Ang Mutya ng Section E (Book...

Da eatmore2behappy

60.9M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? Altro

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 356

443K 18.5K 24.3K
Da eatmore2behappy

A/N: Merry Christmas! 🎁🎅🎄🥳🎂🎉

Choose a friend

Jay-Jay's POV

"Ikaw na magbigay ng letter at regalo kay Freya bukas." Pabulong na sabi ni Rory.

Dahil hindi ako nakapasok kanina hindi ko naibigay ang regalo at letter para kay Freya kagaya ng orihinal na plano at ginagawa namin.

"Sige. Pero sino nagbigay ng para kanina?"

"Ako. Sama nga ng tingin sakin akala pinagt-tripan ko siya." Paliwanag niya. "Kaya bukas ikaw na. Baka awayin na ko no'n."

Bahagya akong napatawa habang napapailing. Hindi kasi siya mukang katiwa-tiwala. Idagdag pang palagi din niyang pinagt-tripan si Freya kaya hindi na ko nagtaka sa naging reaksyon sa kanya.

Ayan kasi.

Sandali akong napatingin kay Kuya Angelo na kausap si Sir Alvin at Ma'am Cindy. Napansin ko na kanina pa sila nakatingin sa 'kin. Hindi na ko magugulat kung alam na ni Kuya ang pinag-usapan namin ni Ma'am. Kailangan ko nalang galingan para hindi ako mahuli ni Kuya. Hindi ko ilalaglag si Yuri kahit na anong mangyari.

"Time to go home." sabi ni Keifer habang bitbit ang gamit ng kapatid.

Nakasimangot na sumunod sa kanya si Keiren na sumulyap pa kila Ma'am bago tuluyang lumapit sa kotse ng kapatid. Halatang ayaw pa niyang umalis sa lugar na to.

Mukang nag-enjoy siya dito.

Kung gano'n, hindi na dapat ako mag-alala sa magiging kalagayan ni Yuri. Maaasikaso siya dito kagaya ni Keiren at hindi rin siya mawawalan ng kasama. Wag lang sanang may sumunod sa kaniya dito at pagbalakan siya.

Matapos isara ni Keifer ang pinto ng kotse lumapit siya sa 'kin.

"We're heading home. You'll be safe right?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Baka si Kuya Angelo ang kasama ko." Pagyayabang ko.

Bahagya siyang tumawa. "Please call me when you get home."

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng mga Ulupong na pinapanood pala kami.

"Oo Keifer, tatawagan ka namin." sabi ni Edrix.

"Mag-iingat kami, salamat sa pag-alala." si Rory na nakangiti at halatang nang-aasar.

"Nag-e-exist kami Keifer. Salamat at hindi mo kami kinakalimutan." Sabi ni Felix at bahagyang tumawa.

"Salamat sa lahat-lahat." Si Ci-N at malapad na ngumiti.

Napatawa ako at napaiwas ng tingin. Bakit parang nagtatampo sila na hindi sila sinabihan ng gano'n ni Keifer? Daig pa jowang babae na nagtatampo sa jowa niyang lalaki.

Kakaiba ang mga Ulupong, demanding.

"Sure. Thank you for following us here." tunog sarcastic na sagot ni Keifer at mahinang tumasa sina Edrix.

Sandali siyang natigilan at parang merong naalala. Hinarap kagad niya ko.

"Meron kang sinasabi kanina 'di ba? Bago sila dumating." tanong niya at tinitigan ko siya. "Something about what you see and then you mention panliligaw and something like—."

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa malakas na pagbusina ng kotse niya. Mukang naiinip na si Keiren sa loob ng kotse. Kamot ulo naman siyang sumenyas sa kapatid.

Kinabahan ako.

Hindi ko na yata magagawang ulitin ang mga sinabi ko sa kanya. Sobrang hiya at kaba ang naramdaman ko samantalang napakadali lang ng sasabihin ko. Kailangan ko yata mag-ipon ng kapal ng muka bago masabi yon.

