Part 50

16 3 0
                                    

Kasal

"Would you mind me asking, why are you out at this hour?" tanong ni Sid nang naglalakad na kami pabalik ng bahay ni Aldrien.

Akala ko kaninang tinawag niyang gago 'yong lalaki, magagalit 'yong lalaki, ngunit agad ding humakbang palikod upang umalis.

Nagtaka pa akong ni walang reaksiyon 'yong lalaki, ngunit ng mabalingan ko ang anyo ni Sid na kasingdilim ng gabi, naunawaan ko kung bakit.

"Sorting things out?" patanong kong sagot.

Mabagal ang hakbang namin sa tabing dagat at hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang payapa ng kalooban ko? Pero kalaunan, ipinagpalagay kong dahil sa simoy ng hangin at tunog ng alon ng dagat kaya ako nakalma ngayon.

Pati buwan nakikisama sa maaliwalas na panahon. Tinatanglawan niya ang madilim kong mundo sa ganitong pagkakataon.

"I'm ready to listen."

Napabaling ako sa kanya. Pinapayid ng hangin ang buhok niya at ang polong suot na bukas ang ilang butones sa itaas.

Oo, Sid. Handa kang makinig, pero ako hindi ako handang magsabi sa'yo ng kahit na ano, lalo na ang tungkol dito. Sa loob ko.

Pinaglapat ko ang labi ko at umiling. Hindi nga siya dapat ang kasama ko at hindi siya ang dapat kong kausap tungkol sa bagay na 'to.

Huminto si Sid sa paglalakad. Tumaas ang kilay ko bilang tanong kung bakit, ngunit ng sundan ko ang direksiyon ng mga mata niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang limang lalaki sa harapan namin!

At siguradong kilala ko ang isa sa mga 'yon! 'Yon ang lalaking humarang sa akin kanina.

Kinabahan ako. Akala ko ba umalis na siya? At bakit dito sa direksiyong ito siya lumabas gayong doon siya sa kabila naglaho kanina?

Umabante si Sid, tinabunan ako ng katawan niya. He held me as well to make sure that I was all covered by him at his back.

Pinilit kong sumilip kahit nagsikap rin si Sid na hindi ko makita ang mga nasa harapan namin.

Kita ko sa dilim ang isa-isang pag-streatch ng mga lalaki sa balikat at leeg nila.

"Stay here, don't go anywhere. It'll be quick." mahinang bulong ni Sid sa akin.

Hinila ko ang polo niya, "Umalis nalang tayo."

"We'll do that after this, mabilis lang 'to."

Humigpit ang kapit ko sa damit niya. Hindi ko gusto ang naiisip kong mangyayari. Bumalik ang lalaki kanina at alam ko kung anong pakay niya! Nagsama pa ng iba!

Pinagmasdan ko ang lima. Halos parehas ni Sid ang mga taas nila pati ang pangangatawan, kaya natatakot akong posibleng dehado si Sid sa kanila kung matuloy ang naiisip ko.

"Step back, baby. I'll finish this quickly." aniya bago umabante ng hakbang.

Hindi ko siya napigilan. Dumulas ang polo niya sa pagkakahawak ko.

They met halfway. Agad siyang pinalibutan ng mga lalaki. Lalong dumagundong ang puso ko sa takot sa maaaring mangyari.

Lima sila at mag-isa lang si Sid. Bakas ring gaya ng huli batak sila sa gym.

"You brought your friends, huh." dinig kong sinabi ni Sid, natatawa.

"Let's now test your hubristic, man." sagot noong lalaking humarang sa akin kanina.

Tinawanan lang ni Sid. Nairita 'yong lalaki kanina kaya agad siyang inambangan ng suntok! 

Muntik na akong mapasigaw ngunit nakailag si Sid at itinulak siya pasubsob sa buhangin.

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now