Paint Me Red

By CloudMeadows

761K 40K 10.5K

(REAGAN SERIES #3) Scarlett Amara Torres is the shy and outcast heiress of Torres Apparel Corporation. She di... More

PAINT ME RED
Chapter 1: Chrysanthemum
Chapter 2: Reverse Card
Chapter 3: Bloody Mary
Chapter 4: Finders keepers
Chapter 5: Marionette no more
Chapter 6: Empty vows
Chapter 7: Human blood-snack
Chapter 8: His diabolical side
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: Lights, Camera, Action!
Chapter 11: Invitation
Chapter 12: Masked with his scent
Chapter 13: Harleys in Hawaii
Chapter 14: Touchy
Chapter 15: Bathtub
Chapter 16: Iris
Chapter 17: Safeword
Chapter 18: The bet
Chapter 19: Carnal desire
Chapter 20: Stalker
Chapter 21: Morning affection
Chapter 22: Trapped
Chapter 23: The truth
Chapter 24: Just say the word
Chapter 25: Take the bait
Chapter 26: Love bites
Chapter 27: Cult
Chapter 28: Priest
Chapter 29: Possessed
Chapter 30: Eureka
Chapter 31: La Famiglia
Chapter 33: A choice to make
Chapter 34: A life for a life
Chapter 35: Human Puppet
Chapter 36: Broken Vessel
Chapter 37: Copper Heart
END
SPECIAL CHAPTER + NOTE

Chapter 32: Malediction

16.4K 915 248
By CloudMeadows

"Did you know that the antidote to our  blood lust is the blood of our father?" 

Napag desisyunan naming pumunta lahat dito sa Academy pagkatapos naming kumain. Nasa basket ball court kami rito sa may open area. Pinili nila rito kumpara sa indoor court dahil mas sariwa ang hangin. 

Abala ang mga kalalakihan sa paglalaro ng basket ball habang kaming kababaihan naman ay may kanya-kanyang ganap. Kami ni Lola—siya ang nagsabi na tawagin ko raw siya na Lola—ay nakaupo sa isang bench habang 'yung iba ay naghihiyawan sa kabilang bench. May kanya-kanya kaming chini-cheer.

"Go, Barko! Kung magaling ka mag-shoot sa ibang bagay, dapat magaling ka rin mag-shoot ng bola!"

"Go, Dad! Kung nakayanan mong maka-one shot one kill kay Mommy noon, kaya mo rin ngayon!"

"Kelsey and Tita Kai, rated PG po tayo, ha?"

Tumingin ako kay Ivan na 'di man lang pinagpapawisan. Lahat sila ay walang suot na pang-itaas ngayon kaya ang lakas ng sigawan. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Ivan na batak na batak ang katawan. Ang puputi nila ngunit siya ata ang medyo mas kayumanggi ang balat kaya mas tumingkad ang mga muscles sa katawan niya. 

Palaisipan pa rin sa akin 'yung nangyari kanina. Bakit siya nag-donate sa Heart's Foundation sa dami-dami ng program diyan, bakit 'yon ang napili niya? Anong ibig sabihin nung tingin na binigay niya sa akin kanina? Alam na ba niya ang tungkol sa kondisyon ko?

"Wala pong nasabi sa akin si Ivan tungkol diyan," sagot ko sa tanong ni Lola. "Pero kung gano'n nga po, bakit 'di matangga-tanggal ang uhaw niya sa dugo na kakailanganin niya pa ng sedative? Hindi po ba tumatalab ang dugo ni Sir Ivo sa kanya?"

"Do you want to take a walk?" Tumayo si Lola at saka niya inilahad ang kamay niya sa akin. Sinenyasan niya ako gamit ang kanyang mga mata. 

