TGISM: CHAPTER 55
"Galit na galit rin ngayon ang dalawang grupo," sabi ko sa kaniya. "Nagpaplano na 'ata sila sa gaganapin nilang pagkilos."
"Anong ibig mong iparating?" tanong ni Cyril.
"Na makikipagsanib pwersa tayo sa dalawang grupo," sagot ko.
"Hindi natin sila kailangan," sagot ni Mike.
"Pero—"
"Mike is right. We don't need them," sabat ni Jake.
Kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango saka bumalik sa upuan ko.
Ng mag recess na ay agad na akong lumabas at hinanap si Kiro. Ng makita ko siya ay kumaway siya. Hinila niya ako at dinala sa walang masyadong tao.
"Ano na?" tanong niya.
He just using me. I know. But I love him so much.
"Hindi sila pumayag," tanging sagot ko.
Napabuntong hininga naman siya. Saka siya tumango hinalikan niya ang nuo ko kaya napapikit ako.
"You need to be careful," sabi niya sa 'kin. "Hindi natin alam baka pati ikaw kunin."
Tumango naman ako at pilit na ngumiti "I know. I can handle it," sabi ko sa kaniya.
"That's good to hear," tangong sabi niya. "I just want to remind you that just be careful."
"I know? Paulit ulit?" inis na sabi ko.
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok. Kaya napairap nalang ako sa kawalan.
"Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya sa 'kin.
"Nakatayo at nakasandal sa pader," bored kong sabi.
Tumawa naman siya saka tumango. "Yeah!"
. . .
NIOUS GARCIA POV
Tangina ang linis maglaro ni Trevior! Ang sakit na ng mata ko kakatutuk sa laptop. Tumayo muna ako saka lumabas at nagpahangin.
Tanging air con lang kasi ang naaamoy kong hangin sa loob ng opisina ko at tanging laptop ko lang ang laging tinitingnan ko.
Sana gumawa nalang ako ng GPS sa kahit na anong gamit ni Thea kahit na 'yung Hairpin niya lang na penguin.
Nagulat ako ng may nakabanggaan ako. Pinatayo ko ito kasi hindi ko alam na malakas pala ang pagbangga ko sa kaniya.
"S-sorry."
"Malas nga naman oh," inis na sabi nito.
Saka tumayo sa sarili niya. Galit niya akong tiningnan ngunit nawala rin ito at tiningnan ako.
"Nious?" gulat na tanong niya.
"Yes and you are—holy shit!... JAKE?" gulat na tanong ko rin.
"Ako nga," ngumisi ito na pagka demonyo.
Umirap lang ako sa kawalan at nilagpasan siya ngunit hinawakan niya ang braso ko at tinulak kaya napaupo ako sa lupa.
Oh C'mon Jake hindi ito ang oras wala akong sapat na tulog at wala akong sapat na lakas. Kaya please lang wag ngayon—TANGINA!
Pinatayo niya ako gamit ang kwelyo ko. Saka niya ako malakas na sinuntok.
Kakasabi ko lang eh. Akmang susuntukin niya na naman ako ng sumigaw ako.
"TANGINA KA HINDI ITO ANG ORAS PARA MAG AWAY!" sigaw ko saka ako tumayo dinilaan ko ang dugo sa gilid ng labi. "NASA PANGANIB NGAYON ANG MGA BABAE NG SECTION MONSTER AT SECTION BEAST KAYA TUMIGIL KA BAKA HINDI PA TAYO TAPOS SA PAGTATALO AY PATAY NA ANG MGA BABAE LALO NA ANG KAPATID MO!"
Do'n na siya tumigil. Habol hininga akong nakatingin sa kaniya habang siya ay puno ng galit ang mata.
Well masasabi ko. Siya ang tunay na demonyo. Pero nawala naman ang galit sa mata niya saka niya inayos ang damit kong nagusot. Saka niya ako iniwan.
"SANDALI!" sigaw ko.
Saka ko siya nilingon ngunit hindi siya huminto. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya kaya napahinto siya at nilingon ako saka niya galit na binawi ang braso niya.
