Paint Me Red

Od CloudMeadows

762K 40K 10.5K

(REAGAN SERIES #3) Scarlett Amara Torres is the shy and outcast heiress of Torres Apparel Corporation. She di... Více

PAINT ME RED
Chapter 1: Chrysanthemum
Chapter 2: Reverse Card
Chapter 3: Bloody Mary
Chapter 4: Finders keepers
Chapter 5: Marionette no more
Chapter 6: Empty vows
Chapter 7: Human blood-snack
Chapter 8: His diabolical side
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: Lights, Camera, Action!
Chapter 11: Invitation
Chapter 12: Masked with his scent
Chapter 13: Harleys in Hawaii
Chapter 14: Touchy
Chapter 15: Bathtub
Chapter 16: Iris
Chapter 17: Safeword
Chapter 18: The bet
Chapter 19: Carnal desire
Chapter 20: Stalker
Chapter 21: Morning affection
Chapter 22: Trapped
Chapter 23: The truth
Chapter 24: Just say the word
Chapter 25: Take the bait
Chapter 26: Love bites
Chapter 27: Cult
Chapter 28: Priest
Chapter 29: Possessed
Chapter 30: Eureka
Chapter 31: La Famiglia
Chapter 32: Malediction
Chapter 33: A choice to make
Chapter 34: A life for a life
Chapter 35: Human Puppet
Chapter 37: Copper Heart
END
SPECIAL CHAPTER + NOTE

Chapter 36: Broken Vessel

15.2K 849 193
Od CloudMeadows

Is this the end for me?

Ang bigat ng katawan ko at nakaramdam ako nang labis na panghihina. Sinubukan kong gumalaw ngunit 'di ko kaya. May naririnig akong huni ng makina ngunit 'di ko alam kung saan galing ang mga ito. May naririnig din akong mga boses at yapak ng mga paa ngunit masyado itong mahina. 

All of a sudden, I felt something cold touching my hand yet it felt warm at the same time. I held on to that warmth like I'm going to lose it ngunit hindi gano'n kahigpit ang hawak ko dahil wala akong lakas.

May naririnig ulit akong boses, para bang tinatawag ang pangalan ko.

"Amara . . . "

My lids felt heavy. Kahit gusto ko mang buksan ang aking mga mata, 'di ko 'to magawa. Itinuon ko ang atensyon ko sa boses na para bang nasa tabi ko lang.

"Amara . . . "

The voice sounds familiar. The deep and husky tone, the warmth that it held only for me. Alam ko kung kanino ang boses na ito

"Open your eyes for me, please?"

The same warm hand stroked my cheeks, washing away all my worries. 

I focus on his voice, trying to block any noise. Only his voice.

A crack of light greeted my vision as I slowly open my eyes. Bumungad agad ang puting kisame na sobrang pamilyar na sa akin. Naaamoy ko na rin 'yung mga antiseptic kaya klaro na sa akin kung nasaan ako.

"Thank God, you're awake." A voice beside me spoke. Nilingon ko ito nang dahan-dahan at nakita ko si Ivan na nakahawak sa kamay ko. Gulong-gulo ang kanyang buhok at medyo namumula ang kanyang mga mata at pisngi. Paulit-ulit niyang hinalikan ang likod ng palad ko at naririnig ko ang mahihina niyang 'I'm sorry'.

Then the realization hits me. 

Bumalik sa aking alala ang mga natuklasan ko kahapon. 'Yung narinig kong usapan nila. Kung anong tungkulin ko sa buhay niya at 'yung tanging rason kung bakit ako nabuhay sa mundong ito. 'Yung naging usapan namin ni Dad hanggang sa inatake ako at nakatitig lang siya sa akin.

Naalala ko na lahat. 

Naramdamaan ko ang unti-unting pangingilid ng aking luha hanggang  bumagsak ito sa aking pisngi. Pinunasan agad ito ni Ivan gamit ang kanyang mga daliri ngunit iniwas ko agad ang mukha ko.

Parang may kung anong nabasag sa mga mata niya nung tiningnan ko siya. 

"I'm sorry," he whispered. 

Napansin ko  na mukha siyang nanghihina kumpara kahapon. 

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sigawan at tanungin kung bakit 'di niya nagawang sabihin sa akin ang katotohanan. Ngunit kahit anong gusto kong gawin para magalit ay 'di ko kaya. Hindi ko alam kung kagagawan ba ito nung witch o kung sino mang leche na nagpasimuno nang lahat ng ito. 