Lumingon ako saglit kay Ivan na nakatingin na sa amin at nakakunot noo. Naalala ko ulit 'yung nangyari kanina sa hapag. Pagkatapos ng tanong ng Lolo niya ay 'di na niya ako gaanong pinapansin. Ilang beses ko siyang sinubukan tanungin no'ng kami lang ngunit lagi niya akong iniiwasan. Sa tingin ko nga ay alam na niya ngunit gusto ko itong kumpirmahin mismo sa kanya.

Umiwas ako ng tingin at tinanggap ang kamay ni Lola.

"Where are you going?"

Nagulat ako nang bigla kaming lapitan ni Ivan. Bigla na lang niya iniwan 'yung tito at lolo niya na naglalaro.

"Hihiramin ko lang saglit ang asawa mo. 'Wag kang mag-alala. Halika na, hija."

'Di na naka angal pa si Ivan dahil hinila na ako ng lola niya. Umalis kami at naglakad papunta sa isang gazebo na hugis octagon. Ang daming halaman na nakapalibot dito at may mga fairy lights na nakasabit sa bawat poste. Sa gitna ay may isang table at dalawang cushioned chair. 

"Take a seat. Gusto mo ba ng tsaa?"

"Tea would be great." I smiled. 

Pinanood ko siyang magsalin ng tsaa sa baso ko at pagkatapos ay umupo siya at sumipsip sa tsaa niya kaya gumaya ako. 'Di ko alam pero kinakabahan ako. Bakit niya ako dinala rito?

"I can see that Ivan really loves you, nipote acquisita." 

"Nipo—Ano po?"

"It means Granddaughter-in-law." She smiles at me warmly but it faded quickly. Inipit niya ang mahaba at makintab niyang buhok sa likod ng tainga niya.  "I'll go straight to the point," sabi niya habang dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang tasa. "To answer your question, Ivan is cursed."

Buti na lang nailapag ko na 'yung tasa sa lamesa dahil kung hindi ay baka nahulog at nabasag ko na ito sa sobrang gulat.  

"Hindi namin alam kung bakit hindi gumagana sa kanya ang dugo ni Ivo. Ilang beses namin siyang pinainom ng dugo ni Ivo ngunit wala itong naging epekto sa kanya. Mas lalo lang ito naging bayolente." Nagulat ako nang may pumatak na luha mula sa kanyang mata ngunit mabilis niya itong pinunasan. "Huli na no'ng nalaman namin kung anong nagawa niya noong nagpakita siya ng unang simptomas."

"A-Ano pong nangyari?"

"Umuulan no'ng natagpuan namin siyang duguan sa isang park malapit sa bahay. Mag-isa siya ngunit nagtaka kami kung bakit ang damit dugo sa paligid. Wala namang bangkay ngunit may naramdaman kaming malakas na presensya. Ang taas ng lagnat niya noong gabing 'yon kaya akala namin ay senyales na iyon para inumin niya ang dugo ni Ivo. Akala namin huhupa ang kanyang lagnat pagkatapos niyang inumin ang dugo ng anak ko ngunit hindi ito nangyari. Ilang linggo siyang nilalagnat at nauuhaw. Minsan ay nahihimatay siya bigla at magigising na tila isang mabangis na hayop na nakawala sa hawla."

Napatakip ako sa bibig ko.

"Gabi-gabi siyang umiiyak sa sakit. Hindi namin maintindihan kung bakit hindi tumatalab sa kanyang ang dugo ni Ivo. Sa tuwing nakakaamoy siya ng dugo ay tila ba nawawala siya sa sarili niya na kinakailangan naming gumawa ng spell upang 'di siya makalabas sa bahay. Inimbestigahan namin kung anong nangyari upang malaman namin kung bakit nagkaka-gano'n si Ivan." Huminga siya nang malalim. "Kalimitan ay dugo lamang ng hayop ang pinapainom namin sa kanya ngunit sa unang pagkakataon, napag-alaman naming may napatay siyang tao."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. At anong ibig niyan sabihin sa unang pagkakataon? Ibig bang sabihin ay nasundan pa ito? 

