The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

28. Keepers Olympics

74.3K 2.7K 218
By iamrurumonster

ALVIS

Nagkukwentuhan kami ng kapwa ko initiates nang marinig ko ang pangalan ko kasama na sina Lara. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Mukhang nakakapagtaka ang biglaang pagdalo ng mga Holoma sa Keeepers Olympics. Pagkakaalam ko'y hindi dumadalo ang mga ito kahit noong mga nakaraang taon pa. Nakakagulat din ang hindi pagsipot ng mga miyembro ng ikalimang grupo.

Isang malaking prebelihiyo ang makasali sa naturang Olympics at walang magtatangkang hindi ito siputin ng kung sinuman. Ang pagkapanalo sa olympics ang magbibigay sa koponan ng prebelihiyo para makapagtraining at makilala ang iba pang legendary keepers sa buongs Cairos at sa iba pang bansa. Magkakaroon special access ang winning group sa mga lugar na restricted lamang para sa mga graduate ng academy o mga journey keepers. Plus, every member of the winning group will be promoted. Ang mga novice ay napopromote into apprentice and the like, they call it one level up. Kaya imposibleng hindi nila ito siputin. Ang pinakanakapagtataka sa lahat ay ang pagsali sa aming lima na kasalukuyang pinaiimbestigahan ng kapitolyo dahil na rin sa mga nangyari sa Garon. Kagabi ko pa napaghahalataan ang masyadong involvement ni Prince Kaiser sa anniversary ng academy.

Nang maghiyawan ang mga tao ay dagli akong napatayo. Narinig ko pa ang pagchicheer ng mga kasama. Agad kong pinuntahan sina Lara na mukhang nagulat din sa naging desisyon ng council. All eyes were on us as we walked towards the center of the oval completing the five groups for the olympics.

"Something is not right." I declared.

"Ruuuuruuu!" Ruru was shaking as well. Tila may nararamdaman itong panganib. Napansin na rin namin habang tumatagal at lumalaki ang cyfrin ay mas lumalakas at nagiging hightened ang senses nito.

"Something is not really right. This is about what happened at Garon. Pakiramdam ko'y isa ito sa paraan nila ng pag-iimbestiga." Laurent wore his leather gloves getting ready for the challenges.

"Kapag may nangyari saakin sa olympics na 'to, Lara please take good care of my crown."

"We have no choice. Let's win this." Mukhang handa na si Laurent. Hindi na ito nagtanong pa kung bakit kami ang pinili.

Kunsabagay wala naman talaga kaming magagawa. Mga bilanggo kami sa isang desisyong ginawa para saamin.

"Lara, just stay normal okay? Kung kinakailangang gumamit ka ng kapangyarihan, take controll. We'll be fine. Okay?" I encouraged Lara. She needed comfort, I guess.

Tumango lang ito. Nahalata kong tila kabado ito sa posibleng mangyari lalo na't nakamasid ang mga Holoma at ang council. This is their way of testing the water. The five of us knew that it was not just a game. It was one of their plans of knowing who we are and why did we survive the rage of Garon Forest.

Nang isa-isahin ko ang mga kalahok sa olympics ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Most of them are the highly skilled and recognized keepers of the academy. Majority are initiates. Mukhang mahihirapan kaming manalo dahil kung sa pabilisan, palakasan at patalinuhan ay napag-iiwanan kami. I am the only initiate of the team. We have one apprentice and that is Silex and three novice keepers. Pero sa mga ipinamalas nina Amber at Lara sa mga nagdaang araw ay hindi lang sila pangkaraniwang novice keepers.

Surviving the straight path during the academy entry test, surviving Garon Forest two times and defeating bounty hunters at the mystic forest are things that were considerably amazing. Isama pa ang training ni Amber with the master of spell and potion at ang natatagong lakas ni Lara. Laurent is never a novice for me. Parang bago pa ito pumasok sa academy ay dati na itong mercenary keeper o kabilang sa isang guild. We are a great team.

"Okay, keepers. May anim na stage sa palarong ito. Ang unang stage ay ang..." The host went on. His voice echoed.

Ni wala na akong narinig sa nga sinabi nito dahil sa pagpaplano sa mga kailangan naming gawin. Alam ko ang stations ng olympics kaya kailangan ng game plan. We need a game plan.

"Ako sa station one." Silex volunteered. Silex knows his strenght. Siya bilang isang earth keeper ang pinakamalakas sa amin specially if he transforms into a strong shape.

I coudn't agree more.

"Station two ako." I waited for them to agree. Hindi naman ako nabigo. Alam kong sa aming lima ay ako ang pinakamabilis.

The third station went to Amber. She's our walking book. I mean talking and walking book. Ang pang apat naman ay kay Lara. Samantalang ang panglima ay kay Laurent -ang battlefield ang isa sa pinakamapanganib na stations kung saan papasok ito sa isang dimensional projector para harapin ang isandaang ghost warriors.

