The Devil's Son

By Itst4sha

852K 11.6K 3.3K

"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
DO NOT PROCEED
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
BASAHIN NIYO :)
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
I : Ang Anim na Kasalanan
II : Ang Anim na Kasalanan
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
OLD MESSAGES FROM MY READERS
UPDATE
CHAPTER FORTY-NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY-ONE
CHAPTER FIFTY-TWO
CHAPTER FIFTY-THREE
TO ALL THE TDS FANS/READER

CHAPTER FORTY

10K 216 58
By Itst4sha

[DAMON'S POV]

Ako si Daniel.

Isa akong anak nang demonyo.

Itinadhana akong maging hari nang impyerno.

Nandito ako sa mundo, pansamantala, dahil sa isang misyon.

Yun ay ang ibalik sa pagiging tao si Julia kapalit nang kaluluwa ni Kathy.

Si Kathy.

Ang babaeng naging dahilan kung bakit nakalimutan kong anak ako nang isang demonyo.

Ang dahilan kung bakit tinalikuran ko ang nakalaan na trono para sa akin.

Ang dahilan kung bakit ninais kong magtagal sa mundo - hindi bilang isang demonyo, kundi bilang isang tao.

Ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay - maging sa langit man o sa impyerno.

Pero hindi tulad nang mga fairytales - wala kaming happily ever after. Hindi umiikot ang buhay namin sa isang normal na mundo. Hindi ito umiikot sa reyalidad. Mabuti pa nga sila Edward at Bella, nakabuo pa nang isang pamilya. Hindi katulad ko - katulad namin, malabo at imposible. Dahil sa pagkakaalam ko, kahit kailan hindi maaaring magsama ang tao at ang demonyo.

Sino bang tangang tao ang isasanla ang kaluluwa sa impyerno, makasama lang niya ang taong mahal niya?

WALA.

Kung meron mang nag-iisa ... si Kathy yon.

Pero ilang beses ko naman siyang pinagsabihan di ba? Ilang beses ko namang sinabi sa kanya na huwag na huwag niyang gagawin yon. Ayokong gawin niya yon para lang sakin. Hindi magiging madali ang lahat sa impyerno kahit na kasama mo pa ang taong mahal mo. Dahil sa impyerno walang pagmamahal.

Walang awa.

Walang pagpapatawad.

Walang emosyon.

Daig mo pa ang isang ligaw na kaluluwa na walang pupuntahan.

Hopeless.

Helpless.

Ayokong maranasan ni Kathy yon. Pero dahil sa ginawa niya ... siya na ang humatol sa kamatayan niya. Sa ayaw at sa gusto niya, doon ang bagsak niya.

Kung may magagawa lang ako para maging ako ulit ang demonyo at siya ulit ang tao. Kung may magagawa lang ako para saluhin ang hapdi at kirot nang marka sa kanyang kamay. Kung may magagawa lang ako para sa kanya.

Sabi ko sa kanya, poprotektahan ko siya kahit anong mangyari pero wala naman akong nagawa. Hindi ko pa rin siya nagawang iligtas. Nagtagumpay pa rin ang aking ama.

Ngayon ... hawak na niya ang kaluluwa ni Kathryn.

Wala na akong magagawa pa don. WALA NA.

Dahil ang isang demonyong naging tao katulad ko ay hindi na maaari pang maging demonyo kahit kailan. At ang katulad ni Kathh na isang tao na isinanla ang kaluluwa sa impyerno ay hindi na maaaring mabawi pa.

Hinding-hindi na.

"Master ..." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na yon.

"K-kurt?"

Hindi ko napigilang hindi siya yakapin. Kahit hindi kami masyadong nagkasundo ni Kurt noong unang araw na inatasan siyang maging alipin ko ... maituturing ko siyang isa sa aking pinakamatalik na kaibigan. Dahil noong mga panahong nangangapa pa ako sa mundo, inalalayan niya ako.

