Paint Me Red

By CloudMeadows

762K 40K 10.5K

(REAGAN SERIES #3) Scarlett Amara Torres is the shy and outcast heiress of Torres Apparel Corporation. She di... More

PAINT ME RED
Chapter 1: Chrysanthemum
Chapter 2: Reverse Card
Chapter 3: Bloody Mary
Chapter 4: Finders keepers
Chapter 5: Marionette no more
Chapter 6: Empty vows
Chapter 7: Human blood-snack
Chapter 8: His diabolical side
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: Lights, Camera, Action!
Chapter 11: Invitation
Chapter 12: Masked with his scent
Chapter 13: Harleys in Hawaii
Chapter 14: Touchy
Chapter 15: Bathtub
Chapter 16: Iris
Chapter 17: Safeword
Chapter 19: Carnal desire
Chapter 20: Stalker
Chapter 21: Morning affection
Chapter 22: Trapped
Chapter 23: The truth
Chapter 24: Just say the word
Chapter 25: Take the bait
Chapter 26: Love bites
Chapter 27: Cult
Chapter 28: Priest
Chapter 29: Possessed
Chapter 30: Eureka
Chapter 31: La Famiglia
Chapter 32: Malediction
Chapter 33: A choice to make
Chapter 34: A life for a life
Chapter 35: Human Puppet
Chapter 36: Broken Vessel
Chapter 37: Copper Heart
END
SPECIAL CHAPTER + NOTE

Chapter 18: The bet

17.6K 1K 151
By CloudMeadows

I've been playing with my pen for almost ten minutes. Maaga ko kasing tinapos ang aking trabaho at hinihintay ko na lang na mag go signal si tita para makauwi na ako. Kinuha ko 'yong phone ko at tinext si Cooper.

Me: 

Where are you?

Cooper: 

Crime scene, may mga bangkay na namang natagpuan.

Me: 

Send me the location.

Cooper: 

Why? It's dangerous.

Me: 

'Di ba napag usapan na natin 'to?

I drum my nails on the table. Kailangan ko pa siyang kulitin para ibigay niya sa akin 'yong location.

Finally, tita gave me the go signal. Hinablot ko ang aking blazer at pouch at saka lumabas. Pinunatahan ko agad ang location na sinend ni Cooper at napadpad ako sa mapunong parte ng siyudad na 'to.

"Hoy, Peklat!" pang-aagaw niya sa atensyon ko. There goes that ugly nickname again. My shorten name is Scar at kapag trinanslate sa tagalog, peklat. Ang dami niyang alam.

"Peklat? Seriously?" Nilapitan ko siya at pansin kong tapos na sila sa pag iimbestiga at wala na 'yong bangkay.

"I'll call you what I want," sabi niya at saka sumandal sa kanyang sasakyan. "Bakit gusto mong makipagkita? Atat ka na naman bang makita ang gwapo kong mukha?"

"Kupal." Sumandal na rin ako sa sasakyan niya. "Any findings?"

"Same as usual. Pale victims. Naliligo sa kanilang dugo. May sugat sa leeg. Kaunti na lang talaga ay maniniwala na akong bampira ang may kagagawan ng lahat ng ito." Tumawa siya at umiling.

"Paano kung bampira nga?"

"They don't exist, Peklat."

"Stop calling me that!"

"Peklat," pang-aasar niya lalo.

Sinapak ko siya pero tinawanan niya lang ako at nagbelat pa. Paano ko ba 'to naging kaibigan?

"As I was saying, paano kung totoo sila?" 

He sighed. "Kung totoo sila, 'di 'to magiging sapat na ebidensya pwera na lang kung makahuli tayo ng totoong bampira."

Napatahimik ako. Nag-aalanganin pa akong sabihin sa kanya ang sitwasyon ni Farah ngayon. She's currently hiding at my condo but she can't hide there forever. Kailangan kong gumawa ng paraan. 

"Paano kung may nahuli nga akong totoong bampira?" 

Tumingin siya sa akin na parang nasisiraan ng bait. "Sabi ko naman sa'yo na 'wag mong kakaligtaang uminom ng gamot 'di ba—aray!"

"'Di ako nagbibiro!"

"Maski ako! Kakapanood niyo 'yan ni Dani ng Vampire Diaries!"

Nanggigigil ko siyang kinurot kaya napasigaw ulit siya. Pagkatapos naming mag away ay pumunta kami sa isang malapit na coffee shop. Naalala ko ulit 'yong nangyari noong may sumugod sa amin. Mukhang wala talaga siyang naaalala.

"They're real, Cooper." 

"So are unicorns," sarkastikong sagot niya.

"Cooper . . ." Huminga ako nang malalim. He's not taking me seriously. "They are real. Like, real na real. As in, real!"

Ibinagsak niya 'yong iniinom niyang kape at tiningnan ako ng seryoso. Nawala na 'yong palabiro niyang mukha kanina. 

"You can't say something without substantial evidence, Scarlett. This is a serious case at imposible na ang salarin ay isang nilalang na likha galing sa kwentong bayan."

Cooper is the only person I know who can help me. Kung gusto kong humingi ng tulong, I need to supply him evidences.

Pinagkatiwalaan ako ni Farah na 'di ko sasabihin kahit kanino kung nasaan siya ngayon. So, I sent her a quick text to get her permission to tell Cooper about her whereabouts and she approved.

"Farah . . . she's at my condo," dahan-dahan kong saad.

"Huh? Ang tagal na siyang hinahanap ng mga magulang niya. Bakit 'di mo sinabi na nasa condo mo lang pala siya?"

"She's scared." Napapikit ako. "Nabalitaan mo ba 'yong dahilan kung bakit siya nagtatago?"

"That she killed a nurse? Yeah pero imposible namang mangyari 'yon. 'Di nga kaya ni Farah pumatay ng langgam, e."

"Nabalitaan mo rin ba kung paano namatay 'yong nurse?"

"Yeah, blood loss and two fatal injuries . . . on the neck." Biglang bumagal ang kanyang boses at tumingin sa akin. As if he's just realizing this now. Jusko! Paano ba 'to naging crime investigator?!

"Did she saw the assailant?" 

"She is the assailant."

"Are you sure na siya talaga ang may kagagawan? Do you have proof?"

I sighed. "She confessed to me last night. Please, don't tell this to anyone. 'Wag mo ring sasabihin sa kanyang magulang. She's still in a state of shock."

I can see the confusion in his eyes kaya kinwento ko lahat sa kanya ang mga detalyeng sinabi sa akin ni Farah. He was unsure if he's going to believe me pagkatapos kong magkwento.

"So you're saying that she's a vampire?"

Tumango ako. "I'm serious. Hindi ako gumagawa ng kwento, Cooper."

"I'm still processing everything. I don't know kung paniniwalaan ko agad ang lahat ng 'to, Peklat."

It's okay, I understand. He must be also taking in the information I gave him.

Tumunog bigla 'yong phone niya at medyo nanlaki ang kanyang mga mata. "I have to go, Scar! I think they found a lead!"

Napatayo rin ako. "O-Okay, you can go."

"We'll continue talking after this, okay?" Ginulo niya ang aking buhok bago siya tuluyang umalis. It's a gesture that he does usually when we were still in college.

Pinanood ko ang papalayo niyang pigura. Sana nga mahuli na nila ang salarin ngunit bakit iba ang kutob ko?

***

Pagod akong umuwi sa manor at mabilis akong nag shower at nagpalit bago pumunta sa kusina para maghanda ng makakakain. Dahil tinatamad akog magluto ng pananghalian ko ay nag microwave na lang ako ng frozen pizza at kumuha ako ng dalawang can ng beer sa fridge. 

Nang matapos ko itong ihanda ay pumunta ako sa sala ngunit napagdesisyunan ko na sa master's bedroom na lang dahil masyadong malawak ang sala para sa akin. Mas ramdam na ramdam ko na mag-isa lang ako sa manor kung gano'n.

Inilapag ko ang mga pagkain sa center table at binuksan ang T.V. dito sa kwarto ko. I think I deserve to relax like this after a hard day at work.

Pumunta agad ako sa Netflix account ko, medyo matagal na rin no'ng huli ko 'tong binuksan. Natigilan ako nang tumambad sa aking screen ang isang pelikula kung saan ang leading man ay si Ivan.

Now that I think of it, wala pa akong napapanood na pelikula kung saan starring siya kahit gaano pa ito kasikat. Masyado kasi akong lubog sa trabaho kaya 'di ko nagawa. 

His face is displayed on the screen. Napatitig ako sa malalim niyang mga mata. It's as if he's really looking at me with those set of silver eyes, compelling me to click 'watch' so I did. 

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas at hindi ko napansin na masyado na pala akong naka focus sa pinapanood ko sa puntong 'di ko na nagalaw 'yong pagkain ko. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata habang nakatitig sa kanyang mga mata na umiiyak para sa namatay niyang nanay on-screen.

It's believable.

He really is a great actor.

The emotions . . . The delivery . . . The small details . . . It's perfect. 

Hindi mo aakalain na may alexithymia siya. He's that good.

Natapos ang pelikula at napuno ng tissue ang tabi ko. 'Di ko naman alam na sad ending pala 'to. e! But I didn't regret watching it. It was good. The entire time, I was busy watching him act. How his eyes captivate the viewers, how his lips deliver the lines as if it's not a script, how his perfect body —

Huh?

Namula agad 'yong pisngi ko at iwinaksi ang imaheng 'yon sa aking isipan. Pakiramdam ko masyado na akong naparami ng beer.

I tried watching his other films and this one is kinda steamy. He slowly unbuttoned his shirt, revealing a toned chest followed by a toned abs. His jeans were hanging low on his waist revealing the V. 

Napalunok ako. This is the first time I'm ogling at his body. 

I want to close the T.V. but I can't. Nakatutok lang ako sa katawan niya na nagdala ng kakaibang init sa aking katawan. He's not doing anything to me but I feel seduced. His dark eyes look at me through the screen, his long lashes complemented his eyes so well. 

I felt a tingling sensation in my stomach when I remembered those eyes in personal. How he looks at me with so much intensity as if he's undressing me. 

But that's impossible. I'm not his type. Baka imagination ko lang 'yon. Assumera gano'n.

I only stop fantasizing him when he kissed the female lead. Hindi ko alam kung bakit ko biglang naisip kung anong lasa ng kanyang labi. 

Snap out of it, Scarlett! Landi landi mo!

Namula ang mga pisngi ko. I felt a pang of jealousy when the female lead caressed his hair and pulled him closer for a deep kiss. I know, it's their job as actors but it felt too raw, too personal, I don't like it.

Hindi ko na alam kung anong pinag iisip ko. Why am I feeling like this? Pinatay ko na lang 'yong T.V. Kasalanan 'to ng beer!

Natulog na lang ako pagkatapos dahil may trabaho na naman ako bukas. But damn it, I dreamt of Ivan kissing me like he kissed that actress. That was the only thing I remembered when I woke up in the middle of the night.

I was restless the next morning kaya nilubog ko na lang ang sarili ko sa trabaho.

Lunch break ko ngayon at biglang nag-aya si Dani kaya heto ako, papunta sa restaurant na sinabi niya. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad ko siyang naaninag sa pinaka dulo kaya nilapitan ko siya—or should I say, sila?

I saw Felix, her boyfriend, sa tabi niya.

'Di naman niya sinabi sa akin na kasama niya jowa niya. Ginawa pa akong third wheel ng gaga.

"Hi!" I greeted both of them at saka umupo sa tabi ni Dani.

"Whew! You look hot, Ms. CEO!" Sumipol pa si Dani kaya kinurot ko siya sa braso.

I really feel uncomfortable with what I'm wearing now dahil si tita ang nag decide ng mga corporate attires ko. As much as possible, she wants me to wear something that radiates classy yet sexy at the same time.

I'm wearing a white oversized polo paired with a black corset. For the bottom, I wore a black pencil skirt paired with black pantyhose and killer black pumps. 

Kanina pa nagtitinginan ang mga tao sa akin kaya medyo nahihiya ako lumabas sa office kung hindi  lang talaga tumawag si Dani.

"You should be confident, girl!" She took a sip of her water. "Oh! Sorry, nakalimutan ko pala na sabihin sa'yo na kasama ko si Felix. I wondered, since medyo matagal tayong 'di nagkita at saktong break mo naman ay inanyayahan ka namin. So, how's honeymoon?"

"You're married?" gulat na tanong ni Felix. 

This is our second encounter. Ayon kay Dani, Felix is a busy man since he's a doctor. He's friendly and a nice guy kaya nga nagustuhan namin siya para kay Dani.

"Yup! I forgot to tell you dahil busy ka."

"Oh," he looked surprise pero ngumiti rin naman agad siya. "Congrats on your wedding."

"Thank you." 

Umorder na kami ng pagkain at sinimulan kong magkwento. Kinuwento ko sa kanila kung anong ginawa ko sa Hawaii, mga pagkaing kinain ko, mga lugar na pinasyalan ko at ayun lang. Dani's face looks like she's expecting more kaya sumimangot siya no'ng natapos ako magkwento.

"What about the sexy part?!"

"What sexy part?"

Napatakip siya sa kanyang bibig. "Hindi niyo pa ginagawa?!"

"Ang alin?"

Nagkatinginan sila ni Felix. Doon ko ang napagtanto kung anong ibig sabihin niya.

"Sayang naman 'yong lingerie na pinuslit ko sa maleta mo, 'di nagamit! Paano 'yong mga sex advice ko?! 'Di mo man lang in-apply?!"

Tinakpan ko agad 'yong bibig niya.

Felix laughed at his unfiltered girlfriend before he excused himself, naramdaman niya siguro na 'di ako komportableng pag usapan ito sa harapan niya since he's a guy.

"Hindi niyo pa ginagawa?!" gulat niyang tanong sa akin.

Umiling ako. Never sumagi sa isipan ko na may mangyayari sa amin ni Ivan. Not until that night, when I watched his film. When I dreamt of him. Namula na naman ang pisngi ko at napansin agad 'to ni Dani.

"Oh my gosh," she whispered slash screamed while giving me a knowing look.

"What?"

"You're imagining it, aren't you?" She smirks.

"No!" mabilis kong sagot ngunit mas lalong lumawak ang kanyang ngisi.

"Want me to give you advice?"

Ipinagdikit ko agad ang aking palad sa magkabila kong tainga at umiling. The way she advice is explicit, it's very detailed. Hanggang ngayon may trauma pa rin ako.

"I can see it in your eyes, Scar. You will give in soon."

"Shut up."

"Ikaw ang mapapa shut up kapag nasa loob mo na ang kanyang—"

"Dani!" I screamed. Napatingin sa amin ang ibang mga customers.

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at tumawa. "Fine! But I'm telling you—"

"No."

"Wanna bet?" she smirks.

Tinaasan ko siya ng kilay. She's really determined, huh? At dahil ma-pride akong tao ay tinanggap ko ang hamon niya.

"Hmm . . . If you lose," nag-isip siya saglit, "give me Reeces."

"Chocolate?"

"No. I mean your car."

Reeces is the name of my first car, a BMW sedan. Pera ko ang ginamit ko roon na galing sa pinag ipunan ko. .

"What? No!"

"Suko ka agad?" She smirks again. "And if you won, I'll give you Hersheys. Oh ano? Fair 'di ba?"

Hersheys is her cat, a persian white one. 'Yong matagal ko ng hinihingi sa kanya. Sa totoo lang, pwede naman akong bumili pero gusto ko 'yong kanya dahil ang lambing niya sa tuwing bumibisita ako sa condo ni Dani.

"So? Deal?"

I want Hersheys so bad and she used it to her advantage. Ngumisi ako sa kanya pabalik. Ivan and I will never involve in a relationship like that kaya lakas loob kong tinanggap ang hamon niya.

"I'm betting 3 days. He going to devour you alive."

"That's impossible," I answered confidently.

"We'll see about that." Tinapatan niya ang tono ko. 

I'm not afraid since I never lost a bet.

***

Papunta na ako sa aking sasakyan nang may madaanan akong matandang babae na nagbebenta ng mga crystals na ginagamit sa pagmamanifest. Nakita ko lang 'yon sa TikTok, e. I really don't know what it calls.

"Ganda," pang-aagaw niya sa pansin ko. "Baka gusto mong bumili?"

She looks old and sick. Nakaupo siya sa tabi at may nakalatag na kapirasong tela at nakapatong dito ang mga crystals. Ang nakakapagtaka lang ay bakit dito siya sa parking basement nagbebenta. 

Suspicious.

"Ay, hindi po ako mahilig sa mga ganyan." Ngumiti ako para 'di ako magmukhang masungit at nagsimulang maglakad ulit papunta sa aking sasakyan ngunit nagulat ako nang hatakin niya ang braso ko.

"May nararamdaman akong masamang presensya na nakabalot sa'yo, hija." Pinangkitan niya ako ng mata. "Napapalibutan ka ng mga masasamang elemento."

Sinubukan kong hatakin pabalik ang aking braso kaso ang higpit ng hawak niya. She's old yet she's so strong.

"Nay, ang higpit po ng hawak niyo." Napangiwi ako. Niluwagan naman niya ang kanyang hawak.

May kinalkal siya sa kanyang maliit na bag at saka niya kinuha ang aking palad at iniligay ang isang maliit na crystal na kulay pula. "Suotin mo 'to kung ayaw mong mas lalong makaakit ng masasamang nilalang."

"Nay—"

Bigla siyang napaatras at napalayo bigla sa akin. Para bang may nakikita siya na 'di ko makita. Lalapitan ko sana siya kaso kumaripas siya ng takbo papalayo sa akin.

"Weird." Tiningnan ko ang crystal sa aking kamay. Nagkibit balikat na lang ako at iniligay ito sa bulsa ko at pumasok na sa aking kotse.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakauwi na rin ako. Nasa gate na ako nang maaninag ko ang isang pamilyar na sasakyan. Nabalot ng kaba ang aking puso nang makita ko kung sino ang nakasandal dito at mukhang inaantay niya ang pag uwi ko.

Lumabas ako sa aking sasakyan at galit siyang sinalubong.

"What the f*ck are you doing here?" I told him in the most disgusted way possible. Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita sa harap ng manor.

"I knew it," he chuckled. "He's not really your husband."

Tumaas ang aking kilay. "What are you talking about?"

"I asked the guards inside, mag-isa ka lang daw nakatira sa loob ng manor. Akala ko ba dapat ang asawa ng mga Torres ay nakatira rin diyan?"

"He's busy. He's an actor after all," I said through gritted teeth.

"Really?" he scoffed, parang nanunuya. "Baka nakakalimutan mo, Scarlett, I know when you're lying. You always scratch your thumb when you do that."

Gaya ng sinabi niya, 'di ko namalayan 'yong ginagawa ko. Shit.

Act cool, Scar. Act cool.

"You don't know me, Darrell. Kasi kung alam mo pala ako, bakit ka nangabit? You know I hate cheaters so why did you?" I asked him angrily. Mukhang bumubuka na naman 'yong sugat na matagal ko ng tinahi sa aking puso.

"Deep breaths, Scar," he said. "Your watch is beeping."

"F*ck you, don't act like you're concerned now!"

Hindi ko namalayan na tumutunog na pala 'yong watch ko. Alam niya ang aking kondisyon dahil nga matagal na kaming magkasintahan. And I hate it.

Hindi ko na naman namalayan na nakalapit na pala siya at kinuha niya ang aking mukha sa magkabila niyang palad. He stared at me. Like the thing he always do kapag inaatake ako. 

"Look at me, breathe slowly."  

Gusto ko siyang itulak papalayo. Gusto kong sapakin ang kamay niya papalayo. Gusto kong umalis palayo. 

Ngunit 'di ko kaya. Nanghihina ako dahil sa aking puso na kumikirot ngayon. Sinubukan kong huminga nang mabagal, tulad ng sinabi niya. He's only looking at me while doing so.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas ngunit nagulat ako nang bigla na lang lumapat ang kanyang labi sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko at sinubukan ko siyang itulak papalayo.

But he's far stronger.

'Di ko na napansin ang aming paligid dahil abala ako sa pagtanggal sa kanyang palad sa aking mukha. Damn it! Where are the guards?!

Binitawan niya lang ako at ngumisi sa aking likuran. Sinundan ko kung anong tinitingnan niya at nakita ko si Ivan na nakatayo at nakatingin sa amin. 

He has Alexithymia.

He has no emotion.

Kaya siguro namamalik mata ako sa emosyon na ipinapakita niya ngayon.

Anger. 

'Di pa ako nakakakurap ay lumapat na ang kanyang kamao sa pisngi ni Darrell at saka doon lumabas ang mga guards. Hinila ko agad si Ivan papalayo bago pa mapuruhan si Darrell. Knowing him, his strength is far from normal.

Inutusan ko ang mga guards na ilayo na si Darrell dito at nilingon ko si Ivan. Nilamon ang aking sistema ng kakaibang kaba nang makita ko ang kulay ng kanyang mga mata.

His orbs turned red and the whites of his eyes turned pitch black.

It's his diabolical side.

Hinablot niya ang aking palapulsuhan at hinila ako papasok sa manor. Tumango lang ako sa mga guards para sabihin na kilala ko ang taong kumakaladkad sa akin papasok. 

I'm not imagining. He's really angry. 

At siguro nasisiraan na ako ng bait because I find that hot. 


Continue Reading

You'll Also Like

84.1K 2.5K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
Lost Stars By Eros

Teen Fiction

11.7K 6.8K 50
[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older broth...
7.4M 291K 54
DDMS BOOK VERSION IS COMING! Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...
1.3M 60.1K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...