Chasing Him (COMPLETED)

Door StarMoonyyy

4.7K 474 6

Cover is not mine. Credits to the rightful owner. Meer

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1: Him
Chapter 2: Rooftop
Chapter 3: Eavesdrop
Chapter 4: Rain
Chapter 5: Fault
Chapter 6: Menstruation
Chapter 7: Voice
Chapter 8: Init
Chapter 9: Overthink
Chapter 10: Curious
Chapter 12: New friend
Chapter 13: Facebook
Chapter 14: Shipper
Chapter 15: Friends
Chapter 16: Chase
Chapter 17: Lunch box
Chapter 18: Maybe
Chapter 19: Last name
Chapter 20: Mr. Stranger
Chapter 21: Believe
Chapter 22: Sorry
Chapter 23: Like
Chapter 24: Feelings
Chapter 25: Jealous
Chapter 26: Food
Chapter 27: Promise
Chapter 28: Boyfriend
Chapter 29: Catch
Chapter 30: Leave
Chapter 31: Explain
Chapter 32: Miss
Chapter 33: Relationship
Chapter 34: Twin
Chapter 35: Friendship
Chapter 36: Surprise
Chapter 37: Gift
Chapter 38: Ring
Chapter 39: Weird
Chapter 40: The truth
Chapter 41: Choose
Chapter 42: Scent
Chapter 43: Welcome to the world
Chapter 44: Nagmana
Chapter 45: Birthday
Chapter 46: Luke
Chapter 47: Meira
Chapter 48: Bryce's wishes
Chapter 49: Love
Chapter 50: Awkwardness
Chapter 51: Wound
Chapter 52: Party
Chaptee 53: Met
Chapter 54: Give up
Chapter 55: Useful
Chapter 56: Chance
Chapter 57: Beg
Chapter 58: Thank you
Chaptee 59: Fight
Chapter 60: Gone
Chapter 61: Mistakes
Chapter 62: Dream
Chapter 63: Children
Chapter 64: Marry me
Chapter 65: Life
Chapter 66: Heal
Chapter 67: Forever
Epilogue

Chapter 11: Good kisser

68 7 0
Door StarMoonyyy

"Mas maganda sana kung ito ang piliin mo? You love dress so... And parang mas bagay talaga ito," sinabi ni Kendra kay Ishi at hinarap ang dress na hawak.

Sumang-ayon naman ako. Lahat naman ng klase ng damit ay nababagay kay Ishi.

"Okay. I'll buy that, then. May bibilihin pa ba kayo? Sa NBS tayo pumunta bago mag arcades."

Tipid lang akong nagtitingin sa mga damit. Hindi ko hilig ang palaging mamili.

"Malapit na raw si kuya. Mag hintay na lang daw tayo rito," sabi ni Ishi nang mabasa ang text ng kuya nya.

Magdidilim na rin. Dalawang terno lang ng damit ang binili ko. At may maliit pang teady bear na nakuha kanina nang maglaro ng arcades. I smiled as I looked at the teady bear I was holding. Sulit din naman ang pagod sa paglalaro. Another collection.

Niyakap ko ang sarili habang nakatingala sa kalangitan. Umuulan. Kaya malamig ang hangin. Kanina ay sobrang saya ko. Pero nawala rin nang makauwi ako. Masakit pa rin ang pisngi kong sinampal ni mommy kanina. Mabuti ay hanggang pisngi lang. Kaysa pati katawan ko.

Hinaplos ko ang pisngi. Baka bukas ay mamaga pa ito. Sana ay huwag naman.

"Bakit may mask ka?" tanong ni Kendra habang nakatingin sa akin.

Suminghot ako para ipaalam na may sipon. "Nabasa ako ng ulan kagabi," pagsisinungaling ko.

Namamaga ang pisngi ko nang magising ako. Kaya nag mask ako para hindi nila makita. Ramdam ko pa nga rin ang sakit. Pero hindi na katulad nung kagabi.

"Uminom ka na ng gamot? Inom ka para mawala agad." Tumango lang ako at hindi na sya kinausap.