Lalo na nung kailangan kong tuparin ang misyon ko.

Hindi niya ako pinabayaan.

At dumating na sa point na sinuway ko ang utos nang aking ama. Ginawa pa rin niya ang lahat para protektahan ako.

Ibang klaseng demonyo.

Marunong magpahalaga.

Marunong umintindi.

"Damn! Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa ba obvious Master? Kahit ikaw sa sarili mo, alam mo kung bakit."

"Ha? Hindi ko alam. Hindi kita maintindihan."

"Totoo nga. Kapag isa kang tao, daig mo pa ang isang musmos na bata. Walang alam. Mahina ang utak para maintindihan ang lahat. Ang mga bagay-bagay sa paligid mo. Parang ikaw ngayon Master."

Natigilan ako.

Isa na nga pala akong tao.

Bakit ko nga ba palaging nakakalimutan iyon?

"Tss! Tigilan mo nga yang pagiging misteryoso mo! Bakit nga ngayon ka lang nagpakita sakin?"

"Mahina ka na talaga Master." Ngumiti siya. "Isa lang naman ang pwedeng dahilan kung bakit."

"Ano nga?" May halong inis na ang tono nang pananalita ko.

"Hindi mo na kasi ako alalay ngayon Master. Hindi na kita maaaring bantayan pa at paalalahanan tulad nang dati."

"Bakit? Sinong may sabi? At sino na ngayon ang -" Napaisip ako bigla. "Damn it! Si Erick ba? Kay Erick ka na magsisilbi ngayon?"

Hindi sumagot si Kurt.

"Sumagot ka!"

Dahan-dahan siyang tumango. "Narito ako upang magpaalam sa'yo Master." Tumingin siya sa akin nang diretso. "Dahil ... simula ngayon ay hindi na ako maaaring magpakita sa'yo."

"B-Bakit? Dahil isa na akong tao?"

Muli siyang tumango. "At ang isang demonyong katulad ko ay hindi maaaring magsilbi sa taong katulad mo. Hindi na kita maaaring kausapin pa. Hindi na. Hindi na kailanman Master."

"Hindi Kurt ... hindi mo ako pwedeng iwan! Baka nakakalimutan mo, Ama ko ang pinagsisilbihan mo!" Hindi niya ako pwedeng iwan ngayon. Kailangan ko siya. Siya lang ang maaaring maging tulay sa aking ama. Hindi siya maaaring mawala.

At isa pa, kaibigan ko siya.

"Isang karangalan ang pagsilbihan ka Master Damon Padilla."

Hindi ako nakasagot.

Hindi ko gustong manilbihan siya sa isang katulad ni Erick. Pero paano ko siya ilalayo sa taong yon? Anak nang - ganito ba kahirap maging isang tao? Para akong tinanggalan nang pagkalalaki ko. Wala akong magawa!

"At ngayong tao ka na Master, isa lang sana ang hihilingin ko."

"A-ano yon?"

"Hanapin mo naman yung babaeng pinakamamahal ko ... para sakin." Unti-unting tumulo ang mga luha niya. Gusto kong matawa. Nagmahal din pala ang gunggong na 'to?

"Babaeng pinakamamahal mo? Kailan ka pa natutong magmahal?"

"Noong binigyan Niya ako nang pagkakataong mabuhay ... bilang isang tao."

Napailing ako.

Ngayon alam ko na kung bakit kahit paano'y sumasang-ayon siya sa nararamdaman ko para kay Kathy. Dahil kahit minsan pala'y nagmahal din siya.

"Ano bang pangalan niya?"

"Hindi ko alam eh."

"Baliw ka ba? Alam mo kung gaano kalaki ang mundo di ba? Saang lupalop naman nang mundo ko hahanapin yon?"

Bahagya siyang ngumiti. "Ang natatandaan ko, may balat siya sa dibdib."

"At talagang sa dibdib pa ang natandaan mong balat! Paano ko naman makikita yon?"

