Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 8

900 50 57
By ren_esteron

Venus

Unang bumaba si Gracia nang makarating kami sa village nila. Mas lalo tuloy naging awkward na kami na lang ni Sandro ang naiwan sa kotse.

"Palagi ka bang umuuwi ng ganitong oras?" aniya nang makaliko kami sa kurbadang daan.

"Oo. Alas diyes ang out ko eh.."

"Matagal ka na bang nagtatrabaho?"

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Puro tubuhan ang nadadaanan namin. Malawak na lupaing pagmamay-ari ng pamilya ni Samantha.

"Simula nang mamatay ang mama ko." wika ko sa mababang boses.

Matagal na naman ang nangyari. Kung maaari, ayoko nang pag-usapan pa. Siguro hindi nawala ang sakit bunga ng pagkawala ng Mama ko, natutunan ko lang kung paano mabuhay na dala dala ang sakit ng pagkawala niya araw araw.

Sandro never uttered a word after that. Siguro'y naiintindihan niya rin na ayaw ko nang pag-usapan pa. Nang makarating sa waiting shed namin ay namataan ko kaagad si Miko at ang tatay niya na nakaupo sa sementadong upuan.

"Dito ka lang? Makakapasok naman ang kotse ko sa loob." ani Sandro nang sinabihan kong hanggang dito nalang ako ihatid.

"Okay na ko dito. Atsaka sinusundo ako nina Miko." itinuro ko ang dalawa na nakatingin sa kotseng tumigil.

Sandro nodded and opened the door on his side. Kita kong tumango siya bilang pagbati sa dalawa bago umikot para mapagbuksan ako.

"Magandang gabi, tay Carding!" bati ko sa tatay ni Miko. Ang siyang nagsilbing magulang ko na rin simula nang mawala ang inay.

"Magandang gabi po.." Si Sandro.

"Magandang gabi rin venus at sir Sandro. Hindi namin inaasahan na magkasama kayong dalawa ngayon."

Marahang tumawa si Sandro. "Ihahatid ko na po to palagi.."

Miko shifted his weight on the other foot. Taas kilay na binalingan ko naman si Sandro. Sumulyap siya sa kanyang relo.

"Mauuna na po ako..Pare." humakbang siya at nakipag fist bump kay Miko. "Paki ingatan nalang si Venus.."

Tumango si Miko at mariin akong tinitigan. Tumawa naman ang tatay niya sa biro ni Sandro. Pagkatapos magpaalam sa dalawa ay marahang hinawakan ako ni Sandro sa balikat. "Mauuna na ako, Ven."

I nodded and gave him a sly smile. "Ingat ka.."

-

"Bakit naman gagawin ni sir Sandro iyon kung hindi siya interesado sayo?" ani Gracia habang abala kami sa pagbibihis sa locker room ng resto. Tapos na ang shift namin at hindi nga niya pinalagpas ang nangyari kagabi.

I was busy thinking about it the whole night. Ayokong umasa pero si Sandro mismo ang gumagawa ng paraan para umasa ako. Pero parang imposible naman. Gusto kong kiligin. Pero iniisip ko, ano ang silbi ng kilig na nararamdaman kung sa paglubog ng araw mapagtatanto ko na hindi naman katulad ko ang tipo niya?

Kung iisipin, sino ba naman ako? May mga nagsasabing maganda ako. Pero mas maganda at sopistikada iyong mga babaeng nakakasalamuha niya araw araw.

"Hindi ko alam, Grace. Nakakagulat ang ginawa niya kagabi.."

"Naku, kursunada ka nun. Sinasabi ko sayo.. Hindi matatapos ang linggong 'to at aamin din yan."

"Hindi naman siguro, baka nagiging friendly lang. Kasi d'ba? Normal sa pamilya nila ang ganoon?"

"Iba naman yung friendly sa pumuporma! Masyado naman ata siyang friendly kung bawat nakakasalamuha niya ay hinihintay niya ng mahigit dalawang oras at tsaka ihahatid sa bahay."

