HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)

By chikadorang_negra

21K 3K 1K

Continuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22 More

TEASER
Chapter 395: FQ (SFD8)
Chapter 396: HAMON (SFD8)
Chapter 397: QUATRO
Chapter 398: UNO VS. QUATRO 1
Chapter 399: UNO VS. QUATRO 2
Chapter 400: NGUSO'S WISH
Chapter 401: SORRY 2
Chapter 402: PLAN
Chapter 403: PRESSURE 1
Chapter 404: FOUND
Chapter 405: GANG WAR 1
Chapter 406: GANG WAR 2
Chapter 407: OUTSIDE
Chapter 408: ABONOHAN MO MUNA
Chapter 409: OKRAYAN (SFD9)
Chapter 410: PLEASE MAMAW (SFD9)
Chapter 411: WANTAWSAN (SFD9)
Chapter 412: ARTEFICIAL 1 (SFD9)
Chapter 413: PARENG LUKE (SFD9)
Chapter 414: KU VS. UoSJ 1 (SFD9)
Chapter 415: KU VS. UoSJ 2 (SFD9)
Chapter 416: KU VS. UoSJ 3 (SFD9)
Chapter 417: KU VS. UoSJ 4 (SFD9)
Chapter 418: KU VS. UoSJ 5 (SFD9)
Chapter 419: KU VS. UoSJ 6 (SFD9)
Chapter 420: SALAMAT KUYA (SFD9)
Chapter 421: LIBRE NA LANG! (SFD9)
Chapter 422: PULANG LEON VS. KAYUMANGGING TAIPAN 1 (SFD9)
Chapter 423: GRAY WOLVES VS. BLACK MAMBAS 1 (SFD9)
Chapter 424: PULANG LEON VS.KAYUMANGGING TAIPAN 2 (SFD9)
Chapter 425: GRAY WOLVES VS. BLACK MAMBAS 2 (SFD9)
Chapter 426: PULANG LEON VS. KAYUMANGGING TAIPAN 3 (SFD9)
Chapter 427: GRAY WOLVES VS. BLACK MAMBA 3 (SFD9)
Chapter 428: PULANG LEON VS. KAYUMANGGING TAIPAN 4 (SFD9)
Chapter 429: MATA AT TENGA
Chapter 430: POSTER
Chapter 431: BATI
Chapter 432: LET'S GO BACK TO SQUARE ONE
Chapter 433: SENYAS (SFD10)
Chapter 434: PINOY BOBO (SFD10)
Chapter 435: PAGTATAKA (SFD10)
Chapter 436: SUMBONG (SFD10)
Chapter 437: CRUSH NI CJ (SFD10)
Chapter 438: PAALAM
Chapter 439: BABAY MAMAW
Chapter 440: WEIRD (SFD10)
Chapter 441: PASABOG (SFD10)
Chapter 442: LAGNAT
Chapter 443: REMOTE
Chapter 444: BANTAY
Chapter 445: BOARPHEW (SFD11)
Chapter 446: FLYING KISS (SFD11)
Chapter 447: FANS POWER REVOLUTION 2 (SFD11)
Chapter 448: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.1 (SFD11)
Chapter 449: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.2 (SFD11)
Chapter 450: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.3 (SFD11)
Chapter 451: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.4 (SFD11)
Chapter 452: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.5 (SFD11)
Chapter 453: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.6 (SFD11)
Chapter 454: HABOL (SFD11)
Chapter 455: HAGILAP 1 (SFD11)
Chapter 456: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.1 (SFD11)
Chapter 457: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.2 (SFD11)
Chapter 458: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.3 (SFD11)
Chapter 459: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.4 (SFD11)
Chapter 460: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.5 (SFD11)
Chapter 461: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.6 (SFD11)
Chapter 462: DEFEAT (SFD11)
Chapter 463: HAGILAP 2
Chapter 464: MISSION
Chapter 465: MISSION FAILED
Chapter 466: KABIBIT
Chapter 467: SINUNGALING
Chapter 468: WISHING WELL (SFD12)
Chapter 469: WISH GRANTED (SFD12)
Chapter 470: LONGING (SFD12)
Chapter 472: MABAIT (SFD13)
Chapter 473: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.1 (SFD13)
Chapter 474: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.2 (SFD13)
Chapter 475: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.3 (SFD13)
Chapter 476: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.4 (SFD13)
Chapter 477: MANOK (SFD13)
Chapter 478: AYAW MAG-PLAY (SFD13)
Chapter 479: GIRIAN (SFD13)
Chapter 480: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.1 (SFD13)
