Fall For Me, Eris Abreo (GxG)

By Azshura

42.5K 2.8K 306

"I don't do commitments" Linya ng magandang babae na walang ibang ginawa kundi ang ireject ang mga lalakeng... More

Chapter 1: Meet Us
Chapter 2: Plato
Chapter 3: Sexy Kitten
Chapter 4: The Deal
Chapter 5: Sensei
Chapter 6: Pashpash
Chapter 7: Kanal
Chapter 8: Got A Perfect
Chapter 9: Date (1)
Chapter 10: Date (2)
Chapter 11: Buwan ng Wika
Chapter 12: Harana
Chapter 13: Wholesome Day
Chapter 14: Sick Kitten
Chapter 15: Byahe
Chapter 16: Siargao (1)
Chapter 17: Siargao (2)
Chapter 18: Siargao (3)
Chapter 19: Siargao (4)
Chapter 20: Siargao (5)
Chapter 21: Death Anniversary
Chapter 22: Secret Place
Chapter 23: Corteza Family
Chapter 24: Quarrel
Chapter 25: Make out/up
Chapter 26: Balancing
Chapter 28: Tahanan
Chapter 29: Eight Letters
Chapter 30: Victory Ball
Chapter 31: Reason
Chapter 32: Next Plan
Chapter 33: Don't Mess w/ Me
Chapter 34: Dalawang Utos
Chapter 35: Exam Day
Chapter 36: Short Vacay (1)

Chapter 27: Ms. Intramurals

1.1K 86 12
By Azshura


Mori's PoV



Chineck ko yung phone ko after makalabas ng shower room. Nagtext si Kuting na magsisimula na daw yung pageant at need niya akong makita before start. Agad akong napatakbo papunta sa art center. Hindi ko na napansin yung oras. Almost eight na pala.


"Mori saan ka!?" Tawag ni ate Sue.


"Magsisimula na yung pageant!" Sigaw ko pabalik ng hindi humihinto sa pagtakbo. Marami paring tao sa campus dahil may event nga. Dahil nga sa maypagka-tanga ako ay ulit sa pagmamadali ko, may nabangga ako.


"Hala sorry!" Agad kong sabi.


"No it's o- Mori?" Sino ba naman ang magaakalang siya nanaman ang mababangga ko at this time nahulog yung drink niya.


"Nikki?"


"Nagmamadali ka nanaman?" Natatawa niyang tanong.


"Oo eh sorry uhm ililibre nalang kita sa susunod. Mauuna nako ah." Seryoso, kailangan ko nang umalis dahil nagiintay si Avi sakin. Kumaway ako para magpaalam nung pigilan niya ulit ako.


"I won't let you go without asking your number again. Paano ako makakasigurado na ililibre mo ko." Inabot niya ang phone niya habang may pilyang ngiti. Kung sabagay may tama naman siya. Kinuha ko ito at agad na tinype ang number ko.


"Magpakilala ka muna." Paalala ko at binalik na yung phone.


"Of course. Go na." Pagtataboy niya sakin. Napangiti ako dahil mukhang makakasundo ko talaga siya.


"Thanks! Di ka manonood?" Tanong ko habang papalayo. Umaatras lang ako.


"I will later." Kumaway na din siya at nakasimangot na tinuro yung natapon na inumin niya. Pinagdikit ko yung dalawa kong palad bago bumigkas ng sorry. Hindi nako sumigaw dahil medyo nakakalayo nako. Tumango naman siya.


"Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Nakangiti niyang paalala. Nagthumbs up ako at tumalikod na nga. Nagmadali na ulit akong tumakbo at pumasok sa backstage ng AC. Hinanap ko agad yung sa department namin. Ang daming tao dito. Una kong nakita si Jun. Ang gwapo niya ngayon. Kahit may something akong kulo dito na appreciate ko naman itsura niya.


"Eris! Andito na antidepressant mo." Tawag sa kanya ni ate Chi nung makita ako. Dumako ang tingin ko sa napakagandang babae na sobrang ganda sa ayos niya. Medyo curly yung hair niya at mas lalo siyang tumangkad dahil sa heels. Kahit naka jeans at yung department shirt lang na tinali para magmukhang crop top ang suot niya ay ang lakas parin ng dating. Labas yung abs niyang nakakapanghina. Tangina ang hot ni Kuting ko.


"You are late." Bungad niya sakin habang nakakunot yung noo.


