Hampas ng Alon (Puhon Series...

By pawsbypages

322 54 2

PUHON SERIES #2. Audrey Medina used to love her own company. She is the epitome of a strong independent woman... More

Hampas ng Alon
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen

Chapter Fifteen

9 2 0
By pawsbypages

#HNA15

──────── ⋆ ⋅☽ ⋅ ⋆ ────────

Fourthsky Reid Ramirez

I never wanted to be in a position where I am the one making a girl cry — I never even imagined myself making someone cry. I love my mother more than anything in this world at saka may kapatid ako na babae kaya bakit ako mananakit ng kapwa nila babae? Papa also never failed on reminding me that in every single thing that I do in life, making a girl cry should never be a part of it dahil paano na lang kung ang kapatid ko naman ang paiyakin, hindi ba? Paano kung ang nanay ko naman ang saktan nila?

But for the first time in my whole life. . . I failed.

"B-bakit, S-sky? Pupuntahan mo na naman siya?" Humihikbi na tanong ni Tatianna. "H-hindi ba pwedeng. . . hindi ba pwedeng dito ka na l-lang?"

Hinila ko siya palapit sa akin bago ko siya niyakap. "Tati, tahan na. . ." Sabi ko pero lalo lang niya nilakasan ang pag-iyak. Unti-unti nang nadudurog ang puso ko sa bawat pagpatak ng luha niya sa damit ko. "Uuwi naman ako agad, e."

Ayaw na naman niya akong umalis.

Tulad ng dati.

"W-wag. . . Hindi ko k-kaya. . . Dito ka na lang, Sky. . . Hindi ba pwede 'yon?" Pumiyok na siya sa sobrang iyak. Wala akong ibang masabi kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag hagod sa likod niya. This trip was already planned even before my graduation. Lahat ay planado na; maayos na.

The only thing that was left for me to do was to bid goodbye to her.

Ayaw ko naman kasing umalis ng hindi siya sinasabihan dahil simula ng tumuntong kami sa senior high, napapadalas na ang pagtambay niya sa bahay o kaya sa office. Kung aalis ako ng hindi nagpapaalam, lalo lang sasama ang loob niya sa akin.

"Lalo lang mahihirapan si Tati kung lagi mong susundin ang gusto niya," seryosong saad ni Kazuo habang inaayos lahat ng gamit na naka-kalat dito sa music room niya. "Kung hindi mo naman kayang panindigan, p're, don't give her false hope."

"Nilinaw ko naman sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko, Bro!" I frustratedly said while running my fingers through my hair. "Para ko na siyang kapatid, Kazu. . . Hindi naman pwedeng pabayaan ko na lang siya bigla. . ."

"Kazu's right, Fourth," Damon said. "You should stick to your plan. Ilang buwan mo nang inaasikaso 'tong pag-alis mo, 'di ba? Tumuloy ka na. Tati will only get hurt more if you'll always follow what she wants, save her every time she needs to be saved, and run to her in an instant if she calls."

"Mali ba 'yun?" I looked at him with my bloodshot eyes.

Hindi ko kayang gawin 'yun kay Tatianna.

Para ko na siyang kapatid.

At isa pa, hindi ako nagpapaiyak ng babae.

"Nagiging mali lang ang isang bagay kapag sumosobra na o nagkukulang," sabi ni Samuel. "And in your case? Sumosobra ka na. She shouldn't be part of your responsibilities in the first place. O, sige, sabihin na natin na para mo na siyang kapatid pero ganiyan din ba si Ate Sofia sa 'yo? Pinapahirapan ka rin ba niya ng ganiyan? Si Astrid? Tropa naman natin siya, kapatid din naman ang turing ko sa kanya pero hindi siya ganiyan umasta, ah?"

Realizations started to kick in.

"Tangina. . ." Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalaw kong kamay.

Tama sila, e.

Kung malinaw sa akin na bilang pagiging magkaibigan at magkapatid lang ang namamagitan sa amin ni Tatianna. . . baka sa kaniya hindi.

