Icy Princess

By btgkoorin

146K 7.1K 514

Upang mapanatili ang magandang samahan sa pagitan ng dalawang angkan sa bayan ng Wisteria, ang angkan na tuma... More

Simula❄
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 13

4.1K 254 8
By btgkoorin

❄YEJIN❄

"Uuwi na lang ako para magpalit ng suot." Bulong ko kay Zainah pero inilingan lamang ako nito.

Palabas pa lang kasi kami ng Palasyo ay pinagtitinginan sila at syempre isa ako sa napapansin. Kahit medyo madilim na ay napakaliwanag naman sa dinaraanan namin.

"Saan ako magpapalit? Wala akong dalang pamalit."

"Diba sabi ko, ako na ang bahala."

"Anong gagawin natin?" Naguguluhang tanong ko.

"Dadaan tayo sa pamilihan at bibili tayo ng kasuotan mo."

"Pero---"

"Ako na ang bahala."

"Pweding tayong dalawa lang? Sunod na lang tayo sa kanila." Mahinang sambit ko. Napaisip ito at saka tumango.

"Susunod na lang kami sa inyo. Dadaan pa kami ng pamilihan." Sambit ni Zainah sa nauunang lumakad sa amin. Tumigil sila at binalingan kami.

"Samahan na namin kayo." Si Denver. Tumango naman sa kanya ang katabing si Zanlex.

Wala naman akong nagawa nung tiningnan ako ni Zainah. Nanag makarating kami sa bukana ng pamilihan ay nauuna na kami maglakad ni Zainah kesa sa Elitian. Nakakapit pa rin siya sa braso ko habang sabay kaming naghahanap ng pamilihan ng kasuotan.

Ang una namin ang nakita ang agad naming pinuntahan. Naisip ko sana ay kina Lady Lorraine kaso sarado na nga pala sila ng ganitong oras.

Kasunod naming pumasok ang Elitian sa tindahan. Agad naman kaming sinalubong ng may-ari at nagbigay galang ng makita ang Mahal na Prinsipe. Ito pa ang personal na nag-asikaso sa Elitian.

Naiwan sila sa parteng may upuan kasama ang may-ari samantalang kami ni Zainah ay dumiretso sa pagpipilian ng kasuotan. Nasa parteng mga bestida kami para sa mga maharlika na kahit ayaw ko sana ay napilitan na lang dahil kay Zainah.

"Kina Kaden kasi tayo pupunta kaya dapat maayos ang kasuotan natin. Pamilya iyon ng Mahal na Reyna kaya't dapat presentable tayo makiharap."

"Hindi naman ako sanay magsuot ng kasuotan niyo."

"Masanay ka na dahil kaibigan ka namin."

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ito kaya? Sukatin mo, dali." Iniaabot niya sa akin ang kulay asul na bestida na makintab ang tela at may mga makukulay na maliliit na perlas sa bandang dibdib. Inabot ko ito at pumunta sa silid na pweding magpalit.

Nang matapos akong magpalit ay tumingin ako sa salamin na naroon at pinagmasdan ang kabuuan. Inilugay ko ang buhok sa likod ko at inipit sa magkabilang tenga ang napupunta sa pisnge ko.

Bago naman ako lumabas ay inilagay ko sa isang supot ang suot kanina.

Paglabas ko ay bumungad sa akin si Zainah na iba na ang suot na bestida. Namamangha itong tumingin sa akin at agad na hinila ako papunta sa pwesto ng Elitian.

"Tapos na kami." Aniya at hinila ako palapit sa may-ari ng tindahan. Nag-abot sya ng bayad at nang maabot ang sukli ay hinila niya naman ako sa nakatayo nang Elitian.

Napatingin ako rito at nakita ko ang tingin nila sa akin, maliban kay Dylan na napansin kong kay Zainah ang tingin. Hindi ko naman maiwasan mahiya at umiwas ng tingin nang makasalubong ko ng tingin ang dalawa, ang Mahal na Prinsipe at si Kaden.

"Alaala ng unang pagkikita." Napabaling ako kay Zanlex at sinamaan siya ng tingin pero tumawa lang siya.

Nauna pa rin kaming maglakad ni Zainah kesa sa lima at bumalik na naman ang braso nito.

"Oo nga pala, nung ilang araw matapos ang kaarawan ko ang daming nagtatanong tungkol sa iyo, Yejin. Inaalam kung may kasintahan ka na ba. Ang daming may balak sayo."

"Ganun talaga, kapatid. Maganda at agaw-pansin si Yejin. Marami na sigurong nagtatapat sa iyo, Yejin."

"Meron. Pero hindi ako mahilig makihalubilo sa ibang tao."

Iniiwasan ko ang gulo dahil ang iba sa kanila ay may kasintahan na. Sa halip na ang pagsabihan nila ay ang kasintahan nila, ako ang inaaway nila. Kaya sa bahay, kina Lady Lorraine at kina Master Vinz lamang ang nagiging puntahan ko para makaiwas.

"Kaya naman pala ngayon ka lang namin nakita at napansin."

Isang liko na lang ay alam kong malapit na kami kina Kaden. Nandito kami sa parte kung saan ang mga kabahayan ng mga Ician.

Huminto kami sa isang malaking tarangkahan. Bumukas ito ng kusa at naunang pumasok sina Kaden at Prinsipe Terrence. Sumunod naman kami.

Malaki ang kanilang bahay at napakaganda rin. Lumiko sila sa isang pasilyo na sa gilid ng bahay. Palagay ko ay ang dugtong nito ay ang nasa likod-bahay na. Habang sumusunod kami ni Zainah ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda at pagkakaayos.