"And it's not just someone. He drained the life out of a woman who happens to be married to a witch. A powerful one. And since that day, no matter what we do, his blood lust is uncontrollable kaya gumawa si Cindy ng sedative para kahit papaano ay kumalma siya. Noong una, pills ang ginagamit niya na pampakalma ngunit kalaunan ay pinapalitan niya ito ayon sa gusto niya."

"Akala namin habang buhay na siyang gano'n." Then she looks at me in the eye. "Hanggang sa nalaman namin kay Zennica kung paano siya mabilis na kumalma no'ng nainom niya ang dugo mo. Noong una, hindi namin kayang paniwalaan ang sinasabi ng aking apo."

"Sa totoo lang po, maski ako ay nalilito kung paano 'yon nangyari," pag-amin ko.

She nodded. "But when you entered that door, all of us smelled how sweet your blood was pero 'di lang nami pinahalata dahil ayaw naming matakot ka sa amin. There's something about your blood that draws our kind but good thing Ivan covered you with his scent."

I'm overwhelmed. Una, 'yung kay Felix. Pangalawa, 'yung donation program. Pangatlo, itong sumpa kay Ivan. 

But I feel bad for him. My heart breaks for him. Hindi siguro madali ang pinagdaanan ni Ivan ngunit buti na lang nandiyan ang pamilya niya na handang tumulong sa kanya. 

"I'm sorry if I scared you with this information ngunit mas mabuting alam mo ang lahat ng ito dahil duda ako na hindi pa ito sinasabi sa'yo ni Ivan." She held my hands. "You deserve to know this. But I also want to tell you na hindi ginusto ni Ivan ang mga nagawa niya. Over the years, mas naco-control na niya ang sarili niya. And I can see the look he gave you over dinner. It was the first time I saw a new emotion in his eyes. You're his hope, Scarlett."

Ako naman ngayon ang parang naiiyak. "Salamat po dahil sinabi niyo sa akin ang lahat ng ito." Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. "Ngunit may tanong po ako."

"Ano 'yon, hija?"

"May posible kayang gamot na magpapagaling kay Ivan nang hindi niya kakailanganing inumin ang dugo ko?" Ngayon na nalaman ko ang lahat ng ito, bigla akong kinabahan at nalungkot. Alam ko naman na dahil sa dugo ko kaya hindi na kinakailangan ni Ivan ang sedative niya pero . . . hindi na ako magtatagal.

"Bakit? Masyado ba siyang masakit kumagat? Nako! 'yung batang 'yon talaga." Tumawa siya nang mahina at pilit ko 'yon sinuklian ng ngiti. Pakiramdam ko ay pinapagaan niya lang ang loob ko. 

Hindi pwedeng habang-buhay ay aasa sa akin si Ivan kung kailan iiwan ko siya rin siya sa bandang huli. 

"Gusto ko lamang po siyang tulungan. Gusto ko na dumating 'yung araw na hindi na niya kakailanganin ng sedative at maramdaman 'yung sakit." 

"May isang solusyon," mahina niyang usal pero 'di na siya makatingin sa akin. 

"Ano po 'yon?" 

"Kakaalam ko lang din mula kay Cindy na nakausap niya ang taong may kagagawan nito kay Ivan."

"Talaga po?" Tila nabuhayan ako ng loob. "Ano pong sabi?"

Her smile drops. "Kailangan naming hanapin ang batang—"

"There you are." 

Lumingon ako kay Ivan na nasa tabi ko na. Nakatingin siya ngayon sa lola niya at tila ba nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mata.

"Grandma, I think we need to go." 

Nagulat ako dahil nakasuot na siya ng T-shirt at dala-dala na niya 'yung bag at blazer ko. 

"Teka lang, Ivan—"

"It's okay, Scarlett. Anong oras na rin." Ngumiti ang lola niya saka tumayo at lumapit sa amin para bigyan kami ng halik sa pisngi.