"Eris sa labas na kami magiintay ah. Come out in five minutes." Paalala nina ate Roseann at nauna na nga silang maglabasan. Siguro pupunta din ang ilan sa audience para makita yung buong magaganap tapos yung iba maiiwan sa backstage para tumulong.


"Sorry Avi. Ngayon lang natapos praktis."


"Really?" Paguusisa niya.


"Kailan ba ako nagsinungaling?" Ngisi ko at mas lalong lumapit sa kanya.


"Fine pero bakit pawisan ka?" Pinunasan niya gamit ang likod ng kamay niya yung tumulong pawis sa gilid ng noo ko.


"Tinakbo ko mula court papunta dit- Teka nga. Andito ako para sayo. Ano yung sinabi ni ate Chi ah?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Nakita ko ang pagbalik nung kaba sa mga mata niya.


"Need lang kita makita bago ako sumalang." Pagbubuntong hininga niya.


"Why? Kinakabahan ba si Avianna namin?" Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Malamig at mukhang kabado talaga siya. Hindi ko alam na marunong pala siyang kabahan. Ang cute lang kasi ang confident niya lagi pero ngayon namukha siyang kawawang pusa.


"Is it bad if I am?"


"Nope. It's okay dahil normal naman na kabahan ka. Isipin mo lang na andito kami ng barkada para suportahan ka." Binigay ko ang pinakasincere na ngiting maibibigay ko sa pagkakataon na'to. I think nakatulong naman dahil nagsoften yung kunot ng noo niya. Nakatitig lang siya sakin. Nagmukha akong mas maliit dahil ang taas niya. Nakatingala lang ako sa kanya habang siya nakayuko sakin.


"Can I hug you?" Out of nowhere niyang tanong. Medyo na caught of guard ako pero naprocess ko din naman agad. Siguro nasasanay na din ako sa pasulpotsulpot niyang clingy side.


"Sure let me hug my kitty." Malambing kong sabi. Binuksan ko ang dalawa kong braso para i-welcome siya. Naglean naman siya agad para yakapin ako. Yung yakap na ramdam ko ang pagrelax niya pero ako naman yung kinabahan dahil sa lakas ng heartbeat ko. Yung effect niya sakin di parin nawawala. Forever na siguro to.


Dahil nga sa mas matangkad siya sakin ngayon, medyo sa dibdib niya ako nakayakap. Dinig ko yung pintig ng puso niya na parang musika sa tenga ko. Akala ko ako lang yung may malakas na kalabog ng dibdib. Para bang sumasabay ito sa bawat isa. Gusto ko na talaga ang babaeng to- Mali, mahal ko na yata.


"Thank you puppy sensei." Ang tono ng pagkasabi niya nung endearment sakin ay nakakatunaw. Yung lambing niya dilikado sa puso.


"Welcome my sexy kitten." Bulong ko pabalik. Humiwalay na kami sa yakap. "Now go and make them see the girl that I fell for." Hinawakan ko ang pisngi niya at tinignan siya ng diretso sa mata. Tumango naman siya habang nakangiti. That smile na nakakabuo ng araw ko. Hindi kami nagkita buong araw dahil sobrang busy niya at ako din sa praktis.


"Baka mas maraming mainlove sakin. Dadami karibal mo." Natawa naman ako sa sinabi niya.


"Asa sila. Hanggang tingin lang sila sayo no. Ako lang Mori Sein Corteza sa mundo na may right para ligawan ka at maging jowa mo. Said by the famous heart breaker na si Avianna Eris Abreo." Confident kong sagot kaya napatawa na din siya. New occupation ko na talaga ang patawanin siya at maganda naman ang sweldo kung nakikita ko siyang masaya diba.


"Right. My bad for forgetting." Pinisil niya lang yung magkahawak naming mga kamay.


"Dapat lang."


...



Sue's PoV



Nauna nang umalis si Mori dahil pupuntahan pa daw niya si Eris. Tinawagan ko naman si Irene para malaman kung andun na din siya sa AC.


"Hello bear?" Ang ingay sa background.


"Lov andyan ka na?"


"Yeah I reserved us a seat."


"Punta na kami nina Lisa diyan."


"Wait lang Sue pupunta muna ako ng office. Tumuloy na kayo dito."


"Intayin nalang kita sa building." Madilim na sa mga rooms at third floor pa yung office.


