I accidentally married to the...

By AimeeFernandez3

19.8K 547 101

Si Jayna Lopez "NAM" ay isang ordinaryong babae na maeengaged sa mayamang amo nya na si Kenneth Gutierrez, si... More

Authors Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10 First together..
CHAPTER 11

CHAPTER 9

941 34 3
By AimeeFernandez3

AUTHORS NOTE...

Salamat sa mga nag babasa ng story.. Thank
you po sa inyo..

__________________________________________________________________

💕💕💕...KENNETH POV...💕💕💕

__________________________________________________________________

Maaga akong nagising ngayon dahil ayokong makita ako ni nam. Dahil kahapon bago ako umalis sa bahay na nasabi kong mag~uusap kami ngayon. Gusto ko talagang makausap sya at sabihing mahal ko sya pero pano ko gagawin yon. Ayokong may mangyaring masama sa kanya, at ayokong malagay sya sa kahihiyan pag nalaman ng lahat ang sikreto namin.

Inis na inis ako sa sarile ko dahil wala akong magawa para sa kanya. Nilabas ko nang maaga ang sasakyan ko para kahit papano ay makita nyang umalis na ko. Aalis na dapat ako papunta sa university ng makalimutan ko ang notes ko sa loob ng kwarto ko.

Bigla akong napatigil sa may bintana ng makita kong umiiyak ang babaeng mahal ko. Yakap yakap nya ang envelope na yon na binigay sakin ni chloe. Alam ko ang laman non At mismong ako ay nasasaktan dahil doon. Naikuyom ko ang kamao ko dahil hindi ko kayang makita syang nasasaktan.

Inis akong umalis ng bahay at sumakay sa kotse ko At wala sa sariling pinatakbo iyon.

"Aaaaaaaaahhhhhhh!!!, hayop ka chloe.. Wala kang karapatan para gawin samin to." hindi ko napigilan ang sarile ko napag hahampas ko tuloy ang manibela ng kotse ko. Hindi ko na alam kung anong magagawa ko dahil sa inis at galit na nararamdam ko ngayon.

Habang dinidrive ko iyon ng mabilis ay napapreno ako bigla nang makitang may mababangga na pala ako.

"Hoy!! Hayop ka!. Kung gusto mong magpakamatay, ikaw nalang wag mo na akong idamay." galit na sigaw sa akin nung mamang muntik ko nang mabangga. binuksan ko ang bintana ng kotse ko at galit na tumingin sa kanya. "Ah.. Ser kenneth ikaw po pala yan. Psensya na po nasigawan ko po kayo." paghinge nya sakin ng pasensya. Huminahon naman ako dahil isa pala ito sa empleyado namin.

"Pasensya ka na din. May masakit ba sayo?" mahinahon kong tanong.

"Wala naman po ser, muntikan lang po ako."

"sige, psensya na ulit, hindi ko sinasadya ha, mag iingat ka" yun lang at nagdrive na ulit ako.

Gusto kong iiyak ang sama at sakit ng loob na nararamdaman ko. Bakit kailangan kong gawin to sa babaeng mahal ko. Galit na galit ako sa mga taong nananakit sa taong mahal nya. Pero wala isa na rin ako sa kanila. Sinaktan ko si nam, sinaktan ko ang babeng mahal ko.

"Sana balang araw maintindihan mo itong ginagawa ko. Sana mapatawad mo ko. Mahal na mhal kita nam" kusa nang bumagsak ang luha ko ng maalala ang itsura ni nam kanina habang yakap nya ang letcheng envelope na iyon. "Sorry" napayuko ako sa manibela ko at umiiyak na inaalala ang mga nangyare.

__________________________________________________________________

              ~~~~....F.L.A.S.H.B.A.C.K....~~~~~
__________________________________________________________________

Masaya akong bumile ng flowers, chocolate at cake para Kay nam handa nakong umamin sa kanya sa tunay kong nararamdaman. Kaya naman nang mag gagabi na ay naisipan ko nang umuwe para gawin ang plano ko.

Bago ako sumakay sa kotse ko ay nakareceive ako ng tawag mula sa ex kong chloe. Inis ko yong pinatay at itinabi sa bulsa ko. Ngunit bago pa man ako sumakay ulit sa kotse ko ay may nagtex sakin.

napangiti ako nang makita si nam yong nagtex. Hinihintay nya akong makauwe ang sarap isipin na hinihintay ka ng asawa mo sa bahay.

