Russian Requiem (Book 2 of RR...

By La-MarGa

6.9K 137 28

After Ariadne and Clade overcame their hellish past, they faced a new chapter in their lives. Living together... More

Note
Prologue
Requiem #1
Requiem #2
Requiem #3
Requiem #4
Requiem #5
Requiem #6
Requiem #7
Requiem #8
Requiem #9
Requiem #10
Requiem #11
Requiem #12
Requiem #13
Requiem #14
Requiem #15
Requiem #16
Requiem #17
Requiem #18
Requiem #19
Requiem #20
Requiem #21
Requiem #22
Requiem #23
Requiem #24
Requiem #25
Requiem #26
Requiem #27
Requiem #28
Requiem #29
Requiem #30
Requiem #31
Requiem #32
Requiem #33
Requiem #34
Requiem #35
Requiem #36
Requiem #37
Requiem #38
Requiem #39
Requiem #40
Requiem #41
Requiem #42
Requiem #43
Requiem #44
Requiem #45
Requiem #46
Requiem #47
Requiem #48
Requiem #50
Requiem #51
Requiem #52
Requiem #53
Requiem #54
Requiem #55
Requiem #56
Requiem #57
Requiem #58
Requiem #59
Requiem #60
Epilogue
Note

Requiem #49

106 2 4
By La-MarGa

Chapter 49

(Blackout)


"Is everything ready?" Tanong ni Valter kay Aleksandar.


"Yes. Our men are all prepared and well-equipped. You can count on us as a back-up. Anyway, we also have our earpiece as a form of communication."


"Good. Stay in the vicinity, but do not let yourselves get caught. I will do my thing inside together with Danny and Rob. They already know the plan and our strategy to get Clade out. Wait for my signal before doing anything, okay?"


"Noted." Sagot ni Alek.


"How about Ariadne and the kids' safety?" Naninigurong tanong ni Valter.


"We left some of our men in the house. They should be safe until we get back."


"Very well."


Isa isa silang sumakay sa nakahilerang sasakyan sa tapat ng isa pang mansyon ni Clade. Sa pangunguna ni Valter, may kanya kanyang dalang baril ang mga tauhan ni Clade na lulan ng maraming sasakyan. Wala mang sariling tauhan si Valter ay nagawa niya pa ring magplano para sa pagtakas ni Clade sa tulong ng mga tauhan nito. Dahil dito, hindi maipagkakaila ang malaking tiwala ni Aleksandar at ng iba pa para kay Valter. Ito ang nagsilbing lider nila sa pagkawala ni Clade.


Tahimik ang lahat habang nasa byahe. Mahahalata ang kaseryosohan ng bawat isa. Ilang minuto ang lumipas at narating nila ang isang malaking mansyon na natatangi sa isang liblib na lugar. Napapalibutan ng malalaking pader ang mansyon na animo'y walang maaaring makapasok o makatakas rito.


"The walls are too high," komento ni Rodion habang nakatanaw sa labas. "In case we need to infiltrate or escape, the walls will be impossible."


"That's why we have no choice but to use the possible entrances and exits of the mansion even if it means exposing ourselves to them." Seryosong saad ni Valter. "The plan is to keep the Loveks busy through the meeting. While it is on-going, Rob will sneak Clade out. We have to trust him to trick the men and women guarding the place and Clade. They will go to the back part of the mansion where there is lesser men watching. Now, we will proceed to Plan B if things didn't go according to Plan A."


"Plan B is for us to move as a back-up to you, Rob, and Clade, right?" Ani Alek.


"Yes." Sagot ni Valter. "That is the time you will infiltrate the mansion and use your weapons to take them down."


"What is our escape plan?" Tanong ni Rodion.


"That would be up to us depending on our respective locations. Find the nearest possible exit as fast as you can when you think we can no longer hold them back. But our top priority is to get my brother out. Is that understood?"


"Understood!" Sabay-sabay nilang saad.


"Good. Stay here and stay alert. I will make my move now." Paalam ni Valter.


Suot ang kanyang sombrero at mask na itinatago ang kanyang ilong at bibig, maging ang kanyang kaswal na damit ay prente siyang naglakad patungo sa mansyon. Nakakubli sa kanyang suot na jacket ang dalawang baril. May suot rin siyang maliit na earpiece na hindi gaanong kita sa kanyang tainga.


