Part 64

16 4 0
                                    

SID's POV



"Sa ganitong paraan kita unang nakilala. Ngayon, sa ganitong paraan na lang rin kita mamahalin."


Dream


Nang makita ko ang duguang katawan ni Callista, pakiramdam ko daig ko pa ang namatay. Namanhid ako at hindi agad nakagalaw. Nahihirapan akong huminga.

Naabutan kong nakatutok pa ang baril ni Scarlette sa kanya at handa pa yatang paputukan, kaya ng makabawi agad ko siyang tinakbo at tinabig. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya matapos ang ginawa ko. All my attention was focused to Callista. I should save her! I should bring her to the hospital!

Riding the ambulance feels like taking forever. Hindi na ako makapaghintay na maibaba siya sa emergency room at magamot agad, mailigtas.

"Hit on the gas." I almost shouted to the driver.

My command was granted. Ramdam ko na namang mabilsi na kanina 'yon, ngayon lalong pinaharurot ng driver.


Sa kritikal na kalagayan ni Callista, abot-abot ang dagundong ng dibdib ko. Unang beses kong kabahan at matakot ng ganito, liban nalang noong iniwan niya kami noon. At ngayon pakiramdam ko na-doble ang lahat ng 'yon. I felt terrified for the first time, dealy terrified.

Ngunit sa hindi ko malamang kadahilanan, sa kabila ng lahat ng nagaganap, biglang pumasok sa utak ko ang imahe ni Stella.

Ito ba ang kabayaran sa ginawa ko sa kanya? Ito ba ang kapalit ng bagay na hindi ko naipagkaloob sa kanya? Hindi ko naibigay?

Pinangako ko sa kanyang aalagaan ko ang anak namin at hindi ko pababayaan sa harap ng puntod niya. Nagkatagpo kami sa maling panahon, pinili ko siya sa maling pagkakataon pero ni minsan hindi nawala ang respeto ko sa kanya bilang tao.

We'll I guess, it's who I really am. A person who shows respect to earn respect. But I admit, it'll always depends on the circumstances. Especially in the world where I am in... the business industry. Na hindi masyadong binibigyang pansin ang respeto, mas pinag-uukulan ng atensiyon ay kung gaano ka katayog sa posisyon mo. Gaano ka katagumpay sa larangang ito.

Namulat ako sa ganoong pananaw ni Dad, ang puno ng mga Buenavista. He leads us, our family, our company and our life.

Ang alam ko family business ang BGCI noon pa, galing sa mga ninuno ko, pero hindi ko na sila nakilala. Si Dad at mom na ang nagisnan kong pinakamatandang Buenavista, kahit uncle o auntie wala kami. Sila lang ang alam kong pinagmulan namin.

We were ruled by him. His words are the powerful. Kailangan kapag sinabi niya matutupad. Kapag inutos niya agad masusunod, ganoon siya kalakas, ka-makapangyarihan.

Everyone in our family was terrified of him. Si Elias lang ang malakas ang loob, nagagawa niyang suwayin si Dad na hindi ko malaman bakit hinahayaan niya? Probably, I guess, Elias is his favorite.

Tiklop kami ni Oliver sa kanya, lalo na si Mom. Si Yve naman ang bunso kong kapatid na babae lalong hindi susubukang lumaban kay Dad. She's a timid type of a woman, sobrang mahiyain at kahit sa aming mga kuya niya hindi nakikihalu-bilo. Kung hindi ko pa lagi kakatukin sa kuwarto niya para kumustahin.

Kontento ako sa palakad ni Dad sa bahay namin hanggang sa ipareha niya si Elias sa anak ng business partner niya. Hindi ko pa balak mag-asawa no'n. Wala sa isip kong magpatali kahit kanino dahil sa nangyari sa amin ni Scarlette.

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now