Chapter 481: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.2 (SFD13)
Chapter 482: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.3 (SFD13)
Chapter 483: TAPYAS ANG KAYABANGAN (SFD13)
Chapter 484: POST
Chapter 485: CONFESSION
Chapter 486: WELCOME HOME MAMAW
Chapter 487: AT STAKE
Chapter 488: BOA'S-EYE
Chapter 489: MARCO VS. SANTIAGO MADRIGAL 1
Chapter 490: V.I.B. (SFD14)
Chapter 491: 'YONG TOTOO (SFD14)
Chapter 492: BABY KO (SFD14)
Chapter 493: ARTEFICIAL 2 (SFD14)
Chapter 494: I AM SORRY
Chapter 495: DISCOUNT
Chapter 496: TAPYAS ANG KAYAMANAN
Chapter 497: PRESSURE 2
Chapter 498: TAMANG HINALA
Chapter 499: ANTONIO PADUA
Chapter 500: CHANGES (SFD15)
Chapter 501: TITIG (SFD15)
Chapter 502: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.1 (SFD15)
Chapter 503: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.2 (SFD15)
Chapter 504: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.3 (SFD15)
Chapter 505: GULAT (SFD15)
Chapter 506: SINGLE (SFD15)
Chapter 507: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.4 (SFD15)
Chapter 508: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.5 (SFD15)
Chapter 509: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.6 (SFD15)
Chapter 510: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.7 (SFD15)
Chapter 511: AKBAY (SFD15)
Chapter 512: NGINIG (SFD15)
Chapter 513: ANNOYED SHANE (SFD15)
Chapter 514: SALUDO (SFD15)
Chapter 515: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.1 (SFD15)
Chapter 516: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.2 (SFD15)
Chapter 517: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.3 (SFD15)
Chapter 518: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.4 (SFD15)
Chapter 519: BASHER (SFD15)
Chapter 520: INVITATION 1 (SFD15)
Chapter 521: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.5 (SFD15)
Chapter 522: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.6 (SFD15)
Chapter 523: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.7 (SFD15)
Chapter 524: INVITATION 2 (SFD15)
Chapter 525: CLOSING 1 (SFD15)
Chapter 526: CLOSING 2 (SFD15)
Chapter 527: PAKIUSAP
Chapter 528: TAMPO
Chapter 529: CLAUDIA HERNANDEZ
Chapter 530: REUNITED 1
Chapter 531: REUNITED 2
Chapter 532: REUNITED 3
Chapter 533: REUNITED 4
Chapter 534: REUNITED 5
Chapter 535: REUNITED 6
Chapter 536: DIEGO
Chapter 537: VICTORY PARTY
Chapter 538: TERNO
Chapter 539: BARS
Chapter 540: NAHULOG
Chapter 541: ESCAPADE 1
Chapter 542: ESCAPADE 2
Chapter 543: ESCAPADE 3
Chapter 544: ESCAPADE 4
Chapter 545: ESCAPADE 5
Chapter 546: ESCAPADE 6
Chapter 547: ESCAPADE 7
Chapter 548: ESCAPADE 8
Chapter 549: ESCAPADE 9
Chapter 550: ESCAPADE 10
Chapter 551: ESCAPADE 11
Chapter 552: ESCAPADE 12
Chapter 553: ESCAPADE 13
Chapter 554: RETO
Chapter 555: REPORT
Chapter 556: SALO
Chapter 557: BACK TO SCHOOL
Chapter 558: CHIKA MINUTE
Chapter 559: PAALAM
Chapter 560: BUCHOWGI
Chapter 561: KUHA
Chapter 562: FAMILY DAY
Chapter 563: ACTIVE
Chapter 564: LIBRENG PAGKAIN
Chapter 565: IT'S A TIE
Chapter 566: ALEXLESS
Chapter 567: BULILYASO
Chapter 568: PAIN
Chapter 569: SISI
Chapter 570: TIYAGA 1
Chapter 571: TIYAGA 2
Chapter 572: XIAO FAM
Chapter 573: FIRST MESSAGE
Chapter 574: PAYO
Chapter 575: ISIP
Chapter 576: SUKO
Chapter 577: PARA-PARAAN
Chapter 578: TIYAGA 3
Chapter 579: TIYAGA 4
Chapter 580: UWI NA AKO
Chapter 581: PA-GOODBOY
Chapter 582: SALISI
Chapter 583: GALIT 1
Chapter 584: GALIT 2
Chapter 585: SIDEKICK
Chapter 586: DATE MUNA
Chapter 587: LOVE AND WAR 1
Chapter 588: FIRST LOVE
Chapter 589: ALITAN
Chapter 590: LAKBAY
Chapter 591: PIGIL
SEASON FINALE
CHIKADORANG_NEGRA'S NOTE