Napabuga siya ng hangin bago ako harapin. "We'll talk about it some other times. We need to go now."

Tumango ako at akmang hahalikan niya ang noo ko ng biglang humarang ang palad ni Kuya sa muka ko. Halos sabay pa kaming napaatras.

"That's not needed. Alis na." Inis na utos niya kay Keifer.

Grabe makataboy.

Gusto kong mainis sa tono niya. Para siyang nagpapaalis ng tuta sa kalye.

Sandaling hinarap ni Keifer sila Sir na kasunod lang ni Kuya. Nagpaalam siya at nagpasalamat bago ulit humarap samin.

"Jay, please call me." bilin pa niya bago tuluyang tumalikod samin at pumunta sa kotse niya.

Sinundan ko siya ng tingin pero binawi ko din agad ng maramdaman ko ang masamang tingin ni Kuya mula sa tabi ko. Para siyang agila na binabantayan ang susunod niyang dadagitin.

Makatingin naman.

"Sige, lumandi ka pa." parinig niya sa 'kin.

"Sa 'yo kasi walang lumalandi." pabulong kong sagot pero mukang narinig din niya dahil sa biglaan niyang pagpitik sa tenga ko. "Aray..." mahinang reklamo ko.

Nakanguso ako habang nakahawak sa tenga ko. Kundi ko lang napansin ang paglapit sa 'kin ni Ci-N at David malamang umiyak na ko.

"Uuwi na kami Jay-Jay!" Paalam sakin ng batang kumag. "Ingat ka at ikaw din Kuya." paalala din nya kay Kuya Angelo.

Ay magkapatid kayo ni Kuya?

Tumango lang si Kuya sa kanya. Niyakap pa ko ni Ci bago maglakad paalis. Pero ang malupit don humabol pa siya ng yakap kay Kuya Angelo. Nagulat kami pero pagtawa lang ang naging sagot niya.

Lakas din ng loob.

"Call us if there's another emergency and please be safe." Sabi ni David at tinapik ako sa braso.

"Oo, gagawin ko. Ingat kayo." Sagot ko bago niya ko talikuran.

Pati ibang Ulupong nagpaalam na rin. Kumaway nalang ang iba kagaya ni Josh at sumabay na kina Eren sa paglalakad.

Sandali akong napaisip. Paano sila nakarating dito eh halata namang walang sasakyang dumadaan sa lugar na to? Nasagot ang tanong ko ng sumakay sila sa isang pick up track na minamaneho ni David. Nagsiksikan silang mga kumag para lang makauwi.

Kumaway pa ko bago sila tuluyang makaalis.

"Bye! Ingat!"

"Mga pasaway." Parinig ni Kuya. "Parang ikaw."

Napanguso ako. Meron siyang kinapa sa bulsa niya at kinuha ang isang stick ng sigarilyo pero dahil walang lighter binalik nalang niya ulit sa pinagkuhanan.

Malalim siyang napabuntong hininga. Pakiramdam ko tuloy ang laking problema na binigay ko sa kanya.

Sorry naman.

"Uuwi na rin ba tayo?" Tanong ko.

"Oo, hinihintay ko lang si Yuri meron akong gustong itanong sa kanya." Sagot niya at sandaling tumitig sakin kaya mabilis akong umiwas.

Sana mali ang iniisip kong pinaghihinalaan niya si Yuri. Wala akong iniwang clue kay Ma'am Cindy kaya walang dahilan para pag-isipan niya ang President ng Shunga Lovers club. Pasimple lang akong tumango.

Ilang minuto pa ang hinintay namin ng lumabas na si Yuri. Nakapagpalit na siya ng damit.

"Nakaalis na sila?" Tanong niya samin.

"Oo, hindi ka na nakapagpaalam." Sagot ko.