Naiinis ako dahil sa kabila ng lahat, gusto ko pa rin ibigay sa kanya ang dugo ko. 

"This is all my fault, Amara. It was my decision to tell you the truth when I'm ready. Sana 'wag kang magalit sa kanila kung bakit 'di nila sinabi sa 'yo ang totoo."

Hindi ako umimik.

"Sasabihin ko sa'yo ang totoo . . . Sasabihin ko sa'yo lahat-lahat ngunit pinangunahan ako ng takot pero pinapangako ko sa'yo na hindi ko gustong magsinungaling sa'yo." Yumuko siya at napansin ko ang luhang pumatak sa kamay ko na hawak niya. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana matagal ko nang sinabi sa'yo. Hindi ko ginusto na hahantong tayo rito . . . at mas hindi ko ginusto na makita ka rito na nakaratay sa kama dahil sa kagagawan ko. Fuck, Amara, I'm so sorry."

'Di pa rin ako umimik.

"But please believe me when I tell you that I didn't love you because of that. Noong una, aaminin ko na nalilito ako kung paano ako napapakalma ng dugo mo kaya humingi ako ng tulong kay Tita Cindy at doon niya napag-alaman at nakumpirma na ikaw ang taong matagal na naming hinahanap. Nalaman ko lang ito noong parehong araw na natagpuan ko si Aziel sa opisina mo . . .I was mad at myself. I can accept any punishment but I can't let him take you away from me."

"Kaya kong mabuhay nang habang buhay na dala-dala ang sumpang ito basta 'wag ka lang mawawala sa akin and I know that sounds so fucking selfish and fucked up . . ." Marahan niyang idinantay ang kanyang ulo sa akin tiyan habang paulit-ulit niyang pinaglalaruan ang kamay ko.

Naaakit akong idantay ang aking kamay sa kanyang malambot na buhok ngunit pinigilan ko ang sarili ko. He tightens his hold like he's scared that I would disappear.

I can feel the sincerity in his voice and I can feel how much he meant each word. 

But I knew deep down, loving him was a losing game. It's just that I only realized it too late.

We stayed silent for minutes before he finally raised his head. I can see the sadness in his grey eyes underneath those thick lashes. 

I hate that no matter how I try to hate him . . . I can't.

We just stared at each other before we heard a knock. May pumasok na Doctor sa aking kwarto at chineck niya ang aking vital signs at may kung ano siyang sinasabi kay Ivan ngunit wala ako sa wisyo para absorbahin ito ngunit may isang pangungusap na nakakuha sa aking atensyon.

We can't do anything.

Strangely . . . I felt nothing. I can't feel anything. I feel numb. 

Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa lumabas 'yung doctor. Namayani ang katahimikan sa loob ng ilang minuto. "It's not too late, Scarlett—"

"You heard the Doctor, Ivan. It's too late," walang emosyon kong sabi.

"No. It's not." Lumapit siya sa tabi ko at kulang na lang ay lumuhod siya. "I can do it for you. Just let me, please?" 

Siguro kung 'di ko narinig ang usapan nila kagabi, pumayag na ako. 

May bigla akong naalala sa sinabi ni Louise noong nasa opisina ko siya. That time . . . she acts as if she knows something. Does that mean everyone knows and I'm the only one who doesn't?

Napasapo ako sa ulo ko. 'Di ko na talaga alam kung anong nangyayari. Hanggang ngayon naglalaro pa rin sa aking isipan 'yung sinabi ni Dad. 

"Leave."

"Amar—" Natigil siya at sabay kaming napalingon sa pinto nang bigla itong magbukas at iniluwa nito sina Enzo at Medi, sa likuran naman nila ay nandoon si Aziel at Zennica. May mga dala silang bulaklak at pagkain. 

"Sorry, are we disturbing you guys?" tanong ni Medi. Her voice was soft and low. 

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanila.

"No," Ivan answered for the both of us.

Inilapag nila 'yung mga dala nila. Ayoko sanang maging bastos pero 'di ko sila kayang tingnan lalo na't sariwa pa sa aking 'yung mga nalaman ko. Alam kong may rason sila kaya hindi nila nagawang sabihin 'yon sa akin pero kailangan ko muna mapag-isa. 

Mukhang alam naman ni Ivan ang gusto kong mangyari dahil siguro sa ekspresyon sa aking mukha. Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Guys, let's talk outside."