Napakunot-noo ako. May sasabihin sana siya kung hindi lang dumating si Ivan, e. 

"Salamat po sa dinner at sa tea."

"No worries, it was nice meeting you, dear."

'Di na ako nagulat nang yakapin niya ako tulad no'ng ginawa niya kanina. Niyakap ko rin siya pabalik. Nami-miss ko na si mommy.

"Love, can you start the car? Kakausapin ko lang saglit si lola."

"Yeah, sure." Kinuha ko 'yung susi na nakalahad sa kanyang palad at saka sila iniwan doon sa gazebo.

'Di ko maiwasang lumingon at nakita ko silang seryosong nag-uusap. Nagkibit-balikat na lang ako saka nagpaalam sa iba bago ako pumunta sa kotse ni Ivan.

Something doesn't feel right.

***

"Everything is taken care of. Let's talk tomorrow. Don't stress yourself by coming here. Magpahinga ka muna, peklat."

I replied okay to Cooper. Pagod ako at saka anong oras na rin. Mas maganda kung bukas na ako pumunta.

Kakatapos ko lang maligo at mag-dry ng buhok at kakatakip ko lang ng kumot sa katawan ko nang biglang pumasok si Ivan kaya napaayos ako ng upo.

"May kailangan ka?"

'Di siya sumagot.

"Nauuhaw ka ba?" Ibinaba ko ang kwelyo ng aking damit ngunit hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Can I sleep here tonight?" 

I hesitated. After our talk this morning, things between us got awkward. 

"Don't worry, I won't touch you. I just want to sleep beside you, lo—Scarlett."

I'm too tired to argue or maybe I want him here or both. Umusog ako para bigyan siya ng space. Nagsimula naman siyang maghubad kaya napatakip ako sa katawan ko gamit ang kumot.

"Anong ginagawa mo?"

'Di ulit siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin habang isa-isa niyang tinatanggal ang kanyang saplot hanggang sa naiwan na lang siya sa boxers niya. Lumapit siya at humiga sa kama na 'di pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. 

Akala ko ba matutulog lang? Bakit—

"Goodnight, Scarlett."

Nakatingin na ako ngayon sa likod niya. Nakatalikod kasi siya sa akin habang nakatakip 'yung kumot ko sa ibabang parte niya. Nag-init 'yung mukha ko kaya nagtalukbong na ako ng kumot habang mahinang minumura ang sarili ko. 

"Stop cursing yourself and go to sleep."

I groaned. How can I sleep when a half-naked famous actor is sleeping beside me? 'Di rin nakatutulong 'yung mga nalaman kong impormasyon kanina. His curse . . . The donation . . .

After what felt like an hour of tossing and turning, I gave up the idea of sleep. 

"Can't sleep?" 

"Yes. You?"

"Same."

Hinarap ko ang katawan ko sa direksyon niya. "Your family was great. I had fun. I can tell they're great people—vampires. Whatever." I don't why initiated small talk but this is better than pretending to sleep.

"They like you." Ginaya niya 'yung ginawa ko at hinarap niya rin ang katawan niya sa direksyon ko. 

"Ang swerte mo dahil ang babait ng pamilya mo. Salamat dahil kahit ngayong lang ay pinaramdam mo sa akin kung anong pakiramdam ng isang tunay na pamilya." 

Kumunot ang noo niya. "I can bring you in our family gathering as much as you want. Hindi lang ngayong gabi."

"Not after our contract ends," I stated as a matter of fact. "This is all just temporary—"

"Not to me."

I ignored what he said. "My lawyers are now processing the transfers of assets. I know we still have time before our contract ends but I want to say thank you as early as now. Salamat sa lahat." My smile didn't reach my eyes. It's almost over. The culprit has been arrested and I still have to find out who is the 'legend'. I got my inheritance. Then, all I have to do is spend my life in a nice place with my remaining days, without complicating things with Ivan. That's the plan and all I have to do is the last part.