I shrugged the thoughts away. Ako iyong tipo ng tao na mas mabuti nang magulat ako sa mangyayari kaysa umasa. Alam ko ang feeling na madissappoint at ayokong maramdaman iyon kung sakali.

Isang simpleng white tshirt at maong shorts ang pinili kong suotin. Medyo umaambon sa labas kaya ayoko namang mag jeans. Lumabas na agad kami ni Gracia ng resto pagkatapos naming mag-ayos.

"Huwag naman humarang sa daan!" halos mapasubsob ako sa pintuan nang banggain ni Jessa ang balikat ko gamit rin ang mga balikat niya.

Napaayos ako ng tayo, mariin siyang tinitigan habang binubuksan ang pintuan at nilampasan kami. Sobra naman yata siyang nagmamadali para banggain ako nang ganun kalakas?

Kaagad akong dinaluhan ni Gracia. "Naku ang babaeng 'yan talaga! Ang sarap sakalin hanggang hindi na makahinga! Palibhasa inggit sayo kasi hindi mapansin pansin ni Sandro kahit puno na ng kolorete ang mukha niya.."

Umismid lang ako. Nakakainis talaga 'yang si Jessa. Magkasing edad lang kami pero mas maganda at mas matangkad siya. Mas lalong lumalabas ang ganda dahil magaling siyang mag make up. Maraming customer lalo na ang mga foreigner ang natutuwa sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit nitong mga nakaraang linggo ay mukhang pinag-iinitan niya ako. Umiiwas na lang ako. Simula noon ay wala pa akong naging kaaway dahil kapag nararamdaman kong ayaw sa akin ng isang tao ay umiiwas kaagad ako.

"Ay bongga! Mukhang gabi- gabi ka nang may sundo ah!" pabirong hinampas ako ni Gracia sa braso.

Naroon si Sandro at nakasandal na naman sa kanyang itim na BMW. Nakakrus ang mga braso sa dibdib at diretso ang maririing titig sa amin. He is wearing a maroon polo with a number 3 print on the side of the chest.

Napansin ko lang, palagi siyang nakapula. Maybe because that's the color of their family.

"Good evening.." aniya na kinalas ang pagkakahalukipkip nang makalapit kami sa kanya.

Bumati si Gracia pabalik sa kanya. Si Sandro iyong tipo ng tao na lumaking mayaman pero sobrang bait at marespeto sa kapwa. The way he talks and treats people, he is the resemblance of his father.

"Uh. Hindi pala ako makakasabay ngayon kasi susunduin ako ng boyfriend ko.." ani Gracia.

Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata. Pero kinindatan lang ako ng loka.

"Sigurado ka ba?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay nagpapalusot lang siya.

"Oo. Mauna na ako, Venus, sir Sandro.."

"Mag-ingat ka.." si Sandro.

Tinalikuran kami ni Gracia at nagmamadaling pumara ng jeep doon sa gilid ng kalsada. Sandaling sinundan ko siya ng tingin bago binalingan si Sandro. Na naabutan kong nakatitig sa akin.

Yung paru-paro sa sikmura ko sa tuwing nariyan siya ay narito na naman.

"Ano?" tanong ko nang hindi pa rin siya tumitigil kakatitig. Hindi ko alam kung may sasabihin ba siya o gusto lang tumitig.

"Hindi ka ba nilalamig?" aniya sabay pasada ng tingin sa mga binti ko.

Kaagad akong na conscious sa ginawa niya.

"Hindi. Hindi pa ba tayo aalis?"

He let out a small bark of laughter and took a step forward. Binuksan niya ang pintuan kaya pumasok na ako. Kaagad kong naramdaman ang matinding lamig bunga ng aircon ng kanyang sasakyan nang makapasok ako sa loob. Ngayon ay gusto kong pagsisihan na nag shorts pa ako.

Akala ko kasi ay sa jeep kami sasakay ni Gracia.

Pinatay ni Sandro ang aircon nang makapasok siya sa drivers seat. Patuloy pa rin ang pag ambon sa labas.

"Gusto mo bang ako pa ang magsuot ng seatbelts sayo?" aniya, nanunuya.