Dalawang araw lang at nawala na ang pamamaga, hindi na halata.

Mahina akong bumuntong hininga habang nakatingin sa numerong nasa screen ng phone ko. Ilang buwan na rin nang i-block ko iyon. I wonder what he was thinking because he could no longer call me. Pero sa totoo lang, pwede syang gumamit ng ibang number para matawagan ako... Kaya sa tuwing may tumatawag sa phone ko, kinakabahan ako kasi baka sya na iyon... Pero wala namang bago, sina Kendra lang ang madalas na natawag sa akin. Nadi-disappoint ako sa hindi malamang dahilan.

Honestly, I miss him. Kaya naiisip ko na mabuti ngang ganito. Baka lumala pa ang maging epekto nya sa akin kapag nagkataong nag-uusap pa rin.

Nag facebook na lang ako at nag-scroll ng ilang minuto bago mag-out. Tinatamad akong manood pero hindi pa ako antok. Tinatamad din naman akong maglaro sa cellphone ko.

Nagpasya na lang akong bumaba at magtimpla ng gatas. Madilim na ang buong bahay. Mga tulugan na siguro ang mga kasambahay.

Pinatugtog ko ang kanta habang umiinom ako ng gatas.

Sinikop ko ang hinanging buhok. Ang tagal ko ring hindi nakaakyat dito sa rooftop. Dahil magkakasama naman kami sa classroom nina Ishi ay palagi ako sa kanila sumasabay. At kapag tumanggi ay pipilitin naman ako ni Kendra.

Napatingin ako sa baba. Parang mga langgam ang mga estudyanteng naglalakad. Natawa pa ako ng mahina. Natigil lang nang may narinig na boses. Nang nilingon ko iyon ay apat na babae ang pumasok.

Hindi naman nila ako pinansin at pumwesto sa may kalayuan sa akin. Mukhang nasa grade 9 o 10 na sila.

Masyadong malaki rin ang school na ito kaya kahit na ilang taon na ako rito, hindi ko pa rin halos kilala ang ibang estudyante. At hindi rin naman ako interesado. Para saan pa? Hindi ko rin naman makakausap.

"Damn, girls! I kissed Luke earlier!"

Napalingon ulit ako sa kanila dahil sa sinigaw nang babaeng naka-braid ang buhok.

Lahat sila ay nakangiti at masaya sa narinig.

Kahit saan ako magpunta, palagi kong naririnig ang pangalan ni Luke.

Minsan, iniisip kong paano kung hindi ako ganito? Hindi ako takot sa ina ko? Hindi mahigpit sa akin si mommy? Kung normal na pamumuhay lang ang meron ako? Magiging katulad din kaya nila ako? Na kayang kiligin sa harap ng ibang tao? Na hindi nagpapanggap? Na tunay palagi ang mga ipinapakita? Na totoong masaya...?

"Ang lambot na labi nya! My gosh! Ang sarap pa! He was really a good kisser, damn!" rinig ko ulit na irit.

Hindi ko alam kung nakalimutan nilang nandito ako at nakikinig o wala lang talaga silang pakialam?

Bumuntong hininga ako at umambang lalabas nang marinig ko ulit na nagsalita.

"'Di ba kaklase mo si Luke?" kahit nakatalikod ay alam kong para sa akin iyung tanong.

Mabagal akong umikot para tignan sila. Nakatingin din sila sa akin at naghihintay sa sagot ko.

"No," simple kong sagot sa kanila.

Ang naka-braid na buhok ay tumaas ang kilay. "Oh? Pero nakakausap mo naman sya dahil same grade year kayo, right?"

Tipid akong tumango.

Tumango-tango sya at nakipagpalitan ng tingin sa tatlong kasama nya. Kung wala nang oras ay kanina ko pa sila tinalikuran.

"So... do you agree with me?"

Sandaling kumunot ang noo ko at takang nagtanong. "Agree?"

Tumawa sya at nilaro ang dulo ng buhok na nasa balikat nya.

"He was a good kisser, duh!"

Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. How would I know? Ni wala pa nga akong first kiss, eh.

Umiling ako. "I don't know what you're talking about," seryoso kong sagot kahit na medyo kinabahan.

Itinago ko ang kamay ko sa likod habang hawak ang baunan. Dumiin ang kuko ko sa balat nang marinig ang sinabi nya.

"Sus, painosente ka pa! We knew that he was a good kisser!"

Medyo nainsulto ako sa sinabi nya.

Parang pinapalabas nya na katulad nya ako, na magpapahalik kay Luke.

Kinalma ko ang sarili tipid na ngumiti sa kanila.

"Hindi naman porket pareho ng grade at nagkakausap kami minsan, katulad mo na ako..." Humakbang sya palapit sa akin at kumunot ang noo. Itinuloy ko ang sinasabi. "Na magpapahalik na ako sa kanya. I'm not desperate to kiss him like he's the only boy. And I felt disrespectful to your stupid question... If you don't mind, excuse me." Hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na sa rooftop.

"They are so stupid bitches."

Muntik pa akong mapatalon nang marinig ang boses ni Ishi. Nakahalukipkip sila pareho ni Kendra.

Walang emosyon ang mukha ni Ishi at si Kendra ay nakasimangot.

"Kung hindi lang ako pinigilan ni Ishi kanina, sinampal ko na iyung babae. Kinginang tanong iyon. At ikaw pa ang tinanong kung good kisser si Luke? Kung ako sana ang itinanong nya at kaklase ko si Luke, lalapad talaga agad ang palad ko sa pisngi nya," malamig ang tono ng boses ni Kendra at nawalan ng emosyon ang mukha.

Kapag ganito sya ay hindi nya nagustuhan ang nangyari o narinig.

Nawala ang inis na nararamdaman sa itinanong ng babae. Hindi ko naman sya kilala pero kung makapagtanong ay wagas.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri at tipid na ngumisi.

"I'm fine. Don't mind them. Let's go," sabi ko.

"Bakit nga pala kayo nasa rooftop?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa room namin.

"Gusto ka lang namin sundan at may nag-away kanina sa cafeteria," sagot ni Kendra.

Tumango na lang ako at hindi na ulit nagsalita pa. Tahimik na kami hanggang makapasok sa room. Siguro'y ilang linggo na lang ay ayos na ang sa first floor. Makakabalik na sila sa classroom nila.

"Janine, pakitawag si Ishi sa kwarto nya. Sabihin mo'y kakain na tayo," utos ni Tita Irisha sa akin.

Wala silang trabaho ngayon kaya kumpleto sila. Sya rin ang nagluto ng lunch namin.

"Hindi namin alam, my," sagot ni Ishi sa tanong ni Tita Irisha sa dahilan kung bakit nasunog ang CR sa school.

"Pero naririnig po namin na hindi rin alam ng mga teacher at walang nakakita sa sumunog ng CR," dagdag ni Kendra.

"Sumunog? Does that mean it wasn't an accident? Sinadya talaga? Ano namang mapapala kung sinunog iyon?" tanong ni Tito Aldrich.

Hindi ako sumasagot dahil gusto kong makinig lang. Naku-curious na rin talaga ako sa dahilan kung bakit sinunog ang CR ng pang-girls. Sino ang susunog? Babae rin?

"We really don't know. Pero ilang buwan na ang nakalipas kaya let's just forget it," si Ishi at nag-iba na ng topic na pag-uusapan.

Tahimik akong nakatanaw kina Kendra na naglalangoy. Malamig naman kaya hindi ako sumali sa kanila sa pagligo sa pool.

"Palakas ng volume, Janine!" sigaw ni Ishi at muling naglangoy.

Listening to music is one of our favorite hobbies.

Ang kantang natugtog ay together. Paborito nya. Well, maganda naman din, eh.

"Thanks!" she shouted again.

Sumandal ako sa kinauupuan at pinanatili ang panonood sa kanila. Nabo-bored na ako pero hindi ko naman gustong maglangoy ngayon. Wala naman akong magawang iba kundi ang manood at makinig ng kanta.