"I did before going upstairs. But I forgot to thank them."

"Edi bukas nalang. Magkikita-kita pa naman tayo."

Tumango siya bilang pagsang-ayon. Tinignan ko si Kuya Angelo na mukang hinihintay lang na matapos ang usapan namin. Bahagya akong umatras para bigyan sila ng space pero nakatitig pa rin siya sakin kaya napilitan akong lumayo pa.

Napatingin ako kay Ma'am Cindy at Sir Alvin na pinapanood lang kami. Lumapit ako sa kanila para panoorin din sina Yuri mag-usap.

"Mas mabuti kung sabihin mo nalang ang totoo." Sabi ni Ma'am sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Baka hindi lang si Watson ang target nila."

"Kung natatakot ka kay Angelo, kami na magpapaliwanag." Dagdag ni Sir.

Alam kong tungkol sa papel na pinabasa ko kanina ang tinutukoy nila. Nahulaan ko ng kukulitin nila ako tungkol don.

Pilitin niyo ko.

"T-totoo ang sinabi ko kanina. Sa harap ng building nila Yuri ko nakuha yon." Sagot ko.

Kailangan kong panindigan ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko pwedeng basta bitiwan ang pangalan ni Yuri. Natatakot akong magkamali at ikapahamak pa niya.

"Tingin mo?" Tanong ni Sir kay Ma'am.

"Baka galing sa mga nakalaban ni Yuri kanina." Sagot ni Ma'am.

Sandali silang nagtitigan at alam kong may laman ang mga tinginan nila. Naputol lang yon ng tawagin ni Sir si Kuya Angelo. Naiwan kami ni Ma'am at sabay silang pinanood mula sa kinatatayuan namin.

"Hindi ako tanga Mariano. Kung talagang napulot mo yan kanina pa bago ka napunta dito, dapat kanina mo pa rin tinanong sakin." Pabulong na sabi ni Ma'am.

Natigilan ako. Hindi ko naisip na mapapansin niya yon. Marami nga naman akong pagkakataon kanina. Pero hindi ako pwedeng magpahuli.

"K-kasi nawalan ako pagkakataon." Palusot ko.

Tinitigan niya ko. Sinalubong ko ang mga mata niya para lang mapanindigan ko ang sagot ko kahit alam kong mahirap paniwalaan yon. Pero walang nagsabi sa 'kin na hindi pala kumukurap si Ma'am kapag nakikipagtitigan. Halos matuyo ang mga mata ko sa kagustuhan kong sabayan siya.

Natapos lang ang pahihirap ko ng lumapit na sa 'min sila Kuya Angelo para tawagin na ako. Nagpaalam na siya at ganon din ako. Huli akong nagpaalam kay Yuri na matamis namang ngumiti sa 'kin.

Yuri...

Pinilit kong suklian ang ngiti niya bago ko siya talikuran. Sumukay na ko sa kotse ni Kuya at naging tahimik kami sa byahe. Muntik pa kong makatulog kung hindi lang bumusina ang mga kasabayan naming sasakyan.

Sandaling huminto ang kotse dahil sa traffic light na naka-stop. Napatitig ako sa building nila Yuri na tanaw ko mula sa bintana. Kahit malayo tanaw ko pa rin ang itim na usok galing don. Malamang na laman yon ng balita dahil nasa business district ang building at kitang-kita ng lahat.

Hindi mawala sa isip ko ang papel at kung bakit nakay Yuri yon. Paulit-ulit sa isip ko na baka may balak siya pero ayoko namang isipin na ganon nga. Magkaibigan sila ng matagal na panahon. Sa kanilang apat ang pagkakaibigan nalang nila ang natitira. Kung si Keifer hindi siya natitiis, alam kong ganon din siya.

"Your silence starts to bother me. Let me know kung nagugutom ka, maraming drive thru dito." sabi ni Kuya na gumising sa 'kin.

Gising na gising.