Napatitig ako sa kanya. Ngumisi siya at umambang lalapit sa akin kaya itinaas ko agad ang palad para pigilan siya.

"Kaya ko.." hysterical kong wika. "Ako na.."

He laughed and started the engine. Inabala ko naman kaagad ang sarili sa paglalagay ng seatbelt.

"This sunday.." tumikhim siya habang nasa biyahe kami. "Pwedi ba tayong mag lunch?"

"Pwedi. Sabihin mo kay Samantha na sasama ka."

"No. I mean, nang tayong dalawa lang?"

I gave him a quizzical look. Sa daan nakadirekta ang titig niya pero halos minu- minuto ay sumusulyap sa akin.

"Bakit?"

"Hindi ba pwedi? Gusto lang kitang makasama.."

Gusto ko na talaga siyang sakalin ngayon. Bawat salitang binibitawan niya ay tila kaswal lang sa kanya. Hindi niya ba alam na iba ang epekto nito sa akin?

"Bakit gusto mo akong makasama?" tapang tapangan kong tanong.

"Dahil gusto kita.." aniya na binalingan ako.

Umawang ang labi ko habang tinititigan siya pabalik. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Bumalik ang titig niya sa daan at dinugtungan ang sinabi. "na mas makilala pa.."

I rolled my eyes upward. Ipinokus na rin ang titig sa daan. Hindi ko sinagot ang tanong niya kaya muli siyang nagwika.

"Sige na.. Pupunta akong Maynila next week kaya gusto kong makasama ka bago umalis. Dalawang araw din ako roon."

"May balak ka na bang mag artista?" humalakhak ako sa sinabi. "Famous ka sa tiktok ah? Nakikita mo ba?"

"I don't have a tiktak. The only reason why I've been in the public eye lately is to support my father.."

Sandali akong napatigil. Tiktak?! Grabe, amoy gold bars ang tiktok niya.

-

Ginawang routine ni Sandro ang pagsundo sa akin sa resto araw araw pagkatapos ng shift ko. Nakikita kong abala siya sa pagsama sa iba't ibang programa na ginagawa ng pamilya nila sa lalawigan. At halos hindi ko maisip kung bakit nagagawa pa niyang puntahan ako pagkatapos ng shift.

Para siyang hindi nagpapahinga.

"Mukha kang pagod." sambit ko habang tinititigan siya.

Mapupungay ang mga mata niya nang sinundo ulit ako. Mukhang walang tulog.

"Maaga kaming nagising kanina para sa pagbibigay ng relief goods doon sa Lacarlota.. Mga alas kwatro na kami nakauwi."

I felt sad for him. Sa ilang araw ko siyang nakakasama, napagtanto kong hindi rin pala madali na pasukin ang mundo ng politika. Nandoon yung expectations ng mga tao sayo. Kailangan lagi kang handa para tumulong.

Minsan, iyong libreng oras mo para sa sarili ay ibinibigay mo pa sa tao para tumulong.

Iyon ay kung talagang tapat ang puso mo sa pagtulong sa kapwa. Sa pamilya kasi ni Sandro ay iyon ang nakikita ko.

"Sana nagpahinga ka nalang. Marunong naman akong sumakay ng jeep."

Lumipad ang titig niya sa akin. Nabigyan ako ng pagkakataon para mas mapagmasdan nang malapitan ang mukha niya. His eyes were rimmed on top by a perfectly shaped brows.

He gave me his reassuring smile.

"Ito ang pahinga ko." he said softly.

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 918 85
Lorin Emmanuelle Mendoza is a young lady from Mindanao who happens to challenge herself to come out from her comfort zone and explore the big city. S...
31.4K 1.2K 12
No matter how many times you tell yourself you can change him. You can't. There is nothing left in this world, that can help Jim Moriarty.
851K 39.6K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
Rebound By elle

Fanfiction

53.6K 1.5K 55
Mika Reyes and Ricci Rivero Fan Fiction. Created: 01-02-18 Highest Rank - #1 animo #2 rivero #3 dlsu #3 mikareyes