Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

By dimples_eyebrow

173K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... More

Disclaimer
Prologue
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 21
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 01

10.4K 135 5
By dimples_eyebrow

"Look at the camera Allisandra," with a joyful tone from my father.

He was holding an old canon's flagship model camera while taking me some pictures on my bed.

Kita sa kanyang ngiti at galak sa kanyang mukha. He's getting old, the wrinkles on his face is visible.

"Dad, huwag mo akong kuhanan ng picture, kagigising ko lang," kaagad kong sinakloban ang aking mukha gamit ang aking mga palad.

Nagising ako dahil sa mga taong maiingay lalo na ang mga tagapagsilbi namin. Maaga silang gumigising upang maghanda ng mga pagkain at upang gawin ang kanilang mga trabahong takaatay sa kanila.

Ang sumisilay na haring araw mula sa labas at ang preskong hangin dito sa probinsya ng Pangasinan ay napaka presko sa pakiramdam.

Habang nakataklob ang aking mukha gamit ang aking mga palad ay narinig ko ang pamilyar na yapak palapit sa akin.

It's my father Marcelo at ang tawag sa kanya ng karamihan ay Don Marcelo.

"Ngumiti kana, isang litrato lang," pamimilit sa akin ni papa.

Mapapansin sa kanyang boses ang lalim at tanda ng pagkatanda. He's now fifty-five years old and he grew fast because he's keeping himself busy in our hacienda. At nagbunga naman ang kanyang mga pag hihirap. Nasaksihan ko ang lahat ng kanilang paghihirap upang marating kung ano sila ngayon, nakita ko rin kung paano nila nakuha ang loob ng mga magsasaka rito sa amin upang magtrabaho.

Kwento pa sa akin ng mga matatanda rito ay nagmula daw sa wala ang lahat ng ito, ngunit dahil sa sipag ng aking mga magulang ay napalaki na nila ang lupain naming na noon ay kakarampot lang. Sabi pa ng ilan ay hindi daw nila maabot ito kung wala ang isa sa kanila, hindi magiging malago ng husto ang lupain naming kung walang katuwang si papa at ganoon rin si mama.

They are e perfect match.

Every parts of Hacienda Villavecencio has its history and value. Dala nito ang bawat alaala ng mga magsasakang masasaya dahil sa ginhawa ng kanilang ani na kung saan ibinuhos nila ang kanilang dugo, pawis at pagmamahal, narito rin ang lungkot na kanilang pinagdaanan, sa bawat unos na kanilang hinarap kasama ang mga bagyo, kawalan ng tubig at mga peste. Sa bawat parte ng lugar ng aming hacienda ay nakakubli ang kayamanang hindi mawawala sa aming isipan at mananatili sa aming puso.

Wait?

Why I'm thinking about this?

Kung aking isipan ay parang mawawala na ito. Hindi ito mawawala...hindi pa, sana.

Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking palad dahil sa mga naiisip na mga bagay-bagay.

"Pagbigyan mo na si papa, anak, isa lang, patingin ng maganda mong ngiti at magandang mata," may halong pambobola sa kanyang boses.

I surrendered.

I lifted the corner of my lips to flash a smile.

Pabiro kong nirolyo ang aking mga mata bago tuluyang tingnan si papa.

Malapad ang kanyang ngiti habang nakatingin sa screen ng camera. Ang lace nito ay nakasabit sa kanyang leeg upang suporta sa camera.

Natural na gumuhit ng ngiti ang aking labi habang pinagmamasdan ang aking papang sobra ang ngiti sa kanyang labi. Ang medyo may kahabaang buhok nito ay tanda ng hindi na niya naasikasong magpagupit pa.

The unbuttoned stipes long sleeves are his all-time favorite outfits, with his white sando inside it. For his pants, is old denim pants.

Halata sa tindig at laki ng kanyang katawan ang dugong ibang lahi. May malaki itong pangangatawan kahit pa matanda na, matangos rin ang kanyang ilong at may ilang hibla ng buhok sa kanyang pisngi. Ngunit mas nananalaytay parin sa kanya ang dugo ng pagka Pilipino dahil sa kanyang ugaling matulungin, masiyahin, malambot ang puso at mapagmahal sa pamilya.

And I admire him a lot. I love my father so much.

"Ano pa ang hinihintay mo riyan, mag ayos ka na bago bumaba para paghandaan mo ang kaarawan mo bukas," muling bawi ng enerhiya ni papa.

Halos mapabalikwas ako nang mapagtanto ang huling salitang binitawan ng aking ama.

It's my birthday.

And I'm turning twenty.

Naramdaman ko ang pagbitiw ng malalim na hininga ng aking ama kayat hinanap ko ang kanyang mukha.

Bumigat ang aking balikat.

Ngunit pinilit kong ngumiti.

