The Last Dusk of Solitary | O...

By Nuivereign

3.5K 413 63

Status: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from... More

The Last Dusk of Solitary
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
TLDS Writer's Note: A Reminder

Chapter 34

68 9 0
By Nuivereign

Chapter 34: Safe Flight

Bhea's

Kumportable akong nakasandal sa upuan sa likod ng sasakyan ni Iya habang siya'y nag-dra-drive. Linggo ngayon nang hapon at napagpasyahan naming pumunta sa Tanawan para gawin ang una naming ginawa dati no'ng magsisimula pa lang kaming magsasama-sama sa dorm.

Tinantya naming dapat ay papahapon kami makakarating doon para maabutan ang sunset gaya nang dati.

"Parang dati lang, pupunta tayo sa Tanawan nang nagsisiksikan sa Wigo ni Iya. Tapos ngayon— naka-Hilux na si Attorney! Sa'yo ba 'to o sa jowa mo?"

Nakita kong umikot ang mata ni Iya sa rearview mirror sa pagkakarinig sa biro ko.

"'Sus! Malay mo kay Judge pala 'to— hiniram ko lang," makahulugang sagot sa akin ng gaga na na gets kaagad naming lahat.

Natawa kaagad si EJ kaya't binatukan ito nang mahina, "Hahaha, gaga!"

Agad na pinanlakihan ng mata ni Kathia si EJ dahil si Ace ay natutulog sa passengers seat at baka magising pa. Si KC ang katabi ko, nakasandal siya sa balikat ko dahil bahagyang nahihilo sa haba ng biyahe namin.

"Naalala niyo no'ng unang punta natin do'n— nagsisigaw tayo malapit sa bangin?"

Sabay-sabay kaming tumango, "Sigaw tayo ulit?"

"G, lang! Walang pabebe, ha!"

"Ako pa ba, Bhea? Sus!"

Marami pa kaming napag-usapan sa loob ng sasakyan, pero mas marami ngayon ang mga rants namin sa mga boss namin. 'Yon lang—hindi maka-relate si EJ at si Ace. Wala naman kasing boss ang dalawa dahil sila ang boss!


Nang makarating sa Tanawan View N Cottages ay kanya-kanya kaming nagsibabaan na parang mga bata. Ang mga ito'y nag-ikot agad sa paligid at hindi na inalintana ang mga taong nasa paligid na napatingin sa kanila.

Sakto nga ang takbo ni Iya dahil malapit na muli ang sunset. Ang kagigising na si Ace ay namumungas na minasdan ang paligid.

"Nandito na pala ulit tayo... Parang kahapon lang," bulong niya sa sarili. Nginitian ko ito at mas lalong lumapad ang ngiti ko nang sinuklian niya iyon.

Naka-suot ng cream brown ribbed back top at brown trousers si Ace na pinatungan niya ng white polo sleeves na hindi naka botones at sandals. Ako nama'y naka white bralette top at maong na mom pants. Parehas kaming nagpatong ng white polo sleeves na hindi ibinutones at sandals din.

Narinig ko ang reklamo ni Kathia at ni KC kay EJ at Iya na hindi tumulong sa pagbabababa ng mga gamit. Kaya lumapit na kami ni Ace para tulungan sila.

Kathia's simple as always, black fitted crop top shirt at high-waisted na camel jeans at rubber shoes na black and white. Samantalang si KC ay dating gawi. Mint green na Korean dress at heels.

Si EJ ay nakasuot ng gray checkered fit jumpsuit. At si Iya'y naka white and green strapped polo sleeve na ipinatong niya dahil naka ribbed crop-top na puti at shorts na maong.

Naglalatag na kami ng picnic blanket nang bigla na lang sumigaw malapit sa bangin si Iya, "Ang dami kong sweldo, universe! Pero ang hirap bilhin ng cravings ko!"

Sumibangot si Ace at kaonti siyang kinurot sa tagiliran, "Ano ba kasing cravings mo? Ang dami-raming pagkain dito, kung ano-ano na naman ang hinahanap mo."

"End game. Ang cravings ko for today ay end game. Proposal at engagement ring."

"Ay gaga, hindi nabibili ang pag-ibig. H'wag kang hangal," pang babara ni Ace kay Iya kaya sabay-sabay kaming natawa nang sumibangot siya.

Natatawa pa ako pero napaiwi iyon nang nagsalita si EJ. Parehas niya kaming sinusuri ni Iya at nagkibit balikat pa habang patay malisyang nagsasalita, "Endgame mo, nasa likod."