Chapter 471: DEAL

93 16 6
By chikadorang_negra

🏰LUKE🏰

Malapit na ako sa bahay, pero magpasahanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit galit na naman sa akin si Daddy. Wala naman akong natatandaang nagawa sa kaniya na ikakagalit niya. Kung tungkol 'yon sa sakit ko wala naman silang dapat ipag-alala dahil hindi naman ako nilagnat. Maayos na maayos na ang pakiramdam ko. Handang-handa na nga ako sa laro namin bukas eh.

Kung ano man ang mangyayari bukas, bahala na si Batman doon. Basta gagawin ko na lang ang best ko, para manalo kami. Ngayon kung hindi talaga kaya, eh wala na akong magagawa ro'n. Ang hiling ko lang eh 'wag naman sana kaming matambakan. Kahit gaya lang ng masakit naming pagkatalo noong game 1.

Natanaw na ako ng guwardiya namin kaya binuksan na niya ang gate. Grabe ang kaba ko, lalo na at wala naman akong ideya kung anong mangyayari sa akin ngayon.

Bakit ba kasi siya galit?!

Pumasok na ako kaagad sa loob. Kung magtatagal pa ako baka lalo lang akong mapagalitan. "Daddy?" Tanong ko kay Yaya Eve. Tinuro niya ang sala. Base sa kilos ng mga kasama namin sa bahay, mukhang mainit nga ang ulo ni Daddy. Usually kasi, nagdadaldalan at nagkakatuwaan sila habang naglilinis. "Daddy..." Tawag ko. Nandoon sila ni Mommy nakaupo.

"Upo ka nga." Magkasalubong ang kilay niya at mukhang kadarating lang din, dahil hindi pa nakakapagbihis. Kabado akong naupo sa harap niya. "Ikaw ba Lucas talagang hindi ka nasasabihan?"

"Oh, oh," saway ni Mommy. "Kausapin mo nang maayos ang anak mo Carlos. Hindi mo kailangang magalit."

"Ang tigas ng ulo eh. Hindi nasasabihan eh, paulit-ulit na lang tayo diyan sa bwiset na 'yan."

"Ano po ba 'yon?" Takang tanong ko. Pinagagalitan na ako pero wala akong kaalam-alam kung bakit at patungkol saan. This is hilarious.

"Hindi mo alam?" Umiling ako sa tanong ni Daddy. "'Yung tungkol na naman diyan kay Audrey." Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung paano na naman siya nasali rito. "Malapit na kaming magkasamaan ng loob ni Sarah dahil diyan. Ako sa totoo lang nagtitimpi na lang ako, pero hindi na ako natutuwa na isinasama ka nila diyan."

"Ano po ba 'yon? Hindi ko naman 'yan alam."