"Teka lang 'di pa namin nakakamusta si Scar—" Tinapalan agad ni Medi ang bunganga ni Enzo gamit ang kanyang palad saka niya ito pinanlakian ng mata. "Adfong pfrobvliemah mfo? (Anong problema mo?)"

Napairap si Medi saka niya ito hinila palabas. Sumunod si Aziel na mukhang may gustong sabihin sa akin ngunit umiling siya. Sunod naman si Zennica, she mouthed sorry before going out.

Huling lumabas si Ivan pero bago 'yon ay lumapit siya sa akin. 'Di ko siya pinigilan no'ng yumuko siya para halikan ako sa noo. "Let me at least do that." 'Di siya nakuntento at hinaplos niya ang buhok ko saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "I was so fucking worried, Scar. I don't know what I would do without you."

My heart melted because, despite the lies, my heart still beats for him. Only him.

Hinaplos ko ang  singsing sa aking daliri pagkalabas ni Ivan. Noong sinabi niya na galit siya sa sarili niya, hindi ko alam na parehas lang pala kami ng nararamdaman dahil ako rin ay galit sa sarili ko.

Scarlett, hanggang dito ka na lang ba? Nakaratay lang dito sa kama at nagmumukhang mahina sa paningin ng lahat? 

Hanggang dito na lang ba talaga?

Sa loob ng ilang minutong pag-iisip at pagtitig sa kisame, 'di ko namalayan na nakatulog ulit ako habang mahinang minumura ang sarili ko.

***

After an hour of sleep, bumukas ang pinto na siyang dahilan ng paggising ko. Hindi ko inaasahan kung sino ang pumasok. She looks at me with sympathy before pulling a chair beside me.

"Amber?"

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka marahan niya itong pinisil. Namamaga ang kanyang mata at ilong. I was too stunned to move. Anong nangyayari sa babaeng 'to? Excited ba siyang mamatay ako?

"Lett . . ." panimula niya. Ang lungkot ng tinig ng boses niya. "I'm glad you're okay."

May naalala ulit ako. Bago ako mawalan ng malay, narinig ko ang boses ni Amber. Siya ang humingi ng saklolo habang pinapanood lang ako ni Dad. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa kung malaki ang galit niya sa akin. Bakit hindi niya ako hinayaang mamatay?

"Bakit mo ginawa 'yon?" Binawi ko 'yung kamay ko mula sa kanya. "Bakit mo ako tinulungan?"

She bit her lip. "Una sa lahat,  humihingi ako ng tawad sa mga masasamang bagay na nagawa at nasabi ko sa'yo." Yumuko siya. "Alam kong hindi mo ako mapapatawad kahit na anong rason ang sabihin ko sa'yo kaso gusto kong malaman mo na nagsisisi ako sa nagawa ko."

Tulad ng ginawa ko kay Ivan, 'di ako umimik. Tinitingnan ko kung nagsasabi ba siya ng totoo dahil ang hirap na magtiwala sa mga pinapakita nila dahil hindi ko alam kung nagsisinungaling lang ba ulit sila sa akin. 

"Ginawa ko lang ang gusto ni Mama dahil natakot ako," humihikbing saad niya. "Kapag hindi ko raw gagawin ang gusto niya, siya na mismo ang gagawa ng paraan para mawala ka sa pamilya."

Ikinuyom ko ang palad ko at napatawa nang mapakla. "Kaya nagawa mo akong traydurin at agawin ang fiance ko noon? At naisip mo na mas maganda 'yon kaysa sa kung anong pwedeng gawin sa akin ng nanay mo? Tama ba?"

"Lett, ayaw kitang masaktan—"

"At sa tingin mo hindi ako nasaktan noong gabing 'yon?" malumanay kong saad. Kapag sasabog ako ngayon, siguradong aatakihin na naman ako. "Hindi ba pumasok sa isipan mo na sabihin na lang sa akin? Sa tingin mo pag nalaman ko 'yon ay may gagawin din akong masama sa nanay mo? Gano'n ba ang tingin mo sa akin?"

"Lett, hindi sa gano—"

"Bakit ba ang hirap sa inyo sabihin sa akin ang totoo, bakit kailangan pang humantong sa ganito?" Mabilis kong pinunasan ang luhang kumalas sa aking mata. 

"Alam kong mali ako sa parte na sana sinabi ko na lang sa'yo kaysa itago at masaktan ka nang ganito pero ayaw kitang mapahamak sa kung anong pwedeng gawin ni Mama sa'yo kahit na kamuhian mo ako sa naging desisyon ko pero kalagayan mo lang inaalala ko, Lett." 