"So tatanggihan mo ako sa hiling ko? Master?"

Napailing na lamang ako habang napapangiti sa kawalan. "Sige. Hahanapin ko siya para sa'yo. Pero paano naman kayo nagkakilala nitong Miss Balat na ito?"

Tumawa si Kurt.

"Bata pa ako noon -" Huminga siya nang malalim. "Palagi akong dinadala nang Mama at Papa ko sa Playground tuwing hapon. Dinadala nila ako doon para matuto akong makisalamuha sa mga kapwa kong bata - sa mga tao, sa lahat. Palagi kasi akong nag-iisa. Ayaw ko nang ibang tao. Gusto ko, ako lang.

Madaming bata sa playground pero siya lang ang nag-iisang bata doon na nagustuhan kong kalaro.

Kapag wala siya, ayoko nang maglaro. Siya lang ang dahilan nang halakhak at mga ngiti ko. Siya lang ang dahilan kung bakit ako natutong bumili nang laruan. Kung bakit ako naging masaya. Tapos isang araw, nahulog siya sa slide. Pinilit ko namang iligtas siya kaso hindi ko siya nahawakan nang maayos - nahulog pa din siya.

Tumaas yung bestidang suot-suot niya.

Nakita ko yung balat sa kanyang dibdib.

Pero ang worst na nangyari, alam mo kung ano?"

"Ano?" Curious na curious kong tanong kay Kurt.

"Ako ang pinagbintangan nang mga tao sa pagkahulog niya. Siya lang ang nag-iisang babaeng nakilala ko bago ako namatay Master. At ang nakakainis dun ... nakalimutan ko pa ang pangalan niya! Nakakainis!"

Tumawa ako nang tumawa. "Maganda ba?"

"Di ko na matandaan. Charming siya. Makulit."

"Sige sige. Hahanapin ko yang Miss Balat na yan para sa'yo Kurt."

"Salamat Master."

Muling naging pormal ang mukha namin pareho. "Paalam na Master. Sana'y magkita tayo ulit. Sana'y maging masaya ka sa mahal mo. Sana'y gumawa ang langit nang paraan para sa inyong dalawa."

Ngumiti ako. "Hindi Kurt. Sana gumawa ang langit nang paraan para makita ko ang babaeng pinakamamahal mo. Maraming salamat sa'yo. Hinding-hindi kita makakalimutan."

Pagkasabi ko noo'y naglaho na lamang siyang parang bula.

'Narinig pa kaya niya yung sinabi ko?'

Napakamot na lang ako sa ulo.

Saang lupalop naman nang mundo ko hahanapin ang love of his life niya?

Anak nang tokwa!

"Damon!"

Napangiti ako.

"Yes love of my life?" Nakangiti kong bungad kay Kathy.

"Oh ba't nakangiti ka diyan?"

"Bakit? Bawal na ba akong ngumiti?" Nakangiti pa rin ako sa kanya. Nang-aasar lang.

"Oo bawal." Sabay irap niya sakin. "Ano yung tinawag mo sakin? Love of your life?"

"Yep!"

"Eh kailan nga lang nakalimutan mo 'ko."

"I'm under the spell of hell. Anong magagawa ko?"

"Ewan ko sa'yo!"

Bigla siyang nag-walk out.

"Kathy! Teka nga - ba't ba ang sungit mo?" Patakbong lakad ang ginawa ko para lang maabutan siya.

"Kasi naman, kanina pa ako naghihintay sa'yo sa sinabi mong date natin! Tapos daratnan kita dito, nakatanga ka lang! Anong petsa na!"

Hindi ako makapaniwala. Inaaway na niya ako.

Parang dati, ako lang ang nang-aaway sa kanya.

"Teka nga muna, yang pagiging demonyita mo wag mong i-apply sakin ha!"

"Aba't ikaw pa ang galit! Ang kapal nang mukha mo!"

"Okay okay! Sorry na! Sorry."

