Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 13

932 39 17
By ren_esteron

Venus

"I know you did everything on your own, Sands. Pero hindi ibig sabihin na kahit girlfriend mo ay ililihim mo na sa amin.."

I silently drummed my fingers on my lap. Kinakabahan ako. Magkatabi kami ngayon ni Sandro sa mahabang settee habang kaharap namin ang Mama niya na nakaupo sa single sofa na nasa harapan namin.

Magkakrus ang parehong braso at mga paa niya. Taas noong tinititigan kami.

Attorney Riza Marcos is a highly respected lawyer in the country. Just like Simon, she is a very private person. Narinig ko noon na kung maaari ay ayaw niyang pasukin ng mga anak ang mundo na kinalakihan ni Sir Dom. Pero mukhang si Sandro ay pursigido talagang sumunod sa mga yapak ng ama.

"Ma I told you, she's not yet my girlfriend.." ani Sandro.

"Oh stop giving me that excuses, Ferdinand Alexander. Yung Lolo mo ilang araw lang nakilala ang Lola Hilds mo ay agad nang pinakasalan. Baka naman ikinasal na kayong dalawa nang hindi ko alam?"

Namilog ang mga mata ko. "Naku, hindi po!" wika ko na sinamahan pa ng pagwasiwas sa aking mga palad.

"What? No. Pormal akong nanliligaw sa kanya."

"Pormal? Niligawan mo ba ang pamilya niya? Pormal ka bang pumunta sa bahay nila?"

Gumuhit kaagad ang matinding sakit sa puso ko. Binalingan ako ni Sandro at kita ko ang lungkot sa mga mata niya nang magkatitigan kami. He reached for my hand and gently squeezed it. Like telling me that everything's going to be fine.

"Wala nang mga magulang si Venus, ma.."

Attorney Riza turned to me. She looks strict but there's this certain amusement in her eyes when she stared at me.

"I'm sorry. I'm just making sure na nagseseryoso itong anak ko.."

"Seryoso ako kay Venus, ma. Siya yung babaeng dapat pinaghihirapan at talagang ihaharap sa altar."

My lips protruded while looking at Sandro. Palihim ko siyang siniko sa tagiliran dahil sa mga biglaang banat. Tumaas din ang sulok ng labi niya na nagbabadya ng isang ngiti.

Bolero nito, sa harap pa ng Mama niya.

Napalingon ako nang marinig ang mga tawa ni Atty. Riza. Ang gaan gaan niyang tingnan kapag tumatawa.

"Ang mga banat mo, gayang gaya sa paps mo! Talagang may pinagmanahan ang sandro ko." Tumayo ito at lumapit sa akin. Inokyupa ang space sa kabilang side ko. "Venus, iha. Tell me more about yourself. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang girlfriend na naipakilala sa akin? Si Vinny masyadong babaero, si Simon naman focus sa business niya! Then Sandro, nitong mga nakaraang buwan ay akala ko puro pamomolitika ang inaatupag."

Sandro prepared for our lunch. Naiwan kaming dalawa ni Attorney sa sala na nagkekwentuhan. She told me stories about Sandro and his brothers. In return, I tell her my stories too.

"How about your father?" malungkot niyang tanong pagkatapos kong ikwento ang tungkol sa inay ko.

"Hindi ko na po siya naabutan. Ang sabi ni inay namatay si Papa hindi pa man ako naipapanganak."

"It's okay, Iha. You could always visit me at home if you needed someone to talk to. We're going to be family now."

Ngumiti ako. Nahihiya sa kabaitan niya. Hindi pa ako girlfriend ni Sandro pero tila sigurado siya na kami ang magkakatuluyan. She doesn't even care if I am from the slums.

"I admire you for being so strong and independent. Kagaya mo si Sandro. Hewas just 9 when he was sent to London by his father. There, he planned his own life, he decided what he was going to do, where he was going to go, what he was going to study. Everything that he owned right now, he earned it by himself."

"Hindi po si Sandro ang tipo ng tao na maaaring diktahan ng kahit na sino."

"You're right. He have done everything on his own and I'm glad he had turned out to be a young man of character, honesty, and intelligence."

It makes me both proud and sad seeing Atty. Riza talks about Sandro. She's really really proud of her eldest. At nalulungkot akong baka ako ang maging dahilan ng kasiraan niya. Ayokong dumating ang araw na iyon.

I almost jumped on my seat when she held my arms. Banayad niya itong pinisil bago ipinatong ang ulo sa balikat ko, tila ako niyayakap. She's just like Sandro. Masyadong clingy.

"Venus, you take care of Sandro, okay? Unang beses ko siyang nakita na maging ganito sa isang babae. Alam mo ba dati, kahit na maraming nagpapapansin diyan, ni isa walang binibigyan ng atensiyon!"

I laughed. "Iyon nga po ang iniisip ko. Marami namang magandang babae sa paligid."

"Bakit? Maganda ka naman, iha. I really like your smoky eyes. Simple ang datingan mo. Walang halong kemikal. Alam mo, you need to meet Dom. Aasarin nun ang panganay niya kapag nalaman na mayroong pinopormahan.."

Natigil lang ang usapan namin nang tinawag ni Sandro dahil kakain na. The day went well. Mas nakilala ko si Sandro at ang mama niya. Mas nakilala rin nila akong dalawa.

Masaya ako. Lalong- lalo na't binibigyan ako ni Sandro ng pagkakataong mas makilala pa siya. Ni hindi niya ako minamadali. Maliban sa medyo clingy siya ay wala nang binabanggit sa akin patungkol sa panliligaw niya.

Pumunta ng Maynila si Sandro para tulungan ang Papa niya sa pangangampanya. Naging abala naman ako sa pagtatrabaho at sa aking field study. Tuwing gabi, bago matulog ay tumatawag si Sandro para tanungin kung kamusta ang araw ko. Pagkagising ko naman sa umaga, text niya ang bumubungad sa akin.

Naaawa nga ako sa kanya dahil sa tingin ko'y nag-aadjust siya ng oras para sa akin. Pagod siya buong araw tapos hinihintay pa ang out ko para matawagan ako at maka-usap.

"Siguro'y taga rito rin ang kumuha niyan.." ani Gracia habang dinudungaw din ang cellphone.

Kanina sa eskwelahan, nagulat ako dahil halos taong madadaanan ko ay pinagtitinginan ako. Kahit nang makapasok na sa resto. Akala ko'y normal lang o sadyang may mali sa mukha ko dahilan nang kanilang pagtitig. Pero nang ipakita sa akin ni Gracia ang isang video na nakuha niya mula sa tiktok ay nanlumo ako.

It was me and Sandro. Picture naming magkasama noon sa mangrove restaurant, dito sa counter, at sa eskwelahan. Hindi ko alam kung papaano nakuha ang mga litratong iyan.

"I think this is Sandro's girlfriend. Kuha 'to ng friend kong taga tabacalera and staff si girl sa isang resto." That's the caption of the video.

A lot of girls are attacking me on the comments section. They are so furious. Hindi ko alam ang dahilan ng galit nila gayong hinahangaan lang naman nila si Sandro.

And just to be clear, he is a politician, not an idol. They should stop fantasizing about him and quit acting that they were all his girlfriends!

Maganda pero ayoko, mas gusto ko si Alexa.

What? I am expecting Sandro to be with a famous personality! Kisses Delavin, Ara San Agustin, that's what I want for him! Sino itong mapapel na ito?

Panget mo, girl.

May manika at karayom ako dito. Ano guys? Simulan na natin?

Ibinaba ko ang cellphone. Ayaw nang basahin pa ang ibang mga hate comments. Jusko, sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi nila! Marami rin ang nagpa- private message sa akin sa mga social media accounts ko. Naiinis nga ako dahil hindi makapag chat ng maayos sa mga kakilala ko. Sa huli'y nag deactivate nalang ako sa facebook at instagram. Sa tiktok, kung saan mas sikat si Sandro ay hindi na ako nagtangka pang tumingin.

"Nakakainis sila, Grace.." nanggigigil kong wika. Humilig ako sa counter at nilamukos ang tissue na hawak- hawak. Doon ko ibinuhos ang iritasyon. "Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, ah?"

"Shh.." lumapit si Gracia at hinagod ang likod ko. "Inggit lang ang mga 'yan. Isang sikat na society personality si Sandro. Mula noon ay walang pinakilalang girlfriend."

"Pakiramdam ko ngayon kada galaw ko ay maiilang ako sa pangambang may camera sa paligid ko. Isang galaw, maaari akong husgahan."

"That's just normal. Your privacy will be put at stake. People will keep stalking you because you are Sandro Marcos' girlfriend.."

Napailing ako. Itinuko ang siko sa counter at hinilot ang sentido. I am not yet his girlfriend. At ito ang kinatatakutan ko sa lahat. Ang maging kami ni Sandro na wala akong maipagmamalaki sa mga humahanga sa kanya. Na isang hamak na estudyante at staff sa resto lang ang girlfriend ng isang Sandro Marcos?

"Malanding haliparot. Gustong umangat sa putik na kinalalagyan kaya ginagamit ang mga mayayaman."

Nanlaki ang mga mata ko. Dalawang babae ang dumaan sa counter at nakatingin sa akin. Sigurado akong ako ang pinariringgan nila dahil sa akin naka direkta ang kanilang mga titig.

Halos umawang ang labi ko habang sinusundan sila ng tingin papunta sa likod.

Bakit? Kilala ba nila ako? Hindi naman, dba?!

Tinawagan ako ni Sandro pagkatapos ng trabaho ko. Ikinwento ko kaagad sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi ko alam na sa sobrang iritasyon ay tumutulo na ang mga luha ko.

Hindi lang ako sanay na may mga taong nang-aaway sa akin. Lumaki akong iwas sa mga iyon kaya nakakapanibago ngayon.

"I'm sorry, Ven.." Sandro's soft voice is very comforting. Wala man siya sa tabi ko ay pakiramdam ko narito pa rin siya. "I'll handle it, okay?"

"Hindi ba pweding i deny mo sa kanila? Sabihin mong magkaibigan tayo o 'di kaya'y trabahante mo ako?"

He went silent for a moment. Pati ako ay natahimik rin sa sinabi. Ilang beses kong pinag-isipan ito kanina. Siguro tila isang panaginip na mapansin ng isang Sandro Marcos. But no, it always comes with a great price. At ito ang pagbabayaran ko, aatakihin ako ng mga fans niyang feeling girlfriend. Maaapektuhan ang trabaho ko, ang pag-aaral ko.

"Is that what you want?" namamaos niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi. Mariing pinikit ang mga mata. "Yes.

"Binabasted mo na ba ako?"

"What? No.." Napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. Gusto kong tumawa. Yung boses niya ay tila nagtatampo. "I just want you to deny it on public. Ayoko lang na pag piyestahan."

"I'm sorry, Ven." he deeply sighed. "I'm sorry that I have to dragged you into this."

Ngumiti ako. "I respect your decisions, Sandro. Naiintindihan ko na 'yan ang buhay na pinili mo. No. You were destined to be that way. You were born a Marcos and you are supposed stand out."

His family name alone is enough to make a commotion.

"I'll make a way. Hindi ka na nila gagambalain pa."

The next day, I was bombarded by different messages from Gracia. Nag send ng link na kaagad kong inopen.

It was a post from Alexa Miro, a rising young personality in the showbiz industry. Pero hindi ang post niya ang nagpaagaw ng atensiyon ko kung hindi ang nasa top comments.

sandromarcos7

Ang ganda mo

Napataas ang kilay ko. Alexa mentioned him and replied, "talaga ba?".

Pinagpiyestahan kaagad iyon ng mga fans ni Sandro. May mga hate comments pero mas marami ang natuwa.

Halos panggigilan ko tuloy ang cellphone ko. Ediwaw! Siya na ang maganda, siya na ang mayaman! Kung makahusga kayo sa akin para namang ang perfect ninyo!

Maganda! I sneered at the thought.

Nasa kalagitnaan ako ng iritasyon nang mag text sa akin si Sandro.

Sandro:

Good morning, Venus.

I ignored his message and just proceed with my morning routine. Kahit na narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko ay hindi ko na iyon pinansin pa.

And ganda mo pala ha. Bahala ka sa buhay mo.

Continue Reading

You'll Also Like

680K 33.6K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, a powerful d...
881K 40.9K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
1.5K 955 21
"Love is a tragedy. I'd rather be alone than in love." - Agatha "There is such a thing as love. And I believe in forever, fate, and the right time fo...
290 100 22
Ito ay para lamang sa mga interesadong mag basa ng sariling gawa ko ng Tula, libre lamang ang pag babasa kaya basahin mo na malay mo wala talagang pa...