Bumuntong hininga ako at uminom ng juice. Nakakatamad na sa lahat. Maraming gawain pero nakakatamad gawin. Ang dami kong gustong gawin pero tinatamad ako. Bumuntong hininga ulit ako at ginulo ang buhok. Damn.

Napapikit ako nang may basang tumama sa mukha ko. Tumawa si Kendra kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Rinig na dito ang pagbuntong hininga mo, cyst! Kung ano mang iniisip mo, itigil mo 'yan! Maligo ka na lang para gumaan pakiramdam mo! Dali!" sigaw ni Kendra at muli akong binasa.

Natawa na lang ako imbes na mainis. Umiling din ako kalaunan at ayaw talagang maligo. Masyado pating malamig. Hindi na rin naman ako pinilit at umahon na sila.

"Ang bilis ng panahon..." panimula ni Kendra.

"Parang dati lang, nagpakilala kami sayo. Tapos ngayon... malapit na tayong mag grade nine."

"Yeah..." sang-ayon ko.

Tumingin sa akin si Kendra at bahagyang tumaas ang gilid ng labi.

"Parang ang sungit mo noong pinuntahan ka namin sa kwarto mo," sabi nya.

Umirap ako at inalala iyon kahit sobrang tagal na rin.

Natakot lang talaga ako noong pumunta sila sa kwarto ko. Ako ang naging dahilan kung bakit kami umalis sa dating bahay namin. Masyadong napalapit sa kaibigang lalaki. Hindi ko na nga masyadong matandaan ang pangalan nya... Pero nasa akin pa rin iyung bracelet na ibinigay nya bago kami umalis. He was my first friend. At lalaki pa.

Tipid akong napangiti. Madalas ko lang alalahanin ang noon. Dahil wala namang mababago kung paulit-ulit kong balikan.

"Hindi naman ako masungit. Si Ishihara ang mukhang masungit noon. Nakakatakot kausapin," sinabi ko naman kaya nagtawanan kami.

"Sadyang ganyan lang 'yang babaeng iyan. At hindi siguro ako nyang kakausapin noon kung hindi ako ang unang magsasalita sa amin. Ang sungit at ang taray talaga," si Kendra.

"Sorry, 'no. Bakit parang kasalanan ko pa? Grabe, huh? Ayaw ko lang talaga sa mga tao. Simula noong magkaisip ako, gusto ko lang na mapag-isa kahit na madalas pa rin akong kinukulit ni Kendra." Ishi shrugged.

"Kailangan pa talagang mapilit para lang kausapin ako. Ang taray-taray! Pasalamat ka at maganda ka noon."

I smirked to myself. Palagi kong kinukumpara ang sarili ko kay Ishihara noon. At ngayon naman, madalas lang... Aaminin kong malaki ang inggit ko sa kanya noon but I realized... Para saan pa ang pagkukumpara ng sarili ko sa kanya? Para saan pa ang inggit ko? Wala rin namang patutunguhan at walang kwenta iyon dahil sinasaktan ko lang ang sarili ko. Mas lalo ko lang dina-down ang sarili ko.

"But I'm still curious, Janine. Malaki ba ang bahay nyo sa dating tinitirahan nyo?" tanong ni Kendra.

Tumango ako. "Oo."

Hindi ko alam kung bakit ganito ang topic namin. Kanina lang naman ay nag-uusap kami sa kung ano-ano.

"Malayo 'yon dito, 'no? Ang tanda ko ay sinabi ni Tita Mitch na two or three hours yata ang layo ng byahe papunta doon."

I shrugged. Hindi ko tanda at hindi ko alam. Basta ay matagal ang byahe noon.

"Pero kung malaki iyon at maganda rin naman, bakit kayo umalis?"

Iyon ang tanong na hindi ko masagot-sagot. Pagnagtatanong sila nan simula noon, hindi ko sinasagot at matagal na nang huling itanong iyon.

"I don't know..." because of me...