"Sorry your face!"

Tumalikod siya sakin.

"May kinausap lang ako kaya ako natagalan. Sorry na ..."

Hindi pa rin niya ako pinapansin.

May dumaan na isang bata sa gilid namin. May dala-dalang sampaguita. So malamang sa malamang, tindera nang sampaguita ang bata. Lumapit ako.

"Bata, magkano lahat nang sampaguita mo?"

"Twenty pesos po ang isa. Bale, 200 po ito lahat kuya." Sagot nang batang babae sakin.

"Sige bibilhin ko lahat." Dumukot ako nang pera sa wallet ko. Halagang limang daang piso. "Oh eto, keep the change." Ngumiti ako sa bata. Ngumiti din siya sakin.

Akmang aalis na ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Ano po yung keef the tsens?"

Bigla akong napangiti. Ang edukasyon nga naman sa Pilipinas oh - palpak!

"Sa'yo na yung sukli."

"Ahh. Yun po pala ang ibig sabihin nun. Salamat po kuya."

Walang anu-ano'y nagmano sa akin ang bata.

Nagulat ako.

Pero mas nagulat ako nang makita kong tumatawa si Kathy sa isang gilid. Siguro'y nakita niya ang mga nangyari o narinig ang usapan namin nang bata.

"Ne, ibigay mo 'tong mga sampaguita sa babaeng yon."

"Gelpren mo kuya?"

Tumango ako.

"Ganda po ah."

Ngumiti na lamang ako sa bata.

Lumapit ang bata kay Kathy atsaka iniabot ang mga sampaguita nang may ngiti sa mga labi nito.

"Salamat." Sabi ni Kathy habang nakangiti rin sa batang babae.

"Ate, ang gwapo-gwapo naman po nang boypren mo. Bagay po kayo."

"Yan? Gwapo? Saang banda?"

Natawa ako sa sagot na iyon ni Kathy.

"Sa lahat po ate. Ang swerte niyo po."

Lumapit ako sa kanila. "Dahil sinabihan mo ako nang gwapo, isasama ka namin sa date namin. Gusto mo ba?"

"Ano pong date?"

"Kakain tayo. Saan mo gusto?"

"Dun po sa may bubuyog na malaki."

Tumawa nang malakas si Kathy. At hindi ko yon nagustuhan. Napailing na lamang ako.

Dinala namin ang bata sa Jollibee - sa sinasabi niyang malaking bubuyog. Makita ko lang siyang kumakain, pakiramdam ko'y nabubusog na din ako.

Pero si Kathy?

Nababagot at nakasimangot habang hinihintay matapos kumain ang batang babae.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nagseselos na ko eh."

Nagulat ako sa sagot niyang iyon.

Nagseselos?

Saan?

"Nagseselos ka?"

"Oo. Saan ka naman kasi nakakita nang date na may kasamang bata? Take note, gusgusing bata pa!"

Natigilan sa pagkain ang batang babae nang marinig niya iyon. Tinignan nito ang kanyang sarili.

"Kath ano ba?"

Tumingin siya sa bata. "Sige kumain ka lang. Magpakabusog ka." Saka siya tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"CR lang ako."

Sinundan ko na lang nang tingin si Kathy habang napapailing ako sa kawalan.


[KATHY'S POV]


Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakin. Konting bagay lang naiinis ako. Hindi naman ako dating ganito.

Tumingin ako sa salamin.

Tinitigan kong mabuti ang sarili ko.

"Kathy ... ikaw pa ba yan?" Sabi ko sa harap nang salamin.

Ngunit napaatras ako nang biglang magbago ang repleksyon ko sa salamin.

Dahan-dahan itong ngumisi.

Yun bang ngiting walang gagawing maganda?

