Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 16

1K 44 65
By ren_esteron

Venus

I silently sighed while looking outside the window. Malalim na ang gabi at halos wala nang sasakyang nasa daan. Sigurado ako na kung hindi sasabay kay Simon ay baka mapipilitan akong maglakad o 'di kaya'y matulog sa daan. Kapag may nangyari sa akin, sana man lang konsensyahin si Sandro.

"Matagal na ba kayo?"

Napabaling ako kay Simon na biglang nagsalita. Diretso ang tingin niya sa daan at hindi na siguro nakayanan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

"Ni Sandro?" I ask like an idiot. Halata namang si Sandro ang pinag-uusapan, tinatanong ko pa. "Hindi gaano."

Umigting ang kanyang panga. Hindi ko alam kung sa anong dahilan.

"Bakit?" tanong ko ulit. "Kailangan bang may definite time para malaman mong mahal mo ang isang tao?"

"Hindi naman. You could love someone without knowing them actually."

I shifted on my seat while my lips curved into a smile. Nilingon ako ni Simon. Nagtagal ang titig sa akin at umawang ang labi. Tila ngayon lang ako nakuhang titigan ng malapitan.

He whispered something under his breath and lifted his gaze at me.

"Ikaw Simon, nagmahal ka na ba?"

I know na nagmumukha akong feeling close ngayon. Pero mas mahihiya ako kapag wala kaming topikong dalawa. Hindi ko alam pero kagaya ni Sandro magaan din ang loob ko sa kanya nang kinausap niya na ako. Pareho silang magkapatid na sobrang intimidating. Pero kapag nakausap mo na, okay naman pala.

"Oo."

"Talaga? So may girlfriend ka ngayon?"

"Sa isang tao lang ako interesado tapos ayaw pa sa akin.." he said painfully and looked at me.

Napakurap-kurap ako. Nabigla sa agaran niyang paglingon. Pero sandali lang naman iyon dahil muli na niyang ibinaling ang tingin sa daan.

"That's impossible.." I laughed drily. "Sino namang aayaw sayo?"

"Bakit? Gusto mo ba ako?"

Napatulala ako sa tanong niya. Malakas na kumalabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. "A-ano?" nagkandautal ako.

His lips twisted. "Hindi diba? Kasi si Sandro ang gusto mo. That's the point. Kahit gaano ka pa ka perpekto, kung hindi ikaw ang pinili ng taong mahal mo, wala rin."

Oh. So may mahal nang iba ang babaeng gusto niya? Nakakalungkot naman. I don't know how it feels when someone doesn't feel the same way about you but maybe it's really painful. Maswerte nalang iyong mga minahal pabalik ng taong pinili nilang gustuhin.

Araw-araw may nasasaktan dahil sa pag-ibig. Pero parte iyon sa alon ng buhay natin. Katulad ng isang alon na hahampas sa dalampasigan at aalis, ang problema ay lilipas din.

"You could find someone better though." ngumuso ako.

Simon just stared at me. Hindi na nagsalita pa. Maybe he doesn't really like to talk. Nakikita ko na hindi siya madalas na nakikipaghalubilo sa mga tao kagaya ng mga kapatid niya. Parang lowkey lang siya. Iyong tipong masira man image niya, wala siyang pakialam.

Hinatid niya ako hanggang sa labasan dahil nandoon si Miko at naghihintay sa akin. Pagkatapos magpasalamat ay umalis na din naman siya.

Maybe I was just being judgmental noong sinabi kong suplado siya? Mabait naman pala si Simon kapag nakausap mo na.

Nakatulog kaagad ako pagkarating ng bahay. Nang magising kinabukasan ay mayroon akong 12 missed calls at 3 unread messages mula kay Sandro. Umismid ako habang kinukuha ang cellphone. Binuksan ang mensahe niya.

Sandro:

Venus? Are you home?

Sandro:

I'm sorry. There's an emergency. Hindi kita natext kanina dahil nalowbat ang phone ko.

Sandro:

I'll make it up to you. I'm really really sorry. I love you.

Napanguso ako. Pinipigilan ang sariling maglupasay sa kilig dahil sa texts niya. Ang rupok mo talaga, Venus! Dapat ay galit ka! Isang I love you lang wala na kaagad ang galit mo?

Tumayo ako at tinatamad na tumungo sa lababo. Linggo ngayon at wala akong pupuntahan. Nasanay kasi akong kasama si Sandro sa araw na ito. Pero mukhang busy siya mula kagabi ay ayoko nang istorbohin pa.

Nagluto ako ng almusal at naglinis ng bahay. Maliit lang naman ang bahay ko kaya hindi mahirap linisin. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang marinig na may kumatok.