Nakasunod lamang sa kanyang likod ang kanina pang tahimik na si Danny.


Nang marating nila ang pangunahing pasukan ng mansyon ay na-inspeksyon sila ng kaunti ng mga taga-bantay. Walang nagawa ang mga ito nang makapkap ang mga baril sa kanilang mga kasuotan.


"What's the gun for, Sir?" Seryosong tanong ng nangunguna sa mga bantay.


Idinirekta ni Valter ang kanyang mga mata rito. "You were not here when we first came here, were you?" Hindi sumagot ang bantay na ikinainis niya. "You think we're stupid enough to let ourselves be unarmed anywhere? This is maybe our allies' quarter, but it's part of our practice to always carry a gun in case of emergency. Isn't that a common sense?"


Napatikhim ang lalaki sa kanyang sarkastikong sagot. "Alright. You may proceed inside, Sir. Please observe proper behavior."


Napaismid si Valter at bahagyang umiling bago dumiretso sa loob. Pansin nila ang napakaraming tauhan sa paligid ng mansyon. Bawat sulok ay may lalaki o babaeng nagbabantay. Tama ang hinala ni Valter nang maisip na pinagsama ng magkapatid na Lovek ang kanilang mga tauhan upang magbantay ngayong gabi sa mansyon. Gayonpaman, hindi natitinag ang determinasyon niyang isagawa ang plano upang iligtas si Clade ngayong gabi.


Natanaw nila si Gaspar na nakaabang sa kanila sa tapat ng isang malaking pribadong silid sa unang palapag. Bahagya itong yumuko sa kanya nang makalapit sila.


"Good evening, Mr. Aed. Dom and Lyanna have been waiting for you inside. Please come in," tumabi ito sa gilid at inilahad ang pinto ng silid.


Walang pasabing pumasok si Valter sa silid kasunod si Danny. Maging si Gaspar ay sumunod sa loob at isinarado ang pinto. Sumalubong sa kanila ang isang may kadiliman na mistulang silid para sa mga pagpupulong. May tipikal na malaking mesa sa gitna at maraming upuan na nakapalibot rito. Ngunit tanging dalawang tao lamang ang nakaupo sa mga ito.


"Aed! Glad you made it." Magiliw na bati ni Dom. Lumapit ito at nakipagkamay sa kanya.


"Yeah. I'm sorry for being a bit late. I had to finish some work in my company." Sagot ni Valter.


"That's okay. We understand since we also have our companies to take care of."


Bahagya siyang tumango sa sinaad ni Dom. Napabaling siya kay Lyanna na tahimik lamang na nakaupo sa kanyang pwesto habang mariing nakatitig sa kanya. Alam ni Valter na malaki pa rin ang hinala nito sa kanyang katauhan.


"Good evening, Miss Lyanna." Bati niya rito.


"Good evening." Walang emosyong sagot nito.


"Well, I think we should get started before it gets very late. Shall we?" Putol ni Dom sa tensyon sa pagitan ng dalawa.


Tahimik na naupo si Valter sa kabilang banda ng mesa habang nakatayo sa kanyang likuran si Danny. Sa kanyang tapat ay nakaupo ang magkapatid na Lovek habang nakatayo sa kanilang likuran si Gaspar. Naka-flash naman sa isang projector screen na nasa harapan ang mga importanteng detalye ng kanilang pag-uusap.


"I expect that you already came up with the perfect plan to take over the Russian organization, Aed." Panimula ni Dom. "Our other allies have already been notified about our alliance and they are very happy to hear that you have some powerful connections in Russia. Especially Mr. Ruiz who is our biggest ally before you came. They all expect us to update them about our plans and they will gladly cooperate."


"I see... Do they know me?" Tanong niya.


"Well... I told them you go by the name Aed. Why?"


"Nothing. It's just a bit peculiar for them to easily trust me when they don't even know my identity."


"For that, I guess they just really trust my intuition for trusting you-"


"I also share the same opinion as you, Mr. Aed." Putol ni Lyanna kay Dom sa isang seryosong boses. "It is really strange to trust someone like you who is hiding behind a mask all the time. Who knows what you're hiding behind that mask, right?"


