinapainom kasi ni Francis! At ewan ko ba dito kay Gatorade basta nalang pinainom kay Gab yun ng walang tanong tanong.

"Yup. Mahimbing na ang tulog niya." Hinawakan ni Gatorade ang tuktok ng ulo niya at shinake ang buhok nito pero di naman nagulo. Mannerism niya ata yun.

"Sabi ni Cheska, magiging okay na siya pagkagising niya bukas." Sabi ni Francis na nakikisali na din sa usapan habang tutok na tutok pa rin sa paglalaro.

"Sana nga."

Sinamaan ng tingin ni Gatorade si Francis, at nagpout naman si Francis sa kanya. Mukha kasing highblood na highblood si Gatorade kay Ancis. Ang cute nga mainis ni Gatorade e. Parang bata. Halatang halata. Medyo namumula pa ang tenga.

"Sa iba ka na naman nakatingin."

"Love! Wag kang ganyan. Mas gwapo ka naman kay Gatorade e!"

"ASA!"

Oh sige na. Pareho na nga lang kayong gwapo.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
3.3M 41.6K 44
It has been 5 years since Kathryn left the Philippines, her friends, her life, her one and only. Now that she's back, everything has changed includin...
214K 3.6K 20
SEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now...
1M 18K 32
Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the name of LOVE... AMEN. REMINDER: STAND ALON...