"Ang sabi sa akin ni Sarah kanina, baka pwede raw kitang sabihan na 'wag ka na raw dumikit kay Audrey. Dahil itong anak niya kaunting pitik na lang baka sa mental na damputin 'yang batang 'yan. Naiinis na ako diyan kay Sean, honestly. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya."

"Siya nagsumbong no?" Talagang iniinis ako ng bwiset na 'yon. Ano bang paki niya? Kung lumalapit ako kay Alex? Malamang naiinggit na naman 'yon kasi ako pinapansin siya hindi.

Hindi sumagot si Daddy. "So totoo nga? Lumalapit ka nga?" Napakurap ako. Hindi ko maitanggi, dahil alam kong makakapagsinungaling ako kapag ginawa ko 'yan. "Hindi ka rin kasi nakakaintindi eh." Sumama lalo ang hitsura niya. Napakamot pa sa ulo niya. "Kaya kayo nag-aaway anak kasi hindi ka marunong magbigay."

Magbigay?

Lagi na lang bang gano'n? Kung magbibigay ako, masasanay siya na lahat ng meron ako 'pag nagustuhan niya ay ipapaubaya ko. Inagawan niya na nga ako dati eh, hindi pa ba siya nakukuntento? Kung tutuusin mababaw lang 'yon sa ganitong edad namin, pero dahil kaibigan ko nga siya big deal sa 'kin 'yon.

"Alam mo Carlos? Sa palagay ko, ang dapat mong kausapin ay sila Sarah at hindi ang anak mo." Mabuti na lang nandito si Mommy para saluhin ako. Kung wala siya, malamang hindi na naman ako makakapalag sa Tatay ko. "Kasi sila 'yung putak ng putak eh."

"Coreen hindi naman kasi sila magrereklamo, kung itong anak natin hindi na lumalapit doon sa babae. Naiintindihan ko si Sarah. Pagpalitin mo ng sitwasiyon, si Sean at Luke. Si Sean ang anak natin at si Luke ang kanila. Alam nating may anak 'yung anak natin doon sa babae. Hahayaan lang ba natin na madikit do'n sa kaibigan niya?"

"Eh bakit 'yung sa anak mo? Niloko ni Sean pero okay lang sa 'yo? Sabi mo 'wag pansinin, kasi away bata. Away bata pa ba 'to? Hindi na maganda ang ginagawa ng pamilya nila. Pinalalabas nila ngayon na ang anak natin ang masama. Kapag anak nila ang nang-agrabiyado okay lang? Kapag 'yung anak ko dapat sabihan? Eh bakit hindi si Sean ang disiplinahin nila ng maayos?"

Tama...

"Hindi naman sa gano'n, Honey," katuwiran ni Daddy. Silang dalawa na ang nagtatalo dahil sa bwiset na sumbong na 'yan. May point naman si Mommy eh. Hindi naman na dapat kami nasasama diyan sa gulo na 'yan. "Ang sa akin lang, tayo ang mas nakakaintindi kaya tayo ang uunawa, tayo ang iiwas para walang gulo. Nakukuha mo ba ang sinasabi ko? Ang gusto ko lang, lumayo na ang anak natin doon sa babae para hindi na siya nadadawit. Baka mamaya makarating kay Papa 'to eh."

"Eh ano ngang gagawin mo? Kung 'yung babae ang lumalapit sa anak mo?" Nagulat ako nang balingan ako ni Mommy. "Sino ang lumalapit sa inyo? Kasi ang sumbong sa amin nakikita raw kayong magkasama eh. Sinong lapit ng lapit?"

"Pareho kami," sagot ko. Ayokong sabihin na si Alex lang, dahil baka sugurin siya ro'n ni Mommy. Alam ko namang hindi siya aawayin ni Mommy, kakausapin lang siguro.