The moment I looked at my back, I saw Amox walking towards us. Wearing his white and black smoked polo sleeves, black pants, and his favorite Air Jordan shoes.

"You guys want me to take photos of you?" Nakalahad na ang kamay niya na pinatungan agad ng cellphone ni Iya.

"Amox, nandito rin kayo?" Wala ba siyang pasok ngayon? Ahh, oo nga pala, on-call siya.

Sutil akong kinurot sa tagiliran ni Iya, malaki ang ngisi niyang nangbubulabog at nang-iimbyerna, "Nako, doc — ha! Dati ikaw rin ang kumuha sa picture namin tapos ngayon— ikaw ulit? Ano'ng ibig sabihin nito?"

"Kindness, Iya. Amox is showing kindness by offering to take photos of you guys," basag agad ni Dart kay Iya. Kasama ito ni Amox at sa tingin ko ay silang dalawa lang ang magkasamang nagpunta rito.

Iya rolled her eyes at Dart, "Okay na sana, kaso nandito ka rin. Panira ka ng moment, tsk." Si Kathia ang naka-sense na baka gaya ng dati'y mag-away na ulit ang dalawa kaya hinila niya na lang si Iya patabi sakaniya, rinig pa naming pinagsabihan niya si Iya na masyado na silang matand ni Dart para mag-away nang parang mga bata.

"Halina kayo at pumwesto para makapag-picture at makakain na tayo. Gusto niyong sumali sa picnic, doc?" alok ni Ace kay Amox na inilingan ng isa. Nilingon niya ako bago itinaas ang cellphone hudyat na kukuha na siya ng picture.

"No, enjoy your time with each other first. Pi-picture-an ko na lang kayo." Naka-ilang picture kaming kinuha. Buti at may limang nagustuhan si Iya kaya ayos na iyon at kumain na. Nakasalampak kami sa picnic blanket at si Iya'y nakatingala sa nakatayong si Dart na katabi ni Amox.

"Sinusundan niyo ba kami?" akusa nito.

Dart raised his brows and laughed at her sarcastically, "No. Amox and I will fetch Niqui and my sisters later. Dumaan lang kami rito sa Tanawan dahil gusto ni Amox."

Kumunot ang noo nang nananahimik na si Amox. "It was you who want us to go here, Dart—" aniya, parang hindi matanggap na nilaglag siya nang kaibigan.

"Sino ba talaga ang may gustong pumunta kayo rito?" Parehas ko silang tinantya, walang may gustong umamin sa kanila kaya ipinagsawalang bahala ko na. Baka gusto lang talaga nilang mag-unwind gaya namin at nagawi sila rito. It's just funny how coincidence tends to happen frequently.


Alas otso nang gabi no'ng napagpasiyahan kong tumanaw sa fence side kung saan mahangin. Tila no'ng mga nakaraang araw ay unti-unti nang nagiging malumanay ang mga gabi.

I breathed the fresh air when someone went beside me. Si Amox, may dalang dalawang glass wine at isang bote nito.

"Wine?"

"Sure," tinanggap ko ang isa na may nakasalin nang wine at sinimsim iyon. Gaya ko'y medyo sumandal siya sa fence na pa-curve at huminga rin nang malalim.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah?"

"Can we talk about my thoughts? Niqui and Curie are not here yet. I promise that we will not talk about what we have not until they arrive." He seemed very hesitant but I smiled to urge him to continue. Ang gabing nag-k'wento si Amox sa akin patungkol sa Mama niya ay ang gabing ipinangako ko rin sa sarili ko na uunti-untiin ko na ang pakikinig sakaniya. Naisip ko lang na ang childish at walang growth kung natutunan ko ngang unahin ang sarili ko pero sarado naman ang utak ko.

"Sige lang, let's take it easy and slowly." Ano ba 'yan, gusto ko lang sabihin na dahandahanin pero parang tunog senswal pa ata ang lumabas sa aking labi!

Amox sipped his wine first before he answered, "This place reminds me of the days I used to look at you from afar."

"Ikaw— crush mo ako, sa WU-C Hall pa lang 'no?" Pabiro ko siyang hinampas sa braso niyang matigas at batak, hindi siya natinag kahit may kalakasan ang pagkakahampas ko at imbis ay napakamot lang sa batok niya.

"No. It was not the day that I liked you."

"Tinuod? Kailan kung gano'n?"

"Way before you thought I did." Huh? So kailan nga iyon? 'Di kaya no'ng una naming pagkikita sa terminal? Noong muntik niya na akong mabangga? Was that love at first accident? Haha, ang corny ko talaga. Yuck.