"Okay sabihan mo sina Lisa na mauna na dito. Andito na sina Dory at Jen." Gaya nga ng sabi niya, pinauna ko na yung tatlo sa Art Center. Sa entrance ng building na ako nagintay. Ilang minuto din bago siya dumating. Malayo palang ay pansin ko na ang malapad niyang ngiti. Sinalubong ko siya ng yakap. I miss my bunny.


"Hello there Bear." Malambing niyang bati.


"I miss you."


"I miss you too." Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang kamay niya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa office.


"Anong kukunin mo sa taas?" Pagtataka ko.


"Importanteng bagay lang." Nauuna siyang maglakad habang hila-hila ako. Ang dilim ng ibang room. Wala na ding mga studyante akong nakikita pagdating namin sa second floor. Umakyat pa kami sa third at ang creepy tignan ng hallway. Nakakapit lang siya sakin habang dumadaan kami. Paano nalang kaya kung siya lang nagpunta dito. Nakapasok naman kami sa office ng buo at buhay. Si Irene ang nagsara ng pinto. Nauna akong maupo sa sofa. Akala ko pupunta siya ng office niya pero nabigla ako nung nilock niya yung pinto.


"Bakit mo ni lock?"


"What do you think?" Pilya niyang sagot. Sa ngiti niya palang alam ko na agad ibig sabihin. Lumapit siya sakin at naupo sa lap ko. Tangina nakakaakit yung mga tingin niya.


"Namiss mo talaga ako?" Almost five days na kaming hindi masyadong nagkakasama. Ibig sabihin walang make out o gaanong intimate moments. Busy kami pareho sa kanya-kanya naming gawain. Dumagdag pa yung pamatay na training ni ate Yuri.


"Super. Namiss ko yung yakap mo, that cute smile, your lips, lahat na." Yumakap siya sakin at sumubsob sa may leeg ko. Kanina ang sexy niya pero ngayon ang cute naman. Nakakabaliw maging jowa si Irene. Package na sa swerte at nasabi ko na ba na ang clingy niya?


Niyakap ko siya sa bewang at mas lalo siyang hinapit sakin.


"I miss my beautiful girlfriend so much too." Lumayo siya sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mata. Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa mapupula niyang labi. I initiated a kiss na agad niya namang ginantihan. Nagmamake out kami sa loob ng student council not to mention na siya yung president. Bad girl Irene sounds so hot.


"I love you." Nasabi ko nalang matapos namin maghiwalay sa halik.


"I- " Mukhang hindi niya ineexpect yung sinabi ko. Ngayon na nabanggit ko to. Hindi pa nga pala kami nakakapag I love you simula nung naging kami. Siguro maaga pa?


"It's fine. Makakaintay naman ako hanggang masasabi mo na pabalik." Hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang sabihin yung nararamdaman ko kasi pakiramdam ko sasabog na ako pag di ko pa sinabi. Humalik siya sa pisngi ko bago ngumiti ng kay tamis. Ang bilis ng heart beat ko parang aatakihin ako sa puso.


"Thank you bear."


...



Mori's PoV



Naupo na ako sa tabi nina Dory. Wala pa si ate Irene dahil may ginagawa pa daw pero siya nagreserve samin ng upuan. Again, perks of being friends sa student council president. Nasa VIP seat kami. Punuan nga yung AC dahil may mga outsiders din na nanonood. Nagstart na yung pageant at pota ang gaganda nilang lahat pero mas maganda parin talaga si Avi para sakin.


Ngayon na mas nakikita ko na magkasama sila sa pagrampa, hindi ko makakaila na may chemistry sila as partners. Sa pagngiti nila ay mababakas mo talaga ang professionalism. Dumako sa talent portion at interpretative dance yung gagawin nila in a concept of romantic childhood friends. Alam ko na performance lang to pero nabobother ako sa nakikita ko. The way hawakan ni Jun in an intimate way si Avi, yung pagtingin niya dito at ang pagngiti rin ni Avi sa kanya na parang nilagay niya ang mga bituin sa langit. Yeah selos na kung selos pero di ko mapigilan though na appreciate ko naman yung sayaw nila. It's sweet, full of emotion at mararamdam mo talaga kung anong gustong ipahiwatig ng sayaw. Sa tingin ko nga panalo na sila dito.


Naririnig ko yung mga tao na mukhang kinikilig sa kanila.


"Wow ang galing nila." Mangha na sabi ng katabi ko.