"Pa, parang hindi ka masaya," mahinahon ang aking boses.

Umiling kaagad ito at kaagad na nagsalita.

"Maayos lang ako, naisip ko lang na kalaunan ay iiwan mo na kami dahil may bago ka ng pamilya," muling nagbuga ng hininga, "ang bilis talaga ng araw,"

Wala pa nga akong nahahanap na maasawa ganoon na ang iniisip ni papa?

Mukhang matagal pa iyon.

I'm still finding the perfect men for me, iyong gentleman, mabait, at hindi nakakatakot 'yong itsura.

I was about to defend myself from my father but he suddenly said something.

"O siya, maiwan na muna kita upang makapagbihis kana, huwag mo kalimutang mag agahan," wika ng aking ama bago niya sinarado ang malaking pintong gawa sa kahoy.

Sinuklay ko muna ang aking buhok.

Habang sinusuklayan ko ang aking sarili gamit ang aking daliri ay nahagilap ng aking tingin ang aking malaking bintana na nakasarado pa.

Kaagad akong bumaba sa kama at tinungo iyon.

The windows are made of woods, and it's already old. Ang sabi nila may isang daan na ang tanda ng bahay na ito, bahay pa lamang daw ito noong panahon ng kastila. Binili lamang nila papa ito dahil maganda pa noon.

Hindi ko ba alam sa magulang ko, they have their own money, actually, they can build a huge house without minding their pockets.

Minsan sabi sa akin nila mama at papa, mas gusto daw nilang mamuhay ng tahimik at normal. Dahil ayaw daw nila ng magulong buhay lalo na sa Maynila.

Ayaw nilang makipag kompetensya sa mga malalaking tao. Pero may mga iilan mga taong pinagkakatiwalaan parin ang aking mga ama. Malaki na ang naitulong nila sa amin at ganoon din kami sa kanila. Sila ang mga kumukuha ng mga ani namin at nilalagay sa ibat-ibang pabrika. May iilan ding kumukuha ng supply na pinagmamalaki ng aming hacienda, ang gawa naming alak galing sa tanim naming ubas.

Siguro iyon din ang isang dahilan kung bakit mailap ako sa mga taong may kaya. Iyong pakiramdam na sa kahit anong oras ay lolokohin at aawayin ka nila.

Dahil ang sabi ng iba, ang mga mayayaman ay wala ng ginawa kundi ang magpayaman, hindi ko din sila masisisi dahil iba iba tayo ng pananaw, baka iba para sa knila ang pera at kayamanan.

Pero sa mga nakikita ko sa paligid lalo na ang mga mayayamang nanggaling sa hirap ay mahirap ng abutin.

Buong lakas kong tinulak ang bintana upang maghati ito at upang mabuksan na ng tuluyan.

Pikit matang may pagngiti sa aking labi nang sinalubong ako ng mahalimuyak ng hangin mula sa labas. Mula sa aking kinaroroonan ay tanaw ang mga munting burol na tinatabunan ng samutsaring nakatanim.

Tanaw rin mula rito sa malayo ang tanim naming mga ubas at sa gilid nito ay ang ekta-ektaryang palayan na minsan ay tinatamnan ng tubo, mais at sibuyas na isa sa mga pangunahing produkto ng aming probinsya.

Sa likod ng mga munting burol ay matatanaw mo naman mula roon ang medyo may kalayuan na karagatan na siyang malimit na puntahan ng mga turista.

I may not have the perfect province, but this province of Pangasinan particularly our land, Hacienda Villavecencio gives me the feeling of home. This is my definition of home, to be here, to be here in in my loving place.

Kinurap ko pa ang aking mga mata upang pigilan sa pagkatulala.

Muli ay kinalat ko ang aking mga mata sa paligid hanggang sa abot ng aking mga mata.

Mula sa pagtanaw ko sa malayo ay narinig ko ang munting ingay na kaagad kong hinanap.

Tumingin ko sa paligid ngunit nang tumingin ako sa ibaba ay nakita ko ang mga ilang trabahador ng aming pamilya, kasama pati ang mga magsasakang tila may pinagsasaluhan.

Sinuyod ko ang kanilang mga ginagawa mula sa third floor ng aming bahay kung saan ako natutulog.

Masyadong mataas iyon ngunit kung aking susurihing mabuti ay may usok at may mga apoy, meron ding mga malalaking palayok.

Are they cooking?

For my birthday tomorrow?

Hindi na ako magugulat dahil noong nakaraan ay ganito rin ang ginagawa nila. Dito sa probinsya, maaga palang ay naghahanda na ang mga tao lalo na kung merong emportanteng okasyon tulad ng pista o kaarawan.

I remember when my eighteenth birthday, a few weeks before my birthday, they were already celebrating my birthday.

Hindi ko ba alam sa magulang ko, I understand that I'm the only child but celebrating that way is not normal for me. Pero hindi ko sila masisisi, hindi naman ako ang gumagastos at kung iyon ang kanilang kasiyahan ay hindi ko sila pipigilan.

I love my parents so much; all I want for them is to be happy.

Nang makita ang nagluluto ay kaagad akong nagtungo sa aking pintuan upang tingnan ang kanilang mga pinagkakaabalahan.

Malapit sa puso ko ang mga taong nagtatrabaho sa amin, tinuturing ko na silang pamilya dahil sa kanilang mahusay na paglilingkod at sa pagiging matapat nila sa kanilang tungkulin.

Nang mabuksan ko ang pintuan sa aking kwarto ay kaagad akong nagtungo sa hagdanan upang bumaba pa sa isang hagdanan.

I already suggested to my parents to renovate our house since it's old enough but they refused to. Kahit elevator lang ang ilagay nila kahit na mukhang luma ang bahay, para sa kanila rin iyon, humihina na ang kanilang tuhod para umakyat pa ng dalawang malaking hagdan para lang umakyat papunta sa pangatlong palapag. Ang sabi lang nila ay sayang ito sa pera.

Naisipan ko na ring ibaba nalang ang aking kwarto dahil palagi rin naman nila akong binibisita sa itaas kahit na may mga tagapagsilbi naman.

Nang nasa pangalawang palapag na ay nakita ko na ang malaki at enggrandeng hagdanan. bago umakyat at bumaba ay sasalubungin ka ng mga magagandang larawan na inukit mano-mano. Sa unang padyak ko paibaba ay dalawang ulo ng lion na inukit at ganoon rin sa ibaba. Makintab rin ito at naalagaan ng maayos dahil panay ang punas ng aming mga kasambahay doon.

Hinakbang ko ang aking paa paibaba habang kinakalat ko ang aking mga mata sa piligid, nasa loob ang iilan sa aming mga kasambahay na nakaunoporme ng light blue.

Nang makarating ako sa huling hakbang ay narinig ko ang masiyahing boses ni mama.

Hinanap ko iyon at kaagad na nakita si mama. She's wearing her usual floral dress and a perfectly bun hair.

"Magandang umaga, hija," may galak sa kanyang boses habang inaabot nito sa akin ang kanyang kamay.

Inabot ko iyon at kaagad na nagmano.

Nakasanayan ko na ito araw-araw. When I was little, they were already taught me all about these things, ang paggalang sa pamamagitan ng pagmano, pagkagising, at bago umalis at pag dumating.

"Good morning, ma." Bati ko sa kanya matapos magmano.

May guhit ng ngiti sa kanyang labi habang tinitingnan ang aking mga mata.

Hindi ko din maiwasan na tingnan ang kanyang mukha, just like my father, she growing old already, the wrinkles on her face are already visible but I can sense still how beautiful is she when she's young.

Ang mabilog at maganda nitong mga mata ay nananatili parin sa kanya, ang maarko at maamong kilay ay malusog paring tingnan. And lastly the lips that I adore so much from her.

"Kaarawan mo na bukas, maligayang kaarawan mahal ko," Hinawakan nito ang aking pisngi, "ano ang gusto mong regalo?" dagdag pa nito.

Huminga na lamang ako ng malalim dahil wala naman akong maisip na gusto kong bilhin. I'm okay with my life right now.

"Wala po, ma. Salamat po." Sagot ko.

Before I turned nineteen, they asked this question also, wala din akong sagot dahil wala naman akong bagay na gusto, I'm not a materialistic person, all I want is to see people particularly people thare is close to my heart.

It's kinda cheesy but that's what I feel.

"Talaga naman itong batang ito, wala ka man lang arte sa katawan, para saan pa ang paghihirap namin ng papa mo kung hindi mo din ito gagamitin," pagpapaliwanag pa niya.

"Ganoon niyo kasi ako pinalaki, ma, ang hindi maging maarte at hindi magastos," depensa kong muli.

Halos matawa pa si mama habang nagpapaliwanag ako sa kanya.

"Bakit parang kasalanan pa naming ng papa mo, sa'yo din ang lahat ng ito, ikaw lang ang anak namin at balang araw ay kakailanganin mo din itong mga pinaghirapan namin. Natutuwa ako at napalaki ka namin ng husto ng iyong papa, mahal na mahal kita, anak." Wika nito at binitawan ang aking pisngi.

"Mas mahal ko po kayo ni papa, mama."

"Nambola ka pa," wika nito at nagpaalam na ito.

Dinilaan ko ang aking bibig gamit ang ulo ng aking dila bago tuluyang magtungo sa malaking pintuan palabas.

It's just a usual morning for me, seeing these people every day is not new to me.

Puno ng galak ang aking pusong tinahak ang mga tao sa likod ng aming bahay.

Masakit na ang bawat tama ng haring araw sa aking balat ngunit sa tulong ng matataas na puno ng manga at santol ay kaagad akong nakasilong.

Sa aking pagdating ay kaagad kong nakuha ang kanilang atensyon.

"O nariyan na pala si ma'am Andra," wika no'ng lalaking may hawak ng kutsilyo.

"Kumain kana, ma'am?" wika ng lalaking mas matanda sa akin ng ilang taon.

Napangiti ako sa tawag nila sa akin pero ayaw kong tinatawag nila akong gano'n. Para naman akong iba kung ganoon ang itawag nila sa akin. Para ko na silang pamilya tapos tatawagin nila akong ganoon?

No way.

"Ano ba kayo, huwag niyo na akong tawaging ma'am," wika ko habang natatawa.

Muli akong humakbang para usisain ang mga ginagawa ng mga lalaki.

"Kayo din naman ang magmamana ng mga ari-arian, magiging donya kana rin ma'am," biro ng babaeng naghahalo sa malaking palayok.

Nakita ko ang karne ng baka na hinihiwa nila sa maliliit na piraso.

"Naku, matagal pa iyon at hindi ako magiging donya, hanggat buhay ang magulang ko," pagpapaliwanag ko sa kanila.

Nangmatapos ang pag uusisa ay kaagad akong lumapit sa babaeng naghahalo sa malaking palayok.

Nagluluto siya ng papaitan, gawa sa laman loob ng baka, at sinabawan ng tae ng baka, hindi iyong mismong tae, pero may tawag doon.

"Ano itong naririnig kong hanggat buhay hanggat buhay?" nakuha ng atensyon ko si nanay Ising, ang mayor-doma ng aming bahay.

She's been working on us since I'm just a little.

Otomatikong gumuhit ng ngiti ang aking labi nang makitang palapit ito na may dalang bandehadong kanin.

Humakbang ako palapit sa kanya upang buhatin ang kanin.

Binigay din naman kaagad sa akin ni nanay Ising ang kanin. Hindi na niya ako pinigilan, nasanay narin siguro sa akin.

"Sila po kasi," pagsusumbong ko sa kanya, "Sabi nila magiging donya ako," sumbong ko kanya.

Nilapag ko ang kanin sa hinandang lamesa, siguro ay kakain muna ang mga trabahador bago sila magtrabahong muli. Sasabayan ko nalang muna siguro sila total ay hindi pa ako nag aagahan.

"Naku kayo ha, hindi magiging donya si Andra, yayaman lang pero ayaw niyang tawagin siyang donya," depensa sa akin ni nanay Ising.

I smirked in front of them as if it was a victory.

"Mabuti pa, Andra, dapat mong malaman na magaganda at matatamis ang mga bunga ng ubas ngayon, maganda rin ang mga tanim na sibuyas sabayan mo pa sa pagmahal ng presyo nito sa merkado," galak na saad ni mang Karding habang hawak hawak niya ang sombrero nitong gawa sa hinabing rattan.

"Talaga po?"

Tatlong taon na simula nang maganda ang mga ani namin. Kayat napakasayang marinig na maganda muli ang pinaghirapan ng mga magsasaka.

"Mabuti pa't bisitahin mo, magpasama ka kay Gino," muling saad ni nanay Ising.

Mabilis ko siyang hinarap nang marinig ang pangalan na sinabi niya.

Gino? Ang kababata kong nakatira ngayon sa Tarlac?

"Si Gino po?" halos lapitan ko na si nanay dahil sa galak.

I missed that men so much. Matagal na siyang hindi pumunta rito ha.

"Umuwi po siya?" halos yugyugin ko na ang katawan ni Nanay dahil sa galak na nararamdaman.

Siya lang ang naging kaibigan ko noong bata pa kami kaso ay naghiwalay kami dahil kailangan niyang umuwi sa kanyang magulang.

Simula pa lamang kasi noong bata siya ay sila nanay Ising at mang Karding na ang nag alaga.

"Oo, para sa birthday mo umuwi siya dito," natatawa ang boses ni Nanay.

Nalaglag naman ang aking panga dahil makakasama ko siya bukas. Hindi siya dumalo simula noon pa. ngayon ko nalang ulit siya makikita.

"Talaga po? Kailan siya darating?" maagap kong saad ngunit hindi sumagot si nanay ngunit nakita ko ang mata niyang kumislap at lumipad ito papunta sa aking likuran.

"You really missed me a lot, huh." Malalim na boses ang aking narinig mula sa aking likuran.

Agad kong narinig ang dagungdong ng aking puso.

It's a mixed emotion, I felt so excited and at the same time nervous.

Kahit pa kinakabahan ay humarap ako kung saan nagmula ang boses na iyon.

At siya nga.

Si Gino.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...