"Amox."

"What is it?"

"Gusto ko lang sabihin na— hindi talaga kami ni Kyroz." Ilang gabi ko na kasing iniisip kung paano ako aamin. Isa pa, nagsasawa na ako sa panunukso sa opisina kapag malapit kami ni Kyroz dahil sa kagagahan ko.

I'm just taking responsibility about this at sa susunod ay sasabihin ko na rin ang tutuo sa mga taong chismosa sa kumpanya. Mas inuna ko lang sabihan si Amox dahil siya ang pinatamaan ko nang epekto. Responsibilidad kong umamin sa nagawa.

Amox shrugged his shoulder cooly, finishing his drink. "I know," he said unbothered.

"Unsa?!" Malaki ang mata kong asik. Nagsalin siya nang panibagong wine sa baso namin. Ang akin ay nadagdagan lang dahil hindi ko pa ubos.

"I know that you're not dating him."

"Then why did you—"

"Dahil alam kong umiiwas ka pa sa akin. Besides, I was really a jerk when we met again at the hospital." His eyes don't seem too weary anymore. Pero may bakas pa rin doon nang pag-aalangan sa kung ano.

Nakagat ko na lang tuloy ang labi ko matapos kong ubusin nang isang lagok ang wine. "Pasensya na, kung nagsinungaling ako sa'yo."

" You did not lie to me, Bhea. Because I already know what's going on. You just lied to yourself by aiming to protect yourself from me, and I understand that." Parehas kaming natahimik ni Amox dahil alam naming may sense at tama ang sinabi niya. Sa ilang segundo nang pananahimik ay sabay pa kaming natawa at napa-iling.

Inilapag na ni Amox ang bote ng wine at ang mga wine glass sa gilid para makadantay sa fence. Dinaramdam ko lang ang kapayapaan ng paligid sakaniyang tabi, at sa oras na binalingan ko nang tingin si Amox ay nakahanda na ang cellphone niyang kumuha ng litrato ko.

Ipinakita niya sa akin ang mata kong nakatingin sa camera na sumakop sa buong screen. He showed me his manly smirk when he saw my reaction.

"Congratulations— Engineer Reyez," aniya habang tumitipa sa cellphone. He uploaded that candid picture on his IG story's close friend list.

"Para saan?"

"For reaching your goals. You did really great." Itinago niya ang cellphone niya sa bulsa at humarap na sa akin. I suddenly remember the picture frame in his office in VCH.

"Saan mo pala nakuha ang picture ko sa graduation?"

Lumunok ito at mukhang nahiya pa nang kaonti pero sinagot din ako, "Liham was there, she took it while you were on stage and sent it to me. When I saw that, I told myself that 'That's my girl, and I'm so proud.' I really wanted to be there, so I went there. I bought a bouquet and a card to congratulate you. Kaso iniwan mo 'yong bulaklak sa mesa."

Bulaklak... Ang dala ni Kyroz na boquet ng bulaklak?!

"Sa'yo galing ang boqouet na 'yon? Diba nasa Boston ka? Paanong? Umuwi ka ba?"

Ang sabi ni Kyroz— naabutan niya sa delivery man. Si Amox ba ang delivery man na iyon? Ang kapal ng mukha ni Kyroz para tawaging delivery man si Amox!

He nodded in an instant, chuckling. "I did. My real plan was to attend your graduation day but there was some air traffic jam that's why our arrival got delayed and I came to Victoria already at night."

"Paano mo nalamang nasa hotel ako?"

"I have my ways, Afidahrielle. I always have my ways."

Bigla akong nagsisi na hindi ko kinuha ang bouquet at iniwan na lang sa mesa ng hotel dahil sa pag-aakalang kay Engineer Adisson nga iyon. Sabagay, hindi lang naman ako ang nabalisa dahil nahiya rin para sa akin si Savi dahil parehas kami nang naisip.

But thinking critically about that incident, the card says Engineer Reyez. Specifically. And Adisson's surname is Revali. Paanong hindi ko naisip kahit kailan na hindi talaga para sakaniya iyon? Lalo pa't ugali na talaga ni Amox na bigyan ako palagi ng bulaklak dati.

Nasa kalagitnaan pa ako nang pakikipag-away sa sarili ko no'ng nagsalitang muli si Amox. "Niqui will be back in Manila, tomorrow. I can ask her to free her schedule so that—"

"Hindi na, Amox. Hintayin na natin si Curie. Para isang usapan na lang," I stopped him. Hassle kasi kung si Niqui muna tapos si Curie sa susunod. Gusto kong sabay na silang makausap para isang lapagan na lang.

