Reincarnated

By u_rsopretty

12.5K 723 24

work of fiction A girl with a heart disease and weak body, trying to be strong for the people around her. Wis... More

Prologue
I.
II. Unknown Pain
III. Gusto ko
IV.
V
VI
VII
VIII
IX.
X.
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII

XI

381 27 0
By u_rsopretty

XI.

"Where's your uniform? Quickly change. We only have 30 minutes left before our first class starts." Sabi ni Lala.

Nagpanick naman ako dahil mukang nagmamadali talaga siya. At ayaw kong magbigay ng bad impression sa mga classmate ko. First day ko pa naman tas late ako.

Pero kahit kaunti nalang ang oras, nagawa ko pa ring purihin ang suot kong uniform sa harap ng salamin. Nakasuot ako ang isang white sweater sa ilalim ng mahabang black coat. Parehong may sliver lining ang coat at sweater. Sa left side ng coat ay naka-burda yung logo ng House na kinabibilangan ko at sa ibaba ng logo at ang initials ko, which is, VTATI. Naka tuck-in naman ang sweater sa paldang kulay itim ang right side tas puti naman ang left side na lagpas tuhod ang haba. Bagay sa itim na ankle boots na suot ko

Matapos kong tignan ang sarili sa salamin ay lumabas na ako sa kwartong uukupahin ko at nakita kong nag-aantay na si Lala sa akin. Sabay kameng bumaba dahil sa third floor pa kame.

"Do we have the same class?" Tanong ko kay Lala habang mabilis kameng naglalakad.

"Your eight, right?" She ask

Tumango ako.

"We do. It's because our age is..." Tumigil siya sa paglalakad at mukang nag-iisip "...our age is... our..." Ginulo niya ang buhok niya, mukang nahihirapang mag-explain. "...our age is our taon... Agh! Can you understand the commers language?" Nahihiya niyang tanong.

"Oo, marunong nga akong magsalita gamit yan."

Nagliwanag ang mata niya at nakahinga ng maluwag. "Paumanhin, hindi pa rin kase ako ganoon kabihasang mag-salita gamit ang wikang Ingles."

"Sus, okay lang. Mas sanay rin ako sa ganito." Sabi ko at nagsimula na ulit kameng maglakad.

"Ganito kase iyan, sa isang silid aralan, magkakasama ang may perehong edad. Pareho tayong walong taon kaya pereho tayo ng silid. Pag-tungtong mo nang siyam, lilipat kana sa ibang silid aralan."

"E' paano kung puno na ng students ang classroom?"

"Mahahati ang mga studyante. Pero hindi pa rin tayo magkakahiwalay dahil pareho tayo ng bahay na kinabibilangan."

"Ahh, sino ba ang unang mag-bbirthday satin?"

Kumunot ang noo niya.

"Nararamdaman kong iba ang iyong pananalita."

Tinikom ko ang bibig ko. Iba naman talaga ako magsalita. Ang galang kase nila mag-salita tas minsan ang lalim pa. Para bang nagbalik ako sa nakaraan kung saan hindi pa naimbento ang mga bagong words.

Umiling iling siya. "Sa Sityembre ang aking kaarawan ikaw?" September? July na ngayon.

"Ewan." Sagot ko. Di ko naman talaga alam.

Nagulat siya sa sinabi ko pero mukang naalala niya na wala akong maalala kaya napatango nalang siya.

"Hindi mo ba naisipang itanong sa iyong pamilya o sa silbidora man lang?"

Kumunot ang noo ko nga marinig ang salitang 'silbidora'. Ano yon? Pero feeling ko is 'katulong' yon.

"Hindi." Kahit kailan, di ko naisipang itanong kahit kay Celista kung kailan ang birthday ko. Hindi na ako magugulat kung isang araw babatiin na nila ako ng 'happy birthday!' tas may pa-party sila.

Mahaba-haba din ang nilakad namin. Saktong pag-dating namin ay kakadating lang din ng guro.

Nakuha ko ang atensyon ng ilan. Possibleng sila yung may-alam na namatay si Veronishianinica tas nabuhay ulit.

Ngumiti lang ako sa kanila bago sinundan si Lala. Inukupa namin ang bakanteng upuan sa bandang harap. Inilibot ko ang paningin ko at napansing kame lang dalawa ni Lala ang napapabilang sa House of Heroes dito. Karamihan ay galing sa House of Protectors and Economics. May galing sa House of Guardians pero sa tingin ko ay anim lang sila. Madali lang naman malaman kung saang House ka napapabilang dahil sa logo na nasa uniporme.

"I can see that there are six new faces here. Stand up and introduce yourself." Sabi ng teacher.

May isang babae na tumayo. She looks so confident.

"Hi, I'm Elena Cruzan. Eight years old and from the House of Economics." Pakilala nito.

Hindi naman niya kailangang sabihin ang edad niya dahil lahat naman kame dito ay parehas lang ng edad tas nakaburda sa uniform kung saang House ka napapabilang.

Habang nag-iintroduce ang iba, pasimple kong siniko si Lala kaya napatingin siya sa akin.

"Kasali ba ako sa mag-iintroduce?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Nang matapos nang mag-introduce ang lima ay tumayo na ako.

"Hello, I'm Veronish—"

Hindi ko pa natapos ang pagsasalita ko nang may kumatok sa pinto. May nakatayo doong malaking lalake. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang lalake, siya yung kidnapper kahapon!

"Yes?" Sabi ng guro

"May I excuse lady Veronishianinica?"

Sabay na tumingin sa akin lahat. Gulat ko namang tinuro ang sarili ko. The huge man nodded.

"Paano kung kidnapin mo ko?" Sagot ko. Tumatatak parin sa isipan ko na kidnapper siya.

Kumunot ang noo niya. "You can bring a friend." He shrugged.

"Hmm? Baka kameng dalawa kidnapin mo."

"Ito ba ang muka ng taga kuha nang paslit para sa iyo?"

"Oo." Narinig ko ang pagsinghap ng ilan. Masisisi niyo ba ako kung kidnapper talaga ang tingin ko sa kanya? Malaki siyang tao kaya nakakatakot siya tapos siya pa yung unang nag-approach sa akin tulad nang ginagawa ng mga kidnapper sa TV.

Malay mo, baka binalikan ako niyan dahil hindi natuloy ang pag-kidnap niya sakin kahapon.

"Isang kabastusan!" Napalingon ako sa babaeng nakatayo at galit na nakatingin sa akin. Yung nagpakilala bilang Elena Cruzan. "Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganiyan ang Ginoong Giovanni." Galit nitong sabi sakin.

"Salamat munting binibini, ngunit ayos lang sa akin." Sabi nung malaking lalake na tinawag na Ginoong Giovanni.

Base sa pagtingin nang mga studyante sa kanya, sa tingin ko ay isa itong tinitingalaang tao ng karamihan.

"Mukang wala akong magagawa." Bumuntong hininga siya. "Maaari ba akong pumasok?" Tanong niya sa guro.

The teacher nodded. Nagsimula akong kabahan nang naglakad ito papalapit sa akin. Akala ko ay kikidnapin niya ako sa harap nang maraming tao pero may binigay lang pala siya sa aking papel.

"Ano to? Love letter? O dito nakalagay ang amount nang ransom na kailangan mo?" Biro ko. "Joke lang!" Sabi ko agad nang maramdaman ko ang kakaibang titig nang ilan.

Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat dun. Napakunot ang noo ko nang makita ang laman nun. Akalain mo? Magagamit ko rin pala ang natutunan ko sa Earth.

Μην τον κοιτάς. Δείξε του ότι είσαι αδύναμος. Μην τον αφήσεις να δει τις πραγματικές σου ικανότητες. Επομένως, δεν θα σε υποψιαστεί

-Αίνιγμα

"Kanino galing to?" Tanong ko sa kanya.

Di siya sumagot at ngumiti lang. Tumalikod siya sa akin at nagsimulang naglakad paalis. Pero bago siya makaalis ay may tinanong pa ako.

"Sinong him ba ang tinutukoy dito?" Tanong ko.

Napatigil siya at muli akong nilingon. I can see the amusement in his eyes.

"You understand it?" Naghalo ang gulat at paghanga sa boses at muka niya.

"Oo, bakit? Ikaw ba, hindi?" Taka kong tanong. Nang makita ko ang sulat na nasa papel, akala ko normal lang tong Greek language dito.

"No. I don't even know what that is. I thought that's some weird symbols. I was commanded to transferred that to another paper. I didn't intentionally read that, I don't understand it anyway." Mahabang sabi niya.

"By the way, I'm amazed that you can read it but, I can't tell you who sent that." At tuluyan na siyang umalis.

Naiwan akong nagtataka at napaupo nalang.

PAGTAPAK NAMIN sa canteen ay nakuha namin —o nakin— ang atensiyon ng iba. Maybe kilala nila ako — si Veronishianinica, I mean — at narinig nila na nabuhay ako and they're like 'oh my ghad! A zombie!' Chos! Ayaw kong maging zombie.

Kung may zombie man at magkakaroon ng zombie apocalypse, gusto ko isa ako sa mga survivor.

Hindi ko na sila pinansin at sumunod lang kay Lala. Kumuha kame nang tray at lumapit sa mesa kung saan nakahilera ang mga pagkain.

After naming kumuha nang pagkain, naghanap kame nang bakanteng table. We saw one at the corner, dun kame umupo.

Pag-upo palang namin ay nagsimula nang magtanong sa akin si Lala. Ramdam ko na kanina pa niya pinipigilan ang sarili niyang tanungin ako.

"Ano ba't ang Ginoong Giovanni pa ang maghatid sa iyo nang letra?" Tanong niya.

"Ewan." Sagot ko. Wala naman talaga akong alam. At di naman big deal sa akin kung sino ang magahatid nito dahil, baka di rin nila ito maintindihan.

"Sigurado akong isa sa nakakataas ang nagpahatid no'n" siguradong sabi ni Lala at sumubo.

"Nga pala.." kinuha ko ang papel galing sa bulsa nang palda ko. Yung papel na binigay sa akin. "Try mong basahin." Sabi ko.

Nanlaki ang mata niyang napatingin sa akin. "Ngunit para sa iyo ang liham na iyan. Wala akong karapatang buksan iyan."

"Sige na. I'm giving you a permission to read it." Besides, gusto ko talagang mapatunayan kung wala nga bang ibang nakaka-intindi diyan.

Nagdadalawang isip pa si Lala kung tatanggapin niya yon pero nilagay ko na yon sa kamay niya. Binuksan niya yon at kumunot ang noo niya nang makita ang laman nun.

"Anong klaseng mga sulat ito?" Naguguluhang tanong ni Lala.

"So wala kang maintindihan?" Tanong ko at umiling siya.

Ibabalik na sana niya sa akin ang papel pero may tray ng pagkain na naglapag sa lamesa namin at may umupo sa tabi ni Lala, si Elana.

"Masamang basahin ang liham na para sa iba." Sabi niya.

"Ngunit siya mismo ang magsabi sa akin na basahin ko yan." Sagot naman si Lala.

Napatingin sa akin si Elena kaya tumango ako. Hindi naman maitatago na may pagka disgusto sa akin si Elena base sa pagtingin niya sa akin. But I don't hella care.

"Kung ganoon, pahihintulutan mo rin ba akong basahin iyon?" Hindi maitatago ang pagiging mataray sa boses niya.

"Hindi mo rin naman iyan maiintindihan." Lala said.

"Wala namang mawawala kung aking susubukan."

"Ipabasa mo na sa kanya." Sabi ko kay Lala nang magsasalita sana siya. May plano atang mag away o mag trash talk-an ang dalawa sa harap ko.

Katulad ng reaksiyon ni Lala, kumunot din ang noo ni Elena nang makita ang nakasulat.

Ngayon, mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko. Bakit nakasulat ito sa Greek?

"Kita mo? Hindi mo rin naman maintindihan." Sabi ni Lala.

"Maaring hindi makabuluhan ang nakasulat dito at nag panggap ka lang na mayroon kang naiintindihan." Sabi ni Elena sa akin.

Ako? Bakit naman ako magpapanggap? Bakit mukang ang laki ng disgusto sa akin ni Elena?

"Kung hindi makabuluhan, bakit ang Ginoong Giovanni pa ang nagdala nang sulat?"

Natahimik kameng tatlo dahil sa sinabi ni Lala.

"Tapatin mo nga ako.." tumingin sa akin si Elena. "Naiintindihan mo ba talaga ito?" Inangat niya ang papel.

"Oo. But I don't understand the real meaning behind it." Yep, I don't understand the real meaning behind those words.

"Ano ba talaga ang nakasulat?" Nagugulohang tanong ni Lala. Sino bang hindi maguguluham? Naiintindihan pero di naiintindihan. Diba?

Pareho silang napatingin sa akin, nag-aantay kung ano ang sasabihin ko. Wala namang mawawala kung sasabihin ko, diba?

"Don't look at him. Show him that you're weak. Don't let him see your real ability. Therefore, he won't suspect you."

Sinabi ko ang nakasulat dun. Translated na sa english at di ko na tinignan ang papel para malaman kung tama ba ako. Ilang ulit ko itong binasa kanina nag babakasakaling maintindihan ko ang words. Pero imbes na maintindihan ay na memorize ko ito.

"Sigurado ka bang hindi no inembento ang iyan?" Tanong sakin ni Elena.

"Nag-mumuka ba akong nag-eembento?" Tanong ko naman pabalik.

"Hindi."

"E' ayun naman pala."

"Pero nagmumuka kang hindi mapag-kakatiwalaan."

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Naka-adress ang sulat sa nag-ngangalang 'Enigma'. But maybe it's a pen name." Dagdag ko pa.

"Enigma? Ano yun?" Lala

"Dragon yun." Sagot ko. I'm not really fond of dragon mythology pero alam ko ang iba dun.

"Walang dragong nag ngangalang enigma." Sabat ni Elena.

"Paano mo naman nasabi?"

"Isa akong Flamian. Nasa amin lahat ng uri nang dragon." Sabi niya at sumubo.

"Dragon kaya yun. Sigurado ako." Sigurado kong sabi.

Umirap siya. "Ako ang mas nakakaalam tungkol sa dragon dito. Hindi ikaw." Inirapan ko rin siya.

"Baka naman may nagawa kang hindi maganda. Yung 'therefore, he won't suspect you.'" Sabi naman ni Lala.

Pwede rin. Pero wala naman akong ginawang masama. Pero di kaya...... dahil reincarnated ako? Hindi ako pwede dito at kailangan kong umakto ng tama para di ako paghinalaan? Pero bakit kailangan kong ipakita na mahina ako?

"Bakit dito ka nakaupo?" Tanong ni Lala kay Elena.

"Wala ng bakanteng upuan." Sagot naman ni Elena. Hindi na ako nag-abalang tignan ang paligid para siguraduhing puno ba o hindi.

"Anyeong!" Sabi nang batang naglapag ng pagkain sa mesa at umupo sa tabi ko.

Tinignan ko ang babaeng umupo na ang logo na nakalagay sa coat ay House of Guardians. Kahit na iniba niya ang muka niya ay kilala ko parin siya.

"At sino ka naman?" Mataray na tanong ni Elena dito.

"Wow, Minecraft lang ang peg. Ilang skins ba ang nasa sayo? Pa share-it naman." Sabi ko at tinignan ang muka niya. "Kainis! Ba't laging ang ganda mo."

Nag-flip hair naman si Tala. "Ako pa? Habulin to ng mga hunks e'" sagot niya.

"Nahabol mo ba ang fafang sinasabi mo?"

"Ako? Manghahabol? Duh! Sila kaya ang hahabol sa akin. Kaya ikaw, bilisan mo paglaki. Mag mman hunting tayo."

"Alam mo? Sira na ata yang utak mo eh." Puro kalokohan lang ang laman.

Kinuha ko ang papel kay Elena at binigay yun kay Tala.

"Basahin mo." Sabi ko. Kinuha niya ang papel.

"Min ton koitás. Deíxe tou aftó...." Basa niya gamit ang salitang greek. Pahina ng pahina ang boses nito pero alam kong binasa niya ito hanggang dulo.

Pagkatapos niya itong basahin ay luminga-linga siya sa paligid. Seryoso ang muka niya.

'he's coming'

Rinig kong sabi niya sa isip. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya bago siya magsalita sa isip ko.

'look. If I say the word enigma inside my mind, follow what's written on the paper. Understand?'

Napakaseryoso ng muka at boses niya. Tumango ako. Di ko man alam kung bakit at para saan pero, may tiwala ako kay Tala

"Nag-uusap ba kayo gamit ang iyong mga isip?" Takang tanong ni Lala.

"Are you one of those people who have other abilities?" Tanong naman ni Elena kay Tala.

"Tinitigan ko lang naman kung may muta si Ri—Veronishaninica."

Nagpatuloy nalang kame sa pagkain. Nagdaldalan kame — maliban lang kay Elena na mukang walang gana dahil kasama kame.

Palaisipan pa rin ang sinabi sa akin ni Tala. I bet gusto ring magtanong no Lala sa akin kung sino si Tala. Ang nice ng name nila no? Tala at Lala. Tala + Lala = TalaLala. TalaLalala~ TaLala just for youu~ joke! HAHAHAHAHAHAH. Ang lame ng joke ko –__–

Ng matapos kameng kumain ay hinatid pa kame ni Tala.

"Oh, pumasok na kayo." Sabi ni Tala.

"Una na kayo." Sabi ko naman kina Lala.

Tumingin muna siya sa akin bago pumasok. Lumapit naman ako kay Tala at hinila siya sa may sulok.

"Tala, bakit kilala ako kung dagger. Tinawag niya akong Riya." Tanong ko. Kanina ko pa yun gustong itanong sa kanya. "Kasabwat mo rin ba siya sa pagpapapunta sakin dito?"

"Wow, grabe ka sa salitang 'kasabwat' ha." Pinag-crus niya ang braso niya. "At t'saka, Riya naman talaga ang pangalan mo."

"Kasabwat mo ba talaga siya? Siya ba nagpadala nung letter na nakasulat sa Greek?" Eto ang gut feel ko.

"Hmm." Simpleng sagot niya. "Hindi pa sana ngayon ang panahon para e-reveal ko yung ibang mga kasamahan ko pero nalaman mo na ang isa so," nagkibit balikat siya.

"'Mga'? So hindi lang kayo ang may pakana nito?" I'm pretty sure she said the word 'mga'.

"Malamang, hindi kaya ng powers namin kung kame lang dalawa ang may gawa neto 'no?"

"Kailan ko ba sila ma memeet?"

"Sa tamang panahon..." Pahina ng pahina ang boses niya at may tinitignan siya sa likuran ko. Akmang titigna ko rin sana kung ano ang tinitignan niya pero bigla ito yumuko at may sinabi sa isip.

'Enigma!' Sabi niya.

Dahil sa pagyuko ni Tala ay napayuko rin ako.

May naririnig akong footsteps. May kakaibang presensiya akong nararamdaman sa likuran ko. Nang dumaan ito sa gilid ko ay napatuwid ako ng tayo. May naramdaman akong kakaibang kilabot sa batok ko dahilan para maiangat ko ang tangin ko. Pero likod ng lalake lang ang nakita ko.

Ewan ko ba pero di ko matanggal ang tingin ko sa likod ng lalakeng yun. Sinuway ko ang sarili ko pero walang epekto. Biglang lumingon ang lalakeng nakatalikod at nagtama ang paningin namin.

Yung kilabot na nasa batok ko ay bumaba sa likod ko ng makita ko ang pula niyang mata. Napalunok ako. Dun na ako napayuko at pasimpleng kinalma ang sarili dahil hinihingal ako. Parang may something sa loob ko na gustong magwala.

Natauhan lang ako nang may tumapik sa balikat ko.

"Pasok ka na." Walang emosyong sabi ni Tala.

"S-sino yun?" Tanong ko.

Tumingin muna siya sa akin ang ilang segundo at bumuntong hininga bago magsalita.

"Riya, meet that so-called-undefeatable." Sabi niya. Ewan ko ba pero parang may kakaiba sa paraan ng pagsabi niya.

Pero teka, so-called-undefeatable? Bakit may ganun?

"I didn't expect na sa ganong paraan kayo magkikita."


Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 1.3K 34
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
242K 5.5K 56
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
61K 136 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
47.4K 1K 93
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...