Los Ricos #3: He's Literally...

By oppangelz

1.3K 411 5

Callista Asuncion is a typical girl who provided his brother's needs. But behind her simple life, there's hap... More

Beginning
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 64
Ending

Part 63

12 3 0
By oppangelz

Blangko



Pananakot man ang sinabi niya o totoo. Isa lang ang sigurado ko. Hindi ko nga siya kilala at hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin.

Huminga siya ng malalim tila kinalma ang sarili. Nang magawa 'yon lumuwag ang pagkakahawak niya sa panga ko.

Lumayo siya ng kaunti, ngumisi siya, lalo akong kinilabutan.

"I know what's on your mind. You're now aking if I killed her, right?"

Hindi ako nakasagot. Pinoproseso ko pa ang lahat at ang naging usapan namin noon.

Sinabi niya noong pinalis siya ni Sid upang hindi mapagbintangan sa pagkamatay ni Stella. Kung ganon, alam kaya niyang si Scarlette talaga ang may kagagawan at talagang gusto niyang pagtakpan?

"Tsk, say it lauder, my dear. So, I could answer what's clouding your mind? Hindi masasagot 'yan kung sasarilinin mo. Try to ask" pang-uudyok niya.

Lakas loob ko siyang tiningnan sa mga mata. "Alam ba ni Sid na ikaw ang may kagagawan?"

"Kung mahuhuli si Celso, siguradong malalaman niya."

Nagsalubong ang kilay ko. "Paanong nakasali si kuya Celso?"

Hinarap niya muli ako ng maayos, yumuko sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang bahagi ng upuan ko.

"My dear, si Celso ang lumason kay Stella," halos walang boses na lumabas sa kanya, nanlilisik ang mga mata. "At siya ang bantay ko sa'yo habang naroroon ka."

Pakiramdam ko may kamay na bakal na humahawak sa puso, hindi ako halos makahinga at gustong bumuhos ng luha ko.

Kaya ba hinahanap ni Sid si kuya Celso? Isa pa, paanong nagawa ni kuya Celso sa amin 'yon? 

Napakabait niya sa amin at hindi ko lubos maisip na may ganito siyang lihim na gawain kung totoo man ang sinasabi niya.

Nahihirapan na akong huminga, pero ang babaeng kaharap ko... Hindi ko alam kung paanong nakakaya niyang umastang tila nagyayabang pa, gayong ang pinag-uusapan nami'y mortal niyang kasalanan.

"Sige para mawala ang mga iniisip ko. I'll tell you all my secrets, tutal baka huling pag-uusap na rin naman natin 'to."

Lalong tumitindi ang kilabot ko tuwing sinasabi niyang huling pag-uusap na namin 'to o huling araw ko.

Gayon pa man, sa kagustuhan kong malaman nga ang totoo, pinanatag ko ang sarili ko kahit nagwawala ang kalooban ko. Bukod roon takot na takot na ako.

Kanina ko pa naiisip na posible nga yatang huling araw ko na 'to pero isinasantabi ko, pero ngayon lalo kong winala ang mga agam-agam. Nakuha niya ang interes ko.

"Bumalik ako para kay Sigmund. Nagmakaawa akong balikan niya ako, but he refused. Kasal raw siya at may anak. So, I've got no choice." nagkibit balikat siya. "I've to get rid of the hurdle."

Tumataas ang lahat ng balahibo ko sa bawat salitang binibitawan niya.

"But right after her, you came along. Actually I didn't consider you as a threat at the first time. I didn't see Sigmund would get involve with a nanny, but then again I was wrong. Akala ko pinakamatinding kalaban ko na si Stella kasi parehas kami ng estado. We have the same lineage. I didn't expect to compete with an inferior." tinaasan niya ako ng kilay.

Nainsulto ako pero hindi sapat 'yon para mabaling roon ang atensiyon. Nanatili ang isip ko sa pagkamatay ni Stella, sa involvement ni kuya Celso at kay Sid.

"I gave you chance to live in peace. Pinaalis kita, kaya lang ikaw pa rin ang gusto niya kaya napilitan akong pahirapan ka pa."

'Yon ang pumukaw sa akin. Wala man akong sabihin alam kong bakas ang galit sa mukha ko ngayon.

"Easy, my dear. Iniahon ka naman ni Aldrien, pinakasalan ka pa."

Sa pagdami ng pangalang nasasangkot sa kuwento niya lalo akong naguguluhan. Bakit ngayon pati si Aldrien kasama?