I bit my lips. Another lie. I am a fucking liar. Na kahit matagal ko na silang kaibigan, nagsisinungaling pa rin ako sa kanila. Na hindi ko pa rin kayang ipakita ang totoong sarili ko sa kanila. Kahit alam kong totoo sila sa akin. Kahit alam kong pamilya na ako sa kanila. Kahit na alam kong matatanggap naman nila ako. I really treat them as my friends... bestfriends. But I don't want to tell them everything. I trust them, but I can't tell my situation. Lagi kong sinasarili. I hope they understand.

"Hara, blue akin," biglang sabi ni Kendra.

Kumunot naman ang noo ni Ishi.

"Pinagsasabi mo?"

"Subukan mong paikliin iyon pagkatapos mong makita si Luke at iyang babae." Tumingin kami kung saan nakatingin si Kendra.

Kasama ni Luke 'yung babaeng kumausap sa akin sa rooftop. At ang mga kaibigan nung babae ay nasa katabi lang nilang lamesa kasama si Johann at Ken.

"Huh? What are you trying to say, Kendra? I don't get you," si Ishihara na nakatingin na kay Kendra at inirapan pa sina Luke.

Mahinang tumawa si Kendra. Nagjo-joke na naman ito at kami naman ay hindi sya ma-gets.

"Blue akin then make it short tas dagdagan mo ng 'ako'. Gets?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya ma-gets. Blue akin tapos ako? Shit, hindi ko talaga gets. O sadyang bobo lang talaga ang utak ko.

"Just shut up, Kendra. Naiinis ako sa nakikita ko," si Ishi na nakatingin na ulit kina Luke.

"Huwag mo kasing tignan para hindi ka mainis," sabi ko.

"Whatever."

"Hindi nyo gets?"

"Kendra," may babala sa boses ni Ishi st mukhang badtrip na talaga.

"Dyan! Sa reaksyon mo. Blue akin inshort blukin then add the 'ako'. Blukin ako!" Humagalpak ng tawa si Kendra sa sarili nyang joke.

"What?" malakas na tanong ni Ishi at mukhang hindi pa rin nage-gets ang joke ni Kendra.

Ako rin naman. Hindi ko pa rin gets. Blukin? Okay?

Tumatawa pa rin si Kendra at tumigil lang dahil hinampas ni Ishi ang braso nya.

"Ano nga? Ang ingay mo!" singhal ni Ishi at nilibot ang paningin.

Ngumuso ako at pinigilan ang matawa. Sa amin na naman nakatingin ang ibang estudyante. Naiingayan na siguro.

"Damn! I said blukin! It should be 'broken', right? Ala, ewan ko sa inyo! Joke 'to pero ba't ko pa in-eexplain? Hindi naman kayo natawa!" Sumimangot na si Kendra.

Natawa na ako nang tuluyan nang maintindihan ang joke nya. "Ang corny ng joke mo!" natatawa kong sabi.

"Corny at least natawa ka." Ngumuso sya.

"Lame," si Ishihara at umirap. Tumawa ako sa itsura ni Kendra.

"Ewan ko sa inyo! Bahala kayo!" Padabog na tumayo si Kendra at naglakad palabas ng cafeteria.

Nailing na lang ako.

"Tamo 'yon. Nagalit bigla," sabi ni Ishihara habang pinapanood namin si Kendra na mabilis na naglalakad.

Natawa ako nang mahina. Moody talaga.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

224K 2.9K 28
What if your bestfriend and your boyfriend betrayed you?
23K 1K 6
Tatlong taon bago ko ipaalam sa lahat kung bakit ako nag-aral sa ibang bansa sa kabila ng pagtutol ng aking pamilya. Hindi naman sa ayaw ko silang ma...
43.7K 2.9K 37
Leila Wilkins a fifteen year-old is an only child of her family. Hindi naman siya nagiging spoiled brat sa pagpalaki sa kanya, she never experienced...
71.6K 2.1K 111
Sandoval Trilogy #1: Defending Mr. Billionaire || R-18+ || COMPLETED When can we say that a person is worth defending? When he is already accused? Wh...