"Magaling naman talaga si Eris. I'm more surprised that Jun can keep up." -Ate Jen


"True kaya idol na idol namin yan si madam." -Aria.


"They mukhang good na partners naman." Komento ni conyo queen.


"Ang tahimik ng manliligaw." Ako pa talaga ang napansin ni Pam.


"May naaamoy akong selos." Gatong pa ni Marga. Pota.


"Mori is jelly jelly." Tukso naman ni ate Lisa na binatukan ni ate Bear na nasa left ko. Napanguso ako at kumapit sa braso niya.


"Ate oh inaaway nila ako." Sumbong ko.


"Chong tangina masakit." Reklamo ni ate Lisa. Nakaupo sila sa harap namin at katabi niya si ate Jen sa right tapos si ate Bituin sa left na kasama din ang jowa niyang si ate Hana. Magkopol yung nasa left and right ko. Di pa nakontento pati sa harap ko rin. Napapagitnaan ako ng mga hindot.


"Stop it kids." Saway ni ate Irene. Yiee my parents.


Nagpatuloy na yung contest. Siyempre panay sigaw ko sa tuwing si Kuting na ang lalabas. Gumawa pa nga ng banner ang department namin. Nakakaproud na makita siya sa stage na sobrang ganda. Minsan napapaisip nalang talaga ako kung paano ko siya napasangayon dun sa deal namin. Panay kuha ko ng picture niya. Dala ko na talaga dslr ni ate Bear cause my Avi deserves good quality pics.


From sports attire, long gown to Q and A plakandong-plakado. Yung question niya is about Economy at nasagot niya ito ng sa tingin ko ay pabor sa judges. Aware ako na matalino si Eris sa simula pa lang. The way na madali niyang maintindihan yung lessons, alam ko na agad na magpinsan nga sila ni ate Irene. Magaling din si Jun at mukhang lamang din siya sa mga lalakeng contestants. Nasa pagitan lang ng CAS at department namin ang nakikita kong close yung labanan. Finally, oras na para i-announce yung Mr and Ms. Intramurals.


"For the Ms. Intramurals 2021" *Drum rolls* "Congratulations to candidate number one, Avianna Eris Abreo from the CBA department. Around of applause." Shit! Napatalon ako sa saya. Pati sina Aria na kumakain natapon yung popcorn.


"KAIBIGAN NAMIN YAN!" Sabay-sabay nilang sigaw. Ang lakas ng hiyawan mula sa mga nanonood na ka department namin. Nakita ko ang pagtingin niya sa direksyon namin. Di ako sure kung sakin siya diretsong nakatingin pero ang laki ng ngiti niya. That smile na parang nagsasabing 'I made it.' Nakangiti na ako pero mas lalo akong sumaya nung makita ang ngiti niya. Kinikilig ako mga bakla!


It turns out na si Jun din ang nanalo sa Mr. Intramurals kaya mas lalong nagbunyi ang mga kasama namin. Sa tingin ko deserve niya naman. Sinuot na yung korona at yung sash. Ang ingay ng mga tao. Hindi ko alam kung sino yung mga sumisigaw kasi medyo madilim pero I think mga college at outsiders yun.


"SANA ALL!" Rinig kong sigaw nung isa.


"KISS!!!" Pota? Shiniship yata silang dalawa. Binigay ng emcee ng mic sina Avi at Jun para sa victory speech. Naunang magsalita si Jun.


"Thank you sa lahat ng tumulong sa preparation at sa faculty ng Engineering at business department. Sa partner ko congratulations sayo Eris." Ang tamis ng ngiti ni gago. Yung mga tao tili ng tili. Hindi kasi nila alam. Sa tingin ko ang mga taga campus lang siguro ang nakakaalam ng tungkol samin.


"KISSSS!" Sigaw ulit ng mga manok.


"Uhm hindi po kami."


"HALATANG GUSTO MO SI MS. ERIS!" Boses yata nina Jay yun barkada ni Jun.


"I am in love with her." Pagaamin niya sa harap ng maraming tao. Nabaliw nanaman ang lahat. Ramdam ko yung mga tingin sakin ng mga kasama ko. Hindi ko na sila pinansin. Ang tanging tinitignan ko ay ang babaeng seryoso lang ang mukha na nakatingin sa kasama niya. Parang nababasa ko na nasa isip nito. Nakalimutan ko yata na may galit hanggang buto si Avi sa kanya.