"Anong kinalaman ni Aldrien dito? Bakit mo sinasali?"

"Cause he's in it." ngumisi siya, tila tagumpay. "Hinahanap ka ni Sigmund ng mga panahong bagong lipat kayo. I blocked his track, I succeeded. Kaya lang nagawi na naman siya kung saan nga kayo naroon, kaya kinailangan kong gumawa ng paraan para hindi ka niya makita."

Kung kanina nagtitimpi ako, ngayon parang gusto ko ng sumabog. "Ikaw ang may kagagawan ng lahat? Ang pagpapaalis sa amin ni kuya at Sivan sa apartment?"

"Not only that, my dear. Lahat ng nangyari sa'yo." mayabang ang kanyang tono.

Nagpumiglas ako! Gusto kong makawala, gusto kong sugurin siya!

Humalakhak siya. " You can't untie that. That's secured."

"Hayop ka! Hindi mo alam kung anong dinanas namin! Tao ka pa ba?! Paano mo nagawa ang lahat ng 'yon?"

"Kaya nga pinadala ko sa'yo si Aldrien." she laughed again. "Malay ko bang maiinlove talaga sa'yo ang baklang 'yon? Hindi tumupad sa upasan namin."

"Anong usapan?"

"Pahihirapan ka." she said. "Nagulat na nga lang ako may balak ng magpakasal sa'yo."

"Kilala na niya ako, bago pa ang gabing 'yon?"

"Of course. Kaibigan ko siya, kaya lang nasira kasi mas kinampihan ka niya." she shook her head. "Baliw nga, e, sabi ko iparehistro ang kasal ninyo, hindi ginawa."

Bigla kong naalala ang usapan namin ni Sid na lagi niyang ginigiit na hindi raw ako kasal, kesyo hindi daw registered.

"Paano ninyo nagawa sa amin 'to? Anong kasalanan ko sa'yo?"

Muling umigting ang tingin niya sakin. "You took Sid from me, that's your mistake."

Madali sanang sabihin na magpapaubaya ako, kaya lang lahat ng pagpapasakit pinaranas na niya. Isa pa, kung kaya lang mawawalan ng ama si Sivan ay dahil sa kanya, mas mabuting hindi ako magparaya.

"Hindi mo alam, Callista, ang kaya kong gawin at ang mga magagawa ko pa."

"Sa lahat pala ng mga nagawa mo na, may naiiwan pa? May isasama ka pa?"

Humagalpak siya ng tawa. "Yes, I am , my dear. And I can show you all of that. Kaya lang sa tagal ng ginugol kong panahon para mapalambot ulit si Sid, ngayon hindi ko na kayang maghintay. Wala na akong oras pahirapan ka. Mas madaling alisin ka sa buhay namin." suminghap siya. "But don't you worry I can be a mother to Sivan like what I told you."

Muli akong nagpumiglas para ipakita ang pagtutol ko sa narinig.

"Ang kulit mo, sinabing hindi ka makakawala kahit anong gawin mo."

"Hahanapin ako ni Sid. Matatagpuan niya ako."

"And how sure you are? Napakalayo natin sa kinaroroonan niya ngayon. Ni hindi nga yata niya alam na hawak kita."

Ngayon bumabalot sa akin ang labis na takot. Unti-unti kong naiisip na kung talagang katapusan ko na ngayong gabing 'to, paano ang anak ko? Sinong mag-aalaga sa kanya? Sinong kikilalanin niyang ina? Itong babaeng 'to?

Hindi ako makakapayag!

Hindi ko hahayaang ngayong gabi matapos ang buhay ko.

Umayos siya ng pagkakatayo tila naiinip sa takbo ng usapan namin. Ngumuso siya at bumuntong hininga.

"I think it's enough. Wala na rin namang sense kung kausapin pa kita. Gusto ko lang namang makita ka bago ka mamatay. At ipaalam sa'yong ako na ang bahala kay Sivan."

Halos magsugat ang kamay ko sa pagkakakuyom ng palad, at pilit na pagpupumiglas para lang makalas ang nakataling lubid sa akin.

"I'll take good care of him as well as Serenity."

"Hindi ka na mahal ni Sid-"

Sa isang iglap muling nag-alab ang mga mata niya. "Hindi niya ako mabalikan kasi nakikigulo ka-"

"Hindi ka niya mabalikan kasi hindi ka na niya mahal."

Muli niyang hinawakan ang panga ko.

"Mahal niya ako, mahal niya ako noon hanggang ngayon. May sumpaan kami noon, mahal pa rin niya ako hanggang ngayon!"

"Kung mahal ka nga niya, bakit niya hinahayaang makagulo ako sa inyong dalawa?" nakuha kong tumawa. "O, baka naman sa sariling mundo mo lang iniimagine na mahal ka niya. Gumising ka Scarlette, baka hanggang ngayon nananaginip ka pa."

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nag-init 'yon at pakiramdam ko ang hapdi ng labi ko.

"You never tell me that. Ramdam ko na naroon pa rin ako sa puso niya, nahihirapan lang siya dahil sa anak ninyo. Gentleman si Sigmund at alam kong nirerespeto ka lang bilang ina ng anak niya. Ipagtatabuyan ka rin niya."

Lalong umangat ang gilid ng labi ko. "Palagay mo mangyayari 'yon? Sa lahat ng nangyari, to think nakasal pa ako kay Aldrien, bakit hindi niya ako binabalewala. Kasi ako ang mahal niya, ikaw gumising ka sa kahibangan mo, Scarlette."

Naging malikot ang kilos niya. Naroong umiling-iling siya at sinabunutan ang sarili. Naglakad rin siya ng pabalik-balik, patuloy ang pagsabunot sa buhok tila may inaalis na kung ano sa ulo.

"No, no, no.... No!"

Nag-echo ang sigaw niya sa loob ng kuwarto.

Huminto siya, matagal tumitig sa sahig bago ako muling nilingon na may kakaibang mga mata.

"Umalis ako para sa pangarap ko, pero nangako siyang hihintayin niya ako. Nangako siyang pakakasalan niya ko." pumiyok ang boses niya.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa kinikilos niya. Kanina, tila wala siyang takot na ipagmalaki sa aking kaya niya akong saktan ngunit ngayon para siyang bata na hindi napagbigyan sa gusto.

May kung ano sa kilos niyang hindi ko maintindihan. Ayaw kong isipin pero... parang nakikita ko si kuya Carlos sa kanya. Hindi eksaktong ganito pero sa pagbabago-bago niya ng mood at pagkabalisa kung may ikinagagalit.

Muli siyang bumaling sa kabilang parte niya at kinapa ang ulo. Pagkatapos nagsimula siyang mag-chant ng kung ano na kalaunan ko na naintindihan.

"Mahal ako ni Sigmund. Mahal ako ni Sigmund. Mahal ako ni Sigmund." nagpatuloy siya at nagsimula na ring magpalakad-lakad.

Napabaling ako sa tauhang kasama namin sa loob ng kuwarto. Napatingin rin siya sa akin bago ang-iwas ng tingin.

Muling bumalik ang mga mata ko kay Scarlette at laking gulat ko ng nakangiti na siya. 

Nakaramdam na naman ako ng hilakbot sa paraan ng tingin niya sa akin at ngisi!

"I just want to tell you that you are free to runaway. May unawaan na kami ni Sid at ikakasal na kami. May mga inaasikaso palang siya ngayon, pero magpapakasal na kaming dalawa." mas malumanay ngayon ang salita niya.

Free to runaway? Pakakawalan na niya ako?

Ikasisiya ko sana ang narinig kung hindi ko nasaksihan ang pagbabago-bago niya ng kondisyon kani-kanina lang.

"Tinatanggap ka lang niya sa bahay niya kasi nanay ka ng anak niya at gustong gusto niya ng anak na lalaki noon pa. kahit noong highschool pa kami lagi naming napapag-usapan ang magiging anak namin. At sabi niya, gusto niyang lalaki. Para isusunod niya sa pangalan niya."

Malumanay ang bawat bigkas niya, puno ng kasiyahan ang tono at hindi bakas ang pagkabanyaga niya sa lokal na pananalita. Kung hindi ko siya nakita kanina iisipin kong totoo ang mga sinasabi niya.

"It's better if you leave him. He'll expel you in his house anyway. Naghihintay lang kami ng tamang panahon. And when our wedding was settled, I'm sure he'll eliminate you from his house. And I'll fill what space you've left."

Nagtitimpi ako sa bawat naririnig. Nagtitimpi akong sagutin siya at lalo siyang matriggered.

"I'll take care of your child. I'll take him as my own son."

Nagtitimpi, pero nagpanting ang tainga ko.

"Ako ang mag-aalaga sa anak ko, kung aalis ako, isasama ko si Sivan."

Puno ng simpatya ang mga mata niya ng muling bumaling sa akin.

"Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mabuntis, gusto ni Sid ng anak na lalaki."

"Pagsikapan mo kung ganon," 'di ko alam kung bakit ko siya pinapatulan na ngayon?

"Sigmund won't allow it, he thinks of my wellness all the time. I'm sure he'll not agree with it. It'll only cause our fight again."

"Wala akong pakialam, basta hindi ko iiwan sa inyo ang anak ko. Anak ko si Sivan, ako ang mag-aalaga sa kanya."

Muling nanlisik ang mga mata niya sa huli kong sinabi, muli tila namumuo ang galit niya.

Umiling siya, naging malikot ang paningin. Maya-maya muling hinawak ang kamay sa buhok, hinihila tila inis na inis.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa nakikita. Hindi ko gustong patulan siya lalo na sa napatunayan ko ngayon pero iba ang atake sa akin kung si Sivan ang pinag-uusapan, hindi ko mapigilan.

Nagpaikot-ikot siya, bago muling bumalik sa inaasta kanina... balisa at may binubulong-bulong.

Nang balingan ako mas maalab ang tingin sa akin. Taas baba ang dibdib niya at halos mapalundag ako ng sugurin ako!

Ang buong akala ko'y mabubuwal ako sa bilis ng lakad niya patungo sa akin, pero nagulat nalang ako ng huminto siya sa harapan ko... nagpipigil ng sarili.

"Sagabal ka sa amin ni Sigmund, kailangan mo ng mamatay."

Huli na ng maisip ko ang plano niya. Naihawak na agad niya ang dalawang kamay sa leeg ko at pilit akong sinasakal.

Hindi ako makahinga. Hindi ko rin mapigilan ang kamay niya dahil nakatali ang mga kamay ko. Wala akong kakayahang depensahan ang sarili ko laban sa mga gusto niyang gawin sa akin ngayon.

Kinakapos na ako ng hininga. Pakiramdam kong isang segundo nalang at tuluyan nang mawawala ang diwa ko!

Nanlalabo na ang paningin ko tila inaantok na ako ng pumukaw sa amin ang tunog ng cellphone. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

Inubo ako dala ng matinding pwersa sa leeg ko kanina. Hindi ko mapigil ang pag-ubo. Hinahabol ko na rin ang paghinga.

Nasa ganoon pa akong kalagayan ng marinig ko ang boses ni Sid. Nakahinga ako ng maluwag, nakaramdam ng ginhawa sa pag-aakalang narito na siya!

"Do you have her?" aniya sa boses na nasa loob ng telepono.

Muli akong nanghina ng matanto kong naka-speaker phone lang si Scarlette at siya ang kausap nito.

"Yep, I have her. I'm just talking to her and telling her where she should be." puno ng sigla ang tono ni Scarlette.

"What's your plan with her?"

"Nothing, Sigmund. Just teaching her a lesson."

Inangat ko ang paningin ko kay Scarlette at kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya habang nakatingin sa akin, tila may nais iparating.

"How many times did I have to tell you that Sivan still needs her. You can't abduct her just like that. We'll come on that, not right now."

Pakiramdam ko bumagsak ako mula sa langit. Pakiramdam ko napatunayan ko ng lahat ng agam-agam ko sa mga nangyayari. Pakiramadam ko isinampal sa akin ang katotohanang niloloko nga ako ni Sid at tama ang sinasabi ni Scarlette!

"Sigmund, I'm already waiting for a long time. I can't wait any longer, besides, we're not getting any younger. Until when you're gonna let me wait for you?"

"Just give me enough time to settle everything, Scarlette. We'll get there, trust me. I'm doing my very best to settle everything."

Bumuntong hininga si Scarlette, bakas ang galit sa mukha ngunit pinipilit isaayos ang sarili.

"How about Celso, have you find him?"

Nangunot ang noo ko sa tanong ni Scarlette kay Sid.

"Uh... We lost him again." bumuntong hininga si Sid.

Hindi nakaligtas sa akin ang lihim na ngiti ni Scarlette sa narinig. "Oh, that's bad news, then." aniya pero alam kong plastic.

"Uh, Scarlette I need to go." may pagmamadali sa tinig ni Sid.

Kumirot ang puso ko.

Hindi man lang ba niya ako kukumustahin o kahit sabihin man lang kay Scarlette na pakawalan na ko?

Ano bang nangyayari? Magkasabwat ba silang dalawa? Ano ba ang pinapakita ni Sid sakin? Puro balat-kayo, hindi totoo? Hindi ba niya ako ililigtas sa kamay ni Scarlette at parang atat na atat siyang matapos ang tawag nila gayong alam niyang kinidnap ako ng babaeng 'to!

"Oh, I see." nagningning ang mga mata ni Scarlette sa kung ano. "Alright, you take care. I love you, honey."

Lalo akong nakaramdam ng panginging ng laman sa galit!

Ilang sandaling nanahimik si Sid. "I need to go, Scarlette."

"Please tell me you love me first."

Dinig ang buntong hininga ni Sid. "I love you." mabilis ang bigkas at mahina ngunit rinig ko!

Parang gatilyo 'yon para tumulo ang luha ko. Nanlabo ang mga mata ko dahilan ng pag-iwas ko ng tingin kay Scarlette na taas noong nakatingin sa akin, nagyayabang.

Nanatili akong sa pader ng kuwarto nakatingin. Naghihimutok ang kalooban ko...galit kay Sid ang nararamdaman ko pati na rin sa babaeng naririto.

"Ano ngayon? Naniniwala ka ng ginagamit ka lang ni Sid at ako ang mahal niya?"

Sa kabila ng lahat, gusto kong matawa. Kanina lang sinisisi niya ako sa panggugulo ko sa buhay nila kaya hindi siya mabalikan ni Sid, tapos ngayon pagdidikdikan niya sa'king mahal siya ni Sid at hindi ako.

Binalingan ko siya. Nakangisi siya, malapit na sa akin ngayon.

Ngumisi rin ako. "Maaaring ikaw nga ang mahal," tinaasan ko siya ng isang kilay. "Pero sa kama ikaw ba ang laging kailangan?"

Napawi ang mapakla niyang ngiti. "What did you say?"

Nabalik ang galit na mayroon siya kanina sa simpleng sinabi ko.

"Maliwanag naman, habang minamahal ka niya. Ako naman ang lagi niyang hinahanap sa kama."

There's something inside me that urges me to say this words. Hindi ko naman intensiyon pero siguro dahil sa sama ng loob nagagawa ko. Sa sama ng loob ko gusto ko na rin siyang pasakitan kahit sa ganitong paraan.

She shook her head as if it could erase whatever I told her. Her face shows frustration that though I knew it's wrong, gave me satisfaction.

"You don't do that." madiin niyang turan. Umabante siya sa akin lalo at yumuko. "Take back what you said!" she shouted.

Panandalian akong napapikit sa sigaw niya pero determinado akong bumawi.

"Paano ko babawiin kung talagang nangyayari? Kung alam mo lang kung paano siyang mabaliw tuwing ginagawa namin." palagay ko malademonyo na ang ngiti ko, mainis ko lang siya lalo. "He cursed, he moaned and cried my name as he reached-"

"Shut up!"

Handa pa akong magsalita ng bigla niyang kuhanin ang baril sa tauhang nasa loob rin ng kuwarto, kanina pa nakaabang sa aming dalawa.

Walang habas niyang tinutok sakin 'yon. Puno ng galit ang mga mata niya at ngayon nakikita ko ang kabayaran ng pang-iinis ko sa kanya. She changes her mood again and this time I'm sure it's the most dangerous one.

Nagawa kong makipagsukatan sa kanya ng titig. Kita ko sa mga mata niya ang determinasyon at galit na palagay ko kahit anong pakiusap kong huwag niyang gawin ay hindi mapuputol.

Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng kabog pero hindi ko pinahalata. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya kahit halos manginig ang buong katawan ko sa takot.

Nang hindi ko na makayanan, pinikit ko ang mga mata ko. Inihahanda na ang sarili sa kung anumang maaaring kahinatnan nito.

I was about to open my eyes again to look at her but a strong impact of something on my body stopped me and made me fell on the ground in just a snap coupled with a defeaning gunshot.

May masakit sa akin pero hindi ko maintindihan kung saan? Hindi ko na rin muling naimulat ang mga mata ko at biglaang nakaramdam ng antok.

I hate to sleep but I can't help it, even my breath is very hard to catch this time. Hinihila ako ng antok at hindi ko malabanan 'yon hanggang sa tuluyang naglaho ang reyalidad at na-blangko ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 252K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
20.8K 665 47
Axell Brendan Caesar Dior
377K 8.7K 31
Posted: February 16, 2022 Ended: March 5, 2022