Tapos dahan-dahan ding tumaas ang kanang kilay nito sabay labas nang mahabang dila. Hindi ako makahinga sa mga nakikita ko. Lalo na nang unti-unting lumabas ang dalawang maliit na sungay sa kanyang noo. Wala man akong marinig na boses ay kitang-kita ko ang bawat halakhak niya habang humahampas ang matulis niyang buntot sa kanyang likuran.

Umaapoy ang salamin.

Mainit.

Halos masunog ako.

Pero ang repleksyon ko sa salamin ay tila ba manhid sa init nang apoy na nakapaligid sa kanya. At hindi pa siya nakuntento ... dahan-dahan ... hinubad nito ang kanyang suot na damit.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Halos lumabas ang ngalangala ko sa pagsigaw kong iyon.

Agad-agad namang dumating si Damon. Naabutan niya akong hinang-hinang naka-salampak sa sahig nang CR.

"Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong sakin.

"Ayoko na Damon ... ayokong mapunta sa impyerno! Tulungan mo ko!" Umiiyak kong sabi habang pailing-iling sa kanya.

Takot na takot ako.

At dahil wala namang maitutulong si Damon sa nararamdaman at mararamdaman ko ay wala siyang ginawa kundi ang yakapin na lamang ako nang mahigpit - mahigpit na mahigpit.

"Kung pwede ko lang gawin yon Kathy ... kung pwede lang."

Hindi ko mapigilan ang mainis at magsisi sa ginawa ko.

Pero unti-unti din, naintindihan ko si Damon. Naintindihan ko kung bakit kailangan niya akong iwan noong mga panahong isa pa siyang demonyo. Alam ko na kung bakit pinilit niyang lumayo sakin.

Marahil siguro'y alam na niya na ganito ang pwedeng mangyari.

Kasalanan ko to.

Kasalanan ko itong lahat.

"Magbreak na tayo."

Nanlaki ang mga mata ni Damon sa mga sinabi ko.

"Ano?"

"Ang sabi ko, magbreak na tayo!" Pinilit kong tumayo mula sa aking pagkakasalampak.

"Pero bakit?! Ano na namang problema?!"

"Anong problema? Bulag ka ba Damon?"

Tumungo siya sabay umiling.

Alam ko naman na hindi lang ako ang nahihirapan dito. Maging siya ay nahihirapan na din sa sitwasyon na meron kami. Pero mas magiging mahirap ang lahat para sa aming dalawa kung ipagpapatuloy namin ang relasyon namin.

"Hindi ako bulag. Hindi ako manhid. Lahat nang nangyayaring to, alam ko lahat Kathy. Alam kong nahihirapan ka. Alam kong nasasaktan ka. Pero di ba ikaw ang pumili niyan? Kung ano ka man ngayon, ikaw ang nagdesisyon niyan para sa sarili mo."

Hindi ako makapagsalita.

Tama siya. Pero di ba ginawa ko lang naman yun dahil rin sa kanya?

"Ayoko lang mapahamak ka!"

"Mapahamak? Yan din naman yung ayokong mangyari sa'yo eh ... di ba? Kaya nga prinotektahan kita. Binantayan kita. Iniwan kita. Lahat ginawa ko para lang mawala ka sa buhay ko dahil ayokong mapahamak at masaktan ka! Pero anong ginawa mo? Pinilit mo pa din ang sarili mo sakin. Ibinigay mo ang sarili mo sa demonyo para lang sakin! Kaya kahit isa na akong tao ngayon tutuparin ko pa rin ang nag-iisang pangako ko sa'yo. Poprotektahan kita. Hindi kita iiwan Kathy."

Unti-unti akong nanghina.

Ano bang ginagawa ko?

Ginusto ko to di ba?

Bakit kailangan ko siyang iwan?

Baliw na ba ako?

Kathy ano ba?

Ano bang nangyayari sa'yo?

Naramdaman ko ang nakamamatay na kirot sa kanang kamay ko. Hanggang sa unti-unti na lamang akong nanghina at bumagsak.

Nagdilim ang paligid.

"Kathy!"

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...