"See?" Nakataas ang isang kilay niya nang lingunin ang Tatay ko. Mainit talaga ang ulo niya. "Sa bibig na ng anak mo nanggaling Carlos, hindi lang siya ang may gusto non. Ano bang magagawa natin kung ayaw na ni Audrey sa anak nila? Hindi na natin problema 'yon, dahil alam naman natin na sila naman talaga ng anak mo ang mag-on right? 'Yang anak ni Sarah ang nagpaecheng eh, tapos ngayon siya pa feeling inagawan." Hindi na sumagot pa si Daddy. Malamang alam niyang walang patutunguhan ang usapang 'to kung magsasalita pa siya. Mag-aaway lang sila ng mag-aaway. "Base sa nakikita ko Carlos sila ang may problema rito, hindi na 'yung bata. Kasi nakasama natin si Audrey, hindi naman siya gano'n okay naman. Pero nang mapunta sa kanila ang dami nang naging problema."

"Hindi natin kilala ang batang 'yon. 'Wag niyo siyang tignan na parang ang bait-bait niya, dahil ikaw na nga ang nagsabi, niloko nila ang anak natin. Kung ang batang 'yon matino, bakit niya 'yon gagawin? Ginusto niya rin kasi, at ngayon kung kailan maayos na ang lahat 'tsaka bumabalik. Para ano? Manggulo ulit?" Kami naman ni Mommy ang natameme. May punto naman kasi sila, pero may hindi kasi sila naiintindihan. "Kaya hindi ako sang-ayon diyan sa paglapit-lapit mo Luke. Nagawa niyo noon, magagawa niya ulit 'yon ngayon. Para sa 'yo ang ginagawa namin anak, kaya pakiusap lang makinig ka naman. Kapag nakarating 'to sa Lolo mo kami ng Mommy mo ang malilintikan. 'Wag ka ng lalapit doon, pakiusap anak. Madala ka naman."

"Daddy hindi naman kasi si Audrey 'yung sinasabi niyo." 'Yan ang ayaw nilang itatak sa isip nila kaya kami nagkakagulo. Alam kong mahirap intindihin pero kung iisiping maigi wala namang masama sa ginagawa namin ni Alex. Gusto ko lang naman siyang makaclose kasi nga gusto ko siya.

"'Yan na naman tayo eh. Ipinipilit mo na naman 'yan, eh ang sabi ng Tito Raymond mo siya raw 'yon eh. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa. Naririndi na ako sa inyo."

Napayuko ako. Naiinis ako kay Sean, dahil napakasama ng ugali niya. Talagang ayaw niya akong tigilan. Sinasagad niya talaga ang pasensiya kong latak na nga lang ang natira.

"May pasok kayo ng Sabado 'di ba?" Tanong sa akin ni Mommy. Walang gana akong tumango. "That's good, pupuntahan kita sa Sabado." Gulat akong lumingon sa kaniya. "Gusto kong makausap ang batang 'yon."

Lagot na...

🏰ALEX🏰

Hindi ko maintindihan kung bakit parang gusto ko na namang mahanap ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang 'yon sumagi sa isip ko kanina. Nalulungkot ako, kasi 'yung ibang bata kasama nila ang totoo nilang Mamaw, samantalang ako nakiki-Mamaw lang.

Naiinggit na naman ako sa walang kakuwenta-kuwentang bagay. Hindi ko naman na 'yon dapat problemahin, dahil may Mamaw at Papa naman ako. Pero naiisip ko pa rin, kung nasaan kaya sila. Naiisip kaya ako ng mga pangit na 'yon? Alam kaya nilang may isang palangusong gusto silang makita?

Kapag nakita ko ang dalawang 'yon, babasagin ko ang bungo nila. Pag-uuntugin ko silang dalawa. Aanak-anak tapos hindi naman pala nila kaya. Kailangan nila akong bayaran ng malaki-laki.

Isa pa 'yang Mamaw ko na 'yan. Hindi man lang ako nitatawagan. Namimiss ko tuloy siya. Hindi man lang ako textan. Kapag siya talaga hindi umuwi bukas, papalitan ko na siya. Makikipag-Mamaw-reak na ako sa kaniya. 'Yung babae kanina sa Yabeeyabee, 'yon ang ipapalit ko sa kaniya. Mukhang rich baby rin kasi 'yon eh.

