In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [25]

62.7K 2K 104
By chiXnita

-25-

"WHAT ARE you doing here?" Akma kong isasarado ang pintuan kaso naiharang ni Angel ang kanyang paa at pumasok sa loob ng bahay. Seryoso ang itsura niya at hindi maipinta ang mukha.

Kalalabas lang ni Grant ng bahay papuntang opisina.

"What's your problem, Xhai?" Napaatras ako nang titigan niya nang matiim. Sunod-sunod akong umiling at ngumisi nang mapakla. "You're not texting me. You're not even answering my calls. Tangina, Xhai, second week na ng February, pasko mo pa ako hindi pinapansin. Ano ba kasing problema mo?"

Bakit siya pa yata ang nagtataka sa mga oras na 'to? Hindi ba niya alam kung bakit naiinis ako? "I told you already, Gel, don't hurt Kuya Xyrus... but you did. Hindi lang physically. Siguro naman hindi ka tanga para hindi malaman na patay na patay sa 'yo si kuya, 'di ba? It's been years, Gel. Three years? No, more than three years, I think. But you're still rejecting him. Why you're so cruel to Kuya Xyrus?"

Nanatili siyang nakayuko, at isa lang ang ibig sabihin no'n, wala siyang balak na sabihin sa 'kin. Isa rin 'yon sa mga ikinatatampo ko. Lahat ng tungkol sa 'kin alam niya. Alam ko rin ang mga bagay-bagay na tungkol sa kanya pero hindi lahat. May itinatago siya at walang balak na ipaalam kahit na umiyak pa ako sa kanyang harapan.

Best friend ko siya.

Hindi ba niya ako kayang pagkatiwalaan ng mga sekreto niya?

"What's wrong with my brother? Why can't you love him, Gel? Kung hindi mo man siya kayang mahalin... just, please, stop hurting him!"

Kilala ko si Angel. Magmula no'ng bata pa kami, kilalang-kilala ko na siya. Hindi naman bato ang puso niyan, eh. In fact, nagkaboyfriend na siya. 'Yong seryosong relasyon. High school pa kami noon. Pero ngayon, pinatayuan niya yata ng higanteng gate ang paligid ng puso niya para wala nang makapasok na iba.

"You don't understand, Xhai—"

"Oh c'mon, Gel. Paano ko nga maiintindihan kung ayaw mong ipaintindi? Wala naman akong kapangyarihan na kaya kang unawain o kayang basahin ang lahat iniisip mo, eh. So, ibabalik ko ang tanong mo kanina. What's your problem, Gel?"

Tumayo siya para mapantayan ako dahil kanina pa ako nakatayo. "Kung naiinis ka sa 'kin dahil sa kuya mo, I'm sorry, Xhai, but you know I can't love him—"

"You can!"

"I can't!" sigaw niya na nagpatahimik sa 'kin. Matagal na naghari ang katahimikan. Sa dalawang salitang binanggit niya, pakiramdam ko nasa katawan ko si kuya kaya damang-dama ko ang sakit. Para akong sinaksak nang paulit-ulit.

"You still love him, don't you?" I wasn't pertaining to Kuya Xyrus. I was pertaining to Alex. Ang nag-iisang lalaking kayang patinuin si Angel. Ang nag-iisang lalaking minahal ni Angel.

Natigilan si Gel. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng inis sa sarili. Alam kong sensitive ang bagay na 'to para sa kanya kaya iniiwasan kong mabanggit ang tungkol kay Alex hangga't maaari. Pero masyado nang matagal simula no'ng mamatay si Alex. Kailangan niyang magmove-on. She needs to be happy. Humakbang ako palapit sa kanya. Mababakas ang pagsisisi sa mukha ko pero kailangan kong i-open-up ang bagay na 'to.

"Gel, Alex was gone. He'll never—"

"Tangina! Alam ko, Xhai. You don't need to slap me with the cruel truth that he's gone." Mababakas ang pagkabitter sa boses niya. Napayuko ako nang wala sa oras. Damn. I'm so stupid! "Pero hindi si Alex ang issue dito kung hindi si Xyrus. I can't love him. Okay? I don't wanna love him. I'm not gonna love him. So, please, Xhai, I'm begging..."

Natulala ako. Hindi nakaimik.

"I'm begging..." ulit niya. "Tell your brother to... don't come near me ever again."

Hindi na ako nakahuma nang tumalikod si Angel. Papalabas na siya nang matigilan. Mabilis akong lumapit sa kanya, at katulad niya natigilan din ako nang makita ang pigurang nakatayo sa gilid ng pinto.

"K-Kuya..." Natutop ko ang bibig. Nakasandal siya sa dingding na malapit sa pinto. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa naman nakahawak sa pagitan ng mga mata. Sa ayos niya mukhang kanina pa siya nandito. Bigla siyang humarap sa 'min at pilit akong nginitian.

Agad din namang nakabawi si Angel at muling humakbang. Nasagi niya pa ang gilid ng balikat ni Kuya Xyrus nang lumabas pero dire-diretso lang siya papuntang gate. Walang pakialam. Sumakay siya sa kanyang motor at pinaharurot paalis.

Nanginginig ang labi ko nang bumaling kay kuya. Nakatitig siya sa 'kin at bigla na lang ginulo ang buhok ko. "Don't cry."

Napahikbi ako lalo dahil sa sinabi niya. Mukhang hindi niya naman sa 'kin sinasabi kung hindi sa sarili. Naisubsob ko ang mukha sa dibdib niya at niyakap siya. Kahit naman hindi niya sabihin sa mga oras na 'to, alam kong nasasaktan siya nang husto.

_..._..._

LUMABAS ako ng silid matapos ayusin ang higaan. Dumiretso sa kusina. Nabungaran ko ang tortang talong, sinangag na hinaluan ng hinating hotdog, at ham. Napanguso ako. Simula nang bumalik kami galing Korea, mag-iisang linggo na akong hindi nakakapagluto ng almusal. Palagi na lang akong nauunahan ni Grant. Inaagawan niya ako ng trabaho. Pero hindi ko mapigilan ang matuwa sa bagay na 'yon.

Nakita ko si Turner na nakahiga sa basahan na nasa tapat ng ref. Nilapitan ko siya at hinimas ang ulo. "Good morning, baby Turner." Nagmulat siya at kinaway-kaway ang buntot na parang naintindihan ang sinabi ko. Lumapit sa 'kin si Cygnus. Idinikit ang katawan sa paa ko. Napangiti ako. Hinimas-himas ko rin ang kanyang ulo. "Good morning, baby Cygnus."

Close ang aso at ang pusa na binili namin. Hindi ko alam kung bakit, ang buong akala ko mag-aaway sila pero ilang araw pa lang silang magkasama mukhang close na sila. Kung hindi ko lang alam na parehas na lalaki ang gender nila baka isipin kong nagkakamabutihan ang mga alaga namin. Napailing na lang asko sa naisip.

Tumayo na ako at muling napatitig sa mesa. Mukhang hinihintay ni Grant na magising ako dahil wala pang bawas ang mga nakahain. Napagdesisyunan kong puntahan siya sa office niya, na malapit sa sala, dahil doon siya madalas.

Nakaawang nang bahagya ang pinto. Kakatok na sana ako nang bigla siyang magsalita. May kausap siya sa telepono. Wala akong ideya kung sino.

"No. I don't think it was an accident!" Mariin niyang bigkas. Napahawak ako sa dibdib nang biglang kabahan.

What accident?

Sumilip ako sa nakaawang na pinto at nakaupo si Grant sa swivel chair. Nakasuot na siya ng pang-offire attire. Nakatalikod siya sa mesang punong-puno ng mga folders. Likod niya ang nakaharap sa 'kin. Minamasahe niya ang sintido.

"Yes, but don't worry, I already traced the plate number of the van." Nanlaki ang mga mata ko.

Accident? Van? Ibig sabihin pinaimbestigahan niya ang nangyari noong Christmas Eve?

Napaurong ako nang umikot siya paharap sa mesa at tumayo. Sumandal ako sa pader at hindi na nagtangkang sumilip. Pero wala akong balak na umalis. Gusto kong makinig. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

It was not an accident? Eh, ano? Sinadya?

"'Wag mo nang isipin ang bagay na 'yon. Natrace ko na rin ang lalaking nagmamaneho ng van." Tumigil siya saglit para pakinggan ang kausap. Naipunas ko ang nagpapawis na palad sa suot na pajama. "I want him to be in prison, but he's already dead. He died two days after the incident."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Oh my God. Dead? Papasok na sana ako sa loob kaso bigla ulit nagsalita si Grant.

"What? I'm not a killer, stupid. Wala na akong pakialam sa taong 'yon. Ang gusto kong malaman kung kamusta ang pina-iimbestigahan kong insidente sa Isla de Carpio last December 18? Nag-iimbestiga rin si Kier pero wala pa rin siyang naibabalita. Magaling siyang detective kaya nagtataka ako kung bakit wala pa siyang nakukuhang lead. Sabi niya aksidente, pero impossibleng aksidente ang nangyari!"

Alam kong kinakausap niya si Kier (Kuya ni Vlaire) sa nangyaring insidente nang nagbakasyon kami sa Trese. Ang buong akala ko naayos na nila 'yon at wala lang sinasabi sa akin si Grant. Hindi pa pala.

"Impossibleng walang safety neat, screen and other equipment ang paligid ng building kung may inaayos sa taas ng hotel. I'm not an idiot to think that was an accident. It was intended and I want to know if I was the target or Heather. The two incidents happened in just span of seven days — W-What?"

Napatalon ako nang sumigaw siya. Lalo akong kinabahan. Nanginginig ang mga mga tuhod ko sa mga nalaman.

"M-May nakuha ka ng lead?"

Muling tumahimik. Ang ingay lang na naririnig ko ay ang malakas na tibok ng puso ko. "Damn! I knew it. Kung sino man ang taong 'yon. Hindi ako titigil hangga't hindi siya nakukulong." Pakiramdam ko malapit na akong panawan ng ulirat. "W-what? Kabilang sa thirteen families? S-Sino?"

Patuloy pa rin sa pangangatog ang mga binti ko nang itulak ko pabukas ang nakaawang na pinto. Nabungaran kong nakatayo patalikod si Grant. Panay ang lakad niya pabalik-balik sa harap ng mesa at hinihimas ang batok. Hindi siya mapakali at natataranta. Hindi niya man lang napansin ang pagpasok ko sa loob ng office niya.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang isang kamao at ang paghipit ng hawak niya sa cellphone. Tinapos na niya ang tawag at inilapag ang phone sa mesa. Sinipa niya ang swivel chair at umupo sa gilid ng table. Pinasadahan niya ng mga daliri ang buhok at ginulo. Itinulak ko lalo ang pinto pabukas kaya gumawa ito ng ingay. Napaharap bigla si Grant. Napaawang ang kanyang bibig at nanlaki ang mga mata. "H-Heather."

"W-Who?" nanginginig ang mga labing tanong ko.


Continue Reading

You'll Also Like

41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]