Eraser (Elementary Series #1)

By Eiglight

1.4K 131 47

Si Shakira Joyce Gomez, siya iyong kapag tinignan mo akala mo masungit pero kapag mas nakilala mo siya, sobra... More

Eraser
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)

Chapter 10

66 7 1
By Eiglight


Chapter 10

Tanaw

"'Di porket break na kayo ni Roselyn..."

"T-totoo?" gulat akong medyo napatayo pa mula sa pagkakaupo.

"Oo!" mabilis na sagot ni Seb at halatang tumawang-tuwa pa siya. "Kaya hindi na sila magkatabi ngayon,"

Napatango na lang ako. Walang satisfaction akong naramdaman sa buong katawan ko. Parang lito at gulat lang, walang ginhawa na hindi na ako masasaktan, na hindi na ako iiyak kapag nakikita ko sila. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman.

Dapat masaya at nagpa-party na ako sa loob ko, pero wala, e, plain na gulat at lito kung bakit lang sila naghiwalay, gano'n.

"T-tapos?" nangangapa ako sa susunod na tapat itanong ko kay Nash—sa kanila. Wala akong update pagdating sa kanila dahil mukha na akong Elaine, na laging nakabuntot sa kanya para matakasan ko itong nararamdaman ko.

"Iyon lang..." umiwas ng tingin sa akin si Nash, tipong nahihiya siya.

"O-okay..." tumango na lang ako bilang pagsangayon.

Wala naman akong dapat itanong pa dahil sa hindi ako interasado kung 'di dahil bakit ganito 'yong nararamdaman ako? Wala talagang saya, e. Parang 'okay' lang ang para sa akin. Walang saya, walang galak, plain na reaksyon lang kapag may nagbe-break na kaibigan o kakila mo, gano'n.

Pinagsawalang bahala ko na lang lahat ng gaguluhan nararamdaman ko. Parang napagkasunduan naman nilang maghiwalay sila kasi umiwas lang si Nash at si Roselyn naman, gano'n pa rin, madaldal at kung sino-sino ang kinakausap.

"Class, kabisado niyo na ba lahat ng kanta?" Ma'an asked us while playing all the songs we need to memorized

"Opo!"

"Good," inihinto na ni Ma'am ang pagtugtog at tumayo na siya sa harap. "Starting tomorrow we will going to practice na. Alam niyo naman na ginagawa ang school, so sa tabi tayo ng canteen magpa-practice."

"Ma'am, masyado po siyang maliit para sa lahat ng twelve section ng grade 6," sabi ng treasurer namin.

"I know," tumango si Ma'am at naglakad-lakad na sa harap. "Pag-umaga muna ang gagamit tapos pagtime na ng paghapon na pasok nila sila naman ang gagamit. Maliit pa rin 'di ba?"

"Opo, Ma'am, masyadong masikip para sa anim na section."

"Yes, I understand." malungkot na tumango si Ma'am. "We need to adjust dahil walang ibang place para makapagpractice kayo ng mas maayos."

Halos sabay-sabay yata kaming na pabuntong hinga dahil sa sinabi ni Ma'am. Masyadong maliit ang place na iyon, siguro kakasya lang ang dalawang section, paano pa kaming anim na section?

"Ang init," reklamo ko habang patuloy sa pagsayaw ng NCR hym. May steps kasing kailangan ding kabisaduhin hindi lang ang lyrics.

Patuloy lang kami sa pagsayaw, pagkanta, pag-guide sa amin kung paano kami lalakad, kung paano kami aakyat ng stage at kung paano kami lalapit sa magulang namin para sabitan ng bulaklak—sampagita.

Practice lang kami ng practice sa mga nagdaang araw. Hindi ko na nakakasama ang mga kaibigan ko dahil malayo sila sa akin. Hiwalay pa ang lalaki sa babae—nasa kabilang groupo sila, napapagitnaan ng aisle kung saan kami magkakalakad. Kapag bumabalik naman na kami sa room ay hindi na nakakapag-usap dahil sa pagod—agad na kaming umuuwi, depende na lang kapag cleaners kami.

"Hoy!" sigaw ko kay Nash na nakaupo lang habang ako naman ay nagwawalis. "Kumuha ka ng tubig at magmap ka na rin!"

"Inuutusan mo 'ko?" nakataas pa ang kilay ni Nash habag nakaturo sa sarili niya.

"Oo, bakit?" tinaasan ko rin siya ng kilay at tinapat pa sa kanya ang walis na hawak ko.

"Sabi ko nga," agad niyang kinuha ang map na automatic na kapag nilagay mo at pinamp ay lilinis agad ito.

"Tiklop ka pala, e." salubong ni Seb kay Nash habang dala-dala ang basurahan. "Okay lang 'yan, pre."

"Puro daldal, akin na 'yang basurahan!" singhal ko sa kanila.

Ang init ng ulo ko ngayon. Mainit kasi tapos meron pa ako, ang lagkit sa pakiramdam. Gustong-gusto ko na talagang umuwi, ayaw ko na rito!

"May face off daw si Nicole at Mae!" nagtatakbong lumapit sa amin ni Jacky si Roselyn.

Nandito kasi kami sa canteen, kakatapos lang ng practice, binigyan kami ng kunting break.

"Ang ingay mo," hinila ko siya sa may room ng grade two na katabi lang din naman ng canteen.

"'Di nga?" gulat na reaksyon ni Jacky. "'Yong muse nating si Mae?!"

"Oo!" nilabas niya ang cellphone niya at pinakita sa amin ang picture ni Mae at Nicole na naka-collage. "Like for Mae and Heart for Nicole."

Nakapout si Mae at Nicole at may filter sa kanilang mga pisnge na akala mo ay may blush on.

"Snow ang gamit nilang filter dito," turo ni Jacky sa kanilang picture.

"Sino iboboto mo?" tanong ko kay Roselyn.

"Siyempre ang muse natin, 'no?" parang sinabi niya sa akin na; 'duh, hindi ba halata?'.

Kung ano ano pang pinagusapan namin tungkol sa ganda nilang dalawa. Hindi makakailang maganda silang dalawa, maputi at nakakaakit ang kanilang mga ngiti.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Nash na nakatulala habang nagpupunas ng pawis niya.

"Oo, pagod lang." sumampak na siya paupo sa tabi ko. "Painom naman ako."

"H-huh?" gulat akong napabalik ng tingin sa kanya dahil ngayon lang siya nanghingi ng tubig sa akin.

"Painom ako,"

Agad ko namang binigay kahit kunti na lang at nauuhaw pa rin ako dahil hindi pa ako nakakainom. Hayaan ko na lang dahil uwian na rin naman, malapit lang ang bahay namin, matiis ko pa.

"Ubusin ko na, ah?" bahagya niya pagtinaas ang baunan ko ng tubig.

"'Ge lang," tumayo na ako mula sa upuan. "Lagay mo na lang sa bag ko, pupuntahan ko lang si Elaine."

"'Ge," tumango siya kaya agad akong lumayo sa kanya.

Masyado na naman akong umaasa. Akala ko wala na 'tong nararamdaman ko, akala ko lang pala iyon. Naging masyadong pakampatente na ako sa nararamdaman ko.

'Di porket hiwalay na si Roselyn at Nash ay umaasa na 'ko! Ayaw ko nitong nararamdaman ko! Please, ayaw ko talaga nito...

Patuloy lang kami sa pagpractice sa nagdaang araw kaya hindi nila namamalayan na umiiwas na naman ako sa kanila. I want to preserved my feelings, ayaw kong masaktan. Ang bata ko para rito. This is just infatuation, kaya dapat hindi ko masaktan ng ganito.

"Your last rehearsal will be at Amphitheater na," paliwanag ni Ma'am habang nagsusulat sa blackboard. "Bring your parent or guardian. Alam niyo naman na siguro kung saan 'yon 'di ba?"

"Opo!"

"Hindi po!"

"Okay," agad na umayos ng tayo si Ma'am. "Sa mga hindi nakakalaam, sasakay kayo ng isang jeep mula rito sa school, ang nakalagay sa karatula ay bayan. Pagdating niyo sa bayan ay may makikita kayong malaking open space at katabi no'n ang city hall sa kanan sa kaliwa naman no'n ay palengke. Take note of that."

Binalik ulit ni Ma'am ang tingin sa may blackboard. Nagkatinginan pa nga kami ni Elaine, napatawa na lang kami parehas. Umalis ulit ako sa kanila. Napatingin tuloy ako sa kanila na ayun naguusap sila roon, parang wala silang pake kung nandito man ako.

"Ma, sa Amphitheater daw kami sa 31," sabi ko kay Mama habang kumakain ng agahan. Kasabay ko si Kuyang kumain ngayon, nauna na sila Mama at Papa.

"31? Tapos graduation niyo 1?" nakakunot ang noo ni Mama habang tinatanong iyon. "Parang wala naman kayong pahinga no'n."

"Oo nga," tumangong sabat ni Kuya. "Nagmamadali na rin 'yan sila, Ma. Kulang sa oras. Hula ko hindi pa 'yan siya naka-akyat sa stage nuong practice kasi ang section 12 pa lang."

Nanahimik ako dahil tama siya. Sa practice namin ay section 12 or last section pa lang ang tinatawag para kunwaring kukunin ang diploma. Iyon naman kasi talaga ang unang tatawagin, ang last section pababa. Nakulangan na rin sa oras dahil hindi talaga kami makapagpractice ng maayos dahil ang liit ng kapasidad ng school.

"Guys, I'm sorry." iyon agad ang bungad ng adviser namin pagpasok niya. "Hindi tayo matutuloy sa amphitheater bukas dahil hindi gi-grant ang hiling nating makapag-practice duon dahil may graduation ding magyayari bukas sa amphitheater."

Lahat kami ay malungkot na namang napasinghap. Wala na ngang maayos na practice pati ba naman practice space wala pa rin?! Nanakainis!

"I know, you guys are disappointed but..." ngumiti siya sa amin. "May nahanap naman agad kaming place. Sa branggay basketball court."

Kahit masayang inanunsyo ni Ma'am 'yon ay hindi pa rin ako natuwa. Ang gara talaga, e! 'Yong kala Kuya napakaganda ng graduation rehearsal, tapos sa amin parang may mapractice at may mapakita lang sa head na nagpapractice kami ng maayos kahit hindi naman.

"Tell your parents right away pagdating niyo sa bahay."

Pagdating ko sa bahay ay agad kong sinabi kay Mama iyon at kita ko ang inis sa kanyang mukha. Mukhang napapangitan din siya sa sistema ng pagpa-practice namin.

Pagdating namin ni Mama sa baranggay ay halos lahat kami ay ang sasama ng mukha dahil sobrang gulo at mainit pa. Hindi naman kalakihan itong baranggay, sakto lang at tiyaka may mga magulang pa kaya sobrang dami talaga ng tao.

"Saan kayo napuwesto rito?" tanong ni Mama habang pinapayungan ako.

"Hindi ko nga alam, e." nagpalinga-linga ako ng tingin para mahanap ko ang mga kaklase ko. "Hanapin ko lang mga kaklase ko, Ma."

Kumaripas agad ako ng takbo papasok sa loob. Nakita kong nagtatawanan sila Elaine at si President kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Saan pila natin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ko pa nga alam," naglinga ng tingin si President. "Hindi ko pa nakikita si Ma'am. Ala-una ang umpisa pero 1:25 na hindi pa nakapila."

"Bukas na 'yong graduation natin, oh." reklamo ko naman at napasandal na lang sa poste.

"Wala pa nga tayong toga," dagdag naman ni Elaine.

Nagkatinginan na lang kaming tatlo at sabay sabay na lang napabuntong hiniga. Ang gara kasi talaga ng pagpa-practice ngayon kaysa sa noon. Ayaw kong pagkomparahin pero hindi ko matigilan lalo na't napaganda ng pagpractice nila Kuya.

"Section Seven dito raw pila ninyo!" sigaw ng SSG president namin.

Agad kaming lumapit duon. Nakita ko si Mamang nanduon pa rin sa puwestong pinagiwanan ko sa kanya kanina, kinuha ko ang atensyon niya sa pagkaway kaya agad naman siyang lumapit sa akin.

Habang nakapila kami sa labas ay umambon pa, mabuti na lang at agad ding tumila at hindi na lumakas. Pagpasok namin sa loob ng covert court ay natanaw ko si Mamang halatang bagot na bagot na sa kanyang inuupuan. Nakaupo lang kami sa lapag habang ang mga magulang ay nakaupo sa elevated na sementong upuan.

"Uwi na 'ko." pagbasa ko sa pagbuka ng bibig ni Mama.

Hindi pa rin kasi nagsisimula kahit nasa loob na kami. Sa tingin ko ay 3:00 na ng hapon, wala pa rin kaming nasisimulan. Kahit nagdadalawang isip ay tumango na lang ako kay Mama dahil walang magbabantay sa maliit na sari-sari store namin. Malapit lang naman mula rito ang bahay namin; dalawang tawid lang naman tapos liko-liko, alam ko naman na dahil dito rin kami namamalengke ni Mama.

"Bilis lakad!" sigaw ng isang teacher. "Kamay, bigay diploma. Akin na! Akin na!"

Napanguso na lang ako habang pinapanuod ang section twelve na nasa stage. Wala lang ang boring kasi wala akong magawa. Hindi na tinuloy ang pag-akyat ng lahat, hanggang section ten lang. Kumanta at sumayaw na muna kami bago kami natapos sa pagpa-practice.

Five thirty na ako nakauwi habang dala-dala ko pa ang toga na binigay na sa amin. Nilabhan ko agad ito pagdating na pagdating ko dahil may kaunti pang mantiya tiyaka kailangan na talaga 'to bukas.

"Sasama si Ate bukas, Ma?" tanong ko kay Mama habang kumakain kami ng hapunan.

"Oo raw," tumango naman agad si Mama.

Pinsan ko sa Papa si Ate, sasama raw siya bukas sa graduation ko. Siya raw mag-aayos sa akin at siya na rin ang bahala sa make-up ko.

"Tara na," agad na kaming lumabas ni Mama sa bahay. Mabuti na lang at hapon gaganapin ang gradution, kaso nga lang ay mainit. Mahuhulas ang mga make-up ng mga ka-batch ko.

Nahirapan kaming maghanap ng masasakyang jeep dahil laging puno. Muntikan pa nga akong hindi makasakay dahil si Mama at Ate lang ang kasya, mabuti na lang kinandong ng isang Nanay ang anak niya para makasakay ako.

Pagdating ay todo na kung kumuha si Ate ng picture sa akin at kay Mama. Bumili pa ng sampagita si Mama para isasabit niya sa akin mamaya, kasama kasi iyon sa ceremony.

Nang nagkita-kita na kami ng kaibigan ko ay puro kami picture ng picture gamit ang camera ni Mamang ipapa-develop niya raw pagkatapos.

"Pila na raw po!"

Nagkagulo na dahil hindi namin alam kung saang puwesto kami pipila dahil hindi naman kami talaga rito nagpractice. Hindi na lang ako lumayo sa mga kaibigan ko para alam ko kung saan ako pipila.

"Sumilong kayo!"

Sabay sabay kaming nagtakbuhan dahil bumuhos ang malakas na ulan. Nagsisiksikan kami sa malaking service area. Nagkatinginan pa kami ng mga kaklase ko, halatang naiinis at gusto na lang nilang umuwi dahil sa nangyari.

Kahit masama ang mood ay puro asaran at picture-an ang ginawa namin habang hihintay na tumila ang ulan. Think positive lang, titila rin ang ulan at matutuloy ang graduation.

"Nagsisimula na ba?" tanong ko kay Mama dahil hindi namin marining mula rito ang micrphone. Masyadong malakas ang pagbagsak ng ulan.

"Hindi pa 'yan."

Agad na akong tumango kay Mama dahil panantag akong hindi pa raw nagsisimula. Naghabulan na kami ni Jacky at Che dahil sa boring at wala ng pake sa make-up. Gano'n lang kami hanggang sa lumipas ang ilang minuto.

"Ma! Simula na yata, e." sabi ko at hinila na si Mama papasok ng amphitheater.

Sobrang lakas ng ulan ay ininda na lamang namin ni Mama para lang makapunta sa loob ng amphitheater. Nagkaroon ng siksikan sa loob, lahat gustong pumasok upang hindi mabasa.

"Section Seven!" sigaw ng emcee.

Halos makipaggitgitan na ako para lamang makapaglakad sa section ko. Naiwan ko na si Mama, kahit ako na lang makapaglakad kahit hindi na siya kasama.

"Section Eight!"

Nanlumo na ako dahil hindi na ako nakaabot sa section ko. Hindi na nga nakapag-alphabetical order at hindi na rin ako nakapaglakad sa section ko.

"Section Nine!"

Sa section Nine na ako naka-abot ng section sa paglalakad. Tinanong pa ako ng isang teacher bago makapaglakad kung ano'ng section ako, nang sinagot ko siya ay halatang dismayado siya sa akin.

E, kung sisihin ko kayong lahat kung bakit nangayri sa amin 'to? Hindi naman kami nagreklamo, ah? May narining ba kayo sa amin? Wala naman 'di ba?!

Nagsimula na ang ceremony sa panimula ng Lupang Hinirang. Hindi ko nga kilala ang mga katabi ko kaya mukha akong naliligaw na tuta. Wala akong kasamang kaklase ko dahil naligaw nga ako at hindi ko nahila sila Jacky at Che dahil na rin sa pagmamadali. Siguro nahuli rin 'yon sila.

Nang section na namin ang tinawag nagmistulang bungi-bungi dahil kapag tinawag ang section ay tatayo kaming estudyante, kaso nga lang watak-watak kami.

Nag-alphabetical arrangement kami at kunting kulitan at kuwentuhan kung saang section kami napadpad bago kami umakyat sa stage.

"Gomez, Shakira Joyce."

Paid off lahat ng pinaghirapan ko for this elementary. Actually, hindi naman talaga ako naghirap, puro lang ako tawa sa likod nitong taon pero maipagamalaki ko namang naging top five ako, this school year. Napaka-panget ng lahat ng simula ng practice hanggang sa mismong graduation pero paid off lahat ng pagod at dismaya nang nakuha ko na ang diploma ko.

Matapos na ang lahat ng section ay prente na akong nakaupo dahil katabi ko na ang mga kaklase ko. Ang saya ako pa dahil ang puwesto ko ngayon ay nasa mismong last raw ng hallway. Nakikita ko ang mga kaklase kong lalaki at kaharap ko naman si Jacky.

May hihigit pa ba sa isang katulad mo?
Inang mapagmahal na totoo
Lahat nang buti ay naroon sa puso mo
Buhay man ay handang ialay mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat

Malakas pa akong kumakanta kung saan kahit hindi kagandahan ang boses ko ay tila wala na akong pakielam para roon. Nagsimula na kami ng kantang iaalay namin sa aming mga magulang. Ito ang isa sa pinakaina-abangan at pinaka-exciting na part para sa akin.

Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas, gan'yan ang tulad mo

Ang parte ng kantang ito kung saan hahanapin mo ang iyong magulang o gurdian upang sabitan ka ng sampagitang may ribbon na kulay pink at blue naman sa lalaki.

Agad kong hinanap si Mama at napangiti ako ng hinanap niya rin ako. Kasama niya si Ate kaya agad akong kumaripas ng takbo papalapit sa kanila.

"Ma!" sigaw ko.

Napatingin nama sila Mama at Ate. Sinabitan muna ako ni Mama ng sampagi at medyo na-aliwalas pa ako dahil sa flash ng camera galing kay Ate. Niyakap na ako ni Mama at Ate, bago muna ang pagbalik ko sa upuan ay nagpicture-picture muna.

Gan'yan lagi ikaw sa anak mo
Lahat nang buti niya ang laging hangad mo
Patawad ay lagi sa puso mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas, gan'yan ang tulad mo
Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo

Matapos ang ikalawang corus ay bumalik na ako sa upuan ko. Kanya-kanya na kaming tawanan at palakasan ng kanta ang mga kakalse ko kaya mas lalong sumaya ang araw ko.

Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas, gan'yan ang tulad mo
Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak. Tumingin at tumanaw lang ako sa stage habang ang mga kaklase ko ay kanya-kanya na ng pirmahan ng kanilang uniporme.

Ang luwag lang sa pakiramdam at ang saya-saya ko. Tumutulo ang luha ko habang nakatanaw sa harap at tila damang-dama ang pagkanta ko.

Napasaya ng journey ko this elementary life. Ang sayang parang roller coster ride. Una matatakot kang subukan dahil sobrang taas nito kung titignan pero dahil sabi nila ay worth it daw, sinubukan ko naman. Masaya kasi pataas ka ng pataas pero ng matanaw mo na ang baba—ang pagbagsak ko, nakakatakot, parang gusto ko na lang bumalik ulit sa taas. Nang nasa baba na ay parang ang sakit sa dibdib dahil sa biglaang pagbagsak ko. Nagtuloy-tuloy na, akyat, baba ako na nakasanayan ko na at pinagbubutihan ko pa.

Matapos ang ride, ang tanong ko sa sarili ko, do I willing to take another ride? My answer is a yes! I will, definitely.

Natanaw ko si Nash na masayang nakikipag-usap at nakikipagbatukan kay Seb kaya napatawa ako.

Naisip ko lang na siguro pagsubok lang itong dumating sa akin. I felt for a right guy but a wrong timing. Hindi malakas ang loob kong umamin sa nararamdam ko sa kanya. Hindi buo ang pagkatao ko para ipahayag itong feelings ko dahil takot akong masira ang friendship namin.

Sa huling pagkakataon ay tumanaw ako sa kanya. Nagulat pa ako dahil nakita ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti siya at tumango—gano'n din ang ginawa ko bago binalik ang tingin sa harap.

From now on, I will erase this feeling and start a new beginning.



(≧∇≦)/

Yehey! Tapos na siya! I'm crying! Hindi ko kayang iwan si Shakira! Thank you sa mga sumiporta, sa mga sumubok, sa mga naboringan at natagalan sa update. Ewan ko, wala naman yatang naghihintay ng update to pero siyempre I will write and write kahit walang readers. Thank you sa inyong lahat! You don't know how I thankful to all of you, because you're one of my inspiration to write (type) a story.

Maraming salamat!

Lahams ko kayong lahat!💙

Last na tanong: Gusto niyo ba ng Epilogue?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
430K 16.1K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
48.2M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...