Kita ko sa mga mata niya na parang may gusto pa siyang sabihin ngunit mukha siyang nag-aalanganin hanggang sa 'di na siya nakapagtimpi.

"At ang totoo kaya ko rin nagawang agawin si Darrell mula sa'yo ay dahil alam kong ginagamit ka lang niya para mapasakanya ang mga mana mo. Noong gabing nahuli mo kami, nasabi ko lang ang mga 'yon para makumbinsi siya na mapasaakin at tuluyan siyang lumayo sa'yo."

Ang dami kong nalalaman at parang sasabog na ang ulo ko. "Alam kong nag-aalala ka sa akin pero kaya kong magdesisyon, Amber. Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ito dahil sa tingin mo ay iyon ang makakabuti sa akin dahil hindi lang ang tiwala ko sa'yo ang sinira mo kundi ang pagkakaibigan natin."

Natahimik siya sinabi ko at mahinang tumango. 

Huminga ako nang malalim at iniba ang usapan dahil ayaw ko nang balikan ang nakaraan dahil wala na kaming magagawa pareho. "Bakit ka nasa bahay kahapon?"

 "Nakatanggap ako ng text galing kay Elijah. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko ngunit may mensahe siya na pinapasabi raw ni Ivan." 

"Anong sinabi niya?"

"Umuwi raw ako sa bahay at tingnan kung nando'n ka at kung kamusta ang lagay mo. Hindi ko alam kung paano niya alam ang tungkol doon ngunit nung naabutan kita sa sahig at nag-aagaw buhay, gusto kong magpasalamat sa kanya at nagawa kitang iligtas." She fumbled with her fingers. "Dad . . . Dad was too shocked. He's now sober at nagsisisi siya sa ginawa niya. Alam kong hindi mo siya mapapatawad dahil sa ginawa niya noong oras na 'yon but he's deeply sorry, Lett."

I doubt that.

"Kung talagang nagsisisi siya sa ginawa niya, bakit hindi siya ang pumunta rito at humingi ng paumanhin? Bakit ikaw ang nasa harapan ko at hindi siya?" Ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa lahat ng sinasabi niya.

"He's ashamed for what he did, Lett . . ." 

"Ashamed enough not to show up knowing this might be his last chance to bid farewell to his own daughter?" Hindi na ako nagulat pa. He already failed as a father. Siguro kung hindi lang dumating sina Amber ay baka pinanood niya lang akong bawian ng buhay sa sahig. 

"Anong ibing mong sabihin?"

"You know what I mean." Ibinalik ko ang tingin ko sa kisame. "I won't last long. Siguro masaya na kayo."

Natahimik siya sa sinabi ko. Nakaawang ang kanyang labi at tila 'di makapaniwala sa narinig.

"No . . ." Paulit-ulit siyang umiling, parang ayaw paniwalaan ang sinabi ko. "What about the surgery? Pwede ka pa nilang isalba!"

"I'm sorry, Amber, but I feel tired. Can we talk next time?" If there's a next time.

Nanlumo siya sa sinabi ko dahil ibig sabihin ay tapos na akong kausapin siya ngayong araw. Wala siyang nagawa at umalis kahit mukhang ayaw niya.

I don't know how many hours have passed and how many hours I've slept, woken up, overthought, sleep again and then the same thing repeats over and over. Dumagdag sa iniisip ko 'yung sinabi ni Amber kaya kinuha ko muna 'yung phone ko para libangin ang sarili ko. 

Nag-scroll lang ako sa FaceBook bago ako lumipat sa Instagram.  At dahil si Ivan lang naman ang fina-follow ko dito, siya agad ang bumungad sa feed ko. May post siya 1 week ago at nagulat ako nang bumugad ang larawan ko na nagbabasa ng libro. Naalala ko na ito 'yung pinuntahan naming yacht party kung saan ako unang nakita ni Ivan. Seryoso akong nagbabasa ng libro habang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok. 

'Di tulad ng aesthetic ng feed niya na black and white, 'yung litrato ko ang namumukod tanging may kulay. Kitang kita ko ang kulay puting suot ko. Ang kulay asul na book cover ng libro. Ang dilaw na fairy lights at iba pa. 

Nag swipe right ako at nakita ko 'yung litrato ng likod ko. Ito 'yung oras na ikinasal kami sa munisipyo. 'Di ko napansin na nagnakaw pala siya ng litrato.