Biglang bumigat ang awra ni Amox sa aking tabi kaya nginiwian ko ito, "Oh, bakit?"

"For sure I have inflicted a lot of pain when I was suddenly out of your life, so please let me patch away the pain."

When it comes to pain, it's like even if there are a lot of different coping capacities, the truth is— that everyone gets hurt. And that alone validates everyone's feelings no matter how deep or shallow the scar could be.

"Alam mo, Amox? Kapag tinignan ka ng ibang tao, mostly they will think that you're a serious man. A man with only a few words but is smart and rough. But what they aren't aware of— is your manly soft side."

"That's a good thing, right?"

"Oo naman!" Pinaglaruan ko ang suot kong kwintas habang sinasabi iyon, napansin niya agad ito. Umaliwalas ang mukha niya sa nakita.

" Have you ever stopped wearing the necklace?"

"To be honest, oo. Sa gabi hinihubad ko. Pero kapag umaga, suot ko ulit. It is somehow a reminder for me to keep on going and be an engineer at day time. Alam mo na, college days. OJT. Masterals."

"So why are you wearing it now? Gabi na."

"I didn't wear it off from my neck again, weeks ago..." mahina kong bulong.

"Same."

"Huh?"

"I made your ring a pendant, I always wear this as it is."

Ipinakita niya ang suot na silver necklace kung saan nakasabit ang singsing na ibinigay ko sakaniya. Parang hindi magka-match ang pendant ng kwintas niyang iyon pero dahil magaling magdala ng sarili si Amox ay bumagay pa iyon lalo sa leeg niya.

"If I keep it as a ring, I am not allowed to wear it all the time, especially at work. Of course, I have to be mindful of it so I have to keep it safe."





Mabilisan kong inaayos ang suot kong hard hat para maging ligtas sa field sa Mandaluyong ngayong Lunes. Imbis na sa opisina ay rito ako pinadiretso ni Kyroz dahil kailangan daw kami rito.

Naka classic grey bench polo-shirt lang ako at pants, hindi ako p'wedeng umawra sa site. Maaalikabukan lang ako at kung magmamaganda ako'y baka masilipan pa.

Sininghalan agad ako ni Kyroz pagakalapit ko sakanila ng assistant niyang si Leia. Halata rito ang pagkatensyunado. At mismong ang mga architect at ang interior designer ay umiiwas kay Kyroz. Nasa gitna sila sa harap ng condominium na kaonting-kaonti na lang ay malapit na talagang matapos.

"Why are you late?!"

"Hindi ako late, Kyroz. Traffic lang at napaaga ka lang."

"Traffic or you overslept? Kung maaga kang nagising, hindi ka ma-le-late."

Ilang linggo na, badtrip pa rin itong bata na 'to? Inaano ko ba siya? Sa susunod nga ay hindi ko na siya sasadyain sa opisina para hindi ako nakakaabala sa milagrong dapat ay mangyari! Nagtatanim ng sama ng loob sa'kin, eh p'wede naman siyang pumunta sa opisina ni Adisson pagka-alis ko para roon na sila tumuloy.

Sinisimulan na naman ako nitong Kyroz na ito, kaonti na lang talaga i-re-request ko na sa tatay niya na palit na lang kami ni Letran. Doon na lang ako mag-e-engineering manager kay Engineer Karos at si Letran na lang ang kay Kyroz. 'Yon lang ay kung mapapapayag ko ba si Letran, eh isa pang halimaw 'yon sa paghakot ng mga proyekto!

"May nagkabanggan sa daan kanina kaya kahit maaga akong nagising ay matagal ako sa daan. Ano ba'ng ipinuputok ng butsi mo r'yan, ka-aga-aga?" singhal ko rin sakaniya. Ang aga-aga niyang nagsusungit, mamaya— mahawaan niya ang ibang mga empleyado, Lunes na Lunes pa naman!

Instead of answering me, initsya niya ang paper architectural drawing sa akin. Dismissing me in a foul mood. "Check the building, specifically the tenth floor. Go. Now!"


"Ano ba'ng problema ng boss mo at and agang may sungay, Leia?" gigil kong tanong sa assistant niya habang papaakyat kami sa loob ng condominium.