"Wag mo kasi sanayin 'yung tao na nand'yan ka palagi para sa kaniya tapos bigla ka rin naman palang mawawala," may hugot na sabi ni Kazuo, bakas sa kaniyang mga mata ang sakit na kaniyang nararamdaman. "Masyado na siyang nagiging dependent sa 'yo, Fourth, may sarili ka rin namang buhay."

"Sige nga, kung hindi ka tutuloy. . . Paano si Audrey?" Tanong ni Samuel.

"Your happiness is there, waiting for you," sabi ni Damon. "Wala dito sa Pinas, Bro."

"Hirap maging pogi," I sighed and laughed jokingly pero ang dami nang tumatakbo sa isipan ko. Masyadong marami.

Damon shook his head. "Nagawa pa talagang magbiro," dismayadong sabi niya pero tumawa rin naman siya kalaunan.

After the memories from the after-band practice confrontation that I had with my friends last week flashbacked, inalis ko ang pagkakayakap niya para matignan ko siya sa kaniyang mga mata. "Kaya mo, Tati," sabi ko.

"Hindi." Umiling-iling siya. "Hindi ko kaya. . ."

"Kaya mo," pag-ulit ko.

"Tatlong buwan kang mawawala, Sky, e," bulong niya habang nakatingin sa kaniyang mga paa. "H-hindi naman tayo naghihiwalay ng ganoon k-katagal. . ."

"Hindi naman ako dun titira. I'll continue my studies here, hmm?"

Umiling siya. "Kapag umalis ka ngayon. . . Sky, wag ka ng babalik," mariin na sabi niya.

I know that she only said those words because she's hurt. She didn't mean it. Sabi niya ako na lang ang mayroon siya, e. Wala naman siyang kapatid o kamag-anak. "Wag ka naman ganiyan, Tati. . ." Pagod na sabi ko.

"Ako o siya, Sky?" Inangat niya ang kaniyang ulo para tignan ako. "Pumili ka."

I shook my head.

"Ako o siya?!" Ulit niya.

"I don't need to choose between the two of you, Tatianna. You are like a sister to me. . . and she's not. Magkaiba kayo, okay? So, don't make me choose because there shouldn't be any choices in the first place," seryosong sabi ko, parang nawala bigla lahat ng iniingatan kong pasensya.

"Tanginang, you are like a sister to me na 'yan!" She laughed sarcastically. "Manhid ka ba? Ha? Lahat ng iyon, Sky. . . tangina, bilang kapatid pa rin?"

"Sinabi ko naman na sa iyo 'yun noon pa lang. . ."

She took a step backwards. "Sana. . . sana hindi mo na lang ako inalagaan," she whispered but I was still able to hear it.

"Come on, Tati, don't say that," I said while trying to reach her hand but she kept on moving backward, parang diring-diri siya sa akin.

"Sana hindi ka na lang pumunta sa tuwing tinatawagan kita. . . sana hindi mo na lang pinaramdam sa akin na may isang taong mananatili sa tabi ko kung aalis ka rin pala. . ."

"You know that I'm always here—"

"Pero aalis ka nga, e!" She cut me off. "Pupuntahan mo siya! Hindi ba?! Sinabi ko naman na sa 'yo na hindi ko kaya. . . hindi ko kaya 'yung tatlong buwan, Sky. . . Pero ano? Aalis ka pa rin, 'di ba? Buo na 'yung desisyon mo, e. . ."

I wasn't able to talk; tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko.

A loud noise of a car honking enveloped us.

Tumingin ako sa pinanggagalingan ng ingay na 'yon at halos lumuwa na ang mata ka sa sobrang gulat nang mapagtantong tatamaan nito si Tatianna. I immediately ran towards her pero I was too late. . . masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng kotse.

The car stopped and a drunk guy stepped out of it. "F-fuck," he muttered a curse while looking at Tatianna, unconscious with visible drops of blood on her head. I was still at shock at wala akong ibang nagawa kung hindi ang tignan siyang nakaratay sa kalsada.