Ang pinaka huling litrato naman ay ang unang araw kong tulog sa bahay niya. Nakahiga ako sa gitna ng kama habang prenteng nakakalat ang medyo kulot kong buhok sa unan. 

Binasa ko 'yung caption at nagulat ako sa nabasa. Naalala ko na binigkas ito ni Ivan sa akin noon pero pinindot ko pa rin 'yung translation para makasigurado .

Caption: Il mio figlio.

Translation: My wife.

Wait, what?

Mabilis akong napadpad sa comment section at halos malula ako sa numero ng mga nagkumento. Mabilis akong nag scroll at binasa ang mga comments. To summarize, they can't believe he has a wife. There were mixed reactions. Some were delighted, some were not. 

The question was, why did he do this? Hindi ba 'to makakasama sa public image niya? Akala ko ba tago lang 'tong relasyon namin sa publiko?

Sakto ay nakatanggap ako ng text galing sa kanya. Sinabi niya papunta raw siya mamaya rito sa room ko dahil bibilhan niya ako ng pagkain.

Saka ko na lang siya tatanungin tungkol dito pagkarating niya.

Inilapag ko ang aking phone sa tabi ko at inabot ang remote. Binuksan ko ang T.V. at sakto namang bumukas ang pinto at pumasok dito si Cooper. Babatiin ko sana siya kaso napukaw ang atensyon ko sa palabas. 

"This is Yassi Panganiban, reporting . . . " Nakatayo sa harapan ng pamilyar na building ang reporter. May mga barricade tape sa paligid at isang larawan ni Farah ang naka display sa gilid. "May natagpuang patay—"

Inagaw ni Cooper ang hawak kong remote at saka niya pinatay ang T.V. Nakatulala lang ako, 'di makapaniwala sa napanood at narinig. 

"Scarlett . . ." Napahilamos siya ng mukha. "You should rest."

"Totoo ba?" tanong ko. 'Di maalis ang aking tingin sa T.V. kahit nakapatay na 'to.

"Ako na ang bahala. Dapat 'di ka raw na-stre-stress sabi ng doctor."

"Patay na si Farah?" 

Hindi siya sumang-ayon pero 'di rin siya tumanggi.

Bumilis ang pintig ng aking dibdib. Tila nabingi ako at nakatuon lahat ng atensyon ko sa nalaman ko. "Bakit . . . Anong nangyari . . . B-Bakit?" 

Ang sabi sa news ay tumalon siya mula sa rooftop ng condominium pero imposible. Hindi niya 'yon magagawa. May mali.

Shit. 'Di ako makahinga. 

"Scarlett? Shit, teka lang tatawagin ko ang mga nars!" Lumingon ako kay Cooper na para bang 'di alam kung anong gagawin niya. Natataranta siyang tumalikod upang humingi ng tulong.

Habang ako ay abala sa pagpapakalma sa sarili ko, para bang naglaro sa harap ng aking mata ang aking mga memorya. Lahat ng mga masasayang ala-ala. Lahat ng mga malulungkot na panahon. Lahat ng mga achievements ko. Lahat ng mga naging kaibigan ko noon. Lahat.

If this is how my life ends, I don't want it.

At least, let me say my goodbyes first.

Hinawakan ni Cooper ang handle ng pinto, bubuksan niya sana ito ngunit bigla siyang natigilan at narinig ko ang mahinang tunog, senyales na ini-lock niya ang pinto.

Nakita ko ang pag akyat-baba ng kanyang balikat na para ba siyang tumatawa bago dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nakangiti na siya habang pinupunasan niya ang mga pekeng luha niya.

"Cooper?" nalilito kong tanong.

Para ba akong nakatingin sa ibang tao dahil wala na 'yung Cooper na takot at nag-aalala kanina dahil sinalubong ako ng mukhang kailanman ay 'di ako pamilyar. Blangko ang kanyang mga titig ngunit nakangisi siya. Sumandal siya sa pinto at isang kurap niya ay nag-iba ng kulay ang kanyang mga mata. 

Kulay asul.




Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.3M 72K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...
1.3M 60.1K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
15.6K 949 24
[Rainbow Series #1: Color Red] Masayahin, makulit, maganda at puro kalokohan, ganyan kung ilarawan ang 22years old na si Chantria Yvonne Cuevas ng m...
1M 28K 42
Completed| Published under PSICOM Publishing Inc. for Php195.00. SPG | Mature Content HANNAH VILLEGA wants to be pure and virgin until she gets...