"Lyanna!" Iritadong suway ni Dom sa kapatid.


Bumaling saglit si Lyanna kay Dom bago ibinalik ang seryosong titig kay Valter.


"But like what my brother believes, I also think you're someone we need to finally succeed our plan of revenge. Whether we admit it or not, me and my brother will never take Clade Ivanov down without our allies. You're the biggest among them. So yeah. We need your power to destroy him completely. I just really hope we trusted the right man because we do not have the time to investigate you further. It's already been years since we vowed in our father's grave that we will avenge his death."


Saglit na tumitig ng tahimik si Valter kay Lyanna. Inaanalisa niya ang ekspresyon nito. Napagtanto niyang hindi ito nagbibiro sa kanyang mga sinabi. Sa oras na ito ay napaamin siya sa kanyang sarili na hindi lamang ito isang walang kwenta o hindi seryosong paghihiganti. Mali siya sa pag-iisip noong una na ordinaryong mga kaaway lamang ang dalawang ito dahil sa nakikita niya ngayon, naalala niyang muli kung anong ibig sabihin ng determinasyon sa isang taong naghahanap ng hustisya. Gaya lamang sila ni Clade noon.


Ngunit kahit na naintindihan niya ang pinanggagalingan ng mga ito at kahit na nakuha nila ang kanyang simpatya kahit papaano ay hindi niya pa rin maaaring hayaan ang mga masasamang plano nila. Kahit anong mangyari ay laging sa panig ni Clade siya kakampi.


"Don't worry, Miss. Your father will get the justice he deserves. The end of this revenge is very near." Seryosong sagot niya kalaunan. "But before that, let's discuss now how we will end it."


"That would be great." Ani Dominik.


Tumango si Valter at humarap sa screen. "As you can see, the organization isn't ordinary. It's very hard to infiltrate it because there are a lot of tactical teams inside. One suspicious move and we'll be caught. Clade Ivanov is the current leader ever since he won his war against Stefan years ago. However, he isn't a very active leader. He just handles things in the org using long distance communication. So basically, Edgar, a trusted member of the org, is acting as a leader in Russia on behalf of Clade. But make no mistake. Edgar is not someone we should underestimate."


"So you're saying that if we want to take over the organization, we have to either use force or get them to favor us?" Paglilinaw ni Dom.


Bumaling siya rito at tumango. "That's right. But considering the long and tragic history of the org, we cannot really use force as an option this time. They are already modernized and advanced now. Clade made sure of it. We cannot take over them that easily."


"Then, we will go for the second option?" Tanong ni Lyanna.


"Yes. We have to make them favor our side to be the new leaders of the org."


"How are we gonna do that?" Si Dom.


"Well, there are some ways. First, we can convince them that Clade's consistent incompetency will eventually cost them a lot in the future. Or we can also offer them something materialistic or any appealing information they consider very important."


Kumunot ang noo ng magkapatid.


"Something very important? An information? What would that be?" Naiinip na tanong ni Lyanna.


"There is one information they will be very shocked to know about. This information will surely change the leadership of the organization." Seryosong sagot niya.


"Spill it out, Aed." Seryoso ding saad ni Dom.


Sumandal si Valter sa kanyang upuan at humalukipkip. Ilang saglit niyang pinalipat lipat ang kanyang tingin sa dalawa.


"Valter Ivanov is alive." Tuloy tuloy niyang saad.


Kita ang gulat sa mukha ng dalawa. Maging si Gaspar sa kanilang likuran ay nagulat sa kanyang sinaad.


"I only found out recently. He's been hiding somewhere in Russia ever since. Once Edgar and the rest of the organization find out about this, they will surely think twice about Clade's leadership. In the first place, Valter is the rightful leader of the Russian organization."


"Are you sure about that? Is he really alive?" Kumpirma ni Dominik sa naaalarmang boses.


"Yes. Very sure of it. We just have to find him and convince him to be on our side. When he takes over the org, we can manipulate him in the shadows. So basically, we are still the true leaders if that happens."