A low sound of frustration escaped his lips. "Was I the only one who wasn't pretending all this time?"

My breath hitched when he climbed on top of me, caging me in between his arms. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang kanyang daliri. It felt nice. Way too nice. I almost leaned my face in his hands ngunit agad niya rin itong binawi.

"You're fucking confusing me," he muttered. "You react to all my touches. You feel the same way as I do when you touch me. The moment I touch you, it wasn't because I want someone to see it, it was all because I fucking want to."

"The contract—"

He lowered his face and our lips are almost touching when he said, "Screw the contract. I want to be with you, il mio amore."

Before I could respond, he pressed his lips against mine. He lowered his face until he was deeply kissing me.

Pagkalapat pa lang ni Ivan ng labi niya sa akin ay tila naglaho ng parang bula 'yung mga iniisip ko kanina at tanging nasa utak ko ngayon ay ang presensya niya at kung paano gumalaw ang labi niya sa labi ko.

Ngunit kumalas din agad siya sa akin at saka niya ipinatong ang noo niya sa noo ko. Pareho kaming hinihingal. Nakatitig lang ako sa labi niya nang magsalita siya.

"Forgive me. I know I told you I'd respect your decision but it's not in our blood to give up our woman that easily."

The grays in his eyes were as dark and melancholy as the ashes of the vampires he killed. It was supposed to scare me but it did the opposite.

I can't deny this attraction between us. It's too much. I want to be with him. I want him. Badly.

But I'm scared. 

"Goodnight, Scarlett." He gave me one last peck before returning to his side, leaving me more confused about my decision.

"Wait, Ivan. One last question." I feel like he knows but why isn't he saying something? "Why did you choose the Heart's Foundation?"

He didn't answer my question but he said something that send my heart pounding against my ribcage.

"Just let me love you when your heart is tired."

***

Hindi ako makatulog pagkatapos ng sinabi ni Ivan kagabi. Maaga akong nagising at natagpuan ko ang sarili namin na magkayakap sa kama. Nauna akong umalis dahil gusto kong mag-isip at mapalayo muna saglit kay Ivan kaya heto ako, papunta sa simbahan. 

Lumabas ako ng sasakyan at kumaripas ng takbo patungo sa direksyon ni Cooper na nakatayo ngayon sa labas ng simbahan. May mga barricade tapes na nakapalibot sa perimeter ng simabahan at may mga forensics na nag-iinvestigate sa paligid. Sa isang gilid ay may mga ini-interview na mukhang pamilyar. Isa na roon 'yung babaeng nakausap ko na miyembro rin ng kulto na ngayon ay umiiyak.

"Bawal pong pumasok, ma'am," sabi sa akin nung pulis na nagbabantay.

"It's okay, Ethan. Kilala ko siya." Lumapit sa amin si Cooper at itinaas niya 'yung tape para makapasok ako. 

Sinundan ko siya patungo sa loob ng simabahan kung saan kakaunti lang ang taong nag-i-investigate. Naalala ko tuloy kung ano 'yung mga nasaksihan ko rito, muntikan ko ng maisuka 'yung kinain ko kagabi. Inabot ko kay Cooper 'yung binili kong kape.

"Hindi mo kailangang pumunta rito, Peklat—pucha!" Uminom siya pero naidura niya agad ito dahil mukhang napaso 'yung dila niya.

"Dahan-dahan kasi." Umirap ako.

"As I was saying . . ." Kinuha niya 'yung sleeve ko tapos pinunas niya sa labi niya. "Hindi mo kailangang pumunta rito . . . O baka nami-miss mo na ako?"

Hinila ko 'yung sleeves ko papalayo sa kanya saka ko siya sinapak nang mahina sa balikat. "Ganyan ba nagagawa ng walang tulog?"