"Anong kailangan mo?" walang emosyon niyang tanong.
Mukhang babye pride tayo nito ha!.
"Kailangan natin ng tulong ng isa't isa," sabi ko sa kaniya kaya kumunut ang nuo niya. "Umh ang ibig kong sabihin ay—okay fine. I need your help."
Babye pride!
"What?" bingi ba 'to?
"I said I need your help," pang uulit ko.
"Ohh the scariest person in this school are begging?" pang aasar na tanong niya.
Sabi ko na nga ba at mali ang ginawa ko eh. Nawala na nga ang pride ko sa mali pa. YAWA!.
Napabuntong hininga nalang ako saka tumalikod at lumayo na roon.
"Mr. Quias," tawag niya. "Don't worry I'm with you."
Palihim akong napangiti sa sinabi niya.
"At you're back to protect you," sigaw niya ulit saka rinig ko ang yapak niya paalis.
Tumingin ako sa likod ko at wala na siya roon. Lumaki ang ngiti ko at nagtungo na ulit sa opisina ko.
. . .
CHESKA POV
Malaki ang ngiti ni Jake ng bumalik siya rito sa classroom kaya gulat kaming napatitig sa kaniya. Umupo lang siya sa upuan niya na parang hindi kami nakikita.
"Jake," tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya. Kaya tumayo ako at tumabi. Kunut nuo naman siyang tumingin sa akin.
"N-nakita mo na ba si Lyka?" tanong ko sa kaniya.
Nag alala na talaga ako sa kaibigan ko hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya roon.
"Hindi pa," tanging sagot niya.
Napatingin naman ako sa upuan ni Celine. Kahit na medyo mataray 'yon ay kaibigan ko din 'yon nag alala ako.
Napatingin naman ako sa upuan ni Lyn (Rogelyn) wala siya roon. Kaya napatayo ako. Napatingin naman sila sa 'kin. Tinuro ko ang upuan ni Lyn kunut nuo naman silang tumingin sakin.
"What are you looking at? Are you crazy?" tanong ni Jake.
Ngunit hindi ko siya pinansin at lumabas na roon. Agad kong tinungo ang classroom ng Section Monster saka ako pumasok roon.
Napatayo naman silang lahat at napatingin sa 'kin at sa may pinto kaya lumingon ako roon. Hindi ko alam na sumunod pala sila.
"What's the matter Section Silver?" tanong ni Stephan.
"Nakita niyo si Rogelyn?" tanong ko sa kanila.
"Bakit?" gulat na tanong ni Kiro. "Nasaan siya?"
"I don't know," sagot ko habang umiiling.
Lumabas naman ang Section Monster at hinanap si Rogelyn. Pati narin ang Section Silver. Ako naman ay nagtungo sa may gate baka kasi lumabas siya eh.
Napaatras ako ng may huminto na itim na van. Lumabas roon ang mga lalaking naka itim.
Akmang hahawakan nila ako ng sinipa ko ang isang hahawakan ang braso ko saka ako tumakbo palayo roon pero bwesit ang mahaba kung buhok at nahila nila iyon.
"JAKE!" sigaw ko.
Lumingon ako sa kanila at hindi na iniinda ang sakit ng buhok ko saka ko sinuntok ang isa pang lalaki at sinipa ang isa saka ko tinuhod ang manhood ng isa pa.
Ngunit nanghina rin ako ng may biglang sumuntok sa t'yan ko. Napaluhod ako. Hinila nila ako papasok ngunit bago nila ako mapasok ay may humila na sa 'kin at tinulak ako palabas kaya napahiga ako sa sahig at nag angat ng tingin.
Jake!
Kinalaban niya ang pitong lalaki. Ngunit ang iba ay pinatakbo na ang sasakyan. Lumapit naman siya sa 'kin at pinatayo ako.
"Are you okay?" tanong niya.
Tumango naman ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko pero napapikit ako sa sakit. Bullshit ang sakit talaga.
"Wag kang lalayo sa vkin sa susunod," sabi niya at kinarga ako pang bridal style.
. . .
SCRIPTINGYOURDESTINY