Nandito ako sa kuwarto at hindi pa lumalabas mula kanina. Ayaw kong makita ang Eric na 'yan. Niaasar niya ako kanina, kaya sila Darylle nikakantiyawan ako. Hindi ako natutuwa sa nigawa niya. Masiyado na siyang nakikialam sa life-life yow ko.

Wala rin naman akong maitutulong sa labas, dahil mabait lang naman ako at hindi ako masipag. Bahala na si Eric diyan, kayang-kaya na niya 'yang pokpok na 'yon. Bahala na sila sa buhay nila. Magsama sila kung gusto nila.

Napapagod na akong makipagpasiklaban sa mga talunan. Hindi naman sila mananalo sa akin eh, kasi ako ang bida rito. Bidang walang magulang.

Nakakatawa...

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. "Ganda?" Ang bwiset na 'yan, sasapakin ko na talaga siya 'pag hindi niya pa tinigilan ang pagpapapangit sa harap ko.

"Ano na naman?" Nag-galit-galitan ako. Akala niya nakalimutan ko na 'yung nigawa niya sa akin kanina. Bwiset silang lahat, nipagtatawanan nila ako.

"Kakain na tayo."

"Ayaw ko!" Napatingin ako sa pinagkainan ko. 'Yan ang rason kung bakit hindi ako gutom. Ang Yabeeyabee ang sumaklolo sa akin. Buti na lang binitbit ni Darylle 'yan kanina. The Best Babe talaga siya. Wala siyang katulad sa kabuglatan.

"Bakit? Kakain na tayo."

"Ayaw ko nga!"

"Alex bakit ayaw kumain?" Narinig ko ang boses ni MU. Nibuksan pa nila ang pinto kaya naabutan nila akong malapit nang magsleeping ugly.

"Niaantok na ako." Gusto ko nang matulog, pero hindi mawala-wala sa isip ko ang mukha ng babae kanina.

"Kumain ka na, halika na." Nibubuhat na ako ni MU.

"Mother Uji nukain na ako. Ayon oh," nituro ko ang nipagkainan ko.

"Ay susmaryosep parang kinainan ng pusa." Natawa na lang ako habang nihahantay si MU na ligpitin ang pinagkainan ng palangusong uod. Akala pa ni MU pusa, hindi niya alam uod lang kumain diyan.

"Mother Uji si Mamaw hindi nutatawag sa 'yow?" Dumapa ako at nangalumbaba. Niirapan ko si Eric. Nakasmile na naman siya habang nakalook sa akin.

Kainis...

"Hindi po, may problema kasi kami ngayon. Hindi ko pa nga nasasabi sa Mamaw mo."

"Ano 'yon?" Nginusuan ko si MU para sabihin niya sa akin kaagad. Natawa pa siya sa sobrang cute ko.

"May kumakalat kasing video si MO eh. Kadarating lang nila ngayon sa Pinas. Nauna sila dahil mas malapit ang pinag-ganapan ng event na sinipot nila. Ang sabi ni MO pinabura niya na raw 'yon, kahapon pa raw 'yon pero may nag-upload ulit ngayon."

"Tungkol saan 'yon?"

"Basta," sabi niya. "Ayaw mo na talaga kumain?"

"Baka paghugasin niyo ako eh." Natawa ako.

"Halika na, ako maghuhugas."

"Ayaw ko," umiling ako. Baka maging isa na akong dambuhalang uod kapag kumain pa ako. Hindi na ako baby kapag nag-grow up pa ako. Baka maging fluffy'ng uod na ako, at ipagpalit na ni Mamaw sa ibang Baby.

"Sure ka?"

"Yes yes yow!"

"Sige na, good night." Nipatay na ni MU ang ilaw.

"Good night Ganda," sabi ni Baby. Palihim akong napangiti, mabuti na lang at madilim, hindi niya makikita ang kacutean ko.