Nangingitim na kasi 'yung ibaba ng mata niya. Mukhang walang tulog. Buti na lang dinalhan ko siya ng kape kundi kung ano-ano na namang kahibangan ang lumalabas sa bibig niya ngayon.

Nagkibit-balikat siya at uminom ulit. 

"Paano mo alam na si Felix ang salarin?"

"Paano mo siya nahuli?"

Sabay naming tanong sa isa't isa.

"'Yung relo at pabango niya, iyon ang unang pumukaw sa atensyon ko noong unang gabi ko rito sa simbahan. Mukha itong pamilyar ngunit 'di ko gaanong binigyan ng pansin hanggang sa nagkita kami ni Dani at doon ko naalala na sinamahan ko siyang bumili ng relo at pabango na katulad nung nakita at naamoy ko roon sa pari. Akala ko malaking coincidence lang dahil nakita ko rin siyang pumunta rito sa simbahan noong una nating bisita. At isa pa, hindi na maganda ang kutob ko sa kanya noong isang araw kaya pinasundan ko siya sa'yo."

Sumipol siya nang mahina. "Okay, Detective Scarlett."

Is that a compliment or sarcasm?

"'Yung babaeng nakausap natin noong pumunta tayo rito sa simabahan, lumapit siya sa akin at humihingi ng tulong."

"Siya ba 'yung babaeng nai-interview sa labas?"

Tumango siya.

"Pero bakit? Mukhang deboto siya sa kulto na 'to. Anong nagpabago sa isipan niya?" tanong ko.

"Natakot siguro na kung 'di raw siya isa sa mga napili ay baka matagpuan siyang bangkay sa susunod na araw."

Nakakapagtaka dahil mukhang 'di naman siya natatakot noong harap-harapang pinatay ang mga kasamahan niya at kung makapagsalita siya ng bangkay noon ay mukhang wala lang ito sa kanya.

Talaga bang natakot siya o may iba pang dahilan?

"Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam sa tunay na hitsura ng pari. Kaya nagtataka ako kung paano mo alam na si Felix ngunit sinundan ko pa rin siya at hindi ka nga nagkakamali. Iba na rin ang kutob ko sa kanya simula nung sinabi ni Dani na may kakaiba sa kilos niya." Napahimas siya sa kanyang batok. 

"Anong sinabi sa'yo ni Dani?"  Bakit walang sinasabi sa akin si Dani?

"May kakaiba raw sa kilos ni Felix nitong nakaraang buwan at nagtugma ito sa simula ng krimen at ang mas nakakabahala ay ang item na nakuha niya sa gove blox ng kanyang sasakyan."

May kinuha siya sa bulsa ng kanyang jacket at tumambad ang isang plastic na naglalaman ng . . ."Bakit 'yang pustiso?" naguguluhang tanong ko.

"Ha? Anong pustiso? Tingnan mo nang maigi."

Lumapit ako sa kanya at doon ko napansin ang pinagkaiba nito sa normal na ngipin ng tao. 

'Yung canines o 'yung parte ng ngipin na katabi ng incisors na ginagamit sa pagpunit ng pagkain ay mas mahaba kumpara sa ngipin ng tao. Mahaba ito at matulis ngunit mukhang 'di ito totoo. 

"It's a prosthetic fangs." He looks at me seriously. "Hindi ito kagagawan ng bampira kundi isang tao na nagpapanggap na bampira. "





Continue Reading

You'll Also Like

56.6K 98 24
Kalipunan ng iba't ibang mga akdang Pampanitikan na nasusulat sa wikang Filipino. Hlina't tuklasin ang natatagong sining ng ating Wikang Pambansa.
83.5K 2.5K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
12.8K 924 58
KANTOBOYZ SERIES # 1 (COMPLETED) - Kwento ni Maria Magdalena Burkot, isang babae ngunit lalaki by heart! Isang malaking sayang sa kaniya ang pagkawal...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...