Isinandal ko ang walis sa haligi at tinungo ang pintuan. Ang mama ni Miko ay kumakatok talaga at hindi sumisigaw kapag pupunta sa bahay. Ang sabi niya ay ano ang silbi ng pintuan kung hindi gagamitin.

Habang papunta sa pintuan ay sinikop ko ang buhok at ginawang pusod. Tumutulo ang pawis ko sa noo dahil sa pagod. Ang suot ay isang puting sando at itim na dolphin shorts. Nasa bahay lang naman ako kaya walang problema.

Napaawang ang labi ko nang sa pagbukas ng pintuan ay mukha kaagad ni Sandro ang nakita ko. Pinigilan niya ang ginawa kong pagsara sanang muli sa pinto at mabilis na pumasok sa bahay.

"Ven.." he said gently.

His eyes sensually grazed my body. Umigting ang kanyang panga nang tumigil ang titig niya sa mga binti ko.

My nostrils were attacked by his strong manly scent. Napasinghap ako. Parehong sa pabango at paraan ng pagsasalita niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" iritado kong sinabi at tinalikuran siya.

Iniwan kong nakabukas ang pintuan at narinig kong isinarado niya iyon bago sumunod sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis nang hindi na nililingon man lang si Sandro. Ngayong nakita ko siya ay bumangon ulit ang inis ko sa kanya.

"I'm sorry. Nasa bahay kami ni Vice Governor kagabi nang may pamilyang lumapit para humingi ng tulong. I can't refused, Ven. Alam mo naman na--"

"Alam ko na trabaho mo iyon. Ayos lang sa akin." malamig kong usal.

Nang natapos ko ang pagwawalis sa sahig ay binalikan ko si Sandro na nasa sofa. Isang white polo at black slacks ang suot niya ngayon. Sigurado akong may lakad siya.

Tumayo ako at humalukipkip sa harapan niya.

"Pero sana nag text ka o tumawag. Hindi 'yong pinaghintay mo ako sa wala."

"I'm really sorry. Na lowbat ako. Nangangailangan ng tulong ang tao at naroon ako kaya hindi pweding hindi ako tumulong."

I nodded. "Sigurado ka? Hindi ba dahil kasama mo si Calli? O 'di kaya'y ibang babae? Baka lumalandi ka sa iba?"

His brows knitted in a frown. Mariin niya akong tinitigan na tila nananantiya. I remained passive. Humilig siya sa sofa at ang isang paa ay ipinatong sa tuhod.

"Did you really think I had that in mind? Unang pagkikita palang natin ay binihag mo na nang husto ang puso ko. Paano pa ako titingin sa iba?"

Umismid ako. Humalakhak siya. Akala niya naman madadaan niya ako sa mga bola niya.

"Mabuti na lang at hinatid ako ni Simon."

Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay at nag-igting ang bagang. "Simon? Bakit kayo nagkitang dalawa?"

Ngumisi ako. Lalong- lalo na nang makita ang iritasyon niya sa sinabi ko. "Bakit? Hindi pwedi?"

I have heard from Samantha that Sandro and Simon are not really that close. Kapag nasa iisang lugar sila ay matindi ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Walang nakakaalam ng dahilan pero hinuha ni Sam ay dahil sa pagiging panganay ni Sandro, paborito ng Papa at Lola niya.

I find it ridiculous! That's so childish. Hindi na naman sila mga bata pa para magselos sa mga ganung bagay.

"You still haven't answer my question.." aniya sa tonong nagbabanta at umahon mula sa pagkakaupo. Napawi ang ngiti ko nang makita siyang humahakbang palapit sa akin.

"Uh. Nagkita lang kami."

"Hindi mo sinabi sa akin."

"Hindi ka rin naman nag text sa akin!" nanggigilalas kong wika.

Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?

He looked at me with his calm and gentle gaze

Sa dalawang hakbang ay nagawa niyang tawirin ang distansiya sa pagitan namin. Sobrang bilis na hindi ako nabigyan ng pagkakataong umatras bago niya nahawakan ang siko ko.

Napasinghap ako. Naiinis sa kanya at sa sarili. Kahit na galit ay may ipinupukaw pa rin siyang ibang damdamin sa akin. Damdamin na sa kanya ko lang nararamdaman. The gentleness in his eyes makes me want to forget everything. Everything that Calli told me.

Napatigil ako sa isipang iyon. If you love someone, you need to be honest with them. Gusto kong sabihin ang lahat kay Sandro, gusto kong itanong kung nagiging pabigat ba ako sa kanya. Pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Pagkakataon ang nagpigil sa akin nang itinaas ni Sandro ang isang kamay at inabot ang batok ko. Marahan niya akong hinapit palapit sa kanya at itiningala.

"I'll make it up to you today. I'm really sorry, Ven."

His eyes are bloodshot. May ilang hibla ng buhok na nahuhulog sa kanyang noo. Mukha siyang walang sapat na tulog kagabi. My heart ache upon thinking that he was torn between me and his work.

"Calli talked to me yesterday." sa wakas ay naisatinig ko ang isipin kanina pa.

"Calli? Bakit ka niya kakausapin?"

"Uhm." I bit my lips, contemplating wether to tell him or not. "She's worried about you. Napag-iiwanan mo ang trabaho mo dahil sa akin. Nagiging distraction ba ako sa'yo?"

"You are not a distraction." he whispered slowly.

"Pero dapat unahin mo ang trabaho mo! Calli told me everything. Marami kang dinecline na offers mula sa Papa mo. Sandro ayokong maging dahilan ng kasiraan mo sa iyong ama.."

"Hindi ka nga nakakasira sa trabaho ko, Ven. Sa totoo lang, ikaw ang inspirasyon ko. May mga araw na pagod na pagod ako at gusto ko nang magpahinga, iniisip lang kita para ganahan ako."

I lifted my face to stared at him. I caught a glimpse of the raging desire in his eyes while looking intently at me.

I went silent. My heart's hammering wildly that it's hurting me so much. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib sa magkakahalong damdamin.

Kapag ibinigay mo ang buong tiwala sa isang tao, binigyan mo na rin siya ng karapatan upang saktan ka ng husto. At iyon ang nangyayari ngayon. Habang tumatagal ay mas lalong nananaig ang tiwala ko kay Sandro at sa mga salita niyang mahal niya ako.

Natatakot akong mahulog ng husto at hindi na muli pang makabangon. Ito na ba ang sinasabi ni Mama sa akin na kapag nagmahal ako ay kailangang tumira para sa sarili?

"Pero sinabi ni Calli sa akin na babawiin nila ang suporta sa'yo kapag hindi kita lalayuan. S-she's getting desperate and obsessed for your love!"

His muscles tensed in aggression. Nakikita ko mula sa mga mata niya ang galit na pilit pinipigilan. "No one could decide for me." matabang niyang sinabi.

Bumagsak ang mga balikat ko, umawang ang labi. Iyon lang ba ang masasabi niya? Is he not worried?

"Aren't you worried?" I whispered.

Bahagya kong inilayo ang mukha nang mapagtantong sobrang lapit niya na sa akin. Ang thumbfinger niya ay naglalaro sa leeg ko.

"I'm only worried about you, Venus." he whispered near my ear.

Nahigit ko ang hininga nang itinagilid niya ang ulo at umakmang hahalikan ako. Pero kusa siyang napatigil nang magkatitigan kaming dalawa.

"Venus.." he whispered breathily, he was asking for permission.

I slowly nodded. There, he sealed my lips with a kiss. Ang isang kamay niya ay dumausdos mula sa aking batok patungo sa baywang at pababa sa hita ko. He pulled the hem of my shorts a little bit lower. Kahit na wala na namang maibababa pa ito. Hanggang hita ko lang talaga.

Siguro'y napansin niya rin na masyadong maikli ang shorts ko?

I couldn't help but to closed my eyes and parted my lips to kissed him back. A warm gush of emotion filled me up as he kissed me gently, thoroughly, and masterfully.

"Sandro, tang-ina naman-- oh sht!"

Naitulak ko si Sandro palayo nang marinig ang boses na iyon kasunod ng pagbukas sa pintuan. Naitikom ko ang bibig at halos mangamatis ang mukha sa matinding kahihiyan.

Tumingala si Gov nang binalingan namin siya. Nagkunyaring walang nakita at itinuro ang bubong ng bahay. "Ano 'to, kisame?"

Patingalang umirap ako.

"Hindi ka ba marunong kumatok, Gov?" Sandro frustratedly groaned. "Nakakainis ka naman."

"Pasensiya na. Ang tagal mo kasi kaya pumasok nalang ako. Pasensiya kung naistorbo ko kayo." ngumisi ito at humakbang palapit sa amin. Nang mapunta ang titig sa akin ay tila nanunuya.

Sandro turned to me. Binalingan ko rin siya. Itinaas niya ang kamay upang haplusin ang pisngi ko gamit ang kanyang hintuturo. "Magbihis ka. May pupuntahan tayo."

Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 918 85
Lorin Emmanuelle Mendoza is a young lady from Mindanao who happens to challenge herself to come out from her comfort zone and explore the big city. S...
2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
99.5K 1.4K 11
*THIS IS DISCONTINUED* I'll never be working on this again and it will never be updated I had things I would have done but I do not want to do this a...
2.4K 232 43
COMPLETED || √ || Available on Novelah written since Oct 13,2021 end since February 2,2022 ©All Rights Reserve