Rereflyan ko sana sya ng makita may nagtex sakin dali dali ko yong binuksan sa pagbabakasakaling si nam ulit iyon pero nagulat ako ng makita galing iyon kay chloe.

ONE MESSAGE RECEIVED
    *babe'

Meron akong alam na
tiyak na ikasisira mo.
At nang bwisit na
babae na iyon.

Nanlake ang mata ko dahil don napasuntok pa ako sa bubong ng kotse ko dahil sa inis.

Nang makasakay ako sa kotse ay inis akong Dinial ang number nya.

"Alam kong tatawag ka babe." bakas sa boses nya na nang iinis sya sakin.

"Stop calling me babe."

"Oh, Why naman galit ka"

"Nasan ka pupuntahan kita." galit na tanong ko sa kanya.

"Oh, i want to see you na rin ei.. I miss you much babe. I'm here at coffe shop sa favorite na~~~" hindi ko na tinapos ang sasabihin nya pinatay ko na yon. Inis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa coffee shop na iyon.

'Hayop ka wag na wag mong
idadamay si nam, dito kundi ako
ang makakalaban mo'

Wala pang 20 minuto ay nakarating na ko sa coffee shop. Pinark ko lang ang kotse ko dun. At padabog na bumaba.

"What the hell" inis kong sabi ng makita ko si chloe na hi pa sakin. Nang makapasok ako sa loob ng coffe shop ay umupo ako sa harap ni chloe. "What do you want?" agad kong tanong.

"Easy babe, lets coffee together first" tatawagin nya dapat ang waiter pero pinigilan ko sya.

"Wala akong oras para sabayan kang mag coffee, busy ako chloe. At hinihintay ako ni nam sa bahay."

Pinagkrus nya ang braso nya at galit na tumingin sakin.

"Because of her." panimula nya. "Ganon mo kabilis nakalimutan ang pagmamahalan natin. At because of her, nasira ang buhay ko. At because of her nawala ka sakin." nahampas nya ang lamesa na nasa harapan namin.

Inis akong tumayo.

"Don't blame her chloe, just blame yourself. Dahil kasalanan mong lahat ito. Niloko mo ko at nagpapasalamat ako don dahil sa ginawa mo nakita ko ang babaeng mamahalin ko at mamahalin ako." tuloy tuloy kong sabi. "And don't you dare touch her chloe ako ang makakalaban mo." pagkatapos kong sabihin yon ay tumalikod nako.

Pero bago pa man ako makalayo sa kinaroroonan nya.

"Okay, pero hindi ko hahayaang maging masaya kayo." pasigaw na sabi nya kaya naman medyo naagaw namin ang atensyon ng ilang taong nasa loob ng coffee shop.

Inis ko syang nilapitan hinawakan ko sya sa braso.

"What do you mean?"

Tumawa sya ng nakakaloko at hinila nya ang braso nyang hawak ko.

"Alam ko na pinakasalan ka nya dahil sa utang na loob nya sayo. dahil pinaopera mo ang mama nya. At alam ko rin na peke ang kasal nyo." mataray na sabi nya.

"At sino namang tangang nagsabi sayo nan?"

"Bakit kailangan mo pang malaman?." nakangiti nyang tanong.

"hahah" tumawa ako na labas nyang kinainis. "Sinong nagsabi sa iyo na peke ang kasal namin ha?, Nasisiraan ka na nang bait chloe" umiiling ako habang sinasabi ko yon. "Mahal ko si nam. Chloe at hindi hindi mo iyon mababago."

"Hahahah really" inis ko syang tiningnan ng mag umpisa sya umupo at may kunin sa bag nya. Nagulat pa ko ng magpipindot pa sya doon bago hinarap sakin.

Naikuyom ko ang kamao ko nang makita si nam sa video. Inalala ko kung saan nangyare ito. Nag sink~in lang sakin na sa engagement party namin ni nam iyon. umiiyak si nam ay malinaw na sa bunganga ni nam nanggaling mismo ay plano kong para samin noon.

Na magpapakasal sya sakin para lang sa utang na loob na ginawa ko para sa mama nya. At para makaiwas ako kay chloe.

"Ano kayang gagawin nila tita pag nalaman nila ito." gumegewang pa ang ulo nya habang sinasabi nya ito. "Ano kayang gagawin at sasabihin nila sa babaeng mahal mo ha kenneth?. Ano kayang sasabihin ng mga board member na ang kanilang future president sa company ay nakagawa ng ganitong kahayop na gawain."  tumatawa pang sabi nya. Hinablot ko ang cellphone na hawak nya at binato iyon.

"Ngayon wala ka nang ibedensya"

"Hahahahh, Yon ang akala mo" nagsimula na naman syang maghalungkat sa bag nya at kunin ang isa pang cellphone doon. At pinanood ulit sa akin ang video na iyon. "Hindi ako ganon katanga kenneth para sa iisang cellphone lang ilagay ang video na yan.. Marami akong kopya nan kenneth. Hindi lang isa, dalawa kundi marami kenneth." bakas sa muka nya na hindi sya nagbibiro. "At pag hindi ka sumunod sa gusto ko ay isesend ko to Kay tita at mga board member natin. Kawawa naman si nam dahil malalagay sya sa kahihiyan hahahha" hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

Mahal ko si nam at ayaw ko syang mapahiya ng dahil sa kahayupan ko . Ayokong maiba ang tingin nila mommy sa kanya ayoko din masira ang company na buong buhay na pinaghirapan ng mga magulang ko ng dahil lang sa akin.

Inis akong umupo.

"Anong gusto mong mangyare?" galit kong tanong.

Nagsimula na naman syang may kunin sa bag nya. At nagulat ako na envelope yon.

"Buksan mo" utos nya sakin. "Isa lang ang gusto ko kenneth, ang bumalik ka sakin at iwan mo ang babaeng iyon. Yang envelope na yan ibigay mo yan sa kanya. Gusto kong masaktan sya kenneth, katulad ng sakit na naramdaman ko nung iniwan mo ako, nung pinagpalit mo ako sa kanya. Na lahat pala ay isang malaking kasinungaling lang." humigpit ang kapit nya sa kamay ko. At tumulo ang luha.

"Wag mo kong artihan chloe"

"hindi ako umaarte kenneth, totoong mahal kita, mahal na mahal kita at handa akong gawin lahat para sayo."  seryoso nyang sabi.

'Hule na chloe, hule na tapos
na tayo, wala nakong pagmamahal sayo,
ubos na ang pagmamahal na nararamdam ko.'

"At handa akong pumatay ng tao bumalik ka lang sakin." dagdag nya pa na nagpakabog ng dibdib ko. "Mahal kita kenneth, mahal na mahal kita" umiiyak na nyang sabi.

'Hayop ka.. Pag may nangyare kay
nam, ay hindi ko alam kung anong magagawa ko
sayo. Baka mapatay din kita.'

Inalis ko ang kamay nya At tumingin ng seryoso sa kanya.

"Gagawin ko ang gusto mo ngayon chloe, handa kong saktan si nam , wag lang syang mapahamak. Pero hindi ibig sabihin non na babalik ako sayo, na mamahalin kita ulit. Malabo nang mangyare yon chloe. Mahal ko si nam, mahal na mahal ko sya. At kahit kailan ay hindi na magbabago yon." seryosong sabi ko sa kanya. Nakita ko pang kumuyom ang kamao nya. "Gagawin ko ang gusto mo. Pero oras na saktan mo si nam, i swear to God chloe. Mapapatay kita." yun lang ang sinabi ko at mabilis akong lumabas sa coffe shop dala ang envelope na iyon.

'Damn it'

"Hayop ka chloe" padabog ko iyong sinabi ng makasakay ako sa kotse ko. Nahampas ko tuloy ang manibela ng kotse ko sa sobrang galit. Gusto ko syang saktan. Gusto ko syang tanggihan pero hindi pwede ayokong mapahiya si nam, ayokong may mangyare sa kanya. Ayokong masira ang kompanya namin nang dahil sakin.

Napalingon ako sa likod nang kotse ko at nakita ko pa doon ang bulaklak at cake na binile ko para kay nam.

"Mahal na mhal kita"

Nang lumingon ako sa labas ng kotse ko ay may nakita akong mga batang na naghahalungkat ng pagkain sa basurahan. Kaya naman bumaba ako para kunin sa likod nang kotse yung cake at tsokolate na binile ko para kay nam. Binigay ko ito sa mga batang naghahalungkat ng pagkain sa basurahan.

"Kuya para sa amin po ba ito?" tanong sa akin ng bata, tumango ako sa kanila at bumalik sa kotse ko para kunin ang wallet ko.

"Bumile kayo ng pagkain nyo ha" inabutan ko sila ng pera at pilit na ngumiti.

"Maraming salamat po kuya, ngayon lang po kami nakahawak ng ganito pong kalaking pera." wagas ang ngiti ng mga bata sa harap ko. Hinimas ko ang ulo nila.

"Umuwe na kayo gabi na"

"Opo kuya maraming salamat po ulit, ibibigay po namin ito kay nanay" sabi nung batang lalake na inabutan ko ng pera. Naalala ko tuloy ang bulaklak na nasa likod pa ng kotse ko.

"Sandale, ibigay nyo ito sa mama nyo ha" binigay ko sa kanila ang bulaklak na iyon. "Sige na umuwe na kayo." utos ulit sa kanila.

Nagbyebye pa sila sakin.

"Maraming salamat po kuya." sigaw nila sakin. pinagmasdan ko lang silang makalayo saka ako mabilis na pumasok sa loob ng kotse ko.

Mabilis kong dinirive ang kotse ko pabalik sa bahay. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko si nam na nakahiga sa sofa. Mabilis na tumulo ang luha ko ng maalala ang bagay na gagawin ko sa kanya. Kahit na ayaw ko ay kailangan kong gawin. Humugot lang ako ng malalim na hininga at nilapitan sya. Tulog na tulog sya kaya hindi ko na inabalang gisingin pa sya.

Hinihimas ko ang buhok nya. Habang nakatingin ako sa kanya ay tumutulo ay luha ko.

"Poprotektahan kita kahit anong mangyare, gagawin ko ito hindi dahil hindi kita mahal, gagawin ko ito dahil ayokong masaktan ka, mapahiya at lalong lalo na mapahamak ka. tandaan mo nam, mahal na mahal kita." hindi ko kayang pigilan ang sarile ko iyak ako ng iyak sa harap buti nalang kamo at mahimbing ang tulog nya.

Nang makontento ako ay tumayo na ako labag man sa loob ko Na iwan ang envelope na hawak ko ay iniwan ko parin to..

Bago ako umakyat sa kwarto ko ay lumapit ulit ako sa kanya. At hinalikan ko sya sa labi.

"Mahal na mahal kita. Iiwas ako sayo pero hindi parin kita pababayaan." hinalikan ko ulit sya sa labi at bagot na umakyat sa kwarto. Hindi ko na inabalang magpalit pa ng damit. Natulog na agad ako.

__________________________________________________________________

            ......END OF FLASHBACK.......

__________________________________________________________________

Nagulat ako ng may bumisina sa likod ko. Nang mag angat ako ng tingin ay nasa no parking space pala ako. Kumatok na sa bintana ko ay isang babaeng police. Inayos ko muna ang sarile ko pinahiran ko ang mga luha sa muka ko at ibinababa ko ang salamin ng bintana ko.

"Ser, hindi nyo po ba alam na no parking po dito" mahinahon na tanong sakin ng babaeng police.

"Pasensya na po ma'am, hindi ko po sinasadya."

"Pagbibigyan kita ngayon. Pero pag naulit ito titicketan na kita, sige na umalis ka na. At baka malate ka pa sa school." dagdag nya pa bago sya umalis. Napatingin ako sa sarile ko at napagtantong may pasok pala ako.

Agad kong pinaandar ang sasakyan ko at mabilis na minaneho ang sasakyan ko papunta sa university. Nang makapag park ako ay bumabab na ako ng sasakyan ko. Nagulat pa ako ng makita si chloe na nakasuot ng uniform.

'Pati ba naman dito sa university.'

Agad syang lumapit sakin. Bebeso pa sana sya ng pigilan ko sya.

"Wag kang umasta na okay tayo. Dahil kahit kailan  hindi iyon mangyayare." inis kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad. At iniwanan sya agad kong hinanap ang mga kaibigan ko para kahit papano ay hindi dumikit sakin si chloe.

"Oh, kamusta ang bagong kasal, bigla ka nalang nawala kahapon ah. Pinaghintay mo si nam sa inyo. Anong oras ka nakauwe?." bungad na sabi sakin ni loyd kasama nya si melanie.

"tumawag kasi si daddy may inasikaso lang tungkol sa company." dahilan ko. "Punta lang ako sa office guys huh?" paalam ko sa kanila. Buti nalang kamo at hindi nila itinanong sakin kung bakit hindi ko kasabay si nam. Dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila.

Nang makapasok ako sa office ng tita ko ay agad akong nagsalita.

"Bakit pinayagan mong makapag_enroll si chloe dito tita?" inis kong tanong.

"What wrong?" nagugulat na tanong sakin ni tita.

"Hindi ka dapat pumayag na makapasok sya dito sa university na ito. Naiintindihan mo ba ang point ko." alam kong sa tono ng pananalita ko ay naging bastos ako.

"Pero kenneth, pero alam mo ang patakaran sa university. Pwede tayong makasuhan pag tumanggi tayo sa mga nais makapasok sa unibersidad na ito." paliwanag nya alam kong policy iyon ng paaralan na ito. Pero hindi ko lang matanggap na pati dito ay makikita ko pa sya.

Nahampas ko tuloy ang table ni tita sa sobrang galit.

"Kenneth, ano ka ba?. Kumalma ka nga." lalapitan nya sana ako pero mabilis akong lumabas ng office nya.

Pabalik na sana ako sa mga kaibigan namin ng may matanggap akong tex.

   ONE MESSAGE RECEIVED
        _halimaw_

Pumunta ka dito sa room
nyo. Kung ayaw mong may
mangyari kay nam. At ipakita
mo sa kanya na wala kang
pakealam sa kanya.

.........

Inis kong binalik sa bulsa ko ang cellphone na iyon at dali_dali kong tinungo ang room namin. Nadatnan ko doon si nam at si chloe.

"Anong pakiramdam na ako parin ang mahal ng asawa mo?" Narinig kong tanong ni chloe kay nam.

'Anong mahal. Hindi kita mahal,
at wala na akong nararamdaman sayo kundi
galit at pagkamuhi'

"Wala" sagot ni nam. Na labis kinadurog ng dibdib ko. "Ano ba dapat ang maramdaman ko huh?" sarkastikong tanong nya. "Pwede ba, chloe wag ka ngang papansin jan" mataray nyang sabi medyo hinihimas nya ang kamay nya.  "Wala naman akong mgagawa kung ikaw parin ang mahal nya. So edi bahala kayo kung gusto nyOng magsama forever. Go ahead hindi ko kayo pipigilan. Magpakasaya pa kayong dalawa." sunod~sunod Nyang naglakad na sya palabas ng pinto.

Medyo napatigil pa sya ng makita ako. Tumingin ako sa kamay nyang hinihimas nya. Gusto kong tanungin sya kung anong nangyare sa kamay nya. Pero napalingon ako kay chloe na ilabas nya ang phone at ipakita sakin ang video na yon. Kaya naman inis akong lumapit sa kanya at inis ko syang inakbayan.

"Bakit, masakit ba nam, Wake up hindi ka mamahalin ni kenneth dahil isa ka lang basura kumpare sakin." nagmamalakeng sabi ni chloe kay nam. Hindi na sya nakatingin samin kaya naman padabog kong inalis sa kanya ang kamay ko. At tinuon ang paningin ko sa nakatalikod na babaeng mahal ko.

"Edi magsama kayo" nakatalikod na sabi ni nam. "Tutal pareho naman kayong demonyo." dagdag nya pa at mabilis na lumabas ng room na iyon. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko sa sinabi nya.

Alam kong mahal ako ni nam. Sigurado din ako na kaya nya nasasabi iyon ay nasasaktan lang sya talaga sa mga nakikita nya.

"Anong ginawa mo kay nam?" hinawakan ko sya sa braso at inis na iniharap sakin.

"Nasasaktan ako kenneth ano ka ba?" angil nya agad. At pahilang tinanggal ang ang braso nyang hawak ko. "Hindi ko sya sinaktan. Sa sobrang pag iwas nya sakin ay nadale sa bangko ang kamay nya." dagdag nya pa. "Pwede ba wag mo namang ipakita sakin na sobrang concern ka sa babaeng yon."

Galit akong tumingin sa kanya. At nagsimulang ngumisi.

"Wag mo kong utusan nang mga gagawin ko chloe. Wala kang pakealam. Mahal ko si nam. Tandaan mo itong sasabihin ko sayo chloe oras na makita kong nasaktan ng physical si nam ng dahil sa kagagawan mo. Matakot ka sa gante ko" Yun lang ang sinabi ko at mabilis na umupo sa upuan ko. at hindi na sya pinansin pa.

Sakto namang pag upo ko ay may pumasok nang mga kaklase namin. Nagpanggap ako abala sa pagbabasa sa libro at nakiramdam sa mga kaklase ko. Alam kong nagulat sila ng makita si chloe dahil bago lang sya dito.

"Sino sya?"

"Oo nga, classmate ba natin sya."

"Oo nga. Baka naman hindi baka naman naligaw lang."

"Excuse me miss. Anong kailangan mo?" narining kong tanong ng isa sa kaklase ko. Pero imbis na sagutin sya ni chloe ay dire_diretso sya palabas ng room.

"Ang sungit naman non akala mo maganda." sabi pa nong babae kong kaklase. "Hi kenneth" bati nito sakin nilingon ko sila ang nginitian at muling binalik ang paningin ko sa binabasa ko.

'Nasan na kaya si nam.
Kamusta kaya sya.'

'Sorry mahal ko. Dahil kailangan
kitang saktan para protektahan ka sa
kamalasan pwede mong maranasan.'

Nanatile lang ako sa loob ng room dahil ayaw ko narin makita pa si chloe. Dumadame narin pati ang mga studyante na pumapasok. Habang abala ako sa kunwaring pagbabasa ko ay pumasok na ang mga barkada namin.

"Oh pare ang aga mo ata dito." si gino. "May problema ka ba?" tanong nya ng hindi ako sumagot. Inis ko syang nilingon.

"Wag mo muna akong kausapin. Marami akong iniisip."

"Easy. Ka lang" natatawa nyang sabi sunod naman na lumapit si loyd. Daniel at jiro sakin. Maging sila ang nagtataka bakit ganito ako ngayon. Magtatanong sana sakin si daniel at loyd pero pinigilan sila ni gino. At sinenyasan na mainit ang ulo ko.

Kaya naman mas pinile nalang nila na tumahimik nalang. Maya maya lang ang napalingon ako sa may pinto nang pumasok don si nam. Kumalma ang utak ko dahil nakita ko ulit sya pero biglang nag init ulit nang makitang may kasama syang lalake.

Nakuyom ko ng patago ang kamao ko.

"Hi bestfriend" binati ni melanie si nam na makalapit ito sa kanial. Nagulat pa ko ng lumingon sya sa gawi namin si loyd naman ay biglang tumayo at lumapit sa kanila.

"Anong meron?" tanong nya loyd. Naiangat ko ng konti ang puwet ko ng ilapit ni loyd ang labi nya sa tenga ng mahal ko.

'bwisit ka yare ka sakin. Loyd'

Hindi ko narinig ang sinabi ni loyd pero ngumiti agad si nam.

"Talaga" masayang sabi agad ni nam.

"Oo. Salamat sayo nam" si loyd nagulat pa ko ng yakapin nya si nam.

'Loyd, hayop ka pangalawa na yan'

"Ano ka ba naman babe" pigil ni melanie sa kasintahan "Baka magalit sayo si alam mo na" tumingin sa gawi ko si melanie. Pero ang inis kong tingin ay binigay ko kay loyd. Wala akong pake kung mahalata nya na nagseselos ako dahil yon naman talaga ang totoo.

Nakita ko pa ang masamang tingin sakin ng babaeng mahal ko.

"Nam, sino naman nyang kasama mo ang gwapo naman nya." si steph.

"Anyway guys si jayson. New classmate natin sya." pakilala pa ni nam sa kanilan.

'So ikaw pa pala talaga ang
nagpakilala sa kanya.'

"Hi. I'm stephanie But you can call steph for short." kinikilig na pakilala ni steph. lumapit sya kay jayson at inakay ito sa katabi nyang upuan at doon pinaupo.


hindi ko na naintindihan ang ibang pinag usapan nila dahil sa sobrang inis ko sa lalakeng iyon.

Nakatingin ako kay nam na kumakain ng sandwich. Naisip ko tuloy na baka hindi sya kumain dahil sa nangyare kanina.

Nagulat pa ko ng humarap sa kanya yong lalake at may inabot ulit sa kanya. Nakita ko lang ang pag iling ni nam. Pero ngumiti ang lalake iyon sa asawa ko at kinuha nag kamay nya at binigay ang hawak nya.

'Asawa ko yan demonyo ka.'

'Nam. Wag kang maiinlove sa kanya
pwede, hintayin mo lang ako gagawa ako
ng paraan'

Hindi ko maintindihan kung anong pinag uusapan nila.

"Oh my God, ang gwapo nya naman" bigla nalang umingay ang paligid.

"Dalawang hot guy na ang nandito sa section natin"

"Pero teka, epal na naman si nam. Porke ba maganda sya ay papapel na agad sya."

"Oo nga akala mo kung sino."

'Tantanan nyo ang asawa ko
kung hindi makakatikim kayo sakin'

Buti nalang kamo at nandyan si melanie para ipagtanggol ang mahal ki.

"Wag na" pigil ni nAm kanya. "Wag mo nalang pansinin ano ka ba?" sabi pa nito. Pero hindi sya pinakinggan ni melanie at tumayo parin ito palapit sa mga babae naming kaklase.

"Pwede ba kong ayaw nyong pumutok ang mga bunganga nyo ay itahimik nyo yan" Galit nyang sabi bigla nalang nagsitungo ang mga iyon nagulat ako ng tumayo si loyd at pinigilan si melanie. "Umayos kayo ha isang~isa nalang talaga" banta nya pa sa mga ito.

"Ano ka ba hindi mo nalang hinayaan?" Si nam. Sabay pa silang lumingon sakin ni melanie.

Nakita ko pa ng lingonin ako ni nam dahil nasa kanya ang paningin ko.

'Mahal na mahal kita'

Umingay na naman ang paligid.

"Oh my god meron na namang bago."

"Oo nga pero bakit ganon. Kahit may bagong studyante na girl. Mas maganda parin talaga si nam."

"Agree ako dyan girl"

Tama naman sila walang panama si chloe sa kanya. Maging ako nga ang hindi ko napigilan ang sarile kong mahalin si nam ei.

"Good morning class." bati agad ng lecturer namin nang makaupo sya sa harapan. "We have two new student. One girl and one boy. Please come here in front and kindly introduce yourself." Tumayo ang lalakeng iyon kasunod ni chloe.

"Good morning I'm Jayson Villaluz." pakilala nito umingay din ang paligid. mas gwapo ako dyan sa lalake nayan.

"Ang gwapo nya no" rinig ko pang sabi ng babaeng malapit sakin.

"Pero mas gwapo si kenneth" yung kausap nung babae.
Napangiti ako ng dahil don. Maging sila ang agree sa sinabi ko.

Sunod naman na nagpakilala si chloe.

"Good morning anyway. I'm Chloe Miranda. Im here because of someone." Nanlake ang mata ko dahil sa sinabi nya. Inis ko syang tiningnan pero na kay nam ang paningin nya.

Kailangan mo ba talagang sabihin yon.

masama ang tingin nya kay nam habang naglalakad papunta sa upuan nya.

Nagsimula nang magklase ang lecturer namin. Hindi rin ako makapag concentrate dahil na kay nam ang paningin ko. Iniisip ko kung ano kayang iniisip nya ngayon.

Nang matapos ang klase namin ay isa isa nang nagsipagtayuan ang mga kaklase namin. Maging ang tropa ko ang tumayo na rin kaya naman sumama ako sa kanila para maiwasan lang si chloe.

"Kain tayo" Medyo nagulat si nam ng magsalita si loyd.

"Lutang lang" si steph na tumatawa. "Pero infairness kahit na lutang ka ang ganda mo parin.'" dagdag pa nito. Pero nahuli ko ang tingin sakin ni nam.

"Halika ka na luka. Gutom na ako." si melanie ang humila ng kamay ni nam. Sabay sabay kaming lumabas. Palihim kong tinitingnan si nam. Palinga linga sya. Medyo nainis pa ko ng isipin na baka yung jayson na yon ang hinahanap nya.

'Subukan mo lang na ipagpalit ako dun sa
Lalake na yon nam.'

Gusto kong hawakan ang kamay nya habang naglalakad kami. At gusto ko rin ipagsigawan sa lahat na asawa ko ang babaeng ito para wala nang makaagaw sakin kay nam pero hindi ko na naman magawa.

Magkaharap nya kami sa upuan pero hindi rin naman kami nag uusap. Sinundan ko lang sya ng tingin ng tumayo sya kasama si melanie At si loyd.

Nakatingin lang ako sa kanya. Pero bigla na naman mag init ang ulo ko ng lumapit na naman sa kanya ang jayson na yon. Gusto kong tumayo at suntukan sya. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero ang lalong nagpadagdag ng inis ko ay ang pagtawa nila pareho.

Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit na nararamdaman ko hindi lang sa lalakeng iyon maging sa sarile ko.

"Oh jayson come here. Join me" yaya Agad ni steph sa kanya "Guys pwede bang sumabay satin si jayson mag lunch" dagdag na tanong pa ni steph. Kung ako ang tatanungin nyo ay hindi ako papayag.

"Pwede naman" si jiro. "Ikaw pare okay lang sayo." tinapik pa ni jiro si gino. natuon ko naman ang tingin ko kay nam nang bigla syang ngumiti. At inis kong binaling ang tingin ko sa lalakeng iyon dahil sa asawa ko sya nakatingin.

"Oo naman" rinig ko pang sagot ni gino. Natatawang umupo si nam sa upuan nya. pero kahit na umupo na si nam sa harap ko ay titig na titig parin sya sa asawa ko.

"Nam, gusto mo" nagulat talaga ako ng ialok nya kay nam ay pagkain nya. Sinamaan ko pa sya ulit ng tingin. Napansin nadin siguro ng mga kaibigan namin na medyo hindi nako natutuwa sa inaasta ng lalakeng ito sa harap ng asawa ko.

"Ah jayson" si lorry ang nagsalita napatingin naman si jayson sa kanya. "Pasensya ka na ha, pero hindi yan matatanggap ni nam" dagdag pa ni lorry.

"But why?"

"Because, because" hindi na naituloy ni lorry ang sasabihin nya dahil sumagot na si melanie.

"May asawa na kasi si nam. Jayson. Im sorry to say pero totoo may asawa na ang bestfriend ko." prangkang sabi ni melanie.

'Salamat melaanie.'


"Pero wala syang nabanggit sakin" tanong pa nito.

"Bakit nagtanong ka ba?" pamimilosopo ni melanie.

"hahha Pwede ko bang malaman kung sinong asawa nya?" tanong nya pa.

"The guy in front of her." yun lang ang sinabi ni melanie. Agad naman na lumingon sakin si jayson. Batid nya narin siguro na hinfi rin ako natuwa sa mga inasta nya kanina pa.

"Pare pasensya na ha, Hindi ko kasi alam" nakangiti pang sabi nito pero ako ay nananatiling walang mode makipag plastikan sa kanya

"Pare pasensya na" pag uulit ulit nya pa. Pero hindi ko sya pinansin.

"Hayaan mo na pare, kumain ka nalang" si loyd na ang nagsalita.

Naging tahimik ako dahil inis na inis na ako hindi ko man maipakita sa babaeng ito na mas gwapo ako sa jayson na yon. Na mas malake ang lamang ko dito.

Bakit kasi kailangan pang maging ganito ang takbo ng lahat. Bakit kailangan kong danasin ito.

"Excuse students"  Biglang nag on ang speaker sa canteen. "Paging Ms. Jayna Lopez, someone called you here in gate." napatingin ako kay nam ng marinig na tinawag sya.

"Sino yon?" tanong ko pero imbis na sagutin nya ako ay tumayo sya at nagtuloy_tuloy palabas ng canteen.


Ilang minuto pa ay tumayo nadin ako para sundan sya sa labas. Nasa malayo palang ako ay nakita kong may kausap syang matanda at babaeng mas bata lang ng konte sa amin.

'Sino naman kaya yon?'

Lumapit ako sa kanila.

"Ano po yon?" tanong ko nagugulat naman na lumingon sakin si nam.
"May kailangan po ba kayo?" tanong ko ulit.

"Ako na pong bahala tatay" si nam at humarap ulit sakin."Si tatay sya yong tricycle driver na nasasakyan ko. Eto naman yong anak nya" pagpapakilala nya pa.

"Oh"

"Anong Oh?"

"Anong kailangan nila, diretsuhin mo na ko?"

Ngumuso muna sya bago ulit nagsalita.

"Gusto ko sana silang tulungan, gusto kasi nang bata nito na mag_aral dito ngunit wala silang pera. Kaya sabi ko pwede ko sya tulungan." paliwanag pa sakin ni nam. Nilingon ko naman si tatay. At ngumiti.

"Pasensya ka na iho. ha ang sabi kasi ni nam ay asawa nya daw ang may are ng universidad na ito." Nagulat ako sa sinabi ni tatay. Nakita ko pang nagbaba ng tingin si nam.

'Asawa pala ha. Jhahahahhaha'

"Ganon po ba?" nakangiting sabi ko. "Ako po si kenneth Guttierez, ako po ang asawa nya" pakilala ko. "Sige po wala naman pong problema kung ganon po. Sumama nalang po kayo sa secretary namin sya na pong bahala sa inyo." nakangiting sabi ko. 

kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang secretary namin.

"Wag kang mag_alala, libre na uniform mo at mga books mo, basta mag aral ka nalang mabute." dagdag ko pa. Nang lingonin ko si nam ay nakatitig sya sakin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Ngumiti sya sakin na labis kinatuwa ng puso ko.

"Salamat" sabi nya.

Hindi  na ko sumagot at tumalikod nalang don ko nailabas ang ngiti ko na pilit kong pinipigilan.


__________________________________________________________________

To be continued...

__________________________________________________________________

Lovelots mhietots..

💕💕💕💕💕💕




Continue Reading

You'll Also Like

100K 4.9K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
448K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...