"Burger lang, mga tatlo." sagot ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Umandar ang kotse at lumiko sa pinakamalapit na Fastfood driv thru. Mabilis siyang umorder at pumila for pick up.

Pumasok sa isip ko ang sideline ni Kuya. Paano kung may alam siya na hindi ko alam. Paano kung pareho pala sila ni Yuri. Marami akong hindi alam sa ginagawa ni Kuya, sobrang dami na kinagugulat ko nalang ang bawat nalalaman ko. Kasama na don ang pagkakaroon niya ng baril.

Bang. Bang.

Gusto ni Sir na sabihin ko kay Kuya ang totoo. Hindi ko alam ang totoong dahilan pero maaari kayang kaya niyang tulungan si Keifer? At kung kaya niya yon, kaya din kaya niyang tulungan si Yuri.

Malaki ba ang tiwala ko kay Kuya para sabihin sa kanya?

"Kuya..." tawag ko sa atensyon niya at hinarap naman niya ako. "Paano kung may gustong magtangka sa buhay mo na malapit din sa 'yo."

Kita ko ang pagsilip ng ngiti sa labi niya. "I will personally congratulate and thank them."

Bakit ang yabang?

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Bakit naman niya babatiin ng congratulation at pasasalamatan pa, eh pagtatangkaan na nga siya? Parang naghahamon pa siya sa balak niya.

"Eh? Baka pagtatangkaan ka na nga, babatiin mo pa?"

Mayabang siyang ngumiti sa 'kin. "Dahil pinili nilang mamatay sa mga kamay ko."

Oo nga naman. Sino nga naman ang magtatangka sa kanya? Tingin palang nakakatakot na, paano pa kaya kung harapin na siya. Kaya pala ang yabang ng dating.

Kuya Angelo yarn.

Kinuha na niya ang order namin at inabot sa 'kin ang mga yon. Softdrinks lang ang sa kanya dahil mukang busog pa siya. Ako lang ang nagpakasaya sa burger, fries at ice cream. Baka hindi ko maubos to dahil kakakain lang namin kila Ma'am Cindy. Pero syempre uubusin ko, sayang eh.

Nakarating kami sa bahay at sakto namang dating din ni Aries gamit ang bago niyang kotse na masarap gasgasan parang muka niya. Pagbaba ko dumiretso kagad ako sa loob at pumasok sa kwarto. Dala ko pa ang mga natitirang pagkain na binili sa 'kin ni Kuya.

"Saan ka galing Angelo? Akala ko babalik ka pagkahatid kay Jay-Jay." dinig kong tanong ni Tita.

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil sa pagsara ko ng pinto. Inubos ko muna ang pagkaing hawak ko. Matapos yon, nilabas ko na ang tinago kong lukot ng papel. Inunat ko pa yon sa ibabaw ng study table ko.

Malalim akong napabuntong hininga. Nasa kamay ko ang patunay na merong gustong magtangka sa buhay ni Keifer at ang masakit galing to sa bestfriend niya. Napaupo ako sa kama dahil sa panlalambot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong kausapin si Yuri tungkol dito pero paano kung hindi na naman siya magsabi sakin ng totoo.

Nahihirapan ako.

Hindi ako makahingi ng tulong sa iba dahil alam kong lalaki ang usap at baka malaking pagkakamali lang to. Si Yuri ang madidiin kapag nangyari yon. Hirap na hirap na siya ayokong dagdagan pa.

Pwede kong sabihin kay Keifer ang bagay na to pero paano kung iba rin ang isipin niya. Baka magalit din siya sa kaibigan at pagsimulan ng gulo sa pagitan nila. Isa lang ang nakikita kong sulusyon sa ngayon, ang bantayan si Yuri at maghintay ng pagkakataon para mapaamin siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagpadala ng message kay Yuri. Kinamusta ko siya at sinabi na ring nakauwi na ko. Sandali akong napatitig sa inbox ng mapansin ko ang message ni Keifer. Meron pang heart emoji at smiling face.

Lalo akong nanlambot ng maalala ko ang mga ngiti niya sa 'kin. Ang mga pang-aasar niya at pagiging malandi — malambing pala. Ang kakulitan at mga pag-aaway namin. Lahat ng mga nangyaring gulo sa pagitan namin. Kusa nalang akong napaiyak sa mga naisip ko. Ang mababaw na luha ay nauwi sa hagulgol ng maisip kong mawawala siya sa 'kin.

Narinig ko ang pagkatok sa pinto at pagbukas no'n. 

"Jay, pwede ba tayong — what's wrong?" bungad ni Aries ng makita niya ko.

Sinara niya ang pinto at nilapitan ako.

"Si Keifer! Aries! Mawawala siya sa 'kin!"

Mabilis niya kong niyakap. "Mawawala? Aalis siya? Iiwan ka niya?"

"Hindi! May gustong pumatay sa kanya!" napahikbi ako. "Natatakot ako Aries!" sumbong ko at humagulgol ng iyak habang nakayakap din sa kanya.

"H-hindi... tahan na. Hindi mangyayari yon. Kilala mo naman yon 'di ba?"

"Natatakot pa rin ako! Mahal ko yun eh! Ayokong mawala siya sa 'kin!"

Mahigpit siyang yumakap sa 'kin. Hinimas-himas din niya ang likod ko. Mas lalo nga lang lumakas ang pag-iyak ko.

"Sshh... Hindi papayag yon na mawala ng basta-basta. Hindi yon papalamang o papatalo." pagpapakalma niya sa 'kin. "Kaya hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan, kasi para mo na ring sinabi na wala kang tiwala sa kakayahan niya."

"Pero paano ako hindi matatakot? Buhay na pinag-uusapan natin dito."

Bumitaw siya mula sa pagkakayakap. Pinunasan kagad niya ang muka ko ng makita ang luha at sipon ko.

"Iisip yon ng plano. Hindi yon papayag na mawala siya sayo. Kaya tumahan ka na at ang pangit mo umiyak."

Bahagya ko siyang hinampas na kinatawa niya. Napakagaling talaga niya mag-predict ng kapalaran ng isang tao. Hinulaan kagad niya ang gagawin ni Keifer sa mga ganitong sitwasyon.

Yes, horoscope of the day.

Pinilit kong tumahan at pinunasan ang muka ko. Totoo naman ang sinabi niya. Hindi papatalo ang isang yon at hindi papayag na mawala nalang siya ng ganon-ganon na lamang.

"Saan mo naman nakuha ang idea na may gustong pumatay sa kanya?" tanong niya.

Tinitigan ko siya at inisip na mabuti kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Ang dami niyang secret sa 'kin. Marami siyang hindi sinabi kaya mahirap magtiwala. Pero on the bright side, magaling siya magtago ng sikreto.

Sobrang galing.

Kinuha ko ang papel sa lamesa at inabot sa kanya. Nagtaka siya sa mga nakalagay sa salitang hapon. Pero malinaw sa kanyang si Keifer ang nasa papel dahil sa pangalan at litrato.

"Listahan daw yang ng ipapapatay." sabi ko at akmang iiyak na naman pero natigilan ako sa sinabi nya.

"Symbol ng Hanamitchi to ah." sabi niya habang nakatitig sa dulong bahagi ng papel.

Agad kong inagaw ang papel at tinignan din. Malabo ang simbulo pero kulay pula. Parang letter 'A' pero wala ang guhit sa gitna o mas muka tong drawing ng dalawang guhit na hugis bundok. Pero hindi lang basta guhit. Dalawang espada yon at nasa loob ng isang bilog.

"Hindi ganito 'yon. Nakita ko na yung symbol nila sa bahay nila."

"Sa kanila yan, alam ko ibig sabihin niyan 'Ha' which is first syllable ng last name nila. Pero alam kong ibang members lang ng family nila gumagamit niyan." paliwanag niya.

"Bakit naman mapupunta dito - ?" Napahinto ako ng mapansin kong naiintindihan na niya ang sitwasyon.

Agad niyang inagaw sa 'kin ang papel at akmang tatakbo palabas ng kwarto ko pero hinarangan ko na kagad siya.

"Jay! You're about to involve yourself into another trouble!" sermon niya sa 'kin.

"Hindi mo naiintindihan!"

"Galing to sa pamilya ni Yuri! Wala ka ng kinalaman don!" may halong pagsusumamo ang tono niya.

"Pero si Keifer yan." pakiusap ko.

"Sinabi ko na, kaya ni Keifer ang sarili niya. Please don't involve yourself."

Napaupo ako sa sahig dahil sa inis at panlalambot. Bakit ba hindi niya maintindihan? Buhay ng taong mahalaga sa 'kin ang nakasaalang-alang dito. Pati na rin ang pangalan ni Yuri na baka ikapahamak din niya. At alam kong gagawin din niya ang ginagawa ko kapag may nangyari kay Ella.

Baka mas malala pa gawin niya.

Naupo din siya sa sahig at hinarap akong pilit sa kanya. "Hayaan mo na to kila Kuya. Magagawan nila to ng paraan."

"Paano si Yuri? Mapapahamak din siya. Dalawang tao nakasalalay dito. Please..." pakiusap ko at inahawakan ang isang kamay niya.

Tinitigan niya ko dahilan para mas makiusap pa ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa isip niya pero sana naman pakinggan niya ko.

Malalim siyang napabuntong hininga bago ibalik sa 'kin ang papel. "I will leave it to you but it would be best if you tell this to Kuya."

Agad kong kinuha ang papel sa kamay niya. Inunat-unat ko pa yon bago harapin ulit si Aries.

"Please, wala kang sasabihin kay Kuya Angelo." pakiusap ko.

Napabuntong hininga siya. "I can't promise. But you need to do it as soon as possible."

Tumango ako. "Susubukan kong sabihin kay Kuya Angelo."

Tinignan niya ko na parang awang-awa siya sa 'kin. Mabilis kong inayos ang sarili ko dahil ayokong isipin niyang pinababayaan ko ang sarili ko dahil lang sa pag-aalala.

Maganda pa rin naman ako. Daw.

"Please Jay. Listen to me. Hayaan mong sila Kuya ang umayos nito." pakiusap niya at hinatak ako para yakapin. "Ilang beses ka pa ba mapapahamak para lang tumigil ka?"

"Hindi ko alam. Pero hindi ako titigil para sa mga taong mahalaga sa 'kin."

Bahagya siyang tumawa. "Of course. Hindi ka si Jay-Jay kundi matigas ang ulo mo."

"Hindi ka si Aries kundi ka nag-predict ng future."

Malakas siyang napatawa. "Wag ka na magalit sa 'kin."

Sinukton ko siya sa tagiliran. Malakas siyang panadaing pero nakayakap pa rin siya sa 'kin.

"Hindi ka naman nag-sorry tapos hindi ka pa bumabawi."

Huminga siya malalim at humiwalay ng yakap sa 'kin. "Okay. I am really sorry for hiding it from you. Hindi ko na sasabihin ang dahilan because it's useless but I want you to know na gusto kong bumawi."

Nagliwanag ang muka ko. "Paano?"

"I will convince your mother to allow you to meet our Dad."

"Unang-una, Nanay natin at ikalawa Tatay ko lang." pagtatama ko pero nagkibit-balikat lang siya.

Gusto ko ang gagawin niyang pagbawi. Tutulungan niya ko.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

477K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
Alter The Game Da beeyotch

Narrativa generale

1.4M 48.1K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy