His Bossy Secretary

Da Melestial

2.7K 751 82

Chase Aphelion Alzarde He knows that being this crazy over his Secretary is up to no good. He should fire eve... Altro

Author's Note
Description
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 3

181 63 11
Da Melestial


!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL
AHEAD!!!

Chapter 3

Nagmamadali akong lumabas ng building na pinagtatrabahuhan ko at agad agad na pumara ng jeep mabuti nalang at madami ng jeep sa hapon kaya hindi ko na kailangan pang mag taxi ulit dahil sayang din ang pera

Nang makarating ay agad agad akong bumaba at tumakbo papasok ng village mahigpit ang security dito ngunit sa tagal ko na ditong nakatira ay kilala na ako ng mga guard paminsan minsan ay binabati pa ako ng mga ito

Nang nasa harap na ako ng malaking mansyon ay nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa loob

Si Mama!

Nagmamadali akong pumasok at doon ay bigla nalang bumagsak ang mga luha ko nakita ko kung paano nila sipain ang aking ina na ngayon ay nakadapa sa sahig habang tinatakpan ang ulo

"Walanghiya kang babae ka hindi ba't sinabi ko sayo na plantsahin mo ng maayos ang mga damit ko!" 

"M-mama" dali dali ko itong dinaluhan at niyakap ng mahigpit

"Lia" sabi nito habang nakatingin at bahagya pa itong ngumiti sakin kahit kita ko sa mga mata nito kung gaano na ito nasasaktan

"M-ma sorry ngayon lang ako"

"Ayan na pala ang malandi mong anak buti dumating ka pang babae ka walang pakinabang 'yang walang kwenta mong ina" nakangisi pa nitong sabi samin

"A-auntie—

" Wag mo 'kong matawag tawag na Auntie, wala kang karapatan!" Galit nitong sabi sakin  simula ng namatay ang aking ama ay wala na itong ginawa kundi ang saktan at pahirapan kami

"M-ma'am please wag na si Mama hindi nya 'to kaya" umiiyak kong pagmamakaawa dito kahit na alam kong wala namang mangyayari ay sumusubok parin ako

"Wala akong pake sa inyong mag-ina! Tigil tigilan mo 'ko sa kaartehan mo Amelia tumayo ka dyan at ikaw ang magplantsa nito!" Galit na sabi nito nagulat nalang ako ng biglang binalibag nito sakin ang mainit na pangplantsa dahilan kung bakit ito tumama sa ibabang binti ko napaigik nalang ako sa sakit hindi ko kayang magreklamo dahil baka hindi lang ito ang abutin ko ang mahalaga lang sa ngayon ay ang makita kung may mga sugat bang tinamo si Mama na ngayon ay nakupo parin sa sahig at nakahawak sa aking  braso

"Ano pa bang iniiyak iyak nyo?! Amelia simulan mo na ang pinagagawa ko!" Sigaw nanaman nito samin sabay talikod at umakyat na ito sa taas

Simula nang nawala si Papa ay naging ganto na ang aming buhay, marangya ang buhay na kinalakihan ko ngunit nang nawala ito ay kinuha na ng kanyang nakababatang kapatid ang mga ari ariang naiwan nya  hindi kasal sila mama at papa kaya naman wala daw si mamang karapatan at wala naman akong sapat na kakayahan upang maibalik ang dapat na saamin

Itinayo ko na si Mama mula sa sahig nakita kong dumudugo ang kanang braso nito marahil ay dito tumama ang mga sipang sinalo nya hindi ko mapigilang mapaiyak nanaman habang tinitignan ang braso nito

"Nak tahan na, ako naman ang may kasalanan hindi ko naayos ang trabaho ko dahil sa sakit ko" nakangiting sabi nito hindi ko alam kung paano nya nakakayang ngumiti habang may luha sa mga mata, Nagkaroon ng mental disorder si mama mula ng nawala ang aking ama madalas ay nakatulala ito sa bawat sulok  ng bahay at paminsan minsan ay bigla nalang iiyak may mga pagkakataon pang hindi nito ako nakilala sa tuwing sinusumpong ito ng sakit nya

Kinakaya ko nalang ang lahat kase mahal ko sya...pero ang hirap...sobra

"Halika na po Ma gamutin ko muna ang sugat mo" dahan dahan ko itong inalalayan papasok ng basement na naging kwarto narin naming dalawa

Kinuha ko sa bag ko ang mga gamot na kailangan sa sugat ni mama nilinisan ko muna ito saka nilagyan ng gamot para sa madaling paggaling

"Nak wag kang magtatanim ng sama ng loob sa kanila, maliwanag ba? malamang ay pagod lang ang auntie mo kaya nya nagawa 'yon" seryosong sabi ni mama habang nakatingin ng deretso sakin

Ma ako din pagod na...

"Opo" nakangiting sabi ko nalang dito dahil alam kong magagalit lang ito kung hindi ako sasang-ayon

"Minsan lang naman ito mangyari at hindi ka naman nila sinasaktan hindi ba?" nakangiti paring tanong nito

"O-opo" hindi ako makatingin ng deretso dito

"Mabuti parin talaga sila at hinahayaan tayong tumira sa bahay na ito" tumango tango nalang ako sa mga sinasabi pa nito

Ma...hanggang kailan ka ba mag bubulag-bulagan?

Pagkatapos kong linisan ang mga sugat ni Mama ay inayos ko ang higaan namin dahil alam kong pagod na ito dalawang malapad na karton lang ang nagsisilbing higaan naming dalawa mabuti nalamang at mayroong malalambot na sapin na patago ko pang binili noong unang sweldo ko

Si Mama lamang ang nakakaalam tungkol sa trabahong  pinapasukan ko dahil wala namang pakialam ang ibang tao sa bahay na ito napagdesisyunan ko nalang na huwag ng sabihin pa kaya ang alam nila hangang ngayon ay nagtatrabaho parin ako bilang isang waitress sa isang reaturant  ni hindi ko nga alam kung alam ba nilang nakapagtapos na 'ko

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay nilabas ko na sa aking bag ang pagkain na itinabi ko kanina para kay Mama dahil madalas ay hindi kami binibigyan ng pagkain dito kaya nakagawian ko ng bilhan si mama ng hapunan sa aking pinagtatrabahuhan

May mga bagay akong pinaglalaanan kaya naman isang order ng ulam lang ang kaya kong bilin sa ngayon para lang ito sa hapunan ni mama at kung may matitira pa ay ito narin ang magiging hapunan ko sa umaga naman ay kumukuha ako patago ng mga pagkaing niluluto ko para kila Auntie at itinatabi ito dito sa basement para lang kay Mama kaya madalas ay isang beses lang ako kumakain sa isang araw at swertehan nalang kung may matitira pa si Mama sa gabi

Ibinigay ko na kay Mama ang binili kong pagkain na nakalagay parin sa tupperware paminsan minsan ay kailangan ko pa syang subuan kapag sinusumpong sya ng kanyang sakit ngunit may mga pagkakataon din na kaya na nitong kumain mag-isa katulad ngayon

Pagkabigay ko dito ng pagkain ay nagpaalam ako dito na gagawin ko na ang mga gawaing bahay na inuutos ni Autie sakin kanina kaya lumabas na ako sa basement at pumuntang sala kung nasaan ang mga pambahay na damit na kailangan kong plantsahin, kumikirot parin ang paso ko sa binti sa tuwing naglalakad ako ngunit hindi ko nalang ito ininda at nagsimula na

Natapos ko ang lahat ng damit ng 6:30 kaya naman iniakyat ko na ito sa taas at nilagay sa kani-kanilang kwarto hindi ko mapigilan na sariwain ang nakaraan noong pumasok ako sa pink na kwarto kung saan natutulog si claire ang pinsan ko

Ang dati kong kwarto...

Naalala ko kung paano ako yakapin nila papa sa tuwing nananaginip ako ng masama sa kwarto na ito, Naaalala ko lahat ng masasayang ala ala na pananatiling ala ala nalang

Pa...I miss you sana nandito ka pa sana kasama pa kita sana nayayakap parin kita katulad ng dati kase Pa...dapang dapa na'ko hindi ko alam kung pano babangon hindi ko alam kung paano pa magpapatuloy pero para kay Mama kakayanin ko kaya gabayan mo lang po kami Papa...