"That would be impossible." Sabat ni Lyanna na hindi rin kumportable sa natuklasan. "I don't think he's someone easy to convince. Besides, if he's really alive, that's all the more reason for us to be alarmed! Aside from Clade, we have him as another enemy for the organization."


"If he won't listen to us, then we will just hold him by his neck. Threaten him. Control him..." humilig siya sa mesa at pinagsalikop ang dalawang kamay. "We will do everything we can to take over this organization. I will make sure of it."


Natahimik ang mga Lovek at napaisip sa kanyang sinaad. Nagkanya kanyang tingin ang mga ito sa kung saan upang mag-isip ng maayos. Hinayaan niyang lumipas ang ilang saglit na katahimikan upang bigyan ng oras ang mga ito.


Sa kabilang dako naman ng mansyon ay tahimik na naglalakad si Rob palapit sa silid kung saan nananatili si Clade. Nasa ikalawang palapag ng mansyon ito at pinakadulo ng pasilyo. Bawat sampong hakbang na nagagawa niya ay may nakakasalubong siyang mga bantay na nakatayo sa gilid ng kanyang dinadaanan. Huminga siya ng malalim upang panatilihin ang kanyang pokus. Hindi siya maaaring pumalpak sa plano.


Suot ang madilim na ekspresyon ay tumayo siya sa tapat ng dalawang lalaking nagbabantay sa pinto ng silid. Seryosong tumitig ng pabalik ang dalawang ito sa kanya, tila nagtataka sa kanyang presensya.


"I'll go inside to check the hostage. This is just part of the usual security routine." Paliwanag niya.


Nagkatinginan ang dalawa.


"We just checked on him earlier." Mababang boses na saad ng isa. "There's no need for you to check again."


"Look, man. I'm not here on a request. Your group and mine have different standards. I will check on the hostage on behalf of my boss, especially that he's here right now. I have to make sure that I do not disappoint him about this task he's given me. Do you have a problem with that?"


Hindi siya nagpatinag sa pakikipagtitigan sa lalaki. Pinagpatuloy niya ang pag-akto na ang kanyang presensya ngayon sa silid ni Clade ay para lamang magpa-impress sa kanyang boss.


Mariing lumunok ang lalaki. "W-Who is your boss again?"


"His name is Aed. I'm sure you've heard of him from your bosses? He also visited here few days ago." Aroganteng sagot ni Rob.


Kinakabahang tumango ito at dali daling ipinasok ang susi sa doorknob. Palihim na huminga ng maluwag si Rob.


"Five minutes only." Anang lalaking bantay.


"Understood." Naiinip na sagot niya at agad na pumasok sa loob. Sinarado niya ang pinto sa kanyang likuran nang makapasok.


Nanlalaki ang mga mata ni Clade habang nakatingin sa kanya. Tahimik itong nakaupo sa kama. Halata sa mukha nito na hindi nito inaasahan ang kanyang pagpasok sa silid.


Matapos ang ilang sandaling seryosong titigan nila ay unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Rob. Tila natauhan naman si Clade at napailing. Tumayo ito at lumapit sa kanya habang nakapamulsa.


"You still haven't changed a bit, Boss." Mahinang sambit niya bilang pagbati.


Bahagyang napangisi si Clade. "What? I still look cool in your eyes?"


Natawa siya at napailing. "Man... Should I already say welcome back?"


"That depends on your purpose for being here. I hardly kept the act of not knowing you since you arrived here. I couldn't even express my shock upon seeing you here. So... Did my brother really send you?"


"Yes, Boss. He did. When you suddenly disappeared after leaving your home months ago, I worked hard to find your whereabouts. I was all alone because I couldn't get Sir Alek and the others to help me. They were busy being angry with you..."


Saglit siyang natahimik nang makita ang lungkot sa mukha ni Clade. Yumuko ito upang itago ang ekspresyon.


"That's when a man named Danny paid me a visit. He introduced himself as your brother's right-hand man. At first, I didn't want to trust them because they were our enemies. But they told me where you are and why you're here. We've been gathering information and formulating plans on how to get you out of here."


"So tonight is the night, huh?"


Tumango siya. "We are all doing our roles for this rescue mission. We will get you out, Boss."


"I see. Thank you for coming to save me, Rob. You've been a good and loyal man."


Imbes na sagutin ito ay iba ang lumabas sa kanyang bibig. "We seriously missed your presence, Boss. Especially Miss Ariadne and your kids. They are waiting for you at home."


Kita ni Rob ang pagkislap ng lungkot sa mga mata ni Clade. Bahagya itong naluha kung kaya't muling nag-iwas ng tingin.


"I really messed up as a husband and a father, huh?" Ani Clade habang nakaiwas ang tingin.


"I beg to disagree. You are a wonderful husband and father, Boss. You always have been."


Napatingin sa kanya si Clade. Hindi na ito nag-abalang itago ang kanyang mga luha. "I really hope so, Rob. Because I also miss them very much."


Naputol ang kanilang usapan dahil sa isang marahas na katok sa pinto.


"Hey! Time's up!" Sigaw ng lalaki sa labas.


Nagkatinginan silang dalawa. Pareho nilang alam na walang maaaring paglabasan sa silid dahil sa kawalan ng mga bintana. Kung kaya't ang tanging paraan para makalabas sila ay sa pamamagitan ng pinto.


"I trust that you have a plan, Rob?" Ani Clade habang nakatingin sa pinto at naghahanda sa maaaring mangyari.


"Yeah. Just keep on trusting me, Boss. I came prepared."


"Good. This time, I'll follow your lead."


Umangat ang gilid ng labi ni Rob sa narinig. Ngunit agad rin siyang nagseryoso habang nakatitig sa pinto at inaalala ang plano. Ilang segundo lamang at magiging abala na silang lahat. Napatingin siya sa kanyang relo at nakitang malapit na ang oras.


Bago pa buksan ng lalaking bantay ang pinto ay lumabas na siya ng silid. Halata ang galit sa mukha ng mga bantay nang makita siya.


"What have you been doing inside?" Nang-aakusang saad ng kausap niya kanina.


"None of your business, man."


"Watch your mouth, you son of a bitch! I don't care whose dog are you. I will just punch you-"


Natigil sa galit na pagsasalita ang lalaki nang makita ang paglabas din ni Clade sa silid. Napuno ng pagtataka ang mukha nito.


"What the hell is this?"


"I have just been notified about the hostage's transport. My boss contacted me while I was inside, the reason why I didn't come out immediately." Paliwanag ni Rob.


"And you think we believe that?" Sarkastikong saad ng bantay.


"If you don't, then feel free to contact your boss to confirm my claim." Kumpyansang sagot ni Rob. Tahimik naman si Clade sa kanyang likuran.


Saglit siyang tinitigan ng masama ng lalaki bago nito kinuha ang telepono para sa isang tawag.


Mas naging alerto si Rob habang abala ang mga bantay. Seryoso niyang pinagmamasdan ang may hawak ng telepono. Matapos ito ay sumulyap siya kay Clade sa kanyang likuran at tinanguan ito ng bahagya. Nakuha ni Clade ang kanyang senyas. Tumango din ito bilang sagot.


Saglit na sinulyapan ni Rob ang kanyang relo. Pagkatapos ay muli siyang tumitig sa lalaking abala pa rin sa kanyang telepono. Bago pa may sumagot sa tawag nito ay nagsimula siyang magbilang.


"One... Two... Three..."


Napatingin sa kanya ang dalawang bantay sa pagtataka.


"What the fuck are you doing?" Galit na tanong ng may hawak sa telepono.


Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagbibilang. "Six... Seven..."


"Shut up!" Lumapit ang isa at hinawakan siya sa kwelyo.


"Nine... Ten."


Bago pa siya dapuan ng kamao sa mukha ay biglang nagdilim ang buong paligid dahil sa pagkamatay ng lahat ng ilaw sa mansyon. Kasabay nito ay ang pagtahimik ng buong kapaligiran.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
95.2K 2.1K 43
❝syempre ikaw. ikaw yung hindi ko pipiliin.❞ ✑in which she was always part of the choices but yohan never choosed her. ✧ epistolary | narration ...
263K 5.2K 46
TYRANT 7 Book 3: The Manipulator Chain Kendrick Mariano
15.1K 437 46
A normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystica...