30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)

By Amyfinity_writes09

23.1K 2.3K 228

Frances has a terminal illness and she wanted to spend her remaining days with the person that she really lov... More

C1
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C27
C28
C29
C30 END

C26

575 69 5
By Amyfinity_writes09

Jaydee's Pov

Day 24

Nakaupo lang ako sa may upuan at hawak hawak ko ang mga kamay ni frances , 2 days na siyang hindi nagigising at ako naman ay panay punas lang ng kanyang katawan.

Binibisita din siya ni Doc Janine para icheck yung kalagayan niya , pati yung iba naming kaibigan ay dumalaw na din dito sa hospital.

Si tito naman ay halos tumambay na dito sa church na nasa bandang tapat lang ng hospital na ito upang ipagdasal na sana ay magising na si Frances.

Sa sunod na araw na din ang nakatakdang paglibing sa labi ni Amanda na si daddy mismo ang nag aasikaso.

I felt sorry talaga sapagkat nakakabigla ang kanyang pagkamatay at mukhang may ipinahiwatig na nga talaga siya na sinyales about sa pagkamatay niya.

"Dong? Mukhang kailangan mo na atang maligo? 2 days ka na ding hindi nauwi sa inyo eh?" Mahinahong sabi sa akin ni gabbo , napaisip din ako sapagkat 2 days na akong nagbabantay at hindi pa nga ako naligo or nakapagpalit ng anumang damit.

"Oo nga malay mo magising na mamaya si frances? Dapat mabango ka that time jaydee" aniya naman ni coleen , agree naman ako mukhang need ko na din atang mag ayos din sa sarili ko, dahil nakakasigurado akong hindi magugustuhan ni frances na pag nagising siya na ganito ang sitwasyon ko.

"Okay sige , basta sabihan niyo ako ah kung sakaling magising na siya , dadaanan ko din si boo sa bahay nila baka kasi wala na siyang pagkain dun sa lagayan niya" sabi ko sabay tayo at hinalikan ang kamay ni frances, i hope na pagbalik ko ay gising kana mahal ko.

"I'll be back mahal ah?" Sabi kong muli bago ko isinukbit yung bag ko at tsaka nagpaalam na din kila gabbo at coleen.

"Mag iingat ka jaydee ah? Tawagan mo ako kaagad pag nakarating kana sa bahay niyo or kila queen!" Sabi niya sa akin tumango lang naman ako kasabay nun ay naglakad na ako palabas.

Nang makalabas na ako sari saring emosyon ang mga natunghayan ko , nagmamadali ang mga medic na ipasok ang mga pasyente ngayon na duguan sa kadahilanan na may nangyaring car accident.

Puno ng hinagpis ang mukha ng mga pamilya ng pasyente , ganito din siguro kalala ang paghihinagpis ng mga taong naiiwanan.

"Jaydee?! Jaydee?!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses napalingon naman ako kaagad.

"Oh kielle? Dadalaw ka ba kay frances?" Tanong ko sa kanya ,may dala siyang bulaklak ngayon at tsaka prutas.

"Oo dadaan lang sana ako saglit , ikaw? Uuwi ka ba muna?" Tugon niya namang muli sa akin , bahagyang tumango nalang ako saka napabuntong hininga.

"Ah ganun ba? Mag iingat ka ah? Siya nga pala? May nakita na din akong farm na puro sunflower? Mura lang ang bentahan kasi kilala ko yung may ari? Gusto mo bang puntahan natin bukas? Kung papayag ka?" Nanlaki naman ang mata ko at napangiti dahil sa narinig ko sa kanya , hindi pa kasi talaga ako nakakahanap ng farm na maaari kong bilhin.

"Oh talaga ba? Sige puntahan natin kielle! Sigurado akong matutuwa si queen pag nabili ko na yun at ipinasyal ko siya don" masayang sabi ko , sana lang at magising na siya sobrang miss ko na siya.

"Lahat naman ata ng gawin mo jaydee ay magiging masaya si queen! O siya akyat na ako ah? Ingat ka ulit!" Pagpapaalam ni kielle sa akin, kumaway nalang ako sa kanya saka nagtungo sa may kotse ko , nandun naman na si manong james para maipagdrive ako pauwi.

Day 25

Magkasama na kami ni kielle ngayon , siya ang nagda drive at kasama namin si gabbo na nagsi cellphone lang sa byahe , pokus na pokus sa kakachat kay coleen if may update na ba kay frances.

Hindi sana kami matutuloy ngayon kaso nga lang ay nandoon naman si tito kaya sinabihan niya muna ako na magliwaliw na muna kahit ngayong araw lang.

Excited na akong makarating sa farm na sinasabi ni kielle ngayon, sayang lang at hindi ko kasama ngayon si frances para sabay namin makita iyun.

"Malayo pa ba tayo kielle? Gosh ang ganda ng tanawin dito! Sigurado akong matutuwa yun sila coco kung kasama natin sila ngayon" manghang mangha na sabi ni gabb habang pinipicturan yung lugar na dinadaanan namin.

Binuksan ko na yung bintana at tsaka nilanghap ang simoy ng hangin , ang sarap sa pakiramdam lang na hindi puro usok ang nalalanghap namin dito.

May nakikita din kaming mga iilang kabayo , kambing at kalabaw sa paligid like napaka payapa lang tignan ganun.

Ang sarap lang mamuhay ng normal kagaya ng mga taong naririto ngayon , siguro pag okay yung farm ngayon? Baka magpatayo na din ako ng bahay doon for the future purposes ganun.

"Malapit na tayo gabbo? Mga 15 minutes siguro ay naroon na tayo , nakaabang na din si Tiyo Mando sa may bandang kanto ng farm" aniya naman ni kielle na pokus na pokus sa pagdadrive ngayon , bahagyang natahimik nalang kami at patuloy na pinagmasdan ang paligid.

A few minutes later ay nakarating na kami, may isang matandang lumapit sa amin at binati kami , ganun din nag ginawa namin.

Mukhang siya nga ata yung may ari ng farm na sinasabi ni kielle , agad na niya kaming inassist papasok ng farm.

Puro kakahuyan lang ang nakikita namin sa ngayon at tumatama sa mga mukha namin ang malakas na hangin.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin yung farm na sinasabi nito , napahawak nalang ako sa aking mga bibig dahil sa sobrang pagkamangha , grabe sobrang ganda nitong lugar na ito.

Makikita mo ang nagsisiwagayway na mga sunflower at kay sarap tignan nito sa malayuan man pati sa malapitan.

"It has a nice view! I like it Tiyo Mando? Sobrang napaka refreshing ng lugar na ito lalo na para kay queen" masayang sabi ko sa kanya , nginitian niya lang ako kasabay nun ay napadako ang tingin niya sa mga bulaklak at pumitas ng isa.

"Magkano po ba ang presyo na ipagbebenta niyo po sa kaibigan namin?" Magalang na tanong naman ni gabbo habang may pinipicturan din na isang sunflower.

"Alam niyo iha? Hindi ko sana ninanais na ipagbenta itong farm na ito , kasi nga ito nalang yung tanging alaala sa akin ng asawa ko ngunit base sa nalaman ko kay kielle  , makapagbibigay ito ng kasiyahan kay frances na minamahal mo jaydee?! Naway magising na siya at matunghayan niya itong lahat ng magkasama kayo , 3 million pinakamurang presyo na para sa buong farm na ito at kasama yung mansion namin pati na din yung ibang mga hayop na nandirito sa aking nasasakupan" sabi naman ni tiyo mando , halata ang lungkot sa kanyang mga mata ngunit nagagawa niya pang ngumiti sa harapan namin.

"I'll take it po! Maraming salamat and Im sorry for your loss po , alam niyo po? Kung nasaan man naroroon ang iyong asawa? Tiyak akong masaya siya na ikaw ang nakasama niya sa hirap at ginhawa , itong farm na ito? Na nagsilbing alala ng iyong pagmamahalan? Natitiyak ko pong dito din namin bubuuin ang aming pamilya ni Frances" masaya ngunit may bumabalot na lungkot sa puso ko ngayon , nilapitan naman ako ni tiyo mando at inakbayan.

"Bumuo kayo ng masasayang memorya dito jaydee ah? Sayo ko na ipapaubaya ang lahat pag naging okay na yung papeles , you can sign the contract na mamaya and then yung payment through bank account nalang iha" sabi niya sa akin, unti unti niya namang pinitas yung petals ng hawak niyang sunflower.

"Gaya ng sunflower na hawak ko ngayon? May time na maglalagas ang mga petals nito na nagsisilbing problema na daraan sa inyong relasyon pero manatili kang matatag despite na unti unti nang nawawala ang pagmamahalan niyong dalawa , o di kaya mawala ang isa sa inyo" sabi naman ni tiyo mandong ulit , nakikita ko sa kanyang mga mata na parang may alam siya sa dinaramdam ko ngayon.

"Makakaasa po kayo na magiging matatag kami kahit anumang problema ang dumating sa buhay namin ,maraming salamat po sa magandang payo niyo sa akin, naway mag ingat kayo kung saan niyo man gustong magpunta" aniya ko sa kanya ,saka sabay na naming pinagmasdan ang tanawin dito ngayon.

Kumuha ako ng isang sunflower na iuuwi ko mamaya sa manila , ilalagay ko iyun sa vase nang sa ganun ay makita ni queen iyun kung sakaling magising na siya.

Day 26

Naayos ko na ang papeles para sa farm at nagsasagawa na din ako ng renovation dun, nandito ako ngayon sa hospital na nagbabantay kay queen , hmp 3 days queen? 3 days ka nang tulog.

Sana naman ay magising kana , masaya akong makita ka na peaceful ngayon at hindi na nakakaramdam ng anumang sakit.

Ngunit wag naman pang habang buhay queen, please gumising kana? Hinihintay ka na namin, hinihintay na kita.

"Jaydee?! Tumawag sa akin ang iyong daddy , need mo daw na pumunta ngayon sa Opthalmologist ng macheck yung condition ng iyong mata , kasabay na din yung results ng neurologist mo sa sitwasyon mo" biglaang sabi ni tito nang makalapit siya sa akin , kaming dalawa lang naman yung nandito sa ngayon kasi sila coco ay bumaba muna saglit.

"Okay po tito, text ko muna si manong james nang sa ganun ay maihatid niya ako doon, hmp tito? Wala pa po bang nasasabi si Doc Janine about sa kondisyon ni queen?" Tanong ko dito , mas hinigpitan ko yung hawak ko kay queen sa ngayon , namimiss ko na yung pagalaw niya at pag ngiti niya at yung mismong siya.

"As of now wala pang nakikitang any movement kay frances but she told me na kailangan lang natin na maging positibo , this week lang yung sinabi niyang palugit at kung hindi man magising si queen------" natigilan si tito sa pagsasalita at hinawakan ang isang kamay ni queen.

"What does it mean tito?! Pag hindi nagising si queen?!" Kinakabahan man ay nagawa ko pang itanong kay tito yung sa sinabi niya.

"She will be announce as brain death din sabi ni Doc Nishida , madaming nag fail na organs niya na sanhi nadin upang hindi siya magising" seryosong sabi ni tito sa akin , ako naman ay panay na ang pagtulo ng aking luha.

"But don't worry jaydee?! Naniniwala ako na magigising si queen?! O siya magtungo kana dun para sa session mo , hopefully na maganda ang maging resulta ng Ct Scan mo ngayon" sabi niya sa akin saka tinapik ako , nakatayo lang si kuya james dito sa may pintuan at inaantay akong tumayo para makaalis na kami.

"I'll be back tito!" Huling sabi ko saka naglakad na palabas , nakasunod lang si manong james sa akin , tuliro na ako kung maglakad , dumagdag pa tong pananakit ng utak ko ngayon.

"Dahan dahan lang po youngmaster sa paglalakad , baka po mapaano kayo" magalang na sabi naman ni manong james sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis.

A few minutes later ay nakarating na kami sa hospital, si daddy ang sumalubong sa akin , malungkot ang mukha niya at halatang kabadong kabado siya ngayon sa magiging resulta na sasabihin ng doctor ko.

Sa opthalmologist muna kami nagtungo at mamaya na yung sa neurologist ko.

"Good Afternoon doc!" Sabay naming bati ni daddy sa doctor ko , nginitian niya lang ako saka naupo na sa may upuan niya , sinenyasan niya din kami na maupo na din sa may sofa.

"Good afternoon Mr. Garcia at Jaydee?! Di na ako magpapaligoy ligoy pa! Hmp good news! May pagbabago sa kondisyon ng iyong mga mata , naagapan ng gamot ang sitwasyon mo at nais ko lang sabihin na ipagpatuloy mo lang iyun at tiyak na manunumbalik ang lahat sa normal okay? Wag mong kakalimutan na inumin ang gamot mo ah? That's it for today! May meeting din kasi ako Mr. Garcia? Hmp jaydee be careful pa din ah? Hindi ka pa pwedeng mag drive at maiwanang mag isa due to na may problema pa sa iyong ulo , si Doc Walter nalang ang bahalang mag explain sayo pag nagpunta na kayo dun ngayon , See you next check up jaydee!" Sabi ni doc napangiti naman ako sa sobrang saya sa pakiramdam na malamang okay na yung kondisyon ng mata ko , ang problema ko nalang is yung sa namumuong dugo sa may utak ko.

"Maraming salamat doc! See you po sa next check up ko!" Masayang aniya ko saka lumabas na kami ni daddy , nakangiti ngayon si daddy pero kita sa mga mata niya na kabadong kabado siya sa resulta ng Ct Scan ko.

"Everything will be okay dad? Don't worry kung anuman ang maging resulta ay handa akong harapin iyun" sabi ko sabay akbay kay daddy, ginulo gulo niya naman yung ulo ko at pinisil ang aking ilong.

Binuksan na ni daddy ang pintuan sa office ni Doc Walter , nanginginig din ako habang naglalakad papuntang loob, naka serious mode si Doc kaya mukhang alam ko na yung resulta.

"Maupo na po muna kayo Mr. Garcia at Jaydee , hmp wag po kayong mabibigla sa sasabihin ko ah?" Sabi nito habang hawak hawak na ang resulta ng Ct Scan ko , ibinigay niya kay daddy iyun saka nung mabuksan ni daddy yung envelope ay napatingin siya kaagad sa akin at sunod sunod na luha ang pumatak sa kanyang mga mata.

Tinatagan ko ang aking loob dahil mukhang bad news nga ito , lumapit siya sa akin at saka niyakap ako ng mahigpit saka humahagulgol na siya sa kakaiyak.

Napatingin nalang din sa akin si Doc Walter at napapansin ko din ang namumuong luha sa kanyang mga mata.









A/N: N/E/S/H/A/H/E.....

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 326 19
A college student in her 20's is having her OJT in a Rural Health Unit in her own municipality. Bata pa lang ay nais na niyang maging nurse. While co...
2.9K 135 33
Only a fanfiction. Nothing connected in real life. [TAGALOG/ENGLISH/a Little Bit KOREAN]
5.9K 158 14
Peter and Yuri had been dating for a while now but what happens when Peter finds out that Yuri was caught up in a shooting?
923K 15.8K 41
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...