Nanlalabo na ang paningin ko sa luhang sunod sunod na tumutulo habang nasa loob ng kwarto na ito dito nabuo ang masasayang ala ala na meron ako

Pinunasan ko na ang mga luha sa mata at huminga ng malalim ikinalma ko lang ang aking sarili pagkatapos ay kaagad narin akong bumababa dahil paniguradong malilintikan ako pag nakita nila ako sa itaas

Walang ibang katulong dito maliban sakin kaya naman pagkauwi sa trabaho ay inihahanda ko na ang sarili ko sa mga gawaing bahay na kinakailangan kong gawin katulad nalang ngayon pagkatapos kong magplantsa ay sinisimulan ko ng mag luto ng hapunan nila Auntie dahil kadalasan ay umuuwi sila ni Uncle dito ng 8:00 hindi ko lang alam kung bakit napa aga ang uwi ni Auntie kanina

Isinindi ko na ang stove at nagsimula ng magluto habang Inaantay kong maluto ang kanin ay napagdesisyon kong mag-urong nalang muna dahil tambak ang urungin dito mula kaninang umaga

Saktong pagkatapos kong mag-urong ay kumulo ang kanin kaya naman agad agad ko itong pinatay muna at isisindi ko nalang ulit ito mamaya para in-inin pagkatapos ay binugsan ko ang ref ang pinrito ang nakita kong ulam doon wala akong problema sa lulutuing ulam dahil madalas ay umoorder sila Auntie ng Ready to cook na na ulam sa isang retaurant marahil ay hindi nila gusto ang aking luto dahil aaminin kong hindi talaga ako masarap magluto

Pagkatapos kong mailuto ang lahat ay nilagay ko na ito sa isang malapad mesa at tinakpan naglagay narin ako ng kutsara't mga plato dahil ilang minuto nalang naman ay dadating na si claire mula sa school at si Uncle, hindi ko alam kung nasaan na si Auntie ngunit malamang ay umalis nanaman ito

Nang matapos ko ng iayos ang mesa ay nagwalis muna ako sa sala pagkatapos ay pumunta sa basement upang tignan ang lagay ni Mama nakita ko itong mahimbing na natutulog kaya bahagya nalang akong napangiti

Marahan kong isinara ang pinto at kumuha lang ng pantulog na damit at tuwalya saka pumunta na sa Cr upang maglinis ng katawan

Mariin akong naghihilod ng binti ng matamaan ko ang paso ko dito

Ouch!

Ngayon ko nalang ulit naalala ang pagkapaso ko kanina mula sa plantsa mayroon akong gamot sa paso ngunit kakaunti nalang ito at irereserba ko nalang ito para kay mama kung sakali mang magkapaso sya isa pa gagaling parin naman ang paso ko kahit wala 'non

Pagkatapos maglinis ay agad narin akong nagbihis sa loob at lumabas na saka dumeretso sa basement

Kanina pa kumukulo ang tyan ko noong nagluluto palang ako kaya lang ay hindi ako makakuha ng pagkain dahil kumukuha na ako sa umaga at baka mahalata na nila iyon kaya tinignan ko nalang ang tupperware kung mayroon bang tira si Mama at doon ko nakita na dalawang kutsarang kanin nalang pala ang tira nito at  ubos na ang ulam kaya iyong kanin nalang ang kinain ko

Hindi ko mapigilang maiyak sa sitwasyong meron ako may mga pagkakataong nagbrereakdown nalang ako at parang gusto ko ng sumuko kaya lang ay ako nalang ang meron si Mama ayokong maging Selfish at iwan sya

Kaagad kong natapos ang kanin na natira at nilagay ko nalang ulit ang tupperware sa aking bag huhugasan ko nalang ito bukas ng umaga

Nahiga na ako sa tabi ni Mama at niyakap ito ng mahigpit

Goodnight po Mama...

~     Melestial     ~


Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

419K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
141K 5.1K 19
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
178K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
Lovesick Da love, mosie

Storie d'amore

67.5K 2.3K 55
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.