It's already in 95% progress at kung tutuusin ay dapat nga ang ibang team na lang namin ang bumabantay rito specifically the interior, and exterior designers dahil tapos na ang malaking responsibilidad namin. I-iinspect na lang ng kaonti na kayang-kaya na paniguradong gawin ni Lara.

Tumawa nang bahagya si Leia, inayos ang salamin niya. "Actually, Engineer— kanina pa nga po mainit ang ulo ni Engineer Kyroz."

"Nagkaproblema ba sa mga proyekto ni Engineer Kyrem?"

"Wala naman po, sa tutuo nga n'yan ay nandito pa po sa field si Engineer Kyrem kanina at niyayabangan ang kapatid patungkol sa progreso ng MXF Lips."

Walang problema sa elevator at nakarating kami sa tenth floor na gusto niyang ipa-inspect. 15 floors lang ang condominium at kahit pa dati ay sa tenth floor na ang problema dahil medyo napaling pa ang lapag sa tenth floor kaya pinaulit. Ngayon nama'y maayos na ito. Nagawan ng paraan nina Lara.

"Hmm, baka bad trip lang at nauungusan siguro ni Kyrem."

"Sa tingin ko, hindi po iyon ang ikinaiinit ng ulo ni sir, Ma'am."

"Eh, ano?"

"Wala naman po siyang paki-alam kay Engineer Kyrem kanina, eh. Nakatutok lang siya sa cellphone tapos biglang kumunot ang noo at biglang nagsungit na." Nag-check ng cellphone? May ano ba sa cellphone niya? Tsk, baka tinotopak lang talaga, o baka naman hindi siya ni-re-replyan ni Adisson.

"Hindi pa ba niya na-che-check ang site?"

"Na-check na po kanina."

"Oh, eh bakit pinapa-check pa uli sa akin?" Maayos na, oh? Na-inspect ko na rin ito last week at ayos na talaga. Pinapahirapan pa ako ng yawa! Marami pa akong sisimulang project analysis sa opisina, tsk!

"Baka po sainyo mainit ang ulo," makahulugang sambit nito. I glared at her.

"Inaano ko ba siya?"

"Ewan ko po sainyo, kayo po ang jowa. Baka po may LQ kayo?"

I sighed. Naka-amin na ako kay Amox kaya p'wedeng umamin na ako sakanila. Ito na rin ang tamang araw para roon. Saka tama si Amox, sarili ko na lang ang niloloko ko kung ipagpapatuloy at hahayaan ko pa silang isipin na kami ni Kyroz.

"Hindi ko siya jowa, Leia."

"Po? Pero diba po at kaka-third anniversary niyo lang?" naguguluhan ako nitong sinuri, sumakay na ulit kami sa elevator para bumaba na.

"Sinabi ko lang iyon para iwasan ang ex ko sa meeting."

"Ex niyo po si Doctor Vestrella?!" gulat niyang wari, I shrugged my shoulder because of the obvious answer. Si Amox lang naman ang umaya sa'kin pagkatapos ng meeting. Malamang at siya nga ang iniiwasan ko.

"Ay anak ng! Ma'am patay tayo r'yan! Baka po umasa si Engineer Kyroz." Umasa? As if! Siya na nga mismo ang nagsabi sa'kin no'ng pumunta ako sa opisina niya. 'Kailan pa kami naging close para biruin siya nang gano'n?'

"Hindi 'yon. Alam ni Kyroz na magkatrabaho lang kami," dismis ko sakaniya, pagak itong tumawa at ngumuso.

"Ma'am, alam niyo ba'ng ilang beses nang tinanggihan ni Engineer Kyroz si Engineer Adisson? Lagi iyong pumupunta sa opisina ni Engineer! Ay ma'am 'wag kang ma-o-offend, ah! Pero sa tingin ko hindi niya tatanggihan ang laki nang hinaharap ni engineer at ang ganda niyang mas maganda pa sa'yo, kung hindi ka niya gusto."

Cat got my tongue because of her remark. Hindi dahil sa gusto raw ako ni Kyroz pero dahil hayagan niya talagang sinabi sa akin na mas maganda at mas malaki ang hinaharap ni Adisson!

Sa huli'y bumuntong hininga na lang ako. Tsk, bahala na, "Kakausapin ko si Kyroz patungkol d'yan, Leia. Huwag kang mag-alala."





Katatapos naming mag-lunch at kasabay ko si Savi at Letran na kumain sa opisina. Nauna muna silang mag-k'wento nang mga ganap nila sa buhay bago ako nagsabi kaya ngayon palang umaarya ang bibig ni Savi.