Kanina pa may alog ng alog sa balikat ko at natauhan lang ako ng marinig ang boses ng nanay ko. "Anak! What happened?!"

"Ma," I murmured, and tears started falling again.

She hugged me and caressed my hair. "Shh. . . It's not your fault," she said.

Nilibot ko ang tingin ko at nakitang wala na sa kalsada ang katawan niya but there were a lot of ambulance and police cars at the scene. My friends are here, too. Lumapit ang isang pulis sa amin para tanungin ako pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.

Alam ko naman ang isasagot kaso hindi ko alam kung bakit wala talagang lumalabas na kahit na ano.

"I think you should do this some other time, Sir," singit ni Damon. "My friend is clearly still in shock."

Bumuntong-hininga 'yung pulis. "Sige ho, Sir. Babalikan na lang ho namin kayo," sabi niya bago ilahad ang isang calling card sa tatay ko. "Tawagan niyo na lang ho ako kung handa na ang anak ninyong makipag-usap."

I postponed my flight.

Kinulong ko lang ang sarili ko sa kwarto buong magdamag. Ni hindi na rin ako kumakain sa tamang oras. Ilang messages na rin ni Audrey ang hindi ko nirereplyan. Parang tumigil bigla ang mundo ko dahil sa nangyari. Guilt was starting to eat me up. There were a lot of things running inside my head.

Kung hindi ko na sana pinagpipilitan pa ang gusto ko, edi sana walang disgrasya na nangyari.

"Please, anak, don't do this to yourself," nag-aalala na sabi ng nanay ko. Hindi ko siya pinansin, nagtalukbong lang ako ng kumot. Ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko kanina kaya nagulat ako nang bigla iyong bumukas at ang bumungad sa akin ay ang nanay kong namumugto ang mata.

I made another woman cry.

I fucking failed again.

My room was a mess when she walked in but I heard her footsteps walking around my room. Siguro ay nilinis niya lahat ng kinalat ko kagabi. She left after that pero bumalik din siya.

Habang ako? Nakatalukbong pa rin.

"I brought you food, Anak," she sweetly said. "Kumain ka ha?" I heard a click on the door after that, a sign that she left.

Inalis ko ang kumot bago umupo ng maayos. Then, I started to cry again. Tumayo ako para i-lock ulit ang pintuan ng kwarto ko kahit na wala naman na 'yung saysay dahil mabubuksan din naman iyon nila Mama gamit ang susi nito. Hours passed by ng wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumunganga at umiyak.

Araw-araw akong gano'n.

Gusto ko nang bisitahin si Tatianna sa ospital.

Gusto ko nang puntahan si Audrey.

I just want to cry and cry because of guilt.

But I also want to be strong for them. . .

My parents are surely worried about me. Ate Sofia is probably still clueless but she'll freak out once the news gets to her. Tita Sol is probably breaking down right now because of her only daughter. . . her only daughter who got struck by a car because apparently she fought with her only guy friend and now she's in a critical condition.

And Audrey, she is hurting right now, too. Nabanggit niya noon na hindi maayos ang relasyon nila ni Mr. Medina at nabanggit din niya na minahal niya si Celestine, higit pa sa pagiging magkaibigan. Kailangan din ako ni Audrey ngayon. . . hindi niya pwedeng lapitan 'yung kapatid niya dahil 'yun din mismo ang dahilan bakit siya nasasaktan ngayon.

The woman she loves is in love with her brother.

Someone knocked on my door pero hindi ko iyon pinansin. Kaso nga lang ay sunod-sunod pa rin ang pagkatok noon kaya nairita lang ako. Binuksan ko ang pintuan at ang bumungad sa akin ay si Kazuo na naka-sumbrero at facemask na itim. "Wag kang magmukmok d'yan," sabi niya.

Isasara ko na sana ulit ang pinto kaso pinigilan niya iyon. "Marami kang kailangan asikasuhin, Ramirez."

"Leave," matalim sa sabi ko.

"Isang buwan ka na rito." Tinulak niya ng malakas ang pintuan kaya napa-atras ako. "Ano ba talaga ang balak mo sa buhay, ha?"

"Kung sesermonan mo lang ako, Kazuo, please, umalis ka na," nagmamakaawang sabi ko.

Pagod ako.

"Hindi ako aalis dito." Sinarado niya ng tuluyan 'yung pintuan nang makapasok na siya sa kwarto ko. Nilibot niya ang tingin niya sa magulo kong kwarto — nagwala na naman kasi ako kagabi.

"Gising na ba siya?" Tanong ko pero umiling lang siya bilang sagot.

Para na naman akong pinag-bagsakan ng langit at lupa.

"Maligo ka na, marami tayong aayusin ngayong araw," sabi niya.

Babalik na sana ako sa kama pero hinila niya ako. "Ano ba?! Umayos ka nga! Kung sila Samuel naka-kayan-kayanan mo, ibahin mo ko!" Galit na sabi niya. "Tangina! Isang buwan ka nang nagkukulong dito! Isang buwan mong itinigil 'yang buhay mo para sa kasalanang hindi naman ikaw ang may gawa!"

"Kasalanan ko, p're. . ."

"Putcha." Hinawakan niya ang mata niya gamit ang kaniyang hinlalaki at hintuturo. "Ikaw ba ang nakabangga? Ha? Sige nga, Fourth. Ipaintindi mo nga sa 'kin," aniya.

"She wouldn't be. . . she wouldn't be in a coma if I didn't fight with her that night."

"Tangina, seryoso pala sila Damon sa sinabi nila. . . nakakatanga ka nga kausap," bulong ni Kazuo.

Ilang minuto rin kaming tahimik bago siya magsalita ulit. "Isang buwan na pero hindi pa rin nakukulong 'yung driver. Hindi umuusad ang kaso, Fourth. Hinahanap ka na ng mga tao, akala nila nagtatago ka." Naglakad siya papunta sa maliit na living room ng kwarto ko. Umupo siya sa sofa. "Kumilos ka na, marami tayong aayusin ngayong araw," dagdag niya.

Hindi pa rin ako kumilos.

Natauhan na lang ako nang magring bigla ang telepono ko. Agad ko iyong kinuha sa bed side table ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ngayon. The guilt and pain that I was feeling earlier suddenly vanished with just her name on my phone screen.

Audrey Medina is calling. . .

"Y-you called," hindi makapaniwala na sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Kazuo looked confused. "Sino 'yan?"

I mouthed her name and he nodded before pointing to the door. Lumabas muna siya para bigyan ako ng space kausapin si Audrey. I can hear her breathing on the other line. "Napatawag ka?" Tanong ko.

[I'm just. . . worried about you. Don't worry, hindi kita papagalitan just because you locked yourself in your room for a month. Well, it's better if you won't do that though since sayang naman 'yung one month but I understand.]

"Ah, ayos lang ako, hehe," I lied. "Salamat."

[Is she okay? I heard from your sister. Do you need me there? I can book a flight right now. . .]

Tears started falling from my eyes again. I tried to stifle my cries. "Ayaw ko nga!" I let out a small chuckle. "Ako ang pupunta d'yan siguro next month. May mga aayusin lang ako rito," sabi ko.

[Are you sure? I can book a flight talaga right now. I have ipon pa naman, e.]

"Pero may pasok ka pa, Quinn," pagpoprotesta ko. "At saka, ako nga ang pupunta d'yan, tsk!"

[Okay okay, chill!]

I heard her laugh and surprisingly, it made all my worries disappear.

"I can't wait to see you again, Quinn," I said while wiping the tears that escaped my eyes. "Salamat sa tawag. . . Sobrang salamat."

[Hay nako! No worries, Fourth. I was worried talaga kasi hindi ka nagrereply! Buti na lang Sofia spared me the details.]

We both laughed.

Ngayon lang ata ulit ako nakatawa simula noong gabing 'yon.

[Anyway, that's all lang naman. . . I just wanted to make sure you're fine. My offer still stands ha! If you need to be with someone right now, tell me lang. Pupuntahan kita like what you always do pag me naman 'yung may prob, hehe.]

"Noted, Ma'am," I agreed. I heard her yawn kaya napangiti na lang ako ng mapait. We need to end the call para makapag-pahinga na siya at makakilos na ako but at the same time ayaw ko pa. . . Hindi ko alam na boses lang pala niya ang kailangan ko para matauhan. I pushed everyone away after that incident. Ngayon ko nga lang ulit nahawakan ang telepono ko. . . "Inaantok ka na, Quinn, baba natin," dagdag ko.

[True, super nakakapagod 'yung day na ito.] She sighed. [I won't say na everything will be alright kasi duh I'm sure you received that line na from the people there sa Philippines. So, Fourth, don't waste your life, hmm? I may not know the whole reason why you fought with her but the accident wasn't your fault. . . That's why nga accident, e! Don't be too hard on yourself, okay? Do better than yesterday, Fourth. I'm always here for you. Goodnight.]

She didn't give me a chance to thank her or even say goodnight because she suddenly ended the call. Napangiti na lang ako sa imahe ni Audrey na nahihiya sa utak ko dahil sa mga sinabi niya. She is not the talkative type of person. Magsasalita lang siya pag kailangan o tuwing kinakausap siya. But she never started a conversation herself.

That's why this call means a lot to me. . . what she said means a lot to me.

May tao pa pala na handa akong damayan.

May tao pa pala na hindi ako sesermonan dahil nagmumukmok ako ng isang buwan.

May tao pa pala na maintindihan kung saan ako nang-gagaling.

Agad-agad akong na-ligo at nag-ayos. Everything suddenly felt lighter. Gumaan ang pakiramdam ko. Gumaan ang aura ng kwarto ko. Parang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib. Parang nawala 'yung batong nakapatong sa ulo ko.

"Tara na?" Tanong ni Kazuo nang makita niya akong pababa na ng hagdan.

I nodded. "I won't bring my car."

"Okay, I have a driver with me," sagot niya.

"Saan ba muna tayo?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

Kazuo went in first. Pagpasok ko, saka lang siya sumagot. "At your office. Hindi pwedeng sa presinto tayo pumunta, masyadong maraming nag-aabang na reporters sa labas ng bahay niyo. Baka dumugin pa tayo."

"Okay," sagot ko.

There were a lot of flashes of cameras that welcomed us in front of our company's building. Our bodyguards paved the way for us. Kahit pala dito ay nag-kumpulan na ang mga reporters. Is that why my parents looked so stressed tuwing uuwi sila sa bahay? Ganito na pala ang nangyayari sa labas ng kwarto ko sa isang buong buwan na iyon.

For a moment, I felt free.

But it was just a moment.

──────── ⋆ ⋅☽ ⋅ ⋆ ────────

This chapter was solely made for Fourthsky.

I tried my best to make this chapter as light as I can. Always remember that it is okay to take all the time in the world if you need to rest from everything that is happening in your life. It may take a couple of days, weeks, months, or even a year because we all have different paces in adjusting and moving forward but that is totally fine. Just don't let yourself get stuck in that same situation over and over again. 

After feeling the pain and taking your time to reflect, always move forward.

Also, some of you might wonder why did the two main characters suddenly have their own chapters or why did I give them a whole chapter for their point of view that is different from the first chapters.

Well, I felt the need to give the characters more space to show what is happening in their life, individually, which a chapter with two points of view can't make; it is not enough.

Again, I am sincerely sorry for the late updates. It is not easy to write a single chapter when you don't have the energy and inspiration to write one. I don't want to rush my stories, baka pumangit lang.

But as promised, this is a double update for this week! :')

Happy reading!

Love, Bri

#HNA15

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...