"KAYO NALANG!" Another stranger na mula sa audience.


"BAGAY KAYO"


"KISS!" Putangina sino ba yung sumisigaw ng kiss.


"JURIS! JURIS!" Chant ng mga baliw. Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Mahuhurt o matatawa.


"TANGINA ANG HIHINDOT NIYO!" Napatingin ako sa sumaway na si Pamela. Pinigilan naman siya ni Aria. Akala ko para awatin pero siya pa mismo tumayo.


"ANG PANGET NG FANDOM NIYO!" Sabay middle finger. Nagsitawanan ang barkada sa ginawa nya. Napangiti din ako kasi ang kakapal parin talaga ng mga mukha nila. Natigil lang ang sagutan nung magsalita na si Avi.


"I'm sorry to break it to you guys pero may nanliligaw na sakin." Seryoso lang yung tingin niya sa lahat. Nawala na yung ngiti dahil sa panalo nila. Ramdam ko hanggang dito sa kinauupuan ko yung inis sa mga mata niya.


"AW" Sabay nilang panghihinayang.


"NANLILIGAW PA NAMAN! MAY CHANCE PA KAMI!" Hindi ko alam kung sino yun pero nakakainis na ah. Mabait akong tao pero marunong ako manggulpi. Alagad yata to ni Jun.


"It's up to me to choose kung sino ang manliligaw sakin at pag sinabi kong siya lang, siya lang. Again, I don't like Jun. Stop creating a ship that does not exist." Ngumiti siya ulit pero yung ngiting alam mong maypagbabanta. Nakita ko rin ang panlulumo sa mukha ni Jun. Buti nga sayo. Tigas kasi ng skull. After niyang sabihin yun ay wala nang umangal pa. Nagpatuloy na siya sa speech niya.


"Gusto lang magpasalamat sa taong nagudyok sakin na sumali. Wala talaga akong plano na sumali dito but because she encouraged me, I had the drive to give it a shot. Thank you sensei." Tumingin siya sa direksyon ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. Yung ngiti na hindi niya binibigay sa iba. Yung alam kong sakin lang. Tangina kinikilig ulit akoooo.


"Ang daming langgam dito." Pagpaparinig ni ate Bear.


"Kopol of the year." Sundot ni Dory sa tagiliran ko. Mga gago talaga.


Natapos na ang pageant at nagpicture taking na kami. Siyempre mayroong yung kami lang at mukha siyang literal na kuting nung pinakita sakin ang korona. Bakit ganun? Parang nagreverse yata HAHA.


"Congratulations Avi." Sinalubong ko siya ng yakap after niyang makabihis. Nakahoodie lang siya at track pants tapos tsinelas pero ang cool parin ng dating.


"Thanks Mori." Yumakap din siya pabalik. Nasa labas ng gate nagiintay ang iba para sa after celeb namin. Konting kainan lang naman na libre ni ate Irene. Financer namin since day 1.


"Sabi sayo eh sure na panalo." Kumalas ako sa yakap at kinuha yung bitbit niyang bag. Hinawakan ko naman kamay niya gamit yung isa kong kamay. Naglakad na kami palabas. Kasama sa celebration si ate Chi at Jennie. Ininvite naman namin si Jun pero tumanggi na siya.


"Sorry nga pala dun kanina." Bakas yung concern sa boses niya.


"Sa audience?" Tumango naman siya sa tanong ko.


"It's fine, di mo naman kasalanan. Medyo nakaramdam ako ng inis pero nawala naman lahat nung makita ko yung ngiti mo sakin." Malambing kong sagot. May magic healing effect yung ngiti ni Avi.


"Still, people should mind their own business." Pagbubuntong hininga niya.


"Wala tayong magagawa. Ganun mag work ang mundo eh." Natahimik na uli kami.


"Mori what would you do kung isang araw mawawala ako?"


"Ha? Ang random naman yata." Ang layo sa topic namin kanina.


"Naisip ko lang." Gusto ko sanang itanong kung bakit niya naisip pero sinagot ko nalang.


"Susundan kita kahit saang lupalop ka man ng universe mapunta." Humalik ako sa kamay niya. I mean it. Lahat naman ng sinasabi ko sa kanya ay totoo. Sabi ko naman sa inyo masama akong sinungaling.


"Kahit sa kabilang mundo?"