Ang panghuli, sana makarating pa kami sa panghuling station. Tatlong team lang kasi ang makakapasok sa panghuling stage. Pagkatapos ng limang stage ay bibilangin ang puntos na nagawa ng bawat koponan saka iraranggo ang mga ito. Ang unang tatlong team na may pinakamataas na nakuhang puntos mula sa limang stations ang sasakay sa isang flying carpet para huliin ang buntot ng Gemini.

Hiyawan ang mga tao. Bumalik sa field ang aking diwa. Biglang gumalaw ang lupang kinalalagyan namin. Bawat team ay nasa isang parisukat na lupang gumagalaw patungong dulo ng open field. Hudyat yun na magsisimula na ang paligsahan. Ilang segundo pa ang lumipas ay nakahilera na ang limang koponan na nasa dulo ng open field. Limampung metro ang pagitan ng bawat grupo. Nasa isang projected dimension kami. Sa isang iglap ay nagbago ang kapaligiran. Nawala ang mga tao sa arena. Kaming lima na lang ang nasa kalagitnaan ng lupang nababalot ng yelo.

"Station one!" Sigaw ng isang boses mula sa kalangitan.

Pagkatapos ng mga limang segundo ay biglang umangat mula sa lupa ang bloke ng mga yelo. Pinaligiran kami ng mga pader na gawa sa yelo.

"We're trapped!" Sigaw ni Lara na nilalamig habang yakap si ruru.

"Silex!" Sigaw ko. Agad namang tumango si Silex. Magpapalit anyo ito. Gaya ng dati, nagkapunit-punit ang suot nito. Una'y naging isa itong dambuhalang elepante na may metallic shield sa ulo at apat na paa. Sinubukan niyang gibain ang pader pero hindi ito umubra sa tatlong hampas.

"Oh my..." hindi na naituloy ni Amber ang sasabihin. Hindi nagtagumpay si Silex sa unang anyo nito.

Bumalik sa pagiging anyong tao si Silex. We all looked away from him. Mga sampung segundong patay malisyang umiwas kami nang tingin. Nang muli ko itong lingunin ay nasa anyong toro na ito. Mas malaki sa ordinaryong bull. May gintong baluti si Silex na anyong toro na may ginintuang sungay. He appeared most likely to be a golden bull. We were amazed. Habang tumatagal ay mas lalo nitong namamaster ang kanyang kapangyarihan. O baka ayaw nitong masapawan kay Kaiser na dumidikit kay Amber lately kaya mas pinagbubuti niya ang ginagawa. Lihim akong napangiti sa ideya. I wished Silex is motivated that much to break this wall.

Bumwelo si Silex na nasa anyong golden metallic bull. Umatras kami para mabigyan siya ng sapat na espasyo. Kumumpas ang kanang harap na paa nito bago mabilid na tumakbo. It created a resounding clash of his feet and the breaking ice. Napakalakas ng impact ng pagbangga ng ulo ni Silex sa nagyeyelong pader. Nagdulot yun ng napakalakas na bouncing wave.

We were chilling and shocked nang mapagtanto naming hindi nagiba ng bull ang yelo.

"Oh shit!" Ani Laurent.

Then, after a moment umiikot-ikot patakbo ang bull para bumwelo uli. It ran ang tried to crush the wall.

Blaaaaahhhg!

The impact was like two colliding rocks. Gumawa iyon ng nakakabinging ingay.

It hit the wall multiple times. Napakalakas pa nung huli nitong pagbangga sa yelo bago bumalik sa naglulupasay na Silex ang golden bull. Duguan ang mga braso nito. Dumudugo din ang noo nito.

"Oh gosh Silex!!!" Sa basag na tinig ni Amber. Awtomatiko namang sinaklolohan nito ni Amber. Dala nito ang kulay asul na body bag na nabalitaan kong niregalo sa kanya ni Mistress Fhaun kagabi dahil sa pagkakapanalo nito. May kung anong dinukot ito sa maliit na bag na yun at nilabas ang isang leather coat na kulay itim.

"Huh? Panong nagkasya ang gamit na yun dun?" Takang tanong ni Lara.

Nang makabihis si Silex ay agad namin itong nilapitan. Nanghihina parin ang lalaki at mukhang malala ang mga sugat na natamo nito. Putok ang mga labi, namamaga ang mukha, may malaking hiwa sa magkabilaang braso at naliligo ng dugo.

"Lara." Amber asked for helped. Inalalayan siya ni Lara habang ginagamot ang lalaki.

"This is the poku isang universal pocket na niregalo ni Mistress Fhaun. It's more convenient dahil hindi ko na kailangang magdala ng maleta kapag may lakad tayo. It's the one million in one pocket as Fhaun calls it." Pagpapaliwanag ni Amber habang may dinudukot sa blue bag.