Ilang lakad ay natigil kami at bumungad sa amin ang malawak na damuhan. May bakod na sa dulo at sa malapit sa amin ay may mga upuan at mesa na maganda ang pagkakaayos.

Natigil ako sa paglibot ng tingin nang maramdaman kong may nakatingin sa akin at nang makitang lahat sila ay hindi ko maiwasang hindi mamula sa hiya.

"Maiwan muna namin kayo dito, Zainah, Yejin." Si Kaden. Sabay naman kaming sumang-ayon ni Zainah.

Nang umalis na silang lima ay naupo kami ni Zainah at hindi ko naman mapigilang hindi magtanong sa kanya kung saan pupunta ang mga iyon.

"Palagay ko, magpapalit iyon ng suot. Nakakahiya naman daw kasi sayo na preskong presko." Kinunutan ko siya ng noo.

"Biro lang. Pero tingin ko ay magpapalit talaga sila."

"Natutuwa ako kasi sabay-sabay tayong kakain ng hapunan maya-maya. Ang malagay sa pwesto natin ay kakainggitan na ng maraming kababaihan. Kaya dapat di natin palagpasin."

"Sa tingin ko, sobra na para sa akin ang mga kaganapan ngayon. Hindi naman ako Maharlika tulad ninyo."

Napatingin ito sa akin.

"Magsuot man ako ng mga kasuotang pang-Maharlika, hindi pa rin ako magiging isa."

"Kaya kapag umiwas ako sa inyo, isipin nyo na lang na nililugar ko lang ang sarili ko kung saan ako nararapat."

"Yejin naman eh!"

Nagkatinginan kaming dalawa. Tinatantya niya kung seryoso ako pero seryoso talaga ako sa mga sinabi ko. Totoo yun. Napabuntong hininga naman siya.

"Gawin mo na lang asawa ang isa sa magpinsan para hindi mo na isipin ulit ang estado ng buhay sa pagitan natin." Napangiwi ako.

"Pero bago ka mag-asawa, dapat magkaroon ka muna ng maraming kasintahan. Bukas na bukas hahanapan kita."

"Anong tinuturo-turo mo kay Yejin, Zainah?" Sabay kaming napalingon sa lima. Si Zanlex ang nagsalita. Iba na rin ang suot nila ngayon tulad nga ng palagay ni Zainah.

"Wala ah."

"May mga kasintahan ka bang tinatago sa akin? Hindi mo ituturo kay Yejin kung hindi mo ginawa iyon. Sinu-sino?"

"Wala, kuya." Namutla ito sa takot kaya napangisi ako.

"Sabihin mo at nang malagot sa akin!" Ramdam ko ang pagiging seryoso sa boses ni Zanlex. Binalingan ko si Zainah.

"Hindi ka pala pweding magkaroon ng maraming kasintahan. Magwawala ang kuya mo. Sige, payag na ako. Ako na lang ang magkakaroon ng maraming kasintahan para sayo." Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

Nakaramdam ako ng tensyon dahil sa sinabi ko at palagay ko ay meron sa kanilang hindi gusto ang binitawan kong salita.

"Yejin!" Napalingon ako kay Zanlex at nakita ang seryoso nitong mukha. Lumihis ang tingin ko at nakita ko ang magpinsang seryoso rin ang tingin sa akin. Hindi ko naman mapigilan makaramdam ng kaba.

"Nagbibiro lamang ako." Bawi ko. Hindi naalis ang kaba. Napayuko ako.

"Kuya, wag ka magalit kay Yejin. Nagbibiro lamang kami."

"Ang biro ay kalahating totoo. Kapag ginawa nyo talagang dalawa ay malalagot kayo sa akin."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Zainah. Bumuka ang bibig nito at may sinabing kataga na 'kapatid na kita.' na nagpatawa sa akin at maging siya ay natawa sa sinabi.

"Hindi ako nagbibiro!" Napalingon kami kay Zanlex at palapit na ito sa amin.

"Yejin, takbo!" Bago pa kami makakilos ni Zainah ay napatingin kami sa paa naming hindi namin maigalaw.

May kapangyarihan na nakapaikot sa mga paa namin at pinipigilan nitong umangat ang dalawa naming paa. Napatingin kami kay Zanlex na nasa harap na namin. Pinitik nito ang noo ni Zainah at napadaing naman si Zainah.

Nung ako naman ang pipitikin niya ay nagpalabas ako ng snowflakes sa tapat ng noo ko at pagtama ng kamay nya doon ay lumabas ito sa tapat ng noo niya at ang noo niya ang napitik. Napaatras ito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

Gamit din ang snowflakes ay nakawala ang mga paa ko sa kapangyarihan niya. Ginamit ko rin ito kay Zainah at lumayo kami kay Zanlex na di pa nakakabawi sa ginawa ko.

Iniangat ko ang hintuturo at mula rito ay may lumabas na snowflakes.

"Ano, Zanlex, ikaw muna bago kami maglaban ni Kaden?" Tanong ko at ngumisi sa kanya.

*****
-btgkoorin-

Continue Reading

You'll Also Like

10.9K 612 44
Lemon Concepcion is a happy go lucky girl who prefers playing piano as an escape from her stressful life as a lawyer's daughter. She often get violen...
288K 8.4K 43
Deceiving. Cold. Frightening. Her eyes are tempting to look at but also hypnotizing. Everyone doesn't want to have a glimpse. Amethyst was born pecul...
31.8K 995 49
[VAMPIRE DUOLOGY BOOK 1] Everyone can change, the reason behind is either about their society or the people around them. But what if her society is f...
181K 7.6K 54
Zheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is...