"Kahit sa ibang dimensyon ka pa o sa langit. Tutal mukha ka narin namang anghel sakin." Ang weird ng tanong niya pero sinasabayan ko nalang.


"Hindot ka parin." Ngiti niya at pinisil ang kamay ko. Natawa ako sa sinabi niya.


"Bakit mo natanong?"


"Wala. May nabasa lang akong libro tungkol sa ganun." Hindi ko alam na book worm pala siya.


"Anong libro yan at susunugin ko. Kung ano-anong pinapaisip sayo." Nagkunwari akong nagagalit. Kumunot naman noo niya sa pagsimangot ko.


"Duh you look stupid. Stop that."


"Stupidly inlove with you." Matamis kong bawi na nakatanggap naman ng mahinang pitik sa noo ko. "Aray."


"Mongoloid." Natatawa niyang usal. Lahat na ng negative nagiging sweet pag galing sa kanya.


"for you."


"Mine." Pagaangkin niya. Yiee tangina ako tuloy kinilig.


"Kuting manood ka bukas ng laro ko ah." Pagiiba ko ng topic. Malapit na din kami sa entrance.


"Hmm? What time ba?"


"First match kami bukas mga ten siguro. Dipende when magsastart ball games."


"Okay."


"Promise?"


"Yes, I promise. Bakit ko naman hindi sisiputin laro ng tuta ko?" Taas kilay niyang tanong. Comfortable na talaga siyang tawagin ako sa nickname na yan.


"Baka busy ka. Hello? Nililigawan ko lang naman ang isang Abreo" Malay ko ba na may appointment siya o event na gagawin.


"Well, I have to meet someone pero sa hapon pa naman yun."


"Who?"


"My step sister."


...



Eris's PoV



Nakatanggap ako ng tawag mula sa father ko saying that I should check on my step-sister. I genuinely hate that woman. She loves taking my things. That always happens when my father took me in for a year after mamatay ni mama. That kid is a spoiled brat na mas malala pa sakin. Nagmana sa mother niyang maldita. Don't get fooled by her appearance sa loob kulo nun.


Wala ako sa mood na pumasok pero dahil laro ni Mori ngayon, ayoko naman makaapekto sa kanya. Ang talas pa naman ng pakiramdam nun. After ng parade ay bumalik na kami sa school. Di naman nakakangalay magsuot ng heels no. Nagbihis muna ako bago nagtungo sa room para magattendance. Nagtext sakin sina Dory sabay na daw kaming pumunta sa grandstand tutal mamaya pa namang ten start ng ball games. For now, focus kami sa cheerdance nina Aria at Ambs. Of course, di mawawala ang jowa at manliligaw.


Huli dumating si Win na agad namang tumabi sakin at himilig sa balikat ko. She looked like she didn't sleep at all.


"Good morning Avi~." Bulong niya.


"Good morning pero bakit parang mas mukha kang goodnight?"


"Di ako masyadong nakatulog kagabi dahil si ate ginising ako ng twelve para buksan daw yung gate. Naiwan niya nga kasi susi niya. Akala ko yun lang kaso ang baliw nagkwento ng horror na ganapan dun sa ospital. Pota di na ako nakatulog ulit." So that explains kung bakit tunaw na Mori siya ngayon. May laro pa naman sila tapos low energy siya.


"You can sleep. Vivideohan naman nina Pam yung sayaw." Inayos ko siya ng hilig sa balikat ko. Tinakpan niya rin ng towel yung mukha niya. Buti nalang talaga may sandalan dito.


"Talaga?" Mahina niyang tanong. Halata namang inaantok na siya.


"Oo nga. Gigisingin nalang kita." After saying that, naramadaman kong pinagintertwine niya ang mga kamay namin.


"Thank you, kuting." Malambing at antok niyang sagot. Ang cute diba. PDA na kami pero wala naman akong pake. Who cares? if my pup needs her rest then so be it. Na achieve na niya yung soft spot sa puso ko. It's a matter of time para sagutin ko siya. Kailangan ko lang makahanap ng tyempo.


Dumako ang tingin ko sa dumaan sa harap namin. I instantly knew kung sino siya. It's my step-sister. Mukhang napansin niya rin ako pero nagsmirk lang siya at umalis na agad. Sabi ko naman sa inyo eh. Saka ko nalang siya poproblemahin mamaya. Sasakit lang ulo ko diyan.


Why did she even came here? For what?


...



Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...