Nikikilig akong umayos ng pagkakahiga. Iniisip ko kung anong gagawin ko bukas. Kailangan masabihan ko sila Papa na maghanda kasi winner na ako bukas eh. Yayabangan ko talaga si Mamaw pag-uwi niya. Ako winner siya hindi.

Napangiti ako habang iniimagine ang sarili kong nagjajump para kumuha ng mga balloons na nahuhulog mula sa roof. 'Yon ang premyo ko dahil sa pagkawinner ko. Habang nagjajump ako ay nagjajump din ang mga b**bie ko, tapos makikita ni Eric ang mga 'yon.

Ay...

Parang hindi na yata pang-Baby 'yon...

Si Darylle na lang ang makakakita, tapos maiinggit siya sa akin kasi ako may b**bie siya wala. Dahil doon, susugurin niya ako at puputukin ang mga balloons ko. Iiyak ako tapos darating si Super Mamaw para ipagtanggol ang kaawa-awa at walang kafight-fight na si Boss Baby Uod na rich na baby pa. Siyempre, hindi papatalo ang Reyna ng mga bubuyog. Ipagtatanggol niya ang bunso niya, kasama ang kaBIBIt niyang si Pañero.

Siyempre, darating ang Papa Mambs ko para tulungan ang Mamaw ko. Nilabanan namin ang mababaho hanggang sa madeds na silang lahat sa akin.

The end...

Ang galing ko 'di ba?

Hihihi...

Proud na proud ako sa sarili ko, dahil isa na namang makasaysayang bagay ang nagawa ng nag-iisa at walang katulad na ako. Kung maririnig ni Mamaw ang kuwento ko, tiyak mahahappy na naman siya.

Kapag nakita ko ang mga true kong magulang, pagseselosin ko sila, sa pamamagitan ng pagkiss kina Mamaw at Papa habang buhay. Tapos sasabihin ko, ako nga pala 'yung nipabayaan niyo.

Ang ganda ng revenge plan ko no?!

Panis na naman kayo sa akin...

Nabuo ko ang plano ko nang walang kahirap-hirap. Bumuo pa ako ng pangmayabangang linya na tiyak na makakapagpabago sa mababaho nilang buhay. Inabot din ako ng ilang oras sa pagpaplot, hanggang sa maramdaman ko ang bagay na hindi ko naman dapat maramdaman.

Hungry...

Worm...

Nakanguso akong bumangon mula sa pagkakalay down. Hindi ko kayang tiisin ang kahungryhang nararamdaman ko. Tinignan ko ang orasan kaya nakita kong late na. Napailing ako, dahil dapat 'pag ganitong oras tulog na ang mga baby.

Tsk tsk tsk...

Binilisan ko na ang paglabas at naghanap ng malalamon. Mabuti na lang meron pang adobo sa mesa. Oink-oink nga lang 'yon at hindi tik-tik-tilaok, pero pwede na. Ang importante makakain ako, bago pa ako maging isang dragonworm sa sobrang hungry.

Nidamihan ko ang kanin at tubig para hindi na ako babalik. Kapag hinanap nila ang ulam bukas sasabihin ko na lang kinain ng meow-meow. Tutal naman akala ni MU kanina meow-meow ako.

"Sean?" Narinig ko ang boses ng pokpok. "Is that you?"

Napangiwi ako at napatanong sa sarili ko kung mukha ba akong espasol? Para akalain niyang ako ang pangit na 'yon. "Meow..." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya nang makita ako. Napatingin pa ako sa b**bie niya, wala kasing suot na br* kaya bakat na bakat ang panusok na ginagamit ding pandepensa.

Napangiwi rin ako. Grabe naman ang babaeng 'to, kung nagkataon pala na ako si Sean talagang ipapakita niya sa akin 'yan? Nakakadiri siya. YUCK!

"Buti naman at gising ka," mataray niyang sabi. Aba, 'wag niya akong iinisin ngayong gutom ako, baka siya ang kainin ko. "Makakapag-usap tayo." Naupo siya sa harap ko. "Babae sa babae ang usapang 'to."

"Baby ako," pagtataray ko.

"Tigilan mo nga 'yang kaartehan mo."

"Mag-iinarte ako hangga't kailan ko gusto." Pinaiinit niya ang ulo ko.

"Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Sean sa 'yo."

"Maganda kasi ako." Lumalabas na naman ang sungay ko. Pakiusap, ilayo niyo sa akin ang pokpok na 'to.

"Magaling naman ako."

"Hindi ko naman tinatanong." Hindi ko alam kung anong magaling ang sinasabi niya. Pero magaling din naman ako sa lahat ng bagay, kaya sure akong kaya kong higatan ang kaya niya. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na. "Walang may pake," mabilis kong sabi. "At walang magkakaro'n ng pake." Inis akong tumayo at tinakpan ang pagkain ko. Nawalan na ako ng gana. Napakaepal ng babaeng 'to.

"Ako pikang-pika na ako sa 'yo at sa kaartehan mo." Hinarangan niya ang dadaanan ko. "Pasalamat ka alam kong mabait ang Nanay mo."

"Palusot, ang sabihin mo takot ka sa Mamaw ko, kasi alam mong kayang-kaya ka niyang gantihan kapag inaway mo ako."

"Nakikipag-usap ako sa 'yo nang matino ah?"

"Paano 'pag ayoko?"

"Hihingi lang ako sa 'yo ng pabor."

"Ayaw ko nga."

"Ayaw mo kay Sean 'di ba?"

"So?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kahit ayaw mo sa kaniya, 'wag kang aalis dito. Kasi kapag wala ka rito hindi rin siya umuuwi."

"Oh tapos?"

"Itaboy mo lang siya ng itaboy. 'Yon lang..."

"Ano namang mapapala ko kung papayag ako?" Siyempre dapat may kapalit dahil wala ng libre ngayon.

"Hindi ko na kayo guguluhin ni Eric. In return, 'wag niyo rin kaming guguluhin ni Sean. Simple as that."

"May gusto ka ba ro'n?" Napangiwi ako. Ano naman kayang nagustuhan niya sa espasol na 'yon? Eh ang baho naman non.

"It's none of your business my dear." Inayos niya pa ang gula-gulanit kong buhok. "Mabait ako Alex, hindi lang halata pero mabait ako. 'Wag mo lang akong kakantihin dahil pumapalag talaga ako."

"Ako rin, hindi ako magandang kaaway. Talagang iiyak ka sa akin sa sobrang inis."

"I know, ang galing mo mang-asar eh."

"Thank you..." Ngumiti pa ako.

"So deal?" Inabot niya pa sa akin ang kanang kamay niya. Tinignan ko 'yon dahil pinag-iisipan ko ang alok niya. Kung papayag ako, wala namang mawawala dahil tinataboy ko naman talaga ang espasol na 'yon. Hindi na raw niya guguluhin si Eric, 'yon ang pinakamaganda ro'n.

"Deal," sabi ko. Pero imbes na kamayan siya ay hinampas ko lang 'yon nang malakas, kaya napaupo siya sa sobrang sakit at pagkagulat. Tatawa-tawa akong pumasok sa loob ng kuwarto ko. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko, pero sinipul-sipulan ko na lang. Senyales lang 'yon na kayang-kaya kong baliin ang kasunduan namin ano mang oras, nakatalikod man siya o nakaharap. Kaya ayos-ayusin niya lang, dahil hindi ako magandang kaaway.

Pangit...

Sobrang pangit at pinakapangit na kaaway sa buong mundo!

__________________________________

A Philosopher once said:

"'Wag niyo siyang tignan na parang ang bait-bait niya, dahil ikaw na nga ang nagsabi, niloko nila ang anak natin. Kung ang batang 'yon matino, bakit niya 'yon gagawin."

Carlos
__________________________________

CHIKADORANG_NEGRA

Continue Reading

You'll Also Like

127K 3.4K 38
I'm just a nobody... But then, I met people that changes my life. I'm just an ugly nerd... But they say, people change, and so do I. Started: August...
68.1K 5K 17
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...