"'Yan ang sinasabi ko sa'yo, Bhea. Sabi sa'yo at gusto ka ng tao, eh!"

"Paano nga ang gagawin ko? Hindi ko naman siya gusto."

Kahit kailan hindi ko siniryoso ang mga sinasabi nilang gusto ako ni Kyroz. Kasi ako at si Kyroz? Hindi talaga, eh.

Padarang na umupo si Letran sa mesa ko. Itinulak ko siya paalis dahil may salamin na nakapatong sa mesa kong iyon kaso lang hindi siya nagpatinag. Dumikwartro pa nga at humalukipkip.

"Bhea, Savi. Huwag nga kayong assuming. Hindi ka gusto ni Kyroz!"

"At paano mo naman na sabi, aber?!"

"Dahil ako ang gusto niya."

"Ha?!" Sabay namin siyang binatukan ni Savi. Si Savi'y nangigil pa lalo kaya inulit pa ito para bumaba na siya sa lamesa ko. "Gago, ang kapal ng mukha mo!"

Letran looked at us boredly as he walked towards the door to go out. Akala ko'y aalis na ito pero nagawa niya pang sumilip sa pinto para silayan kaming muli at humabol ng isang pahayag.

"Sige, siryoso na. Si Amox ang gusto no'n, hindi ikaw! Assumera ka!"





Alas kwatro nang hapon ay napagpasyahan kong puntahan si Kyroz sa kaniyang opisina para kausapin. Prinaktis pa namin ni Savi ang mga sasabihin ko mamaya para madahan-dahan siya at hindi ma-offend. Bumili pa kami ng iced coffee para may dala ako sakaniya kung sakali.

Ngayon nga ay nakasandal siya sa office chair niya. Nakapikit ang mata nito pero alam kong hindi siya tulog. Inilapag ko muna ang dala kong iced coffee bago ako naupo sa upuang nasa harap ng mesa niya.

"Engineer Kyroz."

"What?" pikit matang tugon niya sa akin.

Kinakabahan ako hindi para sa akin pero para sakaniya. Ewan ko ba, ilang taon kong nakasama si Kyroz at ni minsan ay hindi ko nahimigang ito pala siya. Ang galing niyang magtago at posibleng itinago niya talaga ito sa kadahilanang baka mahirapan siyang tanggapin ng iba. Ayaw kong 'yon ang maramdaman niya kung sakali.

Inipon ko ang lakas ng loob ko bago ako umimik, "Alam mo, p'wede nating pag-usapan 'yang mga dinaramdam mo. Kung nahihirapan kang sabihin sa iba, nandito ako. Handa akong makinig with no judgements. I swear! Kahit ano pa 'yan," panimula ko.

I saw that he closed his eyes tight this time as he upheaved. "You won't understand."

"Iintindihin ko, I promise! Tanggap kita, kahit ano ka pa. At paniguradong maiintindihan ng mga magulang mo 'yan kung sakaling maglabas ka na nang tutuong pagkatao sakanila—"

"Engineer Bhea, are you expressing that I'm gay?" walang ka amor-amor niyang asik sa akin at sa pagmulat ng mata niya'y bumungad agad ang nangagalaiti niyang ekspresyon.

Malawak akong ngumiti para ibsan ang mabigat na atmospera niya, nagawa ko pang wumagayway ng kamay para batiin siya, "Welcome to the rainbow world, Engineer!" Nanginginig na ang labi ko sa lapad ng ngiti na ipinaskil sa mukha.

Itong batang ito naman kasi, ni ayaw man lang tumawa!

Ang mga katulad niya ang nagdadala ng saya sa mundo, kaya dapat matuto na rin siyang ngumiti at hindi sumimangot!

But rather than smiling, he looked bothered, distressed, and disappointed. Pumikit pa siya muli at humawak sa sentido, "I'm not gay, Engineer Bheanna Reyez. "

"Eto naman, no judgement nga! Kahit umamin ka na," pilit ko pa rito.

He scoffed at me as he also glares. "Alam mo— Bhea, wala akong problema sa gender ng isang tao, o kahit ano pa sila. As long as they are living with essence of who they are and they are happy, I support them. But if you will insist and push me to confess if I am gay, wala kang mapapala sa akin dahil hindi. Nagkakamali ka ng iniisip, " pinal niyang pahayag. Napangiwi ako at napahalukipkip.

"Sabi kasi ni Letran, gusto mo raw si Amox."

"He got average facial features, yes."

"So inaamin mong gusto mo nga siya?" Muling nanlaki ang mata ko roon, tinuro ko pa siya na parang nakumpirma ang isang bagay na itinatanggi. Tsk, para akong si Lara ngayon, ah?

"He has the face but I believe that I am more handsome than him."

Yabang?!

"Eh, si Letran— gusto mo?"

Walang ganang pumikit muli si Kyroz sa sumunod na tanong ko. Prente niya nang isinandal muli ang likod sa upuan. "Asaang lupalop ba nanduruon si Engineer Galliare? Iharap mo sa akin at nang makausap ko kung bakit niya sinabi ang bagay na iyon sa'yo."

"Weh? Sure ka? Final na 'yan? Kasi baka naman hindi ka pa pala ready tapos pinapangunahan kitang umain ngayon, pasensya ka na talaga pero—"

"Bheanna Afidahrielle it's you whom I like! Now, is that enough for you?" he stated as he finally opened his eyes again, this time looking very serious and significant.

Nabato ako sa kinauupuan dahil doon. Matigas ang gawad niya sa akin kaya 'di ko malaman kung iiwas ba ako o hindi. Ang tanging singhap lang na galing sa pintuan ang nakapagpaalis ng tingin naming dalawa sa isa't-isa.

Si Engineer Adisson ay nandoon nakatayo, may dala ring iced coffee sa parehong brand na pinagbilhan namin kanina.

"Kyroz..." nanginginig niyang tawag sa huli.

"Adisson, 'di ba sinabi kong pupuntahan na lang kita?"

"Leia said that you're here already so I decided to come here, instead." Minata ako ni Adisson sandali at nasasaktang umiwas ng tingin.

"Okay, come inside. You may go now, Engineer Reyez. Engineer Revali and I will be talking about some matters." Sinunod ko agad si Kyroz sa utos niya. Kinuha ko na rin ang dalang iced coffee dahil ayaw kong masayang pa ang binili ni Adisson. She must be hurting right now to hear that, at ayokong isipin na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Sa paglabas ko ng opisina ni Kyroz ay hindi si Leia ang aking naabutan, imbis ay ang nakatayo at nakahalukipkip na si Kyrem. Kinuha niya ang isang iced coffee na dala ko, hinayaan ko na lang.

Ang dami-raming pera tapos laging buraot 'tong babaeng ito!

"Tsk, tsk, tsk! This is what I always remind him. Not to get too attached to you," panimula niya. Inikutan pa ako na parang isang pulis siyang nag-iimbestiga at ako ang akusado.

" It's clear and I'm thankful how you draw the line for my brother every time, Engineer Bheanna. And even when I asked you last time, you said that he won't have a chance. I was thankful to know that he doesn't have a chance with you. But when you pulled off some tricks just to get away from Vestrella? You fucked up so bad!" singhal niya pa.

Umiling ako para akuin ang kasalanan, " Kyrem, this is not what I want to—"

"If you want to stop his feelings for you, it's really easy to do so."

Bakit ba hindi napigilan iyon ni Kyroz? Kahit kailan naman ay wala akong ginawa sakaniya para madala siya sa akin o kung ano man. Lagi ko pa ngang itinatanggi at idinidismis ang kahit anong tyismis patungkol sa amin.

Siguro nga maganda ang ginawa kong iyon, kung hindi lang sana ako naging isa't kalahating gaga no'ng nandito si Amox at dinamay pa siya ay hindi ito mangyayari. Baka iyon talaga ang naging problema.

"Paano?"

Kyrem observed her branded watch as she answered, "Just be honest with him. And tell him directly that you don't and will never like him. Besides, when Niqui and Curie finally arrive, this whole scheme will stop already. Oras na rin para magising si Kyroz na malapit nang matapos ang responsibilidad niya sa'yo."

Responsibilidad? Ano? At bakit nadawit muli si Niqui at si Curie rito?

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Kyrem showed me her uncanny reaction, umakto pang isi-ni-zipper ang bibig. "Remi will shut her mouth from now on. Goodbye, Engineer~"

Ano'ng kinalaman nina Niqui at Curie sa sinasabi niya? Why are their names in the caught up issue again? Bakit ba kapag may 'di gaanong malinaw na nangyayari sa akin ay dawit pa silang dalawa?





Lutang akong umuwi. Pagkahatid sa akin ng grab ay 'di ko agad nasimulan ang mga dapat gawin dahil sa unang pagkakataon sa taong ito ay tumawag ang Mamang sa akin.

"Ma? Kumusta? Buti naman po at napatawag kayo," masaya kong bati. Napawi na ng pagka-excited ko ang mga bumabagabag na isipin patungkol sa mag pinsang Vellardez.

"Itatanong ko lang sana kung may libreng oras ka ba para umuwi sa susunod na Linggo? Birthday at death anniversarry ng Papa mo."

Oo nga pala, dapat sesenta anyos na ang Papa sa taong ito. Nitong mga nakaraang taon, ang mga lumipas na taon ng pagkawala niya ang binibilang ko imbis na edad, ngayon lang kasi bumabalik sa utak ko na mismong araw ng kaarawan niya ay binawi rin siya sa amin. Ang tagal ko na ring hindi siya nadalaw dahil sa Davao nakalibing. Pero sa dami ng trabaho'y hindi ako sigurado kung makaka-uwi ba ako. Baka kasi magpa-grand opening ang condominium at kakailanganin kami roon.

"Hindi ko sigurado, Ma— pero gagawan ko ng —"

"Sige huwag na. Mag-ingat ka na lang d'yan."

"Ma—" Pagod akong napahawak sa batok at sa balikat. Pinatay agad ni Mama ang tawag kaya alam ko na agad ang dapat gawin.

Ayoko ring isakripisyo na isang taon muli kaming hindi mag-usap ni Mamang kaya pagbibigyan ko na ito lalo pa't matapos a Mabilis kong kinuha ang laptop ko para magtipa ng email kay Kyroz. Mas mabilis kasi niyang natatanggap ang mensahe kapag via email kaysa sa cellphone.


To:Kyrozyakovdkm@gmail.com

Subject: Emergency Leave


Good Evening, Engineer.

I would like to inform you and ask for your permission if I can take an emergency leave this coming next week, for the reason that my mother wants me to go home to my hometown - Davao City. In celebration of my late father's 60th birthday celebration, I think she wants her children to be reconciled and complete on that day. I am aware that we still have a lot of pending projects and the Mandaluyong project might have its grand opening ceremony anytime now, but I assure you that I will make sure to withstand an effort once I am back in the field.

I hope you consider my request and I would also like to apologize for what happened earlier.

Responsibly,

Engr. Bheanna Afidahrielle Reyez


Isang minuto pa lang ang lumipas ay nakatanggap na agad ako ng reply galing kay Kyroz. Binuksan ko iyon at binasa.


From: Kyrozyakovdkm@gmail.com

Subject: Emergency Leave


Good Evening, as well Engineer.

Sure, you may take your leave. But I'll cut off thirty percent of your salary, and you can't take your advanced allowance from the company.

Have a safe flight.


Napanganga ako dahil sa reply niyang iyon. Aba't pisting! Akala naman niya! May ipon ako, no! Bibili na agad ako ng tiket pa-Davao at hindi ako hihingi nang kahit isang kusing sa s'weldong pinaghirapan ko sa buwan na ito! Iba-bash ko talaga siya nang sobra-sobra. Susunugin ko siya sa GC namin nina Savi!

Nangagalaiti akong nag-bu-book ng flight sa Mindanao nang umilaw na magmuli ang aking cellphone. Akala ko'y sina Savi at Letran iyon sa GC dahil ifi-norward ko ang reply ni Kyroz sa messenger pero imbis na mensahe nila'y ang ka-se-send lang na text ni Amox ang nabasa ko.


From: Doc. Amox Vestrella

Curie's coming home to the Philippines, we can schedule a day for her; next week. Niqui said she'll free her schedule anytime. Are you ready to talk to them?


Next week na rin? Pero kailangan ko na talagang umuwi. Bumalik sa akin ang alaalang nabanggit ni Kyrem kanina. I gulped out of frustrations.

Ano ba kasi 'yon?!

Hindi pa ako nakakapag-tipa ng reply pero heto at tumatawag na si Amox.

"Bhea—"

"Uuwi ako ng Davao next week, eh. Hindi ko sila makaka-usap."

"Is that so? It's okay, we can talk to them after. Would you mind if I go with you?"

"Huh? Sasama ka rin? Bakit?!"

"I told you before, I want to go to the place where you grew up... so pack your bags and I'll see you next week, Engineer."

Continue Reading

You'll Also Like

245K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
417K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
12.1K 177 44
"I didn't lost him and he didn't lost me but he lost the memories we shared." And our memories turn into a faded memories. (Wattys 2021 Shortlist) D...
56.9K 1.9K 45
Delfino Series 1 | Completed Yvette is a woman desperate to escape her haunting past finds herself pursued by unresolved memories, threatening to un...