Sa wakas ay nahanap na rin nito ang nais kunin. Naglabas ito ng isang maliit na bote na may lamang kulay dilaw na likido. Marahil ay isang healing potion.

"This bag is linked with the keep I possess. Sabi ni Fhaun nasa gunagamit nito ang limitasyon ng bag. Here... Silex, drink this."

Inalalayan namin si Silex para inumin ang potion ni Amber. Pigil ang aking paghinga habang hinihintay na bisa ng gamot. All of us were expecting. We were not disappointed dahil ilang segundo lang ay humilom na ang sugat ni Silex na parang walang nangyari.

"Are you sure you're okay?" Alalang tanong ni Amber habang hawak nito ang kanan kamay ng lalaki.

"You're one great healer... Okay na ako. Kailangan lang madurog ko na ang pader na yan bago tayo mapag-iwanan." Pahayag ni Silex.

"A-anong balak mo?"

Bago pa nakasagot si Silex. Ay biglang may narinig kaming boses.

"Anong ginagawa niyo?" Si Mistress Fhaun na nasa tonong galit. She's inside our head again.

"Wow Mistress Fhaun level up? Group telepathic messaging?" Biro ni Amber.

"Tigilan mo ako Miss Frost kundi babawiin ko yang bag na yan. Silex, I know you can transform into something stronger. Stronger than the bull."

"Nasa limit na ako Miss Fhaun." Silex confessed.

"No. Lara can help you."

"Hah? Ako?" Nagulat naman si Lara sa sinabi ni Fhaun.

"You are a total keeper Lara. Master Uran and I have been observing your abilities since day one. You can do support effects. You can double the strenght, speed, agility, durability and power of a keeper. Remember when Miranda was healing Laurent at the Garon Forest? Hindi ba't bumilis ang healing process ni Laurent? The time you went to the mystic forest, mas dumoble ang bilis ng wagon na ginawa ni Amber. Two times faster ng inaasahan kong speed. Then when you escaped the tenebris, Alvis easily transported you to somewhere safe. Hindi rin niya inasahang magiging ganun kadali yun kasi never pa niyang ginamit before ang light breakout technique. You didn't know. I thought you might want to discover it before I tell you pero hindi ko na nahintay. You need to know right now."

"Hindi ko alam kung totoo yan Mistress Fhaun. Iniisip ko lang yung mga yun. It was not intetional." Lara was a bit shaky. Nagulat yata ito sa nalamang kakayahan.

"Tama siya Lara. Miranda is a healer pero hindi pa niya namamaster ang skill na yin. That time, the healing process doubled." Pahayag ni Laurent na kanina pa tahimik.

"She's right Lara. You've been doing it eversince." I added.

"You've been doing the support effects unconsciously Lara. The council wanted to see kung bakit kayo nakalusot sa Garon Forest. They need proof. Now you have to show them why you survived. Since hindi nakikita ninuman na may suporta kayong nanggagaling kay Lara, you will be able to show them how strong you are while hiding Lara's true keeps. Don't be afraid Lara. No keeps or magic can see what you can do except for a total keeper like you..."

"How do I do it?" Naguguluhang tanong ni Lara. Napalingon pa ito sa kinalalagyan ni Mistress Fhaun pero tila wala itong nakita kundi pader ng yelo.

"Do it like before. Do it for your friends. Do it with your heart and everything else follows."

Yun lang at nawala na sa utak namin ang boses ni Mistress Fhaun.

Ilang segundo pang katahimikan.

"Anlakas maka-book of quotes ni Mistress Fhaun." Si Amber sabay hagikgik.

"Shhh!" Heto ka na naman." Awat ni Laurent.

Tumakda si Lara. Yakap nito si ruru. Bumuntong hininga pa ito. Halatang naghahanda na ito sa gagawin.

"Go Lara. That's my girl." Amber cheered. Iniwan nito si Silex na nababalot ng leather jacket.

Silex took a deep concentration. His hands gripped on the icy rocks near him. Then, his earthly energy came out foggy green. He was covered by his own earth keeps through a smoky energy. They were overflowing. Lara was doing it. Standing there with us around her to make it appear normal to the audience. Silex was hardly breathing after a few seconds. He was choking and we were a bit worried.

Then as he screamed in pain, dark brown strands of hair grew all over his body. I saw his legs transformed into something animal-like. His hands became giant paws with silver nails. Entirely, Silex's body was covered with fur. The giant creature he became has a shield on his chest and has knuckles of combined iron and diamonds. Its head was protected with a silver foil that has linings seemingly diamonds. His eyes were blue zirconium.

"Holy gosh! Mahal ang leather jacket na yan sa dimensional market!" Narinig kong reklamo ni Amber as she witnessed the jacket torn into pieces.

Then we heard Silex roar.... "RAWWRRGH!"

"Giant war bear!" We chorused.

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
298K 21.1K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
1.5K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
8.7K 890 64
Danger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang...